Tula Compilation

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 164

ANG TULA

Bilang Parsyal na pangangailangan sa FILIPINO 52A

INTRODUKSYON SA IBA’T IBANG


GENRE NG PANITIKAN

INIHANDA NINA:

Robelyn Sabio

Johanna Villarin

Catherine Gavin

Elvie Pagara

Renmark Ricafrente

Eunice Zambrona

Abdul Rashid M. Alao

INIHANDA PARA KAY:

Gng.Carmela G.Ong

Talaan ng mga Nilalaman


Introduksyon sa Tula…………………………………………………………………………………………………..4
Sangkap/ Elemento………………………………………………………………………………………………….5-6
Kayarian ng Tula……………………………………………………………………………………………….…………..7
1
Mga Uri ng Tula…………………………………………………..………………………………………………….8-17

Tula Bago Dumating ang Kastila………………………………………………………….……….……18-27

Tula sa Panahon ng Kastila……………………………………………………………..……….…………28-35

Tula sa Panahon ng Propaganda…………………………………………………….………….………36-90

Tula sa Panahon ng Himagsikan………………………………………………………….……………91-133

Tula sa Panahon ng Amerikano………………………………………………………………………134-149

Tula sa Panahon ng Hapones………………………………………………..…………………………150-153

Tula sa Pagbabalik ng mga Amerikano…………………………………………………………154-160

Tula sa Bagong Lipunan…………………………………………………………………………………..161-175

Tula sa Ika-apat na Republika-Kasalukuyan…………………………………………………..……176

Talasanggunian……………………………………………………………………………………………………..….188

Introduksyon sa Tula

2
Tagapag-ulat:

Johanna Villarin

Introduksyon sa Tula

TULA

Ito ay isang akdang pampanitikan .Ito ang pinakamatanda at

pinakamagandang anyo ng panitikan. Ito ang pinakamasidhi, pinakamatipid at

pinakamasining na pagpapahayag ng kaisipang may kalangkap na damdamin.

3
Ang tula ay nagtataglay ng kaisipan, makinis at maaliw-iw na mga salita

at mga larawang buhay na siyang umaantig sa damdamin. Isang pampanitikang

nagbibigaydiin sa ritmo, nagpapahayag sa damdamin at nagbbigay kahulugan sa

mga salita.

Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong hugis sa buhay.Ibig sabihin, ito

ay isang maguniguning paglalarawan na nakakalupkupan ng kariktan sa

pamamagitan ng mga sukat ng taludtod na tahasang nadarama, dinaramdam,

iniisip o ginagawa ng tao.( Alfred Austin )

Sinasabi naman ni Charles Mills Gayley na ang tula ay ang tahasang

pagpapahiwatig sa tulong ng guni-guni at nag-aalimpuyong na gunamgunam at

matibay na saligan para sa mararangal na damdamin na ag ibig ipakahulugan ay

ang apat na pangunahing nagdudulot ng simbuyo ng kalooban gaya ng pag-ibig,

paghanga at pagsamba na kasalungat naman sa pagkamuhi, pagkapoot,

pagkasindak at hindi madalumat na kalungkutan.

Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa pitong importanteng

mga panahon.

-Panahon Bago Dumating ang mga Kastila o Ang Matandang Panahon

-Panahon ng mga Kastila

-Panahon ng Propaganda

-Panahon ng Himagsikan

4
-Panahon ng Amerikano

-Panahon ng Hapon

-Kontemporaryong Panahon

MGA SANGKAP AT ELEMENTO NG TULA

A.Sukat

-tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang sukat

ng isang tula ay wawaluhin at lalabindalawahin.

B.Tugma

-tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat

taludtod.

1.Tugma sa Pantig

a.tugma sa pantig na malumanay at mabilis

b.tugma sa pantig na malumi at maragsa

2.Tugma sa Katinig

a.Unag lipon- ( b, k , g, s, p ,t )

b.Ikalawang lipon- ( h, l, m, n, ng, r, w, y )

5
C.Sining o Kariktan

-tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na salita.

Kailangang magtaglay ang tula ng marikit na salita upang maakit ang

mambabasa gayundin mapukaw ang damdamin at kawilihan.

D.Talinghaga

-tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga tayutay

sa tula. Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita

upang maging kaakit-akit at maging mabisa ang pagpapahayag.

KAYARIAN NG TULA

1.May Sukat, may tugma at taludturan .

-ito ay katutubong kayarian n gating mga tula na binubuo ng taludtod na

may sukat at tugma. Ang bilang ay maaring wawaluhin, lalabindalawahin,

lalabing-animin at lalabingwaluhing pantig.

2.Malayang taludturan.

6
-Ito’y makabagong kayarian ng tula na walang sukat at walang tugma.

Lalong nababagay sa mga maiikling tulang magsasagisag at magdadalumat.

3.Di-tugmang taludturan.

-Ito’y matandang kayarian ng tula na siyang gamitin noong ika 10

dantaon.

MGA URI NG TULA

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)-


Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap

at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao.

Ito ay maikli at payak.

Uri ng Tulang Liriko

7
a. Awiting Bayan- ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman

sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at

kaligayahan.
Hal: “CHIT CHIRIT CHIT”
Chitchiritchit alibangbang
Salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.

Santo Ninyo sa Pandacan,


Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama,Mama, mamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng Manika.

Ale, ale namamayong


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
b. Soneto- Nagtatataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat

na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at

may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.


Hal: “SONETO NG BUHAY”
(Fernando B. Monleon)
Sa balabang niyog, aking minamalas
ang palabang buwang lumantad-sumilip
sa abot-tanaw ko’y sultanang liwanag
na napapaaasan sa aking pag-ibig….
sa lunday na puting kabigin-itulak
pati paningin ko’y naglalakbay langit
aling puso kaya ang di mangarap
kung ang kalikasa’y isang panaginip
umigpa sa aking manlulumong diwa
ang mga anino niring panimdim
ang dalitang iwi’y nalimot na kusa
madaling araw na, nang ako’y gumising
pangarap! pangarap! pangarapang buhay!
kaambil: ligaya; katapat; libingan!

8
c. Oda- ito ay pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o

grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang

bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.


Hal: “TUMANGIS SI RAQUEL”
Tumangis si Raquel
Wala na ang lusog ng hinubdang dibdib
Wala na ang bango ng labing nilanta.
Ang mga buwitre’y nagpipiging
Sa katawang tinubos
Ng tatlumpung putol na pilak.

d. Elehiya- ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa

kamatayan.
Hal: “AWIT SA ISANG BANGKAY”
(Bienvenido A. Ramos)
Ngayong hatinggabi’y nais kong awitin
ang ayaw marinig ng aking Diwata;
awit na kaiba may bagong pagtingin
may dugo sa buhay may tamis ng luha
awit na hinabi ng buwang may silim…
(isinumpang awit ng mga bathala)

Anila, ang awit ay ang kagandahan


na nakaayubo sa ating paligid
mabituing langit, bagwis ng amihan
maingay na lunsod, at payapang bukid;
(di iyan ang awit na ngayon ay alay…
(iya’y dati na’t mga lumang himig)

Ang awit kong ito’y pipi’t walang nota


at dalit sa labi ng mga pulubi
kelan ay nasagpang ng mga buwitre
aninong madapa sa mga bangketa
sa gabing ang buwa’y ni ayaw ngumisi

Notang sa silabato’y nagbinhi ng takot


at gintong makuyom sa bantay-salakay
sa bawat lansanga’y uwak naa matanod
laganap ang salot sa hulo’t luwasan…
(Sino ang pipigil, kung ito at agos,
kung pati ang puno ay yagit na lamang?)

9
Inihimig pang pangako ring wasak
sa binging pandinig ng mga naburol
agunyas man ito’y makaaagnas
sa pusong nagmoog sa daya at lason…
(May bunyi ang awit ng palayong uwak
pagkat naging uwak ang lahat ng ibon!)

Di para sa iyo ang awit kong ito


(Naririnig mo ba ang paos supling mo
kung magsusupling ka sa baog mong hasik…
Ngayong hatinggabi ay aawitin ko
ang kamatayan mong di magbagong-binhi

e. Dalit- ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may

kahalong pilosopiya sa buhay.


Hal: O Mariang sakdal dilag
Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring Mataas

Itong bulaklak na alay


Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo Birheng Mahal
Ng tuwa sa kalangitan

(koro)

Halina’t tayo’y mag-alay


Ng bulaklak kay Marie
Halina’t magsilapit
Dine sa Birheng marikit
Ng isang kaibig-ibig
Dakilang Reyna sa langit
Ng ampuni’t saklolohan
Tayong mga anak niya

f. Pastoral – Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa

bukid.
Hal: “BAYANI NG BUKID”
(Al Perez)

Ako’y magsasakang bayani ng bukid

10
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa Pag-aaararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.

Ang haring araw di pa sumikat


Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.

Sa aking lupain doon nagmumula


Lahat ng pagkakain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

Sa aking paggawa ang tangi kong hangad


Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y nagagalak.

At pagmasdan ninyo ang aking bakuran


Inyong makikita ang halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.

Sa aming paligid namamalas pa rin


Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.

Ako’y gumagawa sa bawat panahon


Nasa aking tao, ako’y makatulong
At nang maiawan ang pagkakagutom.

Ako’y magsasakang bayani ng bukid


Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong mghapon gumagawang pilit.
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry)

11
Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad

ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at

kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko- Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang

kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay. Hindi

kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na

kababalaghan.

Hal: : “Indarapatra at Sulayman”

b. Karaniwang Tulang Pasalaysay- Ang mga paksa nito ay

tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry)


Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan

Mga Uri ng Tulang Patnigan

a. Balagtasan- tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang

pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni

Francisco “Balagtas” Baltazar.


b. Karagatan – ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na

kabilang sa tinatawag na “libangang tinatanghal” na ang taglay na

12
pamagat ay naggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na

nahulog sa dagat.
c. Duplo – ito ay isang laro sa tula o isang paligasahan sa husay sa

pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran

sa bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula-


Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ang

binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang

patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa

sarswela at komedya.

13
TULA SA PANAHON NG

KATUTUBO

TAGAPAG-ULAT:

Robelyn M.Sabio

14
TULA SA PANAHON NG KATUTUBO

Ang Bugtong.

-Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at

ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at

kaalaman tungkol sa bayan.

Sa loob ng tahanan:

Munting palay

Puno ang buong bahay.(ilaw)

Dala mo,dala ka,

Dala ka ng iyong dala.(sinelas)

Sa labas ng tahanan:

Di hari,di pari

Ang suot ay sari-sari.(sampayan)

Dalawang katawan

Lagusan ang tadyang.(hagdan)

Ang Salawikain at Kasabihan.

-Nagpapahayag ng aral at nagiging batayan ng magandang pag-uugali ang

salawikain.Samantalang ang kasabihan naman ay kinasasalaminan ng

mentalidad ng sambayanan.

HALIMBAWA:

SALAWIKAIN
15
Walang masamang tagasunod

Sa mabuting magpasunod.(Bicol)

Sayaw niya,tugtog niya.(Bohol)

Ang isang tapat na kaibigan

Mahigit pa sag into sa kaban.(Maranaw)

KASABIHAN

Bat batuta

Samperang muta.

Tutubi!Tutubi!

Huwag kang magpahuli

Sa batang mapanghi.

Putak,putak

Batngduwag

Matapang ka’t

Nasa pugad.

Ang Tanaga.

16
-Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng

matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may estrukturang apat na

taludtod at pitong pantig sa iisang saknong.

Ang Tulang Pambata.

-Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin

ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y

bata pa.

Ang Bulong.

-Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng

mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay

humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak

sa mga masasamang pangyayari.

Halimbawa:

Tabi, tabi po, Ingkong

Makikiraan po lamang.

Bari-bari Apo

Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

Ang Awiting-Bayan.

17
-Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na

paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian,

karanasan, relihiyon, at kabuhayan.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng iba’t ibang uri nito.

 Ang talindaw ay awit sa pamamangka

Ang tamuneneg ko’y lumuha sa bundok

Kasabay ang taghoy ng luha’t himutok,

Luha’y nagging dagat,along sumalpok,

Ang tamuneneng ko’y sadyang napalaot.

Ako namang ito’y hunahanap ng daong

At kusang tumugpa sa gitna ng alon,

Natagpu-tagpuan sigwa at daluyong,

Ang tamuneneng ko’y kung saan nataboy.

Mana isang araw humampas ang hangin

Dine sa dibdib ko na nahihilahil,

Kaya pala gayon ay si Tamuneneng

Nasa aking puso’t doon nahihimbing.

Hayo,mga kasama,at ako’y tulungan,

18
Sa dagat itawid itong kapalaran,

Kung tayo’y palarinng dumating sa pampang

Ang Tamuneneng ko’y ating kalangitan.

Hala,pagod ay tiisin,

Ang lahat ng hirap,pag-aralang bathin,

Palayu-layo man kung ating ibigin,

Daig ang malapit na ayaw lakbayin.

Nagbuhat sa panayam ni Inigo Ed.Regalado,ang “Panulaang Tagalog” na

binigkas noong ika-18 ng agosto,1943.

 ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol.

Meme na bunso ko

Ang tatay mo’y wala rito

Nagpunta sa ibayo

Bumili ng puto

Ipakakain sa iyo.

Matulog ka na bunso

Ama mo’y malayo

Hindi ka masundo

At may buwaya sa pulo.

19
---Louie Jon A. Sanchez

 ang Ihiman/Diona-awit sa pangkasal

- DIONA: Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong

pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Halimbawa:

MAyac aco sa masiguing

Ang malubay na ang aquin

Malayo ang madarating.

Buhat sa Vocabulario de la Lengua Tagala nina Juan Noceda at Pedro

San Lucar,d.111.

Kumintang

“Ang nuno nating lahat

Sa kulog di nasindak

Punuhunan ng buhay, hirap.

Upang tayong mga anak

Mabuhay nang mapanatag.

20
“Itong ating kabukiran

Sampung buhay at tahanan

Ibig nilang kuning tunay,

Maagaw sa ating kamay,

Tayo baga’y mag-aasal

Gayong buhay, tila patay?

“Halina nga at usigin

Ang aliktiya, mga haling,

Ipagtanggol ang bukirin

Ang mga anak natin;

Tayo nama’y may patalim

Dugo’t buhay puhunanin

Carinosa ( Bisaya)

O mga Pulong Bisaya ng aking puso,


Ang langit mo’y may pang akit sa aking kaluluwa
21
Ang mga awit mo’y may tanging kariktan
Nakapapawi sa pighating alinman.

Matamis na lupain ng aking mga pangarap


Ikaw ay isang makinang na bituin
Sa watawat nating nagppaningning

Dadansoy
Dadansoy, iiwan ko ikaw
Tutungo sa malayong bayan,
Sakaling hanapin ang mahal
Dalawin lamang sa Payaw.

Sarong Banggi ( Bicolano)


Sarong banggi
Sa higdaan
Nakadangog ako
Hinunihin sarung gamgam
Sa luba ko katurungan
Bako kundi simong boses iyop palan.
Dagos ako bangon
Si sakuyang mata iminuklat
Kiadtong kadikluman
Nin banggi ako
Nangalog-kalag
Kasu ihiling ko si sakuyang manok
Sa itaas, simong lawog
Nahihiling ko maliwanag

Kadtung kadikluman
Kan mahiling taka
Mamundo kung puso
Tolos na nag-ogma
Minsan di nahaloy
Itong napagmasdan
Sagkud nuarin pa man
Dai ko malilingwan

22
TULA SA PANAHON NG

KASTILA

TAGA-ULAT:

Catherine Gavin

23
MGA PANULAAN SA PANAHON NG KASTILA

Tulang Pasalaysay

 Awit at Korido
- ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa

pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng

hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong

mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga

awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.


Hal. ng Awit: “DOCE PARES SA KAHARIAN NG FRANCIA”
“DOCE PARES SA KAHARIAN NG FRANCIA”
Palaging lagad ay biglang nalagot,
sa tuko’y ng nasa siyang ilalagos,
upang hanggang wakas nang ating masayod,
sasapitin ngayon bayaning guerreros.

Bayang Herusalem ng unang panahon,


ang gumugubyerno’y patriyarka Aaron,
nang salakayin at bigyang linggatong,
taga-Zaragosang mga morong buhong.

Nang mabalitaan nitong patriyarka,


na ang Herusalem daratnang pangamba,
nagpapadala agad sulat sa Francia,
sa kay Carlo Magno bayani sa giyera.

Matatag ang liham nitong emperador,


biglang iginayak ang kaniyang kampon,
at ang tanang Pares tinugo ang layon,
naligaw sa lagad ng daang patuloy.
Naging tatlong buwan ang tropa sa landas,
sa kay Carlo Magno nang ito’y matatap,
na sa tutunguhi’y sila’y siya’y nalilinsad,
pagdaka’y nagwikang manalangin lahat.

Sa puspos at taos na panalangin,


24
sa Diyos at inang kanilangdaing,
sari-saring ibon ang nagbigay aliw.

Huning kinakanta nilang pakinggan,

tropa’y magtuloy na’t sila’y siyang sundan,


sa marinig ito niyong kalahatan,
lumakad na sila’t pawing nagdiwang.

Hal. ng Korido: “BUHAY NA PINAGDAAN NI DONYA MARIA”


“BUHAY NA PINAGDAAN NI DONYA MARIA”
May sinasabi noong una
doon sa Reyno ng Murcia,
yaong hari at monarka,
na may tatlong anak siya.

Sabihin ang kariktan


huwag sa tala’t buwan
sila’y pinagkakaguluhan
prinsipe sa madlang bayan.

Dito’y bayaan ko muna


mga karikta’t ganda
ang aking ipagbabaya
nasapit ng haring ama.

Itong haring nagkasakit


buong baya’y naligalig
tanang mediko’y nananhik
ay wala ring nasasapit.

Malaking pagkagulo
medico at siruhano
sampung sa iba pang reyno
naparoon at dumalo.

Ano’y sa hinibik-hibik
ng hiningang mapapatid,
may narinig siyang boses
na nanggaling sa langit.

May isang aha sang badya


na naroon sa aplaya,
25
kung ang gagamot ay siya,
walang liwag gagaling ka.
Boses ay muling nangusap
ito ay ipinahayag,
kung sa hingi ko’y papayag,
gagaling kang walang liwag.
Alin man sa tatlo baga
mga anak mong dalaga,
sa ahas ay mag-asawa
walang liwag gagaling ka.

Tulang Patnigan

 Duplo
- ito ay isang laro sa tula o isang paligasahan sa husay sa

pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang

pangangatwiran sa bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

 Karagatan
- ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang

sa tinatawag na “libangang tinatanghal” na ang taglay na pamagat

ay naggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na

nahulog sa dagat.

 Balagtasan
- tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran

sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco

“Balagtas” Baltazar.

Awiting Bayan
 Oyayi o Hele
- awit sa pagpapatulog ng sanggol
 Talindaw
-awit ng mangingisda
 Soliranin
- awit sa pagsasaka
 Kumintang o Tagumpay
26
- awit sa pakikidigma
 Kundiman
- awit ng pag-ibig
 Diona
- awit sa kasal
Karunungang Bayan
 Salawikain
- nagpapahayag ng kagandahang-asal.

Hal: Ang kasipagan ay kapatid ng kariwasaan.

 Kasabihan
- ginagamit kapag nilalaro ang mga bata.
Hal:, Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.

 Bugtong
- patula at patalinghaga.

Hal: Dalawang katawan, Tagusan ang tadyang.

Sagot: hagdan

Palaisipan
- isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas

Hal: May isang bola sa mesa,


Tinakpan ito ng sombrero.
Paano nakuha ang bola ng di
Man lang nagalaw ang Sombrero?

Sagot: May butas ang ibabaw ng sombrero

 Bulong
- ginagamit sa pangkukulam at sa mga enkanto, panggagamot, paghingi ng

tulong paumanhin

Hal: “Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko

27
Lumuwa sana ang mga mata mo.
Mamaga sana ang katawan mo.
Patayin k ang mga anito.

Tula sa Panahon ng

Propaganda

TAGA-ULAT:

Abdul Rashid M. Alao

28
Tula sa Panahon ng Propaganda(1872-1896)

Tula sa Panahon ng Pagbabagong-Isip

Mapapansin na ang panitikan sa panahon na ito ay karaniwang


tumutuligsa sa pagmamalabis ng kapangyarihan ng gobyernong kolonyal,
Nagkikintal ng pagkamakabayan, Humihingi ng reporma, Humuhubog ng sariling
pagkakakilanlan ng mga Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa mamayan ng
Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging indio), nakasulat sa Espanyol
( dahil gusto nilang magbago ang mga kastila.)

Ang kilusang Propaganda


Ang kilusang ito ay binubuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa
gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez
Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno,
at iba pa. paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang
layunin ng kilusang ito.
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at kastila sa
ilalim ng batas.
2. Gawin lalawigan ng Espanya ang pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Korte ng
Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga Kura paroko.

Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o


pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan

Mga Akdang tula ni Rizal

29
a. Mi Ultimo Adios (Ang huli kong paalam)- ito ay kanyang isinulat

noong siya ay nakakulong sa ‘’fort Santiago’’ ipinalalagay ng

marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong

pinakadakilang tula sa daigdig.


b. A la Juventud Filipino (Sa kabataang Pilipino)- ito ay isang

tulang inihandog niya sa mga kabataang pilipinong nag-aaral sa

Pamantasan ng Santo Tomas.


c. Mi Piden Versos (Hinilingan nila ako ng mga tula)- ang tulang

sinulat at nailathala ni Rizal sa Europa noong 1882. Ang tulang

ito ay nagpapahayag ng mga di pangkaraniwang kalaliman ng

damdamin.
d. ‘A las Flores De Heidelberg(Sa mga Bulaklak ng Heidelberg)ang

tulang sinulat at nailathala ni Rizal sa Europa noong 1882. Ang

tulang ito ay nagpapahayag ng mga di pangkaraniwang

kalaliman ng damdamin.

Dr. Jose Rizal

MI ULTIMO ADIOS

Ni Dr. Jose Rizal 1896 ( Kastila, Ingles, Filipino )

( Orihinal na Bersyon)

30
¡Adiós, Patria adorada, región del sol querida,

Perla del mar de oriente, nuestro perdido Edén!

A darte voy alegre la triste mustia vida,

Y fuera más brillante, más fresca, más florida,

También por ti la diera, la diera por tu bien.

En campos de batalla, luchando con delirio,

Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;

El sitio nada importa, ciprés, laurel o lirio,

Cadalso o campo abierto, combate o cruel martirio,

Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

Yo muero cuando veo que el cielo se colora

Y al fin anuncia el día tras lóbrego capuz;

si grana necesitas para teñir tu aurora,

Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora

Y dórela un reflejo de su naciente luz.

Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente,

Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor,

Fueron el verte un día, joya del mar de oriente,

31
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,

Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor

Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,

¡Salud te grita el alma que pronto va a partir!

¡Salud! Ah, que es hermoso caer por darte vuelo,

Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,

Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.

Si sobre mi sepulcro vieres brotar un día

Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,

Acércala a tus labios y besa al alma mía,

Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría,

De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor.

Deja a la luna verme con luz tranquila y suave,

Deja que el alba envíe su resplandor fugaz,

Deja gemir al viento con su murmullo grave,

Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,

Deja que el ave entone su cántico de paz.

32
Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore

Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos;

Deja que un ser amigo mi fin temprano llore

Y en las serenas tardes cuando por mí alguien ore,

¡Ora también, oh Patria, por mi descanso a Dios!

Ora por todos cuantos murieron sin ventura,

Por cuantos padecieron tormentos sin igual,

Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;

Por huérfanos y viudas, por presos en tortura

Y ora por ti que veas tu redención final.

Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio

Y solos sólo muertos queden velando allí,

No turbes su reposo, no turbes el misterio,

Tal vez acordes oigas de cítara o salterio,

Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.

Y cuando ya mi tumba de todos olvidada

33
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,

Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,

Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada,

El polvo de tu alfombra que vayan a formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido.

Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré.

Vibrante y limpia nota seré para tu oído,

Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido,

Constante repitiendo la esencia de mi fe.

Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores,

Querida Filipinas, oye el postrer adiós.

Ahí te dejo todo, mis padres, mis amores.

Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,

Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios.

Adiós, padres y hermanos, trozos del alma mía,

Amigos de la infancia en el perdido hogar,

Dad gracias que descanso del fatigoso día;

34
Adiós, dulce extranjera, mi amiga, mi alegría,

Adiós, queridos seres, morir es descansar.

Salin sa Filipino
Ang Huling Paalam

Paalam, sintang lupang tinubuan,

bayang masagana sa init ng araw,

Edeng maligaya sa ami’y pumanaw,

at perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko nang ganap na tuwa

sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;

naging dakila ma’y iaalay rin nga

kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban

handog din sa iyo ang kanilang buhay,

hirap ay di pansin at di gunamgunam

ang pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit

o pakikibakang lubhang mapanganib,

35
pawang titiisin kung ito ang nais

ng baya’t tahanang pinakaiibig.

Ako’y mamamatay ngayong minamalas

ang kulay ng langit na nanganganinag

ibinababalang araw ay sisikat,

sa kabila niyang mapanglaw na ulap.

Kung dugo ang iyong kinakailangan

sa ikadidilag ng iyong pagsilang,

dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang

nang gumigiti mong sinag ay kuminang.

Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,

magpahanggang ngayong maganap ang bait,

ang ikaw’y makitang hiyas na marikit

ng dagat Silangan na nakaliligid.

Noo mo’y maningning at sa mga mata

mapait na luha bakas ma’y wala na,

wala ka ng poot, wala ng balisa,

walang kadungua’t munti mang pangamba.

36
Sa sandaling buhay maalab kong nais

ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit

ng kaluluwa kong gayak ng aalis,

ginhawa’y kamtan mo. Anong pagkarikit!

Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,

mamatay at upang mabigyan kang buhay,

malibing sa lupang puspos ng karikta’t

sa silong ng iyong langit ay mahimlay.

Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin

nipot na bulaklak sa aba kong libing,

sa gitna ng mga damong masisinsin,

hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.

Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,

mataos na taghoy ng may sintang dibdib,

bayang tumaggap noo ko ng init,

na natatabunan ng lupang malamig.

Bayaan mong ako’y malasin ng buwan

sa liwanag niyang hilaw at malamlam;

bayaang ihatid sa aking liwayway

37
ang banaag niyang dagling napaparam.

Bayaang humalik ang simoy ng hangin;

bayaang sa huning masaya’y awitin;

ng darapong ibon sa kurus ng libing

ang buhay payapang ikinaaaliw.

Bayaang ang araw na lubhang maningas

pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,

maging panginuring sa langit umakyat,

at ang aking daing ay mapakilangkap.

Bayaang ang aking maagang pagpanaw,

itangis ng isang lubos na nagmamahal;

kung may umalala sa akin ng dasal,

ako’y iyo sanang idalangin naman.

Idalangin mo rin ang di nagkapalad,

na nangamatay na’t yaong nangaghirap

sa daming pasakit, at ang lumalanghap

naming mga ina ng luhang masaklap.

Idalangin sampo ng bawa’t ulila

38
at nangapipiit na tigib ng dusa;

idalangin mo ring ikaw’y matubos na

sa pagkaaping laong binabata.

Kung nababalot na ang mga libingan

ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,

at wala ng tanod kundi pawang patay,

huwang gambalain ang katahimikan.

Pagpitaganan mo ang hiwagang lihim,

at mapapakinggan ang tinig marahil,

ng isang salteryo: Ito nga’y ako ring

inaawitan ka ng aking paggiliw.

Kung ang libingan ko'y limot na ng madla

ay wala nang kurus at bato mang tanda

sa nangagbubukid ay ipaubayang

bungkali’t isabog ang natipong lupa.

Ang mga abo ko’y bago pailanlang

mauwi sa wala na pinanggalingan,

ay makaulit munang parang kapupunan

ng iyong alabok sa lupang tuntungan.

39
Sa gayo’y wala ng anoman sa akin,

na limutin mo na’t aking lilibutin

ang himpapawid mo kaparanga’t hangin

at ako sa iyo’y magiging taginting.

Bango, tinig, higing, awit na masaya

liwanag at kulay na lugod ng mata’t

uulit-ulitin sa tuwi-tuwina

ang kataimtiman ng aking pag-asa.

Sintang Pilipinas, lupa kong hinirang,

sakit ng sakit ko, ngayon ay pakinggan

huling paalam ko't sa iyo'y iiwan

ang lahat at madlang inirog sa buhay.

Ako’y yayao na sa bayang payapa,

na walang alipi’t punong mapang-aba,

doo’y di nanatay ang paniniwala

at ang naghahari'y Diyos na dakila.

Paalam anak, magulang, kapatid,

bahagi ng puso’t unang nakaniig,

40
ipagpasalamat ang aking pag-alis

sa buhay na itong lagi ng ligalig.

Paalam na liyag, tanging kaulayaw,

taga ibang lupang aking katuwaan;

paaalam sa inyo, mga minamahal;

mamatay ay ganap na katahimikan

Wikang Kastila Salin sa Filipino


A La Juventud Filipina Sa Kabataang Pilipino
Itaas ang iyong noong aliwalas

Alza su tersa frente, ngayon, Kabataan ng aking pangarap!

Juventud Filipina, en este dia! ang aking talino na tanging liwanag

Luce resplandeciente ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Tu rica gallardia,

Bella esperanza de la Patria Mia! Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan

magitang na diwang puno sa isipan

Vuela, genio grandioso, mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay

Y les infunde noble pensamiento, at dalhin mo roon sa kaitaasan.

Que lance vigoroso,

Mas rapido que el viento, Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw

Su mente virgen al glorioso asiento. na mga silahis ng agham at sining

mga Kabataan, hayo na't lagutin

41
Baja con la luz grata ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

De las artes y ciencias a la arena,

Juventud, y desata Masdan ang putong na lubhang makinang

La pesada cadena sa gitna ng dilim ay matitigan

Que tu genio poetico encadena. maalam na kamay, may dakilang alay

sa nagdurusa mong bayang minamahal.

Ve que en la ardiente zona

Do moraron las sombras, el hispano Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais

Esplendente corona, kagyat na lumipad sa tuktok ng langit

Con pia sabia mano, paghanapin mo ang malambing na tinig

Ofrece al hijo de este suelo indiano. doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.

Tu, que buscando subes, Ikaw na ang himig ay lalong mairog

En alas de tu rica fantasia, Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot

Del Olimpo en las nubes at mabisang lunas sa dusa't himuntok

Tiernisima poesia ng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Mas sabrosa que nectar y ambrosia.

Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan

Tu, de celeste acento, matigas na bato'y mabibigyang-buhay

Melodioso rival Filomena, mapagbabago mo alaalang taglay

Que en variado concento sa iyo'y nagiging walang kamatayan.

En la noche serena

Disipas del mortal la amarga pena. Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles

42
sa wika inamo ni Pebong kay rikit

Tu que la pena dura sa isang kaputol na lonang maliit

Animas al impulso de tu mente , ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

Y la memoria pura

Del genio refulgente Humayo ka ngayon, papagningasin mo

Eternizas con genio prepotente. ang alab ng iyong isip at talino

maganda mong ngala'y ikalat sa mundo

Y tu, que el vario encanto at ipagsigawan ang dangal ng tao.

De Febo, amado del divino Apeles,

Y de natura el manto Araw na dakila ng ligaya't galak

Con magicos pinceles magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas

Trasladar al sencillo lienzo sueles. purihin ang bayang sa iyo'y lumingap

at siyang nag-akay sa mabuting palad.

Corred! que sacra llama

Del genio el lauro coronar espera,

Esparciendo la Fama

Con trompa pregonera

El nombre del mortal por la ancha

espera.

Dia, dia felice,

Filipinas gentil, para tu suelo!

Al Potente bendice

43
Que con amante anhelo

La ventura te envia y el Consuelo.

Wikang Kastila
Me Piden Versos

Piden que pulse la lira


Ha tiempo callada y rota:
Si ya no arranco una nota
Ni mi musa ya me inspira!
Balbuce fría y delira
Si la tortura mi mente;
Cuando ríe solo miente;
Como miente su lamento:
Y es que en mi triste aislamiento
Mi alma ni goza ni siente.

Hubo un tiempo ... y es verdad!


Pero ya aquel tiempo huyó,
En que vate me llamo
La indulgencia a la amistad.
Ahora de aquella edad
El recuerdo apenas resta
Como quedan de una fiesta
Los misteriosos sonidos
Que retienen los oídos
Del bullicio de la orquesta.

Soy planta apenas crecida


Arrancada del Oriente,
Donde es perfume el ambiente,
Donde es un sueño la vida:
Patria que jamás se olvida!
Enseñáronme a cantar
Las aves, con su trinar;
Con su rumor, las cascadas;
Y en sus playas dilatadas,
Los murmullos de la mar.

Mientras en la infancia mía


44
Pude a su sol sonreír,
Dentro de mi pecho hervir
Volcán de fuego sentía;
Vate fuí, porque quería
Con mis versos, con mi aliento,
Decir al rápido viento:
Vuela; su fama pregona!
Cántala de zona en zona;
De la tierra al firmamento!

La dejé! ... mis patrios lares.


Arboldespojado y seco!
Ya no repiten el eco
De mis pasados cantares
Yo crucé los vastos mares
Ansiando cambiar de suerte,
Y mi locura no advierte
Que en vez del bien que buscaba,
El mar conmigo surcaba
El espectro de la muerte.

Toda mis hermosa ilusión,


Amor, entusiasmo, anhelo,
Allá quedan bajo el cielo
De tan florida región:
No pidáis al corazón
Cantos de amor, que esta yerto;
Porque en medio del desierto
Donde discurro sin calma,
Siento que agoniza el alma
Y mi númen está muerto.

45
Wikang Kastila
A Las Flores De Heidelberg

Id a mi patria, id, extrangeras flores,

sembradas del viajero en el camino,

y bajo su azul cielo,

que guarda mis amores,

contad del peregrino

la fe que alienta por su patrio suelo!

id y decid ... decid que cuando el alba

vuestro caliz abrio por vez primera


46
cabe el Neckar helado,

le visteis silencioso a vuestro lado

pensando en su constante primavera.

Decid que cuando el alba,

que roba vuestro aroma,

cantos de amor jugando os susurraba,

el tambien murmuraba

cantos de amor en su natal idioma;

que cuando el sol la cumbre

del Koenigsthul en la manana dora

y con su tibia lumbre

anima el valle, el bosque y la espesura,

saluda a ese sol aun en su aurora,

al que en su patria en el cenit fulgura !

y contad aquel dia

cuando os cogia al borde del sendero,

entre ruinas del feudal castillo,

orilla al Neckar, o a la selva umbria.

Contad lo que os decia ,

cuando, con gran ciudado

entre las paginas de un libro usado

vuestras flexibles hojas oprimia.

47
Llevad, llevad, oh flores !

amor a mis amores

paz a mi pais y a su fecunda tierra,

fe a sus hombres, virtud a sus mujeres,

salud a dulces seres

que el paternal, sagrado hogar encierra ...

Cuando to queis la playa,

el beso os imprimo

depositadlo en ala de la brisa,

por que con ella vaya

y bese cuanto adora, amo y estimo.

Mas ay llegareis flores,

conservareis quizas vuestras colores,

pero lejos del patrio, heroico suelo

a quien debeis la vida:

que aroma es alma, y no abandona el cielo,

cuya luz viera en su nacer, ni olvida.

Salin sa Filipino
Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

48
Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal,

O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay,

At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw,

Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay,

Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglay

Ng abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan.

Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa,

Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na,

Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya,

At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang estatuwa,

Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya.

Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway

Ang buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw,

Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay

Ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!"

Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan,

Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan.

At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na

Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga,

49
At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya

Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga,

Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya

Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.

At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad

Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas,

Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas,

Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.

Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol,

Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon,

At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom,

Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon.

Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,

Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,

Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,

Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;

Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin

Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin.

At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog,

50
Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot

Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot,

Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos

Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos.

Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay,

Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang pumanaw,

Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang yaman,

Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay;

Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan

Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.

1. Marcelo H. Del Pilar


Si Marcelo H. del Pilar ay kilalang-kilala sa kanyang mga

sagisag na panulat na Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores

Manapat. Siya’y isinilang sa Cupang, San Nicolas, Bulakan. Ang

kanyang mga magulang ay sina Julian H. del Pilar. Kilalang

manunulat sa Wikang Tagalog, at ginang Biasa Gatmaitan. Kapatid

niya ang paring si P. Toribio H. del pilar na ipinatapon sa Marianas

noong 1872. Marami silang magkakapatid at dahil doon ang ginawa

ni Plaridel ay hindi tumanggap ng mana at ang nauukol sa kanya

ay ibinigay sa mga kapatid.

51
 Gumamit ng mga sagisag-patnugot na:
o Plaridel
o Pupdoh
o Piping Dilat
o Dolores Manapat

Mga Akdang tula ni Marcelo H. del Pilar


 Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas- isang tulang

nagsasaad ng paghingi ng pagbabago ngunit ang

Espanya ay napakatanda at napakahina na upang

magkaloob ng anumang tulong sa pilipinas. Ang tulang

itoy katugunan sa tula ni Herminigildo Flores na ‘’hibik sa

Pilipinas, sa Inang Espanya.


 Dupluhan- ito’y katipunan ng maiigsing tula at pang-aapi

ng mga prayle sa pilipinas.


 Pasyong dapat ipag-alab ng puso ng mga taong babasa.
Marcelo H. Del Pilar

52
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Puso ko’y nahambal ng aking marinig


bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik,
wala ka, anak kong, sariling hinagpis
na hindi karamay ang in among ibig.

Wala kang dalita, walang sa kahirapan


na tinitiis kang di ko dinaramdam:
ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal,
ang kadustaan mo’y aking kadustaan.

Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag


nang panahong ako’y di pa nagsasalat
walang inadhika ang in among liyag
kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak.

Sa awa ng langit ikaw ay sagana


ng sukat iyamang malalagong lupa,
lahat ng pananim wala mang alaga
sa kaparangan mo’y tumutubong kusa.

Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulak


abaka at tubo’y kailangang lahat,
sa mga lupa mo’y tantong naggugubat
itong sa sangmundo’y hirap mahagilap.

Sarisaring kalap na sakdal ng tibay


sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;
hindi makikita sa sangdaigdigan,
ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang.

Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakal


ang ginto at pilak ay nangahuhukay
sa mga lupa mo’t sa dagatan nama’y
sarisaring perlas ang matatagpuan.

Tantong naliligid ang mga lupa mo


ng dagat ng China’t dagat Pacifico
balang mangangalakal sa buong sangmundo
pawang naakit dumalaw sa iyo.

Talaga nga manding ikaw ang hantungan


ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;
ikaw nga’t di iba dapat makinabang
nang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal.

53
Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulat
isip ay gisingi’t nang makatalastas
ng sukat asaliing ipagkakapalad
sa buhay na ito’t nang di ka maghirap.

Akong iyong ina’y taga-tupad bilang


ng mga tadhana ng Poong Maykapal,
ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang
musmos na isip mo’y sakiting aralan.

Ituro sa iyo ang utang na loob


sa nagkakandiling maawaing Diyos;
matuto ka namang sumamba’t umirog,
puso mo sa kanya’y huwag makalimot.

At para mo na ngang pasalamat bilang,


makapagtanggol ka sa kapanahunan
ng aring tinamo’t maapamahalaan
tapat na paggamit ng santong katwiran.

Ang tagapagturo’y pinakapili ko,


hinirang sa lalong mabait na tao;
ako’y nabighani’t umaasang totoo
sa may sinumpaang mahigpit na boto.

Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan


sa harap ng Diyos, na anaki’y tunay,
na ito raw mundo’y kusang tatalikdan,
kusang tumatangi sa lahat ng yaman.

Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;


prayle ang siyang aking hihirangin
na tagapag-iwi blang taga-tingin
sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin.

Mahigit na ngayon tatlong daan taon


na iniiwi kang prayle ang may kandong;
katiwala akong sa gayong panahon
ang isip mo’t yaman nama’y yumayabong.

Katiwala akong nagpapanuto ka


sa landas ng iyong sukat iginhawa;
katiwala akong dangal mo’t ligaya
ngayo’y tinatanghal na walang balisa.

54
Tatlong sacerdote ang ipinabitay,
bukod sa maraming pinahihirapan,
at dili umano’y nakapipigil daw
ng iyong ligaya, bunsong minamahal.

Hindi ko inino’t ang buo kong asa


ay pagmamasakit ang ginawa nila,
sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunang
magdarayang udyok ng masamang pita.

Sa abang-aba ko’t laking kamalian!


laking pagkasawi! laking kadustahan!
ng ipagpabaya sa kapahamakan,
ang dapat mahaling usbong niring buhay.

Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas


na ang nangaaba at kinulang palad
ay pawing mabait, pawing nagsisikap
dangal ta’t katwira’y igalang ng lahat.

Prayle’y napoot sa magandang nais


ng sa ati’y tapat kung magmalasakit
ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid
ang kandili niya’y bagkus panggagahis,

Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsam


ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan
at dinadaya kang di mo raw kakamtam
ang langit kung hindi sila ang bayaran.

Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen


kung di ka bumili ng sintas at kalmen;
pag hindi mainam ang pagpapalibing
ang harap ng Diyos, hindi sasapitin.

Sa paniniwala ng mga anak mo,


maraming naghirap, at nasa kombento
ang kanilang yama’t sila’y ingkilino
na namumuwisan sa paring natuto.

Ang lupang nilawag at pinaghirapan


ng magulang nila’t mga kanunuan
ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamay
ng hindi nagpagod at di namuhunan.

Ang laki at higpit sa pana-panahon

55
ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,
makasingil lamang ay di nililingon
hirap ng magsaka;t pawis na ginugol.

Salapi at pagod ng nagsisibuwis


ay walang katumbas kung di ang maghapis,
tanghaling sagana ang hindi nagpawis,
maibaon sa utang at tumangis-tangis.

Ang lahat ng ito’y ninanais sana


ng malagyang lunas ng sinta mong ina,
ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na,
hapo na sa hirap ako’t walang kaya.

Ang mga balitang Legazpi’t Salcedo


at iba’t iba pang inaasahan ko
sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,
ngayon ay wala na’t inulila tayo.

Sa nangangatirang ngao’y nabubuhay


oo’t may mabait, bayani at paham;
ngunit sia-sila’y nangag-iiringan
di magkasundo sa anumang pakay.

Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba,


sa balang kuruin ay di magkaisa
walang mangyayari tungol may halaga
sa gayo’y paanong aasahan sila!

Kaya kailangan bunsong iniirog,


matutong magtiis iayon ang loob,
sa madlang dalita, kung ayaw kumilos
ang mga anak mo sa pagkakatulog.

Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya


at iba pang nasyon ditto sa Europa
ay nangaghirap din sa prayle ng una
pawang nangday, pawa ring ginaga.

Kanilang nasayod lahat ng hinagpis


sa paniniwala’t maling pananalig,
sa prayleng nagpanggap ng taong malinis
na nagpakadukaha’t nag-anyong mabait.

Bayan, palibhsang marunong mahabag,


ay nahambal ngani sa nakitang hirap,

56
ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap,
ang mga kumbento’y sumaganang lahat.

Prayle’y hindi naman nagpapahalata


daddaga’t dagdagan pag-aanyong aba,
hindi napapansin lihim nilang banta
na ang namamaya’y kanilang mapiga.
Sapagkat ang prayle’y hindi kaparis
nitong mga Paring itim kung manumit,
ang prayle ay anak sa bundok at yungib
ng mga magulang na napakagipit.

Anak sa dalagita’y buong pagsasalat


walang nalalamang gawaing paghahanap
kaya kailangang tuyuin ang lahat
upang manariwa ang sariling balat.

Pag may mamatay na tila mayaman


prayle ang aagap magpapakumpisal,
at inuukilkil na ang pamanahan
ng aring inumpok ay kumbento lamang.

Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin


sa oras na iyon, siyang sasabihin,
kalulwa’t yaman dapat na ihain
sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin.

Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pa


ng bala-balaking panilo ng kuarta
kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,
ay pawing pandukot sa maraming bulsa.

Sa gayon nang gayo’y lumaki nga naman


ang ari ng prayle’t naghirap ang bayan;
mahalinhang bigla ng kapalaluan
ang binalatkayong kababaang asal.

Diyan na naninghal, diyan na nang-api


buong kataksilan ang pangyayari,
ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampi
baya’y namighati sa pagkaduhagi.

Ganda ng babae, ang dunong ang yaman


ay nagiging sanhi ng kapahamakan,
walang sumaklolong may kapangyarihan
sa kualita’t nayuko baras ng katwiran.

57
Ang balang magsabi, ang balang mag-isip
ng magpaaninaw ng santong matuwid,
walang nararating kungdi ang maamis
luha’y patuluin hanggang sa mainis.

Sapagka’t ang balang mapaghinalaan


na sa hangad nila’y di maaasahan
ay ipapahuli at pararatangan
ng salang dakila’t madlang kataksilan.

At sa bilanggua’y agad kukulungin


sa gutom at uhaw ay papipitiin,
ang lamig ng lupa’y siyang babanigin
ng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw.
Hindi tutulutang magtamong liwanag
sa araw at gabi ay kahabag-habag
kung hapong-hapo na sa gayong paghirap
ay paaamining siya nga’y nagsukab.

May ipinapangaw ang dalawang paa


kamay at katawa’y gagapusin muna,
saka tatapatan ang sakong ng baga
hanggang di umamin sa paratang nila.

At kung masunod na ang kanilang nasa


umamin sa sala ang lipos-dalita
tali nang kasunod, parusa’y ilalagda
sa martir ng prayle’t mapapanganyaya.

Ang parusa noo’y samsamin ang yaman


Saka unti-unting alisan ng buhay;
Idaraan muna sa isang simbahan
Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.

Sa gitna ng plasa ay may nakahanda


na naglalalagablab na malaking siga,
diyan igagatong sa harap ng madla
ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga.
Taghoy ng sinigan at madlang kaharap
luha ng magulang, hinlog, kamag-anak
pagtangis ng madla ay walang katapat
kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.

58
Yutang-yutang tao ang nanguuyam
ng panahong yaon sa gayong paraan,
ang payapa’t aliw noon ay pumanaw
nalipos ng luksa libo-libong bayan.

ang yaman nasamsam, buhay na nakitil


ay di babahagya’t noo’y walng tigil,
ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.
magsabog ng dusa, gutom at hilahil.
Ano pa nga’t noon ay kulang na lamang
Ang nangaulila’y magpapatiwakal;
Niloob ng langit, nanangagsangguinian
at nangagkaisang sila’y magdamayan.
Diyata nga kaya, ang winika nila,
at wala nang lunas sa ganitong dusa?
diyata nga baga’t itong binabata
sa inaanak nati’y ipapamana pa?
Huwag magkagayo’t yayamang namalas,
na sa daang ito’y nasubyang ang landas,
ay hawanin nating, sakitin ng lahat,
ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalaki’t, babae, matanda at bata,


ngayo’y manalangin, sa langit paawa,
ang santong matwid sa kusang dinusta
ay ibangon nati’t Diyos ang bahala.

Kanilang nilusob ang mga kombento,


prayle’y inusig pinutlan ng ulo,
ang balang makitang prayleng nakatakbo
kung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya’y kakila-kilabot


walang pagsiyahan ang kanilang poot,
ang mga kombento’y kanilang sinunog
inuring pugad ng masamang hayop.

Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kaya


sa galit ng bayan ang magiging kuta!
ang payapang dagat, pasiyang nagbala
ay walang bayaning makasasansala

Yaong bayang supil, dating mahinahon,


dating mapagtiis, at mapagpasahol,
inunos ng dusa’t malalaking alon
ng paghihiganti noo’y luminggatong.

59
Walang nakapigil, walang nakasangga,
palibhasa’y bayan ang magpaparusa
ang mga pinuno’y nawalan ng kaya,
umayon sa baya’t nang di mapag-isa.

Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayon


ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,
kahit na bata ay nagsisipukol
inu-using nilang parang asong ulol.

Sa paraang ito, bunsong minamahal,


ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw;
ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan
at muling naghari ang kapayapaan.
Ngunit hindi naman ako nagpapayo
ang ganoong paraan baga’y asalin mo,
ako’y walang sukat na maisaklolo,
kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,


na di namumuhunan ng pamamayani;
kung hindi mo kayang prayle’y iwaksi
magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.

Ang mga anak mo’y nangagugupiling,


sa dusting lagay mo’y di nahihilahil,
magdarayang hibo ng kaaway na lihim
siiyang diniringig, luha mo’y di pansin.

Diyata ay sino ang dapat mag-adya


sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?
kung sa mga anak mo’y di makaaasa,
walang daan, irog, kundi ang magbata.

Ang araw na sila’y magka-isang loob


at mangagkagising sa pagkakatulog;
ang araw na iyan, ang araw ng Diyos
baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot?

Kailangan bunsong, sila’y mahirati


sa pagmamasakit sa bayang sarili:
Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .
huwag lilimuting ganito ang sabi:

60
“Panaho’y matamis sa tinubuan bayan
“at pawang panglugod ang balang matanaw,
“ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,
“tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.”

Alinsunod dito’y aling hirap kaya


ang sukat indahin sa pagka-kalinga,
sa sariling baya’t upang matimawa,
sa madlang pahirap at sumapayapa?

Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man,


maging taga bukid, maging taga bayan,
lalaki’t babae, pantas man at mangmang,
santong matwid mo’y dapat ipatanghal.

Walang iba, bunso, na dapat hiliin


sila ng sa iyo’y tapat na pagtingin:
ang pagpapabaya’y pananagutan din,
sa harap ng Diyos sila’y sisisihin.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,


sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay
“kayong nagpabaya sa sariling bayan,
“anya’y dapat naming Aking pabayaan!”

Ilayo ng langit sa ganitong sumpa


ang mga anak mo, bunsong minumutya:
sa iyo’y matuto ng pagkakalinga
matutong umampat ng iyong pagluha.

Ito na nga lamang ang maisasagot


ng salantang ina sa hibik mo, irog;
sasakyan mo’y gipo, huwag matutulog
ang mga anak mo’t masigwa sa laot.

Dupluhan

Nagugol nang lahat, o sinta ko’t ibig


Ang buo kong kaya sa pagmamalasakit,
Ay hindi pinalad na maipaalis
Ang bansang lagda ng sentenciang lihis,

Katwiran lamang sa lamang sa bunying monarka,


Ang magagamit kong mabisang sandata,

61
Pagkat siyang lalo bang may halaga,
Sa baling may bait na puno’t justicia.

Ngayon sa aba ko’t ang tinubo lamang,


Nitong panahon sa katotohanan,
Ay mamulat ngayon ang matang nabulagan,
Sa pagkapahamak nitong pamayanan.

Sa iyong kandugan tinubuang lupa,


Pawing nalilimbag ang lalong dakila,
Sa mga utos dapat tuparin nawa
Na ika-namis na puso’t gunita.

Ang kamusmusan ko’y kung alalahanin,


Ay iaaruga mo, bayang ginigiliw,
Halaman at bundok, yaman at bukirin,
Ay pawing naghandog ng galak sa akin.

Ipinaglihim mo no’ng akoy bata pa,


Ang pagkaralitang iyong binabata,
Buhay ikinublit nang di mabulisa,
Ang inang dukha mong musmos kong ligaya.

Ngayong lumaki nang loobin ng langit,


Maanyong bahala na yaring pag-iisip,
Magagandang nasa’y tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap,


Ang pagkadutsa mo’t naamis na palad,
Sa kaalipinan mo’y wala nang mahabag,
Ang gayong karaming pinagpalang anak.

Sa agos ng iyong dugong ipinawis,


Marami ang dukhang agad nagsikinis,
Samantalang ikaw, bayang iniibig,
Ay hapong-hapo na’t puno ng gulanit.

Santong matuwid mo na iginagalang,


Ng diyos na lalong makapangyarihan
Na siya ngang dapat na magbigay ng dangal,
Bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at napupurihan,

62
Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito ang puso’y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala,


Ang mangag puso’y sa ami’y sukat na,
Ang hulog ng langit sa bagyo’t kolera,
Lindol, beriberi madla pang balisa.

Salamat sa iyo, haring sakdal bangis,


Salamat sa iyong bigay na pasikat,
Kung hindi mo kayang baya’y matangkilik,
Ano’t nagpuno kay walang pumipilit.

Pasyong dapat ipag-alab ng puso ng taong babasa

O Fraileng lubhang malupit


Na wala nang iniisip
Kundi manlupig, manggahis!
Fraileng hindi na nahapis
Sa dugo ng inocentes.

Fraileng lubha ng alisaga,


Mataas magmunakala,
At palalo kung maghaka,
Isipin mong matiyaga
Lahat mong lihis na gawa.

Fraile na lubhang suwail,


Wala munti mang panimdim,
Ang parati mong hangad din
Ang lumingaw at manikil
Siya mong minamagaling.

Di ka nagdadalang-awa
Sa bangkay ng mga dukha,
Ang gawa mo’y pawing daya,
Mang-ulol, mag-upasala,
Manlupig, mangalunya.

Fraile, iyong matatamo


Hirap, sikat sa infierno,
Hunghang, masakim na tao,
Sa apoy mo ibubunto
Pagdaya kay Hesukristo.

63
Maghahari kayong hayop
Na tinutulutan ng diyos,
Umaral ng liko at buktot,
Nguni tigni’t sumisipot
Mga Elias at Enoc

Mangugulong di-kawasa
Sa mga tao sa lupa,
Bakin ngayon namumutla,
Hindi mabigkas ang dila
At nawawalan ng diwa?

Kasakiman mo’y pagbawa,


Ngayon ay mag-isip kana,
Pagsisihan ang tanang sala,
At kung hindi perme ka nang
lilipad sa dinamita!

Aral:
Ang Fraile kapag may pita
Sa iyo at inoola,
Totoong minamahal ka,
Nguni kapag nangyari na,
SIkad ang pag-alaala

Ang tao hanggang mayaman,


Mga fraile ang kaibigan,
Kung mahirap na ang buhay,
O di ka makukukwaltahan,
Kulang kapang ipapindang,

Gayon nga itong mundo


Pag ma-fraile’t walang toto,
Pawang hilis na totoo
Ang gawin sa bulsa mo
Panggulat ay purgatorio

Pagka’t ang tao aniya,


Ay katampatang mamunga
Ng palibing at pamisa,
Kung hindi ipadadala
Sa Solo at sa Paragua

Kristiyano, pagkatiningin
Ang budhi mo at panimdim,
Tahimik mong pagbulayin

64
Ang kahirapang daratnin
Kung ang Fraile’y di alisin.

Tayo ang pakinabang


Kung sila’y ipagtabuyan,
At luluwag ang pagkabuhay,
Sakit nati’t kadustaan
Ay pilit mababawasan.

At saka naman susulong


Kayamanan sampung dunong,
Mapapawi ang linggatong;
Sa ligalog ng panahon,
Hahalili ang hinahon.

Kaya, alin ka man at sino,


Dinggin ang aral na ito;
Ipagbilin hanggang apo
Pangingilag sa convent,
Sa Fraile pakikitungo.

65
2. Graciano-Lopez Jaena
isinilang noong disyembre 18, 1856, at binawian ng buhay noong Enero 20,

1896, ang isa sa pinakadakilang bayani at henyong ng pilipinas, si Graciano Lopez

Jaena. Siya ay pinagmamalaking anak ng Jaro, Iloilo, na ang katalinuhang taglay ay

hinangaan ng mga kastila at Europeo. Isa siyang kilalang manunulat at

mananlumpati sa ‘’Gintong Panahon ng Panitikan at Panananlumpati’’ sa Pilipinas.

Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na mapaghanggang ngayon ay

binabasa ng mga makabagong Pilipino na tinipon at inilimbag sa imprenta ni

Remigio Garcia, dating may-ari ng tindahan ng aklat, ‘’Manila Filatica’’


Si Graciano Lopez Jaena ay nagkasakit ng tuberculosis at namatay sa ospital na

walang bayad sa Barcelona noong ika-20 ng Enero, 1896, labing-isang buwan bago

binaril ang malapit niyang kaibigan, si Dr. Jose Rizal, sa Luneta noong ika-30 ng

Disyembre, 1896.

3. Antonio Luna
Si Antonio Luna ay isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga kastila sa

espanya. Sumanib siya sa kilusang propaganda at nag-ambag ng kaniyang mga

sinulat sa La Solodaridad. Ang paksa ng kanyang mga akda ay halos natutungkol sa

kaugaliang Pilipino at ang iba’y tumutuligsa sa pamamalakad ng mga kastila. Ang

ginamit niyang sagisag sa panulat at Taga-ilog. Namatay siya sa gulang na 33

noong ika-7 ng Hunyo, 1899. Piñatay siya diumano ng mga tauhan ni Aguinaldo,

sanhi ng mabilis niyang kabantugan na naging kaagaw niya sa pagtingin sa bayan.

A. Iba pang propagandista:

1. Mariano Ponce

66
SiMariano Ponce ay naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay,

at mananaliksik ng kilusang Propaganda. Ang kanyang mga ginamit na sagisag

sa panulat ay Tikbalang, Kalipulako, at Naning. Tungkol sa kahalagahan ng

edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay. Inilahad din niya

ang pang-aapi ng mga banyaga at ang mga karaingan ng bayan.

2. Pedro Paterno
Si PedroPaterno ay isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik, at nobelista

ng Kilusang Propaganda. Sumapi rin siya sa Kapatiran ng mga Mason at

Asociation Hispano-Pilipino upang itaguyod ang layunin ng mga Propagandista.

Siya ang unang manunulat na Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan

noong huling araw ng pananakop ng mga Kastila.

Mga akdang tula :


o Sampaguitas y Poesias Varias- katipunan ng kanyang tula na nailimbag sa

Madrid.
- Sampaguitas
- A mi Madre(sa aking ina)- nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina,

na nagiging malingkot ang isang tahanan kung wala ito.


- A Maria
- La Cruz

3. Jose Maria Panganiban


Ikinubli ni Jose Ma. Panganiban ang kanyang tunay na pangalan sa ilalim

ng sagisag na Jomapa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng ‘’Memoria Fotografica’’.

Siya ay halos kabilang sa mga kilusang makabayan.


4. Pascual Poblete

 Ipinanganak sa Naic, Cavite, noong May 17, 1858


 Ininatag ang:
o El Resumen(Spanish)
o El Grito del Pueblo(American)

67
 Ang Tinig ng Bayan(American)
o Unang Pilipino na nagsalin ng Noli me Tangere
o Tinaguriang Ama ng Pahayagang Tagalog

PANITIKAN SA PANAHON NG

HIMAGSIKAN

TAGA-ULAT:

Elvie Pagara

68
PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN

 Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga

natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang

tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote

nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala. Ito’y naganap noong ika-17 ng

Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang liberalismo sa

pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang

pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre.
 Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng

mgaPropagandista. Naging bingi angpamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi

atpagsasamantala, at naging mahigpit pa samga Pilipino ang pamahalaan at

simbahan.Ang mga mabuting balakin sana ng InangEspanya sa Pilipinas ay

nasasalungat pa rinng mga prayleng nangaghari rito.

KATANGIAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

 maalab na damdaming makabayan


 panunuligsang pampulitika
 Pag-asam o pagnanais ng kalayaan

69
Sa panahon ng pakikipaghimagsikan hindi lahat ng mga Pilipino ay piniling makamit ang

kalayaan sa pamamagitan ng pakikipagdanak ng dugo, ang iba ay pinili ang pagsusulat ng

mga ibat ibang klase ng paniitikan at isa na rito ang tula, upang mamulat ng mga kamalayan

ng mga Pilipino. At ilan sa mga manunulat ng namayagpag sa panahon ng himagsikan ay

sumusunod:

ANDRES BONIFACIO

 kilalang-kilala bilang ´AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO at


AMA NG KATIPUNAN
 hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya·t sinasabing ang kanyang mga

natutuhan ay pawang galing sa ´paaralan ng karanasan.


 umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal- ang LA LIGA FILIPINA
 lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat

Ilan sa kanyang akda:

 PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA - isang tulang naging katulad din ng pamagat

ng kay Marcelo H. del Pilar

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagka-dalisay at pagka-dakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

70
Ulit-ulitin mang basahin ng isip

at isa-isahing talastasing pilit

ang salita’t buhay na limbag at titik

ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal

sa tapat na puso ng sino’t alinman,

imbit taong gubat, maralita’t mangmang

nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad

sa bayan ng taong may dangal na ingat,

umawit, tumula, kumatha’t sumulat,

kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,

buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki

na hinahandugan ng buong pag kasi

na sa lalong mahal kapangyayari


71
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,

siya’y ina’t tangi na kinamulatan

ng kawili-wiling liwanag ng araw

na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol

ng simoy ng hanging nagbigay lunas,

sa inis na puso na sisinghap-singhap,

sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan

ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal

mula sa masaya’t gasong kasanggulan.

hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,

ang inaasahang araw na darating

ng pagka-timawa ng mga alipin,

liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga

na parang niya’t gubat na kaaya-aya


72
sukat ang makita’t sasa-ala-ala

ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog

bukal sa batisang nagkalat sa bundok

malambot na huni ng matuling agos

na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!

gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

walang ala-ala’t inaasam-asam

kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan

waring masarap kung dahil sa Bayan

at lalong maghirap, O! himalang bagay,

lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib

at siya ay dapat na ipagtangkilik

ang anak, asawa, magulang, kapatid

isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan


73
ay nilalapastangan at niyuyurakan

katwiran, puri niya’t kamahalan

ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis

ng pusong Tagalog sa puring nalait

at aling kaluoban na lalong tahimik

ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay

sa paghihiganti’t gumugol ng buhay

kung wala ring ibang kasasadlakan

kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos

sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop

supil ng pang-hampas tanikalang gapos

at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay

na di-aakayin sa gawang magdamdam

pusong naglilipak sa pagka-sukaban

na hindi gumagalang dugo at buhay.

74
Mangyari kayang ito’y masulyap

ng mga Tagalog at hindi lumingap

sa naghihingalong Inang nasa yapak

ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,

nasaan ang dugong dapat na ibuhos?

bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?

natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay

sa pag-asang lubos na kaginhawahan

at walang tinamo kundi kapaitan,

kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit

ng dakilang hangad sa batis ng dibdib

muling pabalungit tunay na pag-ibig

kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak

kahoy niyaring buhay na nilant sukat

ng bala-balakit makapal na hirap

muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.


75
Kayong mga pusong kusang (pugal)

ng dagat at bagsik ng ganid na asal,

ngayon magbangon’t baya’y itanghal

agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)

kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,

ampunin ang bayan kung nasa ay lunas

sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig

hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis

kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)

ito’y kapalaran at tunay na langit.

 KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS - tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa

bayan. Kinatha ni Bonifacio bilangpagpapatuloy sa tulang napasimulanni

Herminigildo Flores na maypamagat na Hibik ng Pilipinas saInang Espanya. Ito ay

tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang SAGOT SA HIBIK NG

PILIPINAS.

76
Sumikat na Ina sa sinisilangan

ang araw ng poot ng Katagalugan,

tatlong daang taong aming iningatan

sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak

sa bagyong masasal ng dalita't hirap;

iisa ang puso nitong Pilipinas

at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...

ang layaw ng anak: dalita't pasakit;

pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,

lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,

hinain sa sikad, kulata at suntok,

makinahi't biting parang isang hayop;

ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;

barilin, lasunin, nang kami'y malipol.

Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol

Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?


77
Aming tinitiis hanggang sa mamatay;

bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,

kaya kung ihulog sa mga libingan,

linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas

na layaw sa Ina kundi pawang hirap;

tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,

rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami'y inisip,

kasabay ng utos na tuparing pilit,

may sa alumbrado---kaya kaming tikis,

kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,

bukid at tubigang kalawak-lawakan,

at gayon din pati ng mga halaman,

sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,

huwag nang saysayin, O Inang Espanya,

sunod kaming lahat hanggang may hininga,

Tagalog di'y siyang minamasama pa.


78
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,

kami'y di na iyo saan man humanggan,

ihanda mo, Ina, ang paglilibingan

sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog

ang barila't kanyong katulad ay kulog,

ang sigwang masasal sa dugong aagos

ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa

ng mga Tagalog, O Inang kuhila,

paraiso namin ang kami'y mapuksa,

langit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,

paalam na Ina, itong nasa hirap,

paalam, paalam, Inang walang habag,

paalam na ngayon, katapusang tawag.

 “Pagibig sa Tinubuang Lupa” - ito ay isinulat ni andress bonifacio isinulat niya

ito upang hikayatin ang mga pilipino na maging makabayan

79
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagka-dalisay at pagka-dakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip

at isa-isahing talastasing pilit

ang salita’t buhay na limbag at titik

ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal

sa tapat na puso ng sino’t alinman,

imbit taong gubat, maralita’t mangmang

nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad

sa bayan ng taong may dangal na ingat,

umawit, tumula, kumatha’t sumulat,

kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,


80
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki

na hinahandugan ng buong pag kasi

na sa lalong mahal kapangyayari

at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,

siya’y ina’t tangi na kinamulatan

ng kawili-wiling liwanag ng araw

na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol

ng simoy ng hanging nagbigay lunas,

sa inis na puso na sisinghap-singhap,

sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan

ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal

mula sa masaya’t gasong kasanggulan.

hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,

ang inaasahang araw na darating


81
ng pagka-timawa ng mga alipin,

liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga

na parang niya’t gubat na kaaya-aya

sukat ang makita’t sasa-ala-ala

ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog

bukal sa batisang nagkalat sa bundok

malambot na huni ng matuling agos

na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!

gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

walang ala-ala’t inaasam-asam

kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan

waring masarap kung dahil sa Bayan

at lalong maghirap, O! himalang bagay,

lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib


82
at siya ay dapat na ipagtangkilik

ang anak, asawa, magulang, kapatid

isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan

ay nilalapastangan at niyuyurakan

katwiran, puri niya’t kamahalan

ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis

ng pusong Tagalog sa puring nalait

at aling kaluoban na lalong tahimik

ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay

sa paghihiganti’t gumugol ng buhay

kung wala ring ibang kasasadlakan

kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos

sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop

supil ng pang-hampas tanikalang gapos

at luha na lamang ang pinaa-agos

83
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay

na di-aakayin sa gawang magdamdam

pusong naglilipak sa pagka-sukaban

na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap

ng mga Tagalog at hindi lumingap

sa naghihingalong Inang nasa yapak

ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,

nasaan ang dugong dapat na ibuhos?

bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?

at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay

sa pag-asang lubos na kaginhawahan

at walang tinamo kundi kapaitan,

kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit

ng dakilang hangad sa batis ng dibdib

muling pabalungit tunay na pag-ibig

kusang ibulalas sa bayang piniit.


84
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak

kahoy niyaring buhay na nilant sukat

ng bala-balakit makapal na hirap

muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)

ng dagat at bagsik ng ganid na asal,

ngayon magbangon’t baya’y itanghal

agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)

kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,

ampunin ang bayan kung nasa ay lunas

sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig

hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis

kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)

ito’y kapalaran at tunay na langit.

EMILIO JACINTO

85
 isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila noong Disyembre 15,1875
 gumamit ng sagisag-panulat na “DIMASILAW”
 Kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN”
 Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio
 Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang KATIPUNAN
 Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN

Ilan sa kanyang akda:

 “A Mi Madre”(Sa Aking Ina)


 Ang Ningning at ang Liwanag - Ang Ningning at ang Liwanag ang una sa mga

paksang tinalakay ni Emilio Jacinto sa kalipunan ng kanyang mga sanaysay na

Liwanag at Dilim. Ipinaliwanag din niya sa mga artikulong ito kung ano ang kapalit

ng pagsasakripisyo para sa bayan.

Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata,

upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit

sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng

masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong

matuLin.Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang

ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang isang pusong

sukaban.

86
Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at

isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang

noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at

pagtakwiL sa Liwanag.

Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay

namumuhay sa hinagpis at daLita.

Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng

kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, at waLang ibang nasa kundi ang

mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikama -tay ng Bayan na nagbigay sa

kaniLa ng kapangyarihang ito.

Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay

sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang

maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang

mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay

hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.

Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag

mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan

at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa paningin.

87
MapaLad ang araw ng Liwanag!

Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at

Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

APOLINARIO MABINI

 nagmula sa maralitang angkan, isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan,

Batangas
 nagtapos ng pagka-manananggol
 tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN”
 ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang

Amerikano
 namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera

Ilan sa kanyang akda:

 SA BAYANG PILIPINO-isang tulang handog sa bayan

SA BAYANG FILIPINAS Baga mat mahina

at akoy may saquit kinusa ng loob,

bayang inibig na ipagparali ang laman ng

dibdib di na alintana ang madlang ligalig.

Sa panahong itong kahigpitang sakdal ay

88
dapat itaya ang layaw at buhay,

sa pagka't di natin dapat pabayaan iba ang

kumabig ating kapalaran.

Tingni't nagdadaang halos magpangabot

mga kababalaghang pakita ng Dios,

tingni yaong bayang palalo at hambog

dahil sa ugaling ipinagbabantog.

Sapagkat ng una'y kaniyang nasasakupan

at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.

Sapagkat ng una'y kaniyang nasasakupan

nagawang sala sa sangkatauhan.

Talastas ko't walang kamahalang sadya

sino man magsaya sa ibang sakuna;

nguni't lalong talos na di naaakma na sa

bayang iya'y makisalamuha.

Pinaghihimas ka at kinakapatid kapag sa

sakuna siya'y napipiit;

nguni't kung ang baya'y payapa't tahimik

aliping busabos na pinaglalait.

Ah! pagnaglawa ng mga anak mong lubos

na naaba.
89
Sasabihin niya'y, tigil at huag ka na

magpapatibulid sa ikamumura

pagka't ng ikaw lama'y guminhawa

kaya ibinuhos ang madlang parusa.

Di ko hinahangad na ikaw'y lumabas

sa kampo ng walang kahusaya't sangkap,

pagka't talastas kong matuid ang landas

at mahahatid ka sa pagkapahamak.

Ang inoola ko'y dili iba't ito mag-isa ang

loob ng lahat ng tawo sa loob ng bayan

at sa bawa't barrio ay biglang maghalal

ng isang Pangulo.

Ang mga Pangulo ay mangag-uusap Pipili

ng Punong lalong nararapat Humusay

ng gulo, magtuto sa lahat At tumayo naman

sa bayang nag-atas.

Ang mga Pangulo habang naghuhusay

ng sa isa't isang mga kaibigan,

hinahanap naman nitong Punong bayan

ang Punong nahalal sa mga kahangan.

At kung matuklasa'y biglang


90
pupulungin tagatayo na kikilalanin.

Ytong tagatayo'y kusang maglalakbay,

tutunguhin niya tagatayo na kikilalanin.

Ytong tagatayo'y kusang maglalakbay,

tutunguhin niya ang yaman

at dunong na gagawing tungcod upang

masapit mo ang pagka alipin ay lihis na

lihis pakatantoin mong huling binitiwan

ng mga bibig ko ang iyong pangalan.

At siya rin naming marahil tawagin sa

mga sala ko'y upang patawarin ibukas

ang pinto't tulo papasukin sa piling tahanan ng payapa't aliw.

MARCELO H. DEL PILAR

 Isinilang noong ika-30 ng Agosto 1850, sa Bulacan, Bulacan

 Itinatag at pinatnugutan ang Diaryong Tagalog


91
 Pinamunuaan ang pangkat pampulitika ng La Asociation Hispano-Filipino (Ang

samahang Kastila-Filipino)

 Mamamhayag ng Kilusang Propaganda at manunula sa ilalim ng taguring "Plaridel"

Ilan sa kanyang akda:

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Puso ko’y nahambal ng aking marinig

bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik,

wala ka, anak kong, sariling hinagpis

na hindi karamay ang in among ibig.

Wala kang dalita, walang sa kahirapan

na tinitiis kang di ko dinaramdam:

ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal,

ang kadustaan mo’y aking kadustaan.

Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag

nang panahong ako’y di pa nagsasalat

walang inadhika ang in among liyag

kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak.

92
Sa awa ng langit ikaw ay sagana

ng sukat iyamang malalagong lupa,

lahat ng pananim wala mang alaga

sa kaparangan mo’y tumutubong kusa.

Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulak

abaka at tubo’y kailangang lahat,

sa mga lupa mo’y tantong naggugubat

itong sa sangmundo’y hirap mahagilap.

Sarisaring kalap na sakdal ng tibay

sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;

hindi makikita sa sangdaigdigan,

ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang.

Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakal

ang ginto at pilak ay nangahuhukay

sa mga lupa mo’t sa dagatan nama’y

sarisaring perlas ang matatagpuan.

Tantong naliligid ang mga lupa mo

ng dagat ng China’t dagat Pacifico

balang mangangalakal sa buong sangmundo

pawang naakit dumalaw sa iyo.


93
Talaga nga manding ikaw ang hantungan

ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;

ikaw nga’t di iba dapat makinabang

nang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal.

Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulat

isip ay gisingi’t nang makatalastas

ng sukat asaliing ipagkakapalad

sa buhay na ito’t nang di ka maghirap.

Akong iyong ina’y taga-tupad bilang

ng mga tadhana ng Poong Maykapal,

ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang

musmos na isip mo’y sakiting aralan.

Ituro sa iyo ang utang na loob

sa nagkakandiling maawaing Diyos;

matuto ka namang sumamba’t umirog,

puso mo sa kanya’y huwag makalimot.

At para mo na ngang pasalamat bilang,

makapagtanggol ka sa kapanahunan

ng aring tinamo’t maapamahalaan


94
tapat na paggamit ng santong katwiran.

Ang tagapagturo’y pinakapili ko,

hinirang sa lalong mabait na tao;

ako’y nabighani’t umaasang totoo

sa may sinumpaang mahigpit na boto.

Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan

sa harap ng Diyos, na anaki’y tunay,

na ito raw mundo’y kusang tatalikdan,

kusang tumatangi sa lahat ng yaman.

Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;

prayle ang siyang aking hihirangin

na tagapag-iwi blang taga-tingin

sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin.

Mahigit na ngayon tatlong daan taon

na iniiwi kang prayle ang may kandong;

katiwala akong sa gayong panahon

ang isip mo’t yaman nama’y yumayabong.

Katiwala akong nagpapanuto ka

sa landas ng iyong sukat iginhawa;


95
katiwala akong dangal mo’t ligaya

ngayo’y tinatanghal na walang balisa.

Tatlong sacerdote ang ipinabitay,

bukod sa maraming pinahihirapan,

at dili umano’y nakapipigil daw

ng iyong ligaya, bunsong minamahal.

Hindi ko inino’t ang buo kong asa

ay pagmamasakit ang ginawa nila,

sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunang

magdarayang udyok ng masamang pita.

Sa abang-aba ko’t laking kamalian!

laking pagkasawi! laking kadustahan!

ng ipagpabaya sa kapahamakan,

ang dapat mahaling usbong niring buhay.

Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas

na ang nangaaba at kinulang palad

ay pawing mabait, pawing nagsisikap

dangal ta’t katwira’y igalang ng lahat.

Prayle’y napoot sa magandang nais


96
ng sa ati’y tapat kung magmalasakit

ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid

ang kandili niya’y bagkus panggagahis,

Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsam

ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan

at dinadaya kang di mo raw kakamtam

ang langit kung hindi sila ang bayaran.

Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen

kung di ka bumili ng sintas at kalmen;

pag hindi mainam ang pagpapalibing

ang harap ng Diyos, hindi sasapitin.

Sa paniniwala ng mga anak mo,

maraming naghirap, at nasa kombento

ang kanilang yama’t sila’y ingkilino

na namumuwisan sa paring natuto.

Ang lupang nilawag at pinaghirapan

ng magulang nila’t mga kanunuan

ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamay

ng hindi nagpagod at di namuhunan.

97
Ang laki at higpit sa pana-panahon

ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,

makasingil lamang ay di nililingon

hirap ng magsaka;t pawis na ginugol.

Salapi at pagod ng nagsisibuwis

ay walang katumbas kung di ang maghapis,

tanghaling sagana ang hindi nagpawis,

maibaon sa utang at tumangis-tangis.

Ang lahat ng ito’y ninanais sana

ng malagyang lunas ng sinta mong ina,

ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na,

hapo na sa hirap ako’t walang kaya.

Ang mga balitang Legazpi’t Salcedo

at iba’t iba pang inaasahan ko

sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,

ngayon ay wala na’t inulila tayo.

Sa nangangatirang ngao’y nabubuhay

oo’t may mabait, bayani at paham;

ngunit sia-sila’y nangag-iiringan

di magkasundo sa anumang pakay.


98
Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba,

sa balang kuruin ay di magkaisa

walang mangyayari tungol may halaga

sa gayo’y paanong aasahan sila!

Kaya kailangan bunsong iniirog,

matutong magtiis iayon ang loob,

sa madlang dalita, kung ayaw kumilos

ang mga anak mo sa pagkakatulog.

Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya

at iba pang nasyon ditto sa Europa

ay nangaghirap din sa prayle ng una

pawang nangday, pawa ring ginaga.

Kanilang nasayod lahat ng hinagpis

sa paniniwala’t maling pananalig,

sa prayleng nagpanggap ng taong malinis

na nagpakadukaha’t nag-anyong mabait.

Bayan, palibhsang marunong mahabag,

ay nahambal ngani sa nakitang hirap,

ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap,


99
ang mga kumbento’y sumaganang lahat.

Prayle’y hindi naman nagpapahalata

daddaga’t dagdagan pag-aanyong aba,

hindi napapansin lihim nilang banta

na ang namamaya’y kanilang mapiga.

Sapagkat ang prayle’y hindi kaparis

nitong mga Paring itim kung manumit,

ang prayle ay anak sa bundok at yungib

ng mga magulang na napakagipit.

Anak sa dalagita’y buong pagsasalat

walang nalalamang gawaing paghahanap

kaya kailangang tuyuin ang lahat

upang manariwa ang sariling balat.

Pag may mamatay na tila mayaman

prayle ang aagap magpapakumpisal,

at inuukilkil na ang pamanahan

ng aring inumpok ay kumbento lamang.

Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin

sa oras na iyon, siyang sasabihin,


100
kalulwa’t yaman dapat na ihain

sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin.

Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pa

ng bala-balaking panilo ng kuarta

kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,

ay pawing pandukot sa maraming bulsa.

Sa gayon nang gayo’y lumaki nga naman

ang ari ng prayle’t naghirap ang bayan;

mahalinhang bigla ng kapalaluan

ang binalatkayong kababaang asal.

Diyan na naninghal, diyan na nang-api

buong kataksilan ang pangyayari,

ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampi

baya’y namighati sa pagkaduhagi.

Ganda ng babae, ang dunong ang yaman

ay nagiging sanhi ng kapahamakan,

walang sumaklolong may kapangyarihan

sa kualita’t nayuko baras ng katwiran.

Ang balang magsabi, ang balang mag-isip


101
ng magpaaninaw ng santong matuwid,

walang nararating kungdi ang maamis

luha’y patuluin hanggang sa mainis.

Sapagka’t ang balang mapaghinalaan

na sa hangad nila’y di maaasahan

ay ipapahuli at pararatangan

ng salang dakila’t madlang kataksilan.

At sa bilanggua’y agad kukulungin

sa gutom at uhaw ay papipitiin,

ang lamig ng lupa’y siyang babanigin

ng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw.

Hindi tutulutang magtamong liwanag

sa araw at gabi ay kahabag-habag

kung hapong-hapo na sa gayong paghirap

ay paaamining siya nga’y nagsukab.

May ipinapangaw ang dalawang paa

kamay at katawa’y gagapusin muna,

saka tatapatan ang sakong ng baga

hanggang di umamin sa paratang nila.

102
At kung masunod na ang kanilang nasa

umamin sa sala ang lipos-dalita

tali nang kasunod, parusa’y ilalagda

sa martir ng prayle’t mapapanganyaya.

Ang parusa noo’y samsamin ang yaman

Saka unti-unting alisan ng buhay;

Idaraan muna sa isang simbahan

Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.

Sa gitna ng plasa ay may nakahanda

na naglalalagablab na malaking siga,

diyan igagatong sa harap ng madla

ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga.

Taghoy ng sinigan at madlang kaharap

luha ng magulang, hinlog, kamag-anak

pagtangis ng madla ay walang katapat

kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.

Yutang-yutang tao ang nanguuyam

ng panahong yaon sa gayong paraan,

ang payapa’t aliw noon ay pumanaw

nalipos ng luksa libo-libong bayan.

103
ang yaman nasamsam, buhay na nakitil

ay di babahagya’t noo’y walng tigil,

ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.

magsabog ng dusa, gutom at hilahil.

Ano pa nga’t noon ay kulang na lamang

Ang nangaulila’y magpapatiwakal;

Niloob ng langit, nanangagsangguinian

at nangagkaisang sila’y magdamayan.

Diyata nga kaya, ang winika nila,

at wala nang lunas sa ganitong dusa?

diyata nga baga’t itong binabata

sa inaanak nati’y ipapamana pa?

Huwag magkagayo’t yayamang namalas,

na sa daang ito’y nasubyang ang landas,

ay hawanin nating, sakitin ng lahat,

ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalaki’t, babae, matanda at bata,

ngayo’y manalangin, sa langit paawa,

ang santong matwid sa kusang dinusta

ay ibangon nati’t Diyos ang bahala.

Kanilang nilusob ang mga kombento,


104
prayle’y inusig pinutlan ng ulo,

ang balang makitang prayleng nakatakbo

kung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya’y kakila-kilabot

walang pagsiyahan ang kanilang poot,

ang mga kombento’y kanilang sinunog

inuring pugad ng masamang hayop.

Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kaya

sa galit ng bayan ang magiging kuta!

ang payapang dagat, pasiyang nagbala

ay walang bayaning makasasansala

Yaong bayang supil, dating mahinahon,

dating mapagtiis, at mapagpasahol,

inunos ng dusa’t malalaking alon

ng paghihiganti noo’y luminggatong.

Walang nakapigil, walang nakasangga,

palibhasa’y bayan ang magpaparusa

ang mga pinuno’y nawalan ng kaya,

umayon sa baya’t nang di mapag-isa.

105
Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayon

ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,

kahit na bata ay nagsisipukol

inu-using nilang parang asong ulol.

Sa paraang ito, bunsong minamahal,

ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw;

ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan

at muling naghari ang kapayapaan.

Ngunit hindi naman ako nagpapayo

ang ganoong paraan baga’y asalin mo,

ako’y walang sukat na maisaklolo,

kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,

na di namumuhunan ng pamamayani;

kung hindi mo kayang prayle’y iwaksi

magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.

Ang mga anak mo’y nangagugupiling,

sa dusting lagay mo’y di nahihilahil,

magdarayang hibo ng kaaway na lihim

siiyang diniringig, luha mo’y di pansin.

106
Diyata ay sino ang dapat mag-adya

sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?

kung sa mga anak mo’y di makaaasa,

walang daan, irog, kundi ang magbata.

Ang araw na sila’y magka-isang loob

at mangagkagising sa pagkakatulog;

ang araw na iyan, ang araw ng Diyos

baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot?

Kailangan bunsong, sila’y mahirati

sa pagmamasakit sa bayang sarili:

Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .

huwag lilimuting ganito ang sabi:

“Panaho’y matamis sa tinubuan bayan

“at pawang panglugod ang balang matanaw,

“ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,

“tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.”

Alinsunod dito’y aling hirap kaya

ang sukat indahin sa pagka-kalinga,

sa sariling baya’t upang matimawa,

sa madlang pahirap at sumapayapa?


107
Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man,

maging taga bukid, maging taga bayan,

lalaki’t babae, pantas man at mangmang,

santong matwid mo’y dapat ipatanghal.

Walang iba, bunso, na dapat hiliin

sila ng sa iyo’y tapat na pagtingin:

ang pagpapabaya’y pananagutan din,

sa harap ng Diyos sila’y sisisihin.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,

sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay

“kayong nagpabaya sa sariling bayan,

“anya’y dapat naming Aking pabayaan!”

Ilayo ng langit sa ganitong sumpa

ang mga anak mo, bunsong minumutya:

sa iyo’y matuto ng pagkakalinga

matutong umampat ng iyong pagluha.

Ito na nga lamang ang maisasagot

ng salantang ina sa hibik mo, irog;

sasakyan mo’y gipo, huwag matutulog

ang mga anak mo’t masigwa sa laot.


108
TULA SA PANAHON NG
MGA AMERIKANO

TAGAPAG-ULAT:

Jennifer Lasib

Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nailimbag sa panahong ito ay


binigyan ng layang magpahayag ng tunay na pangyayari hinggil sa iba’t ibang uri
ng aklat na gumising pang lalo sa nag-aalab na nilang mga damdaming makabayan.
Ano mang uri ng akda ang mailabas ng panahong iyon, ang damdaming
makabayan ay di nawawala bagkus ay mahigpit na binigyanng tuon.Kung minsan ito’y
hinaing tungkol sa kaapihang dinanas ng inang bayan, o kaya’y pagpupuri sa mga
katangian ng inang Pilipinas o kaya nama’y pagpapahayag.

Sa panahon ng bagong mananakop, ang mga Pilipinong may likas na hilig sa


pagtula ay lalo pang nahilig sa pagsusulat.At masasabing ito’y bunga ng kanilang mga
akda.Humabi na tula salahat halos ng larangan tulad ng liriko,pandulaan,pasalaysay at
pangkalikasan.

MGA URI NG TULA:

1.Tulang pangkalikasan- ang ganitong uri ng tula ay nag-uukol sa mga pangkalikasan.

2.Tulang pandamdamin / liriko- nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guni-guni,


pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao.Ito
ay maikli at payak.

a. Soneto- binubuo ng labing-apat na taludturan.Ito’y kailangang may malinaw na


kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan.Ito’y naghahatid ng aral sa mga
mambabasa.Sa unang walong taludtod ay inilahad ang diwa, paghanga, at sa huli ay
ang karagdagan o anumang kapupunansa ikabubuo ng tula.

b. Elehiya- isang tulang nagpapahayag ng damdamin o paggunita sa isang


nilalang na sumaka-bilang buhay na.

3. Tulang Pasalaysay- naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng


taludtod o buod.

4. Tulang Pandulaan- sadyang ginawa upang itanghal, naglalarawan iti ng mga tagpo
ng lubhang madula na maaaring magkatulad o di kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang
araw-araw na buhay. Saklaw na uri nito, ang komedya,trahedya, melodramang tula sa
paraang patula.

Batas ng Sedisyon
-Ang mga manunulat sa panahong ito ay hindi lantaran ang kanilang pagsusulat na
anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano.

-Rena Cimiento at ng muling pagsilang.

-Matunog at lubhang usapin dahil ito sa pagkalathala ng artikulo ( articulo de fondo o


sa pangulong tudling ng isang editorial na pinamagatang Aves de Rapina.

-Sa pahayag ni Lope K. Santos, ang panahong 1901-1942 ay nahati sa tatlo:

a. Panahon ng Paghangad ng Kalayaan

b. Panahon ng Romantisismo sa Panitikan

c. Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Sa panahon ng paghangad ng kalayaan,ay umusbong ang mga sinulat nina Juan K.


Abad na Tanikalang Ginto at Kahapon, Ngayon, at Bukas ni Aurelio Tolentino.

ANG ROMANTISISMO SA PANITIKAN

Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng pinakamahusay na katha mula sa 1925-1935.

Itoy tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del Mundo at Alejandro G.


Abadilla.

Mga Makatang sumusulat ng mga tula sa panahong ito:

- Sumpain nawa ng mga gintong ngipin ni Lope K. Santos

- Bagong Hudas ni: Pedro R. Antonio

- Inayawang Pag-ibig ni; Gonzalo Malay

-Bungang Kasalanan ni Sirio H. Panganiban

 : Amado V. Hernandes
Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan

Lumuha ka, aking Bayan: buong lungkot mong iluha

ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:

ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,

pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika;

ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,

labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,

sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;

katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,

katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;

walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,

tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop

na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:

ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,

ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;

masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,

masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!


Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,

kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,

kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,

kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,

kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,

lumuha nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,

may araw ding di na luha sa mata mong namumugto

ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,

samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo;

sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo

at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punlo!

 Jose Corazon de Jesus(1896-1932) “makata na puno”.

MANGGAGAWA

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday

alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;

mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang

tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.


Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral

nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,

nang lutuin mo ang pilak ang salapi a lumitaw,

si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon'y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,

kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan

mula sa duyan ng bata ay kamau mo ang gumalaw

hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal

pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan.....

Bawat patak ng pawis mo'y yumayari ka ng dangal,

dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nng buhay na walang wakas, walang hanggan,

at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

ISANG PUNUNGKAHOY
Kung tatanawin mo sa malayong pook,

ako’y tila isang nakadipang kurus;

sa napakatagal na pagkakaluhod,

parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan

ay nananalangin sa kapighatian,

habang ang kandila ng sariling buhay

magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,

maghapo’t magdamag na nagtutumangis;

sa mga sanga ko ay nangakasabit

ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;

at saka ang buwang tila nagdarasal,

ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,

ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,

batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

natuyo, namatay sa sariling aliw.

Naging kurus ako ng pagsuyong laing

at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,

panakip sa aking namumutlang mukha!

Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga

ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw,

isang kahoy akong malago’t malabay.

Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,

dahon ko’y ginawang korona sa hukay!


-higit kaninuman ay nakamana ng korona’t setro, ng pinsel at papel ni Francisco
Balagtas.

Benigno Ramos-makatang nagpakita ng pagkamulat ng kanyang mga mata sa


nagbabagong panahon.

Pedro Gatmaitan(1889)- nagpakita ng pagkaunawa sa kalagayang panlipunan ng


kanyang paligid.

Iňigo Ed Regalado(1855-1896)- isang kuwentista, nobelista at mamamahayag ngunit


ang buong linamnam at tamis ng kanyang pagkakamulat ay sa kanyang mga tula
malalasap.Tinalakay niya sa kanyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay-
bagay sa kapaligiran at ang mga di mapasubaliang katotohanan ng buhay.

MGA TULA:

Kundiman ng Buhay

Ano ba ang buhay sa silong ng langit,

Talinghaga baga o panaginip?

Kasuki ba kaya ng ligaya’t tamis

O isang laruan ng dusa’t hinagpis?

Kung pag-iisipin, itong ating buhay

Ay isang parusang walang katapusan;

Kahit nasa tuwa, may luha kung minsan;


Luha ang pang-aliw ng pusong sugatan!

Ambil palibhasa sa tayong ng lirip

Kaya’t ang lahat na’y ating natitiis.

Tayo’y may panimdim sa lahat ng tamis

At may gunamgunam sa madlang pasakit.

Talagang ang buhay, gabihi’t arawin

Kapara ng dahon sa laro ng hangin;

Masama’t mabuti ang panahon natin

Kahit nasa lumbay, nakangiti parin!

Tayo ay may-lugod kung inaamihan,

Kung hinahabagat, nagtitiis naman.

Sa buhay na ito’y walang kamatayan

Ang isang pag-asang nahinog sa lumbay.


Sa matabang lupa’y walang nababansot

Binhi man ay galing sa bungang di-hinog.

Sa init ng araw bayabas mang bubot

Nagiging pagkain ng tao sa bundok.

Sa parang ng buhay basa man ang damo’y

Napag-aapoy rin ang kamay ng tao,

Sa ilang na gubat, ang windang ng bato

Pag nasa bayan na’y gamit sa palasyo.

Ang ganda ng isang mabangong bulaklak

Sa ating pag-idlip ay napapangarap,

Nguni’t ang talutot oras na malagas

May tinik sa ubod na nakasusugat.

Ligaw na halamang mabait ma’t hindi

Ay nagagamit din sa maraming sanhi;


Lanta man ang dahon ng sangang nabakli

May lilim ding handog sa tinatanghali.

Batis mang malinis pag tinatagtuyo’t

Mabuti pa’y sapa sa nagsisisalok;

Anuman ang dumi ng tubig sa ilog

Nakalilinis din sa batong may-lumot.

Sa buhay na ito’y walang nasasayang

Ang kahit dahong lanta’y binhi ng halaman,

Subali’t sa lakad nitong ating buhay

Ay may talinghagang naglilikaw-likaw.

Paris ng pagsintang sa puso’y natanim

Madaling lumago hindi man diligin;

Nguni’t ang pag-ibig na hinog sa tingin

Masarap-sarap man, mahirap lunukin.


Ano ang pag-ibig kung walang mahalan?

Ano ang pagsinta kung walang suyuan?

Ang tao ay anak sa paglalambingan,

Lambing sa mabigo’y dusa’t kamatayan.

Ang ligaya’y hindi bung ang ginhawa.

Ang tunay na lugod galing sa pagsinta.

Kung walang pag-ibig libo mang pag-asa

Ay dusa sa puso at luha sa mata.

Aanhin ang buhay kung walang pag-ibig

Sa wala ang mundo kung wala ang langit?

Kung ang buhay nati’y isang panaginip,

Managinip tayo sa suyong matamis.

Tanang kapaitan ay dapat tiisin,


Di sa bawat oras tayo’y maninimdim;

Habang may liwanag sa silangan natin

Ang pag-asa’y buhay sa tuwang darating.

Ang tao ay anak sa dugo at luha

Di dapat matakot sa madlang dalita!

Sanlibong hirap man at nabatang pawa

Ang mundo ay atin sa piling ng tuwa.

Anupa’t ang buhay, sunod sa panahon,

Sa silong ng langit, mabilog na gulong.

Ang buhay ng tao’y parang isang bugtong,

Ang hirap mo bukas, hulaan mo ngayon.

Itong buhay natin ay isang kundiman,

Luhang natutuyo, tuwang napaparam;

Ang hirap, ang dusa’t tanang kapalaran,


Sa inikit-ikit, halinlinan lamang.

Kung ikaw’y may-hirap, matutong magtiis

‘di lahat ng oras, itim ang silahis

Kung ikaw’y mapalad, gamitin ang isip,

Madaling magdilim ang masayang langit.

Florentino Collantes(1896-1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit


niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.

Julian Cruz Balmaceda (1855-1947)- Sa tulang Kung Mamili ang Dalaga ay tnalakay
ang tungkol sa nakakatuwang kasalanan ng isang dalaga sa pamimili ng
mapapangasawa hanggang sa sumapit siya sa isang nakakatawa ngunit malungkot na
wakas.

KUNG MAMILI ANG DALAGA

ni Julian Cruz Balmaceda

Nang may labinlimang Disyembre pa lamang

ang dalagang aking naging kaibiga’y

ganito ang laging kanyang bulay-bulay

“Pagka’t ang ganda ko’y di pangkaraniwan

ay pipili ako ng isang liligaw na

bata, makisig, mabait, mayaman.”


Nang dumalawampung taon ang dalaga

at ang pinipili’y di pa rin makita’y

ganito ang kanyang nagunita tila:

“Hindi kailangan kundi man pustura

o kaya ay hindi sagana sa k’walta

kung bata’t mabait ay maaari na.”

Nang magdalawampu’t lima at hindi rin

yata sumisigid ang isda sa pai’y

ganito ang kanyang parating dasalin:

“Ang gulang? Hindi ko aalumanahin,

may kabaitan lang na maituturing

kahit matanda na’y puede na sa akin.”

At nang tumatlumpu’t ni sinoman wari’y

wala nang mabuyong sa kanya’y gumiri

tahas na sinabing wa(ang pagkabali:

“Ngayon kahit sino’y walang tangi-tangi

huwag lang di mayrong sa aki’y bumati.”


TULA SA PANAHON NG HAPONES

TAGAPAG-ULAT:

Renmark Ricafrente

TULA SA PANAHON NG HAPONES (1942-1945)

ANG TULA
1. Haiku- tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. Ang

unang taludtud ay may limang pantig; ang ikalawa ay may pitong pantig; ang ikatlo ay

may limang pantig.

Halimbawa:

Dalawang Haiku

1. Tutubi

Hila mo'y tabak...

Ang bulaklak, nanginig!

Sa paglapit mo.

2. Anyaya

Ulilang damo

Sa tahimik na ilog...

Halika, sinta.

Gonzalo K. Flores
Liwayway, Hunyo 5, 1943

2. Tanaga- ito'y maikli ring katulad ng haiku ngunit ito'y may sukat at tugma at ang

bawat taludtod ay may pitong pantig.

Halimbawa:

Mga Tanaga

1. Palay

Palay siyang matino

Nang humingi'y yumuko,

Ngunit muling tumayo;

Nagkabunga ng ginto.

2. Kabibi

Kabibi, ano ka ba?

May perlas, maganda ka


Kung diit sa tainga

Nagbubuntung-hininga!

3. Tag-init

Alipatong lumapag

Sa lupa- nagkabitak

Sa kahoy- nalugayak

Sa puso- naglagablab!

Ildefonso Santos

Liwayway, Abril 10, 1943


Pagbabalik ng

mga Amerikano

TAGAPAG-ULAT:

Eunice Zambrona

MGA MAKATA NG PANAHON

Pilipino- Kastila
Claro M. Recto

 Zobel Price winner of Literature


 Nationalist, one of the most vocal proponents for Philippine autonomy
 “finest mind of his generation”

 ANG DAMPA KONG PAWID

Halikayo sa kuta ko, sa marupok na tahanan

na pakiming nangungubli sa malilim sa sagingan,

Kapag aking naririnig sa pagbubukang-liwayway

ang awit ng mga ibon ay nanagi sa isipan

na ang mundo’y hindi isang larangan ng luha’t lumbay,

ikaw’y walang kabuluhan sa ibon ng aking bukid

ni sa rosas ng hardin kong mabulaklak at tahimik.

Halikayo at pumasok sa hamak na aking bahay

at masayang itinayo sa malilim na sagingan,

ang bahay ko kahit pawid at marupok na kawayan

ay may yamang ihahandog ang diwa ng aking bayan.

Jesus Balmore
 Nanguna sa panitikan
 Kanyang naabot ang taluktok ng kanyang tagumpay bilang isang

manunulat noong Nobyemre 1938 ang kanyang Misa de Nipa, isang

pagsasama-sama ng kanyang mga pinakamahusay na tula na nagbigay

sa kanya bilang pang-unang gantimpala.


Pilipino- Ingles
Angela Manalang Gloria
 Siya ay manunulat ng Revolt from Hymen, tulang nagpoprotesta laban sa Marital

Rape
 Ang kanyang huling tula naisulat ay ang OLD MAID WALKING ON A CITY

STREET

Revolt From Hymen

Angela Manalang-Gloria

O to be free at last, to sleep at last

As infants sleep within the womb of rest!

To stir and stirring find no blackness vast

With passion weighted down upon the breast,

To turn the face this way and that and feel

No kisses festering on it like sores,

To be alone at last, broken the seal

That marks the flesh no better than a whore’s!

A nuestro señor Don Quijote de la Mancha, de Jesús Balmori

Señor de los poetas, de los desventurados

de todos los de ensueño de libertad turbados

de los que han hambre y sed de justicia en la tierra.

Señor de los esclavos, señor de las zagalas


en cuya frente baten las águilas sus alas

y en cuyo pecho España su corazón encierra

En la vida que es triste, que es llena de amargura

y que solo el amor salpica de ventura

como a ingrata doncella amante dadivoso

¿Qué corazón que suena, qué espíritu que adora

no convierte en princesa la humilde labradora

y no cree que Aldonza es la flor del Toboso?

Aún seguimos soñando castillos las posadas,

ejércitos de príncipes altivos las mesnadas

jardines encantados los páramos sin dueño.

Y en todos los instantes y en todos los caminos

todos vamos cayendo por luchar con molinos

y a todos nos destrozan las aspas del ensueño!

¿Qué sería del mundo sin el halo divino

que nos cubre lo mismo que el yelmo de Mambrino?

¿Qué sería la vida sin la dulce poesía

que ciega nuestros ojos con sus flotantes tules

para llenar el alma de límites azules

y partir con un Sancho el pan de cada dia?


¡Oh señor, ve que es cosa de gran desesperanza

salir por esos campos empuñando la lanza

a desfacer entuertos en sin igual empresa!

¡Luchar con la quimera hasta rendir los brazos

y azotarse las carnes hasta hacerlas pedazos

por romper el encanto que aduerme a una princesa!

Pero todos lo hacemos. Todos siguen de trote

no hay un hijo de España que no sea Quijote

y aunque vaya soñando, no haga el bien por doquiera.

Destrozado y herido le hallarán en la vida,

pero no habrá una herida más ideal que su herida

ni habrá estrella más alta que su noble quimera

Nada importa el que clama que su esfuerzo es locura

que es inútil su arrojo, que es fatal su aventura

¡Don Quijote discute todo eso con su lanza!

Y en tanto va ensartando malandrines follones

cargado de esperanzas, de ensueños, de visiones

por los campos del mundo avanza, avanza, avanza...

A su paso se llenan de flores los caminos


se abren todas las ventas, se callan los molinos

y aunque por todo oro lleve su sola historia

ante su porte triste, soberbio, vagabundo

el sol se para en lo alto de la frente del mundo

y como una campana de luz repica a gloria

Jose Garcia Villa

 Siya ay ipinanganak sa Pilipinas at nagpasyang manirahan sa Estados Unidos

 Nakatanggap ng parehong gantimpala sa Pilipinas at Estados Unidos, siya ang

pinakaunang ginawaran na National Artist na makakatanggap ng lifetime pension

I can no more hear

By: Jose Garcia Villa

I can no more hear Love’s


Voice. No more moves
The mouth of her. Birds
No more sing. Words
I speak return lonely.
Flowers I pick turn ghostly.
Fire that I burn glows
Pale. No more blows
The wind. Time tells
No more truth. Bells
Ring no more in me.
I am all alone singly.
Lonely rests my head.
—O my God! I am dead.

HINDI KO NA MARINIG
Halaw kay Jose Garcia Villa
Salin ni Pete Lacaba

Hindi ko na marinig
ang tinig ng pag-ibig
Hindi na bumubukas
ang kanyang labi. Salat
sa awitin ang ibon.
Namumutla ang apoy.
Rosas na bagong-pitas
ay naluluoy agad.
Hindi na umiihip
ang hangin. Natahimik
na ang mga kampana.
Ako’y nangungulila.
Puso ko’y lupaypay na.
Diyos ko, ako’y patay na.

PANAHON NG

BAGONG LIPUNAN
(1972-1986)

TAGAPAG-ULAT:

Robelyn Sabio

LARAWAN NG PANAHON

Dahil sa lalong sa sumasamang kalagayang pangkabuhayan at

pampulitika,malimit na mga demonstrasyon ng mga estudyante’t manggagawa at

sumisidhing mga kaguluhang maaring samantalahin ng mga komunista upang ibagsak

ang demokratikong Republika ng Pilipinas,ipinahayag ng Pangulong Marcos ang

pinapapairal ng Batas_militar noong ika-21 ng Setyembre,1971.

BATAS MILITAR

-napinid ang batasan


-Presidential decree at letter of instruction ang ginamit upang gumawa ng hakbangin.

-nabawasan ang krimen at problemang panlipunan

(paupa,pasahod,pagsasaka)

DIWA NG BAGONG LIPUNAN

Ito’y isang pagbabagong-isip at pagbabagong tatag sa pamamagitan ng pagtatakwil sa

mga dating masasamang gawi.

“tahimik na pagabangon laban sa maling gawain sa nabubulok na

lipunan.Pang.Marcos.”

BAGONG KASABIHAN

“Sa ikauunlad ng Bayan,Disiplina ang kailangan. O kaya’y “Ang Panlalamang sa kapwa

ang gawaing masama.”

Umunlad ang Wikang Filipino-Pagpapatupad ng Bilinggwalismo

ANG TULA

-sumusunod ang tema sa uri ng panahon sa kanilang mga tula.


“ligtas”talakayin,gaya ng pag-ibig,buhay at kalikasan.

-May malawak na saklaw at may mga nakkubling simbolo dahil sa paghihigpit ng

diktaturyang Marcos.

1974

-naipalimbag ni Domingo G.Landicho ang “Ang Paglalakbay:Mga Piling Tula.

-May mga nailathala din na mga tula sa Liwayway at maging sa mg amagasing

dalubhasaan na may anyong may sukat at tugma.

MGA MANUNULAT:

 Aniceto Silvestre

ANG “VALENTINE” KO

AKO ay naghanda ng puting tarheta,

sa gitna’y may pusong mapulang-mapula;

ito’y kasimputi ng aking panata,

ito’y kasindugo ng aking pagsinta.

MAY lunti pang lasong dito’y nakakabit,


kulay ng pag-asa’t aking pananalig;

ang laman ng diwa’t kumakabang dibdib

ay nakalimbag ding mga gintong titik.

AKING isinulat ang iyong pangalang

singyumi’t sintamis ng iyong kariktan;

nilagdaan ko rin ng aking palayaw

na nasa bigkas mo kung may kabuluhan.

PARANG puso ko rin — huwag kang mamangha —

ito’y hindi biro, ito’y hindi daya;

ang inaasam ko ay puso ring sutla,

sa pag-asang yao’y puso mong dakila.

Sa araw ng puso — nasa kalendaryo —

pusong pulang sutla ay para sa iyo;

alin pa ang langit kapag nanagano

sa rosas mong labi’t dibdib na mabango.

Sa masayang araw at hanging maaya,

ang sinugong puso’y sasaiyong ganda;

ito’y magsasabing sa tuwa at dusa,

ang “Valentine” ko’y ikaw — walang iba!


Pilipino, Pebrero 14, 1968

 Bienvenido A. Ramos
"AWIT SA ISANG BANGKAY"

Ngayong hatinggabi'y nais kong awitin

ang ayaw marinig ng aking Diwata;

awit na kaiba may bagong pagtingin

may dugo ng buhay may tamis ng luha

awit na hinabi ng buwang may silim…

(isinumpang awit ng mga bathala)

Anila, ang awit ay ang kagandahan

na nakaayubo sa ating paligid

mabituing langit, bagwis ng amihan

maingay na lunsod, at payapang bukid;

(di iyan ang awit na ngayon ay alay…

(iya'y dati na't mga lumang himig)

Ang awit kong ito'y pipi't walang nota

at dalit sa labi ng mga pulubi

kelan ay nasagpang ng mga buwitre

aninong madapa sa mga bangketa

sa gabing ang buwa'y ni ayaw ngumisi


Notang sa silabato'y nagbinhi ng takot

at gintong makuyom sa bantay-salakay

sa bawat lansanga'y uwak na magtanod

laganap ang salot sa hulo't luwasan…

(Sino ang pipigil, kung ito ay agos,

kung pati ang puno ay yagit na lamang?)

Inihimig pang pangako ring wasak

sa binging pandinig ng mga naburol

agunyas man ito'y makaaagnas

sa pusong nagmoog sa daya at lason…

(May bunyi ang awit ng palayong uwak

Pagkat nagging uwak ang lahat ng ibon!)

Di para sa iyo ang awit kong ito

(Narinig mo ba ang paos kong tinig?)

ang inaawit ko't para sa supling mo

kung magsusupling ka sa baog mong hasik…

Ngayong hatinggabi ay aawitin ko

ang kamatayan mong di magbagong-binhi

 Ponciano Pineda
 Pilipino : Isang Depinisyon

ni Ponciano Pineda

(Lahat)

ano ka? ano siya? ano ako? ano tayo?

sabi nila'y Pilipino

ugat natin ay Silangan

anak dagat ang ninunong hatid dito ng barangay

galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan

dito sila ipinadpad / ng magandang kapalaran

(Solo)

naibigan itong pulo / kaya't dito nangagkuta

nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang masagana

may ugaling katutubo, may gobyerno at bathala

may samahan at ibigan, maayos at payapa

may sariling wika

tayo raw ito

sa ante-panahon / ng kolonyalismo

(Lalaki)

walang abog
mula sa Kanluran / ang dayo'y sumapit

ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig

siniil ang laya, kinamkam ang yaman

barangay ay binuwag

mga tala ay sinunog

abakada'y ibinawal

ipinasiyang mga mangmang

ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay

(Babae - medium)

at naging alipin ang bayan kong irog

ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan, ma-Tagalog

(Babae - high)

at sa halip, at sa halip

pinalitang lahat-lahat

ang gobyerno / ang relihiyon, ang ugali, ang kultura

Kinastila itong dila

itong puso'y Kinastila

(Solo - babae)

edukasyon ay hulog ng langit


kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas

kaya't ako'y nakastila

sa kaluluwa at sa balat

(Lalaki)

pinagtilad-tilad - ikaw, ako't siya

sa adhika paghatiin : devide et impera

at yumabong

(Solo 1)

Ilukano'y Ilukano

(Solo 2)

Kapampanga'y Kapampangan

(Solo 3)

Bikulano'y Bikulano

(Solo 4)

ang Cebuano ay Cebuano

(High)

iyang Waray laging Waray


ang Ilongo ay Ilongo

mga Muslim laging Muslim

Ibanag ay Ibanag

Zambal ay laging Zambal

ang Aklan ay Aklan

(Babae - medium)

ang Tagalog ay Tagalog

kanya-kanya, tayu-tayo

masawi na ang sampangkat, malipol man ang

santribu

(Low, Medium, High)

huwag lamang tayo

huwag lamang ako

pagkat tayo'y ito

mga Pilipino

(All)

ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik


(Lalaki)

kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib

bumagsak ang mapaniil / na nag-iwan ng bakas

kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad

kaya'y laya'y itinindig / sa kislap ng mga tabak

at sa awit nawagayway ang maningning na sagisag

(High and Low)

dapwat sasansaglit

pagsasarili ay inagaw ng malakas

dinagit ng dambuhalang diumano'y bagong mesiyas

diumano'y naparito upang noon ay iligtas

(All)

di gayon nga

autoridad ay naiba

napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema

ngunit 'yon din: ang dayuha'y panginoon

Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod

walang tutol

(Medium and High)


edukasyon popular: Kinano ang sistema

umunlad, di nga kasi: Pilipino ay dumunong

naging Kano sa ugali, naging Kano da damdamin

naging Kano sa isipan, naging Kano sa pagsulong

sadyang gayon ang katuwiran

masterin mo iyang wika't

ang kultura niyang wika'y ikaw iyang mamasterin

ang nangyari: ang produkto

nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo

di gradwadong makabansa, hindi-hindi Pilipino

(All)

devide et impera

(Solo 1)

Ilukano'y Ilukano

(Solo 2)

Kapampanga'y Kapampangan

(Low)

Bikulano'y Bikulano
Pangasina'y Pangasinan

(Low and medium)

ang Cebuano

iyang Waray laging Waray

ang Ilongo ay Ilongo

mga Muslim ay laging Muslim

(All)

ang Tagalog ay Tagalog

kundi lang itong akin

mabuti pa ang sa dayo

ito tayo

Pilipino

isang lahing makaako, tayu-tayo

(Low)

at nagdilim

at kumulog at kumidlat at lumindol

at ang ulan gumuhos at bumaha at umunos

ang sanlahi'y nagliliyab nalulunod

nagliliyab nalulunod
(High)

ay, salamat sa karimlan

ay, salamat sa magdamag

at sumilay ang liwayway ng maningning na liwanag

isang phoenix ang nagbangon sa abo ng lumipas

(Medium)

nagmistulang manunubos ng naamis nating palad

kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo

nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago

tenancy, ekonomiya, sosyedad, gobyerno

edukasyo'y nakaangkop sa lahat ng kailangan

nang sa gayo'y bumalikwas ang dugahi nating bayan

(Solo)

pinabubulas ngayong muli ang kulturang katutubo

bilang tanda ng luwalhati ng kahapong siniphayo

ang layuni'y isang lahin sumapit na

isang bansang hindi dayo

isang lahi't bansang

Pilipinong-Pilipino

(Medium and Low)


kailangan natin ngayon ay uri ng paturuang magbubuklod

sa biyaya ng magandang katubusan

sambandila't isang awit, isang wikang hindi hiram

dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan

(All)

at pag ito'y natupad na'

at pag ito'y naganap na

masasabing taas-noo

ikaw, siya saka ako'y

mga bagong Pilipino

PANAHON NG IKA-APAT NA

REPUBLIKA

(1989-KASALUKUYAN)
TAGAPAG-ULAT:

Robelyn Sabio

MGA MANUNULAT

TEO ANTONIO

-sumulat ng tulang “Panahon ng Pagpuksa Atbp.Pakikidigma”

-pagbibigay pugay sa mga pinaslang na mga mamamahayag sa ilalim ng

panunungkulang demokratiko.

“Panahon ng Pagpuksa Atbp.Pakikidigma”

Sumusukal sa laksa’t luksang pangalan


At inihatid sa libingan ng libangang

Paniniil.Lapida ng lagim ang mga biktima’

Arturo Yunzon

Carlos Aberilla

Nabokodonosor Velez

Manuel Julian

Noven Meneses

……………………(p.151 ng taga sa bato..)

Nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca 1986 at kasaama sa kalipunan ng mga

tula ,Taga sa Bato:Mga Piling Tula(1973-1988) na inilunsad sa Ateneo Press ng taong

1991.

RUTH ELYNIA MABANGLO

“Mga Lihim ng Isang Pinay at iba pang Tula”-unang gantimpala sa Palanca 1987.

Kinuwestyon ng makata ang magkaibang mundo ng mag-asawa tuwing umaga,

“Mga Lihim ng Isang Pinay at iba pang Tula”


Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera

Nagbabasa ng dyaryo uma-umaga

Naghihintay siya ng kape at naninigarilyo

Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro

Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo.

(Aklatan ng Carlos Palanca,Leagazpi Vil.,Makati)

“Mula sa Brunei”-naipamalas ng makata ang tila kalayaaang tinatamasa ng asawang

babae na isang guro mula sa pgakakatali sa domestikong Gawain nang lumipad siya sa

patungong abroad.

“Mula sa Brunei”

Noon ako nanaginip na ankapantalon,

Nagpapadala ng dolyar at pasalubong

Nakakahinga na ako ngayon nang maluwag,

Walang susi ang bibig,ang isip ay bukas

Aaminin kong ako’y nangungulila

Nguni’t sariling kape ko na ang tinitimpla.


(Aklatan ng Carlos Palanca,Legazpi Vil.,Makati)

IBA PANG TULA

“Mga Batang Taludtod”at “ako’y Naghihintay”.

-sariling malungkot na nakaraan .

JOI BARRIOS

-“Babae Akong Namumuhay Nang Mag-isa”

Babae akong namumuhay nang mag-isa,


hiwalay sa asawa,
matandang dalaga,
kerida,
puta.

Ang aking pag-iisa’y batik na itinuring,


latay na pabaon ng nakaraan,
pilat na taglay habambuhay.

May pagsusulit na di ko nakayanan,


may timbangan sumukat sa aking pagkukulang,
May pagsusuring kumilatis
sa pagkatanso ng aking pagkatao.
Lagi’y may paghuhusga saaking pag-iisa.

Ang di nila nakita’y


Akin ang pasya.
Maliit na kalayaang
Hinahamak ng iba pang
Pagkapiit at pagkaalipin
Sa akiing lipunan.
Ang pag-iisa’y di pagtalikod sa
pag-ibig, o pagnanasa o pananagutan.
Hindi ito pagsuko
Sa katuparan ng mga pangako
O pagkakatutuo ng mga pangarap.
Hindi pagtanaw sa buhay
Nang hubad sa pag-asa.

Paghangad ko lamang
Na kamay ko ang magpatakbo sa aking orasan;
Puso at isipan and sumulat ng aking kasaysayan,
Sarili ko ang humubog sa aking kabuuan.
Hayaan akong mabuhay nang payapa,
nang hindi ikinakabit sa aking pangalan
ang mga tawag na pagkutya:
puta,
kerida
matandang dalaga,
hiwalay sa asawa,
babae man akong namumuhay nang mag-isa.

-“GAHASA”

Gahasa ni Joi Barrios

Ihanda ang mga ebidensya

Eksibit blg.1: baril


o kahit na anong sandata
patunay ng pagbabanta

Eksibit blg.2: panti na may mantsa


patunay ng kabirhenan ng dalaga

Eksibit blg.3: sertipikasyon ng doktor


Patunay na--
a: sapilitan
b: lubusan
ang pagpasok ng ari
Eksibit blg.4: sertipikasyon ng pagkatao
patunay ng hindi pagiging puta

Ipasok sa hukuman ang nasasakdal


Iharap sa hukuman ang nagsasakdal
Simulan ang panggagahasa

Nagwagi sa CCP Literary Contest 1990

LIGAYA RUBIN

“Paano Tumutula ang Isang Ina”

Lilia Santiago

-MAKATA NG TAONG 1989

“Sa Ngalan ng Ina.Ng Anak,ng Diwata’t Paraluman”

Sa Ngalan ng Ina, ng Anak,

ng Diwata't Paraluman Lilia Quindoza Santiago After EDSA

Kabiyak lamang daw ako nang isilang,

Isang sugat na ang lunas ay nasa kamay

Ng katuwang. Dinagit ng isang ibon,

Ipinutok ng kawayan, ililatag

Sa sanlibutan ang ganda kong walang muwang,

Walang lakas noong unapaman.


Anino akong laging nakapuwang

Sa pagitan. Walang bakas.

Nakaangkas lamang ako sa yapak ni Malakas.

Ang katauhan ko'y hinahati-hati

Ng tahanan at larangan, ang tinig

Ay malimit nakakalutang sa kawalan.

Sang-ayon sa mga ama,

Ako raw ang nag-aruga sa kadakilaan.

Sa sinapupunan ko nagmula

Ang bayani ng Mactan, Pugadlawin at Mendiola.

Ako ang nagburda sa iwinagayway na bandila,

Kasama rin akong sumangga sa mga punglo ng digma.

Diwata ako ng bawat pakikibaka,

Paraluman ng himagsikan,

Lakambini ng Katipunan,

Musa ng insureksyon,

Mutya ng digmaang-bayan.

Sa kandungan ko nalulunasan ang mga sugatan

Ngunit ako'y walang kasaysayan.

Nagluluwal ako ngunit hindi nabubuhay.


Pinagbubuntis ko ang palay,

Pinalalabay ang mga halaman,

Pinatatayog ang niyog

Pinatitibay ang abaka

Pinatitimyas ang asukal.

Habang naghahayuma,

Umaamot ako ng awa sa buwan at alon

Upang biyayaan ang namamalakaya.

Inaamo ko rin ang ulan at hangin

Upang maigiya ng tikin

Ang nahuling isda patungong baybayin.

Sinusunong ko ang bilao ng tagsalat,

Nagbabasag ng banga sa pagsalok ng dalita.

Isinugukbit ko ang karit

Kapag nagbabanta ang pangangamkam,

Ipinapandong ko ang hapis

Kapag yumayao ang kasaganaan.

Palad ko ang naghahain

Gumiling lang ang parika…

Kamao ko ang kumukuyom


Sa sahod na di magkasya.

Nagrarasyon ako at nag-oorasyon

Magtagumpay lamang ang welga.

Lahat ng ito'y walang lagda sa gunita.

Ngayon, halimbawa'y di na ako

Ang masuyong perlas ng silangan.

O ang birheng matimtiman.

Sinisisid na ng kalakal ang pusod

Ng aking dagat. Dinadayukdok ng dayuhan

Ang buo kong kapuluan.

Dapat ba akong manatiling namamaybay sa patlang?

Ayaw ko nang maging kaulayaw ng unan o ng sandok,

Ayaw ko nang mamalaging kalaguyo sa atrasan.

Ang nais ko ngayo'y lunasan ang kinagisnang sugat,

Tanganan ang palad, kumalabit ng gatilyo

Gulantangin ang katahimikan ng mga siglo.

Nais kong baguhin ang mga alaala.

Nais kong baguhin ang mga alaala.


Magbabanyuhay ako bilang isang Babaylan

Upang awitan ang mga inang walang kibo;

Ang hihimigin ko'y kundiman ng mga sulo

Kuwintas na parangal sa mga minartir ng kabaro;

Sa gitna ng larangan, ako'y magsisilang ng uyayi

Na aawitin sa mga supling ng malayang mundo.

Kaya, sa ngalan ng ina at anak,

Sa ngalan ng mga diwata't paraluman,

Iadya ako sa paglibak ng minulan,

Basbasan ang aking pagsalakay sa karawagan,

Pagpalain nawa ako sa taimtim na paglaban

Ngayon, hanggang katubusan.

Sa ngalan ng ina, ng anak, ng diwata't paraluman.

ARIEL VALERIO

-MAKATA NG TAONG 1990

“Babaylan”

-matalas na pagpuna at pagtatasa ng mga panlipunang pangyayari sa ilalim ng

pamamahala ng babaeng pangulo.


Ay,Babaylan!

Balbal mong dila’y tinutumis

Sa sangkalan ng talinghaga’t balintuna

Ng pingkiang nagkukuta sa mga lihim na lungga

Ng tiwaling katiwala.

(kopyang ibinigay ng Makata)

RIO ALMA

-isang beteranong makata na nagpalabas sa kalipunan ng mga tulang may pamagat na

Parikala:Mga Bagong Tula,Mga Bagong Makata”.

-Kalikasan Press,1990.
Talasanggunian
Mga Aklat:

Pineda, Ponciano et.al, “Panitikang Pilipino sa Kaunlarang Bansa”,

Rubin,Ligaya T.,et al.Panitikan sa Pilipinas.Manila:Rex Book Store,2001

Salazar, L. et. al., Panitikang Pilipino, 3rd Edition.

Mga website:

https://www.facebook.com/notes/hermz-gacho/ang-ningning-at-ang-liwanag-

isinulat-ni-dimas-ilaw-emilio-jacinto/519865828029024

http://tl.answers.com/Q/Ang_panitikan_sa_panahon_ng_propaganda_at_himagsi

kan

http://www.scribd.com/doc/38997278/Panitikan-Sa-Panahon-Ng-Himagsikan

http://www.scribd.com/doc/37529849/Panitikan-sa-panahon-ng-himagsikan
http://www.scribd.com/doc/59711846/Panitikan-Sa-Panahon-Ng-Himagsikan

https://www.studymode.com/join.php?redirectUrl=%2Fessays%2FJapanese-Period-

1071778.html&from=essay

http://hernandez.prepare/poem

http://www.slideshare.net/cli4d/ang-mga-panahon-ng-panitikan

http://www.slideshare.net/elsaorani/q3-m3l3-ang-bagong-republika-1946?

from_search=31

https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/396248930433207

http://tl.answers.com/Q/Awit_sa_isang_bangkay_ni_bienvenido_a_ramos_ung_tulas_ni

ya_po

http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/tula-ang-qvalentineq-

ko.html

http://filipinoliterature.blogspot.com/2010/02/talindaw-filipino-boat-rowing-song.html

http://panitikan.hostingsiteforfree.com/folklit/angalekongneneng.htm

http://teacherljsanchez.com/2013/02/26/proyekto-siyento-100-araw-100-tula-oyayi/

You might also like