Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA I

INTRODUKSYON

Sanligan ng Pag-aaral

Laganap na sa mga Pilipino ang ugaling ipagpabukas ang mga bagay-bagay na

dapat gawin habang may oras pa. Maging bata o matanda ay nakagawian na ang

kaugaliang ito na kung tawagin ay Mañana Habit. Ayon kay Mendoza (2014) ang

Mañana Habit ay simpleng pagpapabukas o pagpapaliban ng isang gawaing maaari

namang gawin ngayon. Isang uri ng pag-uugali ng mga Pilipino na kung saan

pinagpapaliban ang mga nakatakdang gawain sa pamamagitan ng paggawa ng ibang

bagay at gagawin lamang ang mga tungkuling pinagpaliban sa ibang panahon.

Namana ng mga Pilipino ang ganitong pag-uugali sa mga kastilang sumakop sa

bansang Pilipinas ilang taon na ang nakalipas. Ang salitang Mañana ay nanggaling pa

sa salitang espanyol na nangangahulugang “mamaya” o “bukas” sa wikang Filipino at

“procrastination” naman sa wikang Ingles.

Maaaring ito ay isa na sa mga malalaking problema na kinakaharap ng tao.

Marami silang oras at oportunidad na masasayang; ang mahinang pagganap sa bawat

gawain; ang pagtutol sa sarili at pagiging stress ang mga resulta sa pagkakaroon ng

Mañana Habit. Para sa karamihan, ang Mañana Habit ay talagang maituturing na

negatibong pag-uugaling nakakaapekto sa mga tao lalong-lalo na sa mga mag-aaral.

Nagbibigay ang Mañana Habit ng mga aksyon sa mga estudyante na hindi mag-aral at

hindi gawin ang mga akademikong atas. Halimbawa, may ipinapagawa ang guro sa

1
estudyante na ipapasa sa makalawa, kaya naisip ng mga estudyante na gawin nalang

mamaya o bukas dahil hindi pa naman ito agad ipapasa.

Ayon kay D’Angelo (2009), sa mga proyekto sa paaralan at maging sa opisina ay

sanay na sanay na ang mga tao na hintayin ang deadline bago gawin ang proyekto at

magpuyat isang araw bago ito isumite para matapos lamang.

Ang pag-uugaling ito ay hindi na pangkaraniwan sa mga mag-aaral sa STEM 11

ng Naval State University kung kaya’t ninanais ng pag-aaral na ito na malaman ang

mga kadahilanan ng ganitong pag-uugaling at kung paano ito nakaaapekto sa

performance ng mga estudyante sa paaralan.

Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga epekto ng

kaugaliang mañana habit o pagpapaliban ng mga mag-aaral sa STEM 11 ng Naval

State University. May mga espisipikong layunin ang kasalukuyang pananaliksik. Ang

mga ito ay ang mga sumusunod:

 Malaman ang kasarian ng mga mag-aaral na kalahok

 Malaman ang mga dahilan kung bakit ipinagpapaliban ng mga mag-aaral ang

kanilang mga gawaing pang-akademiko

 Makapaglatag ng ilan sa mga paraan kung paano maiwasan ang pagkakaroon

ng pag-uugaling Mañana Habit

2
Balangkas ng Pag-aaral

Balangkas Teoritikal

Ang Mañana Habit ay isang ugali na kailangan nating iwasan at pagtuunan ng

pansin. Ito ang dahilan kung bakit tayo nahuhuli o masyadong napapagod sa ating mga

gawain.

Ayon kay Miller ang Temporal Motivation Theory na mas kilala bilang

Procrastination Equation ay isang integrative na teorya na kung saan ang ibang

“Motivational” na teorya ay maaring manggaling. Ito ay nagmumungkahi na ang mga

dahilan kung bakit ang mga tao ay gumagawa ng anumang desisyon na maaring

kinakatawan ng sumusunod na ekwasyon:

𝐹𝑖𝑔𝑢𝑟𝑒 𝐼.

𝐸𝑥𝑝𝑒𝑐𝑡𝑎𝑛𝑐𝑦 × 𝑉𝑎𝑙𝑢𝑒
𝑀𝑜𝑡𝑖𝑣𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 =
𝐼𝑚𝑝𝑢𝑙𝑠𝑖𝑣𝑒𝑛𝑒𝑠𝑠 × 𝐷𝑒𝑙𝑎𝑦

Ang motibasyon ay nagpapahiwatig na ang kagustuhan para sa course of action,

na tinatawag ng mga ekonomista na pakinabang. Sa madaling salita, kapag mas

mataas ang pakinabang, mas malaki ang kagustuhan. Sa loob ng ekwasyon may

dalawang baryabol na napakaloob sa numerator at ito ay ang expectancy at value.

Expectancy ay nangangahulugan na ang tsansiya o posibleng mangyari habang ang

value naman ay nangangahulugan kung paano mo mabigyan ng gantimpala ang iyong

sarili sa lahat ng mga gawain. Sa ibaba ng ekwasyon ay ang denominator na binubuo

ng dalawang baryabol, ito ay ang impulsiveness, nangangahulugan na ginagawa agad

ang gawain at hindi ito pinapaliban o pinapatagal at ang huli ay ang delay, kung saan ito

3
ay nangangahulugan na pinapatagal ang mga gawain kung kaya’t habang tumatagal

lalong nawawala ang iyong interes sa mga gawain.

Balangkas Konseptwal

Epekto ng
Dahilan sa Epekto ng
kaugaliang
pag kaugaliang
Profayl ng mañana habit
papaliban mañana
mga o
ng mga habit o pag
tagatugon: pagpapaliban
gawaing papaliban ng
ng mga mag-
Kasarian pang- mga mag-
aaral sa
akademiko aaral sa
STEM 11 ng
STEM 11.
Naval State
University

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong pusong naniniwala na ang pag-aaral na ito ay

makatutulong sa mga sumusunod na personalidad:

Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ng mga ideya at paraan

na makatutulong sa mga mag-aaral na maging responsable upang mapatigil ang

pagpapairal ng pag-uugaling mañana habit at malaman ang kahalagahan ng oras.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro na magkaroon sila

ng sapat na kaalaman ukol sa suliranin para madisiplina ang mga mag-aaral at

maagapan ang ganitong pag-uugali.

4
Magulang. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga magulang kung

paano nila mas matutukan ang kilos ng kanilang mga anak at kung paano nila ito

matuturuan na maging responsable sa mga gawain na inatas sa kanila.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa epekto ng karanasan sa pag-

uugaling mañana habit ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM)

11 na mag-aaral ng Naval State University tungo sa kanilang gawaing pang-akademiko.

KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Binibigayan ng kahulugan at paliwanag ang mga mahalagang salita na

napapaloob sa paksang sinasaliksik upang lubos na maunawaan ang pag-aaral na ito.

Ang bawat termino na mabanggit ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaan

nila ang tungkol dito.

 Kaugalian – ay mga paniniwala, opinyon o mga kuwentong naisalin mula

sa mga magulang papunta sa kanilang mga anak

 Kasarian – ay tumutukoy kung babae o lalaki ang isang tao

 Mag-aaral – tumutukoy sa mga estudyante na nasa ilalim ng Science,

Technology, Engineering at Mathematics (STEM) strand

 Procrastination - ang pagpapaliban ng mga gawain

5
Kaugnay na Literatura

Marami sa mga kabataan ang may sakit na “Mañana Habit” o ang hindi

pagsisimula kaagad ng mga dapat gawin. Ito ay napakahirap iwasan lalo na ngayon sa

mundong ating ginagalawan. Ayon kay Steel (2007), 80 porsyento ng mga estudyante

sa kolehiyo ang nakaugalian ang Mañana Habit lalo na pagdating sa mga gawain. Ayon

kay Aguirre (2014) ang “Mañana Habit” ay isa sa mga natutunan natin sa mga

Espanyol. Ang “Mañana” ay hango sa salitang Espanyol na nanganaghulugang “bukas.”

Ayon kay Biala (2014) ang isang taong nasanay na sa kaugaling mañana habit,

ay kahit may oras pa upang gawin ang isang bagay, sadyang ipinagpapabukas pa.

Habang patuloy nilang hinahayaan ang ganitong kaugalian, lahat ng plano ay hanggang

plano na lamang o di kaya’y hanggang umpisa lang at di na matapos. Ang masaklap pa

nito, habang lumilipas ang panahon ay dumadami din ang mga plano at mga gawaing di

matapos-tapos na siyang dahilan ng pagiging mainitin ng ulo at pagkawala ng

concentration. Ito rin ay nagdadala ng pagkakaroon ng pagkabigo at depresyon.

Bumababa din ang tiwala sa sarili, at madalas na kadahilan ng pagkasira ng kanyang

karera.

Ayon parin kay Biala (2014) ang “Mañana Habit” ay maaaring magresulta sa

stress, pagkaramdam ng pagksala at krisis, at malubhang pagkawala ng pagiging

produktibo ng isang tao. Ang mga damdamin kapang pinagsama ay maaring

magsulong ng mga karagdagang pagpapaliban. Habang ito ay pinagpalagay bilang

normal para sa mga tao na umantala sa ilang antas, ito ay nagiging isang problema lalo

na kapag ito ay nakakahadlang sa normal na gawain sa araw-araw.

6
Ayon naman kay Pepoa (2010) isa itong kaugalian na pwedeng tawaging

“procrastination virus” dahil napakaraming epekto ang naibibigay nito. Ang kaugaliang

ito ay mas lalo pang pinapalala ang pagiging tamad ng mga Pilipino. Isa ito sa mga

rason kung bakit hindi agad nakakagawa o natatapos ng isang gawain.

Ang pagpapaliban o procrastination ay isang sakit na nagpapawala sa

pagiging produktibo ng mga mag-aaral at kapag malapit na ang araw ng pagsusulit o

kaya’y deadlines ay kumakaharap tayo ng epidemya ng ganitong pag-uugali. Ayon kay

Atillano (2011), ang pagpapaliban o procrastination ay isang kilos kung saan ay

ipinagpapabukas ng isang tao ang isang bagay na dapat gawin. Hindi mapagkakaila na

tunay na dalubhasa sa sining ng pagpapaliban o pagpapabukas ang mga mag-aaral.

Naging bahagi na ito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay sa eskwelahan.

7
KABANATA II

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito nakapaloob ang proseso o metodolohiya ng pag-aaral.

Nakabatay ang mga datos na makukuha sa mga talatanungang ibinigay sa mga

tagatugon.

Disenyo ng Pag-aaral

Ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptibong paraan ng pananaliksik. Sa

maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang napiling gamitin ng mga mananaliksik

ay ang Descriptive Survey Research Design. Ang nasabing uri ng deskriptibong

pananaliksik ay gumagamit ng survey questionnaire o talatanungan sa pagkuha ng iba’t

ibang datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sapagkat

mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

Pinagkunang Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa Naval State University–Laboratory High

School na matatagpuan sa Munisipalidad ng Naval, Probinsiya ng Biliran. Ang

Unibersidad ay may mga Senior High School Programs kabilang ang Science,

Technology, Engineering and Mathematics (STEM) kung saan kukuha ang mga

mananaliksik ng mga potensiyal na respondente para sa nasabing pag-aaral.

Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay maglalagom ng mga impormasyon sa mga piling

respondente mula sa ikalabing-isang baitang na mag-aaral ng Naval State University-

Laboratory High School. Ang nasabing pag-aaral ay kailangan lamang ng 30

8
respondente na siyang kinapanayam ng mananaliksik tungkol sa paksa upang maging

malinaw sa mga mananaliksik pati narin sa mga mambabasa ang pag-aaral na ito.

Kagamitan/Teknik sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire

bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa

pag-aaral. Ang sarbey kwestyuner ang magiging gabay at basehan ng mga

mananaliksik upang malathala ang mga datos na tinatalakay ng paksa.

Paraan ng Paglikom ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang

lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral at matiyak ang

kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali

sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng

maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga

nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas

makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.

Pagsusuri ng mga Datos

Sa bahaging ito nakapaloob ang datos na pinagkuhanan ng mga mananaliksik

sa mga respondenteng tumugon sa mga inilahad na katanungan. Dito rin malalaman

ang bilang ng respondenteng napagkuhaan ng impormasyon para sa nasabing

pananaliksik. Porsyento ay ginamit para sa demograpikong propayl ng mga

9
respondente ayon sa kanilang opinyon sa pag sang-ayon sa mga tanong tungkol sa

paksa.

Kung saan:

P= n/f (bilang ng mga respondente) x 100

P= porsyento

n= dalas ng paggamit

f= bilang ng mga respondente

10

You might also like