Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALIN 3

Deskipsyon ng Produkto

Lagom-Pananaw

Sa araling ito ay tatalakayin ang mga paraan sa mabisang pagkakasulat ng despkipsyon


ng produkto na siyang pupukaw sa mga mamimili ng produkto at ilalahad rin ditto ang
kahalagahan ng ng pagkakaroon ng deskripsyon ng produkto.

Layunin

 Malaman ang mga paraan sa paggawa ng deskripsyon ng produkto

 Matukoy ang kahalagahan ng deskripsyon ng produkto

 Makasulat ng isang mabisang deskripsyon ng produkto

Panimulang Pagsusulit

Tuklasin natin

Isipin na ikaw ay isang negosyante at kailangan mong maglagay ng deskripsyon ng


produktong iyong nais ialpt sa mga pamilihan. Magbigay ng maikling deskripsyon na unang
papasok sa iyong isipan ukol sa produktong ipinapakita ng larawan sa at isulat ang iyong
saloobin sa gilid ng larawan.

_____________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

____________________________________________________________________________________
Linangin Natin

Deskipsyon ng Produkto

Ang Deskripsyon ng Produkto ay isang sulatin na ginagawa para sa pagtitnda ng iba’t


ibang produkto. Mahalaga nag paglalarawan sa isang produkto upang mas maging

aktraktib at mas madami ang mahikayat ang mga mamimili o awdiyens para ito ay

maibenta. Ginagawa ito upang makita ng mga mamimili ang mga kinakailangang

impormasyon ukol sa produkto

Kahalagahan ng deskipsyon ng produkto

Ang deskripsyon ng produkto ang siyang humihikayat sa mga mamimili upang bilhin ang
espesipikong produkto na kanilang nais bilhin na nakakatulong sa isang negosyante o kumpanya
upang mabenta ang kanilang mga produkto. Halimbawa na lamang kung mayroong potensyal na
mamimili ang bumisita sa iyong puwesto o kinatatayuan ng iyong negosyo, sila ay maaaring
magkaroon ng ilang mga katanungan ukol sa produktong iyong binibenta, sabihin na nating ikaw
ay mayroon negosyo kung saan ang iyong mga produkto ay mga kasuotan tulad na lamang ng
damit, pantalon atbp., maaring itanong ng mamimili ang sukat na angkop sa mga kadamitang ito
at kung sakaling ang iyong produkto ay walang deskripsyon, ang mamimili ay pwede mawalan
ng interes ditto at sa halip ay humanap na lamang sa iba.

Ang kahalagahan rin nito ay upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa;
benepisyo, katangian, gamit, estilo at presyo ng espesipikong produktong nais ialok sa merkado.
Ipinapakita rin nito sa mamimili kung ang produkto ay akma sa kanilang pangangailangan.

Paraan sa pagsulat ng mabisang deskripsyon ng produkto

1. Maikli lamang and deskripsyon ng produkto


2. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili.
3. Mang-akit sa pamamagitan ng benepisyo.
4. Gumamit ng likas na wika at tono
5. Gumamit ng mga salita na malakas makapang-akit ng mamimili
6. Magkwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.
7. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
8. Gumamit ng pormat na medaling i-scan.
9. Gumamit ng kaakit-akit na larawan na kaugnay sa produkto.

Subukin mo!

Kayang-Kaya Mo to!

Sanib-Puwersa Tayo!

Palalimin Pa Natin!

Palalimin Pa Natin!

You might also like