Tulay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tulay (tuluyan ng naghiwalay)

Naglakad tayo sa isang mahabang tulay.


Tila baga ang pag tapak natin sa lupa ay pabagal ng bagal,
Na para bang ayaw nating umabot sa dulo ng tulay.
Ngunit tayong dalawa ay walang magawa kundi magpatuloy sa paglakad,
Sa isang mahabang tulay kung saan halos tanaw na natin ang dulo.
Dulo na magiging simbolo ng katapusan ng ating paglalakbay na magkasama,
Dahil sa dulo ng tulay ay may dalawang landas na dapat tahakin.
Pumasok sa isip nating dalawa na piliin ang parehas na landas
Tila baga isang makitid na daan ang landas na ating nais tahakin
Kaya’t mas minabuti nalang nating dalawa na piliin ang magka-ibang landas,
Mag kaibang landas ngunit parehas ng sakit na mararamdaman.
Halong lungkot at pangungulila ang hatid at ang kagalakan sa ating puso ay hindi na mabatid
Kaya’t habang patuloy tayo sa paglakad sa tulay pinikit natin ang ating mga mata,
Iniisip na baka sa pag pikit ay panandalian nating makalimutan na may dulo.
Ngunit tila hindi na talaga ito mapipigilan.
Kaya’t sa huling pagkakataon ibinukas ang mga mata at tumingin sa isa’t-isa
Habang isang yapak nalang at nasa dulo na tayo nitong ating paglalakbay na magkasama
Tumingin ka saking mukha at maging ako ay tumingin din sayo,
Habang sabay na pinagmamasdan ang namumugtong mata ng isa’t-isa,
Habang sabay na pinagmamasdan ang pagbigkas ng ating mga bibig,
Habang binibigkas ang salitang Paalam at Mahal kita.
Kaya’t sabay nating ipinaramdam sa isa’t-isa ang isang halik na matagal na nating inaasam
Isang halik na simbolo ng pagtatapos, simbolo ng paglayo.
Kaya’t dumating na tayo sa punto kailangan ng mag-iba ng landas
At maglakbay ng mag-isa….. maglakbay na hindi magkasama.
Alam natin pareho na mahal natin ang isa’t-isa,
Ngunit kailangan na nating bumitaw at lumaya.
kaya Mahal paalam na sa ating huling pagkikita.
Paalam sa mga yakap at halik na ninais nating manatili.

Paalam at simulan na natin Ang paglisan.

Walang Titulo

Walang Titulo
-Esthetikjd-

Tayo'y nag tatawanan,


tayo'y nagtitinginan,
minsan pa nga'y tayo'y nag tititigan.
Tayo'y nag lalambingan,
tayo'y nag hahawakan ng kamay ng isa’t isa kaya tayo ay pinag titinginan ng iba
at iniisip kung tayo na ba.
Ngunit sinampal ako ng realidad,
unti-unting bumitaw saiyong pagkakahawak,
Tumingin saiyong mga mata na may sinseridad
At walang ibang katagang pumasok sa aking isipan kundi ang,
“Ano nga bang salita ang mailalapat sa relasyon natin ni wala man lang pangalan?”

Hindi pwedeng mag selos dahil walang tayo.


Hindi pwedeng mag reklamo sa mga di kaaya-ayang mga kilos.
Hindi pwede maglabas ng
opinyon batid sa damdamin
Kong humihingi ng iyong atensyon.
Kailangan itago ang mga luhang nag hihingalo.
Kailangan patungan ng ngiti ang labing mapupunit na sa lungkot.
Kailangang magpakatatag
At maging masaya sa iyong mga desisyon,
Ngunit ako'y nag tataka
Kung ni minsan ba'y inisip mo ang nadarama ko?
Ako na sinabi mong mahal mo.

Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?


hanggang kailan kakapit
Sa kamay ng isa’t isa ngunit
Wala tayong titulo.
Hanggang kailan bubulagin
Ang mga matang gustong makakita ng katotohanan?
Katotohanan na maaari
Tayong saktan ngunit
Palalayain ang nararamdamang kapighatian,
Hanggang kailan?
Hanggang kailan tayo mag papanggap
Na merong legal na koneksyong namamagitan
Sa ating dalawa?
Hanggang kailan mag papanggap gamit ang mga ngiti na ipinapakita natin sa mata ng
mga taong mabilis mag bigay husga?
Hanggang kailan aasa sa mga matatamis na salita ngunit hindi alam kung may bahid ng
katotohanan?
Hanggang kailan mananatili sa ganitong relasyong hindi man lang alam kung kailan ang
hangganan?

Alam mo bang umiiyak ako?


Umiiyak ako dahil sa isang taong sinasabing mahal ako.
Oo, nang dahil sayo!
Naguguluhan kahit hindi
Naman dapat magkaganito.
Kapag nag aaway, hindi alam kung paano susuyuin
Dahil wala nga kasing tayo.
Mahal kita, mahal mo ako.
Pero ano nga ba ang maitatawag
Sa bagay na ating pinang hahakawan na nakakapag
Linlang pati ng ibang tao?
Pagod na pagod na pagod na pagod na ako.
Pagod maniwala sa bagay na alam kong hindi totoo.
Pagod na pagod na ako,
Ngunit maaari mo bang sabihin saakin
Kung paano nga ba ang bumitaw at sumuko.

Dumating ang isang araw


sinampal mo ako bigla.
Sinampal mo ko ng katotohanang hindi ako pwedeng manumbat,
hindi ako pwedeng mag reklamo.
Hindi ako pwedeng mag selos.
Hindi ako pwedeng mag pakita ng lungkot.
Hindi ko pwedeng ilabas ang luhang tutulo
Dahil ikaw na mismo ang nag sabi ng katagang,
“Walang tayo”.

"Parang tayo pero HINDI"


Uy kamusta ka? naaalala mo pa ba ako? ako nga pala ito yung kaibigan mo na umasa sa salitang tayo,
kamusta ka? naaalala mo pa kaya ang lahat sa ikaw at ako?
Naaalala mo ba kung sa paano nagkasalubong tayo
Sa kung paano ang mga balahibong ito ay biglang tumindig Sa kung paanong naramdaman ko ang unang
pagibig
Sa kung paano ako ay nataranta ng natataranta at nagliligalig
Tanda ko pa nung una tayong nagkita
Ramdam ang lamig dala ng kalawakan
Ang liwanag na dulot ng lahat buwan
Ramdam ko ang init ng araw na tumatama sa aking katawan
Mahirap ipaliwanag pero patawad ito ang aking naramdaman
Kupido tama ba na pinana mo ko sa taong ito? O baka malabo na ang iyong mata at hindi na asintado
Pero sige susubok ako susubukan kong intindihin itong nararamdaman ko
Baka totoo to baka tama to baka ikaw na nga ang itinadhana para sa tulad ko
Kaya ayun siguro kaya pinilit ko ang sarili ko na malapit sayo
Sinubukan kong alamin ang mga ayaw ang mga gusto mo
Sinubukan kong ibigay ang lahat ng oras ko sayo Ibigay ang gusto mo puntahan ang mga lugar na gusto
mo okay lang kahit nakakapagod basta ikaw ang kasama ko
Bakit nga ba ako mapapagod kung ikaw ang kasama ko ang lakas ko?
Naalala ko pa sa kung paano mo ko tinawanan nung una ako nadapa sa harapan mo
Naaalala ko rin sa kung paano ko inalis ko ang mga dumi sa muhka mo
Naaalala ko rin nung unang hipan mo ang napuwing na mga mata ko
Naalala ko ang lahat ng ito Ikaw mahal ko tanda mo pa ba?
Kase mahal ako tandang tanda ko pa lalo na sa kung paano tayo ay pinagtagpo
pero ang sakit ang sakit sakit lang isipin oo tayo ay pinagtagpo pero ang sakit dahil hindi pinagtadhana
ang tayo
Naalala ko rin Sa kung paano tayo magharutan sa kung paano tayo magkulitan
Nakakatawa lang kase napagkakamalan na tayo ng ating mga kaibigan pero kasunod non oo nga eh sana
nga,
sana na nga kami
sana nga kami nalang kaso hindi kase mahal parang tayo pero hindi.
sabihin mo nga saken sinta ako lang ba ang nakakaramdam ng lahat ng ito?
dahil naniniwala ako hindi ito hanggang dito nalang hindi ito laro
hindi ito landian hindi ito wala lang alam ko nararamdaman ko meron at meron ito
kaya sinta o mahal sabihin mo naman pakiusap dahil minsan ang hirap ng ganito
na parang nangangapa ako sa dilim di ko alam kung kelan ako babagsak o gaano kalalim
kaya bigyan mo ko ng babala kung malapit na bigyan mo ko ng babala hindi ng pagbibigay motibo dahil
sa totoo
ayoko ng ganto ayaw ko ng ibinibigay mong motibo ang hirap nakakaloko nagmumuhka akong gago dahil
iniisip ko meron ang lahat ng ito hindi hanggang dito nalang at maraming salamat dahil naniniwala ako
meron at baka totoo baka meron ka ring nararamdaman sa tulad ko
pakiusap sabihin mo kung meron talaga o wala
para sa wakas matapos na tong kalokohan ito di ko na isipin ang meron dahil ang totoo ay wala
at para sa wakas matanggal na ang lubig sa puso ko na ang tagal nang nakatali
mahal naalala mo paba? o hindi?
yung Parang tayo pero hindi?

You might also like