Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LESSON: KLIMA AT PANAHON

Layunin:

 Malalaman ang kahulugan ng klima at panahon


 Matutukoy ang pagkakaiba ng klima at panahon
 Mahihinuha ang kahalagahan ng pagprotekta sa kalikasan.

DRRM Integration: Community – Pagreserba ng Kapaligiran

Paghahambing

Sa tulong ng Venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Klima at Panahon.

Ano ang klima (climate)?

 Pangkalahatang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa loob ng


ilang buwan o mahaba-habang panahon.

Ano ang pangkalahatang klima ng Pilipinas?

 Tag-araw – mula Nobyembre hanggang Mayo


 Tag-ulan – mula Hunyo hanggang Oktubre

Iba’t-ibang direksyon ang ihip ng hangin sa Pilipinas:

 Hanging Habagat (Southwest Monsoon) – nanggagaling sa timog kanluran na


nagdadala ng ulan at bagyo
 Hanging Amihan (Northeast Monsoon) – malamig na hangin mula sa hilagang silangan
(Siberia at Tsina).

Paano nakaaapekto ang klima ng Cebu sa pamumuhay ng Cebuanos?


Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng
kabuhayan ng mga Cebuanos?

Ano ang panahon o kalagayan ng panahon (weather)?

ang paglalarawan sa kalagayan at katangiang pangkalikasan sa


isang pook, sa isang takdang oras, na maaaring magbago kagaya
ng:

> katuyuan > kainitan


> kalamigan > kabasaan
> katahimikan > pagka-maaraw
>pagkamahangin
>pagiging maulan

Ano ang Climate Change?

 ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na


nagpapainit sa mundo.

Sanhi ng Climate Change:


1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na
panahon.
 Sama-samang pekto ng enerhiya mula sa araw
 Pag-ikot ng mundo
 Init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperature o init sa hangin.

2. Mga Gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases (GHGs)
 Pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasoline
 Ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin
 Pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane.

Isulat ang inyong personal na karanasan sa mga sumusunod na panahon :

1. matinding init _____________________________________________________________

2. tagtuyo _____________________________________________________________

3. bagyo _____________________________________________________________
Gawain: Naramdaman Mo, Isulat Mo!

Batay sa pinanood na video clips, ano sa tingin mo ang dapat mong gawin sa panahon ng mga
sumusunod na kalamidad.

KALAMIDAD BAGO DUMATING SA KASAGSSAGAN PAGKATAPOS

1. Bagyo

2. Landslide

3. Lindol

4. Baha
Gawain: Reflection Journal

Nasa ibaba ang larawan na nagpapakita ng mga kalamidad na nararanasan ng mga Pilipino. Isipin
mong nanirahan ka sa mga lugar na ito. Gumawa ng refelection journal at isulat doon ang iyong
damdamin.

Gabay Tanong:

 .Ano ang naramdaman mo sa iyong napanood?

 Ano-ano ang mga kalamidad na nararanasan ng mga Pilipino sa kasalukuyan? Bakit kaya
ito nangyayari?

 Sa papaanong paraan ninyo mapapangalagaan ang ating kalikasan? Magbigay ng mga


halimbawa.

You might also like