Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG ADMINISTRASYONG ESTRADA

(1998-2001)
Noong Mayo 1998, inilahal bilang PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS si JOSEPH “ERAP”
ESTRADA. Naging tanyag sa puso ng karamihan ang kanyang islogan na “ERAP PARA SA
MAHIRAP”. Hindi na nakabibigla, nakasentro ang kanyang pamantayang pang ekonomiya sa
pagsugpo ng kahirapan.

Sinimulan niya ang kanyang termino sa kasagsagan ng ASIAN FINANCIAL CRISIS. Nagmistula
itong malaking hamon sa administrasyong Estrada, bagama’t tila nasugpo na kahit kaunti ang
krisis sa mga karatig bansa ng Pilipinas sa Asia.

Ang dahilan ng administrasyon ay ang mga sumusunod: ang panahong maunlad at


pananakot ng implasyon ay kailangan ng pagbalanse ng mga badyet o mga suplay upang
maiwasan and mas matinding inflation.

Nabawasan ang unemployment rate mula 13.3% noong Abril 1998 sa 11.8% noong Abril
1999 dahil sa 1.6 milyong trabahong ibinigay; P416 bilyon ang mga nakolektang buwis noong
1998,P4 bilyong mas mataas sa lebel ng tax noong 1997.

MGA PAMANTAYAN SA KONTRA KAHIRAPAN

Upang maharap ang kahirapan, sinundan ng administrasyon ang isang makabuluhang


paglaki ng non-inflationary na pag- unlad at pagbibigay- halaga sa pamamagitan ng pagtuon sa
pagkapantay-pantay na direktang naglalayong bawasan ang kahirapan.

Tinanggal ni Pangulong Estrada ang mga taripa sa impormasyon ng mga kargamento,


makina, mga pataba at iba pang mga pangangailangan sa agrikultura na pahihintulutan ng
AGRICULTURE AND FISHERIES MODERNIZATION ACT.

Nagpagawa ang pamahalaan ng mga pangunahing lansangan at mga suplay ng tubig.


Pinasigla nito ang mga barangay, kung saan 77% sa mga ito ang binigyan ng kuryente.
Tinangkilik din ng pamahalaan ang mga natural gas fields upang mabawasan ang pagbili ng mga
imported oil.

Ang isa sa mahahalagang planong pamantayan para sa mahihirap ay ang reoryentasyon sa


kanilang mga hilig pagdating sa mga industriya, enterprises, at mga teknolohiya.
Para sa edukasyon, nagpatayo ang administrasyon ng isang libong mga bagong silid-aralin,
nagtatalaga ng daan- daang bagong desk, at mga pangangailangang lokal sa pakikiisa sa
pribadong sector na siyang nagbibigay- tulong sa mga mag-aaral na magkakaroon ng access ng
internet.

Sa kalusugan, nagpasimula ang administrasyon ng programang importation upang ibaba ang


mga presyo ng mga gamotsa pamilihan at maging kapaki- pakinabang sa mga mahirap.

Ipinagpilitan din ng administrasyon ang pagkakaeroon ng E-COMMERCE ACT na siyang


naglagay sa Pilipinas noong panahong iyon bilang bukod tanging bansa sa Asia na mayroong
ganoong batas.

Isinama na rin ang mga kuwartang kabayaran ng mga OF. Ang GROSS INTERNATIONAL
RESERVE ay umabot nan g pinakamataas na $15.44 bilyon noong Mayo 2000.

Naniniwala ang Pangulo na ang radikal na paglunas ang bukod- tanging paraan sa
modernisasyon ng ekonomiya, pisikal, at electronic na aspeto, upang mas maging produktibo,
mabilis at globally competitive ito. Hindi lamang agrikultura at industriya ang madadampian ng
modernisasyon pati na rin ang mga pag-iisip at kamay ng tao, upang ilagay ang bansa sa landas
ng information highway, na atin naming magiging koneksyon mula sa world’s knowledge- based
economics sa isang malawak na global network.

TRIVIA:

JOSEPH EJERCITO ESTRADA IS A FILIPINO POLITICIAN WHO SERVED AS THE 13th PRESIDENT OF THE
PHILIPPINES. AND 26th MAYOR OF THE CITY OF MANILA, THE COUNTRY’S CAPITAL, FROM 2013 TO
2019.
PAG-UULAT

SA

ARALING

PANLIPUNAN
IPINASA NI:

BALBIN, YANNA JOY


GUPALOR, ALIANAH MARIE

SEALEY, SHANNON GRAY

IPINASA KAY:

Bb. DIOSA COSE

You might also like