Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa pagmulat ng aking mga mata

Dating Pilipinas ang bumungad sa aking diwa


Tantya ko'y napunta ako sa dekada otsenta o nobenta
Mga Pilipino'y masayang nakikipagkwentuha't biruan sa kanilang pamilya
Ang iba'y abala sa pagsusulat upang maipadala
Ibang binata'y sa mga dalaga nanghaharana
At mga bata'y naghahabulan, nagtataguan, di batid ang init ng araw makapaglaro
lamang

Ako'y napangiti, namangha sa namasdan, umaasang sana'y ganyan ang ating


bansa sa kasalukuyan
Ngunit agad ding napailing, sinabi sa sarili na malabo na ang bagay na iyan
Sa muling pagbukas ng aking mga mata, nagbabaka sakaling ang dating Pilipinas
ang muling makita
Kirot sa puso ang nadama nang mapagtantong realidad nanaman ang aking
makakasama
Hindi na dekada nobenta dahil ito na ang panahong ramdam mong mag- isa ka

Pag-uwi galing eskwela, dati'y yakap ang salubong ng aking ina


Kasabay ang halik sa noo na bigay ng aking ama
Biruan sa sala kasama sina ate at kuya
Bilin at kamustahan ng buong pamilya habang kumakain sa kusina
Tawanan ang bumalot sa tahanan hinihiling na sana'y hindi magwakas ang sayang
aking nararamdaman kasama ang pamilya na pag-uusap lang sama sama ang
munting dahilan ng aming kaligayahan

Ngunit sa pagdaan ng mga araw at buwan


Batid ko'y nawala ang dating sigla ng aking pamilya
Dahil pag-uwi ko galing eskwela, nawala ang mainit na yakap na salubong ng aking
ina, ang halik sa noo ng aking ama,
wala ng nakaabang na asaran nina ate at kuya,
na minsa'y mag-isa akong kumain sa kusina,
na ang dating tahanan na nabalot ng tawanan at kamustahan ay nagmistulang
gadyet na nag shutdown
Tuluyan akong nakaramdam ng kalungkutan
Habang pinagmamasdan ang aking mga mahal sa buhay na madalang ng
makipagkwentuhan dahil abala sa gadyet na hinahawakan
Ang aming ilaw ng tahanan, dati'y sandok at kalan lang ang nasa harapan ngayo'y
kasama na ang cellphone sa pagluluto ng hapunan dahil mga bagong sangkap ng
mga pagkain ang pinagkakaabalahan
Si itay nama'y abala sa pakikipagkamustahan sa dating mga barkada, pangiti ngiti sa
gadyet na dala na akala mo'y binata, na ang dating paghalik sa noo ko'y nakalimutan
na
Si ate nama'y hindi makagalaw ng hindi bitbit ang gadyet niya saan man magpunta'y
ito ang dala, ni minsa'y hindi niya na 'ko mapansin pa at aaminin ko namimiss ko na
ang asaran naming dalawa
Ang inaasahan kong kuya, naaliw na sa mga bagong laro katulad ng LOL, ROS, ML
at Dota, kadalasa'y inaabot na ng madaling araw at sa labas na nakatambay, hindi
na sa sala na dati naming tambayan kasama si ate na walang tigil sa biruan

Lumipas ang mga araw na sandali lamang ang usapa't pansinan


Ako'y walang makausap, mapagsabihan ng nararamdaman, ni walang yakap at halik
na galing sa aking mga magulang
Walang "Kamusta" walang tanong na "Ayos ka lang ba anak?" na galing sakanila
Hindi na makausap sa eskwela dahil nasanay na akong mag-isa
Mag-isang harapin ang problema, mag-isang damdamin ang kalungkutang
nararamdaman dahil walang mapagsabihan
Nasanay sa tunog ng katahimikan

Uuwi sa tahanan, dadatnan ang mga nakayukong ulo nina ate't kuya, tutok sa
gadyet na hawak nila
Hindi napansin ang luhang lumandas sa aking mga mata
Mga gadyet ay ginawa para sa pakikipag komunikasyon
Subalit bakit? Bakit iyon ang nawala sa aming pamilya?
Bakit nawala ang pangangamusta, tawanan at kwentuhan na nakasanayan?
Aaminin ko'y malaki ang tulong ng mga gadyets sa ating panahon
Mas napapadali ang pakikipagkomunikasyon
Ngunit kailangang maging mapanuri at malaman ang limitasyon
Dahil hindi natin napapansin may mga taong nangangailangan ng ating atensyon
Patuloy akong umaasa na babalik pa ang dating sigla ng aming pamilya
Mga panahong makapag usap at kwentuhan lang ay ayos na
Panahong mas gusto pa akong kasama ng aking pamilya kaysa sa gadyets nila
Panahong ramdam ko pang ako'y may kasama at hindi nag-iisa
Panahong may disiplina pa ang bawat isa sa paggamit ng makabagong teknolohiya
Panahong parang isang dekada nobenta
Panahong ang mga gadyets ay hindi pa miyembro ng pamilya

You might also like