Introduksyon Replektibong Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

1

INTRODUKSYON
2

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng paglalahad na nagpapakita ng personal

na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari (Morgan).

Nangangahulugan ito na nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano

siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksang binibigyang-pansin sa pagsulat. Ayon pa kay

Michael Stratford, ang replektibong sanaysay ay isang tiyak na uri ng sanaysay na

mayroong kaugnayan sa pagsisiyasat sa sarili o introspeksiyon.

Ang uring ito ng sanaysay ay binubuo ng tatlong bahagi – ang simula, katawan at

ang wakas o kongklusyon. Sa simulang bahagi nakapaloob ang tesis o ang pangunahing

kaisipan ng buong sanaysay. Ito ay naglalaman ng pananaw ng may-akda tungkol sa paksa,

epekto ng nasabing paksa sa buhay ng awtor at kung wala man itong naging epekto, ang

dahilan kung bakit. Ang pambungad ng sanaysay ay mahalagang makapukaw sa atensiyon

ng mga mambabasa, magpakilala ng paksa at magsaad ng layunin ng pagsulat.

Sa kabilang dako, ang katawan naman ng replektibong sanaysay ay naglalahad ng

mga kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis. Nakalakip sa bahaging ito ang mga

napagnilay-nilayan ng may-akda at kung paano umunlad ang pagkatao ng awtor mula sa

mga karanasan o mga gintong aral.

Samantala, sa kongklusyon naman matatagpuan kung paano gagamitin ng may-

akda ang kanyang mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Mahalaga ring muling banggitin

sa bahaging ito ang tesis.


3

Ang Ibang Katauhan ng Binatang aking Sinisinta

Mula pa sa aking kamusmusan, sa mabilog at inosenteng pares ng mga mata ko’y

masasalamin na ang kuryosidad ko sa mga letra, ang pagkamangha ko sa kung paanong

kapag pinagsama-sama mo ang tamang mga patinig at katinig ay tila ba tumatalon ang mga

salita mula sa pahina patungo sa realidad. Masasabing nauna kong minahal ang pagbabasa

bago ang pagsusulat. Gayunpaman, ang pagkahulog ko sa pagsusulat ay higit na malakas

kaya naman nang lumagapak ako sa lupa ay higit na masakit din. Ang pagsusulat ay isang

supladong binatang kahit gaano pa man ako magpapansin ay hindi ako pinaglalaanan ni isa

mang tingin. Iniibig ko ito nang buong puso ngunit kahit kalian ay hindi niya ako tinangi.

Kaya naman nang malaman kong ang mailap na lalaking ito ang magiging pangunahing

paksa ng isa sa mga asignatura ko sa ikalabing-isang baitang – ang Filipino sa Piling Larang

(Akademik) – ay dalawang emosyon ang nagpaligsahan sa aking dibdib – takot at

pagkasabik. Takot na hindi na naman masuklian ang aking pag-ibig, na baka kahit gaano

pa man kalaki ang pagmamahal ko sa pagsusulat at kahit gaano ko pa man ibuhos ang lahat

ng aking makakaya sa larangang ito ay hindi pa rin ako magiging mahusay dito. Sa kabila

nito, nanalo pa rin sa paligsahan ang pagkasabik. Pagkasabik dahil nandito na namang muli

ang aking sinta, muling nagbibigay pag-asa sa hangal kong puso na baka, malay natin ‘di

ba, sa pagkakataong ito ay masuklian na ang aking pagtingin, na baka sa pagkakataong ito,

kapag mas nagsumikap pa ako ay magiging mahusay na rin ako sa pagsusulat. Sa ngayon,

masasabi kong nahasa na ang aking kakayahan sa pagsulat, ang asignaturang FilAkad ang

naturo sa akin na marahil kaya hindi nalilinang ang kakayahan ko sa pagsususlat ay dahil

hindi ko ito lubusang kinikilala. Ang asignaturang ito ang nagpakita sa akin sa iba pang

katauhan ng binatang aking iniibig, natutunan ko na maliban sa makulay at matalinhagang


4

pagkatao kung saan ko siya unang nakilala ay maaari din pala itong maging intelektwal,

yung tipo na nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng ibang indibidwal, na mayroon

pala itong isa pang katauhan na tinatawag na akademikong pagsulat. Kung ang pagsusulat

ay isang supladong binata, ang akademikong pagsusulat ay isang obhetibo, organisado,

may paninindigan at may pananagutan na guro ngunit ito rin ay isang tsismosang

tagapagsanay na nagpakilala sa akin sa iba’t ibang uri ng tao.

Ang unang uri ng taong ipinakilala sa akin ng Akademikong Pagsulat ay yung

tinatawag na "Man of a few words” yung tipo na sa sobrang tipid magsalita ay aakalin

mong nagbabayad siya ng piso sa kada-letrang kanyang sinasambit ngunit bawat salita

namang namumutawi sa kanyang bibig ay makabuluhan kung kaya naman sa mga bihirang

pagkakataong nagsasalita ang ganitong uri ng tao, ang lahat ay masinsinang nakikinig.

Tatlong magkakapatid ang silent type na ito, si Abstrak na matalik na kaibigan ni

Pananaliksik, si Sinopsis na mahilig magbasa ng mga nobela at manuod ng mga pelikula

at si Bionote na tahimik pero tsismosa kaya hindi man halata sa kanya, marami pala siyang

alam tungkol sa lahat ng tao. Ngunit ‘wag mag-alala, mabait naman si Bionote, hindi niya

ilalabas ang baho mo, puros mga tagumpay mo lamang ang kanyang ipagkakalat. Sa

magkakapatid na ito ay natutunan ko na ang kabuluhan ng iyong mga salita ay higit na mas

mahalaga kaysa sa dami ng iyong sinasabi o sinusulat.

Workaholic naman ang susunod na taong ipinakilala sa akin ng guro kong si

Akademikong Pagsulat, kung kakausapin mo siya “exclusive for business” only lang dapat

ang paksa, parang siya yung boss mong gwapo nga, para namang pinagbagsakan ng langit

at lupa sa sobrang seryoso, yung tipo na kapag sinulatan mo ata ng love letter ay tutugunan

ka lamang ng isang Memorandum o Adyenda o ‘di kaya naman ay aatasan ka lamang


5

gumawa ng Katitikan ng Pulong sa susunod niyong pagpupulong. Ngunit dahil din sa

striktong boss kong ito ay natutunan ko ang kahalagahan ng komunikasyon – dahil sa mga

ipinapadala niyang Memorandum at Adyenda ay nabibigyan ako ng kabatiran ukol sa

gagawing pulong, kung ano ang mga paksang tatalakayin at mga paalala tungkol sa isang

mahalagang impormasyon o utos. Natutunan ko rin ang kahalagahan ng pagtatala ng mga

pangyayari sa tulong ng Katitikan ng Pulong. Kung gagamitin ko ang mga aral na ito sa

tunay na buhay, napagbulay-bulayan ko na dapat na pahalagahan ang mga pangyayari

habang nagaganap pa sila sapagkat sa hinaharap, ang mga alaalang ito ang magsisilbi mong

kalasag kapag humagupit na ang ulan.

Isa pa sa mga taong ipinakilala sa akin ni Akademikong Pagsulat ay mahilig mag-

plano, pero hindi tulad ng mga plano niyo ng barkada niyo, hindi nauuwi sa mga drawing

lang ang mga plano ni Panukalang Proyekto. Si Panukalang Proyekto ay ideyalistiko,

masasabing may pagka-OCD kaya naman sa tuwing may nakikita siyang problema sa

kanyang paligid ay umiisip agad siya ng plano upang maagapan ito. Dahil sa Panukalang

Proyekto, napagnilay-nilayan ko ang kahalagahan ng pagpaplano, na hindi dapat

magpadalos-dalos sa pagkilos bagkus ay kailangan munang maghanda nang maigi bago

gumawa ng aksiyon. Natutunan ko rin na hindi sapat na may mapuna ka lamang na

problema sa lipunan, ang kailangan ay aksiyon upang maresolba ang suliraning ito.

Ang susunod na taong ipinakilala sa akin ay tila baga isang abogado kung

manindigan at mangatwiran, siya yung tipo ng taong handang ipaglalaban ang sa tingin

niyang tama ano man ang maging kapalit. Mayroon siyang karisma na kinahuhumalingan

ng mga kababaehan sapagkat kung ang mga prinsipyo nga niya ay kaya niyang ipaglaban,

ikaw pa kaya? Kung kaya niyang manindigan ang isang posisyon lamang, sa iyo pa kaya?
6

Ang Posisyong Papel na marahil ang uri ng akademikong pagsulat na pinaka nag-iwan ng

ng marka sa aking puso at kumintal sa aking isipan. Sa aking pananaw, ma-prinsipyo akong

tao at mapanindigan sa aking mga pinaniniwalaan kaya naman hindi na nakapagtataka na

malapit ang paksang ito sa aking puso. Gayunpaman, sa pagsulat ng Posisyong Papel ay

mayroon pa rin akong mga napagtanto. Natutunan ko na hindi sapat na magkaroon lamang

ng paninindigan ukol sa isang bagay, dapat ay makapagbigay ka rin ng sapat na ebidensiya

upang patunayan ang iyong posisyon. Bagamat inihahayag mo ang iyong pananaw tungkol

sa iang paksa, hindi pa rin dapat magpadala sa emosyon, kailangang pairalin ang pagiging

obhetibo sa lahat ng oras.

Parating tulala at wala sa sarili ang susunod na taong ipinakilala sa akin ng

Akademikong Pagsulat. Madalas kasi ay nagmumuni-muni si Replektibong Sanaysay ukol

sa iba’t ibang mga bagay, siya yung tipo ng taong “pa-deep,” pahiya ang Marianas Trench

sa sobrang pagiging malalim at matalinhaga niya. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo ay

kadalasang nakalilimutan na nating tumigil upang pagnilayan ang buhay at ito ang

mapakahalagang aral na iniwan sa akin ng Replektibong Sanaysay – na gaano man kabilis

ang pag-ikot ng mundo at gaano man karami ang deadlines na kailangang tapusin,

napakahalaga pa ring maglaan ng oras upang pagbulay-bulayan ang mga nagaganap sa

iyong buhay sapagkat bago magkaroon ng pagkatuto mula sa isang karanasan, kailangan

munang pagnilayan ito. Napagtanto kong ang pagdaranas sa isang bagay ay hindi sapat

upang matuto, ang kailangan ay himayin muna ang mga karanasang ito upang mayroong

mapulot na aral.

Samantala, sapagkat ang binatang iniibig ko at ang matalino kong guro ay kapwa

mga Pilipino, nararapat lamang na ipagdiwang ang taunang selebrasyon ng Buwan ng


7

Wika. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa aming klasrum ay napagtanto ko kung gaano

kahalaga ang kooperasyon, pagkakaisa at hindi pagiging makwenta sa Gawain upang

matagumpay na maisakatuparan ang isang pagdiriwang. Inaamin kong nagkaroon ng mga

suliranin habang kami ay naghahanda para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. Pinagnilay-

nilayan ko ang mga pangyayaring ito at napagtanto kong komunikasyon lamang ang susi

upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Dahil sa bagong kaalamang ito, simula

ngayon ay pagsusumikapan ko nang pairalin ang bukas na komunikasyon at sisikapin ko

ring unawain ang ibang tao bago magpadala sa aking emosyon.


8

PAGSULAT AT AKADEMIKONG PAGSULAT

Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang

kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring

magpasalin-salin sa bawat panahon. Ayon pa dito, ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat

ay maaaring maging personal o ekspresibo at panlipunan o sosyal.

Napakahalaga ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, nakikilala ng tao ang

kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang

kaisipan at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Samantala, ang mga bagay na dapat

isaalang-alang sa pagsusulat ay ang wika, paksa, layunin, pamamaraan ng pagsulat,

kasanayang pampag-iisip, kaalaman at wastong pamamaraan ng pagsulat at kasanayan sa

paghabi ng buong sulatin. Bukod pa rito, mayroon ding iba’t ibang uri ng pagsulat. Ito ay

ang malikhaing pagsulat, teknikal na pagsulat, propesyonal na pagsulat, dyornalistik na

pagsulat, reperensiyal na pagsulat at panghuli, ang akademikong pagsulat.

Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Ayon kay Alejo

(2005), ito ay mayroong sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng

suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan kaya naman lubos nitong pinapataas ang

kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Ang sulating ito ay dapat magtaglay ng limang katangian. Ang mga katangiang ito

ay ang pagiging obhetibo, pormal, maliwanag at organisado, may paninindigan at may

pananagutan. Mayroon ding iba’t ibang uri ng akademikong sulatin tulad ng abstrak,

bionote, panukalang proyekto, talumpati, adyenda, katitikan ng pulong, posisyong papel,

replektibong sanaysay, pictorial-essay at lakbay-sanaysay.


9

Isang Liham para sa Kalawakan

Hindi ako Miss Universe. Hindi rin ako kasing ganda ni Pia Wurtzbach para

pansinin ng Universe. At hindi rin ako isang kilalang personalidad para makarating pa ang

pangalan ko sa mga karatig-galaxies. Isa lamang po akong humble existence sa galaxy ng

Milky Way. Ngunit ako, si Fayerilyn Laxamana, isang humble existence sa galaxy ng Milky

Way ay sumisigaw ngayon sa kalawakan, umaasang diringgin ng mga tala at pakikinggan

ng mga planetang abala parati sa pagpapansin sa araw kaya’t araw araw din itong

sinusundan ngunit kalian man ay hindi naaabutan:

Dear Universe at Buong Sangkatauhan,

May teorya ako sa paglikha ng tao. Noong linikha ni Bathala ang Tao, hinubog niya

ito mula sa luwad at linuto sa hurno ngunit sa pagkadismaya ng Maylikha, matapos itong

iluto ay nanatili itong walang kilos, walang tinig - walang buhay. Kaya naman, hinipan ng

buhay ni Bathala ang Tao ngunit nanatili pa rin itong isang matigas na batong walang

kaluluwa. At dahil dito’y naisipan ni Bathala na bigyan ang Tao ng isang organo na

magbibigay dito ng dahilan upang kumilos, upang magsalita at upang mabuhay. Hinubog

niya ang organong ito mula sa pagmamahal at pawang kabutihan at pagkadaka’y tinawag

itong puso. Nang inilagay ito ng Maylikha sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib ay

nabuhay sa wakas ang Tao, tumindig ito at nagsimulang magsalita, makaramdam ng

lungkot at saya, umiyak, tumawa at higit sa lahat, natuto itong magmahal at naramdaman

nito kung paano ang mahalin. Pinagmasdan ito ni Bathala ang kanyang linikha at nakitang

ito ay mabuti. Lumipas ang isanlibong siglo, nagsasalita pa rin ang Tao, nakararamdam ng

lungkot at saya, umiiyak at tumatawa ngunit ang kislap sa kanyang mga mata’y naglaho

na, tila baga’y ninakawan ng buhay ang mga ito. Pinagmasdang muli ni Bathala ang
10

kanyang linikha at nakita niyang hindi ito maganda. Ang dating luntiang mga parang at

kabundukan ngayo’y puros kulay kape na. Kung saan may pagkarami-raming mga puno

dati ngayo’y nagtatayugang gusali na. Ang noo’y malinaw na mga karagatan ngayo’y puno

na ng basura. Ang malinis na hangin dati ngayo’y marumi na at ang mga kahayupan sa

himpapawid at lupa’y unti unti nang nauubos. Ang kapayapaa’y nabasag, dumanak ang

dugo at rumagasa ang karahasan. Naghihingalo ang Hustisya - lumaganap ang pang-aapi

at nawalan ng pagkapantay-pantay. Nalungkot ang Maylikha. Lumikha siya nang mundong

puno ng kasaganaan nang sa gayo’y hindi kailanganin ng Taong magdamot ngunit tila dahil

pa sa kasaganaang ito ay higit pang naghangad ng mas marami ang Tao. Ang Tao ang

pinakamatalino sa lahat ng hayop na kanyang nilalang at alam niyang maaaring gamitin sa

kabutihan o kasamaan ang katalinuhan at kaalaman ngunit umasa siyang gagamitin ito ng

Tao para sa una sapagkat… binigyan niya ito ng puso. Binigyan niya ito ng pusong hinubog

niya mula sa pagmamahal at pawang kabutihan… kaya’t bakit ganoon? “Bakit tila hindi

ito marunong magmahal?” ang naitanong na lamang ng nalulumbay na Bathala. Sa isip

niya, kung marunong magmahal ang Tao ay hindi ito magdudulot ng ganoong katinding

pagkawasak.

Dear Universe, sa paglipas ng panahaon, lumolono na ang populasyon ng tao ngunit

nakalimutan naman natin kung paano nga ba MAGPAKATAO. “I see humans but no

humanity,” ika nga nila. Sa lahat ng nilalang ng Maylikha, tayong mga tao ang biniyayaaan

nang pinakamalawak na kaisipan kaya’t hindi ba’t dapat na tayo rin ang magtaglay nang

pinakalamaking puso? Biniyayaan niya tayo ng katalinuhan upang tayo ang mangalaga at

magpaunlad sa lahat ng kanyang linikha ngunit bakit sa halip na pangalagaan ito ay ginamit

pa natin ang katalinuhang ito upang mamuksa?


11

Hindi sapat na matawag na isang tao lang, kailangan nating MAGPAKATAO.

Kapag pinagdiskitahan ka ng universe, inapi-api ka ng mundo buong buhay mo at lahat ng

kamalasan ay rinegalo sayo ng tadhana, kahit gaano kahirap, suklian mo pa rin ito ng

kabutihan. Ipagmalakai mo na bagamat pilit pinapanday nang malupit na mundo ang iyong

puso upang maging bakal ay nananatili pa rin itong busilak. Ilang beses ka mang biguin ng

sangkatauhan ay naniniwala ka pa rin sa kabutihan ng bawat tao. Magtiwala ka na sa kabila

ng lahat, sa kaibuturan ng ating pagkatao ay isang pusong nagmamahal at isang kaluluwang

nagmamalasakit. Alalahanin mo ito sa mga oras na nag-aalinlangan ka nang maniwala sa

kabutihan ng bawat tao. Tandaan mong sa kahuli-hulihan naman ay ang tanging

nasyonalidad nating lahat ay humanidad kaya’t anuman ang kalagayan ng mundo sa

kasalukuyan, magtiwala ka sa pangakong binibitawan ng bukas at kumilos ka upang

makamit ang bukas na ito.

Nagmamahal,

Isang Specie sa Malawak na Kalawakan


12

PAGLALAGOM: ABSTRAK, BIONOTE AT SINOPSIS

Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

Mayroong iba;t ibang uri ng paglalagom at ilan sa mga ito ay ang abstrak, buod o sinopsis

at bionote.

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga

akademikong sulatin partikular na sa tesis o disertasyon. Gayunpaman, maaari din itong

gamitin sa pagsulat ng papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ayon kay

Koopman (1997), bagamat maikli lamang ang abstrak, tinataglay nito ang mahahalagang

elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na

literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.

Sa kabilang banda, ang sinopsis o buod ay isa namang uri ng lagom na kalimitang

ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, nobela, parabula at iba

pang panitikan. Ang paggamit ng sariling salita ay kailangan sa pagsusulat ng sinopsis.

Bukod pa rito, dapat na mga payak na salita ang gagamitin sa pagsusulat nito sapagkat ang

pangunahing layunin ng buod ay makatulong sa mga mambabasang unawain ang diwa ng

akda.

Samantala, ayon kay Duenas at Sanz (2012), ang bionote ay ang tala sa buhay ng

isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career. Layunin nito na maipakilala

ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbangggit ng mga personal na impormasyon

tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.


13

Pananaw ng mga Mag-Aaral ng Ikalabing-Isang Baitang ng Pamantasan ng Holy

Angel Ukol sa Pagiging Pilipino

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa pananaw ng mga ika-labing isang baitang ng

Holy Angel University ukol sa pagiging Pilipino na naisagawa dahil nais magkaroon ng

mga mananaliksik ng mga karagdagang kaalaman ukol sa paksang ito. Sa pagaaral na ito,

natuklasan ng mga mananaliksik kung ilan ang bilang ng mga nagnanais at hindi nagnanais

maging Pilipino, kung saan mayroong 130 na mga mag-aaral na nais pang maging Pilipino

at tatlumpu naman ang nagsabing ayaw na nilang maging Pilipino kung magkakaroon sila

ng pagkakataon na pumili ng lahi. Nakapangalap din ng impormasyon ang mga

mananaliksik kung alin sa mga suliraning inilista ang pangunahing dahilan kung bakit hindi

umuunlad ang Pilipinas sa pananaw ng mga mag-aaral. Nangunguna ang kaisipang

kolonyal, kung saan mayroong 143 na sumang-ayon sa lahat ng 160 na respondente. Ang

mga mananaliksik ay humantong sa kongklusyon na bagamat mayroong kamalayan ang

mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang ng Pamantasan ng Holy Angel ukol sa mga

kapintasan ng Pilipinas at mga Pilipino, pinipili pa rin nila ang kanilang sariling lahi. Kaya

naman, mula sa mga nakalap na impormasyon at sa resulta ng sarbey, nahinuha ng mga

mananaliksik na nananatili pa rin ang pagiging makabayan at diwang nasyonalismo ng mga

mag-aaral ng ikalabing-isang baitang ng Pamantasan ng Holy Angel. Dahil dito, masasabi

na ang isa sa pangunahing nilalaman ng akdang “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang

mga Pilipino? Mga Kuwentong Barbero ni Bob Ong” na marahil isa raw sa mga balakid sa

pag-unlad ng Pilipinas ay ang kawalan ng pagka-makabayan ng mga Pilipino ay hindi na

angkop sa kasalukuyang panahon sapagkat ang aklat ay nailimbag taong 2002, labing-

limang taon na ang nakalilipas.


14

Fayerilyn Sicat Laxamana

Si Bb. Fayerilyn Laxamana ay isinilang noong ika-17 ng Oktubre taong dalawang

libo sa lungsod ng San Fernando, Pampanga. Ang kanyang mga magulang ay sina G.

Francisco Laxamana Jr. at Gng. Higinia Laxamana. Siya ay mayroong dalawang kapatid

na lalaki.

Si Bb. Laxamana ay nakapagtapos bilang valedictorian sa Pandacaqui

Resettlement Elementary School. Gayundin, nagkampeon din siya sa iba’t-ibang mga

patimpalak.

Siya naman ay nakapagtapos ng junior high school sa Angeles University

Foundation. Sa kasalukuyan, nag-aaral si Bb. Laxamana ng Humanities and Social

Sciences sa Pamantasan ng Holy Angel. Ang kanyang adbokasiya sa buhay ay ang

ipaglaban sang karapatan ng mga kababaihan, pagkapantay-pantay ng bawat tao at ang

pagpupunyagi sa katarungan.
15

Unplugged

Nagsimula ang pelikula na naglalakbay ang isang grupo ng mga manlalaro ng

football kasama ang kanilang tagapagsanay na nagngangalang Michael patungo sa bahay

ng lolo niya, si Lolo Nestor.

Pagdating nila sa munting paraiso, kinumpiska nito ang lahat ng gadgets ng mga

bata at pagkatapos ay ipinakilala sa mga ito ang mga kagamitan nila noon. Nakita ni

Michael ang laruang sasakyang ginawa ng matanda para sa tatay niya. Matapos noon ay

dumating si Isabel, ang apo ni Yolly. Sa unang pagkikita pa lamang ay nagkaroon na ng

koneksyon sa pagitan ng dalawa. Dahil nag-disconnect na ang mga bata sa teknolohiya,

nag-connect naman sia sa kalikasan at sa tunay na buhay.

Kinagabihan, nakapag-usap nang masinsinan si Isabel at Michael. Naklaro ng

binate sa dalaga na wala siyang nobya. Kinabukasan, bago sila umuwi ay napag-usapan

din ng dalawa na magsusulatan sila at inabot ng isang manang kay Michael ang laruang

sasakyan. Noon napansin ng lalaki na nawawala si Lolo Nestor. Nag-alala ang lahat nang

lubusan kaya’t lahat sila ay nagmadaling hinanap ito. Sa kabutihang palad, natagpuan nila

si Lolo Nestorna gumagamit lamang pala ng twitter sa laptop.


16

MEMORANDUM, ADYENDA, AT KATITIKAN NG PULONG

Ang mabisang komunikasyon ay ang buhay ng isang samahan o organisayon

habang ang pinakapuso at isip naman nito ay ang pagpupulong. Kaya naman,

napakahalagang maisagawa ng maayos, organisado at sistematiko ang isang pagpupulong.

At upang maisagawa ito, mayroong tatlong mahahalagang elementong dapat na isaalang-

alang. Ito ay ang memorandum, adyenda at katitikan ng pulong.

Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay impormasyon, gawain,

tungkulin o utos. Nakasaaad dito ang layunin o pakay ng gagawing pagpupulong

(Sudprasert, 2014). Ang pangunahing layunin nito ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak

na alituntuning dapat isakatuparan kaya naman sa pamamagitan nito, nagiging malinaw sa

mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.

Ayon din kay Sudprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang

tatalakayin sa pulong. Isa sa mga susi ng matagumpay na pulong ay ang pagkakaroon ng

maayos at sistematikong adyenda.

Samantala, ang katitikan ng pulong naman ay ang opisyal na tala ng isang pulong.

Maaari itong magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian.

Bukod pa rito, ang katitikan ng pulong ay hindi lamang gawain ng kalihim ng samahan,

ang bawat isang kasapi ay maaaring maatasang gumawa nito. Ang mga mahahalagang

bahagi nito ay ang heading, mga kalahok o dumalo, pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang

katitikan ng pulong, usaping napagkasunduan, pabalita o patalastas, iskedyul ng susunod

na pulong, pagtatapos at lagda.


17

Holy Angel University


Basic Education Department
Angeles City

MEMORANDUM

Para sa: Mga Mag-aaral ng 11-St. Finnian

Mula kay: John Russelle Lingat, pangulo ng klase

Petsa: ika-1 ng Agosto, 2017

Paksa: Paghahanda para sa Gaganaping Outreach Program ng Klase

Magkakaroon ng pulong tungkol sa gaganaping Outreach Program ng klase. Ang Pulong

ay idaraos sa St. Joseph Hall (SJH) 507, Holy Angel University sa ganap na 8:00 ng umaga.

Pangalan: _______________________________

Makakadalo sa pulong

Hindi makakadalo sa pulong

Bakit? ____________________________
18

Holy Angel University


Basic Education Department
Angeles City

ADYENDA

Oras: 8:00 n.u. –


Petsa: Agosto 1, 2017
10:30 n.u.
Lugar: St. Joseph Hall (SJH) 507, Holy Angel University

Paksa/Layunin: Paghahanda para sa Gaganaping Outreach Program ng Klase

Mga Dadalo:

John Russelle Lingat (pangulo ng klase)


Mary Randzhel Santiago (pangalawang pangulo ng klase)
Celesta Pearl Dizon (sekretarya ng klase)
Ryan Ray Bustamante (ingat-yaman ng kllase)
Keene Adelard Cabrera
Alnessa Dela Pena
Trisha Mae Laylo
Lee Andre Lalic

Mga Paksa o Adyenda Taong Tatatalakay Oras

Badyet para sa magaganap


Bustamante 30 minuto
na Outreach Program

Mga donasyon na ibibigay


Santiago 20 minuto
sa mga mag-aaral

Meryenda para sa mga


Lingat 20 minuto
mag-aaral

Programa ng Outreach
Lingat 30 minuto
Program

Premyo para sa mga


Bustamante 20 minuto
manlalaro sa mga aktibidad
19

Holy Angel University


Basic Education Department
Angeles City

Pulong ng Klaseng 11-St. Finnian


Agosto 1, 2017
St. Joseph Hall (SJH) 507, Holy Angel University

Layunin ng Pulong: Paghahanda para sa Gaganaping Outreach Program ng 11-St.


Finnian
Petsa/Oras: Agosto 1, 2017, sa ganap na ika-8:00 n.u.
Tagapanguna: John Russelle C. Lingat (pangulo ng klase)

Bilang ng mga Taong Dumalo:


Mga Dumalo: John Russelle Lingat, Mary Randzhel Santiago, Celesta Pearl Dizon,
Keene Adelard Cabrera, Alnessa Dela Pena, Ryan Ray Bustamante, Trisha Mae Laylo,
Lee Andre Lalic
Mga Liban: Fayerilyn Laxamana, Princess Pearl Lapera

I. Call to Order
Sa ganap na alas 8:00 n.u. ay pinasimulan ni G. John Russelle Lingat ang pulong sa
pamamagitan ng pagtawag sa atensiyon ng lahat.

II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangungunahan ni Bb. Alnessa Dela Pena.

III. Pananalita ng Pagtanggap


Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni G. John Russelle Lingat bilang
tagapanguna ng pulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong


Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong ika-25 ng Hulyo, 2017 ay binasa
ni Bb. Mary Randzhel Santiago. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G.
Keene Adelard Cabrera at Bb. Trisha Mae Laylo.

V. Pagtalakay ng Adyenda ng Pulong


20

Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Taong
Paksa Talakayan Aksiyon
Magsasagawa
1. Badyet Tinalakay ni G. Ryan Magbabayad ng tig-isang  G. Ryan
para sa Bustamante ang halagang daan at limampung piso ang Bustamante
magaganap gugugulin para sa lahat ng mag-aaral sa klase.  Bb. Celesta
na outreach magaganap na Outreach Pearl Dizon
Program ng klase. Ayon sa
kanya, mahigit pitong libong
piso ang kakailanganin para
maisagawa ang naturang
programa.
2. Mga Tinalakay ni Bb. Mary Napagkasunduan na ang  Bb. Mary
donasyon na Randzhel Santiago ang mga donasyon na kanilang Randzhel
ibibigay sa ihahandog na gamit at ibibigay ay mga pagkaing Santiago
mga mag- pagkain sa mga mag-aaral. de-lata, bigas, noodles at  Bb. Alnessa
aaral Rinekomenda niya na mga gamit pang-paaralan Dela Pena
magbigay ang kanyang mga tulad ng kuwaderno, lapis at  G. John
kaklase ng mga lumang papel. Bibilhin ang mga ito Russelle
laruan kung mayroon sila. kapag nakapagbayad na ang Lingat
mga mag-aaral.
3. Meryenda Tinalakay ni G. John Napagkasunduan na  Bb. Trisha
para sa mga Russelle Lingat ang spaghetti at juice ang Mae Laylo
mag-aaral meryendang ipapakain sa meryenda na ibibigay ng  G. Lee
mga mag-aaral sa Outreach klase sa mga mag-aaral. Andre Lalic
Program. Nagkaroon ng Iluluto ang spaghetti sa
botohan kung anong tulong ng kanilang mga
meryenda ang kanilang magulang.
ibibigay.
4. Programa Tinalakay ni G. John Nag-prisinta si G. Ryan  G. John
ng Outreach Russelle Lingat ang Bustamante na pangunahan Russelle
Program programang gaganapin sa ang pagdarasal sa Outreach Lingat
outreach ng klase. Tinalakay Program at maghandog ng  G. Ryan
niya kung sino ang isang awit para sa mga mag- Bustamante
mangunguna sa dasal, kung aaral. Napagkasunduan na  Bb. Mary
ano ang mga aktibidad na magtatanghal ng isang Randzhel
gagawin at ang mga sayaw ang kanilang mga Santiago
pagtatanghal na maaari kamag-aral na nanalo sa
nilang ihandog. isang paligsahan sa
pagsayaw. Bukod dito,
napagkasunduan din na ang
mga palaro na isasagawa ay
ang Chubby Bunny,
newspaper dance at Pinoy
Henyo.
5. Premyo Tinalakay ni G. Ryan Napagdesisyunan na ang  G. Ryan
para sa mga Bustamante kung ano-ano mga premyong ibibigay ng Bustamante
manlalaro sa ang mga premyong ibibigay
21

mga sa mga mananalo sa mga klase ay mga kendi at  G. Keene


aktibidad palarong kanilang inihanda. biskwit. Cabrera
 Bb. Celesta
Pearl Dizon

VI. Ulat ng Ingat-yaman


Inulat ni G. Bustamante na ang nalalabing pondo ng klase ay apat na libong piso na naipon
sa mga nakaraang buwan.

Mosyon: Tinanggap ni Bb. Santiago ang ulat na ito ng Ingat – yaman at ito ay sinang-
ayunan ni G. Lingat.

VII. Pagtatapos ng Pulong


Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan, ang
pulog ay winakasan sag anal na alas 10:00 ng umaga.

Iskedyul ng Susunod na Pulong


Agosto 5, 2017 sa St. Joseph Hall (SJH) 507 ng Holy Angel University, 2:30 ng hapon.

Inihanda at isinumite ni:

Celesta Pearl
Dizon

Linagdaan ni:

John Russelle Lingat


22

PANUKALANG PROYEKTO

Ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga

plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at

magpapatibay nito. Ito ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihaing gawaing

naglalayong lumutas sa isang suliranin (Nebiu).

Sa panimula ng panukalang proyekto, ang unang hakbang na dapat gawin ay ang

pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan o kompanyang pag-uukulan ng

project proposal. Matapos mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin, kasunod

naman ang pinakakatawan ng sulatin. Ito ay binubuo ng layunin, planong dapat gawin at

badyet. Ang susunod na bahagi naman ay ang paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga

makikinabang nito. Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kung malinaw

na nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong

sa kanila.

Samantala, ang payak na balangkas naman ng isang panukalang proyekto ay

binubuo ng pamagat ng panukalang proyekto, nagpadala, petsa, pagpapahayag ng

suliranin, layunin, plano ng dapat gawin, badyet at paano mapakikinabangan ng

pamayanan o samahan ang panukalang proyekto.


23

SARDINAS NA KANTINA: REPORMA UPANG

HINDI KUMALAM ANG TIYAN

Mula kina: Fayerilyn Laxamana

Justine Nicole Duenas

Lee Andre Lalic

#1 Holy Angel Avenue, Sto. Rosario

Angeles City, Philippines

Ika-22 ng Agosto, 2017

Haba ng Panahong Gugugulin: Bawat buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Pamantasan ng Holy Angel ay isang pribadong Katolikong unibersidad sa

Lungsod ng Angeles, Pampanga. Itinatag noong 1933, ito ay itinuturing bilang kauna-

unahang Katolikong paaralan sa bansa na ipinatayo ng isang karaniwang tao. Ang Holy

Angel ay isa rin sa pinakamalawak na pamantasan sa rehiyon; katunayan, ito ay may lawak

na pitong ektarya. Ang humigit kumulang 17, 000 populasyon ng mga estudyante ngayong

taon ay dahilan upang ito rin ay ituring bilang isa sa pinakamalaking pribadong paaralan

sa Gitnang Luzon. Kaakibat ng kalawakan at malaking populasyon nito ay inaasahan na na

mayroon itong moderno at mainam na mga pasilidad kaya naman, nararapat lamang na

marami ang mga kantina sa unibersidad.


24

Sa kabila nito, hindi pa rin maiwasan ang pagsisiksikan sa mga kantina sa nasabing

pamantasan. Ang pangunahing dahilan nito ay ang pagkasabay-sabay ng recess ng mga

Junior High School na 9:15-9:45 ng umaga at gayundin sa mga Senior High School na

9:00-9:30 naman. Ang tanghalian din ng lahat ng mga Junior High School ay sabay-sabay

sa eksaktong 12:45 ng hapon, gayundin ang tanghalian ng mga Senior High School sa

ganap na 11:30 naman ng umaga. Ang isa pang maaaring sanhi ng kasikipan sa kantina ay

ang pananatili nang matagal ng ilang mga mag-aaral dito bagamat tapos na silang kumain

para lamang mag-kuwentuhan o gumawa ng iba pang mga bagay. Ang kakulangan sa

disiplina ng mga mag-aaral ay isa ring posibleng dahilan sa pagsisiksikang ito – dahil hindi

pumipila ang mga estudyante at sa halip ay nakikipag-unahan pa sa pagbili ng pagkain.

Ang nasabing kasikipan sa mga kantina ay nagbubunga sa kawalan ng sapat na oras

ng mga mag-aaral upang kumain nang maayos lalo na kung ang gusali kung nasaan ang

kanilang silid-aralan ay malayo sa mga kantina tulad na lamang ng St. Joseph Hall. Isa

pang nagpapahirap sa mga mag-aaral ay kung mataas ang palapag ng kanilang silid-aralan.

Ang pagbaba pa lamang nila mula sa kanilang silid-aralan, gumamit man sila ng elevator
25

o hagdan ay gumugugol na nang ilang minuto kaya pagdating nila sa kantina ay puno na

ito at siksikan.

II. Layunin

Dahil sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral na epekto ng pagsisiksikan

sa mga kantina, nais ng grupong ilunsad ang proyektong ito na naglalayong mapabuti at

maisaayos ang iskedyul ng pag-kain ng mga estudyante.

III. Plano ng Dapat Gawin

Mga Dapat Gawin Araw na Gugugulin

Pananaliksik kung anu-ano ang mga asignatura


sa bawat baitang ng Junior High School at
Isang araw
bawat baitang at strand naman ng Senior High
School
Pananaliksik kung ilan ang mga sekyson bawat
baitang at strand mula Junior High School Isang araw
hanggang Senior High School
Pananaliksik kung sino-sino at ilan ang mga
Dalawang araw
guro bawat asignatura
Diskusyon, pagsusuri at pagpaplano ukol sa
Tatlong araw
bagong iskedyul
Paggawa ng bagong iskedyul Isang linggo

IV. Badyet

Ang proyektong ito ay nangangailangan nang sapat na pondo upang mapunan ang

kakailanganin ng grupo sa pagsasagawa nito. Ang grupo ay mag-aambagan ng pera

upang matugunan ang mga gastusin.


26

Mga Gastusin Halaga

Papel Php 30.00


Ballpen Php 45. 00
Printing Php 240. 00
Pagkain (Merienda) Php 150. 00
Kabuoang Halaga Php 465. 00
Ambagan ng bawat kasapi ng grupo (talong
Php 155 kada miyembro
miyembro)

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Nararapat lamang na maipatupad ang proyektong ito sapagkat hindi lamang ang

mga mag-aaral ang makikinabang dito, bagkus ay pati na rin ang mga guro na bumibili sa

mga kantina at ang mga staff na nagtatrabaho sa pamantasan tulad ng mga registrar,

librarian, maintenance staff at constructrion workers. Kapag naisakatuparan ang

proyektong ito, tiyak na maiiwasan na ang pagsisiksikan at kakulangan sa mga mesa at

upuan sa mga kantina. Mas magiging matiwasay ang pag-kain ng mga mag-aaral, hindi

na nila kakailanganin pang madaliin ang pag-kain sapagkat mayroon na silang sapat na

oras. Sa tulong din ng proyektong ito, maiiwasan ang pagliban sa pag-kain ng ilang mga

estudyante dahil lamang malayo sa kantina o mataas ang palapag ng kanilang mga silid-

aralan. Hindi na rin masasayang ang oras ng mga mag-aaral sa pakikipag-unahan sa

pagbili ng pagkain sa mga kantina, bagkus ay maaaring magkaroon pa sila ng libreng

oras upang magpahinga, mag-ayos ng sarili o gawin ang iba pa nilang mga gawain sa

paaralan.
27

POSISYONG PAPEL

Ayon kay Grace Fleming, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa

katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o

usapin para sa iyong pananaw o posisyon. Ang layunin nito ay mahikayat ang madla na

ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan.

Sa pagsulat ng sulating ito, mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at

magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o siyu

mula sa paksang ito. Bukod pa rito, ang argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang

maging matibay, malinaw at lohikal.

Ang pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng mga

argumento at pangagatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng mga

katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik.

Ang balangkas ng posisyong papel ay binubuo ng panimula, paglalahad ng mga

argumentong tumututol sa iyong tesis, paglalahad ng iyong posisyon o pangagatwiran

tungkol sa isyu at ang kongklusyon.


28

Ang Tunay na Makatarungan

“Walang hustisya sa pagpatay sa ngalan ng hustisya,” ang winika ni Arsobispo Desmond

Tutu. Kakatwang isipin na ang isang nasyon ay tumutuligsa sa pagpatay sa pamamagitan ng

paggawa sa parehas na gawain. Sa pagsasagawa nito, tila ba pinagtatanggol natin ang karapatang

mabuhay ng lahat ng tao sa pamamagitan ng pagkakait nito sa iba. Kung ang layunin ng bawat

parusa ay para ituro sa atin ang mga bagay na hindi natin dapat gawin, ang hudikatura kung gayo’y

lalo lamang nararapat na bigyang-diin ang kriminalidad ng pagpatay sa pamamagitan nang

masidhing pagtangging makilahok dito. Bukod pa rito, ayon sa United Nations’ Universal

Declaration of Human Rights, lahat ng tao ay mayroong karapatang mabuhay, maging malaya at

maging ligtas; kung kaya naman ang pagsesentensiya sa isang tao na mamatay at ang pagbitay sa

kanila ay lumalabag sa mga karapatang ito. Kung gayon, nararapat lamang na buwagin ang

parusang kamatayan.

Ang pinakakaraniwan at marahil ay ang pinakamakatwirang argumento sa panig ng

parusang kamatayan ay ito raw ay epektibong nakakapagbawas ng bilang ng pagpatay at mga

krimen sa pangkalahatan. Gayunpaman, ang mga siyentipikong pag-araal ay patuloy na nabibigong

patunayan na ang mga pagbitay ay nakakapagpapatigil sa mga tao sa paggawa ng krimen. Ayon sa

ulat ng The Times, sampu sa labingdalawang estado sa Amerika na hindi nagpapatupad ng parusang

kamatayan ay mayroong mas mababang homicide rates kumpara sa pambansang average,

samantalang kalahati naman sa mga estadong nagpapatupad nito ay mayroong homicide rates na

mas mataas. Katunayan, noong taong 1999, ang average na murder rate sa bawat 100, 000 katao

sa mga estadong mayroong parusang kamatayan ay 5.5, samantalanag ang average na murder rate

ng mga estadong wala nito ay 3.6 lamang. Ayon pa sa United Nations Development program, ang

limang bansa sa mundo na mayrong pinakamataas na homicide rates na hindi nagpapatupad ng

parusang kamatayan ay mayroong kalahati lamang ng bilang ng pagpatay sa bawat 100, 000 katao

kumpara sa limang mga bansang mayroong pinakamataas na homicide rates na nagpapatupad ng


29

parusang kamatayan. Kaya naman, maaaring mahinuha na ang parusang kamatayan ay hindi

epektibong nakakapagpigil sa mga tao sa paggawa nang mga mabibigat na krimen; ang bagay na

nakakapagpatigil nang tunay ay ang posibilidad na mahuli at maparusahan. Samakatuwid, ang susi

sa epektibong pagpapatigil ng krimen ay ang pagpapaigting sa posibilidad na matuklas, maaresto

at makulong ang mga kriminal.

Isa pang karaniwang argumento ng mga nagsusulong sa parusang kamatayan ay ang

Hammurabi code na nagsasaad na, “An eye for an eye and a tooth for a tooth. “ Gayunman, kung

ganito ang mentalidad na ating papairialin, ang buong mundo’y mabubulag na (Gandhi). Ang

konsepto at pagsasagawa ng retribusyon ay mayroong mga kapintasan sa larangan moralidad –

hindi natin maaaring ituro na mali ang pagpatay sa pamamagitan ng pagpatay din. Higit pa dito,

kahit na sabihin na nating karapat-dapat naman talagang mamatay ang mga mamamatay-tao, ang

pamahalaan ay isang hindi perpektong institusyon ng tao, hindi isang kasangkapan ng dibinong

retribusyon – nagkukulang ito sa kapangyarihan, mandato at kakayahan upang masiguro na ang

kabutihan ay parating nabibigyan ng katumbas na gantimpala at ang kasamaan ay nabibigyan ng

katumbas na kaparusahan. Walang perpektong hudikatura kung kaya naman ang panganib na

makakitil ng mga inosenteng tao sa implementasyon ng parusang kamatayan ay hindi maaaring

ipagsa-walang bahala. At kung may panganib nga na makapatay ng inosenteng tao dahil sa

parusang kamatayan, kahit na wala pang maraming kapintasan ang konsepto ng retribusyon, ang

pangunahing prinsipyo nito na dapat ibigay sa tao ang karapat-dapat lamang ibigay sa kanya ay

linalabag ng kasalukuyang implementasyon ng Estados Unidos at ng iba pang mga bansa kung saan

nagkaroon na ng mga pagkakamali.

Ang United Nations’ Universal Declaration of Human Rights ay nagdidikta na “no one

shall be subjected to torture or to cruel, inhumane or degrading treatment or punishment.” Upang

pabulaanan ito, ang katwiran ng mga nasa panig ng parusang kamatayan ay hindi naman daw ito

palaging malupit. Gayunman, sa huli, ang kamatayan ay kadalasang masakit pa rin. Marahil ay ang
30

tanging payapang paraan lamang ng pagkamatay ay habang natutulog ngunit kailanman ay wala

pang nakakabalik upang sabihin na wala ngang sakit na mararamdaman dito. Sa Amerika,

mayroong limang legal na paraan ng pagpatay: lethal injection, silya-elektrika, firing squad,

gassing at pagbitay. Ang lahat ng mga ito ay naglalayong mabawasan ang sakit ng pagpatay

hangga’t maaari ngunit lahat sila’y mayroon ding panganib na magkaroon ng aksidente tulad na

lamang ng nangyari kay John Wayne Gacy na pinarusahan ng kamatayan sa pamamagaitan ng

lethal injection – ang pinakamahusay at pinaka-hindi mapanganib na paraan ngunit ang kanyang

kamatayan ay hindi naisakatuparan gaya ng plano. Ang sodium thiopental ay matagumpay na

nakapasok sa kanyang dugo na siyang nagpatulog sa kanya. Pagkatapos, ang pancuronium bromide

ay matagumpay ding pinangangasiwaan na siya namang nagparalisa sa kanyang dayapragm. Ito ay

magdudulot ng asphyxiation kung ang susunod na kemikal na potassium chloride ay hindi

napangasiwaan kaagad upang patigilan sa pagtibok ang puso ngunit ang potassium chloride ay

namuo sa tube bago pa madala sa silid si Gacy. Wala siyang malay at hindi makahinga nang ilang

minuto habang ang huling drug tube ay pinalitan. Ang kanyang kamatayan ay umabot nang

labingwalong minuto sa halip na karaniwang pito. At kung sa mga panahong iyon ay nakaramdam

siya ng labis na sakit ay imposible nang matukoy.

Bilang karagdagang suporta sa kontra-parusang kamatayan, mayroong mas magandang

alternatibo sa sentensiyang ito: ang panghabang-buhay na pagkabilanggo nang walang parol. Ang

pagkakabilanggo ay para na ring pagkakait ng mga pangunahing kasiyahan sa buhay: ang bilibid

ay isang mundo kung saan bawat bilanggo ay kailangang sumunod sa isang mahigpit na iskedyul

kasama ang mga estranghero. Ang mga bilanggo ay inaalisan ng kalayaan, pribilehiyo at emosyonal

na suporta at seguridad. Bakit pa kailangan ng parusang kamatayan kung ang panghabang-buhay

na pagkabilanggo ay nagdudulot din ng labis na kasakitan ngunit ngunit nagbibigay pa rin ng

pagkakataon upang magbago? Ito ay humahantong sa susunod kong argumento – ang parusang

kamatayan ay bigong makita ang potensyal ng mga nagkasala na magbago, inaalisan sila ng
31

pagkakataon na makabalik muli sa lipunan. Ang sentensiyang kamatayan ay nagsasabi na may mga

taong hindi na maaaring magbago, mabigyan ng pangalawang pagkakataon at hindi na maaaring

makabalik pa sa lipunan. Hindi ako sumasang-ayon dito. Naniniwala ako na ang mga tao ay

nararapat lamang na mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Sa aking palagay, ang mga taong

nasa death row at nakabilanggo ay naroon dahil ni hindi sila nabigyan kahit unang pagkakataon

man lang. Ang kahirapan, racism, karahasan at mga mental na sakit ay pawang mga isyu na

maaaring maka-apaekto kung sino ang mga nagiging “kriminal.” Napakaraming mga bilanggo na

nakapagbagong buhay sa kabila nang nakakapanghilakbot na kondisyon nila sa likod ng mga rehas.

Ang pagbitay sa mga taong ito ay nag-aalis sa kanilang kakayahan na lubusang makilihok at

makapag-ambag sa lipunan.

Bukod pa rito, hindi totoo na ang parusang kamatayan ay mas mura kaysa sa pagpapakain

sa isang mamamatay-tao habang buhay. Katunayan, ang Estado ng California ay maaaring

makabawas ng $1 bilyong gastusin sa susunod na limang taon kung bubuwagin ang parusang

kamatayan at palitan nila ito ng panghabang buhay na pagkabilanggo na walang parol.

Samakatuwid, ang parusang kamatayan ay nararapat lamang na buwagin hindi lamang dahil

lumalabag it sa mga pangunahing karapatang pantao bagkus ay dahil din ito ay isang parusang hindi

mabuti para sa ating ekonomiya, hindi ito epektibong nakakapagpabawas ng bilang ng mga

pagpatay, ang konsepto ng retribusyon ay mali, kadalasan ay ito’y malupit at hindi maka-tao, mas

magandang alternatibo dito ang panghabang-buhay na pagkabilanggo at hindi ito nagbibigay ng

pangalawang pagkakataon sa mga nagkasala.


32

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng paglalahad na nagpapakita ng personal na

paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari (Morgan).

Nangangahulugan ito na nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano

siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksang binibigyang-pansin sa pagsulat. Ayon pa kay

Michael Stratford, ang replektibong sanaysay ay isang tiyak na uri ng sanaysay na

mayroong kaugnayan sa pagsisiyasat sa sarili o introspeksiyon.

Ang uring ito ng sanaysay ay binubuo ng tatlong bahagi – ang simula, katawan at

ang wakas o kongklusyon. Sa simulang bahagi nakapaloob ang tesis o ang pangunahing

kaisipan ng buong sanaysay. Ito ay naglalaman ng pananaw ng may-akda tungkol sa paksa,

epekto ng nasabing paksa sa buhay ng awtor at kung wala man itong naging epekto, ang

dahilan kung bakit. Ang pambungad ng sanaysay ay mahalagang makapukaw sa atensiyon

ng mga mambabasa, magpakilala ng paksa at magsaad ng layunin ng pagsulat.

Sa kabilang dako, ang katawan naman ng replektibong sanaysay ay naglalahad ng

mga kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis. Nakalakip sa bahaging ito ang mga

napagnilay-nilayan ng may-akda at kung paano umunlad ang pagkatao ng awtor mula sa

mga karanasan o mga gintong aral.

Samantala, sa kongklusyon naman matatagpuan kung paano gagamitin ng may-

akda ang kanyang mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Mahalaga ring muling banggitin

sa bahaging ito ang tesis.


33

Replektibong sanaysay patungkol sa patalastas mula sa SM Supermal na

pinamagatang “Daddy’s Girl”

Kung ako ay magpapakatotoo lamang, noong unang beses kong napanuod sa klase

ang patalastas mula sa SM Supermalls na pinamagatang “Daddy’s Girl” ay hindi ito

tumama sa aking panlasa, masyadong “cheesy” ika ko at hindi ko nagustuhan kung

paanong in-exaggerate ang pag-arte ng tatay sa nasabing patalastas para lamang ito ay

maituring bilang isang komedya. Sa isip ko, hindi ganitong klase ng komedya ang

nagpapakiliti sa aking tagiliran, ang mga gusto kong klase ng pagpapatawa ay yaong

humahamon sa intelektwal na kapasidad ng isang tao at hindi lamang nagdedepende sa

tinatawag na “slapstick comedy” upang magpatawa. Gayunpaman, noong muli kong

panuorin ang “Daddy’s Girl,” ang lahat ng mga nabanggit na kapintasan ay natabunan ng

mga mahuhusay na bahagi ng patalastas. Natibag ang matatayog kong mga pamantayan sa

pagkikritika sa mga ganitong uri ng media sapagkat biglaang tumagos sa akin kung

paanong ang nasabing patalastas ay sumasalamin sa aking realidad.

Nasilayan ko ang sarili kong ama sa katauhan ng ama sa kuwento. Mula pagkabata,

malayo na ang loob ko sa ama ko. Mayroong nakakaintimidang aura na bumabalot sa

kanya, sabayan mo pa ito ng mga noo niyang permanente na atang nakakunot at mga kilay

niyang nadikit na yata dahil sa palagiang pagkakasalubong, hindi na nakakabigla na ang

musmos na ako ay natakot sa kanya. Ngayon, makalipas ang ilang taon, nabawasan na ang

takot na ito subalit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin napupunan ang distansya namin

sa isa’t isa.

Tulad ng ama sa nasabing patalastas, hindi pala-imik ang tatay ko pagdating sa

akin. Wala akong naririnig na salita mula sa kanya. Puros, “Osige, bilhin natin” at “Sige,
34

anak” ang namumutawi sa kanyang bibig kapag ako ang kausap niya. Kumpara sa paraan

ng pagpapalaki niya sa dalawa kong kapatid na lalaki, masasabi kong ibang iba ang trato

niya sa akin. Kung sila’y tinatanong at pinapayuhan niya tungkol sa kanilang mga

nililigawan, kahit kalian ay hindi niya ako sinabihan o pinayuhan ukol sa mga nanliligaw

sa akin. Kung sila ay madalas kamustahin, tungkol man sa pag-aaral o sa larangan ng pag-

ibig kailanman ay hindi niya ito ginawa sa akin. Noong una, inaamin kong umusbong ang

pait ng sama ng loob sa akin dahil dito. Desperado akong naghanap ng sagot. Bakit? Bakit

iba ang trato ng ama ko sa akin? Hindi ba pantay ang pagmamahal niya sa akin at sa mga

kapatid ko? Dahil lang ba lalaki sila at babae ako kaya mas malapit ang loob niya sa kanila?

O dahil ba naiintimida siya sa akin? Ang katanungang ito na matagal nang bumabagabag

sa aking isipan ay matagumpay na nasagot ng patalastas sa wakas. Napagtanto kong hindi

dahil iba ang trato ng ama ko sa akin ay nangangahulugan na na hindi niya ako mahal.

Kung minsan, sadyang iba lamang ang paraan ng pagpapahayag ng mga ama. Ang mga

katagang “Mahal kita” ay maaaring marinig hindi lamang sa berbal na paraan.

Sa aking pagbubulay-bulay, napagtanto kong ang patalastas na aking napanuod ay

hindi lamang mauugnay sa personal kong buhay, bagkus ay ito rin ay sumasalamin sa

realidad sa ating lipunan ngayon – kadalasan, ang mga ama ay hindi malimit at hindi rin

kagalingan sa pagpapahayag ng kanilang damdamin. Marahil ang ganitong pag-uugali na

malimit sa ating mga ama ay nag-ugat na rin sa malupit na pagdidikta sa kanila ng lipunan

na parating maging matikas at dahil na rin sa panghuhusga sa kanila magpakita lamang sila

ng kahit katiting na kahinaan. Katunayan, ayon sa istatiska, mas maraming mga kakalihan

ang nagpapakamatay kumpara sa mga babae. Marahil ito ay dahil na rin sa mas madalas
35

na kimkimin ng mga lalaki ang kanilang tunay na saloobin kung kaya’t humahantong sa

puntong hindi na kinakaya ng kanilang katawan ang mga pasanin.

Dahil sa mga gintong aral na aking napulot sa patalastas, napagtanto kong dapat

nating pahalagahan an gating mga ama bagamat kung minsan ay hindi nila naipaparamdam

ang pagmamahal nila sa atin. Ayon nga sa pang-wakas na mensahe ng patalastas, “This

Dad’s day, show Dad how much you love him, even if he won’t.”
36

LAKBAY-SANAYSAY

Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala

ang mga naging karanasan sa paglalakaybay. Tinatawag din itong travel essay o

travelogue. Bukod pa rito, tinawag din itong sanaylakbay ni Nonon Carandang. Ang

terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong kosenpto: sanaysay, sanay at lakbay.

Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, mayroong anim na bagay na dapat tandaaan. Una

ay ang pagkakaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista. Ang pagkakaiba

sa dalawang ito ay, ang isang turista ay nagpupunta sa isang lugar upang maglibang,

magliwaliw at makita ang magagandang tanawin samantalang ang isang manlalakbay

naman ay sinsikap maunawaan ang kultura, kasaysayan heograpiya, hanapbuhay, pagkain

at maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ang ikalawa namang dapat

tandaan ay ang pagsulat sa unang panauhang punto de-bista. Mahalaga ring matukoy kung

ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-sanaysay batay sa human interest. Ang

sususnod naman na dapat tandaan ay ang pagtatala ng mahahalagang detalye at pagkuha

ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay. Bukod pa dito, mahalaga ring

maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang

paglalakabay. At ang panghuling dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang

paggamit sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.


37

You might also like