Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hello, Love, Goodbye

Ang Hello, Love, Goodbye ay isang pelikulang isinulat nina Carmi G. Raymundo, Crystal S.
San Miguel at Cathy Garcia-Molina na siya ring direktor ng nito. Pinagbidahan ang pelikulang
ito nina Kathryn Bernardo, gumanap sa karakter ni Joy Fuentes, at ni Alden Richards na
nagsabuhay sa karakter ni Ethan Del Rosario. Ang nasabing pelikula ay kinuhanan pa mula sa
Hong Kong. Lumabas sa mga sinehan ng iba't-ibang parte ng bansa ang pelikuha noong ika-
tatlumpu't isa ng Hulyo taong 2019.

Maraming mga Pilipino ang nagtutungo sa ibang bansa, nagtitiis ng lungkot, hirap at pagod
masuportahan lamang ang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Isa na dito si Joy, nagtapos bilang nars
ngunit nagtrabaho sa Hong Kong bilang isang domestic helper upang masurportahan ang mga
kapatid at bulag na ama. Ngunit pagod na siya. Pagod na siya sa trabaho niya at sa mga
responsibilidad na dala-dala niya. Gusto niyang maramdaman na kontrolado pa rin niya ang
buhay niya kaya nais niyang magtungo sa Canada dahil doon ay maaari siyang magtrabaho
bilang isang nars. Upang makalikom ng karagdagang kita, nagtrabaho si Joy bilang serbidora sa
isang bar kahit ilegal. Mayroong batas sa Hong Kong na ang isang domestic helper ay hindi
maaaring magkaroon ng iba pang trabaho maliban sa pagiging kasambahay. Sa bar sila
nagkatagpo ni Ethan, isang happy-go lucky guy na walang plano sa buhay. Isang residente ng
Hong Kong ang ama ni Ethan at tatlong taon na lamang ay magiging ganap na rin siyang
residente doon. Minsan nang nagkamali si Ethan na nagdulot ng matinding pasakit hindi lamang
sa kaniyang ama kundi maging sa nakababata niyang kapatid. Sa pagtatagpo ng mga landas nina
Joy at Ethan, nabago ang buhay ng dalawa. Sa Hong Kong sila ay pinagtagpo at nahulog sa isa't
isa.

"May mga lugar na pang matagalan. May mga lugar na dinadaanan lang. Parang Hong Kong.
Tulad din ng tao, may mga dumadaan lang, meron ding pangmatagalan na babaguhin ka habang
buhay. "

Ang Hello, Love, Goodbye ay isang romantikong pelikula. Sinasalamin ng pelikulang ito ang
buhay ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Mula sa manuskrito ng pelikula,
sinematograpiya, editing, kanta hanggang sa pagganap ng mga aktor ay kamangha-mangha. Ang
representasyon ng pelikula sa pagpapakilala ng mga OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa
mabigyan lamang ng magandang buhay ang pamilya nila ay reyalidad na ating hindi nakikita
dahil ang alam lang natin sila'y mayroong magandang buhay, ngunit kailangan nilang mag
sakripisiyo ng sobra. Nailahad din ang mga personal na problema ng mga karakter maliban sa
pinakamahalagang problema sa pelikula. Ang mga problemang ipinakita sa pelikula ay
problemang posibleng kaharapin ng mga Pilipino na naghahanap-buhay sa ibang bansa.
Maganda ang naging pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagbigay kaba, lungkot at saya
sa mga manunuod. Ang mga hindi inaasahang pangyayari ang mas lalaong nagpaganda ng takbo
ng pelikula. Makatotohanan ang bawat linyang sinasambit ng mga aktor maging ang mga kilos at
pangyayaring naganap sa pelikula sapagkat ang mga ito ay tunay na naranasan ng mga domestic
helper na Pilipino sa ibang bansa. Bumagay rin ang kantang ginamit sa pelikula, ang kantang
"Ikaw at Ako" ni Moira Dela Torre at Jason Marvin. Tila ang bawat linya ng kanta ay ang mga
salitang binibitaw ng dalawa sa isa't isa. Hindi rin maipagkakaila na nakadadala ang mga eksena
sa paggitan nina Kathryn Bernardo at alden Richards. Mapapansin na kahit ito ang unang beses
ng kanilang pagtatambal, may chemistry silang dalawa.

Gamit ang lenteng realismo, ipinakita sa pelikula na may mga pangyayari sa buhay natin na
hindi natin kayang kontrolin. Ipinakita ito ng buhay ni Joy at ni Ethan. Nagtapos si Joy sa
kursong nars ngunit nagtrabaho bilang domestic helper dahil kailangan niyang suportahan ang
pamilya. Nagtungo siya ng Hong Kong upang muling maubuo ang pamilya nila ngunit ayaw na
ng kaniyang ina. Nagpapakita din ito ng mga nawawasak na pamilya dahil sa pangingibang
bansa ng membro pamilya. Ipinakita din sa pelikula kung anong hirap ang pinagdadaanan ng
mga manggagawang Pilipino sa kamay ng kanilang amo. Dahil sa mga karanasang ito, nawawala
ang paggalang nila sa salili dahil sa mapang-aping mga amo. Ang pagiging tanga ni Ethan sa
pag-ibig na nagresulta ng pag-iwan niya sa pamilya ay sumisimbolo na kung minsan ay may mga
taong nasasaktan dahil sa sobrang pagmamahal ng indibidwal sa isang tao. Minsan ay nagiging
bulag ang tao dahil sa pagmamahal. Nang muling bumalik si Ethan sa Hong Kong, napagtanto
niya na lahat ay nakausad na at siya ay napag-iwanan na.

Sa pamamagitan naman ng leteng peminismo, makikita sa pelikula na ang mga kababaihan


kung minsan nagpagsasamantalahan. Halimbawa na dito ay ang ina ni Joy. Tulad ni Joy, isa ring
domestic helper ang kaniyang ina sa Hong Kong. Nagpakasal ito sa amo nitong Tsino hindi dahil
sa sarili niyang kagustuhan kundi dahil sa kagustuhan ng asawa nito na ama ni Joy. Makikita din
ang pananakit sa ina ni Joy ng napangasawa nitong Tsino na nag-iiwan ng malalaking pasa sa
katawan nito. Isa pang halimbawa ay ang isang domestic helper din sa Hong Kong na sinabihan
ni Sally, ang karakter na ginampanan ni Kakai Bautista, na gumawa ng sariling account upang
masubaybayan nito ang bawat transaksyon. Sapagkat natuklasan ng domestic helper na iyon na
nagsusugal at nambababae lamang ang kaniyang asawa gamit ang kniya perang ipinapadala.

You might also like