Professional Documents
Culture Documents
YOLO
YOLO
Nagsimula ito noong nagkaroon kami ng computer shop. Ako palagi yung
nagbabantay at nagaassist at dahil dun babad na babad ako sa computer. Naadik ako sa
mga online games natutunan ko yung mga basic na ginagawa sa computer tulad ng
pagtype, pagresearch at kung ano ano pa. Sa totoo lang sa una mahirap sya pero noong
paunti unti na akong natututo narealize ko na ang dali lang pala. Masaya ako
pagnakakahawak ako ng computer.
Lumipas ang oras at panahon ako na ay magkokolehiyo na. Ang kinuha kong
kurso ay Information Technology dahil bukod sa ito ang gusto ko ay in demand pa ito sa
henerasyong ito. Sa una akala ko madali lang yung kursong Information Technology kasi
alam ko naman yung mga basic pero habang tumatagal ay naramdaman ko na rin ang
hirap, yung mga codes at programs na dapat mong kabisadohin sobrang dami at ang
hirap. Pero ang hirap na ito ay nawala ng parang bula dahil ang hirap na naranasan ko ay
napalitan ng luha ng isang magtatapos na.
Kahit ako ay ganito napatunayan ko sa aking sarili na kaya ko. Kaya kong maabot
ang aking pangarap sa tulong ng aking pamilya at ng Panginoong Diyos. “YOU ONLY LIVE
ONCE” isang katagang nagpapatunay na kunin lahat ng opurtunidad na kumakatok sa
pintuan, wag pigilan ang sarili sa gustong gawin at kahit mahirap ang pinagdadaanan
wag na wag mawawalan ng pagasa at wag na wag susuko dahil sa huli masusuklian ang
mga pinaghirapan mo.