Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 105

Debonair by RealmOfPossibilities

Adlerian Series #1

Genre: Romance, Paranormal

Summary

In a world where humans had died out and vampires rule both day and night, Chloe
Ashbourne knows that she shouldn't exist.

Now she is offered a chance to redeem their clan's honour by marrying the arrogant
Jonathan Monroe. She is set to attend the Lochan Academy with a long history of creating
purebloods into something more than what they are, someone to contribute to society.

But she wasn't the only new student in town. Mysterious Tristan Helix keeps appearing
wherever Chloe is and something tells her this is no coincidence, especially when she is
strangely attracted to the young boy.

Survival of the fittest starts at dawn.

Prologue

Sabi nila kami ang nasa tuktok ng food chain. Kami ay elites. Kung meron mang nilalang
sa mundo na malapit sa existence ng Diyos ay kami iyon.

Pero eto ako ngayon, naghihingalo. Sa lahat ata ng bampira ay ako lang ang mamamatay
ng 35 taong gulang pa lang. At hindi lang iyon. Nagtatalo ang damdamin ko at ang
katawan ko sa dapat gawin. Tatanggapin ko ba ang alok niya na inumin ang dugo niya?
Pero natatakot ako na baka hindi ako ganoon kalakas para pigilan ang sarili ko na patayin
siya kung sakali.

Bakit kailangan kong mabuhay ng ganito? Bakit kailangan kong pagdudahan ang sarili ko
kung ang atraksyon bang nararamdaman ko para sa kanya ay dahil sa isa akong
bampira.. O dahil sa pag-ibig..

"Chloe, sa ayaw at sa gusto mo, iinom ka!" sinugatan niya ang sarili niya. Nanglalabo na
ang aking paningin pero nakita kong nilapit niya ang braso niyang may dugo sa akin.
Naamoy ko.

"Wag.." mahina kong pagtanggi. Pagkatapos niya kong iligtas ay iaalay naman niya ang
dugo niya sakin? Tama na, Tristan. Masyado na.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang may mangyari sayo." Ang hindi niya
maintindihan ay hindi yun ang pinag-aalala ko.

Chapter 1

Inantay kong mawala ang araw ng tuluyan mula sa kwarto ko sa ikalawang palapag ng
maliit naming bahay. Takip na takip ang bintana at walang pumapasok na ilaw bukod sa
butas na sing-liit ng mansanas dito. Hindi naman sa hindi ako pwedeng tamaan nito, pero
hindi ko dapat hayaang mapansin ako ng ibang gaya ko. Lalo pa't ngayong nakabuo na uli
ako ng bagong pangalan, ng bagong buhay.

Nang maghari ang buwan sa kalangitan, nagsilabasan na kami. Ngayon pa kang


nagsisimula ang 'araw' namin. Kinuha ko ang aking helmet at inabot ito sa aking amain
na si Louis bago siya sumakay ng motorsiklo. Ang aking ina na si Lorna ay sumakay na ng
cargo truck na pinuno na nila kaninang hapon.

"Ma, baka pwede mo naman na kong isama ngayon? Nagawa ko na naman yung dapat
kong gawin kanina." Pumarada sa tabi ko si papa, napagitnaan nila ako ng sasakyan.
Nagbuntong hininga ako.

"Kahit gustuhin ko man-" pinutol ko na ito bago pa niya ituloy ang sasabihin niya.

"Opo, opo, ayaw niyo kong makisalamuha sa purebloods dahil mga arogante sila at
mapaglaro. At-"

"Eh naintindihan mo naman pala!" Binatukan niya ko ng pabiro.

"Aray pa!"

"Parang nasaktan naman siya!" Humalakhak pa ito. Napangiti na lang din ako. Kahit mga
seryosong bagay ay nagagawa niyang biro, "Ingat kayo, ma."

"Ikaw din," sabi nito pabalik at nag-flying kiss pa sakin. Umirap ako at kumaway sa kanila
habang papalayo ang sasakyan nila. Para namang bata pa ko.

Ako nga pala si Chloe Donovan. Isang bampira.

Taong 1972, lumabas na sa sangkatauhan ang katotohanan sa aming katauhan.


Nakipagkampi kami sa mga tao para talunin ang mga taong lobo. Mas kilala sa buong
mundo bilang werewolves. Magaling kaming mangumbinse. Masasabi nga na isa iyon sa
abilidad ng gaya namin.

Ang mga taong lobo ay hindi lang sa amin nagdadala ng peligro kundi pati na rin sa mga
tao. May mga panahon na hindi nila kontrolado ang kanilang sarili at may anyo sila na
ubod ang lakas kumpara sa amin at sa mga tao. Sa huli, nagwagi kami sa paglupig sa
kanila hanggang sa naubos na lang sila. Isa itong marka sa kasaysayan ng aming lahi.

1980, ipinanganak ako at kalagitnaan na ng labanan sa pagitan ng mga tao at bampira.


Oo. Humantong sa puntong iyon. Walang makapagsasabing tunay kung ano ang nangyari
pero ayos sa karamihan ng mga bampirang nakasalamuha ko, ang mga tao ang
nagsimula nito. Natakot siguro sila. Kumilos. Hindi din naman sila masisisi sapagkat
sadyang mas nakaaangat kami. Dumating na lang sa puntong maging sila ay wala na. At
kami na ang nagmamay-ari ng mundo.

Isinuot kong muli ang kwintas ko pagkapasok sa bahay kung saan walang makakakita.
Gawa ito sa pinakamagandang bato, at ang disenyo ay crescent moon. Tumunog ang
doorbell.

Sumilip ako sa bintana na may kabang nadarama. Muli akong napabuntong-hininga at


binuksan ang pinto.

"Napabisita ka," niyakap ko ang isang matandang babae at pinapasok siya sa loob. Si
Elder Reina.

"Hindi ba pwedeng dalawin ang aking paboritong bampira?"

Nung ika-2 taong gulang ko ay naulila na ko. Siya ang kumupkop sakin hanggang mag-14
ako at pinakuha na ako sa pamilyang Donovan.

Mayroon pa ding hierarchy sa bagong lipunang nabuo sa mundo. Ang pinakamataas ay


ang mga Elders na siyang nagpanalo sa giyera. Sabi nila ay walang kapantay ang mga
abilidad nito. Kahit mabait si Reina sa akin ay lumaki akong takot sa kanya dahil dito.
Hindi ko na rin siya tinanong kung paano siya nakatulong sa giyera sa lagay niyang iyan.

Sumunod ang royal bloods na pinagmulan ng sangay-sangay na mga bampira. Kumbaga


sila ang aming mga ninuno na buhay pa din dahil mga bampira nga kami. Wala pa akong
nakikilalang ganito. Mayroon ding tinatawag na Governors na halo-halong klase na ng
bampira. Sila ang namamahala sa mga distrito at pinagbobotohan ng mga royal bloods.

Pagtapos nito ay ang purebloods. Mga pinanganak na bampira na. Siya ay bunga ng
dalawa ding purebloods. At ang huli ay ang turned ones o yung mga ginawang bampira
lang ng iba pang bampira. Madalas kailangan nilang magtiis sa dugo ng mga hayop
pwera na pang kung may koneksyon sila sa pureblood o mas nakatataas pa. Hindi sila
maaaring bumuo ng anak at hindi sila pwede sa araw. Ang Donovans ay turned ones.

Naghahatid sila ng artipisyal at cloned na dugo sa mga purebloods galing sa factory na


pinagtatrabahuan ko ngayon. Si papa ang nagsisilbing tagabantay sa truck. Isa siya
magaling na mangangaso pero ayaw niya akong turuan ng mga ganitong bagay. Sabi niya
ay baka daw nagkapalit pa kami ng pwesto.

"Buti na lang night-off ko ngayon. Magaling ka talaga tiyumempo ha," sabi ko kay Reina
na dinalhan siya ng baso ng artificial blood.

"Para namang hindi mo ko kilala. Nakalimutan mo na bang isa akong elder?"

"Ha. Mapang-abuso!" Nagtawanan kami. Isa akong pureblood na nagmula sa angkan ng


Ashbourne. Noong giyera laban sa mga tao, kumampi sila dito kaya pinarusahan sila ng
kamatayan ng mga elders. Kaibigan nila si Reina. Siya din ang nagpumilit na ipardon ako
at hayaan ng mabuhay ng normal.

Minsan naiinis ako na mas kumampi sila sa mga tao pero wala din naman akong
muwang nung nangyayari ang mga iyon kaya wala akong karapatang manghusga.
Napahawak na naman ako sa aking kwintas.

"Bakit hindi ka lumabas? Magpakasaya?" ani nito, "Sapat na siguro ang 35 taong
pagmumukmok at pagpaparusa sa sarili mo dito sa maliit kong mundo!" 35 taon na kong
nabubuhay sa mundo. Pero base sa mga pelikulang gawa ng mga tao na naitabi ko, ang
ganitong itsura ay pang 16-18 pa lang.

"Diba nga ayaw ng elders at royal bloods na makita ako o kahit masinghot pa daw,"
nagtawanan na naman kami. Ganyan talaga ang mga salitang ginamit nila ayon kay
Reina.

"Matagal na panahon na iyon."

"Pero para sa mga bampira, parang kahapon lang." Biglang nagbago ang timpla ng muka
niya. Kilala ko siya at alam kong may sasabihin siyang seryoso.

"Patawarin mo ko't di ko nailigtas ang iyong mga magulang."

"Ano ka ba. Ilang beses na nating pinag-usapan to," sabi ko na parang wala lang.

"Mabubuti sila, Chloe. Hindi dapat nangyari sa kanila yun!" Hinawakan niya ko ng
mahigpit sa braso. Naramdaman kong nag-init ang buo kong katawan. Hindi ako
makagalaw at sobrang unti-unting sumakit ang ulo ko pero wala akong magawa. Nanlaki
ang mata niya at napabitaw siya sakin. Tsaka din ako nakagalaw at naramdaman na may
tumulong dugo sa ilong ko, "Patawad." Huh. Ano yun? Yun ba ang kakayanan niya? Pero
bakit ngayon siya nagkakaganito? Bakit ngayon kung kailang 35 taon na ang nakalipas?

Pinunasan ko ang dugo gamit ang kamay ko, "May gusto ka bang sabihin?" pagdidiretsa
ko sa kanya. Nabigla siya at alam kong may mali nga.
"Wala," hahawakan na naman niya ko sa balikat. Gusto ko sanang umiwas pero
pakiramdam ko naman ay hindi na mauulit ang nangyari kanina, "Lumabas ka, Chloe.
Magpakasaya ka."

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sakin pero sinunod ko ang payo ni Reina.
Naglakad lakad muna ako dahil hindi ko naman kung saan maaaring pumunta na ika-
eenjoy ko. Bilog na bilog ang buwan. Siguro kung nabubuhay pa sila, kahati sana
namin sila sa ganito kagandang gabi. Nangyari ang dapat na mga nangyari. Siguro
nararapat lang nga na andito kami sa kinatatayuan namin ngayon.

Bigla akong nangilabot. Para bang may nagmamatyag sakin kanina pa. Pinipilit ko lang
itong hindi pansinin pero hindi pa rin maalis ang pakiramdam na sinusundan nga ako ng
kung ano mang ito.

Kakalingon ko sa likuran ko ay may nakabungguan ako. Unang sumaad sa aking katinuan


ang amoy niya. Ngayon lang ako nakaamoy ng ganito kabangi, ganito kaakit-akit.
Tumingin ako ipataas at nasilayan ang malambot na asul na mata at isang napakaamong
mukha. Hindi siya nababagay sa mundong ito. Pero tagarito nga ba talaga siya?

"Sorry," sabi nito at pag-aalalay sa aking braso. Pati boses niya ay ang sarap pakinggan. O
dahil lang ba naadik na ko sa amoy niya kaya kung anu-ano naiisip ko. May kakaiba
akong naramdaman sa pagkakahawak niya sa akin. Hindi ito gaya ng hawak ni papa at
mama, o ng kung sino pang bampira. Parang kuryente pero hindi din. Mas masarap sa
pakiramdam. Paranh nang minsan akong nagbabad sa ilalim ng bagong gising na araw.
Init.

"A-ayos na ko," inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Parang nadismaya siya. Nahihilo na ko at
para bang nawawalan ng kontrol sa sarili. Gusto ko na lang siyang sunggaban sa hindi ko
mawaring dahilan. Bago pa ko mapaaway ay umalis na ko.

May malapit na bar sa amin at puntahan ito ng mga turned vampires. Ligtas ito para sa
akin. Buti din at hindi na ko hinabol pa nung lalaki kanina. Pumunta ko sa bartender.

"Isang-"

"Artificial blood para sa magandang binibini," may pumutol sa aking pagsasalita.

Nilingon ko siya at inirapan, "Wow." Naglagay ng isang basong artificial blood ang
bartender sa harap ko. Teka, artificial blood? Isang pureblood?

"Ayaw mo?" Mayabang nitong tanong. Sumakay na lang ako at kinuha ang baso.
"Edi salamat." Napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang mga bampira, karamihan pa
babar. Kung tutuusin, may itsura naman tong aroganteng ito kahit papano. Ang lakas ng
dating niya. Siguro dahil isa nga ring pureblood.

"Parang ayaw mo pa ah."

"Hindi naman. Ayoko lang ng pinangungunahan."

"Sabagay. Lahat naman ata tayo."

"Kaya.. wag sana nating gawin sa iba ang ayaw nating gawin satin. Tama ba?"
Nagtawanan yung mga nakikinig na lalaki pati na rin yung bartender. Pinigilan nila ang
sarili nila ng tumitig ng masama itong pureblood.

"Jonathan Monroe. At your service." Nag-bow siya na para akong isang prinsesa. Ang arte.
Iniabot ko yung kamay ko sa kanya.

"Chloe Donovan." Inilapit niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito. Napansin ata niya
ang kwintas ko at napatitig ng matagal dito. Shit. Nakalimutan kong tanggalin! Pagtapos ay
dumikit siya sa akin ng todo at niyakap ng isang braso ang aking baiwang.

"Shall we?" Tinapakan ko ng malakas ang paa niya at siniko ang tiyan niyang matigas.
Umaringkingking siya sa sakit, "You-" Napansin kong nagbago ang aura ng ibang mga
nasa bar. Tila kinakabahan sila. Pero bakit? "Agh! So this is how you want to play it?
Fine!"

"Ikaw ang nagsimula. Ang yabang mo kasi kala mo kung sino ka kung umasta!" Parang
napalunok ng laway yung bartender. Ibinaling ko uli ang tingin dun sa Jonathan.

"Bakit? Hindi mo ba ko kilala?" Ang yabang pa din talaga niya!

"Dapat ba kilala kita?" Nag-scoff siya.

"Tell her," utos niya sa bartender.

"J-jonathan Monroe. Sole heir to the Monroe clan," paliwanag nito na parang ang mga
salita niya ay diretsang nanggagaling sa pureblood. Sino ba tong nakabangga ko? "And a
royal."

Chapter 2
Inantay ko na dumating ang limousine ng mga Monroe sa tapat ng aming munting bahay
bago magbukang liwayway. Nakauwi na si mama at papa pero wala silang alam sa
maaaring mangyari. Na kahit anong oras ngayon ay maaaring dumating si Jonathan na
isang royal para gumanti sakin dahil bigla ko siyang tinakbuhan sa bar, yun ay
pagkatapos ko lang naman siyang tapakan sa paa at sikuhin.

Umakyat agad ako ng kwarto at nag-impake. Tama. Ito lang ang tanging paraan para
hindi sila madamay. Siguro pupunta na lang ako ng Mexico. Dun siguradong wala ng
makakakilala sakin.

Mamimiss ko tong bahay, itong kwarto ko. Hindi ako madalas matulog. Bagama't
kailangan pa din naming mga bampira ipahinga ang katawan namin, panandalian lang.
Hindi kami nagigising basta-basta kung walang external force na papasok. Madalas
gutom o kaya pag nakaramdam kami ng panganib. Karamihan, nag-aalarm clock. Hindi
din kami nananaginip. Nabasa ko sa mga libro na isa iyong pribilehiyo ng mga tao na
hindi namin nakuha.

Bumaba ako sa kusina ng may dalang backpack. Kailangan kong mag baon ng maraming
dugo sa daan. Malapit ng magkaaraw. Tamang-tama ito para wala ako masyadong mga
bampirang makasalamuha.

Kinabahan akong bigla ng makarinig ng ingay. Teka, nanggagaling ba iyon sa kusina?


Parang umuungol ng iyak na matining. Sinundan ko ang tunog sa refrigerator. Ano kaya
iyon? Dahan-dahan ko itong binuksan at nagulat sa maliit na nilalang na nandito.
Nagulat din siya ng makita niya ko. May anyong tao siya pero sa liit niya, kayang-kaya
niyang tumayo sa palad ko.Malaki ang mata niya at maputi siya. Mahaba ang itaas ng
tenga, maikli ang pink nitong buhok at nakasuot ng berdeng kasuotan.

"Uhh.." hindi ko alam kung paano sisimulan at kung ano mang lenggwahe ang dapat
kong gamitin. Makakaintindi kaya siya ng Greek? Spanish? English? O baka naman
Japanese?

Naglabas siya ng supot mula sa bulsa niya. Ipinasok ang kamay niya dito at may nilabas
na makintab na pulbo. Nang hipan niya ito papunta sakin ay parang dumami ito.
Nagsunud-sunod ang ubo ko. Tumalon siya sa likuran ko, tapos sa counter, hanggang sa
makalapag sa sahig, "T-teka!" Hirap kong pagtawag sa gitna ng pag-ubo. Hinabol ko siya
kahit ang bilis niya at ang hirap hanapin.

Natalisod ako sa kung anumang bagay at natumba. Sabi ko na nga ba't dapat pinilit ko si
papa na itrain ako kahit unti. Para sa isang bampira, ang lampa ko. Pumatong siya sa dibdib
ko na may pagka-aroganteng dating. May hawak siyang syringe na halata namang
nahihirapan siyang kargahin. Hindi ko alam kung anong likido ang nasa loob nito.
Ayokong pumusta sa kapalaran.
"Anong kailangan mo?"

"May hinuling usa ang lalaking nakatira dito sa kagubatan kung saan kami nakatira.
Asan na iyon?"

"Usa? Ah ewan! Malamang nabenta na ni papa yun!" Itinutok niya sakin ang syringe. Eh
kung huliin ko na lang ang bubwit na to? Kaya ko naman eh. Pero parang gusto ko pang
marinig ang sasabihin niya.

"Saan binenta?!" galit nitong tanong.

"Sa palengke! Bakit ba?"

"Ako lang ang magtatanong sating dalawa!" May pagkakampante rin ang isang ito eh.

"Malamang kinatay na ang usang iyon para makuha ang dugo. Kung sasabihin mo sakin
kung anong kailangan mo, baka matulungan pa kita."

"K-kinatay?!" May kakaibang pagkatakot na bumalot sa muka niya, "Hindi pwede! Si


Algo! Nasa loob nun!"

"Algo? Kaibigan mo?"

"Oo.. Aksidenteng nasubo siya ni Yshna nung nakikipaglaro siya dito. T-tapos- d-
dumating yung lalaking yun-" parang naiiyak na siya. Hindi ko na alam ang gagawin.
Hindi na rin nakatutok sakin ang syringe.

"Uhh.." Humagulgol siya ng malakas. Pero hindi din malakas dahil maliit lang ang
katawan niya. Sila ata yung tinatawag na mga dwende sa gubat, "Ako nga pala si Chloe.
Kung gusto mo, pwede kitang isama sa pinagdalan dun sa.. dun kay Yshna.." tumigil siya
ng pag-iyak at tinitigan ako ng malalim. Napatingin din siya sa leeg ko, at sa kwintas ko.
Nanlaki ang mata niya dito. Eto na naman tayo.

"Ang simbolong yan! Isang crescent moon?"

"Oo. Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman ganoon kagulat-gulat ang buwan sa
aming mga bampira, hindi ba?

"Ang simbolong yan ay simbolo ng angkan ng Ashbourne. Pero ang alam ko ubos na sila."
Nangawit na ko sa pagkakahiga at kinuha siya para makaupo ako. Nag-indian sit naman
siya sa kanang kamay ko.

"Hindi pa dahil andito pa ko. Kaya bawal mong ipagsabi, kahit sa mga kapwa dwende
mo."

"Ako nga pala si Millie!"" Mabilis siyang tumayo nang nakangiti na labas ang ipin,
tinanggal ang sumbrero at nagbow. May tama din pala ang utak nito. Kanina lang ay sobra
ang iyak niya, "Ngayon lang ako nakakita ng pureblood. Kaya pala parang may iba sayo!"
Excited nitong paliwanag.

"Hmm.." napatingin ako sa oras. Kailangan ko ng umalis. Ibinaba ko si Millie at tumayo


na para ipagpatuloy ang balak ko kaninang magbaon ng dugo.

"Teka! Kala ko ba dadalhin mo ko kay Algo?!" sigaw nito habang sinusundan ang
malalaki kong yapak.

"Dadalhin kita. Marunong akong tumupad sa usapan."

Ngumiti na naman siya ng wagas pero bigla ding napakunot ang noo, "Eh ano yang
ginagawa mo?" Hindi ko na siya sinagot dahil alam kong magtatanong lang uli siya,
"Hoy!"

Pagkabitbit ko ng mga kailangan kong dalhin at paglagay ko kay Millie sa balikat ko


dumeretso na kong pintuan. Ayoko ng silipin pa sila papa. Baka magbago lang ang isip ko.
Para sa kanila rin naman to.

"Handa ka na?" tanong ko kay Millie pero alam kong para sa sarili ko talaga yun.

"Go!" sagot nito ng nakataas pa ang kanang braso sa ere. Ang dami niya masyadong
enerhiya sa maliit niyang katawan. Pero pagkabukas ko ng pinto, tumigil ang mundo ko.
Naunahan na ko ni Jonathan. May malademonyo siyang ngiti sa labi.

"Chloe Ashbourne, we need to talk."

Chapter 3

"Ano?!" narinig kong pagsigaw ni mama mula sa sala at bumuntong-hininga. Eto ako
ngayon, naglalagay ng dugo sa baso para sa bwisita namin.

"Ano sa palagay mo, Chloe? Ang cute niya noh?!" kilig na kilig na tanong ni Millie na
nakatayo sa tabi ng baso sa lababo.
"Cute?" sumilip ako sa sala ng kaunti. Hawak na ni papa ang shotgun niya. Uh-oh.
Kailangan ko ng lumabas, "Asa pa siya." Dala ang tray ng mga basong may dugo at kung
nasaan si Millie, pumunta na ako ng living room at pinagsilbihan sila bago tumabi kay
mama sa couch na kaharap ni Jonathan.

May bakas ng pag-aalala sa muka ni mama pero si papa ay mukang sasabog na. Salamat
ka royal ka, Johnny.

"Mawalang galang lang pero na kay Chloe pa din ang desisyon," sabi pa nito at abot sa
kamay ko na nasa lamesa, "Will you marry me, Chloe Ashbourne?" Hinila ko ang kamay
ko at kinunot ang noo ko sa kanya.

"Para ano, magamit mo ko sa pang-iinis sa tatay mo?" Nung mahawakan ako ng unang
beses ni Jonathan ay naramdaman niya ng hindi ako isang ordinaryong bampira.
Nakatulong na din ang kwintas ko. Kinompronta niya si Reina tungkol dito na isa sa mga
elders na alam niyang matalino't mapagkakatiwalaan, kahit pa hindi sila madalas mag-
usap. Pureblood ako kaya ayon sa kanya I'm a very eligible candidate for his bride.

"Napakababaw naman atang rason nun para pumayag ako. At hindi tayo tao, kung
magpapakasal man tayo, napakahaba ng panahong gugugulin natin ng magkasama. Ni
hindi nga natin gusto ang isa't-isa!" Napansin ko sa peripheral vision ko na umismid si
papa. Proud na kaya kong sagutin ang royal na to, "Alam mo na din namang nagtatago
ako. Ngayon pa ba ko lalabas?"

Inamoy ni Millie ang mga baso at napa-ew. Pumunta siya sa kanlungan ni Jonathan na
tila natutuwa dito, o baka din sa mga sinabi ko. Hindi ko na alam, "Eto na lang ang
sasabihin ko sayo, pagkakataon mo na to, Chloe. Ang Ashbourne clan ay isang proud na
pamilya na maraming naiambag sa kasaysayan. Ikaw na lang ang natitira dito. Hahayaan
mo bang maglaho na lang sa hangin ang dating matatag na angkan niyo?"

"Hindi sapat na dahilan yun para itaya ng anak ko ang kaligtasan niya," pagsabat ni
papa.

"Hindi ko papabayaan si Chloe. Bride ko siya. Parang sinaktan na din ako pag sinaktan
siya." Pwe. Muntik na kong maniwala kung hindi ko lang siya nakasalamuha sa bar.
Tumingin siya sakin ng malalim, "Ibalik mo ang karangalang nawala sa mga Ashbourne,
Chloe. Sa pamilya mo," Gusto ko sanang sabihing ang Donovans ang pamilya ko, pero
kahit anong gawin kong pagtanggi at pagtakwil sa kanila, wala pa rin ako kung wala sila,
"Kung hindi man para sa kanila, para sa iyo, bawiin mo ang karapatan mo." Ang galing
mangumbinse ng loko. Alam na alam ang sasabihin.

Napangiti si Millie habang nakatingin sakin na para bang nababasa ang isip ko, "Hay
pureblood. Kung magpopropose ka sa isang babae, wag mong kalimutan ang singsing."
Natawa kami ng mahina ni Jonathan at nagkatinginan.
"Kahit ikaw pa ang pumili, Chloe."

***

"Hindi na ko makapag-antay na makita ang mukha ng walang kwenta kong ama kapag
nalaman niya ito!" anunsyo ni Jonathan na galak na galak habang naglalakad kami
palabas ng jewelry shop. Umaga naman kaya walang ibang bampira sa labas bukod
samin.

"Hindi pa ko um-oo. Kailangan pa nating bawiin yung kaibigan ni Millie, diba?" paalala
ko habang nakatingin sa singsing na binili niya para sa akin.

"Tama tama!"

"Para sa isang konsorte, masyado ka atang malapit kay Chloe, dwende," seryoso nitong
sabi. Konsorte?

"M-magkaibigan kami ni Chloe!" depensa ni Millie at umupo na lang sa balikat ko.

"Anong meron?" tanong ko.

"Hindi ba pinaliwanag sayo ng dwende? Isa kang pureblood. Lahat ng purebloods ay


may consort, madalas dwende dahil.. they get by. At andyan lang sila sa paligid natin.
Baka naman may nagmamay-ari na sayo?"

"Wala! Ayoko na sayo! Hmmp!" pinagkrus nito ang maliliit niyang braso. Natawa si
Jonathan. Biglang lumungkot ang maamong mukha ni Millie.

"Anong problema, Millie?" tanong ko sa kanya.

Tumayo siya at kumapit sa buhok ko para di malaglag, "Para saming mga dwende,
pinakamataas na karangalan ang magsilbi sa inyo. Parehas ng magulang ko ay simpleng
magsasaka lang. Punos insulto ang natatanggap nila mula sa ibang mga dwende. Pero
masaya naman ako sa buhay namin. Sa katunayan, ayoko ngang magsilbi sa kahit sinong
pureblood."

"Hindi mo kailangan ng pagtanggap ng iba para mabuhay, Millie."

"Alam ko. Kaya nga tumakas ako samin eh. Kasama si Algo. May balita kasi na may
darating na namang pureblood sa amin. Kasama kami sa henerasyon ng pagpipilian
ngayon. Pag naging konsorte kami ng isang pureblood, hanggang kamatayan na yun.
Kung mamamatay naman ang amo namin, mapupunta kami sa pinakamalapit na
kamag-anak nito. Ayokong mabuhay para sa iba, Chloe."

"Alam ko yun," sinilip ko si Jonathan na parang pinapatamaan. Wala siyang reaksyon,


"Ibabalik natin si Algo."

"Salamat," niyakap niya ang ulo ko sa bandang tenga. Nabigla ako sa pagpapakita niya
ng apeksyon.

"Baka malaglag ka ha," babala ko, "Sino ang konsorte mo, Jonathan? O ano?"

"Pinili kong hindi kumuha ng konsorte. Naisip ko kasi na isa akong royal. Kung tutuusin,
lahat ay consort ko."

"Tss. Ang yabang talaga." Nasabi ko imbes na isaisip lang ngunit hindi ako nagsisi.

"Ilang taon ka na ba, mahal na prinsipe?" pagmamalditang usisa ni Millie na kahit ako ay
iniisip din.

"Mahalaga pa ba yun? Ang importante, ikakasal si Chloe sa pinakamakisig na lalaki sa


lupain." Parang gusto ko na atang masuka. Narating na namin ang butchers' factory na
pinagbebentahan ni papa ng mga huli niya. Kinabahan ako. Sana lang ay hindi pa huli
ang lahat. Nakakaawa naman kasi si Millie, "Mabuti pa manatili na lang kayo ditong
dalawa. Una, hindi pa ko handang madiskubre ka ng iba bago kita ipakilala sa pamilya.
Pangalawa, hindi nila ko pwedeng makita na nakikipagkaibigan sa isang dwende."

"Pero-"

"Millie. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat ng kaya ko para mabawi ang kaibigan
mo." sabi niya na puno ng sinseridad na parang gusto ko na siyang simulang
pagkatiwalaan. May pagkamayabang siya pero kung tutuusin, wala naman siyang
pinakitang iba kundi pagtulong. Kaya siguro malayo ang loob ko sa kanya dahil royal
siya. Wala naman siyang kasalanan bukod dun. Tinataya pa niya ang kaligtasan niya sa
pagtulong samin. Sakin.

Pareha kami sa anggulong ito. Yun nga lang, ang mga purebloods ang kaaway ko.

"Tama siya, Millie. Mag-antay na lang tayo dito," sang-ayon ko.

Hapon na at palubog na ang araw. Ang tagal naman ata ni Jonathan.

"Yung totoo, papayag ka sa gusto niya, ano?" tanong ni Millie na nakatayo sa kamay ko.
Umiling ako, "Kung ano man ang magiging desisyon ko simula ngayon ay magiging para
sa akin. Ayoko ng magtago."

"At gusto mong maghiganti?" Napaisip ako. Siguro nga may parte sa akin na naghahanap
ng katarungan pero alam kong imposible makamit iyon.

"Wala akong sinabing ganun."

"Hindi ko alam ang kwento mo pero.. Walang kasalanan ang mga Ashbourne. Hindi
dapat nangyari sa kanila yun." Yun nga ang sabi ni Reina. Nakapang benteng lingon ko na
ata sa gate. Wala pa din, "Alam ng lahat yun."

"Anong ibig mong sabihin?"

Nung bumukas na ang gate sa wakas ay nagdasal akong siya na yun. Tama si Millie.
Umpisa pa lang ng umalis kami sa bahay ay nakapagdesisyon na ako. Ngunit nagulantang
ako sa nakita. Si Jonathan ay naligo sa dugo ng sa tingin ko ay mga nagtatrabaho dun.
Mukang nag-enjoy pa siya sa pinagdaanan niya sa loob. Tutuloy pa ba ko nito?
Paghahanda ba to sa maaari kong harapin sa pagpasok sa mundo ng purebloods?

"Algo?" Tumalon mula sa kamay ko sa lapag si Millie at tumakbo sa direksyon ni


Jonathan na papalapit sakin. Tumayo na din ako sa kinauupuan para salubungin sila.
Isang dwendeng lalaki si Algo na hindi nalalayo ang kasuotan kay Millie. Nagyakap sila
na parang matagal ng hindi nagkita.

"Hindi ko na tatanungin kung anong nangyari." Natawa naman siya.

"Susunduin kita bukas sa inyo."

"Kung..?" dugtong ko. Nalito siya, "Kung ayos lang sayo, Chloe." Napangiti na naman siya
na labas ang ipin na nagpaaliwalas sa muka niya kahit puno ito ng dugo.

"Kung ayos lang sayo, Chloe," pag-uulit niya, "Kung mamarapatin mo, Chloe, gusto kong
ipakilala na kita bukas kay ama."

"Um-oo ka na!" hiyaw ni Millie mula sa baba.

"Shh!" senyas ko, "Wala akong susuotin, kamahalan."


"Ako nang bahala dun, aking prinsesa." Parang nagugustuhan ko na tuloy siya. Sana lagi
siya ganito na mabait at madaling pakisamahan.

"At kami naman ay mauuna na. Salamat sa lahat, Chloe!" paalam ni Millie.

"Saan na kayo pupunta?"

"Mukang babalik na kami sa punso. May pamilya pa rin kaming naghihintay samin.
Pagkatapos ba naman ng lahat ng pinagdaanan namin, hindi pa ba namin sila nanaising
makita?"

"Tama ka dyan. Mag-iingat kayo sa daan," pahabol ko.

"Ikekwento ko ang tungkol sayo sa ibang mga dwende, Chloe ng angkang Ashbourne."

"Nako, wag na, Millie."

"Mag-iingat kayo, kaibigan," paalam ni Jonathan kay Millie.

Napataas naman ito ng kilay, "Ingatan mo si Chloe kung hindi babalikan kita. Totoo kung
magbanta ang nga dwende!"

"Alam ko yun, Millie," pinanood naming umalis ang dalawa. Totoo na to. Bukas,
haharapin ko na kung sino talaga ako.

"Baka gusto mo namang maligo," asar ko.

"Sige. Basta sabayan mo ko, honey," at inapakan ko siya ng pangalawang beses.

Chapter 4

Nasa tirahan ako ngayon ni Reina na isang mansyon sa tabing-dagat. Dito na ko


nagpasundo kay Jonathan. Gusto ko rin kasing manghingi ng payo sa kanya ukol sa
papasukin kong pagpapakasal.

Si Jonathan Monroe ang kaisa-isang anak ni Dylan Monroe. Ayon kay Reina, muntik na
itong makaupo sa pwesto ng mga elders kung hindi dahil kay Raphael Ashbourne na
founder ng Ashbourne clan kaya matindi ang galit nito sa mga Ashbourne. Hindi
pinaliwanag sakin ni Jonathan kung anong alitan ang meron sa kanila ng ama niya pero
para umabot sa ganito, malamang may matinding nangyari.
"Mag-iingat ka, hindi lang kay Dylan, kundi sa kanilang lahat. May magpapakita sayo ng
kabutihan pero wag mong ibababa ang iyong depensa."

"Naintindihan ko. Ang hindi ko mawari ay kung bakit tila ang tindi naman ng galit nila
samin. Oo tumulong kami sa mga tao pero matagal na panahon na yun."

Hinawakan niya ang kamay ko, "Basta mag-iingat ka." Bumitaw ako. Naalala ko na
naman yung nangyari sa bahay nung bumisita siya, "Kailangan din kitang bigyang
babala. Malaki ang tsansa na sabihin sayo ni Jonathan na pumasok sa Lochan Academy.
Pumayag ka. Pero mag-iingat ka dahil doon, mas dadami ang pagkakataon ng mga
kalaban na alisin ka sa landas nila."

"Bakit mo sinasabi sakin ang mga ito?" Lochan Academy? Kung hindi ako nagkakamali ay
isa iyong paaralan para sa mga purebloods na tinatag noong unang panahon pa. Ang
layon nito ay hindi lang hasain ang abilidad namin bilang bampira ngunit pati na rin
magamit ito para mabuhay sa mundong puno ng tao. Ngayon, epektibo pa rin ang
pagtuturo nila para malinang ang kakayanan ng purebloods at mabigyan sila ng papel na
angkop sa kanila para magsilbi sa mga kapwa bampira.

"Malalaman mo din pagdating ng panahon."

Habang nag-aantay kay Jonathan ay naglakad-lakad muna ako sa tabing-dagat. Dito ako
lumaki. Sana maaaring pumarito na lang ako habambuhay pero may kailangan akong
gawin para saking pamilya. Sayang naman ang sakripisyo nila.

"Ang ganda, ano?" sabi ng isang boses ng lalaki. Agad akong lumingon. Ito yung lalaking
nakabungguan isang gabi ko bago pumuntang bar.

"Sinusundan mo ba ko?" Napaatras ako subconsciously.

May dumaang mabilis na hangin at nagulo ang buhok niya. Umabot din sakin ang amoy
niya. Nandilim na naman ang paningin ko at wala na kong ibang maisip kundi ang
atakihin siya at tikman ang dugo niya.

"Hindi ako kaaway."

"Isa kang tao! Hindi ako pwedeng magkamali!"

Naging seryoso ang dating niya. Dapat lang. Hindi ko na kayang kontrolin pa ang sarili ko
ng mas matagal.
"Chloe!" tawag sakin. Nilingon ko si Reina sa malayo. Pagbaling ko uli ng atensyon sa
lalaki ay wala na siya. Tao nga kaya siya? Pero hindi kaya ng isang tao maglaho ng ganun
kabilis, "Andito na ang sundo mo!"

***

Pagsakay ko sa sasakyan ay laking gulat ko na lang ng makita doon si Millie. "Millie?"

"Chloe!" niyakap niya ang binti ko.

"Paano-" tumingin ako kay Jonathan na nakangisi habang papasakay sa tabi ko.

"Pinayagan ako ng mga magulang kong umalis. Sabi ko, gusto ko ng makulay na buhay!
Gusto kong maglakbay at makakita ng maraming bagay! Saan pa ba ko makakahanap nun
kundi sa isang Ashbourne, diba?!" Excited nitong pinaliwanag. Hindi ko alam kung
matutuwa na ang taas ng ekspektasyon niya sakin o hindi.

"Basta masaya akong nakarating ka dito ng ligtas."

"Hindi pala sinabi ng royal na yan na siya yung pureblood na paparating sa lugar namin.
Hmmp! Binisita niya ang punso at kinwento ko sa kanya na kailangan kitang makita.
Sinama na niya ko dito." Siniko ko ng mahina ang tagiliran ni Jonathan.

"Hindi pala kailangan ng konsorte ha."

"Hindi na kailangan," nginitian na naman niya ko ng signature niyang ngiti. Naalala ko


bigla yung lalaki sa tabing-dagat. Paano niya ko nasundan hanggang doon? "Gusto ko
palang ipaalam sayo na-"

"Kailangan mo kong mag-aral sa Lochan Academy. Alam ko na."

Ngumiti siyang muli, "Hmm.. Isa na rin yun. Pero bukod dun, ang ganda mo sa bestidang
yan."

"Aba nambola pa." Bago ako umalis ng bahay ay pinagbaon ako ni mama ng itim na dress
para suotin sa pagkikita namin ng soon-to-be father-in-law ko.

"Hindi ako nambobola," natawa siya, "Tungkol sa academy, matinding pulitika ang
mangyayari sa pag-iisang dibdib natin. Gusto ko lang na handa ka. Na wala silang
makikitang kahinaan sayo."
"Dahil pag inatake ako ay parang inatake ka na din?" pangangasar ko.

"Parang ganun na nga. Kukunin mo ang kursong governing."

"Opo, itay," inirapan ko siya.

Pagdating namin sa mansyon nila ay nanliit ako sa sarili ko. Para itong isang palasyo.
Alam kong royal blood si Jonathan pero iba pa din ang dating nito ngayon sakin.
Sunud-sunod ang mga tagasilbing bumati samin sa paglalakad sa loob ng mansyon.
Mukang mahilig sa art ang pamilyang Monroe at maraming sculptures sa paligid.

"Woooow." ani ni Millie nang makarating kami sa waiting room. Simple lang ito pero ang
ganda ng mga napiling furniture. May mga gintong gamit pati sa fireplace.Pinatanggal ni
Jonathan ang osong rug ng makitang nasaktan si Millie. Malapit kasi sa kalikasan ang
mga dwende.

"Umiinom ba kayo ng tsaa?" tanong ni Jonathan.

"Gatas, pwede?" hiling ni Millie.

"Kahit ano. Ikaw, Chloe?" tumango ako kahit hindi naman talaga. Umalis na ang tagasilbi
at pumasok naman ang isang lalaking kahawig ni Jonathan na mukang nasa 30s na niya
pero gwapo pa din. Sigurado akong si Dylan na ito.

"Magandang umaga po," bati ko. Tinaasan lang niya ko ng kilay at nilagpasan. Kung
posible lang, umuusok na siguro ang tenga ni Millie ngayon.

"Who's our guest, son?" Sana ako na lang ang tinanong niya.

"Upo ka, Chloe," sabi ni Jonathan na sinunod ko naman. Ibinaba ko sa lap ko si Millie na
bumulong sakin ng 'Like father, like son.' "She's my fiance, dad. This is Chloe." Lumapit
sakin at naggesture sakin. Tumayo naman ako. Sana di na pala ko umupo. Nabigla tuloy si
Millie at napatalon sa sofa. Ang tense ko. Paano pa kaya si Jonathan?

"Chloe Ashbourne," in-emphasize ko ang apelyido ko at iniabot ang kamay ko sa kanya.


Nagsalubong ang kilay ni Dylan. Agad din siyang bumalik sa pagkakapoker face at kinuha
ang kamay ko para halikan ito. Like father, like son nga.

"Matagal na panahon na. Hindi ko akalaing lalaki ka na magandang dalaga." Nagbago ata
ang timpla niya. Ako, maging si Jonathan, ay nagulat sa mainit na pagtanggap ni Dylan.
Buti na lang at may kumatok. Dala-dala ang tsaang iniutos sa kanya. "Ahh. Hindi ka lang
magaling pumili ng babae, anak, marunong ka na din palang nag-entertain ng bisita.
Tikman mo, Chloe, ang aking paborito." Pinagsilbihan niya ko ng isang tasa. Inalok ko si
Millie na mamaya na lang daw iinom. Pinapanood lang kami ng mag-ama. Si Jonathan ay
halatang napipikon na dahil hindi niya inaasahang ganito ang magiging reaksyon ni
Dylan.

"Hindi na kami magtatagal. Gusto ko lang ipaalam sayo para hindi ka na mag-iskandalo
kapag may ibang nagbalita sayo," sabi ni Jonathan. Inabot niya ang kamay niya sakin.
Kinuha ko si Millie at nilagay sa bulsa ng damit ko, tsaka humawak kay Jonathan para
tumayo.

"Kinagagalak kong makilala kayo, Don Monroe."

"Likewise." Hindi ko gusto ang mapaglarong tono niya at titig ng kanyang mga mata.
Kung may pinaplano man siya, uunahan ko na siya.

Chapter 5

Nagising si Chloe sa alarm clock. 6:00 am. Maaga pa para sa isang bampira ngunit pinilit
niyang patayuin ang pagod pa niyang katawan. Sinilip niya si Millie na nakahiga sa unan
niya. Mahimbing ang tulog nito at mukhang hindi pa babangon agad.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili sa banyo ay bumaba siya sa kusina para uminom
ng dugo. Namumutla na rin kasi ang muka niya. Hindi niya inaasahang gising pa ang
papa niya. Naglilinis ito ng shotgun sa sala.

"Pa," tawag nito sabay halik sa pisngi mula sa likuran ni Louis.

"Hmm.. Kailangan mo ba ng tulong mag-impake? Gigisingin ko ang mama mo." Natawa


ng mahina si Chloe habang padiretso ng kusina.

"Kaya ko na to," sagot niya ng malakas.

* **

7:00 pm. Naging madamdamin ang pagpapaalam ni Lorna at Louis sa nag-iisa nilang
anak. Pinilit ni Chloe magmukang matatag kahit sa loob niya ay isang komosyon ang
nagaganap. Ayaw niyang mag-alala pa sila lalo.

"Huwag kayong mag-alala, Mr. & Mrs. Donovan. Aalagaan ko si Choe!" sabi pa ni Millie.

"Kailangan ko na pong umalis. Salamat mama, papa." Pagkatapos ng isang huling


mahigpit na yakap, sumakay na si Chloe sa itim na limousine na pinadala ng kanyang
magiging asawa para ihatid siya sa paaralan. Bumuntong-hininga ito na siyang napansin
ni Millie.

"Simula ngayon, pangangatawanan mo na ang buong pamilya ng Ashbourne."

"Huwag mo ng ipaalala, Mils."

"Teka, alak ba to?" tanong ni Millie ukol sa bote ng red wine na natagpuan niya.

"Hindi tayo pwedeng uminom. Dapat maganda ang first impression natin sa kanila. Puro
purebloods ang makakasalamuha natin sa paaralan na yun."

***

Ibinaba ng driver sila Chloe sa harap ng Neilson Manor na nagsisilbing tirahan para sa
ilan sa mga pureblood na nag-aaral sa Academy. Nasa tabi lang ito ng lawa at
napapaligiran ng mga puno kaya nahirapan din silang ipasok ang sasakyan. Para itong
inabandonang gusali mula sa labas.

"Ito na ba talaga yun? Nakakatakot naman dito!" sambit ni Millie.

"Tignan natin," dala ang maleta niya, lumapit sa pintuan si Chloe para kumatok. Bago pa
man niya ito magawa ay bumukas na ang pagkalaki-laking pinto. Bumungad sa kanila
ang isang buto't balat na lalaking mahaba ang buhok at nakasuot ng nangungupas na
suit.

"Chloe Ashbourne?" tanong nito.

"A-ako nga.." Napatingin ang lalaki kay Millie na nakatayo sa maletang dala ni Chloe.

"At iyan ang iyong konsorte?"

"Uhmm.."

"Oo. Baka gusto mong tulungan ang master ko na dalhin ang bagahe niya?"

Nagtaas ng kilay ang lalaki, "Ako nga pala si Wilson," kinuha niya bigla ang hawak na
maleta ng pureblood kaya napakapit sa sleeve ni Chloe si Millie. Nilagay niya ito sa balikat
niya at nginitian ng pagpapasensya. Umirap siya, "Butler sa Neilson manor. Maaasahan
niyo pag may kailangan pero nais ko lang ipaalala na hindi ako pureblood pero hindi din
ako alipin. Aasahan ko ang respeto sa bawat isa sa inyo. Lalo na sa dwende," masungit
nitong paliwanag.
"Wilson. Got it."

"May sariling lugar ang mga konsorte para hindi sila pakalat-kalat lang. Responsibilidad
niyo sila, naintindihan mo ba yun?"

"O-oo."

"Wilson, Wilson, Wilson," sabi ng isa pang boses ng babae, "Sinusungitan mo na naman
ang mga alaga natin." Nasa taas ng hagdan ay isang blonde na babae. Mukha siyang nasa
40s niya na pero ubod pa din ang ganda. Elegante ang pananamit at accessories niya at
mukang siya ang namamahala sa lugar na ito, "Isang Ashbourne," sabi niya habang
bumababa, "Hindi ko akalaing darating ang araw na makakakita pa ko ng isa."

"Yan nga ang sabi nila," sagot ni Chloe na naiilangvsa mapanuring titig ng babae.

"Dadalhin ko na ang dwende kung saan siya nababagay, Madame Delphine."

Nag-alangan si Chloe. Hindi kapantay ang tingin ng mga bampira sa kaiba nila. Buti nga
at wala silang pagnanasang kumain ng mga dwende dahil iba ang kalidad ng dugo nito.
Pero hindi maiwasang mag-alala ni Chloe dahil baka kung saan naman dalhin ang
kaibigan niya.

"Okay lang, Chloe. Akong bahala dito sa butler na to!" matapang nitong sinabi na siyang
nagpangiti sa pureblood. Ibinaba siya ni Chloe muli sa maleta.

"Mamaya uli."

"Mamaya," pagpapaalam nila sa isa't-isa. Umubo si Wilson para makuha ang atensyon
nila.

"Dadalhin ko rin mamaya ang mga gamit mo sa kwarto pagkatapos kong inspeksyunin."

"Inspeksyon?" nagtatakang pag-uulit ni Chloe.

"May mga batas pa rin tayong susundin dito, Chloe Ashbourne," paliwanag ng babaeng
may ngalang Delphine, "Hayaan mong tignan ni Wilson ang gamit mo. Hindi ka naman
mapapano kung wala kang ginawang bawal." Hindi na lang ito sumagot at umalis na din
naman ang butler, "At ihahatid naman kita sayong magiging bagong kwarto," masayang
alok nito pagka-hawak sa likod ni Chloe para gabayan siya paakyat ng hagdan.

"Kung inaalala mo ang edad mo sa pagpasok sa Lochan Academy, wag kang mag-alala.
Hindi lang naman ikaw ang pureblood na nagdalawang isip pumasok doon. Meron kasi
tayong habambuhay para magpasya. Wala ang mga tao nun." Marami silang pintong
dinaanan sa ikalawang palapag ng mansyon.

"Paalala ko lang din, BAWAL magpapasok ng lalaki kahit pa kamag-anak mo. Exception
na dun si Wilson dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya."

"Hmm.." may pag-aalinlangang tugon ni Chloe na napansin naman ng nakatatandang


babae.

"Ganun lang talaga siya. Ikaw ba naman manilbihan sa mga babaeng purebloods buong
buhay mo?" kumindat siya, "Pero mabait yun." Lumiko sila sa intersection at
pakiramdam ni Chloe ay maliligaw siya papunta ng kwarto niya. Hindi niya akalaing
ganito pala kalaki ang manor sa loob dahil madilim sa labas.

"Hindi ka pala masalita, ano? Bukod kay Wilson-" naputol ang pagpapaliwanag ni
Delphine ng may makasalubong silang lalaking naka-lab coat sa susunod na likuan.
Matangkad ito sa kanilang dalawa at may magandang pangangatawan. Mukhang mabait
at mapagkakatiwalaan, hindi lang dahil sa nakapanggayak ng doktor siya, "Speaking of,
eto nga pala si Dr. Zachary Pierce." Inabot ng doktor ang kamay niya kay Chloe na
nakipag-handshake naman dito.

"Chloe.." pakilala nito. Hindi sumagot si Zachary, maging si Delphine, na parang may
inaabangan pa mula kay Chloe, "Ashbourne. Chloe Ashbourne."

"Ahh. Totoo nga ang balita." Nangasim ang mukha ni Chloe at siya na rin ang bumitaw sa
kamay ng doktor.

"Siya ang opisyal na doktor ng Lochan Academy. Madalas makikita mo siya dito.
Bagama't sa tingin ko'y nagpapangap lang ang mga dalagang iyon." Natawa si Zachary.

"Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako." Hindi na siya nasagot ni Chloe dahil sa
pagka-balisa dahil sa naaamoy niya. Tila napansin naman ito ng doktor. "Ahh. Patawad.
Ako yung naaamoy mo." Sensitibo ang mga bampira sa amoy kaya wala ng gumagamit ng
pabango sa panahong ito.

Dinikit ni Delphine ang braso sa dibdib ng doktor, "Eto kasing si Dr. Pierce ay nag-
eeksperimento pa din sa iba't-ibang amoy na maaaring magamit natin," maligalig
nitong paliwanag, "Malawak kasi ang imahinasyon niya."

"Hindi naman, Madame. O sya, babalik na ko sa Academy. Baka may nangangailangan na


sa akin doon."
"Kailangan pa ba ng mga bampira ng doktor?" tanong ni Chloe kay Delphine sa balik
paglalakad nila.

"Hindi lahat naidadaan sa dugo. Minsan, lalo na sa mga umiinom ng dugo ng hayop,
nakakakuha sila ng sakit mula dito."

"Meron BANG umiinom ng dugo ng hayop sa Lochan Academy?"

Ngumiti ng may pagkapilit si Delphine, "Masyado kang matanong, Ashbourne. Kapag


nasa loob ka na ng Academy, malalaman mo. Si Dr. Pierce ay mahalaga sa sistemang ito."
Hindi pa rin naintindihan ni Chloe pero hindi na siya nagsalita pa.

Pagdating nila sa kwarto ay pakiramdam niya sumakit na ang ulo niya kakaikot. Nasa
labas na din ng pintuan ang gamit niya. Mukhang nauna pa si Wilson sa kanila.

"Sa tingin ko hindi ko matatandaan kung paano bumalik dito," pag-amin ni Chloe.
Binigyan siya ng mabait na tingin ni Delphine.

"Huwag kang mag-alala. Makakabalik ka. Ang mansyon na ito ay dinisenyo para lituhin
ang sinumang tagalabas na magtatangkang pumasok ng walang paalam. Pero ikaw, sa
pangalawang pagtahak mo sa landas na to, dadalhin ka sa patutunguhan mo."

"Ganun ba.." Hindi pa rin siya makapaniwala pero dumeretso na siya sa kwarto
pagkabigay ng susi niya. Gaya ng hinala niya, hindi ito natatakpan mula sa labas at may
maayos na bintana. Maliit lang ito at halos pagsiksikin ang gamit na pangdalawang tao.
May double-deck na kama kung saan may gumagamit na ng taas, "Uhh. Excuse me?"

Nagtanggal ng balot na kumot ang isang babaeng may makapal na eyeliner at makulay
na buhok. Makulay pa sa pink na buhok ni Millie dahil sa silver at neon green na
highlights nito.

"Hangover. Bukas na tayo mag-usap," sabi pa nito sa kanya at nagtalukbong muli ng


kumot. Napabuntong-hininga uli siya at napaisip kung kakayanin ba niya ang pinasok
niya.

Chapter 6

10:00 pm. Lochan Academy.

"Has everything been prepared?" tanong ng isang matandang babae kay Zachary. Nasa
isang madilim na kwarto sila, nakasilip sa bilog na buwan.
Tumayo si Zachary mula sa pagkakaluhod, "Yes, Elder Reina." Nagsuot ng labcoat ang
doktor at pinaliguan ang sarili niya ng perfume. Napalabas ng pangil ang elder sa
sangsang nito, "Apologies."

"It's quite alright. Just make sure to keep an eye on her. Always."

"As you wish."

Neilson Manor.

Namulat ang mata ni Chloe sa narinig na pagkalembang ng bell. Umupo siya sa parte
niya ng kama at nakitang nakabihis na ang kasama niya sa kwarto.

"Hello?" bati ni Chloe dito na nagtatali ng buhok sa pigtails. Tinitigan siya nito ng
masama.

"Ang bell na yun ang senyales na magsisimula na ang academic year. Kung ako sayo, mag-
aayos na din ako dahil may sampung minuto na lang tayo para makapunta dun bago nila
tuluyang isarado ang daanan."

"Shit." Agad tumayo si Chloe at naghanap ng ipamamalit na damit sa bagahe niya na


hindi pa din niya naaayos. Kumuha siya ng itim na t-shirt at skinny jeans. "Ugh."
Nagmadali na din siya palabas ng kwarto para pumuntang banyo at mag-ayos ng sarili.

"Chloe, Chloe, wag!" Napahinto sa pagtakbo si Chloe at tumingin sa paanan niya. Unti na
lang at natapakan na sana niya si Millie.

"Whoa. Sorry," sabi nito, "At nagmamadali na ko kaya bye!"

"Hoy anong susuotin mo?" napakamot na lang sa ulo si Millie habang pinapanood
tumakbo palayo ang kaibigan, "Akong bahala sayo."

Nang makaliko sa hallway kung nasaan ang banyo, si Chloe ay nabigla sa haba ng pila
dito. Napakagat siya ng labi. Hindi na siya pwedeng mag-antay pa. Tumakbo uli siya para
maghanap ng ibang magagamit. Kahit hindi nasabi ni Delphine, umaasa siyang meron pa
naman sa dami ng naninirahan sa manor.

Sa ikatlong palapag ay may nahanap siyang bakanteng banyo. Pumasok siya dito at
nahalina ng amoy nitong rosas. Hindi ito kagaya ng nasa baba na may cubicles sa loob.
Tila ba pang isang tao lamang.

"Bahala na," bulong ni Chloe at naghilamos. Nagsimula na rin siyang magsipilyo ng


mapansin sa salamin na may anino sa likod ng shower curtain.

"Sinong andyan?!" pasigaw na tanong ng isang babae. Lumingon siya dito ngunit nawala
na ang anino. Pagtingin niya muli sa salamin ay may babae na sa likod niya na nakatapis
ng pink na tuwalya.

"Ahh!" napaatras siya sa pagkagulat at natumba sa babae kaya dalawa silang nasa sahig
ngayon. Blonde at wavy ang buhok nitong hindi nabasa sa pagbabad niya sa bathtub.
Maputi at napagtanto ni Chloe na siya yung amoy rosas. Maganda ang mukha niya pero
mukang galit siya habang patayo.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Ano pa nga ba? Sorry hindi ko alam na may nauna na pala. Aalis na ko."

"Hindi!"

"Hindi? Bakit parang hindi ka nagmamadali? Narinig mo ba yung bell?" Nawala ang galit
sa mukha ng magandang babae at napangisi ito.

"Bakit ako magmamadali kung may alam akong ibang daan?"

"Talaga?" tumango ito ng may pagmamalaki, "Ako nga pala si Chloe."

"Hello, Chloe. So, aalis ka na? Baka kasi gusto mo kong patapusin diba?" namula si Chloe
pero inayos din niya ang sarili.

"Sabi mo kasi hindi. May kailangan ka ba?"

"Wala na. Paparusahan sana kita dahil sa kalapastanganan mo pero tla wala ka namang
kamalayan pa kung paano ang takbo ng sistema dito." Napakunot ang noo ni Chloe.
Nagbago na ang isip niyang kaibiganin ang babae para makisama sana sa daanang
tinutukoy nito. May kakaibang aura ito na hindi niya gusto.

"Okay. Bye."

Pagkabalik ni Chloe sa kwarto, nagulat na lang siya na andun pa ang roommate niya at
nakikipagtawanan pa kay Millie.

"Bale sabi ko sa kanya, hahahaha, balang araw papatulan ko siya. Gets mo yun, balang.
Araw. Hahahahaha!" biro nito sa dwende na humahalakhak din.

"Kawawang turned vampire. Hahahahaha! Buti pa si Chloe, may Jonathan na. Yiiie!"
Napasimangot na naman ang roommate niya ng makita siya. Hindi na lang niya ito
pinansin at hinanap ang hinanda niyang damit kanina, "Yo, Chloe, ang cool pala nitong si
Ariel eh. Bffs na tayong tatlo ah!"

"Uhm, Millie," sabi ni Chloe habang binabaliktad lahat ng nasa kama niya, "Nakita mo ba
yung damit ko?"

Napatili sa galak ang dwende at tumalon papunta sa kama na may hawak na itim na
damit, "Hiniram kita kay Ariel. Dude, suotin mo to! First day mo! Make an impression!"
Napatingin si Chloe sa kanya ng paninibago at sa roommate niya na mukhang ayaw
talaga sa kanya kaya ang damit na lang ang tinignan niya.

"Ano yan?"

***

"Good luck, ladies! Sana makabalik kayong lahat dito bago mag-umaga!" ani ni Delphine
habang kumakaway sa mga estudyanteng palabas ng manor. Tumatakbong bumaba ng
hagdan si Chloe at Ariel, si Millie nasa balikat ng pangalawa at si Chloe naman ay
naiilang sa igsi ng damit. Pinanood sila ng natutuwang si Delphine.

Humaba ang buhok ni Chloe dahil sa extension at kulot ito sa dulo. Ang labi din niya ay
mas mapula kesa normal. Masikip sa kanya ang itim na sleeveless dress ni Ariel kaya kitang
kita ang kurba ng kanyang magandang katawan, hindi rin ito abot sa tuhod niya. Naka
boots at gloves na itim din siya at ang kwintas niya ay hindi mawawala.

"Millieeee! Lagot ka talaga sakin mamaya!" banta ni Chloe habang tumatakbo palabas ng
pinto.

Natawa lang ng malakas ang dwende, "Bakit? Maganda ka naman ah! Hahahaha!"

"Grr!" Paglabas nila, nakita nila ang malalaking mga kwadradong bato na lumutang
mula sa lawa na pinagtatalunan ng mga bampira para makapunta sa Academy. Pero
unti-unti na itong lumulubog mula sa pinakamalapit sa kanila. "Hindi, hindi, hindi!"

"Pano.. dapat kasi hindi na kita hinantay!" sabi ni Ariel kay Chloe.

"Ganito ba ang pagdadaanan natin tuwing papasok at uuwi?" tanong ni Chloe na hindi
alintana ang sinabi ng roommate. Bumukas uli ang pinto sa manor at lumabas ang
babaeng may dilaw na buhok kanina. Nabuhayan ng loob si Chloe. "Ikaw.."
"Chloe, andito ka pa pala." Ang babae ay nakasuot ng pulang shirt sa loob at naka-leather
brown jacket at itim na latex pants. Napawolf whistle si Millie.

"Sorry sa kanina, pero hindi kasi kami nakaabot ng mga kaibigan ko. Magagawan mo ba
ng paraan?" Natawa ang babae na may halong pagmamaliit. Pumalakpak siya ng
dalawang beses at nakarinig sila ng matining na iyak mula sa itaas na napatakip sila ng
tenga, bukod sa babae.

May dalawang manananggal paibaba na may dalang duyan na gawa sa kahoy ng Acacia.
May mga kadena sila sa leeg. Hindi napigilan ni Chloe na kilabutan.

"G-ganyan.. yung nasa.. leeg ng mga escorts," paliwanag ni Millie na nakakapit ng


mahigpit kay Ariel. Kumulo ang dugo ni Chloe sa napapanood. Bakas sa mukha ng mga
manananggal na nagdudusa sila sa kung anumang dahilan.

"Sorry, Chloe. Mukhang tayong dalawa lang ang kasya. Kung gusto mo talagang
makisabay, magpaalam ka na dyan sa kaibigan mo at sa dwende niya," pang-aasar ng
babae, "By the way, ako nga pala si Margeau. Wag mong kakalimutan ha," dagdag pa nito
pagkaupo sa duyan.

"Baka gusto mong pakawalan na sila, Margeau," matalim na sabi ni Chloe na kahit si
Ariel at Millie ay nabigla.

"Anong sabi mo?" sagot nito.

"Pureblood o royal ka man, wala kang karapatang ituring na hayop ang mga konsorte
mo." Napa-scoff si Margeau at tumayo. Kinuha niya ang latigo na nakasabit sa likod niya
at inihampas ito sa isa sa mga manananggal na ikinabigla ni Chloe. Umiyak ito ng
malakas at matining ng isang beses.

"Tatratuhin ko sila kung paano ko gusto, Chloe Ashbourne." Napatingin si Ariel kay Chloe.

"Whoa. Girls, tama na yan," sali ni Delphine na kalalabas lang kasama si Wilson,
"Margeau, ikaw na ang magpasensya."

"Ano?!" ani ni Chloe.

"Fine," inikot nito ang mata niya, "Slaves, let's go. Chloe, this isn't over." Pinanood nila
silang umalis at nagpuputok ang butsi ni Chloe. Lumapit na lang siya sa mga kasama.
"Salamat.." bulong ni Ariel, "Kala ko iiwan mo na kami," nahihiya pa nitong dagdag.

"Ikaw siguro. Pero si Millie, never," biro ni Chloe sabay tawa kasabay ang dwende, "Joke
lang. Dude, hindi ko maimagine ang lagay mo dun sa kwarto niyo. Kakausapin ko si
Madame para dun ka na lang samin matulog," sabi nito kay Millie na nginitian siya ng
malungkot.

"Ang saya siguro maging bampira. Kayo ang naghahari sa mundo," walang naisagot ang
dalawa niyang kaibigan.

"Hindi ko alam kung anong storya niyo at nakatayo pa rin kayo dyan," sabat ng isang
lalaki. Lumingon sila dito at nakita ang lalaking nakabungguan ni Chloe papunta sa bar
at sa bahay ni Reina, "Pero kung ako sa inyo, sasakay na kayo."

"Damn, he's hot.." bulong ni Ariel. Ang lalaki ay nasa isang karwahe na hinihila ng isang
tikbalang.

"Bilis at may date pa ako!" utos ng tikbalang sa kanila sa malalim na boses at nagboses
kabayo. Natawa ang lalaki sa pagiging diretsa nito. Tinitigan siya ng masama ni Chloe
pero hindi siya naapektuhan at sa halip kinindatan pa ito.

Nagbuntong-hininga si Chloe, "Ano pang hinihintay natin?"

Chapter 7

Canada.

Inihinto ng nagmamaneho ang sasakyan sa harap ng puting mansyon. Lumabas ito at


agad binuksan ang pinto ni Reina para siya naman ang bumaba. May ilan pang
sasakyang dumating sakay ang ibang mga elders.

"This is what I've been warning you about," sabi ng isang matandang kayumanggi ang
kulay at may hawak na payong kay Reina, "There are those who will oppose are ruling."

"And who might those be, Christopher?" ani naman nito.

"Other clans," sali ng isa pang babaeng may malaking sombrero, "The fairies. Chloe
Ashbourne."

"Chloe Ashbourne has absolutely nothing to do with this, Monica!" pagdepensa niya.

"The point is," sagot ni Monica na tumaas na din ang boses, "There are endless
possibilities and we are completely defenseless." Nagmuni sila habang nakatingin sa
puting mansyon na pinagdadaluhan nila kapag kailangang magsama-sama ng elders para
mag-usap. Nasusunog ito. Nasusunog pero hindi nasusunog. May apoy pero ang gusali ay
tila hindi naaapektuhan. May mga guhit guhit din sa pader na tila kalmot ng isang
mabangis at malaking hayop. Ang mga pillars naman sa labas ay sira na. Ang pool ay
kulay pula, kulay dugo.

"Really symbolic, whoever they are who trashed our compound," komento ng isang
lalaking nakapulang kimono at nakatali ang mahabang buhok na parang namamangha
pa.

"I'm calling the others to meet. We have a lot to talk about," huling sinabi ni Reina bago
siya muling sumakay sa sasakyan.

***

Suminghot ng unti si Chloe sa lalaking nasa tabi niya. Tila nag-iba ang amoy nito, amoy
bampira.

"May problema ba?" tanong nito sa kanya. Naramdaman naman niya ang sarili niyang
mamula sa kahihiyan. Kahit si Ariel ay tinititigan siya ng kakaiba.

"Wala!"

"Wala ka na bang ibibilis, kaibigan?" tanong ni Millie sa tikbalang na kinahulan siya.


Bumalik siya sa binti ni Chloe mula sa likod ng tikbalang. Maingat dahil baka malaglag
siya sa tubig mula sa lumulutang na karwahe.

"Ako nga pala si Tristan. Tristan Helix."

"Ariel Fuller!" agad inabot ni Ariel ang kamay sa binata na nakipagkamayan sa kanya.
Iniabot din ni Tristan ang kamay kay Chloe pero hindi siya pinansin nito, "M-mag-aral ka
din dito?" Naiinis si Chloe sa mainit na pagtanggap ng roommate sa binata. Nung una
akala niya mailap si Ariel sa kaya dahil mariin siyang kompetensya sa paaralan, kaya din
madali itong nakipagkaibigan kay Millie. Ngunit tila hindi ito ganoon dahil isa rin
namang pureblood si Tristan ayon sa kanya at maayos naman ang pakitungo ni Ariel
dito.

"Oo," maikling sagot nito at sinulyapan uli si Chloe, "Taga-saan ang mga Fullers?"
Nagsimulang mag-usap ang dalawa habang si Chloe ay tahimik kahit nasa gitna nila.
Masyadong maayos kung tutuusin. Inobserbahan ni Chloe si Tristan Helix. Dahil ba ito sa
sopistikado nitong dating sa kanyang asul na v-neck na long-sleeved shirt? Maamo nitong
mukha kahit sila ay mga bampira na hindi niya maiwasang pagkatiwalaan? Mabait
nitong pakikitungo sa kanila?
Napansin siya ng dwendeng kaibigan at hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya.

"Iniisip mo pa din yung Margeau na yun?" Kumalma ang puso niya dahil tila walang
nakapansin sa pagmumuni niya kay Tristan.

"Hindi ko alam, Mils. Ayon kay Madame, isang royal si Margeau. At marami pang kagaya
niya sa Academy. Bukod dun, alam na nilang darating ako," katwiran niya na isa rin
naman sa madami niyang isipin.

"Dude, yun yung point. Papasok ka sa sistema para baguhin ang mga bagaybagay diba?"

"Paano pag hindi ako nagtagal para gawin yun?"

"Hindi ka nila pwedeng basta-basta saktan, Chloe," pagsabat ni Tristan. Umikot ang mata
ni Millie sa kanya.

"Uhh. Hello? Kasali?"

"Lagi talagang puno ng enerhiya ang mga dwende," nakangiti nitong sabi. Parang gustong
matunaw ni Millie sa ilalim ng sombrero niya para kiligin.

"Ngunit balita ko maraming namamatay sa loob ng Academy. Yun ang pinakamagandang


lugar para gumawa ng assassination dahil sa dami ng oportunidad na ihahain nito,"
kinilabutan sila sa sinabi ni Ariel.

"Poprotektahan kita, Chloe. At andito din ang iyong konsorte kaya wala kang dapat
ipag-alala," hinawakan ni Tristan ang kamay niya. Wala na din ang init na inasahan ni
Chloe para tanggalin ang kaba niya. Tinanggap na niya sa sarili niya na baka nagkamali
lang siya at hindi talaga tao si Tristan. Bumitaw siya.

"Teka," panimula ni Chloe, "Sinusundan mo ba ko? Sinusundan mo ko no?" Natawa si


Tristan at sumunod din si Ariel. Hanggang sa kahit si Millie ay natawa na rin sa sinabi
niya, "May sinabi ba kong mali?"

"Bakit naman gagawin ni Tristan yun, Chloe?"

"No offense, dude, pero.." hindi na niya natapos ang pangungusap sa tawa.

"Pero masaya ko na dumating ako sa tamang pagkakataon para isabay kayo."


"Sige nga. Ipaliwanag mo kung bakit napunta ka sa Neilson Manor," sabi ni Chloe.

"Hindi ako nakatira sa mga mansyon na pinoprovide ng academy. May bahay ako sa
malapit at ito ang pinakamalapit na daan papasok."

"O eto ang sagutin mo, Tristan, bakit ang gwapo mo?" biro ni Millie. Tinitigan siya ng
masama ni Chloe at natawa naman si Tristan at Ariel.

"Dalin mo ako.. kami minsan sa bahay mo, ha?" mungkahi pa ni Ariel.

"Kahit kelan niyo gusto. Ang kapatid ko lang ang kasama ko sa bahay. Hindi niya naman
mamasamain."

"Lalaki ba yang kapatid mo, Tris?" tanong pa ni Millie na may palayaw na para sa lalaki.

Ang Lochan Academy ay parang abandonadong kastilyo mula sa labas. Ibinaba sila ng
tikbalang sa malaking gate papasok dito. Ni walang halamang tumutubo sa paligid na
lupain, "Ayos lang ba sayong balikan kami, Adolfo?"

"Ano pa nga ba?" sagot nito sa malalim at mala-echo na boses bago umalis muli.

"Asan ang iba?" bulong ni Chloe.

Tuloooong.

Ang sakit naaaa.

Papatayin ko siyaaa.

Narinig ni Chloe at naglingun-lingon siya para hanapin ito. Nawala na ang mga kasama
niya, kahit si Millie.

Halika ditoooo.

Patigilin mo ang sakiiiit.

Tumayo ang mga balahibo ni Chloe sa naririnig. Pakiramdam niya ay hindi


mapagkakatiwalaan ang sarili niyang utak at dumeretso sa gate para kumatok ng may
humarang sa kanyang babae na may puting damit at mahabang buhok.

Wala siyang naaamoy mula dito at wala ring nararamdaman.


"Bampira?" bulong ni Chloe, "Ayos ka lang?" Ng hahawakan sana niya ang braso nito ay
tumagos lang ang kamay niya. Napaatras siya ng dahan-dahan. Napansin niyang
puting-puti ang muka nito, "A-anong kailangan mo?" Umatras pa siyang muli, "Millie?!"
Walang sumagot sa kanya.

Teka. Tama. Nasa Lochan Academy ako. Walang nakakapasok dito ng walang imbitasyon
dahil marami silang pagdadaanan. Asan na sila Millie? Hindi. Mali. Hindi ito totoo. Unti-
unting lumalapit ang babaeng nakaputi sa kanya. Hindi ito totoo.

"Chloeeee. Ako ang nanay moooooo," sabi ng babaeng nakaputi.

"Hindi ito totoo!" Pagdilat muli ni Chloe ay nakahiga siya sa bisig ni Tristan. Agad siyang
tumayo, "Whoa. Ano yun?" ani nito sa sarili. Napansin niyang gumigising din si Ariel at
Millie malapit sa kanya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Tristan.

"Oo. Tara na. Huli na tayo sa student assembly."

"Ahhhh!" sigaw ni Millie ng mapansin ang katawan ng ibang bampirang hindi nakatakas
sa hipnotismo ng babaeng nakaputi. Sobrang putla nila at puti na lang din ang kanilang
mata. Tumakbo si Millie kay Chloe.

"Wuhoo. Excited na koooo," sarkastiko nitong komento habang nakaharap sila sa


malaking gate. Binuksan ito ni Tristan at pumasok sila.

Ang ibang mga estudyante ay andun na. Nasa ilalim sila ng maliwanag at bilog na buwan.
Ang ingay nila na hindi rinig sa labas ay parang pampalengke. Hindi na inisip ni Chloe
kung paano nangyari iyon. Parang wala silang mga pinagdaanan kung umasta. Mga
bampira.

Nakita ni Chloe si Margeau sa malayo na nakikipag-usap sa iba pang mga bampira, "At
nakahanap pa siya ng kaibigan," inis na sabi ni Ariel. Tila naramdaman sila ni Margeau
at napalingon. Kinawayan niya si Chloe para inisin ito na pinagtagumpayan naman niya.
Tsaka lumipat ang titig niya sa gilid ni Chloe.

Tumingin si Chloe sa tabi at napagtanto kung sino ang tinititigan ni Margeau. Si Tristan.
Papalapit na sana si Margeau ng makarinig ang mga estudyante ng malakas na ingay
mula sa mikropono na hawak ng isang babaeng nakatayo sa plataporma. Si Reina. Sa
likod niya ay ang enggrandeng kastilyo kung saan magsisimula ang taon na ito para sa
mga batang bampirang ito.
Sa tabi ni Reina na nakaupo sa monobloc chairs ay isang babaeng hindi kilala ni Chloe at
si Zachary.

"Isang magandang gabi sa inyo, mga bampira ng bagong henerasyon!" bati nito at agad
niyang nakuha ang atensyon ng lahat. Kahit madalas ay mukhang mabait si Reina at
maintindihin, kung gugustuhin niya talaga ay nakakatakot siya, "Andito kayo ngayong
gabi para simulan ang pag-aaral para maging modernong bampira. Hindi na lamang tayo
ngayon nagtatago sa dilim, at anino ng mga tao para makatikim kahit patak ng dugo nila,
tayo na ang pumalit sa kanila sa paghahari sa mundong ito."

"Siya ba ang dean niyo?" bulong ni Millie.

"Hindi ko alam.."

Napatingin si Chloe sa doktor ng maramdaman ang titig nito sa kanya sa dinami-dami ng


bampira sa paligid niya. Iba na lamang ang hiyang pumukaw sa kanya nung ngitian siya
nito at hindi na nakatingin pa. Naghanap na lang siya ng ibang mapagtutuusan ng
pansin: si Reina.

"Upang mabuhay, kinakailangan ng bawat isa sa atin na tumulong sa nabuong sistema ng


mga nakatataas. Dapat may magawa tayo para sa lipunan. Noong una ay tinitignan ng
mababa ang pagpapaaral sa mga bampira pero para saan pa ang napakahaba nating
buhay kung wala naman tayong kaalaman sa mundong ginagalawan na natin ng malaya?
Sinasabi ko ito dahil alam kong karamihan sa inyo ay napilitan lang din lamang para
pumasok. Pero tandaan niyo, kahit dugong bughaw pa kayo, hangga't hindi niyo
nalalagpasan ang bahaging ito ng inyong buhay, mas mababa pa kayo sa turned
vampires." May bagong akyat sa plataporma na isang lalaking bampirang naka-gray na
suit. Mukhang bata ito ngunit may posisyong dinadala sa nakakatakot nitong aura.
Pansin ni Chloe na may iba kay Reina ngayon, na parang hindi ito sang-ayon sa ginagawa
niya.

Napansin ni Chloe ang nagngingitngit na Ariel sa tabi niya at sinundan kung saan siya
nakatitig ng masama. Kasama ni Tristan si Margeau na parang may kinekwento dito kaya
ang saya-saya niya.

"Paumanhin at nakaligtaan kong magpakilala. Hindi ko dapat inasahan na kilala na ko ng


bawat isa sa inyo. Ako ang isa sa siyam na nakaupo sa trono ng vampire elders na hindi
ko na ipapaliwanag sa inyo dahil isang malaking kahihiyan na lang sa angkan niyo kung
hindi niyo pa rin alam iyon. Ako si Reina. At kaya ako nasa harap niyo dahil may
malaking pagbabagong magaganap ngayong taon na napagkasunduan namin. Sisimulan
ang unang taon niyo bilang estudyante sa pagtuturo kung paano mabuhay bilang isang
ganap na bampira. Kasama na doon ang survival skills, paghahasa ng abilidad ng isang
bampira at iba pa. Hindi kagaya ng mga nakaraang taon na hinuhuli pa iyon sa
curriculum. Ipinatupad na din ito sa iba pang mga paaralan kaya kung binabalak niyong
lumipat, wag na." Nagkunwang umubo ang bagong dating na bampira. Kumunot ang noo
lalo ni Reina. Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante.

"Chloe," tawag ni Tristan sabay akbay dito kaya napausog ng kaunti si Millie, "Yung
Margeau ba na pinag-uusapan niyo kanina ay yung Margeau na lumapit sakin?" tanong
niya na pabulong, nanonood lamang kay Reina. Tinanggal ni Chloe ang kamay nito sa
pagkakaakbay sa kanya.

"Oo. Bakit?"

"Mabuti pang huwag kang magpainit sa mata niya." Tinaasan siya ng kilay ni Chloe.

"At sino ka para magdesisyon niyan?"

"Diba sabi ko sayo, poprotektahan kita simula ngayon. Mahirap gawin yun kung magiging
kaaway mo ang babaeng yun."

"Bahala ka," lumayo si Chloe sa grupo at sumiksik sa mas malapit pa sa plataporma.


Gusto niyang magfocus sa inaanunsyo. Ang bagong dating na lalaki na ang may hawak ng
mikropono.

"Ako nga pala si Henry Vector. Pinuno ng angkang Vector at miyembro ng siyam na
elders," pagmamalaki nitong pagpapakilala. Naalala ni Chloe si Jonathan sa lalaki at ang
likas na kayabangan nito, "May mga magaganap na pagbabago sa lipunan natin, yun ang
nais sabihin ng kaibigan kong si Reina, at gusto naming maging handa kayo. Hindi tayo
mga tao. Mga mandirigma tayo. Predators. Noong unang panahon pa lang, ganun na.
Hindi kailangang magbago dahil wala na ang mga werewolves at mga tao." Hindi
maikakaila ni Chloe na kahit mayabang ito, may maipagmamalaki din siyang charisma,
gaya na lang ni Jonathan.

Napapiyok si Chloe ng may humawak sa puwitan niya. Nilingon niya ito at pinigilan ng
batang bampira matawa. Kanina, naalala niyang isa ang lalaki sa umaaligid sa imortal
niyang kaaway.

"Aba't-"

"Shh," pinigil ni Chloe ang dwendeng kaibigan at nagpatuloy sa pakikinig.

"Pero Chloe!"

"Hayaan mo na. Karmahin na lang sana siya."


"Ano ka, tao para maniwala sa karma?" Napangisi siya. Sana nga naging tao na lang si
Chloe.

"Meron kayong tatlong bagay na dapat tandaan simula ngayon.

Una, magmamay-ari ang bawat isa sa inyo ng singsing. Ito ang magsisilbing susi o
imbitasyon niyo dito sa Academy. Pagmawala niyo yun, papatalsikin kayo at hindi na
makakabalik pa. Hindi niyo gugustuhin yun, maniwala kayo.

Pangalawa, bawal at inuulit ko, BAWAL magpasok ng dugo sa Academy, lalo na ang
artificial blood, at kahit anong hayop. Tuwing free period niyo, manghuhuli kayo ng
hayop na kakainin."

Madaming umangal na estudyante. Parang may nagbago kay Henry at biglang nagtigil
ang lahat sa hindi malamang kadahilanan. Uminit ang katawan ni Chloe. Sa takot? Wala
ni isang makagalaw. Nang ngumiti si Henry ay natigil na ito na parang isang salamangka.
Napansin ni Chloe na hinimatay na si Millie sa balikat niya at agad na hinanap si Ariel.

"Simula siguro nung ipanganak kayo, nasanay kayong hinahain ang dugo para sa inyo.
Hindi na ngayon. Merong isang seksyon sa Academy kung saan maaari kayong manghuli.
Malalaman niyo din yun. Ibig sabihin din nito, sa isang araw, dalawang beses lang kayo
pwedeng dumaan sa lagusan ng Academy at gamitin ang singsing."

Napansin ni Zachary ang pagkabalisa ni Chloe sa pakikipag-usap kay Ariel at tumayo ito
para palihim na umalis.

"At ang ikatlo, sa ikauna niyong taon ay pagpapares-paresen kayo. Buddy system kung
tawagin. Ang buhay ng magiging partner niyo sa loob ng Academy ay buhay niyo din. Ibig
sabihin nun, kargo at responsibilidad niyo ang isa't isa. Kung halimbawang hindi na
makakapasok si Person A sa kung anumang dahilan, hindi na rin makakapasok at makaka-
advance sa second year si Person B. Kung hindi din naman makakapag-advance si Person
B dahil bagsak ang mga grado niya, madadamay si Person A. Maganda din to dahil alam
naman nating lahat na hindi kargo ng paaralan ang mga buhay niyo. Maraming
pumapasok dito na hindi na nakakalabas."

Wala nang nagtangkang bumulong pa ng mga angal nila sa takot sa naganap kanina.

"Ngayon, hahayaan ko na si Miss Taylor, ang dean, na nagpatuloy," tumayo ang isa pang
babae para kuhain ang mikropono kay Henry at nagpasalamat dito. Tumabi si Henry kay
Reina.

"Looks like your girl's missing," bulong ni Henry kay Reina na hindi umimik.
"Hindi tayo pwedeng pumuntang clinic dahil si Dr. Zachary ay nasa platform! Hindi nila
ihihinto ang event dahil lang sa isang, isang dwende!" Pilit pinaliwanag ni Chloe kay Ariel
habang papalabas ng Academy, "Bakit wala pa si Adolfo?!"

"Kumalma ka lang, Chloe. Siguradong pagbalik sa Neilson Manor, mabibigyan ni


Delphine si Millie ng remedya."

"Sana nga.."

Hindi nila napansin ang isang aninong papalapit sa kanila, "Tignan mo nga naman kung
sinong nandito."

"Tristan Helix," anunsyo ni Taylor ng mga magkakapartner sa buddy system. Imbes na


makinig ay hinahanap ni Tristan sa mga estudyante ang mga kasama, "At Joshua Connor.

Chloe Ashbourne.. Kay Margeau Vector."

Chapter 8

"Tignan mo nga naman kung sinong nandito."

Lumingon pareha si Ariel at Chloe. Andito din ang lalaking nanghawak ng likod niya
kanina at may kasama pa itong tatlong bampira.

"Ang ganda mo naman, miss. Anong apelyido mo?" tanong pa ng isa.

"Huwag kayong umatras. Gusto kang naman naming makipagkaibigan. Bakit kasi kayo
umalis sa Assembly? Buti na lang napansin nitong si Mark." Nagtawanan ang apat.

"May importante kaming gagawin. Mabuti pa't.. bumalik na kayo," pagmamatapang ni


Chloe.

"Whoa. Hindi lang maganda, matapang pa!" Nagtawanan na naman sila at high-five pa.
Naglaho bigla si Mark. Biglang may nangyakap kay Chloe sa likuran. Pinalo ni Ariel si
Mark ng bato sa ulo kaya nabitawan si Chloe.

"Aba, eto ang gusto niyo ha," pagbabanta ni Mark na sinundan ng mga kaibigan niya.
Susuntukin sana niya sa mukha si Chloe pero may pumigil dito. Nangasim ang mukha ni
Chloe sa naamoy na matapang. Nakatayo sa harapan niya si Zachary na hawak ang
kamay ni Mark. Inikot ng doktor ang braso nito na astang babaliin.
"Kung ako sa inyo, tatakbo na ko," sabi ni Zachary sa tatlo pa. Tatakbo na sana sila ng
humarang sa daan si Tristan. Sinuntok niya ang isa sa mukha na ikinatumba nito sa
lapag at inangilan ang dalawa pa na mabilis kumaripas paalis, "Ayos ka lang?" tanong ni
Zachary kay Chloe, hawak hawak ang balikat nito.

"O-oo. Pero ang kaibigan ko," ipinakita niya ang mga palad kung nasaan si Millie.

***

Binabantayan ni Chloe si Millie sa pagkakatulog nito sa unan ng abutan siya ni Zachary


ng tasa.

"Kape?" alok ng doktor.

"Salamat," kinuha niya ang tasa pero inilapag lang sa lamesa.

"Pahinga lang ang kailangan niya. Masyadong malakas ang ginamit ni Henry na-"
natigilan siya ng makita ang kamay ni Chloe na mas namutla pa sa higpit ng pagkakasara
niya.

"Wala siyang konsiderasyon." Hinawakan siya sa kamay ni Zachary. Kahit pa malamig ito
ay may kung anumang kuryenteng dumaloy mula sa doktor papunta sa kanya.

"Sabi nila, ang mga pureblood daw ay mainit pero syempre, hindi din yun totoo. Ang
ganda mo sa dress na yan. Kaya pala lahat ng naroon ay nakuha mo ang atensyon," Tila
naparalisa siya at hindi makakilos, ni makasalita pero dahil ito sa angking kagandahan ni
Zachary, hindi lang sa panlabas na kaanyuan. Bumukas ang pinto at hinila ni Chloe
kaagad ang kamay niya sa doktor.

"Chloe, narinig mo na ba?" Si Tristan iyon. Napansin niya ang ilangan sa dalawa at
tumabi kay Chloe habang ang doktor naman ay napabitaw sa dalaga.

"Ang alin?"

"Si Margeau Vector na kapatid ng pinakabatang elder ang magiging partner mo buong
taon."

"Teka ano? Partner saan?" naguguluhan nitong tanong.

"Chloe," singit ni Zachary, "Susi mo." Hinawakan niyang muli si Chloe para isuot ang
isang itim na singsing dito. May nakaengrave na mga sapphire stones sa gilid nito. Malaki
ito nung una pero nung suotin niya ay kusa itong nag-adjust para magkasya sa dalaga.
Napasimangot naman ang lalaking pureblood sa nasasaksihan. Bumalik ang doktor sa
pagtingin sa dwende.

Ipinaliwanag na din ni Tristan kay Chloe ang mga nakaligtaan niyang anunsyo ni Henry.

"Ano?!"

"Mapaglaro ang tadhana," umiling si Tristan.

"Kapatid si Margeau ng isang elder.." inulit ni Chloe na hindi pa rin makapaniwala, "At
papatayin niya ko. Sigurado yun. Lalo na't partner ko pa siya? Marami siyang
pagkakataon!"

"Hindi ko hahayaan yun. Isa pa, mapapahamak din siya pag may nangyari sayo."

"Sa tingin mo, mapipigilan ng mga batas ng isang paaralan ang royal blood na gaya ni
Margeau?" Mahinang komento ni Millie na nagising na.

"Millie!"

"Chill, dude. Buhay pa ang makulit na dwende." Tumawa ng mahina si Chloe.

"Sa tingin ko naman hindi iyon gagawin ni Margeau," dugtong naman ni Zachary,
"Mahalaga pa din ang makapagtapos sa Lochan Academy, lalo na't siya ang susunod kay
Henry na tagapagmana ng Vector clan. Kung hindi siya makakapagtapos, mawawala ang
kwalipikasyon niya."

"Paano kung biglang mag-anak si Henry?" Pabalang na tanong ni Tristan na para bang
may hinanakit dito.

"Mauuna pa din si Margeau sa linya. Alam mo dapat yun, hindi ba?" Lumihis ng tingin
ang binata, "Ngunit ibang usapan na kung si Henry mismo ang mag-uutos kay Margeau."
Napalunok ng malalim si Chloe, "Pero huwag kang mag-alala, Chloe. Kung gusto kang
ipapatay ng isang elder, lalo na si Henry, wala ka na dito ngayon."

"Wow, doc. Thank you!" sarkastikong sabi naman ni Millie.

***

Dumating na sa klase si Chloe at Tristan. Nasa isang malaking kwarto sila na walang
upuan at pinto, at mataas ang kisame. Ang pinto lang na pinagpasukan nila ang tanging
daan palabas. Nagtinginan sa kanila ang iba pang estudyante at may lumapit na maliit na
lalaki.
"Yo," bati nito, "Joshua Connor, pare, partner mo." Inalok niya ang kamay niya.
Napatingin naman si Chloe kay Margeau na inirapan lang siya.

"Hindi lang ikaw ang hindi masaya," bulong niya. Tumawa si Tristan at inakbayan siya.

"Eto naman si Chloe, kaibigan ko."

"Nice. Hi, Chloe!" Biglang namatay ang mga ilaw. Naging gabay lang nila ang
umaalingawngaw na anunsyo sa speaker.

"Welcome, children! And for your first lesson, senses! I won't elaborate but expect for more
of these in the near future, that is, if you survive. Gihihihi! I do hope I get to meet many of
you. Good luck! You 'll need it. Gihihihi!"

Biglang may nagsisigawan na lang. Mabilis ang daloy ng dugo ni Chloe sa kaba. May
sumigaw na naman. Pinilit niyang makakita. Nang nakaadjust na ang mata niya ay may
isang maliit na bagay na papalipad sa kanya.

"Tiyanak!" sigaw ni Joshua. Bago pa maatake ng tiyanak si Chloe ay humarang sa harapan


niya si Tristan at sinunggaban ito tsaka tinapakan ng malakas. Tumalsik ang itim na dugo
sa paligid ng rubber shoes nito.

"Salamat.." mahina niyang sabi at tinanguan lang siya ni Tristan bago bumalik sa
pagdedepensa. Sinubukan din niyang manghuli ngunit tanging nakamit lang niya ay mga
galos sa binti at braso. Masyadong mabibilis ang kalaban. Nakita niya na maganda ang
koordinasyon ni Joshua at Tristan. Nagsimula na din siyang hanapin si Margeau.

Pero royal blood naman siya. Kaya na niya ang sarili niya.

May tumalon sa likod ni Chloe na tiyanak at kumapit sa ulo niya. Agad niya itong hinila at
ibinato sa malayo.

"Ahh!"

"Margeau?!" Nakuha pa nitong titigan siya ng masama kahit may tiyanak na nakakapit sa
leeg niya. Inihagis ni Margeau ang tiyanak sa ere at tsaka inabangan ito. Masyadong
mabilis ang pangyayari. Nang mapunta ito sa lapag ay nangalahati na ito.

"Salamat, partner," nilampasan siya nito.


Chapter 9

"Para sa susunod niyong aralin, magiging diskurso ang pagmamanipula ng mga paniki.
Pwede niyo itong gawing mensahero o mga mata. Sa mga susunod nating mga tagpo ay
magkakaroon na ng field work. Isa rin sa lilinawin ko sa inyo, kung sakaling hindi niyo
pa alam, ay hindi tayo nakakapagtransform bilang paniki. Ginagamitan lang ito ng bilis at
talino na tinatawag na Vanishing Effect kaya inaakala ng mga tao noon ay kaya natin
itong gawin pero ang totoo ay nagtatago lamang tayo at ang paniki ay distraction lamang.
Inuulit ko, mas pag-uusapan natin yan sa susunod na araw," paliwanag ni David, isa sa
kanilang mga guro.

Natapos na ang klase at handa ng umuwi si Chloe dahil sa pagod.

"Gusto mo bang sumabay sa amin ni Adolfo?" alok ni Tristan.

"Hindi na siguro. Susubukan ko na gamitin tong susi."

"Tsaka ang sungit sungit nun eh!" dagdag pa ni Millie na masigla na uli. Humarang sa
daan nila si Margeau.

"Oo nga pala, Chloe, what can the elf do? I mean, nakita mo naman ang mga manananggal
ko." Inangilan siya ni Millie at tumawa lang siya, "O hi.ndi kaya baka ikaw ang mahina.
Kasi iyang bubwit lang na yan ang kaya mong pasunurin?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo rin alam? Bilang partner mo na concerned sayo, I suggest that you run away
now while you still can," ngumisi siya.

"Tama na yan." Pumagitna si Tristan.

"There's something about you," ani ni Margeau na nag-iisip, "Gusto mong sumama sa
Neilson Manor? Tara."

"Uhm." Bago pa siya makaangal ay nahaltak na ni Margeau ang collar ng shirt niya.
Pinanood silang umalis nila Chloe at Millie.

"Gustong gusto din naman.." bulong ni Chloe sa sarili.

"Uuuy. Nagseselos ka ba?" asar ng dwende.


"Hindi no. Nakakatawa lang kasi. Bagay sila." Lumabas na ng paaralan ang magkaibigan
at lumapit sa tubigan. Hinaplos ni Chloe ang hawak na singsing na suot, "Handa ka na
ba?"

"Kanina pa!" Akmang tatalon si Chloe ng biglang,

"Chloe! Sandali!"

"Dr. Pierce!" bati ni Millie. Napachuckle ang doktor.

"Hindi makakatawid sa lagusan basta-basta ang munti nating kaibigan. Lalamunin lang
siya nito sa kawalan."

"Talaga?" kinumpirma ni Chloe.

"Oo. Wala kasi siyang susi. Para sa ganung kaso, pwede lang siyang tumawid kung
konsorte mo siya."

"Oo, konsorte ko si Milie."

"Hindi yun ganun kasimple, Chloe. Tinignan ko ang katawan niya at-" napa-gasp si Millie,
"Wag kang mag-alala. Isa akong propesyunal."

"Nagbibiro lang po, doc." Tumawa muli si Zachary.

"Alam kong hindi pa siya umiinom ng dugo mula sayo."

Nagtinginan si Chloe at Millie.

"Hindi pa nga. Anong problema?"

"Ituturo pa lang sana sa inyo ito pero sasabihin ko na, karamihan kasi ng pureblood ay
ginagawang pambayad sa mga konsorte nila ang dugo nila. Nakakaadik kasi ang dugo
natin para sa ibang mga lahi. Kaya din dito kaya nagiging tapat sila sa pinagsisilbihan
nila. May bond kumbaga. Kaya kadalasan, kapag mas malakas ang bampira, mas
madaming konsorte dahil kaya niyang kontrolin ito. Pag inoverestimate mo ang sarili mo,
baka makain ka lang ng wala sa oras."
"Kaya pala si Margeau.." pagmumuni ni Chloe.

"Isang bampira? Makakain? Woah."

"Oo. Ganun talaga. May mga tao nga noon na sobrang naadik ng makatikim ng dugo ng
bampira kaya.. nalayo na ko. Kaya para sa mga konsorte na gustong dumaan sa lagusan,
dapat nakainom na siya ng dugo para masigurong may patnubay ito ng master niya."

"Ew. No offense, Chloe, pero ayokong uminom ng dugo mo! Ano ako, bampira?"

"Eh anong gagawin natin?"

Nagchuckle muli ang doktor.

"May hinanda na ko para dyan. Pero eksperimento pa lang to," inabutan niya ng isang
vial ng kristal na likido si Chloe, "Painom mo sa kanya yan tuwing dadaan kayo para
malinlang ang tubig," ngumiti siya at tumingin naman kay Millie, "Lasang asukal yan."

"Yey!" Natawa ang dalawang bampira.

"Edi mauuna na kami, doc. Salamat dito."

"Walang anuman." Nagtitigan pa sila ng matagal.

"Pag bumalik kami dito, wala na yung nga white ladies diba?" biro ni Chloe.

"Wala na. May susi kayo." Tumango si Chloe at parang ayaw pang umalis. Pero tumalon
na din siya sa tubig at pagdilat ng mata niya ay nasa tapat na uli siya ng Neilson Manor
kasama si Millie.

Pagkabalik nila ng kwarto ay andun na si Ariel na pagod na din at nakahiga. Tumalon si


Millie sa kama at tumungo sa mga gamit ni Chloe para ilabas ang isang bote ng wine.

"Time to celebrate!!"

"Umm, pano mo napuslit yan?"

"Umm, dwende ako, diba? Tara! Ariel, gising!"


"Hindi ata magandang ideya yan. Magpapahinga na lang ako," humiga si Chloe ng kama.

***

Lumabas ng Neilson Manor si Tristan na walang ekspresyon sa mukha. Papaalis na sana


siya ng marinig ang malakas na hiyawan ng mga babae. Papalabas din ng manor ay si
Ariel at Chloe, kasama si Millie na nasa balikat ni Ariel. Pinanood lang sila ng
nagtatakang Tristan.

"Sinasabi ko sayo, Chloe, type ka nun! Hahahahaha!" Nagtawanan ng malakas si Ariel at


Millie.

"Type? Mabait lang type na ko? Wow! Ibig sabihin type din ako ni Tristan? Tsaka ni
Jonathan? Imposible yuuun!" Sininhok bigla si Chloe at napagtanto na ni Tristan ang
problema, "Shhhh! Baka marinig kayo ni Wilson! Tsaka ni Delphine! Tsaka ni! Ni! Ni-"

"Margeauuuuuu! Hahahahaha!" Sabay na sabi at naghalakhakan si Millie at Ariel.

"Hay kaibigan. Babalik na ko sa kwarto."

"Ako din!" At naiwan na si Chloe sa labas ng mansyon. Umupo siya sa daanan. Nilapitan
siya ni Tristan at tinabihan.

"Maswerte ka at pagod silang lahat para tumayo at pagsabihan ka pa." Pumikit si Chloe at
isinandal ang ulo sa balikat ng binata na ikinabigla niya.

"Ang bango mo talaga. Bakiiiit?" Itinaas muli ni Chloe ang ulo para tignan siya sa mata,
asul ito na kaanyo ng buwan, nakabibighani kung tignan. Unti-unti ng naglalapit ang mga
mukha nila, parang baligtad na mukha ng magnet, hindi makokontrol ang atraksyon, ng
tumayo si Tristan. May tumulong dugo sa bibig niya pero hindi ito napansin ng dalaga.

"Mauuna na ko." Sa isang iglap, naglaho siya.

Chapter 10

Nasa isang laboratoryo si Tristan, na nakahiga sa isang maliit na kama. May mga
nakakabit sa kanyang instrumento ng siyensa at namumutla siya. Bumukas ang pinto at
pumasok si Zachary na may hawak na memo. Tinanggal niya ang salamin niya at isinabit
sa bulsa ng labgown na suot niya.

"Ayos ka na. Sa loob ng 5 minuto papakawalan na kita." Mahinang tumango ang mas
nakababata, "Alam mong hindi pwedeng mahulog ang loob mo sa kanya, diba?" Walang
emosyon nitong paalala. Tinitgan siya ng masama ni Tristan at naging dilaw ang mga
mata niya.

"Oo."

"Mabuti. Akala ko nakaligtaan mo na ang misyon natin. You swore fealty to the cause.
Kaya wag kang magpabigat."

"Alam ko ang ginagawa ko." Hinaltak ni Tristan ang mga nakakabit na kable sa kanya,
may lumabas na kaunting dugo sa pinaghugutan niya sa balat niya, at tumagilid ng upo
sa kama kaya ang mga binti niya ay nakaabot sa lapag. "Baka ikaw ang pabigat. Bakit mo
nga ba kami tinutulungan? Anong makukuha mo, bampira?"

Pinanood niya si Zachary tumalikod sa kanya at pumunta sa pridyider para kumuha ng


bag ng dugo at isinalin ito sa baso.

"Paghihiganti. Bantayan mo si Chloe Ashbourne. At siguraduhin mong gagawin niya ang


nakatakda."

***

"Wahhh!" Nagising si Chloe sa pagkakahimbing sa kama niya. Si Millie na nasa dibdib


niya ay nalaglag sa lap niya at si Ariel din ay nagising.

"Anong problema mo, babae?!" sigaw ni Ariel sa kanya sabay higa uli at talukbong ng
kumot.

"Sabihin mong panaginip lang yun! Panaginip lang yun, diba?!" tanong ni Chloe kay
Millie na antok pa din.

"Anoooo?"

"Errr. Ang sakit ng ulo ko. Pero ang naaalala ko. Parang naaalala ko na naglalapit ang..
mukha namin.. ni Tristan.." napaupo muli si Ariel, "Pero hindi. Panaginip lang ata yun.
Okay! Almusal na!"

***

Naimbitahan muli si Chloe sa mansyon ng mga Monroe. Sumama si Millie sa kanya dahil
gusto niyang bumisita muna sa punso nila at humingi siya ng pabor kay Jonathan para
ipahatid siya.

"Wala ang papa mo?" pagbukas ni Chloe ng pag-uusapan habang naglalakad sila sa
hardin ng mansyon. Ayaw na ayaw ni Jonathan sa parteng ito ng mansyon nila dahil sa
sensitibong pang-amoy ng mga bampira pero gusto pa din ni Chloe na manatili dito.
"Umalis. Nakikipagpulitika na naman. Kamusta pala sa Academy?"

"Wag na nating pag-usapan."

"Hmm.. may nagpakita na ba ng interes sa mapapangasawa ko?"

Tumawa siya ng mahina, "Asa pa ko."

"Alam mo, wala akong tiwala sa mga ituturo nila sayo. Dapat siguro magkaroon tayo ng
one-on-one session. O diba? Makakapagbonding pa tayo at malay mo, mapaibig mo pa
ko." Pinalo siya sa braso ni Chloe "Pero pwera biro. Gusto kitang itrain ng personal. Ayos
ba? Wag kang tatanggi! Masasaktan ako."

"Baka naman gusto mo lang akong tsansingan, kamahalan."

"Wag kang pakasisiguro. Nakatikim na ko ng mas masarap pa," kumindat siya.

"Ang gwapo mo kasi talaga eh no. Pero siguro tama ka. Alam mo ba na partner ko si
Margeau Vector?"

"Si Margeau? Kapatid ni Henry?" May bahid ng pagkagulat sa tono niya.

"Oo. Bakit?" Napawi din ang alala niya at ngumisi siya.

"Wala naman. Nagkataon lang naman kasing ex ko siya at kaaway ako ng kuya niya.
Mapaglarong sadya ang pagkakataon."

"Ex mo?" Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ang braso ni Jonathan para pigilan din
niya. Humarap sa kanya ang royal, "Jon, sinu-sino na nga ba ang nakakaalam ng
paparating nating kasal? At itutuloy pa ba natin? Mukha namang walang epekto sa ama
mo."

Ngumiti na naman si Jonathan ng may yabang at hinawakan parehas ng balikat niya.

"Maniwala ka, apektado yun. Sigurado ako dahil sa mas napapadalas niyang pag-alis ng
bahay. Siguro nababahala siya dahil baka agawin ko na ang pwesto niya lalo na't
magiging asawa na kita." Bumitaw siya dito at umabot sa likod niya na ikingulat ng
dalaga. Kumuha si Jonathan ng pulang rosas at inilagay ito sa tainga niya, "Tara?"
"Bakit ka nga ba galit sa kanya? Ako siguro, may dahilan, pero ikaw? Ama mo pa din
siya."

"Sasabihin ko sayo," inilapit ni Jonathan ang makisig niyang mukha sa mas maliit na
dalaga. Namula ito, "Kapalit ng matamis mong halik." Nagising si Chloe at tinulak siya sa
dibdib at mabilis na naglakad palayo papunta sa direksyong tatahakin nila kanina.

"Bakit ba lahat na lang kayo misteryoso?" Natawa ang binata at mabagal na sumunod sa
kanya, "Tara na't magsasanay pa tayo!"

***

1972. Mexico.

Nakagapos ang mga kamay at paa ng may mahabang buhok na si Zachary ng makakapal
na kadena na nakapormang parang si Hesus nung ipinako siya sa krus. Tanging punit-punit
na pambaba lang ang suot niya at puro sugat pa ang buong katawan niya. Binuksan ang
kulungan niya ng isang nakamaskarang lalaki na may malaking katawan at pumasok ang
isang elder na nakasuot ng kulay tsokolateng yukata.

"A turned vampire had turned against his kind for one mere bitch. How high has the mighty
Dr. Zachary Pierce has fallen?" bungad nito. Pinilit itaas ni Zachary ang ulo para titigan
siya.

"Halo, I still won't tell you anything.." utal nito sabay ubo ng dugo, "Marissa has escaped.
And you can't do a thing about it!"

"Tsk tsk tsk. Marissa can run on all fours and we still won't give a damn. It's your lucky day,
Zachary." Sinenyasan ni Halo ang may malaking katawan para pakawalan ang doktor. Sa
sobrang hina nito ay napaluhod na lang siya, "We need your expertise to treat one of ours.
Reina is.. conflicted with an unknown disease. In exchange, we'll pardon you and your
werewolf lover."

Nagulat si Zachary, "A vampire- an elder even.. is sick? How is that possible?!"

"We were hoping you could tell us," iniabot ni Halo sa doktor ang kamay niya ng may
malisyosong ngiti.

Nagamot ni Zachary si Reina ngunit kinailangan pa nitong mamahinga ng panandalian.


Papalbas na sana siya ng kastilyo ng mga elders. Nakikita na niya ang liwanag ng buwan.
Sigurado siyang nakatingin din si Marissa sa buwan na iyon. Pagkalabas na pagkalabas
niya ay hahanapin niya ang pinakamamahal niya at ibibigay ang magandang balita.

Nagulat na lamang siya ng dala ng mga kawal na bampira at ni Monica si Marissa. Duguan
ito sa pakikipaglaban. Bukod sa madami ang nanghuhuli sa kanya ay isa pa dito ay
vampire elder. May umakbay kay Zachary.

"Nice work, Monica!" hiyaw ni Halo.

"Shut up. I couldn't let our incompetent soldiers handle this business anymore. The
werewolves are supposed to be extinct!" Nginisian lang siya ni Halo na nakaakbay pa din
kay Zachary, "Put the dog in a cage where she belongs."

"Zachary.."

"No!" sigaw ni Zachary at kumawala kay Halo, "We had a deal! You were supposed to let us
be!"

Tumaas ang kilay ni Monica at humalakhak naman si Halo na nakahawak pa sa tiyan,


"Noooo~ I said we would forgive you. We have. The others weren't so lucky. They were
tortured before dying." Lumapit siya sa taong lobo, "But you, dear, won't have to experience
any pain," bulong niya kay Marissa bago niya ito balian ng leeg.

Chapter 10.1

Pabalik na ng Neilson Manor si Chloe at Millie ng harangin sila ng grupo ng mga bampira
na may kung anu-anong dalang instrumento para sa pagkuha ng panayam sa dalaga.
Nakatapat ang kamera sa babaeng naka-asul na blusa at palda na tumabi kay Chloe, at
may hawak na mikropono.

"Heto na nga siya, mga kapatid, si Miss Chloe na natitira sa angkang Ashbourne!"
Napapikit ang dalaga mula sa ilaw na itinapat sa kanila dahil malalim na ang gabi. "Kung
maaalala niyo ay naparusahan ang pamilyang ito dahil sa pagkampi nila sa mga tao
noong giyera. Miss Chloe, ano pong masasabi niyo rito?" inkwira ng babae sa naiinis ng
pureblood.

"No comment! Mga echosera!" tugon ni Millie habang pinipilit ni Chloe makasiksik sa
nakapaligid sa kanya pabalik ng manor.

"Heto po ba ang konsorte niyo? Isang dwende para sa isang Ashbourne? Tama nga ang sabi
nila tungkol sa iyo, Miss Chloe," dagdag pa ng babae.

Dito napalingon ang dalaga na nanlilisik ang mata, nakataas ang isang kilay, ubos na ang
pasensya sa paghahalungkat sa nakaraan niya, "Ano naman ho ang sabi nila tungkol sa
akin?"
"Please, Miss Chloe, Shezarine na lang," alok nito na labas ang mala-perlas na mga ipin.

"Hindi ba sinabi ko ng hindi ako magpapa-interview?"

"Oo nga, p-pero! Nakarating sa amin ang balita ukol sa nalalapit niyong kasal sa royal na
si Jonathan Monroe kaya napasugod kami kaagad! At least tell us about that! Bukod doon,
sa pagbubukas ng panibagong taon sa tanyag na Lochan Academy, mayroong bagong
panuntunan kung saan pinagpapares ang mga estudyante," hinawakan niya ang malamig
na braso ng dalaga na pilit silang tinatakasan, "Anong masasabi mo sa iyong partner na
nakababatang kapatid ni Henry Vector?"

"Margeau," dagdag ng bagong sali. Nilingon nila si Margeau na nakapamaywang sa entrada


ng manor, "Ang pangalan ko ay Margeau. Hindi 'nakababatang kapatid ni Henry',"
mataray nitong paglilinaw.

Sa paglabas ng royal ay nakuha niya ang atensyon ng media at iniwan na ng mga ito si
Chloe na manghang nanonood sa mahinahong pagtanggap ng partner sa mga tanong na
ibinabato dito.

"Isa ang inyong pamilya sa bumoto para sa asasinasyon ng angkang Ashbourne-"


panimula ni Shezarine ng putulin siya ni Margeau sa pamamagitan ng pagtaas ng kanang
kamay nito.

"Ang nakaraan ay nakalipas na. Maaaring iba ang naging paniniwala ng mga magulang
namin ngunit kami ni Kuya Henry ay naniniwala sa pangalawang pagkakataon. My
partner deserves it as much as anyone else," sa pagbanggit sa dalaga ay nalipat ang tingin
dito ng royal, isang pilyang ngiti ang nakapaskil sa labi nito.

Sa isang iglap ay nasa likod na ni Chloe si Margeau na banayad na hinipan ang batok
niya, dahilan para magtayuan ang mga buhok niya rito. "A-ano ba.." bulong niya sa royal
na tumatawang naglalakad palayo. Nagmamadaling hinabol naman siya ng press. "Wala
talagang magawa ang babaeng yun," komento niya sa kasama pero walang natanggap na
sagot. "Millie?"

Nawala na ang kaibigan sa balikat niya. Nawala na rin ang mga namemesteng
tagapagbalita sa kanya na sumunod sa partner niya, ang partner niya na nanggaling sa
likuran niya kanina.

"Margeau!"

***

Mula kay Delphine ay nalaman ni Chloe ang kinaroroonan ni Margeau, sa isang studio
kung saan siya ay kinuhang guest para sa pang-umaga nilang palabas. Nang marating
niya ang hindi lang dalawampung palapag na gusali ay papalabas na ang araw.

Iilan na lamang ang nasa loob, kabilang dito ang security guard at receptionist na
nakangiting bumati sa kanya. "Sa 13th floor, ma'am," instruksyon ng babaeng bampira na
siyang kinalito ni Chloe.

Sinilip niya ang elevator na nakasara at nakahinto sa palapag na iyon. Wala ring may
balak pumasok dito. Minabuti niyang gamitin ang hagdaan paakyat. Wala pang isang
minuto ay narating na niya ang ika-labintatlong palapag.

Binaybay niya ang diretsong hallway na may puting wallpaper at ceiling. Bumabalik sa
kanya ang tunog ng kanyang heels na tumatama sa tiles hanggang sa ibang tunog na ang
bumati sa kanya, ang sunud-sunod na shutter ng kamera, boses ng lalaking pasigaw kung
mag-utos at iba pa.

"Chloe! Ang aking pinakamamahal," bumitiw si Jonathan sa pagkakayakap sa maliit na


baywang ni Margeau para lapitan siya. Kakatapos lang ng pictorial ng dalawa para sa
isang magasin. Pagkalapit ay humalik ito sa pisngi ng dalaga na may kasamang hawak sa
balikat nito.

"Ang tagal mo naman atang dumating," nilagpasan ni Chloe ng tingin ang fiance sa
nakapulang long gown na partner. Hawak nito ang isang kulungan ng ibon na
pinuluputan ng ribbon, pero sa halip ay si Millie ang nasa loob.

"Ganun ka ba kasabik sa kung ano man iyang balak mong masama?" pabalang niyang
sagot ng hindi nagbabago ang mukha. Napangisi ang dating magkarelasyon dito.

"Please, Chloe. Hindi ka ganoon kahalaga para pag-aksayahan ko ng panahon." Iniabot


niya ang kulungan sa partner at pinanood itong parang magulang sa pag-iingat sa
dwende.

"Huwag mo siyang sisihin, giliw," suyo ni Jonathan na pasimpleng niyakap ang baiwang
ng dating nobya. Wala man siyang gusto dito sa aspetong romantiko, hindi maiwasan ni
Chloe ang pagka-asiwa. "Hawak kasi ng angkang Vector ang industriya ng telebisyon.
Dahil dito ay nakokontrol nila ang pumapasok sa kaalaman at isip ng mga nasasakupan
nila."

Nalipat ang matalim na titig ni Chloe kay Margeau, na parang pinapangalandakan ang
saklaw ng kontrol nito. Hindi man sabihin sa kanya ay alam niya na banta ito ng linya na
hindi niya dapat lagpasan.

"Chloe," lambing ni Jonathan na hinimas ang pisngi niya, "Naisip ko kasi na gumawa ng
dokyumentaryo tungkol sayo, sa pagtatagpo nating dalawa at saan iyon humantong.
Dapat malaman ng mundo ang pag-iisang dibdib ng pinakagwapong royalty at ang
natitirang pureblood na may pusong tao," natawa ito sa sariling pahayag, bago
magnakaw ng halik sa parte ng mukha ni Chloe na hinawakan niya at tumakbo papalayo
dito.

Binato naman siya ng dalaga ng pinakamalapit na bagay na nahagilap, ang kulungang


kanina'y kinalagyan ng kaibigan.

"Huwag kang magtitiwala sa mga iyan. Lalo na kay demonyitang Margeau!" galit na
hiyaw ni Millie na nagpataas ng kilay ng nasasakdal.

Malalim ang naging paghinga ng pureblood. "Alam mo, tama ka," tugon niya, "Pagod na
ako, Jon. Bakit kailangan kong makisama sa mga pinapagawa mo sa akin? Una sa lahat,
kuntento naman ako sa buhay ko kasama ng mga turned vampires. Pangalawa, sawa na
akong matakot na baka magkamali ng hakbang." Direkta ang tingin niya kay Margeau na
pinariringgan niya.

"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Jonathan.

"Huh. Ano ka ba, Jon. Ang ibig niyang sabihin ay hindi na tuloy ang kasal!" sarkastikong
usal ni Margeau. Umiling si Chloe bago sila talikuran at bumalik sa dati niyang buhay.

Chapter 10.2

Humahagulgol na nagpapaalam si Millie kay Ariel habang si Chloe naman ay nag-iimpake


ng gamit, desidido sa gagawing pagbalik sa mga magulang na kinagisnan niya.

"Sigurado ka na ba dito, Chloe?" usisa ni Ariel na iniiyakan ni Millie ang maigsing palda.

"Wala na kong magagawa," napaupo siya pabalik sa kama, "Kahit pa gustuhin ko na


manatili, nakapagsalita na ko sa harapan ng dalawang iyon. Ayaw ko namang isipin
nilang wala akong paninindigan."

"Hello?" sali ni Millie, "Hindi mo rin naman tinupad ang usapan niyo ni Papa Jon!"

"Anong usapan?" nagtatakang tanong ng kasama nila.

"Usapan? Wala iyon! Hindi ba, Millie?" pagtatakip ni Chloe.

"Ha? Oo nga! Gusto kasi ni Jonathan na hindi sinisira ang imahe niya. Alam mo naman
ang mga lalaki! Nandun pa naman si bruhang Margeau nun!"
Hinatid silang dalawa ni Ariel. Kasama na rin si Delphine at Wilson na pinagsilbihan ang
pureblood ng huling beses. "Nakakalungkot man pero kung iyan ang desisyon mo,
walang makakapigil sayo iha," sabi ng Madame bago yumakap sa kanya ng pamamaalam.
Tumango naman si Wilson sa kanilang dalawa.

Nagbigay rin ng huling salita si Ariel nang may dumating na karwahe lulan ang isang
binata na naka-Amerikana.

"May pagtitipon sa amin ngunit noong marinig ko ang balita, nagmadali agad ako,"
depensa ni Tristan habang si Chloe naman ay hindi maialis ang tingin sa kanya. Iba ang
taglay niyang dating kapag pormal na nahanap niya bilang kaaya-aya.

"Tristan! Tara na!" galak na anyaya ng dwende habang patakbo sa kanya.

"T-teka, Millie! May sasabihin ako!" pahabol ni Ariel na hindi rin kaila ang
nararamdaman sa binata. Pinilit ni Chloe na hindi pansinin ang tatlo para sagutin si
Delphine. Hindi rin nakakatulong na hindi maalis sa isip ang napanaginipan niya ukol sa
lalaking kaibigan.

"Chloe," tawag ni Tristan habang naglalakad papalapit sa kanila. "Maaari ba tayong


mag-usap?"

Sinilip ni Chloe si Millie na komportable na sa karwahe. Si Ariel naman ay naparalisa na


habang pinapanood sila. Ayaw sana niyang maiwan kasama ang binata dahil bukod sa
naiilang siya dito, alam niyang pipigilan rin siya nito.

"Sige mga bata, maiwan na namin kayo ha," paalam ni Delphine.

"Maraming salamat, Madame." Hinintay nilang mawala ang tunog ng yapak sa loob ng
Manor. Hiniling ni Chloe na mas tumagal pa ito.

"Chloe, malaki itong pagkakamali," panimula niya, "Alam mo ba ang bibitiwan mo sa


paglisan?"

"Oo," pabalang niyang nasabi, "Pero alam ko rin ang makakamtan ko dito, kalayaan.
Hayaan niyo na lang ako, Tris."

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo, Chloe?" madiin niyang tanong kasabay ng


paghawak sa mga braso ng dalaga. Nakakakita ng pangamba si Chloe sa mga mata niya at
nakokonsensya siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. "Kalayaan? Bibigyan mo
lang sila ng dahilan para tapusin ka! Isa itong kapangahasan! Ang tunay na kalayaan ay
nasa kapangyarihan!" Inagaw ni Chloe ang braso dahil sa diin ng pagkakahawak ni
Tristan at sinampal ito.

Para itong nabuhusan ng malamig na tubig at bumalik sa sarili. Napaatras siya ng


dalawang hakbang. Sa mata ni Chloe ay ang repleksyon ng buwan dahil namamasa ito.
Pareha silang nabalot ng pagsisisi. "Hindi mo kailangang ipaalala sakin, Tris."

"Patawad, Chloe." Ngunit huli na ang lahat at dala-dala ang maleta, bumalik ng manor si
ang tanging Ashbourne.

Chapter 11

Katatapos lang uli ng isa na namang nakakapagod na klase nila Chloe. Nasa isang madilim
na gubat siya, si Millie ay nasa balikat niya. Lahat ng senses niya ay aktibo. Nakarinig siya
ng paggalaw sa likod niya at agad tumalikod para depensahan ang sarili sa isang wolf.
Ngunit nasa teritoryo siya nito at mas mabilis ito kaya napailaliman siya ng lobo habang
siya ay pinipigil ang hayop na kagatin siya.

Kala niya ay huli na ang lahat pero nakita niya si Tristan sa na nakatayo sa paanan niya na
malungkot ang mukha. Pinatay ni Tristan ang lobo at tumulo ang dugo nito kay Chloe.

"Ew. Ang pait."

"Yan ang pagkain mo ngayon kaya sanayin mo na," iniabot ni Tristan ang kamay para
tulungan siyang tumayo ngunit hindi siya pinansin nito.

"Uhh, hello? Andito pa ako sa lapag o," tawag ni Millie. Kinuha siya ni Chloe. Umakyat na
sila pabalik sa lupa mula sa underground na gubat ng Lochan Academy.

"Buti hindi kayo lasing pumasok ngayon," biro ni Tristan at doon na tuluyang hiniling ni
Chloe na mabaon sa lupa. Kung ang nais ni Tristan ay pansinin siya ng dalaga,
matagumpay siya.

"Sino yang katext mo?" tanong ni Jonathan kay Chloe. Nasa limousine sila patungo sa mga
magulang niya habang hindi pa nakakabalik si Millie mula sa punso. Napangiti ng hindi
sadya si Chloe bago pindutin ang 'send' para kay Tristan at itago ang cellphone. Hindi
niya matitiis ang kaibigan lalo na't wala naman itong kasalanan.

"Wala." Hanggang ngayon ay hindi pa din niya mapaliwanag kung bakit nakakaramdam
siya ng atraksyon para kay Tristan samantalang bagong kilala pa lang nila at kahit may
itsura itong ipagmamalaki ay ganoon din naman si Jonathan, maging si Zachary.

Kung wala naman siguro si Millie, si Jonathan ang matatawag niyang best friend at alam
niyang hanggang doon lang yun. Naiintindihan din niyang kaibigan lang din ang turing
nito sa kanya lalo na't ng malaman niyang nakarelasyon nito noon si Margeau na
sobrang layo kay Chloe.

Ibang usapan naman ang mabuting doktor. Ang pinagkaiba kasi ni Tristan at Zachary ay
ang nauna ang laging humahanap ng paraan para mapalapit sa dalaga ngunit si Chloe
naman ang gumagawa ng dahilan para makita ang doktor. Parehas silang misteryoso
pero nais mapalapit ni Chloe sa kay Zachary ng emosyonal. Pisikal naman kay Tristan.

Pinagbuksan siya ng tagamaneho ng pinto pagkarating sa bahay niya dati. Sabay sila ni
Jonathan lumapit sa pinto pero siya ang pumindot ng doorbell. Kumatok din siya pero
walang sumasagot.

"Jonathan, maaari kang pumasok sa bahay namin," imbita niya para magawa ng binata
ang dapat at sinipa ang pinto papasok. Nasira ito. Ang bumungad sa kanila ay gulu-
gulong sala at may bahid pa ng dugo. Inamoy ito ni Chloe at napag-alaman na kay
Louis ito.

Nakakita din sila ng note na nakapaskil sa pridyider.

Chloe, nasa nakatataas na ang mga magulang mo. Huwag ka ng mangingialam. -Reina

Sinuntok ni Chloe ang pridyider na ikinasira nito, "Ang mga elders ang may pakana
nito.." sabi niya, "Jon, dalhin mo ko dun." Tumango lamang ang royal. Hinatid niya
pabalik ng Neilson Manor ang dalaga. Mula sa malayo ay hindi nila napansin ang
nagmamasid sa kanila.

Pagkaalis ng sasakyan ay lumapit si Tristan sa dalaga na wala sa sarili at ni hindi


naramdaman ang presensya niya. Hinawakan nito ang kamay ni Chloe na tsaka palang
siya napansin.

Nung tumingin si Chloe sa binata ay nabigla ito at naantig ang damdamin sa luha sa mga
mata nito. Hindi na napigilan ni Tristan na yakapin si Chloe, umaasang kahit papaano ay
maiibsan ang lungkot nito.

Walang salitang nagkaunawaan ang dalawa. Itinaas ni Chloe ang mga braso niya para
yakapin pabalik si Tristan at hinayaan ang sarili na sa ngayon lang ay maging emosyonal.
Mayroong kung ano ang binata na nagpaparamdam sa kanya na ligtas siya dito: sa
panghuhusga, sa mga mananakit sa kanya, at sa lahat ng kasamaan sa mundo.

Ipinaliwanag niya ang nangyari kay Tristan habang ipinupuslit ito paloob ng Manor.
Muntik pa nga silang mahuli ni Wilson, kung hindi lang naging mailap si Tristan.
Natutuwa ang binata sa panibagong anggulo na nasisilayan niya kay Chloe, na kaya
nitong maging mapusok at mapaglaro gaya ni Millie.
Ilang saglit lang ay nasa harap na sila ng pintuan ng kwarto nila ni Ariel. Nagpaalam ito
na mahuhuli sa pag-uwi dahil inaya ng mga kaibigan sa labas. Tumapang ang mukha ng
dalawa ng marinig ang pagkalabog sa loob ng kwarto.

"Dito ka lang," sabay nilang sabi at nagkangitian ngunit hindi pa din nagpatalo si Chloe at
nauna na ng hakbang. Pagpasok niya ay nahuli niya ang isang bampirang naka-takip ang
mukha ng scarf na nabigla din sa biglaang pagdating niya.

Umamba ito kay Chloe gamit ang isang patalim ngunit nahila siya kaagad ni Tristan at
napasandal dito. Ang misteryosong bampira naman ay nakatakas na. "Dito ka lang," utos
ni Tristan bago siya kindatan tsaka humabol sa bampira.

Pumasok naman si Chloe muli sa kwarto para tignan kung may naiwan ito o iniwan.
Wala namang kakaiba bukod na lang sa naiwan nitong mga bukas na drawers. Papalabas
na siya ng makasalubong si Margeau at bakas ang pagkabahala sa mukha nito.

Sabi na nga ba darating din sa puntong ito. Naisip ni Chloe sa paghihinalang may
kinalaman ang royal sa nangyari. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo, kamahalan?"

"Nanggaling ka ba sa aking silid?" inkwira nito na nauubos na ang pasensya.

"Ha?"

"Wala. Bakit nararamdaman ko ang presensya ni Tristan dito?"

"A-ano kasi.."

"Sumama ka sa akin," walang konsiderasyon na hinila ni Margeau ang dalaga hanggang


makarating ng ikatlong palapag.

"Sandali, Margeau!" Hinila ni Chloe ang braso mula dito. "Ano bang problema mo? Bakit
hindi mo na lang ako lubayan?" pasigaw na bintang niya.

"Gusto mong malaman? Halika! Sumama ka sakin!" Galit na nagmartsa palayo ito. Kahit
may pag-aalinlangan ay sumunod pa din si Chloe dito dahil binabagabag ang loob niya ng
mga nangyayari.

Binuksan ni Margeau ang pinto sa isang kwarto na limang beses ang laki ng kanila ni
Ariel at sa itsura nito ay siya lang ang namamalagi dito. Itim at puti ang tema ng
wallpaper at flooring. May nga antiko siyang koleksyon sa isang itim na shelf. Maging ang
furnitures mula wardrobe hanggang sa kama niya ay itim din.

"Anong ginagawa natin dito?" panimula ni Chloe.

"Yun nga ang gusto kong malaman eh. Bakit may hair strands ka dito sa desk ko?
Pumasok ka ba dito ng hindi nagsasabi?" galit na tanong ni Margeau.

Chapter 11.1

"Lumayo ka sa kanya, Chloe," sabat ng bagong dating na si Tristan. "Patawad, Margeau.


Nahabol ko iyong bampirang binayaran mo para saktan si Chloe at sinabi niya ang lahat
sa akin.

"Anong pinagsasasabi mo?" kwestiyon ng royal. Hinila naman ni Tristan sa likod niya si
Chloe para madepensahan ito.

"Aalis na kami. Pero subukan mo lang uling pagtangkaan si Chloe, ako ang makakaharap
mo."

***

Lumipad patungong Mexico sila Jonathan at Chloe. Nasabihan na din ni Chloe si Tristan
na kung sakaling makita si Millie ay sabihin ang nangyari at babalik din naman siya
kaagad pagkaligtas kay Lorna at Louis.

Nakatayo pa din ang kastilyo ng mga elders at ang aura nito ay hindi maganda.
Nakakakilabot kahit sa bampira pa. Papalapit na sa gate si Chloe ng hawakan ni Jonathan
ang balikat niya.

"Sigurado ka na ba dito?"

"Ngayon mo pa ba itatanong sakin yan?" Napangisi lang muli ang royal.

"Sabihin mo lang kung sasaktan ko na sila." Tumawa si Chloe ng mahina at nagpatuloy na


ng makarinig ng papalapit na sasakyan. Bumaba mula rito si Zachary na nakalabgown pa
din. Sunod dito ay iba pang mga bampira na mukang mga nurse at si Dylan na
nakastretcher. "Dad?"

"Chloe?" nabiglang sambit ni Zachary, "Ipasok niyo na si Mr. Monroe." Sinunod siya ng
mga ito. Hinawakan niya si Chloe sa mga braso nito, "Anong ginagawa mo dito?"

"Kinuha nila ang mga magulang ko. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Napailing si
Zachary at sinulyapan ang Royal. Bumitaw siya kay Chloe.
"Hindi niyo naiintindihan. May epidemyang umaatake sa mga purebloods. Nangyari na
ito noon pero hindi namin akalaing mangyayari muli. Napag-alaman ng mga nakatataas
na nalason ang mga artificial bloods ng mga nagkasakit na bampira. Ang mga magulang
mo ang tagahatid nito sa kanila."

"Hindi nila magagawa yun, Zachary!"

"Makinig ka, Chloe. May sakit din sila. Pruweba na yun para mapawalang sala sila. Kaya
hindi ka na dapat pumunta pa." Gustong matuwa ni Chloe pero may sakit pa din ang mga
magulang niya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Hindi ko sila pababayaan."
Pangako nito. Nagkangitian sila ni Chloe at napakunot noo si Jonathan.

"Iuuwi na ba kita, Chloe?" malamig na tanong ng royal.

"Gusto ko muna silang makita."

Nakatayo si Chloe, Jonathan at Zachary bago ang siyam na vampire elders na nakaupo sa
mga trono nila. Humihingi sila ng permiso na makita ang mga bilanggo. Tutol man ang
royal ay mapilit at makulit pa din ang mapapangasawa niya.

"Oh my, so it is true. You are back," komento ni Halo.

"You shouldn't have come. We could kill you right here, right now," banta pa ni Monica.

"Now, now. That would be shallow of us," sabi naman ni Christopher. "The girl has done
nothing.. as of now."

"But Reina swore to us in your behalf that we will never see you again!" sabi naman ni
Bruce, isang bampira na mukang nasa 50s na niya ngunit nakakapanindig balahibo pa
din.

"Things have changed. Why not ask the young royal," paliwanag ni Reina. Yumuko muna
sa kanila si Jonathan.

"First of all, my gratitude is yours for taking my father in." Nabigla si Chloe sa pagiging
magalang ng binata. "But I must inform you that Chloe Ashbourne is soon to be my wife."
Halo-halong reaksyon ang natanggap niya. Si Henry ay napangisi lang at uminit ang dugo
niya dito pero pinigilan lang ang sarili.

"Why?" tanong ni Henry na naka krus ang binti at kalumbaba.


"Pardon?"

"Why are you going to marry Chloe Ashbourne?"

"Isn't it obvious? I love her." Hindi nagbago ang mapagmalaking ekspresyon ni Henry.

"I say we let the kid see her beloved parents," suhestiyon ni Henry na ikinagulat din ng
lahat, "Jonathan can remain here with us, elders, and we could discuss business."

Gaya ng napag-usapan, tumungo si Chloe at Zachary sa kwarto kung saan pinag-aaralan


ng doktor si Lorna at Louis. Magaling na sila at kailangan na lang magpahinga pero ayaw
pang ipaalam ni Zachary ito sa iba dahil sa delikadong posisyon ng mag-asawa. Binigyan
lamang sila ng 20 minutos bago bumalik uli sa elders' chamber kaya pabalik na sila
kaagad.

"Kahit si Jonathan pala bumabaluktot pagdating sa mga elders," komento ni Chloe habang
naglalakad sila.

"Hindi sayo nasabi ni Jonathan kung sino at ano siya, ano?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gustong magkorona ng mga vampire elders ng isang hari para mas dumali ang
pamumuno sa vampire society. Unang kandidato si Henry Vector dahil siya ang
pinakabago at pinakabatang elder pero dahil si Jonathan ay anak ni Dylan Monroe na
kandidato din noon para sa mga elders, pinagtutuos ang dalawa."

"Kandidato maging hari? Si Jon?"

Natawa siya, "Oo. Kaya kung sakali, magiging reyna ka." Nakaramdam na naman si Chloe
ng kakaiba.

Pagkakilig ata yun para sa mga tao. Pagmumuni niya. "Pinag-uusapan siguro nila ngayon,
kung papaano ka kokontrolin," dagdag pa ni Zachary.

"Kung kaya nila," biro nito at kindat, isang aksyon na nahawa ni Tristan sa kanya, "Hindi
pala kita napasalamatan para sa mga magulang ko." Huminto siya at hinarap ang doktor
na tumigil din para sa kanya.
"Wala yun." Ilang segundo ang lumipas ng pagpapalitan nila ng senyales at ngiti, titig na
may malalim na kahulugan. Ngumiti si Zachary at hinawakan ang mukha niya. Hindi ito
tinutulan ni Chloe. Gusto niya ang init na dumadaloy mula sa kamay nito hanggang ang
doktor ay yumuko para halikan ang labi ni Chloe.

Chapter 12

Nalunod si Chloe sa matamis at malalim na halik ni Zachary, at nakalimot na siya sa mga


nangyayari. Ayaw niya ng huminto. Ayaw na niyang bitawan siya ng doktor. Matagal rin
ang naging paghihintay nila para sa sayaw na ito na walang koreo, sinusundan lamang
nila ang hiyaw ng damdamin at pagnanasa. Ngunit may isa pang bagay na pumukaw ng
atensyon ng pureblood dahilan para manguna siya sa paghinto.

"Bakit kaamoy mo si Tristan?" Napatulala ang doktor at hindi nakasagot.

"Dr. Pierce!" sigaw ng isang nurse na papalapit sa kanila habang tumatakbo. "Narinig ko
mula sa mga kawal na ipapakuha na ang mga Donovan!"

"Bakit daw?" Kalmado niyang itinanong.

"Alam na daw ng mga elders kung sino ang may pakana ng paglalason. Ipinatawag pala
nila ang may-ari ng factory." Tinignan muna ni Zachary si Chloe habang nag-iisip. Para
siyang may gustong sabihin dito pero pinipigilan niya ang sarili. Tumakbo siya papalayo
at kahit tinawag pa siya ni Chloe ay hindi siya lumingon kaya sinundan siya nito at
nakarating na sila sa elders' chamber. Kumpleto ang mga elders at andun din sina
Jonathan, Dylan at ang mga magulang niya.

Humalakhak ng malakas si Halo ng makita sila. Napansin ni Chloe na namuti ang kamao
ni Zachary sa higpit ng pagkakasara nito.

"You came just in time, doctor," bati ni Halo.

"Why are my patients here? I thought I made it clear that they are not ready for
interrogation."

"Silence, imbecile," sabi ni Henry. Tinabihan ni Jonathan si Chloe na hindi lingid sa mga
bampirang naroon, "The elders demand. Ordinary vampires answer to our call. And
today, the culprit to the mass poisoning shall face death a second time around."

"My parents have nothing to do with this!" Pinigilan siya ni Jonathan ngunit mapilit siya,
"They were framed."
"That much is clear to us, Ashbourne," paliwanag ni Christopher, "They will be released."

"Then why are they here?" Walang sumagot sa kanya. "Reina?" Napaatras ang doktor.

"We have evidence pointing to the true culprit of this crime," sagot ni Reina, "Someone
has to pay." Hindi mawari ni Chloe ngunit parang hindi siya ang sinasabihan ni Reina.
Napasilip muli siya kay Zachary na parang kinakabahan. Tumayo si Monica na may
hawak na espada.

"This is the Rojas handed down from generation to generation to execute those who have
wronged our kind," paliwanag niya habang bumababa ng pedestal, "Its end shall meet
the good-"

"It was us!" pag-amin ni Louis na ikinabigla maging ni Lorna, "We put the poison on the
bags to eradicate our daughter's enemies but she has nothing to do with this! When
Jonathan whisked her away we feared she'll attract too much attention. It will only be a
matter of time before.. before she is killed. We had to do something! We drank the poison
ourselves so-" bago pa siya matapos ay napugot na ni Monica ang ulo niya.

"Wahhhh!" sigaw ni Lorna, bago siya sumunod. Pinikit ni Reina ang mga mata niya.

"Noooo!!" Tumakbo papunta sa mga katawan nila si Chloe. Tuluy-tuloy ang bagsak ng
luha niya. "Hindi! Hindi! Hindi! Hindi!" Paulit ulit niyang sambit na para bang
magbabago ang nangyari. Pinunasan naman ni Monica ng puting tela ang espada bago
siya bumalik sa kanyang trono.

"It is done. You are all hereby excused," anunsyo ni Bruce. Nilapitan ni Jonathan si Chloe
upang akayin.

"My, my, what a mess you've made," asar ni Halo sa kung sinumang hindi pinangalanan.

"This isn't over.." bulong ni Chloe.

"Say what?" tanong ni Halo. Tumayo si Chloe mula sa lapag na puno ng pagkamuhi na
ikinagulat rin ng mga kaibigan.

"This isn't over. I don't understand your deal! But you elders have ruled for far too long,"
banta niya, "You've dictated me for as long as I can remember! I'm coming for you. I
WILL end you, even if it's the last thing I do." May inihagis na syringe si Zachary kay
Jonathan. Itinurok niya ito kay Chloe at nawalan siya ng malay.

***
Nagising si Chloe sa bahay ng mga Donovans. Nasa tabi niya si Tristan at Millie na
binabantayan siya. Naalala niya ang mga nangyari dahil sa kwarto at napaluhang muli.
Niyakap siya ng mga kaibigan.

Lumabas muna si Millie para tawagan si Jonathan at balitaan na ayos na si Chloe.


Nakatulala lang sa bintana si Chloe habang nakaupo. Nadudurog ang puso ni Tristan sa
nakikita at dahil wala rin siyang magagawa para pagaanin ang saloobin ng dalaga.

"Isa kang tao, hindi ba?" bigla niyang tanong, "Sigurado na ko ngayon. Isa kang tao. Hindi
ko alam kung paano pero nililipat ni Zachary ang dugo niya sayo para hindi ka namin
maamoy." Tumingin lang si Tristan sa sapatos niya.

"Oo, ganun na nga. Kaya nakakasama niyo lang ako ng limitadong oras. Dumadating sa
punto na hindi na kinakaya ng katawan ko ang dugo ng isang patay at nirireject. Sobrang
sakit. Pero kailangan, kung gusto kong mabuhay sa mundo niyo."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit gusto mong mabuhay sa mundo namin? At ayoko na ng lihim."

"Kasi.. amin ang mundong ito. Hindi sa mga bampira."

"Amin?"

"Hindi lang ako nag-iisa. Nagtatago lang kaming mga tao sa tulong ni Reina. Gaya niyo
noon. Nagtatago hanggang sa dumating ang tamang panahon."

"Ang tamang panahon?"

"Kung kailan ka babangon," hinawakan ni Tristan ang pisngi niya at sigurado siyang
naamoy niya ang tunay nitong amoy, amoy tao at nakakaadik ito, "You're the last of the
Ashbourne clan. Our last hope." Nilabas ni Chloe ang pangil niya. "Dapat matuloy ang
kasal mo kay Jonathan para maibalik ka sa kapangyarihan. Paiikutin natin sila. Pag-
aawayin. Bandang huli, uubusin." Inilayo ni Chloe ang mukha niya sa kamay ni
Tristan. Naalala ang nga nakalipas na araw at naliwanagan sa unang pagkakataon.

"Ganoon din ba ang ginagawa niyo sakin? Pinapaikot?"


"Hindi-"

"Ikaw, si Zachary, Reina. Sino kayo para diktahan ako?" Dumating si Millie. "Pwede ka ng
umuwi," malamig na utos nito kay Tristan. Tumango lang ang binata at umalis.

"Anong nangyayari dito?" walang malay na tanong ni Millie.

"Babalik na tayo sa Lochan Academy."

Chapter 13

Compulsion - an irresistible persistent impulse to perform an act because of a vampire's


seduction or intimidation. This persuasion technique also comes with mind reading. But the
humans have learned for long how to mask their thoughts from vampires, and awareness of
a compelling act disables it. This ability can be used for many creatures depending on
mastery. There are some, for example elves, who are immune to compulsion and mind
reading. This was also what Henry Vector used on the students during the orientation.
Because of his intense power, he had added yet another layer to this ancient ability.

Si Ariel at Millie na lang ang kasa-kasama ngayon ni Chloe. Si Tristan at Joshua ay naging
kampon na ni Margeau. Paubos na din ang vial ni Millie pero siya na lang din ang
pumunta sa doktor para manghingi nito dahil galit pa si Chloe.

Sasanayin nila ang hand-to-hand combat para sa araw na iyon. Ngunit espesyal ang
aralin ngayon dahil gaganapin ito sa underground jungle battle royale style. Dahil din dito
ay tinanggal din ang mga hayop na namamalagi dito. Maganda ang teamwork ni Millie at
Chloe. Si Chloe ay ginagamit ang katawan niya bilang sandata at si Millie naman ay ang
unti at simple niyang alam na salamangka.

Matatalo ang isang bampira kung magtataas siya ng bandila niya o mamamatay siya. Ang
pagkatalo ay nangangahulugan ng pagkawala ng 50 puntos na importante para sa huling
grado nila. Nakakuha ng matibay na sangay si Chloe. Binasbasan ito ni Millie para mas
tumibay pa at gabayan ang bampira sa mga kalaban.

Epektibo ito at ilan na ring bampira ang napasuko ni Chloe ng hindi niya maramdaman
ang isang kalaban na nasa likuran na niya at pinukpok ng bato ang ulo niya.

Gumapang siya dahil sa pagkahilo, tila gumagalaw ang lupang tinatapakan niya, ang
mundo naman ay umiikot. Ginagabayan siya ni Millie hanggang sa tapakan ng kalaban
ang likuran niya at napadapa na siya. Bumaligtad si Chloe para makita man lang ang
nakatalo sa kanya. Hindi niya ito kilala pero sigurado siyang papatayin siya nito dahil
malaking karangalan ang mawakasan ang buhay ng natitirang Ashbourne. Nakutya siya
sa sarili, hanggang dito lang pala ang kaya niyang maabot. May hawak itong sibat.
Tinutok na niya ito kay Chloe.
Bumalik ang mga alaala niya sa mahabang panahon na ginugol sa pagtatago at binalot ng
pagsisisi ang puso niya. Pati ang mga yumaong Donovans ay muling nagbibigay ng sakit
sa kalooban niya. Akala niya tapos na ang laban niya sa mundong ito ng humarang si
Margeau.

"Aatras ka. Tatalikod at aalis. Tapos iuuntog mo ang ulo mo sa bato hanggang mamatay
ka," utos nito na may kasamang compulsion. Namangha si Chloe sa ginawa ng royal at
panandaliang nakalimot sa mga bumabagabag sa kanya. Unti-unti ng umaatras ang
lalaki. Pinipigilan niya ang sarili pero gumagalaw pa din ang paa niya. Tatalikod na ang
lalaki ng maitaas pa niya ang braso niyang may hawak ng sibat at naihagis ito kay Chloe
bago siya umalis.

Ngunit humarang si Margeau at tinamaan ang balikat niya. Napasigaw siya sa sakit.
Natumba siya sa tabi ng partner na muntik na niyang ikabuwis ang buhay sa
pagprotekta.

"M-margeau.." Hinila ni Margeau ang sibat at itinapon ito sa malayo, nakakunot ang noo.

"Kasalanan mo to!"

"Ah. Okay. Halika." Tinulungan siya patayo ni Chloe na nasanay na sa pagmamaldita nito.

"Chloeeee," tawag ni Millie mula sa baba. Napapaligiran sila ng iba pang bampira, "Asan
ang prince charming mo kung kailan siya kailangan?"

"Si Tristan? Hindi natin kailangan ng kahit sinong lalaki," sabi ni Margeau sabay biglang
kagat sa leeg ni Chloe kaya napasigaw ito. Uhaw na uhaw na uminom si Margeau ng dugo
niya. Kung hindi pa siya nito tinulak ay hindi siya titigil, "Woah!" Mas nagliwanag ang
pula niyang mata at parang umiilaw din ang dilaw niyang buhok. Nawala na din ang sugat
niya sa balikat. Pinatunog niya ang buto sa leeg, "What was that?" Gulat nitong
pagmumuni.

Hawak hawak ni Chloe ang dumudugong leeg dahil sa partner, "Margeau! Kalaban!"

***

"Bakit ganun ang dugo mo?" namamanghang tanong ni Margeau habang nakaupo pa din
sa gitna ng gubat. Tapos na ang laban at inanunsyo na ang pagkapanalo nilang dalawa.

"Bakit ano?"

"Hindi ko alam. Basta- basta para akong napower up."


Bumuntong-hininga siya, "Margeau, alam kong hindi tayo magkaibigan pero nakikiusap
ako sayo-"

"Huwag kong ipagkakalat ang sikreto mo? Madali akong kausap," nakakaloko ang ngiti
niya na parang may binabalak, "But you owe me one. When the time comes, when I ask
for it, you will pay your debt."

"Parang hindi ko ito gusto ah," bulong ni Millie sa tainga ni Chloe.

"May choice ba ko? Deal. Teka, hindi ba't ikaw nga itong nagtangka sa buhay ko nung
nakaraan?" paalala ni Chloe.

"Bintangan niyo ko hangga't gusto niyo. Dahil ang alam ko, ikaw itong nanloob sa kwarto
ko."

"Wala akong interes sa mga antiko mo, Margeau."

Nangisi ito. "Malalaman din natin ang totoo."

Nauna ng umalis si Margeau dahil ayaw daw niyang makita na kasama si Chloe. Papaalis
na rin sila ni Millie ng may nagtangkang pumana sa kanya ngunit nasalo niya ang palaso.
Lumabas ang may pakana na bampira na may hawak na espada. Walang armas si Chloe
at may sugat pa sa leeg. Bukod dun ay pagod na din siya.

"Hindi ito ang pinakaswerteng araw natin," sambit ni Millie. Ang bampira ay tinalunan
ng isang lobo. May puti itong balahibo at matang parang dagat. Hindi mapaliwanag ni
Chloe pero magaan ang pakiramdam niya dito.

Dala ng hangin ay naamoy niya ang lobo at nagulat. Napatay na nito ang bampira,
walang awang kinain ang loob nito, at humarap sa kanila, "Chloe, hindi ito maganda."

"Hindi. Kaibigan natin siya." Ang lobo ay nagbago ang anyo at naging isang hubo't hubad
na tao. Agad nagtakip ng dahon si Tristan sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

"Wala ng lihim.." hinihingal na sabi ni Tristan ngunit natumba si Chloe. Agad siyang
sumaklolo dito at napansin ang sugat niya sa leeg, "Chloe, makinig ka. Uminom ka ng
dugo ko. Kailangan mo to." Hiniga niya ang ulo ni Chloe sa binti niya.

"Hindi, ayoko! Kahit ikamatay ko pa!"


"Chloe, sa ayaw at sa gusto mo, iinom ka!" Tumanggi pa din ang dalaga.

"Tristan, tama na. Mabuti pa't dalin na natin siya kay Zachary. Hindi siya iinom sayo
kahit kailan dahil hindi pa siya nakakainom ng dugo ng tao. Ayaw ka niyang saktan."

Natahimik si Tristan sa narinig, "Hindi ko siya madadala kahit saan dahil wala ng dugo ni
Zachary sa katawan ko. Walang ibang paraan. Chloe, hindi ka pwedeng mamatay.."

"Bakit?" May bahid ng pait ang tawa niya, "Dahil ako ang tagapagligtas niyo?"

"Hindi. Dahil mahalaga ka sakin." Gusto na ni Chloe na magtiwala sa sarili niya dahil sa
narinig. Inilapit ni Tristan ang braso sa dalaga para makakagat ito, "Wag kang mag-alala.
Hindi ko hahayaang may mangyari sayo."

"Sandali!" Dumating si Zachary, "May artificial blood akong dala." Kinuha niya si Chloe
mula kay Tristan at pinainom ito, "Mabuti na lang at nakita ko si Margeau. Nabanggit
niya na parang ang tagal mong lumabas. Kinutuban na ko."

"Salamat. Salamat sa inyong dalawa. Pati sayo Millie," buong puso niyang sabi habang
nagrerekober mula sa mga natamong sugat.

Chapter 14

1972

"Gusto mong maghiganti?" tanong ni Reina sa nagluluksang si Zachary na nasa kastilyo pa


din, "Kung oo, sundan mo ko."

Dala ang katawan ni Marissa, nagtungo ang dalawa sa isang isla sa Pilipinas na
nakapangalan sa isang Daniel Ashbourne, ang ama ni Chloe. Doon nagtatago ang mga
natitirang mga tao. Ngayon ay kontrolado na ni Reina ang buong isla at sa panlabas ay
aakalain ng iba na isa itong pagawaan ng barko.

Doon ipinreserba ni Zachary ang katawan ng yumaong nobya at tumulong sa mga


nagkakasakit na tao.

1994

Nagsimula ang Project Debonair. Nakumbinse na sa wakas ni Reina ang doktor na gamitin
ang katawan ni Marissa para sa isang eksperimento na magbibigay sa mga tao ng
kakayanan ng isang taong lobo. Palpak ang mga naunang test subjects dahil hindi
umaangkop ang DNA. Hanggang sa makakuha sila ng positibing resulta kay Anderson
Helix. Nakuha niya ang lakas at bilis ng taong lobo pero may ilan ding hindi. Hindi siya
umaasa sa buwan at nakokontrol niya kung kailan siya magbabagong anyo. Nagbunga ang
pagmamahalan nila ng asawa niya ng isang sanggol ngunit napag-alaman nilang hindi
namamana ang kakayanang ito.

Makalipas ang tatlong taon, ipinanganak si Tristan at ginawa din sa kanya ang
eksperimento.

Nasa bahay ng mga Monroe si Chloe para magsanay kasama si Jonathan. Inaantay niya
ito sa training room. Napag-isip isip niya na masyadong mahirao ang mga aralin sa
Academy para sa bampirang walang background kagaya niya.

Bumalik na si Jonathan mula sa pagtawag sa telepono. Wala siyang pantaas at


nakajogging pants lang kaya kita ang alaga niyang katawan.

"Handa ka na?" tanong nito.

"Han-" sumuntok sa mukha niya si Jonathan ngunit hindi ito umabot. Tumawa siya sa
biro niya, "Jon!"

"Hindi mag-aantay ang mga assassins, Chloe."

"Sabi ko n-" sumipa naman si Jonathan. Unti na lang at tatamaan na siya.

"Ganito na lang. Diba tinatanong mo kung bakit ako galit kay daddy? Talunin mo ko at
malalaman mo."

"Ganun? Kala mo naman-" isa pang suntok malapit sa mukha niya. Ramdam niya ang
pwersa mula rito. "Ah ganun? Wag kang iiyak pag nasaktan ka ha."

Natapos ang pagsasanay ng hindi man lang natamaan ni Chloe si Jonathan at humiga na
lang siya sa lapag. "Next time. Next time talaga!" pangako niya sa sarili ng nakataas ang
kamao. Hinaltak siya ni Jonathan hanggang sa mapatayo siya ngunit nawala ang balanse
niya kaya natumba siya sa royal at napasandal sa dibdib nito.

"Hindi mo naman kailangang magkunwaring natumba para mahawakan ako."


Tinapakan siya sa paa ng dalaga "Ahh!"

"Hindi talaga kita type eh. Sorry!" Binelatan niya ito.

"Lokohin mo ang sarili mo."

"Jon, tanong lang. Ang pag-iisang dibdib ba ng mga bampira ay kagaya ng sa mga
napapanood kong kasal ng tao?"
***

Pagkatapos ng klase ay magkakasabay na umalis ng isla sina Millie, Chloe, Ariel at Tristan.
Nagulat sila ng makitang nag-aantay si Adolfo dala ang karwahe at bumaba dito ang isang
matangkad at magandang babae.

"Sabrina?"

"Tristan!" Yumakap ang babae kay Tristan. Hindi alam ni Chloe kung bakit pero
nakaramdam siya ng kirot sa dibdib.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Namiss lang kita! Bawal ka bang bisitahin?" Tila napansin ng Sabrina ang mga kasama
ni Tristan at tumingin sa mga ito para suriin sila. Hinawi niya ang buhok niya na
sumasayaw kasabay ng hangin.

"Sabrina," inialok ni Sabrina ang kamay niya kay Chloe.

"Chloe."

Bumalik na sa manor sila Chloe at pabalik na sa kwarto upang bigyan ng pribadong pag-
uusap si Tristan at Sabrina ng makasalubong nila si Zachary. Iniwan muna sila ni Ariel at
Millie para makapag-usap.

"Kamusta ka na?" tanong ng doktor.

"Ganun pa din. Ikaw?"

"Ayos lang. Ayos na. Chloe, masaya ako na hindi mo na ko iniiwasan."

"Hindi na naman ako galit. At hindi mo rin kailangan manghingi ng tawad. Naiintindihan
ko naman na kinailangan niyong maglihim sakin tungkol sa lahat. Ang hindi ko lang
matanggap ay kung paano mo naatim na ipaako sa mga magulang ko ang ginawa mo.
Ganun ka ba kapursigido?"

"Kung kaya ko lang ipaintindi sayo ang lahat, ginawa ko na."

"Pero ayos na naman ako. Ayoko na ring magalit. Itutuon ko na lang ang lahat ng
atensyon ko sa mga elders. Para doon, kailangan kita."
"At gagawin ko ang lahat para sayo."

***

Nasa isang madilim na kwarto muli si Zachary at Reina para ilahad ng doktor ang mga
pangyayari.

"She hasn't manifested any signs yet," sabi nito sa elder.

"She's too young afterall. But it's only a matter of time. The Ashbourne clan was not
despised by the people in the council because they sided with the humans. Everyhing
could be rooted and traced back in the earliest of times."

The Ashbourne clan had always been a minority group amongst a big sea of vampires. But
the new Ashbourne clan are descendants of Raphael Ashbourne, a royal and the last of his
blood, and Tala, a demigod who chose to live amongst mortals. Tala considers humans her
family that's why the human faction of today believes her bloodline is the key to their
freedom.

Raphael himself had been convinced that the vampires and humans could coexist like they
had in the past but the vampire elders were threatened and found a way to kill Bathala's
youngest child and ordered the execution of the Ashbourne clan for treachery. Tala was
killed by the elders and Raphael knows that but he's no match for them so instead he played
politics and acquired enough power to be ranked as high as them and became immune to
them for they would not risk losing the society's respect. They assassinated him, as well, in
secret but the bloodline continued, until Daniel's era. But one child remains, Chloe
Ashbourne.

Chapter 15

Kababalik lang muli ni Dylan sa kanilang manor lulan ang isang itim na sasakyan.
Walang sabi-sabi ay dumeretso siya sa loob, hindi maipinta ang kapaitan ng kanyang
mukha, patungo sa silid ng nag-iisang anak. Wala ito. Lumabas ang pangil ni Dylan sa inis
at sinipa pabukas ang pinto sa banyo sa silid. Naroon si Jonathan kasama ang isang
babaeng bampira na walang mga saplot sa sarili habang naliligo sa dugo ng tao sa
bathtub.

"Hello father," pang-aasar na bati nito. Lumapit si Dylan at bilisang binale ang ulo ng
babae, dahilan para lumubog ito ng tuluyan sa bathtub. Napaismid ang anak niya,
"Demonyo ka pa rin pala."

"Did you assume it would be funny to give a fine portion of our land in the South to those
mongrels? If then, how foolish of you!"
"Ahh. Yun pala. Huwag kang mag-alala. Hindi pa iyon ang huli."

"Jonathan!" Tumayo ang binata at nag-anlaw sa shower. Sadyang hindi pinapansin ang
ama na tila umuusok na ang ilong. Tsaka nagsuot ng bathrobe.

"Ano ba ang gusto mong marinig mula sakin?"

"Huwag mo ng ituloy ang kasal. Kahit kanino, wag lang ang babaeng yun. Kung gusto mo,
gawin mo siyang babae mo! Pinag-aaral mo siya kaya hindi siya makakatanggi."

"Si Chloe pa rin pala ang isyu mo? Hindi siya ganoong klase ng babae." Kunot noo niyang
pagtatanggol. "Matutuloy ang kasal, may permiso mo o wala." Nilagpasan niya ang ama
pabalik sa silid ngunit mahigpit siya nitong hinawakan sa braso.

"Pinagbantaan niya ang mga elders! Hindi kayo makakakuha ng basbas. Walang bisa ang
magiging kasal niyo! At alam mo Jonathan kung ano ang kaya ng gawin hindi lang sa
kanya kundi pati sayo na rin!"

"Basbas lang ba? Andyan si Reina. Hindi man ako sigurado, pero mukang makatwirang
bampira din si Christopher. At kung wala na talaga, andyan pa din ang aking kaibigang si
Henry."

Umalingawngaw ang malakas na sampal ni Dylan kay Jonathan sa buong mansyon.


Masama ang tingin nila sa isa't isa. Bibigyan pa niya ng isa pa ang anak ng masalo nito
ang braso nito.

"Nanganganib ang candidacy mo sa trono. Itatapon mo ba ang pagkakataong pamunuan


ang kinamumuhian mong lahi para sa isang.. isang bampira?!"

Inilapit ni Jonathan ang mukha sa ama, malalim ang hinga nito sa halu-halong emosyon,
tsaka bumulong, "Ganun na nga."

***

Katatapos lang uminom ng dugo ni Chloe mula sa nahuling usa sa underground forest ng
Lochan Academy ng mapagtanto niyang marami pa siyang libreng oras. Naisipan niyang
tumungo sa silid aklatan kasama ang dwendeng kaibigan ng mapadaan sa recreational
area ng campus.

May kanya-kanyang mga grupo ang estudyante. Ngunit siya, maging si Tristan na
madalas nagbabasa lang sa kung saab, ay hindi nakikihalubilo masyado sa kahit sino rito.

"Chloe Ashbourne!" tawag ng pamilyar na boses. Naroroon si Joshua, partner ni Tristan.


Dahil sa ginawa nito ay pinagtinginan siya at ang kanyang kaibigang duwende ng ibang
mga bampira.

"Uhh.. awkward?" bulong ni Millie sa kanya. Pinilit ni Chloe ang ngiti habang papalapit sa
tumawag na bampira. May bilog ang mga itong nabuo at nagulat na lang siya ng
makitang nandun si Tristan, na nakikipag-punong braso sa isa pang bampira.

"Sinong pusta mo?" ani ni Joshua. Lumingon sa kanya ang tao at kumindat, dahilan para
may kung anong mga paru-paro ang maglikot sa kanyang tiyan.

"Syempre si Tristan! Tinatanong pa ba yan?" sabi ni Millie.

"Cool!" Inabot ni Joshua ang dwende na parang manyika at ineksamina ito.

"Woah! Ingat-ingat din, pwede?" pag-angal ni Millie. Umiling si Chloe at binawi siya dito.

"Sorry! Hehe!" Bumagsak sa lamesa ang kamay ng kalabang bampira ni Tristan at sila'y
nagbunyi ng partner sa isang sayaw na nagpataas sa kilay ng marami, kasama na dito si
Chloe.

Nilapitan ni Tristan ang kaibigan at itinaas ang kamay. Nalilito siyang tinitigan lang ni
Chloe.

"High-five?" Ibang kamay ang pumalo kay Tristan. Si Margeau.

"Good job, Tristan. I knew you weren't just for show," komento nito.

"Thanks."

"Alam mo, magkakaroon ng party sa amin on friday night. You're invited," mapaglaro ang
ngiti nito sa binata na hindi lingid sa mga saksi. "Ikaw din, Chloe. Kung may susuotin ka,"
pangkukutya nito.

"No thanks."

"Sige, Margeau. Mauuna na kami," paalam ni Tristan, upang pumagitan sa nag-iinit na


dalawang babae. Tumalon sa balikat niya ang dwende. Umirap ang kapatid ng elder bago
nila ito talikuran.

"By the way, Chloe, ikamusta mo ko kay Jon," pahabol pa nito. Hindi siya pinansin ni
Chloe at patuloy na naglakad. Naisip niya si Tristan. Pati na rin si Sabrina. Sino siya sa
buhay ni Tristan? Girlfriend niya? Tao din kaya siya? Gusto niya ito tanungin ngunit
nahihiya rin naman siya. Pilit tinaboy ni Chloe ang bumabagabag sa isip.

"Earth to Chloe? Hello?" tawag ni Millie sa kaibigan. Napansin niyang natawa ng mahina
si Tristan.

"A-ano yun?"

"Ang sabi ko.. hindi mo ba iinvite si Tristan sa kasal mo. Duh. Wedding of the year kaya
yun!"

"Hindi rin naman siya pwedeng pumunta dahil tao siya at baka may elders pa. Diba
Tristan?" Nagkibit balikat ang binata.

"Baka makapuslit din ako. Ewan. Bahala na." Nakangiting pinapanood ni Millie ang
dalawa na nagkakailangan pa sa usapin.

"May pupuntahan pa pala kami ni Millie. Diba?" Sinenyasan niya ang dwende na
naguguluhan sa kanya.

"Oh. Saan?" Taas-kilay na usisa ni Tristan.

"Kay... Professor Saab. May itatanong lang," pagdadahilan nito. Hindi na nagsalita pa si
Killie dahil naiintindihan naman niya ang magulong damdamin ni Chloe para dito, lalo
na't sumali pa sa eksena si Sabrina. Hangga't maaari ay diidistansya na niya ang sarili.

"Ganun ba? Sige. Ingat." Tumango na lamang siya at umiba ng direksyon.

"Professor Saab daw," asar ni Millie.

"Pssh." Hindi namalayan ni Chloe na dinadala na pala siya ng kanyang mga paa sa clinic
ng doktor. Nakatalikod ito habang nakaupo sa harap ng workdesk niya. Amoy ni Chloe
mula sa malayo ang halu-halong aroma ng mga pabango nito pampalito sa mga bampira.

"Ew."

Napabalikwas ng ikot si Zachary sa boses niya. "Chloe."

"Hello." Umupo si Chloe sa kama na pampasyente at inilagay din si Millie doon. "Himala
at pumasok ka."

"Oo nga eh. Grabe na kasi ang pangsesermon ng dean sa akin. Para naman daw akong
taong sakitin," biro nito. "Wala ka na bang klase?"

"Mamaya pa uli. Mang.. hihingi lang sana kami ni Millie ng.. alam mo na." Umikot ang
mata ni Millie sa narinig dahil alam niya ang totoo. Mabait ang ngiti ng doktor sa kanila
bago ito mabagal na tumayo para maghalungkat sa drawer niya at iabot ang vial kay
Chloe.

"Sa susunod may bayad na ah," biro pa nito.

"Yiiie~" tukso ni Millie na sinuway naman ng kanyang bampirang kaibigan.

"Salamat dito. Mauuna na kami."

"Okay. Ingat."

Chapter 16

A typical vampire wedding requires a blessing from at least one of the elders. He/she will
serve as the acting priest or head of the sacred ceremony. Vampires are sensual creatures
that could be accredited to their undead nature and as such, weddings are unusual and
usually only takes place to unite families. Typically, a divorce is prohibited, unless an elder
endorses it for trial amongst the other elders.

Sa loob ng 35 taon niyang pagkabuhay, hindi pumasok sa isip ni Chloe ang pagpapakasal.
Napapanood niya ito sa mga pelikula ng mga tao ngunit hindi niya maintindihan kung
bakit tila hindi kumpleto ang pagkatao nila kung wala ito. Ganoon na lang ba kahalaga
ang pagpapakasal?

Ngayon nag-aayos na siya sa tulong ni Ariel at Millie sa bahay ng mga Donovans. Kinulot
nila ang buhok niya. Pinagsuot siya ng pulang lipstick at itim na eyeliner. Nilagyan din
siya ng blush-on para magkakulay. Kung hindi lamang sa itim niyang bestida abot tuhod
ay maniniwala na siyang ikakasal siya sa isang tao.

Tumayo siya para humarap sa mga kaibigan.

"Ang ganda mo.." puri ni Millie.

"Patawad, Chloe, pero hindi ako makakadalo. Hindi ako sanay sa mga seremonyang
ganyan eh," paalam ni Ariel.
"Ayos lang. Salamat." Lumabas na sila kung saan may nag-aantay na itim na sasakyan na
hula ni Chloe ay padala ng royal na mapapangasawa. Nagkangitian sila ni Millie. Bumaba
ang bintana sa driver's seat. Naroon si Tristan na nakabihis ng itim na amerikana at
amoy bampira.

"Hindi ka ba sasakay, binibini?" bati nito.

"Hindi ko naaalalang inimbitahan kita," biro ni Chloe.

"Ako pa ba mawawala sa espesyal na araw mo? Sakay na!" Naglaho bigla ang ngiti ni
Chloe ng bumungad sa likuran ng kotse na pepwestuhan niya si Sabrina.

"Hello, Chloe," panimula pa nito na may mapaglarong titig, "Nakalimutang sabihin ni


Tristan na ang ganda mo ngayon," sabi nito habang pasakay siya sa tabi ni Sabrina.

"Salamat," sagot niya bagamat hindi sigurado kung para kanino.

Dumating sila sa isang lumang templo na pagmamay-ari ni Reina dahil siya ang naunang
pinili para sa kanilang kasal. Ngunit hindi pumayag si Dylan at iminungkahi si Bruce.
Hindi na pumasok si Tristan at Sabrina. Walang araw na pumapasok sa gusali. Naiilawan
lamang ito ng mga kandila. Nasa gitna na si Bruce at si Jonathan na nag-aantay. Nakasuot
lang ito ng puting tunic at pambaba. Gumanda lalo ang kutis at tindig niya dahil sa
epekto ng kandila. Imbes na amoy ng mahalimuyak na bulaklak ay amoy ng kalawang at
bakal ang tumambal sa kanya.

Tumingin pa sa paligid si Chloe. Naroon si Dylan sa gilid, pati na rin si Margeau at ilan
pang bampirang hindi niya namumukaan. Baka mga kamag-anak ni Jon. Ang kasal nila
ay hindi kagaya ng mga kasal na napanood niya na kahit taimtim ay nag-uumapaw ang
saya sa bawat isa. Dito, ramdam niya ang halu-halong emosyon at opinyon ng mga saksi.
Napatigil siya sa paglalakad dahil sa kaba, pagdududa, at sa madaming dahilan na
bumabagabag sa kanya. Napansin ito ni Jonathan.

"Cold feet?" May humawak sa baiwang niya at bumulong. Nasa likod niya na si Margeau.

"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Aalis na lang ako," tatalikod na sana siya pero
pinigilan siya ng partner at ginabayan pabalik sa paglalakad patungong altar na para
nitong tatay, "Huwag mo sabihing ikaw ang maid-of-honour ko?"

Natawa ito, "Ni hindi nga tayo magkaibigan. Hindi sa ganun. Ex best friend ng fiance mo
ang kuya ko. Hindi siya makakapunta. No thanks to you."

"Ahhh. Bale takot sila sakin." Nangisi siya sa ideya.


"Walang kinatatakutan ang mga elders. Kaya ituloy mo tong kasal, dahil kapag nawala
ang koneksyon mo kay Jon, papatayin ka nila. At hindi makakabuti para sakin yun."

"Maraming salamat sa concern, Margeau." Narating na nila ang pedestal at ipinaubaya na


ni Margeau sa dating nobyo ang partner ngunit bago nito bigyan ng halik sa pisngi ang
may itim na buhok na babae.

"Anytime, partner." Bumalik na sa gilid si Margeau at naiwan na ang ikakasal sa harap ni


Bruce.

Idinaos na ng elder ang seremonya sa salitang Italyano na siyang pinagmulan ng mga


naunang bampira at karamihan ng mga royal families. Nasambit na din ng dalawa ang
kanilang mga sumpa para sa isa't isa. Naglabas si Bruce ng bronseng goblet at punyal.
Sinugatan ni Jonathan ang sarili at hinayaan niyang tumulo dito ang dugo niya tsaka niya
ipinasa ang punyal kay Chloe na minataan siya sa pagkalito.

"You shall mix your blood with his in this goblet made in the fire of Mt. Taal. I will taste
the result of that union as witness to its everlasting beauty, then I will bestow my blessing
and this wedding is therefore official."

Hindi magawa ni Chloe ang iniuutos ni Bruce. Alam niyang may kakaiba sa kanyang dugo
na napatunayan pa niya sa paglakas ni Margeau ng inumin ito. Ikinwento sa kanya ni
Reina ang tungkol sa tatlong anak ni Bathala na sina Apolaki, Mayari at ang kadugo niya
na si Tala. Ngunit kung matitikman ni Bruce ang dugo niya, kukumpirmahin lang naman
nito ang matagal na nilang hinala. Pero maaari ring gumawa na sila ng hakbang laban
kay Chloe, lalo na't pinagbantaan niya sila.

"I don't think there's any need for that," ayon kay Jonathan na hindi inaalis ang titig sa
mata ng dalaga, "Why don't we do this the modern way?" Walang sabi-sabi ay sinelyuhan
niya ang kasal ng isang halik.

Tila naparalisa si Chloe at nakuryente ang katawan. Malambot at malamig ang labi ng
mapapangasawa niya, hindi gaya ng hawak ni Tristan, ngunit iba pa din ang dating nito.
Naramdaman din niya ang pagngiti ng lalaki bago tapusin ang halik.

"What can I say, I'm a fool in love." Hindi alam ni Chloe ang magiging reaksyon. Kahit
walang kahulugan ang kasal na ito para sa kanya ay hindi niya masabi kung ganoon din
ba sa royal. Matalik niya itong kaibigan at ayaw niyang masaktan ito dahil sa hindi
pagkakaintindihan.

"Then I must be a fool, as well, for marrying you."


***

"Do you know why those other creatures obey us, Chloe Monroe?" tanong ni Christopher
na inabutan ng baso ng wine ang bagong kasal sa reception nito sa mansyon ng mga
Monroe. Napatingin si Chloe sa mga aliping balbal. Hindi pa rin siya sanay sa pedestal na
kinatutungtungan at nahihirapang tanggapin ang trato ng mga bampira sa ibang nilalang
na para nila itong pag-aari.

"Why?"

"It's because of fear, my dear. Fear is how you control others. And you've earned yourself
quite a reputation."

"I don't know what you're talking about," painosente nitong responde, ang tanging nais
ay maalis sa usapang karoroonan, "But I do know that you're trying to win my trust.
Why?"

Hindi sigurado ni Chloe kung namalikmata ba siya o totoong nangiti ang elder na kausap
dahil sa sobrang ilap at bilis nito. "It was the elders' fault why the academic curriculum
was changed. War is dawning upon us. We need everyone's strength."

"No surprise there, really."

"And it was due to Reina why there is a buddy system. She said we need it to avoid the
students hurting and killing each other but we knew better." Yumuko ang bagong kasal,
alam na niya ang susunod na sasabihin ng elder. "It was no coincidence Margeau was
your partner. Now most of the elders may come harsh but on behalf of them, I ask your
help in the coming days. Whoever the enemy is, I'm afraid they know our weaknesses
and strengths. They know us and that's our end."

"Excuse me, sir, but may I excuse the bride?" paumanhin ni Zachary na nakasuot ng
puting amerikana. Hindi maiwasan ni Chloe na purihin ito sa kanyang isipan. Tinanggap
ni Christopher ang pagdating ng doktor at umalis. "Congratulations."

Bumuntong-hininga siya, "Salamat. Isang minuto pa sa bestidang ito at maghuhubad na


ko."

Natawa siya, "Huwag naman. Ayoko namang may makakita sa nasa ilalim niyan na iba."
Nagkangitian lang sila. "Siya nga pala, eto o." Binigyan si Chloe nito ng maliit na kahon. "Sa
susunod mo na buksan. Nahihiya ako." Natawa naman ng banayad ang bagong kasal.

"Salamat," binigyan niya ng halik ang doktor sa pisngi. Bumalik sa alaala niya ang
pagpapalitan nila noon ng malalim na halik at agad pinagsisihan ang nagawa. "Inaantay
na ko ng asawa ko."

"Sige. Congratulations uli."

"Salamat."

-----

A/N Ang balbal ay isang halimaw na nagnanakaw at kumakain ng mga bangkay mula sa
libingan. May matalas itong pang-amoy para sa mga patay na katawan. Sa oras na
makain nito ang bangkay, pinapalitan nito ng saging ang katawan na nasa kabaong.

Chapter 17

"Naalala ko tuloy nung Assembly. Isa ka sa lumutang talaga, Chloe," papuri ni Joshua
sabay kindat habang nakasandal ang ulo sa mga binti ni Tristan.

Nasa likod sila ng isang truck na umaandar sa kalagitnaan ng bilog na buwan.


Nagkangitian si Millie at Chloe. "At bakit mo naman nasabi yun?" pagpatol ni Chloe.

"Ang ganda mo kaya! Usap-usapan ka kaya sa Academy!" Umikot naman ang mata ni
Tristan kung saan natawa naman ang magkaibigan.

"Sorry, pare, pero kasal na yan."

"Ay oo nga pala. Kamusta pala ang honeymoon, ha?"

"Alam mo ang kulit mo, Josh!"

"Oo nga, Joshua. Nagseselos na ang partner mo o," asar ni Millie.

"Oo nga, Joshua. Ako naman kasi ang interview-in mo," sakay naman ni Tristan kaya
nagkatawanan sila.

***

"So baby, ready ka na ba?" tanong ni Jonathan sabay taas ng dalawang kilay. Binato naman
siya ng unan ni Chloe na nakaupo na sa kama.

"Ang bastos mo talaga no."

"Joke lang!" Natatawa itong tumungo ng banyo.


"Jon, ano ng mangyayari ngayon?" pahabol niyang tanong.

"Buong akala ko ay ayaw mo ng honeymoon?"

"Urgh! Jon! Seryoso!"

"Hahaha! Ipagdasal na lang natin na makuha ko pa rin ang korona." Lumabas ito na ang
tanging saplot ay tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya. Butil-butil ng tubig ang nag-
uunahan sa maputla niyang balat. Hindi na lang siya pinansin ni Chloe at nagpatuloy sa
pagbabasa ng librong iniregalo sa kanya ni Tristan, It ni Stephen King, isang tao na
namuhay bago sila manalo sa giyera.

Ang natanggap naman niya mula sa bampirang doktor ay isang bronseng susi na sa ngayon
ay hindi pa niya naiintindihan ang ibig sabihin.

***

"Sa tingin mo susunod talaga yung partner mong maarte?" ani Joshua.

"Sabi niya eh. Ayaw naman siguro niyang mabagsak itong proyekto."

"Kung bakit kasi kailangan niyo pang kumuha ng bagay na iyon!" reklamo ng dwende.

"Huwag kang mag-alala. Madadaan naman yan sa usap. Tsaka mababait naman ang mga
yun," paliwanag ni Tristan. Napataas ng kilay si Joshua at napaupo na din.

"Woah. May kilala kang mga ganun?"

"Kaya nga sabi ko sa inyo ako na ang bahala eh. Haha!" Napa-scoff naman si Chloe.

"Malamang may kilala siyang mga ganun," bulong nito sa sarili.

"Ano yun, Chloe?"

"Wala, Tristan. Malayo pa ba?"

"Dapat nagpahatid na lang tayo kay Adolfo. Mas mabilis pa. Hmmp!"

"Meron ka ba, maliit na nilalang?" pangangantiyaw ni Joshua. Ibinaba sila ng


nagmamaneho sa isang gubat malayo sa siyudad. Nagkasunduan sila ni Tristan na
tatawag silang muli kapag magpapasundo na. Mabilis nilang natawid ang gubat papunta
sa isang anyong tubig. Para itong may mga kristal sa ilalim ng liwanag ng buwan at
bunga na rin ng linis nito. Sa taas nito ay may nagsisihulugang tubig din. Tila walang dulo
ang anyong tubig sapagkat nakakonekta ito sa karagatan.

"Sigurado ka bang may mga sirena dito?" bulong ni Chloe sa tao.

Napatakip silang tatlo ng tainga ng makarinig ng matining na sigaw. Nasundan pa ito ng


mga tatlo pang matitining din na boses.

"M-mislaysh deb orakh!" sigaw na tawag ni Tristan na nakapikit na sa sakit gaya ng mga
kasama, "May usapan kami ng isa sa inyong kapatid, si Elena!" Nawala ang mga sigaw at
gumalaw ang tubig.

Lumutang dito ang isang babae na may itim at mahabang buhok, maputi at makinis na
balat, at kung anu-anong ornamento sa buhok. Tila wala rin itong saplot sa katawan
ngunit hindi masigurado ni Joshua dahil ulo lang nito ang nakalutang.

"Si Elena? Kailan naganap ang usapang iyan?" tanong ng babae na may normal namang
boses.

"Holly!" May lumitaw pang isang babae, "Mga bampira ang mga iyan! Tara na't humayo!"

"Sandali!" Ngunit hindi nila tinugon ang tawag ni Tristan. Naguguluhang nanonood ang
tatlo niyang kaibigan ngunit hindi na nakapagtimpi pa si Chloe at lumapit.

"Holly!" Napatigil ang babae sa tawag niya. Unti-unti pang lumapit si Chloe hanggang
nakalubog na ang kalahati ng kanyang katawan sa tubig at wala ng limang pulgada ang
layo nito sa kanila dahil pinapanood lang nila si Chloe. Napagtanto ng tatlo na gumagamit
ito ng compulsion. "Pakinggan niyo kami. Wala kaming hangaring masama."

Dahan-dahang tumango si Holly. Umiling naman ang kanyang kasama. "Mukhang


nagbunga ang pagtuturo ng bruha sa kanya," komento ni Millie.

"Lapastangan! Hindi tatalab samin ang mga salamangka niyong bampira!" Wala ng
nagawa si Chloe ng hatakin siya nito pailalim sa tubig. Hindi nito akalaing malakas ang
babaeng kasama ng sirena, na isang berberoka, kaya hindi rin niya magawang umangat
sa tubig. Hindi man na humihinga ang mga bampira ay tiyak na hindi na kakayanin ng
katawan niya ang matinding pressure sa ilalim ng karagatan lalo na at mabilis din ang
paglangoy ng berberoka papunta dito.

Pakiramdam niya din ay naririnig niya ang pangungutya sa kanya nito dahil wala siyang
magawa. Sunod na lamang niyang naramdaman ang mainit na bisig ni Tristan at ang
malambot na lupang pinaglagyan sa kanya habang inuubo niya palabas ang nainom na
tubig.

"Chloe! Ayos ka lang ba?!" pag-aalala ni Tristan.

"Dude, gising! Hindi ka pa pwedeng mawala!"

"Ang oa niyo." Umubo pa siyang muli habang gumaan na ang pakiramdam ng mga
kasama. Naririnig niya ang pagtatalo ng dalawang babae kung saan kinukumbinse ni
Holly si Attila na baka matulungan sila ng mga bampira at pinapagalitan naman siya nito
sa pagsagip kay Chloe.

"Si Chloe ay ang asawa ng hari ng mga bampira! Mananagot tayo kapag may mangyaring
masama sa kanya! Bukod dun, makakatulong siya sa paghahanap kay Elena!"

"Mananagot? Ni hindi nga naliligo ang mga iyan, paano nila tayo maaabot sa ilalim ng
karagatan?!"

"Ha! Excuse me!" angil ni Joshua na hindi sang-ayon sa narinig.

"Isa pa, kailanman ay hindi mapagkakatiwalaan ang mga bampira!"

"Kaya't isusuko na lang natin ang paghahanap kay Elena?"

"Sandali," sabat ni Tristan, "Gaya ng sinabi ko kanina, kaibigan ko si Elena at nais kong
makatulong. Ano ba ang nangyari sa kanya? Noong nakaraang linggo lang ay pinadalhan
pa niya ako ng mensahe sa tulong ni Fauze."

Nagkatinginan ang dalawang nilalang ng tubig. Bumuntong-hininga si Attila na siyang


naging hudyat para kay Holly upang magpaliwanag, "Nakabalik si Fauze sa kaharian na
malalim ang sugat. Hindi na siya nakapagpaliwanag pa bago tuluyang mawala. Tsaka pa
lang namin napansin ni hindi pa din nakakabalik si Elena mula sa kanyang trabaho sa
paghahanap ng mga kayamanan sa mga lumubog na barko. Ilang araw na rin ang
nakalipas."

"Sigurado akong bampira ang may pakana nito," parinig ni Attila.

"Tutulong din ako," singit ni Chloe, "Pati ikaw Mils, diba?"

"Ha? Pati ako?"


"Hindi niyo naman kami pinapakialamang mga nasa lupa. Hindi tamang pakialaman din
namin kayo. Bilang pasalamat ko na din kay Holly, iniaabot ko ang kamay ko sa inyo."
Halatang nagliwanag ang halos wala ng pag-asang mata ni Holly sa narinig. Nais sana
niyang yakapin ang bampira ngunit mahirap dahil wala siyang mga binti.

"O... kay.." unti-unting umaatras si Joshua ng mahagip ni Tristan ang damit nito.

"Hahayaan niyo ba kami, Attila?" tanong nito sa muntik ng kumuha ng buhay niya.

"May magagawa pa ba ako?"

-----

A/N Ang berberoka ay halimaw-tubig na kilala sa Abra, Apayao at Ilocos Norte.


Naninirahan anv mga tusong ito sa lawa at ilog kung saan binibiktima nila ang mga
mangingisda. Hinihigop nila ang tubig hanggang sa madali ng makita ang isda. Paglapit
dito ng mga mangingisda, gagamitin ng mga Berberoka ang hinigop na tubig upang
pataubin ang bangka at lunurin ang mga biktima nito.

Chapter 18

Lulan ni Adolfo ay pabalik sina Chloe, Joshua at Millie sa mansyon ng mga Monroe's.
Walang nag-iimikan hatid na din ng bigat na dala nilang pangako kila Holly at Attila.

Hindi na nila kasama si Tristan dahil kinakailangan nitong tumungo kay Zachary para sa
dugo nito lalo na't kasama pa nila si Joshua. Mahirap ng mabuko pa siya.

"Salamat, Adolfo. Maaari bang hintayin mo na lang kami dito?" pakiusap ni Chloe
pagkababa ng karwahe.

"May magagawa pa ba ako?" masungit na bitiw nito.

Namamanghangang pumasok si Joshua kasama ang dalawang babae. Bagama't isa siyang
tanyag din na pureblood ay hindi pa rin ito makukumpara sa kapangyarihan ng mga
Monroe at yaman nito.

"Wow Chloe. Paalala mo sakin lagi na iba pala ang level mo," biro nito habang ang mata
niya'y umiikot sa bagong kapaligiran.

"Oo, kaya kapag papasok siya dapat nay red carpet ka na laging nakahanda."

"Loko talaga kayo."


"Welcome, Joshua Connor, to our humble abode!" anunsyo ni Jonathan habang bumaba
ng double staircase na siyang nagpatulala kay Joshua. Nakasuot siya ng puting long
sleeves na bukas ang unang tatlong butones at itim na pantalon. "At hello sayo, maganda
kong asawa."

"Jon, kailangan namin ang tulong mo," walang kung anong pahayag ni Chloe na
nagpasimangot sa royal.

"Minsan ka na nga lang umuwi ay sa ganyang kadahilanan pa. Nakakapangtampo ka na,


honey." Napaikot ng mata si Chloe, "Joke. Sumunod kayo sakin sa office ko." Napa-giggle
ng mahina si Millie sa lakas ng kaibigan sa kinatatakutang si Jonathan at hindi pa din
makapaniwala si Joshua kaya tahimik lang silang sumunod.

Ipinaliwanag nila ang mga pangyayari kay Jonathan na taimtim na nakinig. Tutulong din
naman ito ngunit binantaan na sila na marami talagang purebloods ang mapaglaro sa
ibang mga nilalang gaya ng mga sirena. May black market nga para dito na hindi
pinapakialaman ng mga elders.

"Magtatanong-tanong ako. Ngunit Chloe, pagkatapos nito, hindi ka na dapat sumali pa sa


mga bagay na hindi ka naman kaugnay. Ang black market ay nariyan na ng mahabang
panahon. Kahit pa may mailigtas tayong isang sirena, wala pa ring magbabago.
Magpapatuloy lang ang talamak na pandudukot at pagbebenta ng kalayaang hindi
naman sa kanila."

"Hindi pa rin natin ito dapat ipagsawalang bahala." Napataas ang isang kilay ni Jonathan.
"Siguro sinadya ng pagkakataon na mapunta ako sa Akademya, na ibigay sa amin ang
proyektong ito. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin, pero hindi ako papayag sa
ganitong sistema!"

"Ah Chloe, Mr. Monroe, lalabas muna ako para magpahangin!" paalam ni Joshua na
nararamdaman ang nalalapit na iringan.

"Sasama na din ako. Hihi!" dagdag pa ni Millie na sumunod na kay Joshua.

"Bago kita makilala, isa ka lang bampira na walang tanging hangad kundi manatiling
isang anino. Ngayon, pagkatapos ng isang engkwentro dahil sa proyektong makahanap
ng rare object ay handa kang itaya ang buhay mo para mangialam sa sistemang nariyan
na bago ka pa isilang?"

"Malaki na ang nagbago, Jon. At oo. Kibit-balikat kong itataya ang buhay ko para lang
matulungan ang mga walang laban." Napangisi ang kanyang asawa.
"Mabuti. Pareha tayo ng hangarin. Hindi ako nagkamali sa pagpili."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gagawin ko ang lahat para maging hari, Chloe. Lahat."

***

Isang batang Tristan na naka-pantalon lamang ang tumatakbo sa bundok ng Adlerian isle
ng mga Ashbourne kasama ang iba pang mga batang Debonairs. Dilaw ang mga mata ng
mga ito at matatalim ang kuko. Mabilis pa sa hangin ang pagkilos nila paakyat ng bundok.
Una siyang nakarating at umungol ng malakas sa pagmamayabang hanggang dumating
ang mga kasama.

"Magaling, Tristan! Matutuwa ang iyong ama!" papuri ng isang lalaking nasa 40's na niya,
may kayumangging balat at wala ring saplot pantaas.

"Ha! Ako pa ba, Roland?" Ngiting-ngiti nitong pagmamalaki kaya naman ginulo ni Roland
ang mahaba nitong buhok sa ulo. Umupo siya sa isang malaking bato at ang mga bata
naman ay umupo sa lupa sa harapan niya. Nakatapat sa kanila ang liwanag ng buwan.
Malamig man ngunit hindi nila ito alintana dala na rin ng pagbabago sa kanilang katawan.
"Kailan ba tayo maaaring lumabas ng bakod?" walang bahid ng malisya niyang usisa.
"Hindi ba't kaya tayo nagsasanay ay para makalabas ng bakod? Tapos ng isla?"

"Tama ka. Ngunit hindi pa ito ang takdang panahon. Sa liit ba naman ng mga katawan
niyong yan eh!" Inangilan siya ng malakas ni Tristan at siya'y napahalakhak.
"Nakakatakot!"

"Hindi ba't kakampi naman natin ang mga Ashbourne? Hindi ba't malalakas silang tunay?"

Bumuntong-hininga ang lalaki, "Wala na ang mga Ashbourne, iho. Tayo na lang ang
natitirang pag-asa."

"Imposible! Imposible yan! Sabi ni ina, ang Ashbourne clan na tagapagtanggol natin noon
ay isa sa pinakamalalakas na angkan ng mga bampira! May dugo sila ng Diyos! Ililigtas
nila tayo gaya ng laging ginagawa ng mga Diyos!"

"Kumalma ka, Tristan. Hindi ganoon kasimple ang mga bagay-bagay. Wala na sila ngunit
may isa pang natitira sa angkan nila. Siya ang huli nating pag-asa. Kaya pagdating ng
araw, gagawin niyo ang lahat para protektahan siya. Dahil nasa dugo niya ang sagot."

***

Ika-18 kaarawan ni Tristan at naroon lahat ng mahahalagang tao sa buhay niya. Sa


kasamaang palad ay sumakabilang buhay na rin si Roland dala ng katandaan. Isang
kalidad na wala sa mga bampira.

"Maligayang kaarawan, anak," malamig na bati ni Anderson.

"Salamat ama. Hindi lang sa handa kundi sa lahat-lahat."

"Walang anuman. Hindi ko nais sabihin ito sayo sa gabi ng iyong kaarawan ngunit
kailangan. Napag-alaman namin na bumalik na si Chloe."

"Chloe?"

"Ang huli sa angkang Ashbourne," nanlaki ang mga mata ni Tristan. Bagama't kabataan pa
niya noong huling narinig ang apelyido ay nakatatak na ito sa isip niya bilang kanilang
tagapagligtas laban sa mga bampira.

"Ganoon po ba? Anong kailangan kong gawin?"

"Protektahan mo siya, anuman ang mangyari." Bumalik ang mga alaala ng huli nilang
pagkikita ng kanyang ama sa isipan ni Tristan habang nakasakay ng motorsiklo. Huminto
siya sa gitna ng kalsada at naglakad na patungo sa isang mansyon. Umakyat siya sa mga
puno para mamataan ito ng maayos.

Tila may nagaganap na kasiyahan sa balkonahe ng nasabing mansyon kaya tinawagan


niya na sila Chloe.

"Hello?"

"Chloe? Andito na ko sa Baer Manor. Papasok na ko para mahanap si Elena."

Chapter 19

"Sige. Mag-iingat ka ha."

"Okay. Bye." Itinabi na din ni Chloe ang cellphone habang sakay ni Adolfo.

"Nag-aalala ka ba para kay Tristan?" tanong ni Millie.

"Oo naman. Masyado ata akong naging makasarili."


"Desisyon niyai to, Chloe," sabi ni Joshua, "Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo."

"O baka naman nagseselos ka dahil super concerned si kuya dun sa Elena!" tukso pa ni
Millie.

"Ha? Saan mo naman nakuha yan?" naiilang na pagtanggi ni Chloe sabay sulyap sa
lalaking kasama.

"Biro lang. Para lang ma-relax ka. Hihi!" Nakarating na rin sila kung saan naroon ang
motorsiklong naiwan ni Tristan. Madilim ang paligid lalo na't napapaligiran ng mga puno
ang kalsada kaya nananaig ang liwanag ng mansyon kung saan tila may dinadaos na
kasiyahan dahil sa ingay.

Sinubukan uling tawagan ni Chloe si Tristan ngunit hindi ito sumasagot at panay ring
lang ang telepono. Kung may puso lang siya ay malamang kumakabog na ito sa kanyang
dibdib ng malakas sa kaba.

Tsaka naman siya nakatanggap ng mensahe.

Kasama ko na si Elena. Problema na lang namin ang paglabas. Gumawa kayo ng dibersyon.
-Tristan

Tila may kung anong bigat na nawala kay Chloe sa nabasa.

"So nasa Baer's pala talaga si Elena. Tss," komento ni Joshua. Nagkaroon sila ng
kasunduan sa gagawin at dumeretso si Chloe sa gate ng mansyon para kumatok.
Pinagbuksan din siya kaagad ng isang turned vampire at walang salitang nagpalitan sa
kanila sa pagpasok nila sa loob. Papalapit pa lang ng pinto ay naaamoy niya na ang
maalinsangang pagpapalitan ng dugo ng mga bampira.

"Pasok," inilahad ng turned vampire ang kamay sa pintuan bilang senyales na maaari
niya itong buksan. Laking pagkabahala ni Chloe ng bumungad sa kanya ang mga
bampira sa loob na nakaabang sa pagpasok niya sa pintuan na tila ba alam nilang
darating siya.

"Welcome, Chloe Ashbourne! It's a real honour to have you here!" bati ng isang makisig
na binatang may dilaw na buhok at puting kasuotan na gaya ng kay Elvis Presley. Wala
siyang maisagot kahit pa nung lapitan siya nito at hawakan sa likod upang gabayan
papaloob, "Ah, forgive me. It's Monroe now, isn't it?" Tumango siya ng may alinlangan.

"Schuck, you mongrel. Won't you introduce yourself?" dagdag ng isang dalagang pamilyar
ang boses kay Chloe. Naroroon si Margeau na nakahiga sa isang pulang leather couch at
naka-bun ang buhok. Nakapula rin siyang dress na may mahabang slit sa binti.
"Schuck Baer, at your service!" yumuko ito at nag-bow na para siyang royalty. Bumalik na
sa naudlot na kasiyahan ang mga bampira. Lumapit si Schuck kay Margeau at
nakipagpalitan dito ng malalim na halik.

"Manonood ka na lang ba dyan? I knew you'd come, partner," usal ni Margeau na may
halong iba sa likod ng mga mata niya.

Ito ba yung party na sinasabi niya? Kala ko ba sa kanila magaganap yun! Teka, kaya ba
niya kami hindi sinamahan dahil dito?! pagtataka ni Chloe sa isip.

"Heeey, Chloe," tawag ni Schuck, "Come, come. Give this a shot." Nilapitan na naman siya
nito at hinatak sa couch sa gitna nila ni Margeau. Sa round table sa harap nila ay may
balot ng clear crystals at kutsilyo. Dumurog si Schuck ng ilan at kumuha gamit ang
kutsilyo tsaka inilapit ito sa mukha ni Chloe na naguguluhan pa din kaya tinanguan niya
ito, "Go on. Just.. one quick whiff." Natawa naman ng mahina si Margeau.

"Maybe next time?"

"Boo! You're such a sore one, aren't ya!" Nangingilabot na si Chloe sa mga nasasaksihan.
Wala rin siyang alam kung ayos na ba si Tristan o kung paano makatutulong dito.
"Y'know what, this party's getting dull. May sorpresa ako sa inyo, guys!" Nagsihiyawan
naman ang mga bampira.

Kinutuban ng masama si Chloe at alam niyang dapat kumilos na siya.

"W-wait!" Agad tumayo si Chloe at hinaltak ang collar ni Schuck papalapit sa kanya.
Ibinaon niya ang matatalim na pangil sa leeg nito na ikinagulat ng karamihan kahit
nagaganap na ito sa pagitan nila kanina pa.

"She does have it in her.." rinig niyang bulungan ng mga ito. Napaungol naman si Schuck
sa sensasyon. Hindi niya na kaya ang ginagawa at binitawan na ang lalaki tsaka tinulak
ito papalayo sa dibdib.

"Not fair. Not fair at all," sabi ni Schuck habang papalapit sa kanya na tila may gutom sa
mata.

"I have to leave." Agaran niyang ikinilos ang mga paa para umalis ngunit may pumigil sa
kanya at hinawakan ng mariin ang kanyang braso. "Bitawan mo ko, Margeau."

"Narinig mo siya. Hindi naman patas kung kukuha ka lang."


"Kukunin ko kung ano ang gusto ko!" Sinuntok niya ang magandang mukha ni Margeau
kaya nabitawan siya nito at nakatakbo. Hindi niya alam kung saan nahugot ang tapang
pero humahagikhik siyang tumungo sa gate. "Ang saya nun ah!" Bubuksan na niya ang
gate ng tumunog ito ng malakas dahil sa pwersa ng pagtulak ni Margeau na halatang galit
na galit sa kanya, at nakaharang da dadaanan niya.

Nakasunod na din ang ibang bampira at si Schuck na ang tanging interes lang ay
panoorin ang magaganap na laban.

"May usapan tayo, Margeau. Hindi ko na nga ikinagagalit ang pagpapalit mo samin para
makisaya dito!"

"Sa inyo? Kailan ba kayo, kailan ka ba nagkaroon ng puwang sa akin?" sarkastikong


tanong nito bago siya muling itulak dahilan para masaktan ang bandang dibdib niya na
hindi na niya pinansin para bumangon.

"Aalis na ko. Para walang gulo."

"Not without my consent!"

Chapter 20

Muling kumalembang ang gate sa pagkakabukas at tumambad sa kanila ang isang


motorsiklong may dalawang sakay. Ang isa'y isang naka-helmet na lalaki at ang isa
nama'y si Joshua na angkas nito.

Nawala ang tapang ni Joshua ng makita si Margeau na handa ng atakihin si Chloe pero
nagsalita pa rin siya na may halong nginig pa, "P-pinapasundo na siya!"

"Nino? Ni Jonathan?" tanong ni Schuck na naaasiwa sa tunog ng pangalan.

Nagtanggal ng helmet ang isang lalaki na si Tristan pala at hindi na ni Chloe napigilan
ang ngiti sa labi, "Hindi. Ako." Pinanood nilang umangkas rin si Chloe sa gitna ng
dalawang lalaki at umalis.

Bumalik sila kung nasaan si Adolfo kung saan nag-aantay na rin ang sirena kasama si
Millie. Agad-agad na silang umalis bago pa magbago ang isip ni Margeau at sundan sila.
Nagtatawanan silang bumalik sa lawa kung nasaan nag-aantay sila Holly habang
ikinekwento ni Chloe at Tristan ang mga nangyari.

"May itinakas ako," kumindat si Tristan kay Chloe habang nakaangat ang isang bote ng
vodka.

"Whoo!" "Nice one, buddy!" hiyaw nila Millie at Joshua.

"Wow. Seryoso kayo?" natatawa pa ring pagkukumpirma ni Chloe samantalang


binubuksan na ni Tristan ang bote.

"Share-share na tayo sa bote ha!" sabi nito.

***

"Ang dami mo ng utang sakin, Tristan!" paalala ni Adolfo habang bumababa ang mga ito.

"Wag kang mag-alala, kaibigan. Doble-doble pa ang balik nito," sagot nito habang
binubuhat ang sirena ng pangkasal na hindi nakaiwas sa pansin ni Chloe.

"Siguraduhin mo lang!" wika nito habang papaalis.

"Hindi pa ko nakakapagpasalamat sayo, Tristan. Pati sa mga kaibigan mo," sabi ng sirena
na nakapulupot ang dalawang braso sa leeg ng lalaki.

"Wala yun. Ano pa ba't magkaibigan tayo?"

Pabirong tinapik ni Millie ang pisngi ng kaibigan na kunwa'y pinapagaan ang loob nito.
Umiling lang ito na parang walang alam.

"Elena!" nananabik na tawag ni Holly. Pagkababa ni Tristan dito sa tubig ay agad


nagyakapan ang tatlong mga lamang-dagat. Pagkabitaw nila sa isa't isa ay humarap si
Attila sa mga bampira na nakakunot ang noo.

"Mukhang.. nagkamali ako sa inyo. Humihingi ako ng tawad. At tinatanaw ko itong isang
malaking utang na loob, reyna ng mga bampira, Chloe." Tumango naman si Chloe.

"Teka, Elena. Siya ba yung kinekwento mong gwapong tagalupa?" malakas na bulong ni
Holly na tinutukoy si Tristan.

"Hahaha oo. Nahuli niya akong pinapanood siyang naliligo dito rin mismo!"

"Buti nga napagtanto ko kaagad na isang maamong sirena lang pala iyon," naaaliw na
kwento ni Tristan habang inaalala.
"Eh wala ka naman palang pinagkaiba kay Jon, Tristan!" pahagip ni Millie.

"Anong ibig mong sabihin?" nalilito nitong usisa.

"Huwag mo siyang pansinin," depensa naman ni Chloe.

"Ano nga bang kailangan niyo at ninais niyo kong kausapin?" mabait na tanong ni Elena.
Umalis sila ng lawa na may dalang kaliskis ng buntot ng sirena at boses nito na nakalagay
sa isang shell. Tag-isa para sa bawat magpartner.

"Yo. Itutuloy na ba natin ang vodka mga kaibigan?" pahapyaw ni Joshua na sinang-
ayunan ng lahat habang nasa likod ng truck.

"Ang swerte ng Margeau na yun! Wala namang naitulong!" angal ni Millie na nasa tabi
lang ng bote.

"Sana nga ikaw na lang ang partner ni Chloe," dagdag pa ni Tristan.

"Hayaan niyo na. Kung hindi naman siya pikunin baka hindi ko nakuha ang atensyon
nila, diba? Hahaha!"

"Kung ako rin naman ang nakatanggap ng solid hit sa mukha, hindi lang ako mapipikon!"

Ibinaba na nila si Joshua at hinatid na din ni Tristan ang dalawa sa Neilson Manor.
Nauna ng umakyat si Millie dahil sa pagkahapo ng katawan. Napatakbo si Tristan sa
halamanan para sumuka. Halata sa kanya ang paghihirap, bakas sa mukha ang sakit na
pinagdadaanan at pilit itinatago.

"Ayos ka lang?" Lumapit si Chloe sa kanya at hinawakan ang kanyang likod sa pag-aalala
ngunit nabigla ito sa amoy na nalanghap niya. Amoy ng sariwang dugo ng tao. Bumitaw
ito at napaatras. Napansin naman ito ng lalaki.

"Eh ikaw ayos lang?" mahina ang tawa ni Chloe dahil na rin sa hindi niya gusto ang
nararamdamang pagkauhaw para sa dugo ng matalik na kaibigan. "Gusto mo bang
uminom? Napansin ko na parang may iniinda ka sa bandang baga mo."

"Okay na ako, Tristan. Salamat," naiinis niyang sagot. Hindi niya mawari kung bakit
iisipin ni Tristan na tatanggapin niya kailanman ang dugo nito at nasaktan dito. "Good
night. Mabuti pa't umuwi ka na. Baka nag-aantay si Sabrina."

"Siguro nga. Sige. Paalam." Nakaramdam naman ng sakit sa puso si Chloe sa narinig at
kumpirmasyon na may malalim na relasyon nga ang dalawa at nakatira pa sa iisang
tahanan.

Binati niya si Wilson paakyat ng kwarto. Pagkasilip niya ay tulog na rin si Millie habang
si Ariel naman ay hindi maistorbo sa kung anumang ginagawa sa netbook niya. Lumabas
muna siya para magpahangin tsaka napansin na bukas pa ang opisina ni Delphine.

Lumabas mula dito ang Madame at ang bampirang doktor.

"Uh.." para siyang kriminal na nahuli sa akto kahit hindi naman niya alam kung bakit.

"Hello, Chloe," bati ni Delphine.

"Hi."

"Sige, Delphine. Mauuna na din ako," paalam ni Zachary.

"Mag-ingat ka sa daan," kinikilig pang sagot ni Delphine kung saan gustong umasim ng
mukha ni Chloe.

"Maaari mo ba kong ihatid palabas, Chloe?" Nagulat ang dalawang babae at nawala ang
galak sa mas matanda.

"Walang problema sakin."

Tahimik ang paglalakad ng dalawa pababa ng gusali.

"Ayos ka lang ba?" Biglang tanong ng doktor.

"B-bakit?" Dahan-dahan siyang iginilid nito at hinawakan ang tagiliran. "Anong ginagawa
mo?!"

Bumuntong-hininga siya, "Kailangan kitang maayos. Anong nangyari dito?" Diniinan niya
ang pagkakahawak kaya napakislot si Chloe. "Patawad."

"Ayos lang."

"Hindi mo dapat inaabuso ang katawan mo."


"Ano ka ba? Nakalimutan mo na bang bampira tayo?" biro nito.

"At nakalimutan mo na bang isa akong bampirang doktor?" Nagkangitian silang dalawa.
"Simula ng mawala ang mga tao, naging mahina na rin tayo. Minsan akala natin hindi na
natin kailangan ang mga bagay-bagay, hanggang sa unti-unti na itong nawawala satin."
Pagkalabas nila ay nagharap silang dalawa. Hinawi ni Zachary ang buhok ni Chloe sa
likod ng kanyang tainga.

"Wala kang amoy ngayon a." Natawa ang doktor. Yumuko ito ng dahan-dahan para
halikan si Chloe sa labi na hindi niya tinanggihan. Halos daplis lamang ito hindi gaya ng
nauna pero may kakaibang bumalot pa din sa kanilang dalawa. Kuryente na nagpakiliti
sa mga puso nila.

"Mahal kita, Chloe. Kung ayos lang sana, nais kong higit pang maiparamdam sayo tio. Mas
makasama ka lagi."

"Inaaya mo ba ko maging girlfriend?" pang-aasar nito.

"Girlfriend?" inulit niya, "Parang ganun na nga."

"Kahit pa may asawa na ko. At ito pa ay ang magiging hari ng mga bampira. Hindi ka ba
natatakot?"

"Isa lang ang kinakatakot ko at iyn ay ang mawala ka." Napangiti si Chloe bago siya
naman ang magbigay ng halik kay Zachary. "Oo ba yun?"

"Ano ba sa tingin mo?"

Nagtama ang kanilang mga noo sa lapit ng mukha nila sa isa't-isa habang nakapalibot
ang braso ni Chloe sa leeg niya.

"Ngayon tara na sa aking laboratoryo ng matignan yan."

Chapter 21

Maganda ang pagmulat ng mata ni Chloe ng hapong iyon at agad itong nahalata ni Millie
at Ariel pero wala ng nagkomento. Bumaba na sila para kumuha ng rasyon ng dugo para
sa dalawang bampira habang gulay naman kay Millie. Pagkakain ay bumalik na si Ariel
sa kanilang kwarto gaya ng dati at naglakad-lakad naman sina Chloe gaya ng nakagawian
para kay Millie.
"Ano bang nginingiti-ngiti mo dyan babae?" usisa ng dwende.

"Walaaa~" pakanta niyang sagot.

"Aba, naglilihim ka na ah!" Piningot niya ang tenga ni Chloe.

"Aray naman! Mamaya na lang, pagready na ko."

"Hala, ang harot!"

"Basta kasi!" Sa gitna ng paglalakad nila ay may humintong itim na sasakyan na sigurado
siyang nakita na niya noon. Bumaba ang bintana at natuklasan nilang si Sabrina pala ito
na naka-itim din na aviator.

"Hi, Chloe. Pwede ka bang nakawin saglit?"

"Excuse me?" Kinrus ni Millie ang mga maliliit na braso, "Dumaan ka muna sa manager
niya, iha!"

"Behave, Mils. Bakit, Sabrina?"

"Malalaman mo rin," binaba nito ang shades at kinindatan siya. Naalala niya si Tristan sa
kilos na iyon. Nilingon ni Chloe ang kaibigang nasa balikat na inilingan siya. Binaba niya
ito sa lupa.

"Kita na lang tayo mamaya," paalam nito habang papasakay sa passenger's seat. Itinaas
uli ni Sabrina ang mga bintana.

"Sige. Ingat!"

Palubog na rin ang araw ng iikot siya ni Sabrina sa bayan. Napansin niyang nagsisimula
ng magsibukasan ang mga bintana ng mga bahay at gusali. Isa na namang araw iyon
para sa mga bampira.

"Tahimik ka pala ano?" panimula ni Sabrina habang ang mga mata niya'y hindi nililisan
sa kalsada.

"Honestly, wala rin naman kasi akong sasabihin," diretso nito ng matulis na liko ang
ginawa ng kasama dahil may papaabante sa kanilang rumaragasang sasakyan.
"Pwede ka namang magtanong kung wala kang sasabihin." Napalanghap si Chloe
pagkalingon sa kasama at tsaka naamoy ang pamilyar na dugo ng tao. Nanlisik ang mata
niya at tila may sariling isip ang mga kamay na pinipigilan niyang hawakan si Sabrina.

"I-isa kang tao!"

"Tanong ba iyan?"

"Sabrina!" Hininto niya bigla ang sasakyan at hindi namalayan ni Chloe na dinala pala
siya nito sa isang bar. "Nababaliw ka na ba?!" Tinigasan pa niya ang kapit sa seatbelt na
unti-unti ng napupunit sa pwersa. Walang sabi-sabi'y bumaba ang tao.

Napansin ni Chloe ang isang lalaking turned vampire na papalabas sa bar at napababa
rin sa namumuong pagkabahala. Mapusok at mapang-akit ang paglapit ni Sabrina dito na
siguro'y naguguluhan din sa nalalanghap niyang amoy ngunit hindi kagaya ni Chloe,
hindi nito nilabanan ang pagnanasa.

"Shit," bulong nito, "Sabrina, tara na!" Sinunggaban ng lalaking bampira ang buhok ni
Sabrina upang ilapit ang mukha niya dito pero bago pa mahuli ang lahat ay nilaslas ng
tao ang leeg niya ng isang patalim nakasukbi sa kanyang kamay, tsaka siya tinulak sa
lupa at sinaksak sa noo na dahilan ng pagkamatay nito. Hinila naman siya ni Chloe sa
braso at kinaladkad pabalik ng sasakyan na halatang naiinis. "Ano sa tingin mo ang
ginagawa mo?!"

Tinawanan siya nito, "Relax! Alam ko ang ginagawa ko."

"Ganun ba kasi parang wala pang limang minuto ng muntik ka ng mamatay! O mas
malala, naging bampira ka!"

Pinagriin ni Sabrina ang mga labi sa pag-aantay na humupa ang galit ng katabi. "Nakuha
mo ba kung bakit ko ginawa yun?"

"Ah, so sadya pala iyon! Ha! May saltik ka na."

"Chloe. Nanghihina na kayo. Ni hindi nga ako isang Debonair pero nakita mo naman ang
nangyari."

"Hindi ba pwedeng istupido lang ang bampirang yun?" Gamit din ang napunasan ng
patalim, sinugatan ni Sabrina ang palad na ikinagulat ng husto ni Chloe. Parang
nagdidilim ang paningin niya at wala siyang ibang makita kundi ang palad. "Ngunit
mukhang mas stupido ka," dagdag pa nito na lumalim na ang paghinga.

"Kailangan niyo ng dugo. Dugo ng tao. The undead would not thrive without the living."
Inalok niya ang dugo sa pamamagitan ng paglapit ng kamay kay Chloe. Tinignan pa siya
nito na may pagdadalawang isip ngunit hinawakan din niya ang braso at tinanggap ang
dugo.

Unang beses pa lang niya makatikim ng dugo ng tao at hindi niya inaasahan na ganoon
na lamang ito kasarap. Hindi niya na makita ang sarili na umiinom pa ng iba, hindi
artificial blood at mas lalong hindi dugo ng hayop. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman
niya pag nariyan na lang si Tristan sa paligid niya. Mas lumakas ang senses niya at
parang punung-puno siya ng enerhiya. Kahit anong pagsipsip niya ay parang hindi
nawawala ang pagka-uhaw niya na hindi niya naririnig ang protesta ni Sabrina kaya
wala na itong nagawa kundi pwersahan siyang sipain sa tuhod.

"Woah!"

"May balak ka bang patayin ako?!"

Pinunasan ni Chloe ang labi habang bumabalik ang kamalayan niya. Iniiiwas niya ang
tingin sa palad na kanina lang ay sinisipsipan niya. "Patawad, Sabrina," sabi niyang puno
ng sinseridad at pagsisisi. Sana hindi na lang niya ito natikman. Natatakot siyang baka
hindi na siya maging gaya ng dati, lalo na sa paligid ng kaibigang lobo.

"Ayos lang. Gusto kong lumakas ka, at matutong magkaroon ng kontrol sa lakas na yun.
Naiintindihan mo naman kung bakit, diba?"

"Ayokong pag-usapan. Ihatid mo na ko. Please."

"As you wish."

***

Nasa labas ng Neilson Manor si Schuck na naka-cowboy suit. Mukhang galit ito kaya
dahan-dahan ang paglapit ni Chloe pagtapos silipin ang sasakyan ni Sabrina na nakaalis
na. Nakahinga siya ng maluwag.

"Chloe! Sa tingin mo ba hindi ko alam na nasa iyo ang aking pet!"

"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin," nilampasan niya ito pero mabilis ang paghawak
ni Schuck sa braso niya para iharap sa sarili niya.

"Huwag mo akong lokohin. Sinabi na sa akin ni Margeau!" Napaismid si Chloe sa narinig.


Ano pa nga bang inaasahan niya sa partner na walang dinulot sa kanya kung hindi
kapahamakan.

"O e ano kung nasa akin? May magagawa ka ba?" hamon nito.

"Ha! Huwag mong subukan ang pas-" Sinipa siya ni Chloe sa mukha pati na rin sa tiyan
kaya nabitawan siya nito at natumba.

"Wala akong panahon para sayo, Schuck."

"Gaaaah!" Inis na sigaw ng kalaban na nakaupo lang sa lupa. Tumayo siya at tinitigan ang
mata ni Chloe na biglang hindi makagalaw. Nagsilabasan ang iba-ibang nilalang sa
manor, pati na rin si Millie na tila wala sa sarili. Tsaka biglang inatake si Chloe ng isang
ogre. Nakaiwas naman siya dito ng malabanan ang compulsion ni Schuck.

Kahit pala loko-loko ito ganito siya kalakas? Ano pa si Margeau? Ano pa ang mga elders?

"Tama na to, Schuck!" sabi niya habang umiiwas sa espada ng isang mummy.

"Higit sa lahat, ayaw ko ng pinagnanakawan!"

Nasugatan bigla sa balikat si Chloe. Hinanap niya kung saan nanggaling yun ngunit hindi
matukoy. Nagkasugat naman siya sa pisngi, at sa tiyan.

"Millie? Itigil mo to!" Alam niyang walang silbi ang pagtawag. Sinubukan niyang
kontrolin ito ngunit nahirapan siya dahil hindi niya ito makita. Nadagdagan pa ang hiwa
niya sa dibdib habang umiiwas pa din siya sa ibang kalaban habang nakikinig sa
halakhak ni Schuck.

Tumingin siya sa puno ng bituing kalangitan at humiling ng tulong, umaasang didinggin


siya ni Tala. Nakaramdam siya ng kakaibang lakas. Humampas si Millie sa lupa at
nagsitigilan ang mga kalaban.

"Chloe!" Tumatakbong dumating si Tristan at humarang sa pagitan niya, at ng ogre at ni


Schuck. Umiilaw ng dilaw ang mata nito at wala siyang damit pantaas na pakiramdam ni
Chloe ay mas humubog pa ang katawan nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Chloe.

"May bumulong sakin. Nangangailangan ka daw ng tulong. Ewan ko pero nagmadali na


ko." Suminghap si Chloe ng hangin at napagtanto na nakatanggap na si Tristan ng dugo ni
Zachary, kaya hindi rin nito magagamit ang lahat ng lakas.

"Aba! Andito na naman pala si loverboy!" komento ni Schuck.

"C-chloe?" nagtatakang bumangon si Millie at tumingin sa paligid, "Anong nangyayari?"


Kinuha siya mula sa lupa ng kaibigan at napatiklop sa sakit ng katawan.

"Kapag hindi ka pa umalis, makakarating ito sa nakatataas," banta niya.

"Sinong nakatataas ang tinutukoy mo, ang mga elders na pinagbantaan mo?! Hahaha!"

"Hindi. Ako." Naging malalim ang boses nito at puti ang mata. Sa isang iglap ay napunta si
Chloe sa harapan ni Schuck at inikot ang ulo nito ng malakas na ikinabali ng leeg nito
nito at kinawalang-malay ni Chloe.

Epilogue

Ibinaba ni Chloe ang bouquet ng puting rosas na binili sa gitna ng mga puntod ni Louis at
Lorna. Hinawakan ni Zachary ang balikat niya para gumaan ang loob at humarap siya
dito para yakapin ang nobyo.

"Namimiss ko sila."

"Kung nasaan man sila, sigurado akong masaya silang ligtas ka."

"Sana tama ka, Zach." Lumingon siya muli sa puntod, "Mauuna na po ako. Kailangan ko
pang makibalita kay Tristan. Hindi ito palalampasin ng mga elders."

Hindi man niya kinwento sa nobyo ay nag-aalala rin siya sa kalagayan ng binata. Bago ito
sumaklolo sa kanya laban kay Schuck ay kasama nito si Holly. Sumulpot si Fauze bigla na
may dalang mabigat na balita, ang pagkasawi ni Attila, at ang dahilan nito ay walang iba
kung hindi si Elena. May teorya na sila kung bakit niya ito nagawa at dahil ay nakainom
ito ng dugo ng bampira. Siguro ay pinigilan siya ni Attila sa paghahanap ng paraan para
magkaroon ng binti at ito ang sinapit niya.

Kita ni Chloe sa mata ni Tristan ang dilim ng puso niya dahil sa trahedya. Hindi lang siya,
kundi maging si Millie ay nagbago.

Pagkabalik ng dalawa si Neilson ay nagkakagulo ang nga estudyante sa labas. May isang
itim na limousine din ang nakaparada sa harap kung saan aligagang nag-uusap si
Delphine at Wilson bago sila mapansin.
"Chloe! Buti nakabalik ka na!" sabi ni Delphine habang hinihila siya papaloob. Sumunod
naman sila ni Zachary ng tahimik. "Chloe, sa opisina ko. Ngayon na! Dr. Pierce, hindi ka
maaaring mangialam dito." Hinaplos ni Chloe ang kamay niya na paraan niya ng
pagsasabing kaya niya na iyon. Pumunta siya sa office ni Delphine kung saan naaamoy
niya sa malayo si Ariel, at isa pang hindi matukoy.

Pagkapasok niya'y bumungad sa kanya ang takot na kasama sa kwarto na nakaupo sa


harap ni Monica na walang ekspresyon sa mukha.

"Chloe Ashbourne, maupo ka." Tila pumait ang dila niya sa kaharap na elder. Hindi pa rin
niya nalilimutan ang nagawa nito sa mga magulang niya.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, elder Monica?" sarkastiko niyang usal.

"Nais kong ipaalam sayo na simula ngayon, magsisimula na ang trial mo sa pagkamatay
ni Schuck Baer. Anong masasabi mo?"

"Wala akong kasalanan."

"May mga ebidensya kami na nagsasabing may alitan kayong dalawa." Naging mainit ang
pagpapalitan nilang dalawa na walang magawa si Ariel kung hindi manahimik at maupo.
"Nagkataon ding may mga nakakita sa nangyari kay Schuck bago siya mawalan ng
buhay."

"Ganun ba? Bakit hindi niyo pa ipadakip ang may sala? Ako, sa hinala niyo." Doon kayo
magaling, hindi ba? Sa paggamit ng dahas..

"Sabihin na lang nating, binibigyan ka namin ng pagkakataon para maisalba ang iyong
sarili." Nadapo kay Ariel ang tingin ni Monica, senyales niya para umalis at kumaripas
siya palayo.

"Hindi ako papayag sa kahit anong kondisyong ibigay niyo sakin. Kinwento na sakin ni
Dr. Pierce ang tungkol kay Marissa!"

"Marissa?"

Nagkiskisan ang mga ipin niya sa galit sa pinapakita ni Monica na walang kamalayan sa
nangyari sa mahal niyang si Zachary. Gusto niya na itong sakalin ngunit ayaw ng
dagdagan pa ang kasalanan.
"Sana, Chloe, naiintindihan mo ng maigi ang sitwasyon mo. Kung normal na bampira ka
lang, matagal ka ng patay. Ngunit dahil sa huklubang si Reina at Jonathan Monroe,
nakakapaglakad ka pa din sa kung saan saan. Ngayon kung may mangyaring masama
sayo, sabihin na nating, bisitahin ka ni Mr. Baer, wala na kaming magagawa dahil hindi
pa tapos ang trial sayo.

Pero kung pakikinggan mo ko-"

"Ano ang kailangan mo, Monica?" nanggagalaiti niyang sabi. Sumandal muli si Monica sa
backrest ng sofa.

"Siguraduhin mong mawawala si Henry Vector at hindi na babalik."

* **

Nasa mansyon ng mga Vector's si Jonathan at nakikipaglaban ng billiard sa Elder na si


Henry. Dumating si Margeau kasama ang isang katulong na may dalang tatlong baso ng
dugo at hinalikan sa pisngi ang dalawang lalaki.

"Go babe," mahalay na bulong nito sa nobyo. Tinitigan siya ng kuya ng masama at natawa
ito, "Go kuya! Biro lang yun syempre."

"Narinig mo na ba ang balita?" panimula ni Henry pagkatapos tumira.

"Ano iyon?"

"Nag-aaklas raw ang mga taga-Timog. Mamaya ay magkakaroon kami ng usapin sa


magiging kilos."

"Iba ka na, pare. Ang mature mo na a."

Nangisi si Henry. "Eh ikaw lang naman itong hindi nagbabago, Jon." Napasimangot si
Jonathan pagkatigil pumuntirya ng bola at ganoon na rin si Margeau dahil alam niyang
hindi maganda ang nasabi ng kapatid.

"Kuya-"

"Sandali, Margeau. Anong ibig mong sabihin doon, Henry?"

"May usap-usapan sa aming mga elders. Hindi ka na raw makontrol ni Dylan. Iminungkahi
ko na hindi na muna ituloy ang pagkokorona sayo o kaya magkaroon ng ibang kandidato."
"Ano?!" "Kuya!"

"Lalayo ka na rin sa kanya, Margeau. Kaibigan kita at hindi magbabago yun pero una lagi
sa akin ang responsibilidad ko."

"Ano ba ang resonsibilidad mo? Ang maglingkod sa ating lahi, o sa mga kapwa mo elders?!"

"Walang kasalanan si Jon. Alam mo na matindi ang galit niya kay Dylan," depensa ni
Margeau, "Wala ring kinalaman ang relasyon namin dito."

"Kay Dylan ka lang ba talaga galit, Jon? O sa sarili mo din? Sa lahi mo din!"

"Manahimik ka!" Pilit pinapakalma ni Margeau ang nobyo na walang naging epekto.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya, Margeau, ang tungkol kay Ryan?"

"Ano?!"

"Jon wait, mag-" huli na ang lahat ng pagdabugan sila ni Jonathan ng stick na hawak at
umalis.

[End]

Adlerian

Adlerian Series #2

Summary

Patuloy ng bagong mundong ginagalawan ni Chloe, mas tumatalim ang tingin sa kanya ng
mga kaaway at nadadagdagan pa. Ngunit sa bandang ito, bukas ba ang isip niya sa mga
idelohiyang maipapakilala sa kanya ng bagong mundo?

Sapat ba ang isang pureblood vampire para iligtas ang buong sangkatauhan? Abangan..

Prologue

Nagreresearch si Chloe sa netbook ni Ariel ng biglang magring ang cellphone niya dahil
sa tawag ng hindi kilalang numero.

"Hello?" sinagot niya ito at sinilip kung nagising si Ariel at si Millie na kadalasan ay
umaga na rin nagpapahinga.
"Chloe? Ako ito, si Dylan."

"Mr.- Papa? Bakit po?" may pagaalinlangan niyang tugon.

"Nakakahiya man pero kailangan ko ang tulong mo."

"Ganun po ba? Sige po. Ano yun?"

May ilang segundong lumipas na hindi sumagot si Dylan na tila nagbago pa ang isip.
"Madalas kasing magbakasyon si Jon sa timog na tinawag ng mga taong Visayas. Minsan
nagha-hunt siya doon, isa sa hobbies niya. Mangangamusta sana ako ng mabalitaan ko sa
housekeeper na ilang araw na siyang nawawala. Nag-aalala na ko. Mali man na sabihin
ko sayo ito dahil alam kong alam mo ang alitan namin pero gusto ko sanang tignan mo
siya roon. Kung wala mang nangyari sa kanya, edi maganda at nakapagbakasyon ka na
rin. Ako na ang bahala sa pamunuan ng eskwelahan mo. Tiyak akong maiintindihan
naman ito ni Miss Taylor."

Pagkababa ng telepono ay kaagad namang hinalukay ni Chloe ang bag para hanapin ang
maliit na piraso ng papel na binigay ni Monica kung nasaan ang numero nito. Nag-iwan
lang siya ng mensahe dito na nagsasabing kailangan pa niya ng oras dahil wala rin
naman siyang gana makipag-usap dito. Kahit siya man sa sarili niya ay hindi pa rin
sigurado kung tatanggapin ang alok nito na kapalit ng kanyang kalayaan.

Habang tulog pa ang dalawang kaibigan ay iniwanan niya ito ng liham na nagsasaad
kung saan siya papunta bago siya pumunta sa maliit na apartment ni Zachary sa siyudad.

Unang beses niyang tutuntong dito kaya kahit sa hindi magandang dahilan ay may
halong kagalakan pa din sa loob niya sa pagbisitang iyon.

Pagkaakyat ng seventh floor at pagdating sa harap ng pintuan ni Zachary ay kumatok


siya ng tatlong beses bago mapagbuksan. "Chloe?"

"Hi." Itinaas niya ang kamay para kawayan ito. "Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Ah. Oo. Pasok!" Binigyang-daan ng doktor ang nobya. Hindi inaasahan nito na halos
walang suot si Zachary bukod sa shorts nito at napatalikod sa hiya sa nakita. "S-sorry!
Teka lang."

"S-sige lang! Take your time!" Pinilit niya ang tawa para mawala ang tensyon. Hinayaan
niya na ang sariling umupo sa couch. Hindi na siya nasorpresa sa pagiging metikoloso
nito at malinis. Kahit puno ng kung anu-anong kemikal ang laboratoryo nito at madalas
masakit sa ilong ay maayos naman siya sa mga gamit at lagi itong organisado.
Ang pagiging maayos ni Zachary ay hindi makukumpara sa asawa niya na iniaasa lahat
sa mga katulong at kay Tristan na laki sa kabundukan.

Paglabas ni Zachary ay nakasuot lang siya ng malinis na puting tshirt at pantalon.


"Pasensya ka na." Nahihiya pa itong napakamot sa batok.

"Ano ka ba, ayos lang." Umupo si Zachary sa tabi niya sa couch at ipinatong ang kamay sa
tuhod ni Chloe.

"Kamusta ka na? Anong nangyari sa office ni Delphine?"

"Okay lang ako. Buhay pa naman, hindi ba?" biro pa nito na hindi pinansin ni Zachary
kaya napaubo siya para magsimula muli. "Naroon si Monica. May trial daw ako dahil sa
pagkamatay ni Schuck."

"Malakas daw ba ang laban sayo?"

"Hindi ko alam. Pero mukhang sigurado na siyang hawak niya ako." Hindi namalayan ni
Zachary ang pagdiin ng pagkakahawak niya sa tuhod ni Chloe. Hindi na ininda ni Chloe
ang sarili at sa halip ay mas nag-aalala pa sa nobyo. Hinawakan niya ang kamay ng
doktor at hinaplos ito ng hinlalaki.

"Zach, alam mo namang hindi ako papayag na magpatalo sa babaeng iyon diba?"

"Alam ko yun. Pero-" pinutol siya ni Chloe ng isang halik sa labi.

"Pero?" Nakangiting ulit nito na hindi na rin napigilan ng doktor na mahawa kahit
binabagabag pa rin siya ng alaala ng nakaraan. Kung nabubuhay pa si Marissa ay tiyak
siyang ganoon din ang sasabihin nun.

Mapusok si Marissa at walang hangganan ang tapang. Hindi nga lang naging sapat iyon
para mabuhay siya sa mundong pinamumunuan ng mga bampira.

"Bakit ka nga pala napabisita?"

"Tumawag ang papa ni Jon. Nawawala daw siya. Pinapahanap sa akin." Pagod niyang
isinandig ang katawan sa pag-ibig ng kanyang puso na sinalo siya sa isang akbay.

"Babysitter ka na ba ngayon, mahal ko?"


Pinalo siya ni Chloe sa dibdib, "Ang baduy naman nun."

"Ng alin?" inosenteng tanong ni Zachary na tinawanan na lang ni Chloe.

"Wala wala. Nag-aalala din ako eh. Kaibigan ko pa din si Jon." Napasinghap ang nobyo
niya ng hindi oras at nagsalubong ang mga kilay. "Bakit?"

"Gusto mong samahan kita?"

"Huwag na. Baka hanapin ka dito. Magpapasama na lang siguro ako kay Tristan."
Ngumisi ito ng palihim na naramdaman ng doktor kaya sinundot siya sa tagiliran.
"Bakiiiit?"

"Sinasadya mo to ano?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," pilya niyang tugon.

***

Nanatili muna sina Chloe, Tristan at Zachary sa isang motel bago maglibut-libot sa lugar.
Swerte na rin sila at kahit puro baryo sa isla at kagubatan ay may pamamalagian sila.

Lumabas muna si Zachary para pag-aralan ang kemikal na komposisyon ng lupain para
magka ideya sa maaari nilang makaharap na kalaban.

Bagama't magkakaiba sila ng kwarto ay magkasama ngayon si Tristan at Chloe na


inaayos ang gamit ng pureblood.

"Kailan mawawala ang dugo ni Zach sayo?" panimulang tanong ni Chloe.

"Matagal pa naman. Ayos lang ako. Si Millie, kamusta na?" Nakaramdam ng lungkot si
Chloe ng mapaalalahanan tungkol sa dwendeng kaibigan. Simula ng atake ni Schuck ay
lumayo ang loob nito sa kanila. Napaupo siya sa kama.

"Kung pisikal na aspeto ang pinag-uusapan, walang problema. Pero Tristan, hanggang
ngayon hindi pa din siya makatingin sa mata ko." Maluha-luha niyang paliwanag.
"Binalaan ako noon ni Reina na hindi na dapat ako makipagkaibigan kay Millie o sa kahit
ano pang hindi ko kagaya. Isa siyang dwende. Madali siyang magamit laban sakin. Yun
din siguro ang nababatid niya ngayon at ang sakit isipin na kinokonsidera pa niyang
hindi ko na maging kaibigan, kahit pa para sa kapakanan ko yun, dahil alam kong
nahihirapan din siya." Sa gitna ng kanyang salaysay ay hindi niya napansin na
tinalikuran na siya ni Tristan na nakaupo sa tabi niya. "Ano ba yang ginagawa mo?"
Pagkalingon nito ay puno ng marka ng ballpen ang mukha niya. Ang kilay niya'y mas
kumapal dahil dito at nagkaroon din siya ng bigote at whiskers. Natawa naman si Chloe
at pinalo siya sa braso. "Ano ba yan, ang pangit mo!" komento nito na walang humpay pa
din ang hagikhik.

"Pangit? Ang cute-cute ko kaya!"

"Ayaw ko na!" suway nito na tumatawa pa rin, "Tapusin na natin to para makasimula na
tayo." Nang tumalikod siya ay bumalik ang lungkot sa nga mata ni Tristan na itinatago
niya mula nang marinig ang kwento ni Chloe. Naalala niya ang nangyari kay Elena at
Attila.

***

Kumukuha si Zachary ng soil samples ng makaramdam ng iba pang nilalang sa gubat


kaya napatayo siya. "Sino yan?" seryoso nitong tawag. Sa isang iglap ng mata ay napunta
na ang doktor sa likod ng halamanan kung saan narinig niya ang pagkilos. Wala ng
narito. Sa halip ay may manipis na puting telang sumabit at napunit dito.

Dinala niya ang tela sa pagbalik sa motel at nakasalubong ang isang dalaga na nakasuot
ng mahabang puting palda at blusa. Ang mahaba niyang buhok ay nakababa at halos
tinakpan na ang maganda niyang mukha.

Napakunot noo si Zachary sa amoy ng babae na hindi gaya ng kanilang mga bampira
ngunit kahawig. Ito rin ang naamoy niya sa telang naiwan sa kagubatan.

"Sandali."

***

"Ang tagal naman ni doc," bagot na sabi ni Tristan na nakahiga na ang kalahati ng
katawan sa kama habang ang paa ay sumasayad sa lapag.

"May sasabihin pala ako sayo." Napatayo ang dalawa ng makarinig ng malakas na kabog
sa labas ng kwarto. Mabilis sikang lumabas at namangha sa isang lalaking malaki ang
katawan na halos ipitin na si Zachary sa pader.

Mabilis na papalipad naman sa kanilang direksyon ang isang uwak kaya napayuko sila.
Paglingon nila para silipin iyon ay naging babaeng anyong tao ang uwak na ito.

"Mga aswang sila!" sigaw ng doktor. Binitiwan siya ng lalaki at napaupo at sandal sa
pader.

"Aswang? Mga mababang kalidad ng bampira," panlalait ni Tristan na ikinagalit ng lalaki,


"Ako na dito."

"At ako na sa kanya," angkin naman ni Chloe sa babae.

"Heh. Kung ang royal ang habol niyo, huli na ang lahat!" Tumakbo papunta kay Tristan
ang lalaki habang nagbabagong anyo na isang halimaw. Ganoon din ang naging hakbang
ni Tristan bago siya maging lobo.

"Shapeshifter?" nagtatakang bulong ng babaeng aswang. "Isang werewolf?"

Habang nasa iba ang atensyon nito ay napunta na sa likod niya si Chloe na may hawak na
karayom. Tinusok niya ito sa leeg kaya nawalan ng malay. "Isang tao," sagot naman nito
sa tulog na babae bago sumaklolo sa nobyo.

"Tutulungan pa ba natin siya?"

"Kaya na niya yan. Dalhin natin tong babae sa kwarto. Mukhang may alam siya kung
nasaan si Jon."

Chapter 1

"Asaan si Jonathan Monroe?" tanong ni Chloe na halatang nauubos na ang pasensya. Ang
dalawang aswang ay nakagapos sa mga upuan at napapalibutan ng tatlo.

"Mapapagod ka lang, binibini. Wala kang makukuhang kasagutan samin." Kalmadong


sabi ng lalaki na puno ng sugat ang mukha at braso.

Hinablot ni Chloe ang mahabang buhok nito na nakapusod kaya napahangad siya. "Hindi
ko na uulitin. Asaan na ang asawa ko?!"

"Tristan, mabuti pa't lumabas ka muna," mungkahi ng doktor na napagtanto ang dahilan
ng pagka-init ng ulo ni Chloe na naaamoy na naman si Tristan. Tumango ito at nagsuot ng
tshirt bago umambang umalis. "Sandali.

Gamitin mo to." Inabutan siya ng spray bottle ni Zachary at nagkaunawaan na sila. Ito
din ang ginamit ni Sabrina noong unang magkita sila ni Chloe. "Ngayong wala na ang
taong lobong kasama namin, magsasalita na ba kayo?"

"Teka, hindi ba't kayo rin ang grupo ng nga bampirang naparusahan ng mga elders dahil
sa pag-aaklas? Bukod dun, binigyan pa kayo ng lupa ni Jonathan."

Inangilan sila ng lalaking tinatawag na Musa. "Ang masasabi lang namin ay hindi kami
pasasakop sa mga gaya niyo. Ang tagapagmana ng Monroe clan ang susi namin dito,"
paliwanag ni Aida.

"Anong ibig mong sabihin?" usisa ni Chloe ngunit walang imik ang dalawang aswang na
nagsulyapan. "Wala tayong mapapala sa mga to." Akmang lalabas na ang dalawang
bampira.

"Sandali!" tawag ni Aida.

"Aida, wag!"

"Ano yun?" tanong ng doktor.

".. Ituturo ko sa inyo.. kung nasaan si Jonathan."

***

Pasikat na ang araw at napagkasunduan nilang sagipin ang royal pagkasapit ng dilim
kung kailan pinakamalakas sila at maaari pang sumama ang doktor. Naglalambingan ang
magnobyo sa kabilang kwarto at si Tristan naman ang nagbabantay sa dalawang aswang
na nanghihina na rin sa gutom.

"Hindi ka pa nagpapasalamat, doc," tukso nito habang nakahiga sa matigas na braso ni


Zachary.

"Ano bang gusto mong pagpapasalamat?" tugon naman nito habang isinusuklay ang
kamay sa buhok ni Chloe.

"Ano bang first impression mo sa akin? Anong nagustuhan mo sakin?" Nag-scoff ang
binata at nilingon siya ni Chloe para taasan ng kilay. "O bakit?"

Isinandal siya uli ni Zachary sa bisig niya, "Wala. Yung totoo?" Naramdaman niya ang
pagtango nito. "Tahimik. At masungit."

Kumunot ang noo ni Chloe, "Masungit?"

"Oo," natawa siya sa pag-alala, "Parang hinuhusgahan mo ako sa titig mo noon."

"Mabaho ka kasi."

"Correction. Hindi mabaho. Maamoy." Nagtawanan silang dalawa. "Nagkamali ako ng


akala."
"Bakit, hindi ba ko tahimik?"

"Nope. Far from it," asar nito.

"Whatever!" Ngumiti ng isang kuntentong ngiti ang doktor, iba ito sa mga ibinibigay niyang
ngiti noon. Para bang ngayon ay may kapayapaan na sa loob niya.

"Para kang si Marissa." Napabitaw at upo si Chloe sa nasambit ng doktor at halatang


hindi siya natutuwa sa pagkukumpara.

"Ibig sabihin, kaya mo ko nagustuhan dahil nakikita mo sakin si Marissa?" Sumunod sa


pagkakaupo ang doktor.

"Hindi naman sa ganun-"

"Huwag mo kong linlangin, Zach. Mamaya na tayo mag-usap." Umalis si Chloe sa kwarto
ng hindi napipigilan. Namataan siya ni Tristan na lumalabas ng motel kaya't sinundan
siya nito sa pag-aalala at wala ng nagawa si Zachary dahil sa araw kundi ang tignan ang
mga bihag.

Nakahanap si Chloe ng isang malaking puno na maganda ang lilim at malapit sa motel
kaya dito muna siya namahinga. Hindi niya maialis sa puso ang pagseselos sa yumaong
taong lobo kaya't naiinis siya maging sa sarili na hindi na niya napansin ang paglapit ni
Tristan. Agad siyang tumayo para layuan ang binata na pinigilan siya.

"Nagspray ako bago ka sundan. Huwag ka mag-alala." Dahil sa pagod na rin ay hinayaan
na niya ito at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ng pino. Ginaya naman siya ni Tristan. "May
problema ka?"

"Si Zach. Sabi kasi niya-" Pinigilan ni Chloe ang sarili ng mapagtanto na wala pang alam
ang kaibigan tungkol sa relasyon niya sa doktor. Bumuntong hininga siya. "Kami na ni
Zach."

Balot ang pagkabigla sa maamong mukha ni Tristan. Inaabangan ni Chloe ang


pagkadismaya dito pero walang sumunod na ganoon.

"I'm happy for you," mahina nitong sabi, "Pero mukhang nagkakalabuan kayo?"

"Hindi naman. Napikon lang ako nung banggitin niya si Marissa."


"Mali nga naman yun." Tinignan ni Chloe ang mukha ng binata na sinundan din siya ng
tingin. "Oh bakit?"

"Alam mo wala akong masyadong alam sayo eh. Nagka-girlfriend ka na ba?"

"Hindi ako nagkaroon ng panahon para sa ganyang bagay." Parang gustong mahiya ni
Chloe hindi lang sa natuklasan kundi pati na sa pagkaseryoso ng kasama.

"Si Sabrina?"

"Sabbie? Nakatatanda ko siyang kapatid, Chloe."

"K-kapatid?" Ngayon sigurado na siya sa pamumula niya kaya iniiwas ang tingin. Kaya
naman pala parehong pareho sila. "Debonair din ba siya?" Pagtaliwas niya sa natuklasan.

"Hindi. Tao lang siya. Bukod kay Reina, at ama na wala na ngayon, isa si Sabbie sa
tinitingalaan namin bilang pinuno. Malakas ang loob niya. Hindi siya marunong
sumuko." Parang ikaw.

Tila napawi ang lahat ng naramdaman niya kanina at napalitan ng lungkot sa


pagkekwento ni Tristan. Nakikita niya ang isang imahe ng magkapatid na Helix bilang
mga batang walang muwang ngunit kailangang makipagsabayan sa mundong
ginagalawan nila. Si Tristan ay kinakailangang maging malakas na mandirigma na
magtatanggol sa mga tao at si Sabrina naman ay natutong tumayo sa sarili niyang mga
paa.

Hinayaan ni Chloe na sumandal ang ulo sa balikat ng binata. Nawala lahat ng bigat na
nararamdaman niya pagkatapos ng konprontasyon sa nobyo pati na rin sa pagod sa
paghahanap ng kanyang asawa. "Sana pwedeng ganito na lang palagi.." bulong nito, pero
ikinagulat niya na lumabas sa kanyang bibig. Tinikom niya ang sarili.

"Sana nga. Bakit hindi pwedeng maging ikaw na lang si Chloe at ako na lang si Tristan?
Hindi isang Ashbourne at Debonair."

"Kung hindi ako naging si Chloe Ashbourne, hahanapin mo ba ako? Mananatili ka ba sa


tabi ko gaya ng ginagawa mo ngayon?"

"Chloe! Tristan!" tawag ni Zachary mula sa motel na ikinagulat ng dalawa, "Nakawala si


Musa!"
Teasers

"Kung ako sayo," pasagid ni Margeau bago humiwalay ng landas sa partner, "Hindi ko
tatanggalin ang mata ko sa boyfriend mong si Tristan." Umikot ang mata ni Chloe sa
panunukso nito at napagod na rin siya sa kakatanggi na wala silang ganoong relasyon ng
kaibigan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Balita ko may pagka-heartthrob siya sa Lochan Academy eh. Porke nawala na tayong
mga paru-paro, lumabas na ang mga bubuyog."

---

"How long do you intend to hide your feelings for her?" tanong ni Margeau na hinihiling
ni Jonathan ay itikom na lang ang bibig at hayaan ang mga sarili nilang i-enjoy ang pag-
inom ng wine sa lamesa.

Hindi niya inaasahan na sa paglakbay ng isip niya kay Chloe ay papanalunin niya si
Margeau sa pagsagot, "As long as I have to. As long as it takes."

You might also like