Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Bible Light Ministry

ANG PASTOR
Na Subok sa Dios
An Exposition of 2 Timothy 2:15

Ni Francis Tendencia
Ezraelite Series
Year 201

1
Bible Light Ministry

“Study to show thyself approved unto God, a workman that needeth not
to be ashamed, rightly dividing the word of Truth.”

(2 Timothy 2:15, King James Version)

2
Bible Light Ministry

CONTENTS

HISTORICAL OBSERVATIONS
Setting the Background and Its Present
Relevance…………………………………………………………………………………...4

TEXTUAL OBSERVATIONS
2 Timothy 2:15………………………………………………………………….………….6

CONTEXTUAL OBSERVATIONS
The Immediate Context in Chapter 2………………………………………………….10

PASTORAL OBSERVATIONS
The Presentation of the Pastor……………………………………………………….....12

3
Bible Light Ministry

HISTORICAL OBSERVATIONS
Setting the Background and Its Present Relevance

Ang liham ni Pablo para kay Timoteo ay liham tungkol sa panghahawak at


paninindigan sa dalisay na katuruan ng pananampalataya, at sa nararapat na
maging pag-uugali ng Pastor sa loob ng Iglesya. Si Timoteo ay Pastor sa Iglesya sa
Ephesus. Siya ay madalas na tinitingnan ng marami na isang “kabataan” sapagkat
sa tingin nila ay wala pa siyang maraming karanasan sa buhay. Marahil ang
kanyang edad ay nasa mga 28-30 na gulang, bagamat may mga Commentarista ng
Biblia na naniniwala na maging ang edad na 30-40 ay maituturing paring
“kabataan” sa kulturang Judio.

Siya ay malapit rin sa puso ni Pablo sapagkat ang Apostol ang umakay sa kanya sa
pananampalataya kay Cristo, kung paanong inakay ni Pablo ang kanyang Lola at
Ina sa Panginoon (2 Timothy 1:2-5).

Now, bilang isang pastor, si Timoteo ay pinagkatiwalaan ni Pablo ng seryoso at


mabigat na tungkulin. Ito ay tungkol sa panghahawak sa katotohanan ng
pananampalatayang Cristyano. Sa English version ng Biblia, 10 times na mababasa
natin ang word na “charge” sa 1 and 2 Timothy (1 Timothy 1:3, 18; 5:7, 16, 21; 6:13,
17; 2 Timothy 2:14; 4:1,15).

Ang “charge” ay tungkol sa kautusan o tungkulin na dapat isakatuparan. Ito ay


nagtataglay ng “kahalagahan” kung kaya’t dapat gampanan kahit na may mga
pagsubok, pag-uusig, at kahirapan na dapat harapin. Tungkol sa kautusan kay
Timoteo na panghawakang matibay ang katotohanan ng pananampalataya o yaong
tinatawag sa Theology na “Evangelical and Essential” Christian Faith, inuutusan
siya ni Pablo na dapat niya itong bantayan at panatilihing dalisay.

Ang Ebanghelyo o Mabuting Balita na ipinagkatiwala ni Jesu-Cristo kay Pablo at


ipinagkatiwala ni Pablo kay Timoteo ay dapat na ipahayag, ipaglaban, bantayan,
pangalagaan, at panatiling dalisay. Ang kautusan o “charge” na ito ni Pablo kay
Timoteo ay udyok narin ng kalagayan ng Apostol na nasa bilangguan at
naghihintay na lamang ng malapit niyang kamatayan sa kamay ng malupit at
mala-leon sa galit na Emperador na si Nero.

Now, ang 2 Timoteo ay nasulat sa lugar ng Roma ayon sa mga iskolar ng Biblia,
mga A.D 66-67. Bagamat sa panahong iyon ay makapangyarihan ng lumalaganap
ang Cristiyanismo, gayunma’y ito rin ang mga panahon kung saan marami naring
mga nagsipaglabasang mga bulaang sekta, bulaang mga tagapagturo, at mga
hidwang mangangaral (1 Timothy 1:7; Titus 1:10; 1:14; 3:9). Ito ang dahilan kung
bakit ang “utos” (charge) sa 1 Timoteo ay binalutan ng “hamon” (challenge) sa 2
Timoteo. Marahil, dahil sa mga maraming mga pressures na nararanasan ni
Timoteo sa Ephesus ay nadi-discourage na siyang tumayo sa katotohanan. Sabihin

4
Bible Light Ministry

natin na si Timoteo ay nasa murang gulang pa lamang para sa edad ng mga Judio;
bunga niyan ay marahil ay nahihirapan siyang magsalita sa mga matatanda ng
Simbahan kung kaya’t napuno siya ng hiya, pag-aalala, at takot. Higit sa lahat, ang
kanyang tinitingala at kinikilalang Apostol (si Pablo) ay nasa bilangguan. Marahil
maraming mga tao na nagsasabi sa kanya na huwag tularan ang hakbang ni Pablo
dahil kung hindi ay gayon rin ang mangyayari sa kanya. Dagdag pa rito, noong
panahon rin na iyon ay nararanasan na ang kasamaan ng panahon na sinasabi sa 2
Timothy 3. Ating tandaan na si Timoteo ay pastor sa isang kilalang lungsod, ang
Efeso. Ito ang lugar-prostitution at ng iba pang makamundong pamumuhay na
udyok ng relihiyon ng diyos-diyusang si Diana. So imagine, living in that place na
ang sikat at tanyag na relihiyon ay nagsasabi na ang prostitution ay legal at ang
pakikiapid ay paraan ng pagsamba?!

Kaibigan, ang lugar ng Efeso ay lugar na lango sa kahalayan at ang mga tao ay
deboto sa mga diyus-diyusan.

So, ang kinaharap na kalagayan ni Timoteo bilang pastor ay talagang napakahirap


sa lugar na iyon. Ang masakit pa nito, noon pa lang ay marami narin ang ayaw
makinig ng mga aral na deretsong mula sa Banal na Kasulatan, sapagkat mas higit
na pinapakinggan ng marami ang nakatatawa, nakakakiliti, at puno ng
entertainment na presentations or speeches ng mga bulaang mga mangangaral, na
kung tawagin sa panahon natin ngayon ay “Motivational Speakers” or
“Inspirational Message.” (2 Timothy 4:3-4). Actually sa 2 Timothy ay mababasa
natin na ang Apostasy (Pagtalikod) from the faith ay naganap na. Ang “ilan” na
“lumihis” sa pananampalataya na binabanggit sa 1 Timothy ay naging “lahat” na sa
2 Timothy.

So, 1 and 2 Timothy are indeed vital and critical Pastoral Epistles (including Titus)
sa Bagong Tipan. Ito ay lubos na napakahalaga sapagkat ito ay “manual” para sa
kalagayan, tungkulin, pag-uugali, at pamumuno na dapat isakatuparan ng Pastor
bilang lingkod ni Cristo sa Iglesya.

Ang dalawang liham na ito ay tunay at dapat na napakahalagang pag-aralan ng


bawat Pastor sa panahong ito. Sapagkat ang dalawang liham na ito, kasama ang
liham kay Tito ang natatanging sulat na inspired o kinasihan ng Espiritu ng Diyos
para sa mga manggagawang tinawag Niya sa mataas at banal na ministeryo ng
pagpa-Pastor.

At dito nga sa 2 Timothy 2:15, matutunghayan natin ang isa sa tungkulin,


pagsisikap, gawain, at pagtawag ng Pastor sang-ayon sa naisin ng Espiritu ng
Diyos. Dalangin ko na ang munting pag-aaral sa talata na ito ay magbigay sa atin
ng liwanag, pagtutuwid, at kasiyahan. This study is actually dedicated for Pastors;
however, mabuti ring mapunta ito sa kamay ng mga mananampalataya upang
malaman nila ang katangian ng karapat dapat na Pastor na kinalulugod ng Diyos.

5
Bible Light Ministry

Hinati ko sa tatlong sections ang pag-aaral sa talatang ito, first of all is the “Textual
Observations,” “Contextual Observations,” at pagkatapos ay ang aking “Pastoral
Observations.”

TEXTUAL OBSERVATIONS
2 Timothy 2:15

Observation 1
“Study to show thyself…”

According to Webster Dictionary the word “study” means,

To “consider in detail and subject to an analysis in order to


discover essential features or meaning.”

So ayon kay Webster, para magkaroon ng “discovery” o “pagtuklas” may dalawang


bagay na dapat gawin, namely: (1) detailed consideration and (2) analysis. Okay sa
wikang Tagalog ang dalawang ito ay pwedeng tumbasan ng salitang pagiging
“mabusisi.”

May mga tao na ayaw “busisiin” ang buhay sapagkat tiyak na malalantad ang
kanilang itinatagong ikinakahiya. Pero dito sa talata, ginamit ang salitang “study”
na sa English at Websterial definition nito ay nangangahulugan ng “pagiging
mabusisi.”

Now of course, ito ang tanong: Why used the word “study” in this verse? Other
English Bible versions put the translation “endeavor,” “be diligent,” and “do your
best.” Well, sa ating panahon – lalo na sa ating Pinoy – ang word na “study” is
defined academically. But here, I think the word “study” ay ginamit ng mga King
James Version translators sapagkat hindi lamang pagsusumikap o “endeavor” ang
nais ihatid ng salita kundi “matalinong pagsusumikap.” Kung baga ay “alam mo
ang iyong pinagsusumikapan.” In other words, you’re laboring for an intelligent
meaningful cause. Ang pagiging subok sa Diyos ay hindi lamang yaong “pagiging
pawisang manggagawa” kundi pagiging “marunong na manggagawa.”

You see, “knowledge” and “strength” are combined in the word “study.” Hindi ka
lang nagsusumikap sa paggawa ng iyong trabaho, kundi inaalam mo rin ang
trabahong iyong pinagsusumikapan. Sa kasabihang Pinoy, dapat nating tandaan
na ang “pag-aaral” ay tinatawag rin nating “pagsusunog ng kilay” o pagsusumikap.
Ang isang estudyante na pabaya ay hindi makakapasa. Maraming oras o panahon
na ginugugol ang tao sa daigdig sa pag-aaral, mula sa Elementary hanggang sa

6
Bible Light Ministry

Kolehiyo. Ito ay pagsusumikap. It takes hard work and money as well.

So, ang word na “study” ay hindi lamang “endeavor” (muscle) kundi “education” or
understanding (mind).

By the way, for additional reflection, since ang salitang “study” ay isinalin sa ibang
Bible Versions na “endeavor,” nagpapahiwatig ito kung gayon sa atin na there is no
shortcut to God’s approval. Rather, it takes discipline, process, effort, sacrifice,
patience, endurance, hard work – that’s why “workman” ang ginamit na modelo o
larawan para tukuyin o ipakita ang buhay ng Pastor. Ang Pastor ay isang
“Manggagawa.” Kung kaya’t huwag na huwag isipin ninuman na ang buhay-Pastor
ay pagpapasarap! Hindi po! Ito’y matrabahong panawagan at ministeryo.

Sa Bagong Tipan, para makuha ang diwa ng salitang “workman” kailangang


makita ito sa diwa ng “taus-pusong hangarin” (1 Thessalonians 2:17), “masulong na
pagsusumikap” (Galatians 2:10) at “pagsisikap” (Hebrews 4:11). Kaya naman, sa
ibang Bible Version, ginamit ang katagang “Be diligent” upang maging isa pang
salin para sa “study” or “parastesai.” Ang katagang “Be diligent” ay
nangangahulugan ng “assiduous (devoted) application, painstaking, laborious”. Oh,
talagang may pagpapagal. Sa ponto ng Pastoral integrity at ministry, ang pagiging
approved sa Dios ay “hard-work.” Hindi ito pataas-taas lang ng kamay, pagpikit sa
panalangin, o pagsigaw ng “Haleluyah.” Kundi, ito ay pagsusunog ng kilay sa pag-
aaral ng Salita ng Dios at sa masikap na pagsasanay sa kabanalan sa mapa-
anupamang kalagayan ng buhay.

Observation 2
“…study to show…”

Pero ito pa, ano ang objective or layunin ng “study” ayon dito sa verse? Well, ang
sabi, “study to show thyself…” or let’s just use the phrase, “study to show…” Ang
layunin ng pag-aaral or “study” ay pagpapakita or “show.” Ang preposition na “to”
sa katagang “…study to show…” ay nagtuturo sa point of purpose or objective.

Principle here is: Biblical education should lead us to godly presentation. Okay, mas
papansinin natin ito sa katagang “…show thyself approved unto God.” Pero dito,
ipinapakita sa atin na ang Pastor ay dapat na may “balance-attitude” sa pagharap
sa Banal na Kasulatan. A Pastor must “show” what he has learned. Sa madaling
salita, ipinapamuhay ng mabuting Pastor ang kanyang itinuturo at ipinapangaral
(James 2:16-27). Ang kanya mismong buhay ang siyang buhay na patotoo,
halimbawa, at illustrasyon para sa kanyang turo at aral. Kita mo?

Ito ang dahilan ni Santiago (James 3:1) kung bakit binababalaan niya ang mga
nagnanais na maging tagapagturo ng Biblia na walang mabusising pagsusuri sa
sarili. Ito ay dahil sa higit na mabigat na kahatulan ang tatanggapin natin na mga

7
Bible Light Ministry

tagapagturo.

Kaibigan, ang pagiging Pastor ay tunay na mataas na pagtawag! Hindi ito biro! Ito
ang pinaka-maselang Profession dito sa lupa! Sa totoo lang, without exaggeration
and overstatement, kung tingin ng Dios at eternity ang basehan mas higit pa ang
Pastoral ministry sa pagiging Presidente ng Pilipinas! Ang bayan ay maaring
bumagsak dahilan sa katiwalian ng Pangulo, ngunit sa tungkulin ng Pastor, kapag
hidwa ang kanyang aral at buhay, hindi lamang katawan ang maipapahamak
kundi maging ang kaluluwa patungo sa walang hanggang apoy ng Impyerno.

Kaya nga, kung ninanais mo ang tungkulin na ito, manginig ka! Oh! Manginig ka!
Iyan ang dahilan kung bakit ang pagiging Pastor ay hindi nakasalig sa ating
kagustuhan, kundi una sa lahat ay sa pagtawag ng Diyos. You must be ready to
give up yourself! I mean “give up” yourself, just like what Christ has said in Luke
9:23, “deny yourself and follow me.”

Thus, Pastoral calling and ministry has a necessary and demanding challenge of
godly presentation. Ang Pastor ay hindi lang “aral” kundi “banal” – may
“integridad” sa buhay bilang lingkod ng Banal at Kataastaasang Dios. That’s why
as Pastors, as Preachers of the Word we must let the Word dwell richly in us! Paul
said “Hold it, make it your stronghold” (Phil. 2:15-16), “Use it right, don’t twist what
it says!” (1 Tim.1:8), and “cherish it with all your heart, make it your wisdom”
(Ephesians 5:10, 17; Col.3:16-17). Our Lord said, “Make it the foundation of your
life” (Matthew 7:24-27). James said, “Make it your experience” (James 1:22-25).

Observation 3
“…to show thyself approved unto God…”

Now, ang salitang “show” ay salin para sa salitang Griego na “Parastesai.” Ito ay
nangangahulugan ng “to show” or “to present,” which has an idea that you are
beside God. Para bang gustong sabihin ni Apostol Pablo kay Timoteo sa talata na
ito,

“Saiyong pag-aaral at pagsusumikap, lagi mong isipin na nasa tabi mo


ang Diyos, kaya be careful sa iyong buhay.”

Now ito pa, tungkol sa salitang “approved,” ito ay salin para sa salitang Griego na
“dokimon” which literally means “tested” or “subok.” Ayon sa Greek Analytical
Lexicon ni Harold Moulton (1977), ang salitang “approved” ay nangangahulugan ng
“proven, tried, approved after examination and trial.” Nais kong tingnan mo ang
gamit ng salitang ito gamit ang mga talatang ito for your consideration: Romans
16:10; James 1:12 1 Corinthians 11:19; 2 Cor.10:18; 13:7.

So, ito ay “approved” sapagkat ito ay “tested.” Karapat-dapat sapagkat pasado at

8
Bible Light Ministry

subok na, and so by implication ay “acceptable” rin (Romans 14:18).

Sa totoo lang, ang salitang “subok” ay magandang salin sa Tagalog para sa Griego
na “dokimon.” Andun kasi yung idea na “pasado sa pagsusuri” at yung “kakayahan
o kalikasan na malampasan ang pagsubok” (James 1:12) kung paanong ang ginto
ay dinadalisay ng apoy (1 Peter 1:7).

Take note, ang koneksyon ng “approved” dito sa verse ay “unto God” or sa harapan
ng Dios. In other words, ang pag-aaral, pagsusumikap, buhay, at pamumuhay ng
Pastor ay dapat na “subok ng Dios.” That’s why sa Concordant Version of the New
Testament, ang ginamit nilang salin for “dokimon” ay “qualified” which contextually
means, “to fit for an office or occupation.” Meaning, ang “qualified” na Pastor ay
pasado sa standard ng 2 Timothy 2:15.

Ang Pagpa-Pastor kung gayon ay yung pagiging subok ng Dios. Nabubuhay ka para
bigyang lugod ang Dios, hindi ang tao (Galatians 1:10). Ang iyong pagtuturo at
pangangaral ay hindi hawak ng gusto ng tao; hindi ka takot sa kanilang maaring
sasabihin laban sayo kapag nakikita mo na ang mensahe ng Salita ng Dios ay tiyak
na sisira ng kanilang maling pananaw at hidwang pamumuhay. Hindi ka controlled
ng kanilang love-gift, o entertainment, but your heart is captivated by God; sa
Kanya mo nais maging pasado o aprobado. At tungkol riyan, it seems to me na ang
phrase na “study to show thyself approved unto God” ay ka-tono ng sinasabi ni Paul
sa Romans 12:1 na,

“I beseech you therefore brethren by the mercies of God, that ye present


(show) your bodies a living sacrifice, holy, acceptable unto God, which is
your reasonable service (study).” (Italics and parenthesis mine)

2 Timothy 2:15 is actually a form of pastoral worship to God. The Practical and
Pastoral Theology principle in this verse is this: The thing that pleases God is that
which is rooted in His character and Word. Accordingly, anything that conforms to
Himself pleases Him. And if we want to be conformed to His will, we need His
Word. Anything then that we do, say, and think that does not conforme to the Word
displeases God. Therefore, the Holy Scripture is the means for us to know what God
approves and how to be approved unto Him.

Kaya nga, ang Pastor na nagnanais na mabigyang lugod ang Panginoon ay dapat
na maging masigasig na lingkod ng Banal na Kasulatan. Tulad ni Maria, nawa’y
masabi rin natin sa Diyos, “Be it unto me, according to thy word” (Luke 1:38). The
life of the Preacher must be a life that reflects and testifies to the truth and the
glory of the Written Word. Alalahanin natin na ang mga salitang “study” and
“show” sa verse ay nangangahulugan ng isip-puso-gawa, at ito ay dapat na laging
magkasama sa buhay ng Pastor. Ang “study” and “show” ay tulad ng mag-asawa,
hindi dapat maghiwalay – upang tayo ay maging karapat-dapat sa Dios o subok sa

9
Bible Light Ministry

Dios, or “approved unto God.”

Now, maliban sa tanong na – Subok kanino? – ang kinakailangan pang tanong sa


katagang “approved unto God” or “subok sa Dios” ay ito: Subok sa Ano? Well, para
masagot ito kailangan nating makita ang context ng 2 Timothy chapter 2.

CONTEXTUAL OBSERVATIONS
The Immediate Context in 2 Timothy
Chapter 2

Now here in 2 Timothy 2:1-2, it seems to me that without the divine strength that
comes from verse 1, Timothy cannot do verse 2. Please read the passage.

Verse 2 is energized by verse 1. Verse 1 is demonstrated by verses 3-14 (soldier,


athlete, farmer, and teacher), while verse 15 is the pastoral application of verses 1-
14.

Point is: You can only become a workman that rightly divides the word of truth “if”
you are “strong in the grace that is in Christ Jesus” (2:1). Subalit ang tanong ay:
Paano magiging malakas si Timothy sa biyaya ni Cristo? Well to answer this, si
Apostol Pablo ay nagbigay kay Timoteo ng mga larawan o huwaran ng lakas,
pagtitiyaga, at kaalaman na ating makikita sa verses 2-14. Well, halimbawa,

Teacher – Knowledge
Soldier – Discipline
Farmer – Patience
Athlete – Endurance

Kailangan ni Timoteo ang diwa ng mga katangian mula sa mga larawan-huwaran


na ito sapagkat nanghihina ang loob niya na gampanang malakas at mapanindigan
ang pagtuturo ng Salita ng Diyos. Actually, Paul also included himself as an
example para ipakita kay Timoteo ang application ng mga katangiang ito sa
paraang madali niyang makita at maunawaan – ang buhay mismo ni Apostol Pablo.
Sa totoo lang, maging ang Panginoong Jesus nga ay ibinigay niya ring halimbawa
na dapat tularan (v.8). Pero dahil sa grabeng truths na mayroon ito, ay pinigilan ko
ang aking lapis sa pagsusulat at baka panibagong leaflet ang aking magawa.

So, ang mga ito mismo ang siyang “paraan” or “how-to” para mangyari ang lakas sa
verse 1, “be strong in the grace that is in Christ Jesus.” Sa madaling salita,
magpakalakas ka kay Cristo gaya ng isang Guro, ng isang Sundalo, Magsasaka, at
Atleta. At kapag nangyari ito, dun lamang epektibong magaganap ang sinasabi sa
verse 2, which is the legacy of apostolic teaching – o dalisay na turo.

10
Bible Light Ministry

Now, it is interesting to see yung harmony ng passage rito. Ang chapter 2:3-13 ay
hindi lamang nagtuturo sa atin ng “how-to” ng pagiging malakas sa biyaya ni
Cristo, kundi itinuturo rin nito actually kung paano mapagsusumikapang magawa
– “study to show…” – ng isang Pastor na maging “subok” or “aprobado” sa harapan
ng Dios. Sa madaling salita, ipinapakita rin sa 2:3-13 kung ano ang “standard-test”
or “batayan” ng pagiging subok o karapat-dapat sa harapan ng Dios ayon sa utos at
hamon ng 2:15.

Thus, gusto kong makita mo na yung “workman” na sinasabi sa 2:15 ay binigyang


larawan at huwaran ni Pablo simula pa lang verse 2 hanggang 13. Hayaan ninyong
sundan ninyo ang takbo ng isip ko sa passage na ito gamit ang outline na ito.

2:1 – Strength to Fulfill verses 2 and 15


2:2 – Ministry and Legacy
2:3-13 – How-To: Model and Motivation to Achieve Verses 1, 2, and 15
2:14 – Principles for Training Faithful Men in Verse 2
2:15 – Pastoral Application of Verses 2-14

See?

So tungkol sa tanong ng batayan ng pagiging subok sa Dios (2:15), ano ang batayan
na ito? Well, kung ikaw ay isang Pastor, I want you to follow the thought-pattern na
nakikita ko sa sulat na ito ni Apostol Pablo. Ang batayan para maging subok si
Timoteo at ang isang Pastor sa harapan ng Dios ay…

1. To be “able to teach…” and “…commit the things that thou hast heard of
me (Paul)…” (Verse 2)
2. To be able to “endure hardness as a good soldier…” and be “able to please
him who hath chosen him to be a chosen.” (Verses 3-4)
3. “…strives for masteries…strive lawfully…” (Verses 5).
4. “labors” (Verse 6)
5. Be “able to consider what I (Paul) say” (Verse 7).
6. “Remember…Jesus Christ…” (Verse 8)
7. “…endure all things for the elect’s sakes…” (Verse 10)
8. “…if we be dead with Him (Christ)” and “if we suffer…” (Verses 11-12)
9. To be able to “…put in remembrance…” “Of these things” (“things”
mentioned in verse 2) by “…charging them before the Lord…” that is
those in verse 2. (Verse 14).

Ito ang mga batayan or criteria kung gayon na kung saan dapat pag-aralan at
pagsumikapan ng isang Pastor na mangyari sa kanyang buhay sa tulong ng biyaya
ng Dios upang siya ay maging karapat-dapat na Pastor. Ito ang context ng “study”
na sinasabi sa verse 15.

11
Bible Light Ministry

Ang phrase na “these things” sa passage na ito ay tumutukoy sa “Body of Truth” or


“Apostolic Truth,” sa Turo ni Cristo at ng mga Apostol; sa madaling salita, “Biblical
Truths” na dapat dalisay na ituro, ipangaral, panatilihing dalisay, at ipasa sa
susunod na salin-lahi ng mga tapat na Kristyano (2:2, 14). At ang lahat ng ito ay
dapat na gawin sa diwa at paraan ng “not to be ashamed” or “without cause of
shame” (Greek: anepaischunton) and “rightly dividing the word of Truth” (Greek:
orthotomounta ton logon tns aletheias), in other words, handling the Scriptures
without perversion and distortion but only precision.

Now, considering ang lahat ng data na ito for words of 2 Timothy 2:15, it seems to
me na pwedeng i-translate ang verse sa ganitong pahayag.

“Pagsikapan mong may karunungan na italaga ang iyong sarili na subok


sa Dios; mangagawang walang dapat ikahiya na may kaisipang lagi kang
nasa harapan ng Panginoon. Dapat mong panghawakan ng wasto ang
salita ng Dios at tumpak itong ituro ng walang labis at walang kulang.”
(Personal Translation)

PASTORAL OBSERVATIONS
The Presentation of the Pastor

“Study to show thyself approved unto God…”

~Observation 1~

Maraming mga simbahan dito sa ating bansa na pinangungunahan ng mga Pastor,


isama narin natin ang tinatawag na “Church-board” or “Council” na ang batayan ng
pamumuno ay “programa,” “entertainment,” “pep-talk,” at mga pakulo. Binibigyang
diin kasi nila na isang pangangalaga sa tao ang maramdaman nila na
nagmamalasakit ka para sa kanila. Sa isang banda ito ay maganda, subalit bunga
nito, maraming mga local-churches ang nagiging abala sa pagbuo ng mga
presentations na hihila sa kalooban ng tao at kikiliti sa kanilang mga kagustuhan.
Now, having “programs” in itself ay hindi masama, subalit kung ang programa ng
simbahan ay hindi alinsunod sa “programa ng Diyos” ayon sa Kanyang Banal na
Salita, ito ay walang kabuluhan.

Nakalulungkot isipin, subalit ang batayan ng “Church-growth” sa panahong ito ay


ang tugunan ang kagustuhan ng tao or yung tinatawag na “Felt-Needs” or yung
pagiging “Seeker-Sensitive” kung paanong sa Business ay mayroong “Customer-
Friendly” approach. Ang dahilan nila ay: Sa pamamagitan raw ng pagkuha ng loob
ng tao ay maaakay mo sila sa Panginoon. Now, ang ganitong kaisipan ay tanda ng
espiritwal na pagbulusok ng ating mga simbahan. Sapagkat sa halip na si Cristo
ang maging “Ulo” ng Iglesya, ay ang Tao, sa pamamagitan ng kanyang kagustuhan

12
Bible Light Ministry

ang naghahari. Ang ganitong uri ng simbahan ay espiritwal na cementeryo. Oo


maraming tao! Ngunit puro mga bangkay! Muli, Oo maraming tao at Oo, marami
ring mga bangkay!

Pastor, ang iyong presentation ay hindi dapat para sa tao, kundi para sa Diyos.
Huwag mong gawing batayan sa ministeryo ang kagustuhan ng tao, kundi ang
Kalooban ng Diyos. Si Cristo ang Hari ng Iglesya, hindi ikaw, at hindi ang
sinupaman. Ang kalooban ni Cristo ang dapat masunod! Pero kasi ang problema,
paano mangyayari ang kalooban ni Cristo, kung mismong ang Pastor hindi alam
kung ano ang kalooban ni Cristo? Kita mo?

Pastor hindi ka tinawag upang maging “entertainer” kundi upang maging


“preacher” and teacher of the Word of God. Hindi layunin ng iyong tungkulin ang
magparami ng miyembro, kundi upang magturo ng Salita ng Dios. Huwag mong
isalig ang katagumpayan ng iyong paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng
maraming dumadalong tao saiyong simbahan. Alalahanin mo na ang Anak ng
Diyos sa bandang huli ng Kanyang earthly ministry ay may 12 alagad lamang, at
ang isa pa nga ay Hudas. Balikan mo ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Ang sabi sa 2
Timothy 2:15, “present” or “show” yourself approved UNTO GOD. At sa paanong
paraan? Dalawang pangunahin…

1. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng katangian na ayon o katulad ng kay


Cristo (1 Cor.11:1).
2. Sa pamamagitan ng Doctrinang ayon sa Salita ng Katotohanan.

Ito ay dalawang mahalagang sangkap sa buhay ng karapat-dapat na Pastor. Your


presentation in the church ay ang pangangaral at pagtuturo ng Banal na
Kasulatan. Mas higit na mabuti na magkaroon ng 3 miyembro na totoo sa pagibig
at salita ni Cristo, kaysa 1,000 na puro naman balat-kayo at mga anak ng demonyo.

~ Observation 2~

Ang pag-aaral at pagsusumikap na dapat iharap ng isang Pastor upang maging


subok sa harapan ng Diyos ay yaong pagiging matatag sa biyaya ni Cristo (2:1), sa
diwa ng halimbawa ng isang mabuti at matiyagang guro, sundalo, magsasaka, at
manlalaro. Ang kanyang pag-aaral at pagsusumikap ay hindi niya ginagawa para
sa tao kundi para sa Diyos. Ang Panginoon ang kanyang natatanging “Audience” as
a workman of God. Pinag-aaralan at pinagsusumikapan niyang mabuti at matatag
na maging tapat na guro, matatag na sundalo, mabuting manlalaro, at matiyagang
magsasaka upang ang Diyos ay kanyang bigyang lugod, upang sa pagsasagawa nito
ay wala siyang anumang ikahiya sa harapan ng Diyos.

Inaakala ng maraming Pastor ngayon na ang batayan ng pagiging mahusay na

13
Bible Light Ministry

lingkod ng Diyos ay nakabatay sa pagpapatayo ng malaking gusali ng simbahan.


Inaakala rin nila na ang pagiging comedyante sa harapan ng congregasyon ay
mabuting paraan ng paglilingkod upang hindi ma-boring ang mga miyembro na
dumalo sa simbahan. Bunga nito, maraming mga pastor ang nagiging “payaso” sa
halip na maging “mangangaral.” Ang “Sunday School” ay pinalitan na ng mga
pakulo, drama, sayawan, at kantahan, sa halip na magturo. Sa totoo lang, ang
ating mga simbahan ngayon ay pugad na ng mga tamad at tampalasan! At bakit?
Sapagkat ang simbahan ay ginawang “sayawan” sa halip na maging banal na dako
kung saan ang pagbubulay at pag-iisip sa katotohanan ng Diyos at ng Kanyang
Salita ay nararanasan. Patuloy tayong nagiging tamad sa pag-aaral ng Salita ng
Diyos! Ginawa nating tuod ang ating mga isipan sa pamamagitan ng mga
makapag-damdaming awitan sa ngalan raw ng “Praise and Worship.” Ngunit
kaibigan, ang simbahan ay hindi lugar for “sing-along.” Hindi ito “That’s
Entertainment!” Ang pastor ay dapat na nagtuturo at nangangaral at hindi
nanghaharana.

Sa lahat ng ito, ang ibig ko lang sabihin ay: Inaakala kasi ng mga Pastor ngayon na
maihahatid nila sa malalim na relasyon sa Diyos ang Congregasyon sa
pamamagitan ng kantahan, sayawan, at programa. Madalas nilang ikinu-quote si
David na nag-sasayaw raw sa harapan ng Dios. Tama iyan kaibigan, subalit una sa
lahat, dapat nating tingnan na hindi naman niya ginawa iyon sa loob ng
Tabernakulo o Templo, kundi sa harapan ng bayan. Now, maari mong sabihin:
“Kaya nga dapat turuan nating sumayaw sa Panginoon ang mga Cristiyano,
sapagkat aakay ito ng mga hindi mananampalataya.” Ngunit ang sagot ko naman:
Kaibigan, sayaw ba ang sinasabi sa Biblia na makapaghahatid sa tao sa
pagkakilala sa Panginoong Hesus? Hindi ba’t ang Ebanghelyo? O sadyang hindi mo
alam? Hindi tinubos ng Diyos ang mga Cristyano upang sumayaw sa harapan ng
mundo! Ang Iglesya ay hindi branch ng Eat Bulaga o ng Wow-wowee. Ang Iglesya
ay branch or “sanga” ni Cristo (John 15). Pastor, huwag mong isipin na
mabibigyang kaligayahan mo ang tao sa pamamagitan ng sayaw, awitin, at mga
pakulo mo. Ang nagbibigay ng tunay na kagalakan sa puso ng tao ay ang Salita ng
Diyos. Ang awit at sayaw ay nagkakaroon lamang ng kabuluhan at karunungan
kung ang ating isipan ay may pagkakaunawa sa sinasabi ng Diyos. Oh, huwag
nating gawing pugad ng mga bulaang mga mang-aawit ang Iglesia ng Dios. Pero
ang masakit, bakit ito nangyayari ngayon? Bakit? Sapagkat ang Pastor ay tamad sa
pag-aaral at tamad sa pangangaral. Mas gusto pa niya ang mag-guitara at pag-
aralan ang bagong kanta; ang bagong kaskas at plucking ng guitara. Ang alamin
kung ano ang latest “Contemporary Christian Songs” kuno, kaysa ang unawain ang
talata, context, background, language ng John 3:16. Sa totoo lang, sa maniwala
man kayo o sa hindi, pero maraming mga tinatawag ngayon sa pangalan na
“Pastor” na walang mabuti, malalim, at malawak na pag-aaral sa talata ng John
3:16. At bakit? Kasi “tamad” at bunga nito, maraming mga dumadalo sa simbahan
ang nananatiling bulag, patay, at inaagnas ng kasalanan – at ang masama pa
niyan ay kasama narin ang Pastor.

14
Bible Light Ministry

Oh, ang Pastor ay hindi dapat matakot sa sasabihin ng tao, ni hindi rin siya dapat
mabahala kung mayroon pang dadalo sa susunod na linggo kung ituturo niya ang
katotohanan. Alalahanin mo, hindi tayo tinawag ng Diyos upang magtayo ng sarili
nating Organisasyon, kundi upang mangaral (2 Timothy 4) – ipangaral na ang
paghahari ng Dios sa puso ang siyang tunay na kailangan ng Tao.

~ Observation 3~

Ang entablado kung saan ang pulpito ay naroroon ay hindi dapat pagharian ng
sayawan, drama, at kantahan. Kundi ito ay dapat na pagharian ng pangangaral ng
Salita ng Diyos. Oo marami ang aalis saiyong simbahan, subalit mas mabuti pang
may isa kang tagapakinig na nagmamahal ng totoo sa Salita ng Panginoon, kaysa
sa 1,000 tagapakinig na ayaw matuto sa katotohanan, dahil ayaw makinig sa iyong
Biblical na pangangaral.

Pastor, huwag mong gawing disco ang simbahan! Huwag mo itong gawing pugad ng
mga makasalanan dahilan sa iyong karuwagan na magturo at mangaral. Hindi ka
karapat-dapat na tawaging “Pastor” kung hindi mo binubuklat ang iyong Biblia at
itinuturo at ipinapangaral sa iyong miyembro ang dalisay na Ebanghelyo na hatid
ng bawat talata nito. Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit nagkalat ngayon ang
mga unbiblical na awitan ay dahilan sa kapabayaan ng Pastor! Sa maniwala ka
man o sa hindi, ang pagkakaroon ng mga unbiblical na awitan, lyrics and tune sa
mga local na simbahan ngayon ay palatandaan ng paglaganap ng mga unbiblical at
tamad na Pastor. Kapag ang “Praise and Worship” ay unbiblical, ibig sabihin ang
pastor ay hindi nag-aaral. Maganda nga ang “tono” ngunit ang “lyrics” unbiblical
wala parin. At dahil sa mismong ang Pastor ay mahilig rin sa kantahan, hindi niya
yun pansin. Hindi niya mapapansin ang unbiblical na mga awit ngayon na binubuo
ng mga unbiblical na praise and worship composers sapagkat hindi siya nag-aaral
ng Biblia. Sa panahon kasi natin ngayon, kahit na hindi mo maintindihan ang
lyrics, basta’t napapatalon ka, ayos lang. Hindi ba? Oh Kahiya-hiyang Pastor! Hindi
ka karapat-dapat sa tungkuling iyan. Isa kang bulag na bantay! At kapag bulag
ang nagbabantay, ang bayan ay malilibing sa hukay!

Ang Pastor ay walang dapat ikahiya kung kanyang ginagamit ng wasto o matuwid
ang Salita ng Katotohanan. Ang ibig sabihin, ang karangalan ng isang pastor ay
nakabatay sa kanyang maka-Diyos na pag-uugali at sa matuwid na paggamit ng
Banal na Kasulatan. Kapag ang pastor ay tumayo sa pulpito at puro lamang
kwento, siya ay kahiya-hiya at dapat ikahiya. Ang marangal na pastor ay
nangangaral at nagtuturo ayon sa nasusulat na Salita. Ang kanyang mensahe ay
hindi bunga ng kanyang kuro-kuro, kundi ng maingat na pag-aaral sa Biblia.
Kapag ang isang Pastor ay tumayo sa pulpito at nagbasa ng talata, ngunit ang turo
ay hindi hango sa talata, siya ay dapat na ikahiya. Dapat akayin ng mabuting
pastor ang mga mananampalataya sa mabuting batisan at pastulan ng mga talata

15
Bible Light Ministry

ng salita ng Dios. Bawat talata sa Biblia ay may hatid na kayamanang espiritwal at


ipinapahayag ang kadakilaan ng Dios. Ito ang dapat tuklasin ng Pastor sa
pamamagitan ng masikap na pag-aaral. Ang pastor na lagi lang abala sa mga
proyekto ng simbahan, sa mga meeting, visitations, at secular strategizing ay dapat
ikahiya. Ang pastor ay hindi tinawag ng Diyos upang maging manager. Siya ay
tinawag ng Dios upang maging teacher of the Word of God. Sapagkat ano ang
maipapakain mo sa mga tupa ni Cristo kung ikaw ay hindi abala sa pag-aaral at
pagbubulay ng mensahe ng Diyos, ayon sa nasusulat? Pastor wala kang
maibabahagi, kung wala kang tinanggap. Mag-aral ka ng Biblia upang may
maituro ka. Huwag mong hanapin ang kalaguan ng local na simbahan sa
pamamagitan ng mga proyekto at mga entertainment. Ipahayag mo ang Salita at
ang Diyos ang bahala sa paghahatid ng kalaguan. Ang Church-Growth ay hindi
nakabatay sa bilang kundi sa katangian. Lalago ang bilang kapag ang mga
mananampalataya ay lumalago sa maka-Cristong katangian sa pamamagitan ng
salita ng katotohanan.

Pastor mahiya ka sa Diyos kung hindi ka nag-aaral ng Biblia ng buong puso at


isipan. Nakalulungkot isipin subalit maraming mga pastor ang hindi marunong
magpaliwanag ng talata. Nabubulol sa pulpito dahil hindi nagsasanay ng mabuti.
Pastor, ang iyong ipinapahayag ay Salita ng Dios! Salita ng mga Hari ng mga hari
at Panginoon ng mga panginoon, bakit hindi ka handa? Bakit hindi ka nagsasanay
na maipangaral ito sa mas maayos at mahusay na pamamaraan? Marami ang
tumatayo sa pulpito na hindi handa at walang pinagpagalang pag-aaral. Ang
kanilang “outline points” ay bunga lamang ng mababaw na pag-iisip, na madalas ay
nakabatay sa personal na karanasan, sermon ng iba, at observation sa lipunan o sa
kalsada o kaya naman ay sa napanood na Tele-Novela. Oh! Iilan lamang na pastor
ang nagpapaliwanag ng talata ayon sa sinasabi ng talata.

Kaibigan, ang pastor ay isang mag-aaral, na may espiritu ng masikap na


manggagawa. Kung hindi ka mag-aaral ng Biblia, hindi ka karapat-dapat tumayo
sa pulpito. Mag-aral ka! Magsumikap ka, kahit na dugo na ang lumabas na pawis
sa katawan mo dahil sa pag-aaral ng Biblia! Iyan ang utos ng Diyos sa talatang ito
ng 2 Timothy 2:15. Igugol mo ang iyong panahon sa pag-aaral ng Salita ng Diyos,
sapagkat iyon ang kalikasan ng iyong pagkatawag. Iyan ang iyong tungkulin! At
higit sa lahat, ang bawat talatang iyong napapag-aralan ay dapat mong isabuhay.
Sapagkat ang tunay na karunungan mula sa langit ay hindi lamang pumapasok sa
isip, kundi nananahan sa puso at lumalakad sa kabanalan! Ang mangangaral ay
isang masikap na mag-aaral na masikap na nagpapakabanal.

16

You might also like