Professional Documents
Culture Documents
Reaction Paper
Reaction Paper
Ang Noli Me Tangere na ang ibig sabihin sa tagalog ay huwag mo akong salangin.
Ito ang naging pinakang kontrobersyal na sinulat ni Dr. Jose Rizal dahil ito’y tumatalakay
sa madilim na estado ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Sa ilang linggo na pag-
aaral at pagbabasa ng Noli Me Tangere ay minulat nito ang bawat kaisipan at damdamin
ng bawat tao. Halo-halong emesyon ang aking naramdaman may galit, yamot, tuwa, at
pagmamahal ang aking naramdaman sa nobelang ito.
Isa na namang magandang likha ang binuo ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo,
napakahusay ang naging transisyon ng kwentong ito mula kay G. Crisostomo Ibara na
mabait, payapa at nais umunlad ang bayan na naging si Simoun na mapusok at
mapaghiganting binata. Naipakita niya kung paano nababago ng katiwalian sa buhay ng
tao at kung paano nito nababaliktad ang pananaw ng kahit na sino kung sila ay
nahaharapsa ganitong sitwasyon.
Kina Simoun at Maria Clara ay sobrang sakit ang nangyari sa kanilang pag-iibigan,
hindi ko maisip sa kanilang dalawa kung sino ang aking sisihin si Maria Clara ban a hindi
nahintay si Crisostomo at kung hindi lamang n’ya binigay ang sulat kay padre salvi ay
malamang masaya sila. O kay Simoun na hindi agad pinaalam kay maria clara ang
nangyari at sabihing buhay pa siya.
At ang isa sa hindi ko malilimutang pangyayari sa nobela ay ang paghihiwalay ni
Isagani at Pauita. Pinili nilang maghiwalay dahil sa magkaiba ang kanilang pananaw sa
buhay. At isa na rin sa dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang hindi kaya ni Paulita ang
pamumuhay nina Isagani pagka’t siya ay laki sa layaw kaya’t naghiwalay na sila at siya’y
nakipagkasundo kay Juanito na may kapangyarihan at may kayamanan.
Inihanda ni:
Quisquino, Janine D.
Abril, 2019