Saklaw NG Ekonomiks

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Saklaw ng ekonomiks

Ni Charo B. Bon

Ang ekonomiks ay agham panlipunan

Nauugnay sa asignatura’t larangan

Na nagbibigay buhay sa bawat mamamayan

At nakatutulong sa kanyang kabuhayan

Ekonomiks ay agham

Dahil sa paggamit ng siyentipikong paraan

Sa paglutas sa mga problema sa bayan

Panlipunan, dahil ang pinag uusapan ay ang tao at lipunan

Matematika, kanyang kaibigan

Nagpapaliwanag sa mga konseptong pinag aralan

Paggamit ng mga ekwasyon, graph, tsart at talahanayan

Kanyang gamit sa mga talakayan

Pangyayari sa nakalipas ay inuugnay sa kasalukuyan

Upang aral ng nakaraan,

Magsilbing aral sa pagunlad ng bayan

Iyan ang kasaysayan

Agham pampolitika sa pamahalaan

Batas at sistemang pangkabuhayan

Nakatuon naman para sa pagbabagong pangkabuhayan

Ng bawat tao sa pamayanan

Lupa, tubig, mga yaman ng bayan

Nagtatakda sa kanyang kabuhayan

Heograpiya ng mga bansa

Malaki ang kinalaman sa kanilang ekonomiya

You might also like