Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Marahil ay hindi na lingid sa kaalaman ng bawat isa ang salitang ROTC o Reserve

Officer Training Corps ay isang prominenting programa ng gobyerno. Para sa mga estudyante sa

sekondarya at kolehiyo. Naglalayon ito na sanayin sa pamamaraan ng military discipline and

skills. Ito man ay mandatoryong kunin ng mga estudyante, mayroon namang ibang hindi

pinapayagan sumailalim sa nasabing pagsasanay tulad ng mga mag- aaral na may pisikal na

kapansanan o di kaya ay nerikomenda ng doctor na hindi maaaring sumali. Ayon kay Jepoyo

(2017) sa taong 1992 ng unang pinatupad at gawing asignatura ang ROTC sa UP at taong 1935

ng gawin itong mandatory sa lahat ng kolehiyo at unibersidad. Ngunit sa taong 2002 ng tuluyan

itong binuwag dahil na rin sa pagkamatay ng isang kadete galing sa UST. Brutal na piñata

umano ang kadete dahil sa paglantad nito ng mga korapsyon sa pagsasanay sa ROTC sa UST ,

ngunit nito lamang ika -17 ng pebrero taong 2017 isang batas ang inindorso ni Pangulong

Duterte sa pagbuhay muli sa ROTC. Sa panukulang batas, isasailalim sa ROTC ang mga

estudyanteng Grade XI at Grade XII. Pero sabi ng Pangulo, Ang bubuhaying ROTC ay kakaiba

sa dating ROTC noon na batbat ng korupsyon. Ngayon, aniya ang bagong ROTC ay hindi

mamamantsahan ng korupsyon, walang hazing at sexual harassment. Nangako rin umano ang

Armed Force of the Philippines (AFD) na magkakaroon ng paghihigpit para maiwasan ang hindi

magandang pangyayari sa ROTC. Paghahandang Militar ng mga kabataan. Tungkulin ng

mamamayan ang maging handa sa lahat ng panahon upang ipagtanggol ang bansa. Ito ang bahagi
ng kurikulum ng paaralan. Ang mga kabataang hindi nag-aaral ay inaatasang magsanay sa

tanggapan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at sa pagpapatupad nito muli sa makabagong

henerasyon, mag mabibigay ito ng napakalaking pagbabago sa mga mag-aaral.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa negatibo at positibong

epekto nito sa akademikong pagganap ng mga estudyante na nasa ika-12 na baitang at

naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano-ano ang mga positibong epekto ng ROTC sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral sa grade 11 at grade 12?

b. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng ROTC sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral sa grade 11 at grade 12?

c. Ano-ano ang implikasyon nito sa pag-aaral ng mag-aaral sa grade 11 at grade 12?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay buong pusong naniniwala na ang pag-aaral na ito ay mahalaga.

Ito ay magsisilbing daan upang malaman ng bawat mag-aaral ang kahalagahan at epektong dulot

ng pagtatalagang muli sa ROTC. Epektong maaring makabuti o makasama sa ating bansa.

Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakapaloob sa pag-aaral na ito hindi lamang sa mga

mag-aaral ng makabagong henerasyon kundi pati na sa iba pang mananaliksik na nais


magkaroon ng payak na kaalaman o impormasyon ukol sa ROTC. Sa pamamagitan ng pag-aaral

na ito ay maari ring mahubog hindi lamang ang mga mag-aaral pati ang mga mananaliksik sa

epekto ng naturang programa.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa pananaw at kaalaman ng mga mag-

aaral sa Senior High School hingil sa epekto ng ROTC sa akademikong pagganap nito. Saklaw

nito ang mga estudyante na nasa ika-12 na baitang. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga

mag-aaral sa ika-12 na baitang sapagkat kabilang sila sa pag implementa muli sa programang ito.

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga para sa kasalukuyang panahon na magkaroon ng

pag-aaral na ganito upang masagot ang mga katanungan at makapagbigay ng sapat na

impormasyon.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas maging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa. Minarapat

ng mga mananaliksik na bigyan ng depenisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa

kung paano ginagamit ang bawat isa sa pamanahog papel.

Reserve Officer Training Corps (ROTC). isang pagsasanay sa mga estudyanteng mag-aaral sa

kolehiyo, unibersidad at mga institusyon sa militayang paraan. Ang akademikong pagganap ay

sinusukat sa pamamagitan ng huling marka na nakuha sa kurso.


Military Discipline. tumutukoy sa pagsasanay na bubuo ng sariling kontrol,karakter, at

kahusayan at bilang resulta ng naturang pagsasanay.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Marami ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng salitang ROTC. Isa itong

programa ng gobyerno noon na tinalaga sa mga paaralan. Ngunit, noong 2001 ay itinigil ito dahil

sa likod ng programang ito ay may mga pangyayaring hindi ka nais-nais. Ayon kay Lee (2016),

binuwag ang ROTC noong 2001. Makaraang patayin ang ROTC Cadet officer na si Mark

Welson Chua ng UST. Pawang mga kasamahan ni chua at ibang army officer ang nasa likod ng

pagpatay. Ibinulgar ni Chua ang corruption sa UST- ROTC. Pinatay si chua saka ibinalot ng

carpet at itinapon sa pasig river. Nahuli ang mga pumatay at nahatulan ng habang buhay na

pagkabilango. Ang kaso ang naging dahilan para tuluyang buwagin ang ROTC. Ang biolenteng

mga pangyayari noon ay isa rin sa mga hadlang para hind imaging mandatory ulit ang ROTC.

Ang programang ito ay matagal ng binatikos dahil sa mga akusa at biolenting ginawang laban sa

students cadets. Ayon kay Pinol (2017) Inaprobahan ng bagong pangulo ang pagbalik ng Reserve

Officer Training Corps. Sinali rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag presenta ng mga

dokumento ukol sa RA 7077 o “Citizen Armed Forces of The Philippines Reservist Act” para

maging mandatory ang ROTC. Bago paman ito inaprobahan ni Pangulong Rodrigo duterte ay

may mga pagpupulong muna sa cabinete, malalim na pagsusuri at pag uusap. Sa pamamagitan ng

programang rotc, ay may potential muli ang mga kabataang Pilipino na dipensahan at bigyang

securidad ang ating bansa. Ayon din kay Mendez (2016), Ang isa sa dahilan ng pagbuhay ng

ROTC ay muling umusbong dahil sa nakikitang tension sa regional territorial disputes sa West

Philippine Sea kung saan inaangkin ito ng bansang china. At kung maging mandatory ang ROTC
sa mga estudyante na nasa grade XI at grade XII ay maihahanda ang mga ito bilang officers na

maaring tawagin agad-agad para maipagtangol ang bansa sa sinumang mananakop. Nakita rin

ang kahalagahan ng ROTC ng nakaraang manalasa ang super typhoon Yolanda sa Visayas

Region kung saan maraming namatay at nasirang ari-arian. Makakatulong umano ang ROTC

Cadets sa pagliligtas at pagdala ng relief goods sa mga biktima sa kalamidad. Ayon naman kay

Padilla (2017) “If the youth will understand the reason of the training, they will learn many skills

such as basic life support, first aid training, basic self defense, combat preparations, survival

skills and others.” Sa kabuuan, makikita natin na hindi lang ang bansa natin ang makaka

benipisyo kundi tayo rin ay maraming matutunan hindi lang sa pag depensa kundi ang pag

dedesiplina sa ating sarili.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG MANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptibanaliktik

na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na itoang

epektong ROTC sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Grade 11 at Grade 12.

MGA RESPONDENTE

Ang mga pinipiling respondent sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral at mga guro ng ika-

labing isang baiting sa kasalukuyang semester ng Libertad National High School. Ang mga

respondente ay mayroong dalawang grupo: sampu (10) ay mga mag-aaral sa pangkat Newton,

sampu (10) ay mga mag-aaral sa pangkat Napier, sampu (10) ay mga mag-aaral sa pangkat

Nobel, sampu (10) ay mga mag-aaral sa pangkat Nash at sampu (10) ay mga mag- aaral mula sa

pangkat McGregor. Gumamit din ang mga mananaliksik ng random sampling upang magkaroon

ng pantay na representasyon ang bawat grupo.

INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito’y isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananaliksik

ay naghanda ng sabey-kwestyoner upang malaman ang epekto ng ROTC sa akademikong


pagganap ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang. Upang lalong madagdagan ang kaalaman ng

mga mananaliksik ay nag-interbyu sila ng isang dalubhasa tungkol sa nasabing paksa ng

pamanahong- papel. Para sa lalong pagpapabuti ngpag-aaral ay minabuti rin ng mga

mananaliksik na mangalap ng impormasyon sa iba’t ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga

libro, journal, pahayagan at iba pa.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi

kinakailangan ng mataas na digri ng istatistiks, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang

mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagta- tally at pagkuha

ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik.


KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Grap 1

Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Positibong Epekto ng ROTC sa Pang

Akademikong Pagganap

25

20

15

10 Bilang ng mag-aaral

0
A. Tataas ang B. Aktibo sa C. Tatalas ang D. Iba pang
Grado Klase pag-iisip Sagot

Sa limampung (50) respondente, pito (7) ang nagsabing tataas ang grado. Dalawampu

(20) naman ang nagsabing aktibo sa klase. Dalawamampu’t isa (21) ang nagsabing tatalas

ang pag-iisip. Bukod pa rito mayroong limang (5) ang mayroong dagdag na sagot.
Grap 2

Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Positibong Epekto ng ROTC sa Sarili

40
35
30
25
20
15
Bilang ng mag-aaral
10
5
0
A. Disiplina B. Self- C. Maganda D. Iba pang
sa Sarili defense at Malusog sagot
amg Katawan

Ipinapakita ng grap 2 na mayroong tatlumpu’t walo (38) na nag sabing nagdudulot ito ng

disiplina sa sarili. Walo (8) na respondente na nagsabing nagbibigay ng kaalaman sa self

defense. Mayroon namang tatlo (3) ang nagdudulot ito ng maganda at malusog na

pangangatawan. At isa (1) ang nagbigay ng iba pang sagot.

Grap 3

Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Negatibong Epekto ng ROTC sa Pang

Akademikong Pagganap
A. Liliban sa Klase (31%)

B. Babaha ang Marka


(28%)
C. Matamlay sa Klase
(31%)
D. Iba pang Sagot (10%)

Sa limampung (50) respondente ay mayroong labinganim (16) respondente na ang sabi na

makaliban sila sa klase. Labingapat (14) naman ang nagsabing bababa ang marka at

labinganim (16) ang nagsabing matamlay sa klase. Nabigay naman ang limang (5)

respondente ng ibang sagot.

Grap 4

Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Negatibong Epekto ng ROTC sa Sarili


16
14
12
10
8
6
4
2
0
A. Yayabang B. Magkakasakit C. Trauma sa D. Iba pang Sagot
sa Sobrang Pagod Mahigpit na
Pagsasanay
Bilang ng Mag-aaral

Ipinapakita sa grap 4 na sa limampung (50) respondente mayroong labingtatlo (13)

yayabang sila. Labinganim (16) na nagsabing na sila ay magkakasakit sa sobrang at

labingtatlo (13) na nagsabing maaring magdulot ng trauma sa higpit na pagsasanay. Lima

(5) naman ang nagbigay ng ibang sagot.

Grap 4

Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Implikasyon ng ROTC sa Akademikong

Pagganap
30
25
20
15
10
5
0
A. Dagdag na B. Kamalayan C. Gabay sa D. Iba pang
kaalaman sa sa mga Kasalukuyang Sagot
ROTC Problema sa Pag-aaral Bilang ng Mag-aaral
Bansa

Sa limampung (50) respondente ay mayroong dalawampu’t walong (28) nagsabing

madadagdagan ang kaalaman sa ROTC. Labinglimang (16) nagsabing magkakaroon ng

kamalayan sa mga problema ng bansa at sampu (10) ang nagsabing magbibigay ng gabay

sa kasalukuyang pag-aaral.

Grap 5

Kaalaman ng mga Respondente Hinggil sa Implikasyon ng ROTC sa Sarili


30
25
20
15
10
5
0
A. Handa sa B. Disiplinado sa C. PagpapatibayD. Iba pang sagot
Mabigat na Pang- Pag-aaral sa Programa ng
akademikong ROTC
Gawain
Bilang ng Mag-aaral

Ipinapakita sa grap 5 na sa limampu (50) respondente mayroong labingdalawa (12) na

nagsabing magiging handa sa mabibigat na pang-akademikong gawain. Tatlumpong (30)

nagsabi na magiging disiplinado sa pag-aaral at labingtatlo (13) na nagsabing

pagpapatibayin ang programang ROTCDisipilinado sa Pag-aaral.


KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin, pananaw at

kaalaman ng mga estudyanteng Grade 12 Senior High ng Mataas na Paaralang Pang Agham ng

Muntinlupa hinggil sa akreditasyon. Gamit ang disenyong descriptib analiktik, ang mga

mananaliksik ay nag disenyo ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa limampung (50)

respondente.

Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos ng mga mananaliksik ay humantong sa sumusunod na

konklusyon:

a. Ang positibong epekto ng ROTC sa mga mag-aaral ay tumutulong sa mga tao na

madisiplina ang bawat isa at pagbuo sa sarili.

b. Sa pag implementa ng ROTC ay mas mapagmahal sa bansa at pagsunod ng mga

patakaran at regulasyon.

c. Ang ROTC ay isang napakalaking tulong sa sarili hindi lamang sa sarili pati narin sa

ibang tao lalong-lalo na sa bansa.


d. Ang ROTC ay mayroong negatibong epekto maari ang estudyante ay ma-bully at

mayroong mangyayaring hindi kanais-nais katulad ng korupsyon at hazing.

e. Malaki ang tulong ng ROTC kung maging kabilang, lalong-lalo na pag ikaw ay

graduate, maaring tataas ang ranggo

Rekomendasyon

Kaugnay ng konklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inerekomenda ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga commanders ng ROTC, dapat sundin ang guidelines na inihanda para sa

mga estudyante ng ROTC para maiwasan ang bullying at sexual harassment.

b. Para sa mga mag-aaral, sundin ang mga patakaran at alituntunin para maiwasan ang

maaring gawin pag sumuway.

c. Para sa implementor, dapat maiwasan ang korupsyon ipang hindi maulit ang nangyari

noon.
LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Barbor, Eddie R. (2001). The Human Person: Not Real But Existing. (np) Jepoyo. (2017). ROTC

Buhay na naman! http://www.phlistar.com//

Lee, Joshua. (2016) www.uprotc.org./about/ra-9163.htm/. Publication of the Foundation for

Crime.

Mendez, Mariz. (2009). Educational Profile of the Philippines and Best Practices in Filipino Schools and

Classrooms. http://www.unc.edu/world/2009k12Symp/Pres&HOS/Florido_Handovvt7.pdf/ …

Padilla, Emil. (2017). ROTC Effects. Manila. Dec. 9-11, 2008. Visconde, Camilla J. 2009 November.

Volume 1Issue 3. Attitude of Student Teacher towards ROTC.

Pinol, Fred. (2017). Cadet military. Massachussets. Newury House Publisher. Glanz, Jeffrey. 2009.

Teaching 101: Classroom Strategies for Beginning Teacher, 2nd Edition. 56-57. California. Corwin A Sage

Company. Hamers, J. & Blanc, M. 2009. Bilinguality and Bilingualism. Cambridge, U.K.: Cambridge

University.

Swee-Hin, TOH and V.F. Cawagos. (1990). Peaceful Theory and Practice Values Education.

Quezon City: Phoenix Press, Inc.

You might also like