ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong into, ang mga bansa dito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon- mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon. Mt. Ararat
TIMOG ASYA- Iba-iba ang klima sa loob ng isang
taon. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatili malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon. ANG MGA URI NG KLIMA NG ASYA
Mt. Everest
HILAGANG ASYA Sentral Kontinental-
Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig. Socotra Archipelago (Yemen)
KANLURANG ASYA- Hindi palagian ang klima.
Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, into’y kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat. Mga Kontinente at Klima sa Asya
Jamie Ann M. Jimenez
8 - Jasmine Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at iba pa. Eastern Island
Gayundin, ang South America ay hugis
tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America Washinton DC
Ang North America ay may hugis na
malakiing tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran. Eiffel Tower
Samantala, ang laki ng Europe ay
sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig Banaue Rice Terraces
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.
Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China. Goudier Island
Ang Antarctica ang tanging
kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito. Cape of Good Hope
Nagmumula sa Africa ang malaking
suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert,na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente