Word

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ULLALIM

Ang kwento ay nagsimula ng nakatakda ng ikasal sina Ya-u at Dulaw at makapulot ng nganga o owa
(na siyang tawag ng mga taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay nakumbida sa isang pistahan sa
Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya na, ay naakit ang pansin ni Dulaw kay Duliyaw ng Dulawon.
Inakit ni Dulaw si Dulliyaw hanggang si Dulliyaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplaplano na ligawan
ni Dulliyaw si Dulaw ay naisipan nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa ito ay malasing. Habang
si Ya-u ay natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulliyaw si Dulaw. Pinakain nito ang babae ng
nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ay ibig sabihin na
tinatanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya
ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.

Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulliyaw sa bahay nina Dulaw.Habang sila ay


kumakain na nganga,sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isama ng umuwi ang dalaga
sa kanilang bahay.Nagulat si Dulaw sa winika ng lalaki.Iyon lamang ang nagkagulo na .Ang mga tao sa
nayon ay nangagising.Sa pagtakas nlia ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may daladalang palakol
at balak silang patayin.Bago sila maabutan ng lalaki ay naka akyat na si Dulliyaw sa isang puno upang
tumakas.Samantala walang makapangahas na siya ay lusubin kaya nakapagpasiya si Ya-u na tawagin
ang mga sundalong kastila ng sakbawan.

At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kataasan ng Kalinga na kasama ang
mga sundalo.I niutos niya na dakpin si Dulliyaw na naka-upo parin sa puno.Napag-alaman niya na
marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay posasan.Sa utos
parin ni Guwela ay dinakip ng mga sundalo si Dulaw.At silang dalawa ay nakulong sa sakbawan.

Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo,sila ay naging payat.Humingi si Dulaw ng nganga kay
Dulliyaw.Kinuha ni Dulliyaw ang huling nganga sa bag at ito'y kanyang pinagpirapiraso.Bago niya ito
maibigay kay Dulaw ay bigla na lamang itong nawala.

Samantala sa pook ng Magobya ay naliligo si Dinanaw.Sa paliligo ni Dinanaw sa ilog ay napulot niya
ang nganga.Kinain niya ito ng walang alinlangan.

Matapos nguyain ni Dinanaw ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis.Hanggang sa siya ay
magsilang ng isang malusog na lalaki at ito'y kanyang pinangalanang Banna.Tatlong taon na ang
lumipas at si Banna ay nakipaglaro na sa mga agta.Subalit siya'y madalas na tinutukso ng kaniyang
mga kalaro.Sinasabi nila na kung siya raw ang tunay na si Banna ay ibig sabihin na siya ay anak ni
Dulliyaw na nakakulong sa sakbawan. Isinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit pinabulaanan ito ng
kanyang ina.

Sa isang iglap,si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti.Isang mahiwagang


pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa sakbawan.at doon ang kanyang
pinatay si Dulaw.sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulliyaw na si Banna ay kanyang anak.iyon lang
at sila ay dalidaling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng
Magobya.Sa bahay nina Banna ay sinabi niya kay Dinanaw na ang lalaking katabi niya ay ang kanyang
ama.pangiting sumagot si Dinanaw at sila|'y lumigaya

Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.


Tauhan:

Banna- Anak ni dulliyaw na isinilang sa mahiwagang paraan

Ya-u- Mapapangasawa ni Dulaw

Dulaw- Mapapangasawa ni ya-u; pero naakit kay dulliyaw

Duliyaw- ama ni Banna.

Gwela- Kumander ng Garrison

Dinanaw- Nagsilang kay Banna

Tagpuan:

Madogyaya

Pook ng Magobya

Aral:

*Huwag kang matakot na makipagsapalaran para sa pagmamahal dahil kakambal ng pagmamahal ang
pagsasakripisyo; kapag nagmahal ka ng tunay at walang kapalit ay doon mo lang malalaman ang
kahulugan nito.

You might also like