Mabuting Kaugalian NG Mga Pilipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mabuting Kaugalian ng mga Pilipino

Pagtitiwala sa Panginoon
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon.
Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala
silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din
nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.
Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi
at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa
ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago
umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at
kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap
sila sa matanda. Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati
gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang
na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.
Pagtutulungan
Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang
mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa
magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay
likas na katangian ng isang Pilipino.
Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag
ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa
maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang
mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-
aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.
Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang
masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng
pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na
tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag
paalis na ang kanilang mga panauhin.
Pagsama-sama ng Pamilya
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na
pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga
gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag
ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may
"family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang
nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.
Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang
kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang
magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang
paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa matatanda.

You might also like