Alam nyo ba kung saan matatagpuan ang isa sa pinakaaktibong
bulkan sa Pilipinas at kilala sa buong mundo dahil sa perpektong hugis nito? Ito ay ang Bulkang Mayon na isa sa mga Aktibong bulkan dito sa Pilipinas na matatagpuan lamang sa probinsya ng Albay sa Bicol Region at isa itong pinakabinibisitang lugar ng mga turista dahil sa kagandahan at perpektong hugis nito. Sa Manila kami noon nag plano na pumunta sa bicol dahil na akit kami sa perpektong hugis nito kaya kami pumunta, maaga kaming nag umpisang umalis at naghanda ng mga dadalhin, nakarating kami sa Naga City at nag tanong tanong kami sa mga tao doon dahil wala ni isa samin na may alam kung saan ito at dahil hindi pa kami nakakarating doon, hapon na noon sabi ng mga tao at kung itutuloy daw namin ang pag biyahe papunta sa Bulkang mayon gabi na raw kami makakarating doon at hindi na naming maaabutan ang taglay na ganda at hugis nito kaya natulog at nagpahinga muna kami sa Naga Lakbay Sanaysay
at gumising kami ng maaga at itinuloy ang aming pag lakbay papunta
sa Albay kung saan matatagpuan ang Bulkang Mayon.
At Nakarating narin kami sa wakas
kasama ang aking pamilya at kamag anak. Sa unang pagkita naming sa Bulkang mayon kaming lahat ay nagulat at namangha sa taglay nitong kagandahan at hugis nitong napakaperpekto ,totoo palang napaka ganda nito pag pinuntahan mo at pagnakita mo ng malapitan. Pagkatapos naming puntahan ang bulkang Mayon nilibot na namin ang Cagsawa Ruins Park. Matatagpuan dito ang lumang simbahan na kung saan natabunan ito ng mga alikabok nung pumutok ang bulkan sa taong 1814. Makasaysayan ang simbahang ito dahil ito ang naging tahanan ng mahigit sa 1,200 katao nung panahong iyon. Sa kasamaang palad, nilamon ng lava ang mga ito at walang nakaligtas.