Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Noong unang panahon, may isang balo na nag ngangalang Rosa.

si aling Rosa ay may isang anak


na babae. Ito'y si Pinang.Si Pinang ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan nya ang anak sa
mga gawaing bahay. Ngunit si Pinang ay madalas na may katwiran sa tuwing inuutusan ng
kanyang ina. Isang araw ay nagkasakit si aling Rosa, dahil hindi makabangon ay napilitan si
Pinang na gumawa sa gawaing bahay.

Inutusan ni aling Rosa na magluto ng lugaw si Pinang at agad naman itong kumilos ngunit
kalaunay lumabas din ito ng bahay para maglaro. Dahil napabayaang nakasalang ang lugaw,
namuo at nanikit ang ilalim nito sa palayok. Nagpasensya na lang si aling Rosa, kahit papaano
nga nama'y napagsilbihan sya nito.

Isang araw ay magluluto na naman si Pina. Hindi ito makapag umpisa magluto dahil hindi nito
makita ang sandok. Hanggang sa hinanap niya ito ngunit hindi pa rin makita, kaya’t lumapit ito
sa ina at nagreklamo. Nagkakagalit na ang mag-ina dahil sa paghahanap ng nawawalang sandok,
hanggang sa nasambit ni Aling Rosa ang: Sana’y tubuan ka ng maraming mata nang makita mo
ang iyong hinahanap!

Ilang oras na ang nagdaan ay hindi pa umaakyat si Pina sa bahay. Kinagabihan ay lubhang nag-
alala si aling Rosa sapagkat hindi pa bumabalik si Pina. Napilitang bumangon at tawagin ang
anak ngunit walang lumapit sa kanya. Lumipas ang mga araw, habang nag wawalis, nakita ni
aling Rosa ang isang misteryosong halaman na tumubo sa kanilang silong. Kalaunay namunga
ito at nagulat si aling Rosa sa kadahilanang ang bunga ay tila maraming mata. Doon nya
napagtanto ang huli nyang sinabi sa nawawalang anak na magkaroon sana ito ng maraming mata.
Inalagaan niya ang halaman at simula noon ay tinawag niya itong Pinya.

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-ang-alamat-ng-
pinya_284.html

You might also like