Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Wikang Pambansa Mula sa Multilunggwal na perpespektiba:

Maraming perpestidbd at paraan kung paano titignan ang wika. Kalakhan sa mga paradigm na ito ay
mula sa kanluran. Karaniwan ay may pagkakaiba kung ilalagay sa multi-lingwal na bansa gaya ng Pilipinas.

Lumilitaw ang kaibahan nito lalo pa't ang tipikal na pagsusuri sa wika ay sa mono-lingwal na pers.

Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas na nakabatay sa lingua franca ng kapuluan. Nilalayon na
patuloy itong paunlarin batay sa umiiral na katutubong wika at mga banyagang wika na may malaking
impluwensya sa bansa.

PAYAT at DIREKTA ang pahayag na ito tungkol sa Filipino. Ngunit, kakikitaan ng kayamanan at
kasilimuotan lalo na kung ang tradisyunal na pagususri sa wika ay sinasabi na mula sa tradisyunal na
monolingwal na lente.

Samantala, hayag ang pagkilala sa multi-lingwal na katangian ng pambasang wika.

Kung gayon, mainam na balikan at himayin ang mga batayang konsepto ukol sa wika upang lubos na
maunawaan ang kalikasan ng Filipino.

ANO ANG WIKA?

Isang pangkaraniwang pagpapakahulugan dito ay

◆ Tumutukoy sa sistemang arbitraryong vokal-simbol na ginagamit ng myembro ng isang komunidad, sa


kanilang pakikipag-komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa isa't-isa. Sinasabing, arbitraryo ito dahil
walang patikular na lohika o tuntunin upang iugnay ang isang salita.

Halimbawa: Ginagamit ang salitang, "araw" para tukuyin ang globo ng liwanag na makikita sa langit.
Ngunit walang partikular na katangian sa bigkas, sa baybay, o anyo ng salitang, "araw" para angkop itong
gamitin para dito.

Maaring palawakin pa ang depinisyong ito.

Sinasabi rin na ang wika ay: -PINAGKASUNDUAN o KUMBESIYONAL para sa isang tiyak na grupo ng
mananalita para sa layunin ng pagkaka-unawaan. -Tumatagal ito sa mahabang panahon.

-Bukas sa pagbabago at nagiging behikulo sa pagpapatuloy ng kultura.

-Kahit arbitraryo, kinakailangang napagkasunduan pa rin ito ng mga mananalita tungkol sa gamit nito.

-Isa pa, tumatagal dapat ito sa mahabang panahon dahil tumutugon ito sa pagbabago. -DINAMIKO ITO.
Bukas at dahil doon, nagiging lunsaran at tagahatid o taga-salin ng kultura mula sa isang henerasyon
papunta sa susunod.

BARYASYON SA LOOB NG WIKA

Kailangang isaalang-alang na ang wika ay hindi monolitikong bagay. Gumagana ito at nagpapatuloy dahil
sa aktwal na paggamit ng mga mananalita nito.

Nangyayari ito dahil dinamiko ang wika at bukas sa pagbabago. Kung kaya umaakma at uma-angkop ito
sa pangangailangan ng kanyang mananalita. Kung gayon kasama sa pagunlad ng wika ang pagpasok ng
mga pagbabago bunga ng mga internal na salik at external na impluwensya.

Ito ang dahilan kung bakit may barayti ang wika.

Dayalekto - pinaka-kilalang baryasyon na dulot ng pagkakaiba ng lugar.

Kung kaya't sa wikang Tagalog halimbawa. Maririnig ang ilang pagkakaiba sa mga dayalekto nito gayang
ng Tagalog-Laguna; Batangas; Bulacan.

Pero dapat isa-alang-alang na hindi lang sa bokabularyo nagkakaiba ang mga dayalektong ito. Dahil ang
wika ay isang SISTEMA. Kaya nagkakaiba rin ito sa punto, sa pagpapahayag ng mga ekspresyon o ng mga
pangungusap o kaya nama'y paggamit ng mga panlapi.
Hal. Sa Tag-Bulacan, "produktibo" ang panlaping ma-

Bagamat ito ang depinisyon ng dayalekto, nagdudulot ito ng kalituhan sa karamihan at naiiuugnay sa
konotasyon ng kababaan.

Ipinapalagay na ang wikang sinasalita sa sentro o kabisera ay ang tunay na wika. Samantalang ang iba na
mga nasa probinsya o nayon ay mga dayalekto.

Nag-ugat ang kaisipang ito sa mga bansang kadalasan may iisang major na wika na sinasalita ng lahat o
halos lahat ng populasyon. At iilang minor na wika lamang.

Hal. Ang wikang Pranses. Itinuruting na ang wikang ito na sinasalita sa kabisera ng Paris ang mataas na
wika.

Samantalang ang pranses na sinasalita sa labas nito ay mga dayalekto. Kaya kahit sa ibang Pilipino
naririnig na tinutukoy nila ang kanilang wika bilang dayalekto lamang kung hindi sila taga Lungsod.

Bukod sa lugar, nagdudulot rin ng baryasyon sa wika ang kinabibilangang grupong panlipunan ng mga
mananalita nito. Gaya ng dayalekto, bunsod ito ng magkakasamang karanasan ng mga mananalita na
maaring batay sa kanilang edad, kasarian, trabaho, antas ng edukasyon o katayuang pang-ekonomiko —
sosyolekto.

Kaya iba ang salita ng mga kabataan, sa bata, at matanda. Iba rin ang mga nasa propesyon.

Pero dapat na tandaan baryati lamang ng isang wika. Pantay-pantay silang lahat. Walang nakakahigit sa
mga barayti.
Itinuturing lang na "prestihiyoso" ang isang barayti kung sinasalita ito sa isang lugar o kabisera o ang
nagsasalita nito ay tunuturing na isang elite. (Yung conyo ba)

Kaiba sa pagiging barayti ang pagiging magkaibang wika.

Paano nga ba masasabing magka-pareho ang wika?

1. Mutual intelligibility o digri ng pagkakaunawan - ito ang pamantayan upang matukoy kung iisang wika
ang sinasalita ng dalawang grupo o magka iba ito.

♥ Hindi kasama rito ang pagiging bilingual na halimbawa, may isang pangasinense na nakakaintindi ng
Ilokano. Hindi parehas ang Ilokano at Pangasinense. Sadyang marunong lang makaintindi si Pangasinense
ng Ilokano.

♥ Dalawang patunguhan dapat ang pagkakaunawaan (two-way) upang masabi na same nga.

MULTIKULTURAL AT MULTILINGGUAL NA KONTEKSTO

Kung gayon, batay sa mga baryasyon na ito sa ating kapuluan ilalapat natin ito sa konteksto ng Pilipinas.

Makikita ngayon ang mga kayamanan ng mga wika at wikain sa bansa. Binubuo ang mga kapuluan ng
isang partikular na wika na sumasalamin sa kanilang kultura.

Kaya mas angkop na tawaging,

"Etnolinggwistikong grupo" upang tukuyin hal ang mga tagalog cebuano ilacano mga mandaya mga itneg
at iba pa.

Tumatatagos ang terminong ito at pinaghahabi ang mga pinagsamang karanasan at kagawian ng mga
mananalita nito ano pa man ang kanilang dayalekto o sosyolekto.
Sa huling tala ng etnological summer of linguistics: .

-May humigit kumulang 175 na wika sa bansa. 183 kung isasama yung wikang hindi katutubo.

Lingua franca - tulay na wika ng dalawang grupo ng mananalita.

Kinakasangkap ng isang wika na maging isang tulay sa komunikasyon ng dalawang magkaibang grupo ng
mananalita.

Lingua franca - nagmula sa salitang italyano.

Noong panahong Medieval hanggang sa ika-walong siglo. Buhay na buhay ang mga komersyo at mga
pantalan sa mediteranyo. Na kung saan, karamihan sa mga mangangalakal ay mga italyano. Tinawag
tulay na ito na daanan bilang, "lingua franca"

Rehiyonal na lingua franca dahil sa rami ng mga nagsasalita nito sa rehiyiong iyon:

1. Norte - Ilocano

2. Timog at Silangang Visayas/ Mindanao- Cebuano.

3. Tagalog - timog Luzon.

MGA GAMPANIN NG WIKA SA LIPUNAN:

1. Maging kaparaanan ng komunikasyon.

2. Nagsislbing wikang opisyal - gobyerno.

Barayti: Istandard.

3. Wikan pangturo - midyum sa silid aralan; libro.

Barayti: Akademiko
Kadalasang may isang tiyak na ginagamit na barayti para sa mga layunin ito. Ito ang tinutukoy na
ISTANDARD na barayti na opisyal na gawain.

Bagamat may prestihiyo na kinakabit sa mga ito hindi pa rin dapat kumawala asa katotohana na kapantay
sila ng ibang barayti ng tumutugon sa pang.

3. Wikang Pambansa - simbolo ng pagkakaisa tungo sa pambang pang-unlad. Kinakilala ng gobyerno at


kalakhan ng populasyon.

May dalawang mahalagang katangian ng Filipino:

1. De jure ang Filipino - batay sa batas na pambansang wika. Konstitusyon 1987,

ARTIKULO 14, SEKSYON 6-9

2. De facto - aktwal na ginagamit bilang lingua franca.

Nagsisilbing ito tulay na wika para sa pagkakauwaan ng mga mamayan mula sa iba't-ibat panig ng bansa
at etnolingwistikong grupo at sosyo-lingwistiko.

Bilang lingua franca, kinakailangang tiyakin kung saan kadalasan makikita ang ganitong sitwasyon. Na
kung saan karaniwan nagkakahalubilo ang mga grupong ito.

Isang lohikal at tunay na tagpuan ng ganitong sitwasyon ay mga syudad ng Metro Manila, Cebu, Davao.

Kasaklawan at gampanin ng Filipino:

1. Pambansang tulay na wika. Maaring gamitin ng lahat ng Pilipino galing sa iba't-iba etnolingwistiko
uoang magka-unawaan at magkaisa.

2. Para sa isang bansang hitik sa mga wikang sinasalita, walang iisang grupo sa bansa na nagmamayari
ito. Lahat at may access rito.
In

Karapatang mapaunlad ito kaalinsabay ng pambasang pag-unlad at hangarin.

You might also like