Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas

Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas


Ang maikling kwento ay maikli at masining.Isang upuan at sandaling panahon lamang
ang ginugugol, agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at
aliw.
· Edgar Allan Poe – tinaguriang ama ng milking kwento sa buong mundo.
Ayon sa kanya, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan,likha ng guniguni at
bungang isip o hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
· Deogracias A. Rosario – Ama ng maikling kwento sa Pilipinas.
Magasing Amarant at Forget me not – sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng
salaysay.

Panahon ng Katutubo
· Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga
kastila sa ating kapuluan.
· Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga kwentong bayan.
· Tinetema ay kalikasan, diyos-diyosan.
· Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan.

Pinag-ugatan ng Maikling kwento


Mitolohiya – salaysayin tungksa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang
katutubo.
-tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga
anito.
Halimbawa: si Malakas at si Maganda.
· Alamat – isinaslaysay ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa.
Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.
· Pabula – uri ng kwentong gumagamit ng mga hayop bilang tauhan. Naghahatid ng
mahahalagang meensahe at aral sa buhay.
· Parabula – saylaysay hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na
pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.
· Kwentong Bayan – ipinapakita ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin, at kultura
ng isang lipi
· Anekdota – nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at mga pangyayaring
kapupulutan ng mga aral sa buhay.

Panahon ng mga Kastila


· Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat
Mga halimbawa ng maikling kwento sa panahon ng mga kastila
· Noche Buena ni Jose Rizal
· Si Rosa at si Rogelio ni Lope K. Santos
· Bunga ng kasalanan ni Cirio Panganiban – nagkamit ng unang gantimpala noong 1920.
Ito angunang kwentong tumapat sa mahigpit na pangangailangan ng banghay.
Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng
panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng
wika.

Mga nagkamit ng gintong medalya at pinakamahusay na kwentista.

· Wala nang Lunas ni Amado V. Hernandez


· Aloha ni Deogracias A. Rosario
· Sugat ng Alaala ni Fausto Galauran
· Ay,ay ni Rosalia A. Aguinaldo

Panahon ng Amerikano
· Tinagurian ang panahong ito bilang “Mga Gintong Dahon ng Panitik (1929-1934)
sapagkat ang binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng kalamnan.
· Dalawang pangkat ng kwentistang Pilipino
-unang pangkat ay manunulat na yumakap sa istilo at pormang dayuhan o tinatawag na
makaluma
-ikalawang pangkat ay hayagang tumangkilik sa tradisyonal na pagsulat o tinatawag na
makabago.
· Aristokrata – pangkat ng mga klasistang manunulat,na naniniwalang ang pagsulat ay
isang marangal na gawain kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao, na may
mararangal at elitistang mga tauhan.
· Sakdalista – mga kwentistang produkto ng edukasyong kanluraninna tumutuligsa sa
makalumang paraan ng pagsulat.

Mga katangian ng panitikan sa panahon ng mga Amerikano

· Hangaring makamit ang kalayaan


· Marubdob na pagmamahal sa bayan
· Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo

*Panahon ng Ilaw at Panitik – ganap ng nahasa ang mga manunulat sa sining ng maikling
katha.

Panahon ng Hapon
· Masasabing gintong panahon ng Panitikang Filipino dahil pinairal ang paggamit ng
wikang pambansa bilang midyum ng pagsulat.
· Tinaguriang “Kontemporaryong Maikling kwento”.
· Sumikat sa panahong ito ang batikang kwentistang si Macario Pineda at napatanyag ang
kanyang kwentong Suyuan sa Tubigan.

Mga kilalang kwentista sa panahong ito:


· Narciso Reyes,” Lupang Tinubuan” – nagkamit ng unang gantimpala
· Liwayway Arceo, “Uhaw ang tigang na Lupa” – nagkamit ng ikalawang gantimpala
· N.V.M. Gonzales, “Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” – nagkamit ng pangatlong
gantimpala
· Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo – patnugot ng isang aklat na naglalaman ng
mga Kwentong Ginto na nasulat sa mga taong 1925-1935.

Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

· 1972-1986, panahon ng Bagong Lipunan


· Setyembre 21,1972 – idineklara ang Martial Law.
· Bagong Lipunan-pagbabagong tatag
· Naging makatotohanan ang paksa ng mga ito at natuon sa tema ng Bagong Lipunan.
· Temang makabansa at paglaban sa mga naaapi.

You might also like