Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Unang Markahang Pagsusulit

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


HOME ECONOMICS
SY 2019-2020
Pangalan:________________________________ Petsa:_________________________
Baitang at Pangkat:________________________ Guro:_________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Maalaga sa sarili si Ron, alin sa sumusunod ang hindi niya dapat gawin?
A. Pagkain ng balanced diet.
B. Pag-iwas sa pagkain ng junk foods.
C. Paglalaro at pag-eehersisyo.
D. Pagtulog ng limang oras sa loob ng isang araw.

2. Mahina ang resistensya ni Gab dahilan ng palagiang pagkakasakit at pagliban sa klase. Sa iyong
palagay alin sa mga sumusunod ang marapat na gawin niya upang hindi maging sakitin?
A. Kumain ng mga paboritong pagkain sa fastfood restaurant.
B. Maglaro siya ng isang buong araw upang siya ay lumakas.
C. Araw-araw kumain ng mga sariwang prutas at gulay.
D. Matulog ng anim na oras sa loob ng isang araw.

3. Tatlong beses magsipilyo ng ngipin sa isang araw si Zia upang mapanatiling matibay ang
kaniyang mga ngipin at mabango ang hininga. Alin sa sumusunod ang ginagamit niya?
A. nailcutter, pulbos at suklay C. shampoo, bimpo at sabon
B. sipilyo, toothpaste at mouthwash D. tuwalya, lotion, hair dryer

4. Bago pumasok sa paaralan araw-araw naliligo si Kate. Alin sa sumusunod ang maaaring gamitin
niya sa paliligo upang mas maging malinis at mabango?
A. nailcutter, pulbos at suklay C. shampoo, bimpo at sabon
B. sipilyo, toothpaste at mouthwash D. tuwalya, lotion at hair dryer

5. Sa araw-araw na paliligo ni Kath gumagamit siya ng bimpo, sabon at shampoo. Sa iyong palagay
bakit siya gumagamit ng shampoo sa paliligo?
A. upang malinis at mabango ang amoy ng katawan
B. upang matuyo ang buong katawan
C. upang magkaroon ng kaaya-ayang amoy sa buhok
D. upang maalis ang libag sa buong katawan

6. Alin sa mga sumusunod ang wastong gamit ng bimpo?


A. Ginagamit ito upang matuyo ang buong katawan.
B. Ginagamit ito upang linisin at tumibay ang kaniyang ngipin.
C. Ginagamit ito bilang pamutol ng kuko.
D. Ginagamit ito bilang pang-alis ng libag sa katawan.

7. Sa paaralan iniingatan ni Maricel na hindi marumihan ang kaniyang uniporme. Ano ang maaari
niyang gawin upang mapanatiling malinis ang kaniyang uniporme?
A. sinisigurado niyang malinis ang uupuan
B. inaayos niya ang pleats bago umupo
C. hinahayaang niyang tastas ang palda
D. ginagamit niyang panlaro ang uniporme

8. Upang maingatan natin ang ating mga kasuotan iba-iba ang ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang tumutugon dito?
A. Nilalabhan kaagad ni Jake ang namantsahang damit.
B. Tinatahi kaagad ni Mae ang natastas na laylayan ng kaniyang palda.
C. Iniingatan ni Jasper ang kaniyang uniporme upang hindi marumihan.
D. Nagpapalit ng damit si Irah pagkagaling sa paaralan bago siya maglaro.

9. Sa tuwing magtatahi ng tastas na palda si Lyn ay lagi niyang hinahanap ang karayom at
nahihirapan siyang makita ito sa loob ng sewing box. Ano sa iyong palagay ang dapat niyang
gawin?
A. Itusok ang karayom sa emery bag upang madali itong makita.
B. Itusok ang karayom sa pin cushion upang madali itong makita.
C. Itusok ang karayom sa sinulid upang madali itong makita.
D. Itusok ang karayom sa didal upang madali itong makita.

10. Alin sa sumusunod na mga kagamitan sa pananahi sa kamay ang dapat gamitin ni Mela upang
hindi siya mahirapan hanapin ang karayom at aspile sa sewing box?
A. didal B. pin cushion C. emery bag D. gunting

11. Ang paglalagay ng butones sa uniporme ay simple at madaling gawain na natutunan natin sa
paaralan. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagkakabit ng butones?
1. Ikut-ikutin ang sinulid sa ilalim ng butones upang ito ay magkaroon ng leeg.
2. Ibuhol ang sinulid nang dalawang ulit sa kabaligtaran.
3. Lagyan ng marka ang lugar na pagkakabitan ng butones
4. Itusok at ilabas ang karayom sa butones ng paulit-ulit.
A. 4, 3, 2, 1 B. 3, 4, 1, 2 C. 3, 2, 1, 4 D. 1, 2, 3, 4

12. Maiingatan ni Jay ang kaniyang mga damit kung:


A. Inilalagay niya sa cabinet ng hindi tinitiklop ang mga damit.
B. Natutulog siyang suot pa rin ang damit pangsimba.
C. Nilalabhan niya ang damit na ginamit sa party matapos ang isang buwan.
D. Itinatabi niya ang malilinis na damit sa cabinet nang maayos.

13. Ano ang dahilan kung bakit kailangan ni Yna na panatilihin ang kaniyang wastong tindig?
A. upang dumami ang kaibigan niya C.upang sumikat sa paaralan
B. upang magandang tingnan D.upang tingalain siya ng iba

14. Alin sa sumusunod maliban sa isa ang nagpapanatili ng magandang tindig at malusog na
pangangatawan?
A. Kumain ng masustansiyang pagkain. C. Pagtulog ng limang oras.
B. Mag-ehersisyo ng regular. D. Umupo at tumayo ng tuwid.

15. Sa iyong palagay sino sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong tindig o pag-upo?
A. Hukot ang likod ni Coleen habang naglalaro.
B. Nakalapat sa sandalan ang likod ni Jake habang nakaupo.
C. Matikas at deretso ang likod na lumalakad si Joel
D. Tuwid ang balikat kung lumakad si Liam.

16. Nais ng bawat pamilya ang masaya at maunlad na pamumuhay. Alin sa sumusunod ang dapat
maging katangian ng bawat pamilya?
A. maunawain B. magalang C. mapagparaya D. lahat ng nabanggit

17. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging mabuting anak at kapatid?
A. paggalang sa bawat kasapi ng kanilang pamilya
B. pagganap sa mga nakaatang na tungkulin sa tahanan
C. pagtanggi sa mga gawaing bahay na iniatang
D. pagsunod sa mga utos ng kaniyang mga magulang

18. Mabuting bata si Boyet kaya’t kinagigililiwan siya ng bawat miyembro ng pamilya. Alin sa
sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Tumutulong siya sa pag-aalaga sa kaniyang nakababatang kapatid.
B. Gumagamit siya ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
C. Ginagawa niya ng buong sipag ang mga gawain na ibinigay sa kaniya.
D. Ang lahat ng nabanggit ay nagpapakita ng pagiging mabuti.

19. Natutunan ni Anika at Andrew ang mga wastong paraan ng pangangalaga sa kanilang lolo mula
sa paaralan kaya’t tuwang tuwa ang kanilang nanay at pareho silang maaasahan. Alin sa
sumusunod maliban sa isa ang tamang ginagawa nila sa pag-aalaga ng kanilang lolo?
A. nililinis nila ang silid ng kanilang lolo C. pinagkakatuwaan nila ang kanilang lolo
B. ipinapasyal nila ito paminsan-minsan D. nakikipag-usap sila ng magalang

20. May sakit at mahina na ang lolo ni Juan. Ano sa iyong palagay ang dapat gawin ni Juan upang
mapasaya man lang ang kaniyang lolo.
A. bisitahin sa loob ng silid at dalhan ng makakain
B. huwag pansinin at hayaan lang sa loob ng silid
C. sigawan at utusan ang lolo upang hindi maging pabigat
D. gawing katatawanan ang kaniyang lolo

21. Makikita sa pamilya ni Mang Ramon at Aling Nita ang pagtutulungan. Alin sa mga pangungusap
ang nagpapatunay nito?
A. umaalis ng bahay ng walang paalam upang makaiwas sa gawain
B. padabog na sumusunod sa mga utos ng mga magulang
C. ipinapasa sa nakababatang kapatid ang nakaatang na gawain
D. masayang nakikipagtulungan sa paglilinis ng bahay

22. Araw ng Sabado ngunit maaga at masiglang gumising si Lionel. Ano ang maaari niyang gawin
upang makatulong sa tahanan ng may paggalang at pag-iingat?
A. Magiliw na tumulong sa mga kapatid sa gawaing bahay.
B. Malugod na tulungan ang kaniyang ama sa pagkukumpuni ng mga sirang kagamitin.
C. Kusang magwalis ng bakuran at magdilig ng mga halaman dito.
D. Lahat ng nabanggit ay maaari niyang gawin upang maipakita ang pagtulong ng may pag-iingat
at paggalang.

23. Naiwan sa bahay ang magkapatid na sina Erold at Earl. Habang naglilinis ng bahay dumating ang
kanilang lolo at lola. Alin sa sumusunod maliban sa isa ang maaari nilang gawin?
A. magkunwaring walang tao sa bahay C. pagbuksan ng pinto at patuluyin
B. magmano bilang paggalang D. alokin ng maiinom at makakain

24. Nagsosolo si Nena sa kanilang bahay at may dumating na bisita na hindi niya kilala. Ano ang
maaari niyang gawin?
A. ipakilala sa kasapi ng pamilya C. iwanang mag-isa sa sala ang bisita
B. maging maingat at kilalanin ang bisita D. paalisin ang bisitang hindi kakilala

25. Dumating sa inyong bahay ang iyong guro upang ipagpaalam ka sa iyong mga magulang na
dadalo sa isang symposium para sa kabataan. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos mong
patuluyin siya sa inyong bahay?
A. Ipakilala ang iyong guro sa ibang kasapi ng iyong pamilya.
B. Sabihin na sa ibang araw na lang pumunta at may ginagawa ka pa.
C. Sabihin na umalis na lang at sa ibang araw na lang bumalik.
D. Ihatid siya sa pinto o sa labas dahil ayaw mo ng may bisita.

26. Alin sa sumusunod ang ginagamit natin sa pagpapakintab ng sahig?


A. timba, bleach at suka C. vacuum cleaner at pandakot
B. walis ting-ting at tambo D. floor polisher, floor wax at bunot
27. Matapos magwalis, maglampaso at patuyuin ni Kiko ang sahig nilagyan niya ito ng ___________
bilang pantulong na kagamitan upang mapakintab ang sahig bago niya ito bunutin.
A. floor wax B. mop C. bunot D. pandakot

28. Kasiya-siyang gawain ang paglilinis ng bahay para kay Mina. Alin sa sumusunod ang hindi wasto
ang paraan ng kaniyang paglilinis?
A. Nilalampaso niya ang sahig matapos walisan.
B. Pinunasan niya ang mga kasangkapan mula sa itaas pababa
C. Binunot niya ang sahig habang basa pa ang floor wax na inilagay.
D. Dahan-dahan niyang winawalis ang alikabok upang hindi malipad.

29. Natapos ang cooking contest sa inyong paaralan at nakita mo ang mga balat ng mga gulay na
nasa basurahan. Ano ang iyong dapat gawin sa mga balat ng gulay?
A. hintayin ang trak itapon ang basura C. sunugin upang makabawas sa basura
B. ipaanod sa ilog upang hindi bumaho D. ibaon sa lupa upang maging pataba

30. Alin sa sumusunod ang dapat tandaan ni Selina upang maging ligtas habang naglilinis gamit ang
mga de-kuryenteng kagamitan sa paglilinis?
A. Tiyaking tuyo ang kamay bago isaksak at bunutin ang plug sa outlet.
B. Paglaruan ang kagamitan at magsayang ng kuryente.
C. Hintayin ang nanay na bunutin ang plug sa outlet.
D. Isaksak ang kagamitan kahit hindi gagamitin.

31. Maingat si Leon sa paglilinis ng kanilang bahay. Sa iyong palagay bakit dapat nating sundin ang
pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran?
A. upang makapaglaro agad C. upang maging ligtas sa ginagawa
B. upang makaiwas sa ibang gawain D. upang mapalapit sa sakuna

32. Kasiya-siyang gumaganap ng tungkulin si Anna sa kanilang bahay. Alin sa sumusunod maliban
sa isa ang tumutugon dito sa ugali ni Anna?
A. sumusunod ng may paggalang C. sumusuway sa mga iniuutos sa kaniya
B. tumutulong ng bukal sa kalooban D. masayang ginagampanan ang tungkulin

33. Araw-araw bago pumasok sa paaralan si Ginno ay kumakain ng pagkain na nagbibigay sa kaniya
ng enerhiya upang simulan ang kaniyang araw. Alin sa sumusunod na pangkat ng pagkain ang
tumutulong sa kanya upang lumakas?
A. keso, isda, itlog at tocino C. ampalaya, talong at sigarilyas
B. kangkong, petsay at mustasa D. kutsinta, pandesal at kanin

34. Pinanatili ni Eman ang malusog na pangngatawan. Kumakain siya ng balanseng pagkain. Alin sa
sumusunod na pangkat ng pagkain ang mayaman sa protina at tumutulong sa kaniya upang
lumaki?
A. Glow Foods B. Go Foods C. Grow Foods D. Food Pyramid

35. Maalagang ina si Aling Lita. Alin sa sumusunod ang ginagamit niya upang maging gabay sa
pagpaplano at pagpili ng masustansiyang pagkaing ihahain para sa pamilya.
A. Recipe Book B. Food Pyramid Guide C. Rubrics D. Menu

36. Ayon sa Food Pyramid Guide anong uri ng mga pagkain ang pinakamarami na dapat nating kainin
sa buong araw?
A. isda at itlog B. gulay at prutas C. hotdog at tocino D. tinapay at kanin

37. Ang maayos at kaaya-ayang pagdudulot ng pagkain ay mahalaga upang ganahan ang bawat
miyembro ng pamilya. Alin sa sumusunod maliban sa isa ang dapat isagawa ni Darlene sa
pagdudulot ng pagkain?
A. Hayaang langawin ang pagkain.
B. Ihanda ang pitsel ng tubig sa mesa.
C. Maglagay ng plato sa tapat ng bawat kakain.
D. Maglagay ng prutas at bulalak sa mesa.

38. Sa hapag-kainan marapat na ipakita rin natin ang wastong asal at gawi. Alin sa sumusunod ang
wastong paraan ng paggamit ng mga kubyertos?
A. Gamit ang kutsara higupin ang sabaw ng walang ingay.
B. Gamitin ang dulo ng kutsara kung hihigop ng sabaw.
C. Ilagay sa mesa ang kubyertos kung tapos kumain.
D. Magsubo ng pagkain na punong-puno ang kutsara.

39. Alin sa sumusunod ang wastong pagkakasunod-sunod ng wastong paghuhugas ng pinagkainan.


A. baso, kubyertos, pinggan C. baso, pinggan, kubyertos
B. baso, kawali, pinggan D. baso , kawali, kubyertos

40. Isa sa mga nakatakdang gawain ni Jake bago pumasok sa paaralan ay ang magligpit ng
pinagkainan. Ano ang tamang pagsusunod-sunod ng gawaing ito?
1. Ilagay sa dishrack at hayaang tumulo.
2. Banlawang mabuti upang maalis ang bula.
3. Sabunin ang mga kasangkapan.
4. Patuyuin gamit ang malinis na basahan at itabi.
5. Tanggalin ang mga tira-tirang pagkain at banlawan.
A. 5, 3, 2, 4,1 B. 5, 3, 2, 1, 4 C. 5, 2, 3, 1, 4 D. 5, 1, 2, 4, 3

You might also like