Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

Hindi maaaring kulungin sa iisang kahulugan lamang ang wika, ngunit sinumang bihasa sa pag-aaral
nito ay sasang-ayon kung sabihing isa itong kakayahan ng tao nagagamit sa pagkalap at
pagbabahagi ng kaisipan, damdamin, at anumang naisin niya. Gamit ang mga simbolo at
kaparaanang napagkasunduan ng isang partikular na grupo, nagagawa ng mga partisipant na
makipag-unayan sa isa’t isa upang makamit ang isang layunin. Bukod pa rito, nagbigay rin ng
kanilang pakahulugan ang mga sumusunod na eksperto hinggil sa wika.
“Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at tuntunin nito ay hindi natitinag, ngunit
ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha ay malaya at nagkakaiba-iba. Maging ang
interpretasyon at gamit ng mga salita ay kinasasangkutan ng proseso ng malayang paglikha.” –
Noam Chomsky
“Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika ay praktikal na kamalayan na umiiral din para sa
ibang tao...ang wika, gaya ng kamalayan, ay lumilitaw lamang dahil kailangan, dahilan sa
pangangailangan sa pakikisalamuha sa ibang tao.” – Karl Marx
“...habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika, pinangangalagaan niya ang marka
ng kanyang kalayaan, gaya ng pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan habang pinanghahawakan
niya ang sariling paraan ng pag-iisip.” – Jose Rizal
“Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y patungo sa kanyang isip. Kapag
kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y patungo sa kanyang puso.” – Nelson Mandela
“Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng tao para sa komunikasyon”. - Henry Gleason

Gamit ang mga depinisyong nabanggit, maaaring bigyang-kahulugan ang wika bilang:
 Nagtataglay ng sistemang balangkas
 Sinasalitang tunog
 Arbitraryo
 Kabuhol ng kultura
 Dinamiko
 Makapangyarihan
 [Lahat ng wika ay] pantay-pantay

Wika
 Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
 Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at interpretasyon
sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat
man o binibigkas.
 Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)
 Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Ito ay mula sa pinagsama-
samang makabuluhang simbolo, at tuntunin ay ay nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-
usap at pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa. Ito ay mula sa salitang Latin na lingua na
nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”
 Ayon kay Engr.John Rommer Carabal, ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Halimbawa: Tagalog, Ilokano,
Cebuano, Bikolano, atbp.

Wikang Pambansa
- ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
- ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang
lahiat/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at
tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. Halimbawa: maganda, malaya, asawa, paniwala,
sabaw, pera

Wikang Panturo
- ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
- Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay
naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang
pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education
(MTB-MLE).
- Halimbawa: ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya ay hinati upang ang isang
pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles. Bukod sa asignaturang
wika at panitikang Filipino, ang mga klase sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Pilipino
bilang wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika at panitikan sa Ingles, ang mga
klase sa Matematika at Agham ay Ingles ang wikang panturo.

Wikang Opisyal
- ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
- Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa
saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang
ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa
maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Halimbawa:
Tagalog, Ingles, French, Indian, atbp.

Billinguwalismo – isang kaisipan na tumutukoy sa isang taong may kakayahang magsalita at


makaintindi ng dalawang wika. Hal.: Filipino at Ingles

Multilingguwalismo - isang kaisipan na tumutukoy sa isang taong may kakayahang


magsalita at makaintindi ng higit pa sa dalawang wika. Hal.: Filipino, Ingles, Katutubong wika atbp.

Unang Wika – unang wikang natutunan ng isang tao mula ng isinilang


- Maaari ding tawagin bilang “wikang snuso sa ina”, “inang wika” o “katutubong wika”
-

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin. Maaari itong gamitin upang magtakda ng isang kautusan,
magpalaganap ng kaalaman, kumumbinse ng kapwa na gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at sumira ng
relasyon, kumalinga sa mga nahihirapan at nasisiphayo, at sa marami pang kaparaanan. Ayon nga sa Australyanong
linggwista na si M.A.K. Halliday, may iba’t ibang gamit ang wika. Tinalakay niya ang mga ito sa kanyang “systemic
functional linguistic model.” Nasa ibaba ang 7 gamit ng wika at halimbawa ng mga ito.
Gamit ng Wika Halimbawa
1. INSTRUMENTAL - “Gusto ko ng gatas.”
ay nakatuon sa pagpapahayag ng pangangailangan
ng tao, tulad ng anumang kahilingan kaugnay ng
pagkain, inumin at iba pa.
- Tumutulong sa tao para maisagawa ang mga
gusto niyang gawin
- Tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba
- Ginagamit ang wika sa pangangaral, verbal na
pagpapahayag, pagmungmungkahi, paghingi,
pag-uutos, pakikiusap, liham pangangalakal at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa
isang produkto
2. REGULATORI/REGULATORYO – “Ilipat n’yo ang channel ng TV.”
ay nakapokus sa paggamit ng wika sa pagbibigay ng
utos o pagbibigay ng gabay sa posibleng gagawin ng
ibang tao.
- Nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o
asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan
- Pagbibigay ng patakaran o palisiya at mga
gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-
pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o
pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos,
pagsangayon at/o di-pagsang-ayon,
pagbibigay paalala, babala at pagbibigay
panuto. (tag line)
- Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng
pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto
ng isang ulam, direksyon sa pagsagot sa
paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo
3. INTERAKSYONAL –
gamit ng wika ay nagbibigay-pansin sa “Share tayo sa chocolate.”
pagpapahayag kaugnay ng pagbuo ng ugnayan o “Naimbag na Bigat”
relasyon, o anumang gawain ng pakikisalamuha sa
ibang tao.
- Ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga
relasyong sosyal katulad ng pagbati sa iba’t
ibang okasyon, panunukso, pagbibiro,
pangiimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng
kuro-kuro tungkol sa isang partikular na isyu.
4. PERSONAL – “Mabait ako.”
tumutukoy naman sa pagpapahayag ng damdamin,
opinyon, at indibidwal na identidad.
- Pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng
isang indibidwal
- Paglalahad ng sariling opinion at kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan
- Pagsulat ng talarawan at journal at pagpapahayag
ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan
-
5. HEURISTIKO – “Paano ginagawa ang ice cream?”
ang pagpapahayag ay nakatuon sa pagkalap ng
impormasyon o kaalaman tungkol sa kapaligiran ng
nagsasalita.
- Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng
mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga
akademiko at/o propesyunal na sitwasyon
- Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo,
pagbibigay-depinisyon, panunuri, sarbey at
pananaliksik
- Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radio,
panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayag,
magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha
tayo ng impormasyon
6. IMAHINATIBO – Nakapagpapahayag ng sariling -pagsasalaysay, paglalarawan
imahinasyon sa mallikhaing paraan -akdang pampanitikan: tula, maikling kuwento, nobela
at iba pa

7. IMPORMATIBO – Nagbibigay ng impormasyon o -pag-uulat, pagtuturo, papel-pananaliksik


datos para mag-ambag ng kaalaman sa iba

You might also like