Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.3
Panitikan : Parabula
Teksto : Ang Tusong Katiwala
Parabulang Naganap sa Syria
Wika : Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ib-c-63)
 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakingan na parabula na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVd-e-88)
 Nasusuri ang nilalaman, at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVd-e-84)
 Naibibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at at
ekspresyong ginamit sa akda.
PANONOOD (PD) (F10PD-IVd-e-83)
 Nahihinuha ang nilalaman elemento at kakanyahan ng pinanood na
akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral.
PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVd-e-87)
 Naipakikita ang kakayahan sa paggamit ng mga berbal at di berbal na
estratehiya.
PAGSULAT (PU) (F10PU-IVd-e-87)
 Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage
na may kaugnayan sa paksa.
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVd-e-80)
 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas.)

Unang Markahan| 45
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ib-c-63)


 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakingan na parabula na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.

II. PAKSA

Panitikan : Parabula
Teksto : Tusong Katiwala mula sa Syria
Wika : Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: BAWAT PANGYAYARI MAHALAGA!


Pagpapanood ng isang videoclip ng isang piling akdang
parabula. https://youtu.be/WHRPcSwMIUo

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOWL OF QUESTION
a. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng akda.
b. Paano nakakatulong ang mensaheng nakapaloob sa akda sa
ugali ng isang tao?
c. Maliban sa nabasang akda, magbigay ng iba pang sitwasyong
nagpapamalas/kakikitaan ng kagandahang asal.

Unang Markahan| 46
2. Pokus na Tanong

a. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula


bilang akdang pampanitikan?
b. At paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: ISALAYSAY ANG NANGYARI!


Gamit ang story frame, isalaysay ang mahahalagang
pangyayaring naganap sa panahon ng pag-aayuno o pausa.

STORY FRAME

KUWADRO 1 (
Pagsisimula )
KUWADRO 2
( Pagpapadaloy ng
Pangyayari )
KUWADRO 3 (
Pagwawakas )

ANALISIS

1. Paano ipinakita sa akda ang kagandahang-asal ng mga Muslim?


2. Bakit mahalagang mabatid ang kahalagahan ng pag-aayuno?
3. Maliban sa akda, maglahad ng iba pang sitwasyong nagpapamalas
ng kagandahang-asal ng isang tao.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang


pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal
na Kasulatan? Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga
parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng
misteryo.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et .al. 2008. Texas, USA

Ing may sangkap ng misteryo.

Unang Markahan| 47
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: WHAT’S ON YOUR MIND


Dugtungan ang pahayag.

Nabatid ko na ang parabula


ay_____________________
_______________________
______________________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: LIKHAIN MO!


Sumulat ng isang maikling salaysay na nagpapakita ng
pamantayang moral ng isang tao.

IV. KASUNDUAN

1. Pagbasa sa ginawang salaysay ng isa sa mag-aaral upang mabatid


kung paano ipinakita ang pamantayang moral ng isang tao.
2. Basahin ang isa pang halimbawa ng parabula, bigyang pansin ang
pagkakahabi ng mga pangyayari. “ Ang Tusong Katiwala “ pahina 47-
48.
3. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari
sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot.

LINANGIN
Unang Markahan| 48
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVd-e-88)


 Nasusuri ang nilalaman, at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVd-e-84)
 Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda.
PANONOOD (PD) (F10PD-IVd-e-83)
 Nahihinuha ang nilalaman elemento at kakanyahan ng pinanood na
akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral.
II. PAKSA

Panitikan : Parabula
Teksto : Tusong Katiwala mula sa Syria
Wika : Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng video na tumatalakay sa alinmang parabulang
nabatid. https://youtu.be/BiXh9RncUKg

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOX OF QUESTION

Unang Markahan| 49
1. Ipaliwanag ang suliraning kinaharap sa kwento.
2. Ilahad ang naging sanhi at bunga nito sa pamilya.
3. Kung ikaw ay nasa posisyon ng alibughang anak, babalik ka ba sa
iyong pamilyang kinalakihan? Bakit?

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya:
Pagpapabasa sa akda. Bigyang pansin ang pagkakabuo ng
mga pangyayari ng akdang “Ang Tusong Katiwala”.

Ang Tusong Katiwala


(Parabula mula sa Syria)
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 47-48

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS IT TO…
a. Ilarawan ang katiwala at ang amo.
b. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
c. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang
utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang amo?
d. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: WHAT’S THE MEANING


Bigyang puna ang estilong ginamit ng may-akda. Hanapin sa loob
ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.
Lungkot Galit Panghihinayang
Pagtataka Pagkaawa Pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa


kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.“
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng
repleksiyon
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
anino tungkulin.“
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa aking
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya
naman akong magpalimos.“
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang

Unang Markahan| 50
kung maubos na iyon ay tatanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan.“
5. “At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba,
sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?“

Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: DAYAGRAM


Ilahad ang katangian ng parabulang binasa sa iba pang akdang
pampanitikan.
Parabula

Katangian

Patunay
Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON
Suriin ang mga pangyayari sa akda batay sa nilalaman,
kakanyahan at elemento gamit ang grapikong presentasyon.

Parabula Nilalaman Elemento Kakanyahan

Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: SHARE AND POST


Tukuyin ang mga pangyayari sa akda na maaaring iugay sa sariling
karanasan o tunay na buhay.

Pangyayari sa Sariling
Pangyayari sa Parabula
Karanasan

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Unang Markahan| 51
Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

Unang Markahan| 52
1. Batay sa mga salita at ekspresiyong ginamit sa parabula, paano ito
nakakatulong sa estilo ng may-akda?
2. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng
mensahe nito? Patunayan.
3. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong
nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
4. Paano makatutulong sa buhay ng tao ang mensaheng ibig ipabatid ng
binasang parabula?

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : Y SPEAK
Dugtungan ang pahayag.

Bilang isang kabataan ng bagong henerasyon aking nabatid na sa


tulong ng mga parabula ______________________________________
______________________________________________________.
_________________________________________________________
APLIKASYON
_________________________________________________________
Mungkahing Estratehiya: DO IT YOURSELF
Magtala ng iba pang parabula na iyong nabatid. Ilahad ang
mensahe nito at kung paano ito makatutulong sa buhay mo bilang isang
kabataan.

4. Ebalwasyon

Panuto: Unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang


tamang sagot sa bawat bilang.
1. May tonong mapagmungkahi at maaring may sangkap na
misteryo.
a.dagli b. nobela c. parabula d. tula

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala ng bawasan niya ang utang


ng mga tao na may obligasyon sa kanyang amo.
a.may sariling intension c. takot na mawalan ng trabaho
b. baka sesantihin ng amo d. isa siyang mandaraya

3. Paano makakatulong sa buhay ng isang tao ang mga aral na


nabatid sa parabula?
a.naging inspirasyon c. nagkaroon ng direksyon ang buhay
b. aral sa buhay d. lahat ng nabanggit
4. Sa pagbasa ng isang uri ng parabula anong katangian mayroon
ito?
a. may hawig sa tunay na buhay ang aral

Unang Markahan| 53
b. nangyayari sa buhay ng bawat isa
c. mabuting balita mula sa Panginoon
d. lahat ng nabanggit

5. Ano ang katangian ng parabula sa iba pang akda?


a. may aral c. may misteryo
b. hango sa Bibliya d. wala sa nabanggit

Susi sa Pagwawasto:
1.C 2. C 3. D 4. C 5. B

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Sa isang short typewriting, gumuhit ng poster ukol sa kabuuang nais


ipabatid ng natapos at tinalakay na aralin.
2. Pag-aralan ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

Unang Markahan| 54
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVd-e-80)
 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas.)

II. PAKSA

Panitikan : Parabula
Teksto : Tusong Katiwala mula sa Syria
Wika : Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: LIKHAIN MO


Ibigay ang mga katangiang taglay ng itlog, carrot at kape.

http://lh3.googleusercontent.com/2qkrPj-
jC0_pOxTqIEKRknvxL6zY8LJSQKFf8Mz5wKVYAiepyf9kzq8o-45CsWCBftI=h310
http://www.supercoloring.com/sites/default/files/styles/coloring_medium/public/cif/2009/01/carrot-
7-coloring-page.gif
http://wallpapersdsc.net/wp-content/uploads/2016/09/Coffee-Beans-Wallpaper.jpg

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS IT ON…
a. Ano ang masasabi mo sa larawang ito? May kahalagahan ba ang
bawat isa?

Unang Markahan| 55
b. Paano mo haharapin ang buhay, bilang isang anak?

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGBASA


Pagbasa sa isang halimbawang kuwento.
Ang Mensahe ng Butil ng Kape
“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.

ANALISIS

1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay
inilahok sa kumukulong tubig.
2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag sa buhay ng
tao?
3. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ginagamit sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o


panandang pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito.
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa at gayon din.
b. Pagpapahayag ng kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ang paglalahad ng dahilan
at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinabukasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil
sa, sapagkat at kasi. Samantalang ang paglalahad ng bunga at resulta
ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya nman, tuloy at bunga.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.

Nakatutulong ang mga panandang pandiskurso sa pagpapadaloy ng


mga pangyayari ng isang akdang pampanitikan. Madali ring matutukoy
ang mensaheng nais ikintal sa isipan ng mga mamababasa.
Unang Markahan| 56
Pagpapadaloy ng mga Pangyayari

1. Pagkakakasunod-sunod - nagsasaad ng pagpupuno o


pagdaragdag ng impormasyon.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: LIKHAIN MO

1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula?


Nakatutulong ba ang pag-unawa sa menahe sa pagkilala sa bansang
pinagmulan nito?

KAHALAGAHAN PAG-UNAWA
P ___________________ _____________________
A ___________________ _____________________
R ___________________ _____________________
A ___________________ _____________________
B ___________________ _____________________
U ___________________ _____________________
L ___________________ _____________________
A ___________________ _____________________

2. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang


mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: KUWENTO NG BUHAY KO!

Unang Markahan| 57
Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na nagturo sa iyo ng aral sa
buhay. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa kuwento.

3. Ebalwasyon

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.


A. Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan ng bawat
pahayag. Hanapin ang inyong sagot sa taas ng kahon.
a. sa madaling sabi b. upang c. sa dakong huli
(1)___________ lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga
kaawa-awang taga-Maguindanao. (2)_____________ si Indrapata ang
nagwagi sa laban sa mga halimaw. (3)______________, nailigtas nina
Indrapata at Sulayman ang mga taga-Maguindanao.

4. Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
b. pagdaragadag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon.
5. Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng
dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa
pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
a. pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
b. pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

Susi ng Pagwawasto

1. B 2. C 3. A 4. A 5. B

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Magtala ng natutuhang mensahe sa mga pangyayari sa buhay.


Unang Markahan| 58
2. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginagamit sa bawat
mensahe ng inyong buhay.
3. Gumawa ng draft upang makabuo ng isang mabisang
pagasasalaysay na may simula, daloy ng mga pangyayari at
mabisang wakas.

ILIPAT
I. LAYUNIN
Unang Markahan| 59
PAGSULAT (PU) (F10PU-IVd-e-87)
 Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage
na may kaugnayan sa paksa.
II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.3


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng videoclip tungkol sa kagandahang asal.
https://youtu.be/-gWqdpEZwfY

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: DRAWLOTS
a. Ilahad ang nilalaman ng videong napanood.
b. Tukuyin ang kagandahang asal na ipinakita ng kabataang tampok sa
video.

ANALISIS

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang magtaglay ng moral values ang


isang tao?
2. Magbigay ng isang tiyak na halimbawa na maaring iangkop sa
napanood na video.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estatehiya: FILL IN THE BLANKS

Unang Markahan| 60
Punan ng angkop na mga salita ang bawat patlang upang mabuo
ang ideyang nais ipahiwatig.

Mabilis na masosolusyunan ang kinakaharap ng bansa


kung__________________. Huwag umasa lagi sa kung ano ang magagawa
ng pamahalaan ____________________ bagkus___________________.

APLIKASYON

GOAL – Nakasususlat ng maayos na pagpapaliwanag hinggil sa collage na


natunghayan .

ROLE – Isa kang PHOTOJOURNALIST.

AUDIENCE – Mga mamahayag ng pampaaralang dyaryo at mga mag-aaral


na may kakayahang gumawa ng collage.

SITUATION – Isa ka sa naatasang magpaliwag ng isang collage na ginawa.

PRODUCT – Paglikha ng isang collage na may kauganayan sa paksa ng


tinalakay.

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Maayos at organisado
B. May pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan
C. Wastong gamit ng mga salita
D. Makatotohanan
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan
 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.
 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

Unang Markahan| 61
IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga panuntunan o pamantayan ng isang organisasyon


na may moral values.
2. Basahin ang isang maikling kuwento “ Ang Kuwintas “ pahina 58-84.
3. Alamin ang kultura ng France.

Unang Markahan| 62

You might also like