Palabaybayang Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Palabaybayang Filipino

A. Panimula

Ang ponolohiya ng Pilipino ay binubuo ng 21 ponema.16 na katinig at 5 patinig

Ang katinig ay sa halip na 15 ay nagiging 16 dahil sa glottal na pasara sa impit na tunog


na bagamat isang ponema ay hindi binibigyan ng katumbas na letra sa ating
palabaybayan. Sa halip ay inirereprisinta ito ng gitling at tuldik ng paiwa. Tulad ng
wikang Kastila at Ingles, mga simbolong romano ang ginagamit sa palabaybayang
Pilipino. Ngunit kaiba sa Ingles,konsistent ang paraan ng pagbabaybay sa Pilipino. Sa
ibang salita, bawat makabuluhang tunog o ponema ay inirereprisinta sa isang letra
lamang kapag isinusulat. Tingnan, halimbawa, ang ponemang /k/ sa sumusunod na
salita: kilay, siko, batok.

Sa wikang Ingles, ang isang ponema na tulad ng halimbawa ng patinig /k/ ay maaring
irepresenta ng higit sa isang letra, tulad ng makikita sa ibaba.

“k” sa ‘kit’

“ch” sa ‘cholera’

“ck” sa ‘chick’

“c” sa car

“qu” sa ‘squatter

“que” sa ‘phsysique’

Dahil dito tatawagin na konsistent ang palabaybayan ng Pilipino samantalang ang


sa Ingles nman ay di-konsistent.

B. Ang Dating Abakada


 Ang dating ABAKADA (sa matandang BALARILA ay tinatawag itong Abakadang
tagalog) ay binubuo ng 20 letra.

 A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P,R, S, T U, W, Y.

 Lima sa mga ito ay patinig: A, E, I, O, U.

 Labinlima naman ang katinig: B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, U, W, Y

Ang ngalan ng bawat Abakada ay ganito: A, Ba, Ka, Da, I, La, Ma, Na, Nga, O, Pa, Ra, Sa,
Ta, U, wa, at Ya. Ang bawat isa sa 20 letrang ito ay nagrereprisinta ng isang ponema.
Konsistent ang gamit ng bawat letra na di tulad sa Ingles. Ang 11 letrang itinuturing na
mga banyaga kaya’t hindi kasama sa 20 letra ng dating Abakada ay ang mga
sumusunod: C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, V, RR, X, Z. Ginagamit ang 11 letrang ito sa mga
ngalang pantangi, tulad ng quezon, Ilocos, Villa Esperanza, Guevarra atb.

Sa mga karaniwang salitang hiram sa kastila, ang 11 letrang nabanggit ay


tinutumbasan ng mga letrang nasa 20 letra ng Abakada, tulad ng sumusunod:

C = K - carga = karga

= S - circo = sirco

CH = TS - buche = butse

= S - chinelas = sinelas/tsinelas

F = P - fecha = petsa

J = H - cajon = kahon

= S - jabon = sabon

LL = Ly - billar = bilyar

= Y - caballo = kabayo

Ñ = NY - canon = kanyon

QU = K - maquina =makina

RR = R - carrera = karera
V = B - vapor = vapor

X = KS - examen = iksamin

= S - texto = testo/teksto

= H - raxa = raha

Z = S - zapatos = sapatos

You might also like