Arlyn Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DIFFERENTIATED INSTRUCTION SA PAGTUTURO NG PANITIKAN

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang guro ay may napakahalagang papel sa paghubog ng kakayahan ng mga kabataan.


Sila ay nagsisilbing instrumento upang matamo ng mga mag-aaral ang inaasam na tagumpay sa
darating na panahon. Kung kaya ang guro ay nahaharap sa pagsubok kung papaano niya mas
mapapabuti ang pagtuturo para sa inaasam-asam na layunin.
Sa katunayan marami ang mga pag-aaral tungkol sa kung ano ang mabisang estratehiya
ang dapat na gamitin sa pagtuturo. Ayon nga kay Mkenhie (2006) sa kanyang aklat na "teaching
tips" ang angkop na kasagutan sa tanong na "what is the most effective method of teachings" ay
nakadepende sa layunin, sa mag-aaral, sa guro at sa paksang aralin. Batay sa mga pag-aaral na
isinagawa na nagkakaroon ng mga pagsasanay ang mga guro upang malaman kung alin sa
mgaestratehiyang ito ang pinaka-mabisa sa lahat. Subalit kahit ano pa man ang estratehiya ang
gamitin mahalaga pa rin na malaman na ito ay dapat akma sa istilo ng pagkatuto ng mga mag-
aaral. At mahalaga rin na marunong ang mga gurong maisakatuparan ang kanyang layunin sa
paraang hindimaisasantabi ang kakayahan, interes at lebel ng kahandaan ng mag-aaral.
Ang differentiated instruction ay isang paraan ng pagtuturo. Naglalayon ito na malaman
ng mga guro ang mga estratehiya na magpapaunlad sa pagkatuto ng mag-aaral. Ayon din kay
Carlson (200) maaaring gamitin ito sa pag modify ng nilalaman (ano ang ituturo) proseso (paano
ituturo), at produkto (paano ipapakita ng mag-aaral ang kanyang natutunan). Ito ay mabisang
paraan upang matugunan ang pangangailangan pang-akademiko na akma sa istilo ng pagkatuto
ng bawat mag-aaral. Ito ay napapatungkol sa mga paraan para sa mga visual learners, audio
learners, at kinesthetic learners.
Ang paggamit ng differentiated instruction sa pagtuturo ay isa sa mga iminungkahi ng mga
eksperto sa larangan ng edukasyon. Nagsimula ito batay sa resulta ng mga achievement test na
nagpapatunay na ang bawat mag-aaral ay may ibat-ibang lebel ng pagkatuto.
Sa larangan ng edukasyon, kung ano ang pagkakaiba-ibang "fingerprints" ganun din ang
pagkakaiba-iba ng istilo ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Ayon kay VanSciver (2004) ang mga
guro ay nahaharap sa malaking hamon pagdating sa piniling propesyon. Sila ay nakikisalamuha
sa mga mag-aaral na may iba’t ibang abilidad sa loob lamang ng iisang silid-aralan. Ang mga
mag-aaral na ito ay tinatawag na diversed learners na may iba’t ibang interes at pangangailangan
pang-akademiko . Kung kaya dapat malaman ng mga guro ang tama at mabisang paraan upang
matiyak na matututo ang bawat isa sa kanila.

Sintesis sa Pag- aaral

Ang mga kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral ay batay sa estratehiya upang


matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at mapataas ang antas ng kasanayan nito.
Ayon kina Kizlik, Lardizabal,Magpantay at Davis ang pagpili at paggamit ng angkop na
estratehiya ay napakalakingambag upang mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral
sa literatura. Magiging kawili-wili ang pag-aaral nito kung mabisa at makabuluhan ang
pamamaraang gagamitin ng guro.
Ayon naman kina Tomlison, Anderson at Good ang differentiated instruction ay isang
paraan ng pagtuturo upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral batay sa
kanyang interes, kahandaan at kakayahan. Ito ay pagbibigay ng mga gawain na may koneksyon
sa bawat isa at sa aralin na nakadepende sa istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Nabanggit nina Belvez at Gonzales na ang guro ay may mahalagang papel na
ginampanan sa paghubog sa kakayahan ng mag-aaral. Kaya marapat lamang na alam niya ang
mga estratehiya sa pagtuturo upang mahikayat ang kawilihin ng mga mag-aaral sa pagkatuto.
Ayon naman kay ,Nunley mahalaga rin na isaalang-alang ng guro ang lugar kung saan magiging
komporatable ang mga mag-aaral.
Sa pag-aaral nina Huevos, Tindugan, Boso, Sandigan, Benavidez at Bargas sinabi nila
na nakasalalay ang performans at kasanayan ng mga mag-aaral sa estratehiyang ginagamit ng
mga guro. Ang paggamit ng mga makabagong estratehiya ay nakakatulong upang maabot ang
masteri lebel ng pagkatuto. Ayon naman sa pananaliksik nina Llanera, Obrero, Stiller, Fester,
Bent at Felder ang istilo ng pagkatuto ay dapat isaalang -alang ng mga guro sa pagbibigay ng
mga gawain. Sapagkat bawat mag-aaral ay tinatawag na diverse learners kaya iba iba rin ang
kanilang interes sa pag-aaral.
Ang mga nakalap na kaugnay na literatura at pag-aaral ay nakatulong ng malaki sa
mananaliksik sa pagbuo ng konsepto at naging sandigan ng kasalukuyang pag-aaral.

https://www.academia.edu/29356488/Chapters_1
ANG DIFFERENTIATED INSTRUCTION KATUWANG SA MAKABAGONG
PAGTUTURO

Iba’t-ibang katauhan; Iba’t-ibang kaalaman; iba’t-ibang kasanayan at iba’t-ibang


kinagisnang kultura. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga katangian na mayroon ang ating
mga mag-aaral. Paano nga ba matutugunan ng mga guro ang pangangailangan ng kanyang mag-
aaral upang matamo ang pagkatuto? Kailangan bang makisabay siya sa hamon ng pagbabago o
mapako na lamang sa anino ng nakaraan?
Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga mag-aaral natin sa kasalukuyan ay kaya ng
matututo sa kanilang sariling diskarte o pamamaraan. Isang tipa lamang sa keyboard ay mahahatid
na ang bawat isa sa daigdig ng world wide web kung saan makapupulot ka ng kaalaman na ang
iba ay hindi naituturo sa paaralan. Tunay nga na ang mga mag-aaral sa kasalukuyan ay
nakadepende na lagi sa internet.
Kaya’t isang napakalaking hamon sa guro kung anong estratehiya ang higit na mabisa
upang makuha ang atensyon ng kanyang mga mag-aaral at malinang ang kanilang kakayahan at
kaalaman. Sa paggamit ng estratehiya kailangang maisaalangna ito ay aakma sa istilo ng pagkatuto
ng bawat mag-aaral. Mahalaga din na maisakatuparan ng guro ang kanyang layunin sa paraang
hindi maisasantabi ang kakayahan, interes at lebel ng kahandaan ng kanyang mag-aaral
Ang differentiated instruction ay isang estratehiya sa pagtuturo. Layunin nito na matugunan ang
pangangailangan ng bawat mag-aaral. Ayon pa kay Tomlinson (2003), sa differentiated
instruction, ang mag-aaral ay lalong natututo kung nababagayan ng guro ang pagkakaiba iba ng
lebel ng kahandaan, interes at profayl ng kanyang mga mag-aaral. Ang differentiated instruction
din ay isang paraan para masuri ang ang indibidwal na pangangailan ng bawat mag-aaral
(Muthomi, 2014).
Ang mga mag-aaral ay natuto at nagpoprososeso ng impormasyon sa iba’t ibang
kaparaaanan (Gregory and Chapman 2013). Kaya marapat lamang na gumamit ang guro ng
estratehiya na makasasabay sa pangangailangan ng bawat mag-aaral. Bilang isang guro ng wika,
kinakailangang huwag mapako sa anino ng nakaraan. Ang mga estratehiya na umubra noong
unang panahon ay hindi na sapat sa pangangailangan ng mga mag-aaral ngayon. Kaya’t bilang
isang guro kinakailangan na maging malikhain. Huwag matakot na sumubok ng iba’t ibang paraan
kung paano matututo ang ating mga mag-aaral. Huwag natin silang ikulong sa hawla na kung saan
ay hindi sila makaalpas. Bilang isang makabagong guro hayaan natin ang ating mga mag-aaral na
maging malaya sa pagkatuto sa kaparaanan na komportable sila at mas mabilis na matututo.
Tulungan natin sila na malinang ang kanilang kasanayan at karunungan na naaayon sa kanilang
pansariling interes at kakayahan. Ang differentiated instruction ay hindi lamang isa sa mabisang
estratehiya na makatutulong sa mga mag-aral na umunawa bagkus, isa din ito sa mabisang paraan
upang masukat ang pagkatuto at masteri ng mga mag-aaral sa isang paksa.
Bilang isang makabagong guro ng wika, alalayan natin ang ating mga mag-aaral sa pag-
abot ng kanilang minimithing tagumpay. Tulungan natin sila na matuto at gabayan sa kanilang
sariling pagkatuto. Tunay nga na ang mga kamay nating mga guro ang huhubog sa susunod na
lider ng ating bayan. Patuloy tayong mag-aral at maglaan ng oras upang mapayabong pa ang ating
mga kaalaman ng hindi tayo mapag-iwanan ng panahon. Sa tulong nito taas noo tayong
makahaharap sa ating mga mag-aaral at patuloy natin silang mahuhubog bilang kapaki pakinabang
na mamamayan ng ating bayan.

https://www.pressreader.com/

You might also like