Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Kolehiyo ng Pagpapaunlad Pangguro
FAKULTI NG MGA SINING AT WIKA
Maynila

PAKITANG-TURO SA BAITANG 5
Banghay Aralin sa Filipino V
_________________________________

INIHANDA NINA:
Maribelle Corpuz
James Michael Edpao
April Lanzaderas
Jessica Pagay
II – 4 BFE
PAKITANG-TURO SA BAITANG 5
BanghayAralinsa Filipino V
I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay – katuwiran sa mga pangyayaring napakinggan sa binasang teksto.
B. Natutukoy ang mga aspekto ng pandiwa sa tekstong binasa.
C. Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa pagbuo ng pangungusap.
II. PaksangAralin
A. Ang Mag-amang Ogi at Caloy
“Worktext sa Filipino para sa Ikalimang Baitang” (FILIPINO WIKA 5)
Ni Aladdin de Guzman
p. 263 – 264
B. Iba’t Ibang Aspekto ng Pandiwa
“Worktext sa Filipino para sa Ikalimang Baitang” (FILIPINO WIKA 5)
Ni Aladdin de Guzman
pp. 267, 271 – 272
C. Mga Kagamitan
Mga kagamitang biswal, mga larawan, tsart, ispiker, laptop, headdress
III. Pamamaraan
A. Pagganyak
- Pagpaparinig ng isang kantahing pambata na pinamagatang “Ako ay may Lobo”
 Ano-ano ang mga kilos na narinig sa pinakinggang kanta?
B. Panimulang Gawain
“Dinggin Galaw”
Mga Hakbang:
1. Pangkatin ang klase sa apat na grupo.
2. Ibigay ang panuto ng gawain.
 Sa unahan ay may magkukunwaring hari.
 Ang mga grupo ay ang magsisilbing tagasunod. Kung ano ang sasabihin ng hari
ay kanilang susundin.
 Ang grupong sabay-sabay na kumlios ay magkakaroon ng puntos.
C. Pagtalakay sa Aralin
1. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Bumuo ng isang pangungusap gamit ang mga parirala sa ibaba.
 Nasawi sa pagragasa ng tubig
 Nilikha ng Diyos
 Naimbak na tubig
2. Pagbasa ng Teksto
“Ang Mag-amang Ogi at Caloy”
a. Babasahin ng isang piling mag-aaral ang teksto.
3. Pagsagot sa mga Tanong
a. Tungkol saan ang teksto?
b. Ano ang kanilang pinag-usapan?
c. Bakit kailangang pangalagaan ang ating kalikasan?
d. Paano tayo makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating kalikasan?
D. Integrasyon ng Gramatika
1. Pagbasa muli ng Teksto
a. Pagtatala ng pandiwa
b. Paghahanay sa tsart ng mga itinalang pandiwa ayon sa aspekto nito.

Naganap Ginaganap Gaganapin

 Ano-ano ang mga katangian ng pandiwa sa bawat hanay?

2. Aspekto ng Pandiwa
- Ang pandiwa ay may tatlong aspekto. May iba’t iba itong anyo at kahulugan.

 Pandiwang Perpektibo
- Ito ay nagsasaad ng kilos nanatapos na.Tinatawag din itong panahunang pangnagdaanan
o aspektong naganap.
Halimbawa:
tumakbo, nanood, nagtanim
 Pandiwang Imperpektibo
- Ito ay nagsasaad ng kilos na kasalukuyang nangyayari. Tinatawag din itong panahunang
pangkasalukuyan o aspektong nagaganap.
Halimbawa:
tumatakbo, nanonood, nagtatanim
 Pandiwang Kontemplatibo
- Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan o naisasagawa. Ito ay gagawin
pa lamang. Tinatawag din itong panahunang panghinaharap o aspektong magaganap.
Halimbawa:
tatakbo, manonood, magtatanim
E. Pagsasanay
o Panuto: Sabihin kung ano ang aspekto ng pandiwa sa mga sumusunod na salita:
1. Kumain 6. Papalakpak
2. Nagwawalis 7. Sumisigaw
3. Kakanta 8. Umiyak
4. Pumapadyak 9. Tumalon
5. Umalis 10. Umiinom
o Pagpapabasa sa mga piling mag-aaral sa dayalogong “Ating Kapaligiran, Ating Pagyamanin” ni
Aladdin de Guzman (p. 248 – 249)
Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng adbokasiya sa pagtulong sa ating kalikasan.
Gamitin ang mga aspekto ng pandiwa.

IV. TakdangAralin
Basahin ang kuwentong “Alamat ng Sampaguita”. Itala ang mga salitang naglalarawan.

You might also like