Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 251

Sabjek: Filipino Baitang: II

Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Pangnilalaman: a. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
b. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamantayang Pagganap:
a. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan
Kompetensi: sa pag-unawa ng napakinggang teksto.
b. Nagagamit ang magalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nasasabi ang katangian ng tauhan sa kuwentong
binasa.

Saykomotor: Nakagaganap ng isang skit na nagpapakita ng


isang katangian.

Apektiv: Nagagamit ang magalang na pananalita sa


angkop na sitwasyon paghingi ng pahintulot.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Kwento: Ang Pangarap ni Nilo

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PN-IIIa-2, F2WG-IIIa-g-1 ;


Teacher’s Guide pp. 130-131, Ang Bagong Batang
Pinoy, LM pp. 260-264
C. KAGAMITANG Larawan ng batang nangangarap, tsart
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Itanong:
tanong: 1. Ano ba ang kahulugan ng salitang pangarap?
2. Mayroon ba kayong pangarap?
3. Ano-ano ang inyong mga pangarap na nais
ninyong makamtan?
4. Ano ang inyong gagawin upang makamit ang
inyong pinapangarap sa buhay?

Activiti/Gawain Paghawan ng balakid sa mga salitang ginagamit


sa kuwento.
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Ipabasa ang kuwento nang tahimik sa mga mag-
(Pamamaraan ng aaral sa Basahin Natin na nasa pahina 260-261,
Pagtatalakay) Ang Pangarap ni Nilo.

Ipasagot ang mga tanong sa Sagutin Natin na


nasa LM pahina 261 na magiging tulay sa
pagtatalakay ng pagsasabi sa kung ano ang
katangian ng tauhan sa kuwento.

Talakayin ng guro kung paano nasasabi ang


katangian ng tauhan sa kuwento.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.


Tukuyin kung anong katangian mayroon ang
tauhan sa bawat sitwasyon.

1. Tuwing Sabado at Linggo ay tumutulong si Riza


sa kanyang Nanay sa pagtitinda ng mga gulay
sa palengke.
2. Sinabayan ni Mike si Lolo Nardo sa pagtawid sa
daan.
3. Binigyan ni Tessie ng pagkain ang kanyang
kaklase na walang baon.
4. Pupunta si Jay sa bahay nina Jake upang
dalawin dahil may sakit ito.
5. Kinuha ni Rhea ang mga kalat na nasa paligid
ng kanilang silid-aralan at itinapon ang mga ito sa
basurahan.
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Pangkatin ang klase. Paghandain ang bawat
Gawain pangkat ng isang skit na nagpapakita ng isang
katangian. Tumawag ng mga mag-aaaral upang
tukuyin kung anong katangian ang ipinamalas sa
skit.Dapat gagamit ang mga mag-aaral ng mga
magagalang na pananalita sa
pagtanghal/presentasyon.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Ipabasa ang kuwento sa Sanayin Natin na nasa
LM pahina 262-263 at pasagutan ang mga tanong
pagkatapos ng kuwento.

Itanong sa mga bata kung anu-anong mga


katangian mayroon ang tauhan sa kuwentong
binasa sa pamamagitan ng semantic web.

E. PAGLALAHAT Itanong:
Generalisasyon Paano mo masasabi o matukoy ang katangian
ng tauhan sa kuwento?
Ipabasa ang Tandaan Natin na nasa LM sa
pahina 263.
IV. PAGTATAYA Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan batay sa
kaniyang pahayag o ginawa. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

Maaasahan makulit
mapagbigay
Masayahin masunurin
matipid

1. Kapag walang gumagamit, pinapatay nina Rina


ang ilaw.
2. Natutuwa si Virgie na magbigay ng tulong sa
mga kaklase niyang nangangailangan.
3. “Tumigil ka nga! Kanina ka pa sinasaway,” ang
sabi ng nanay kay Andy.
4. Sinusunod ng dalawang bata ang mga
napagkasunduang patakaran sa silid-aralan.
5. Si Myrna ay laging handa sa klase at aktibo sa
talakayan.
V. TAKDANG ARALIN Sumipi ng isang bahagi ng anumang kuwento na
nagsasabi ng katangian ng tauhan sa
pamamagitan ng sinasabi o ikinikilos nito.

IKATLONG MARKAHAN

Sesyon: 1

PAKSA: Kwento: Ang Pangarap ni Nilo

TUKLASIN

Ang bawat tao ay may hinahangad sa buhay. Ang mga ito ang
tinatawag na PANGARAP.
Sa araling ito, matutunan natin kung ano ang katangian ng isang bata na
may maraming pangarap.

Source: http://www.google.com.ph/search?
q=kasabihan+tungkol+sa+pangarap&biw=1024&bih=463&tbm=isch&tbo=u&sourc
e=univ&sa=X&ved=0ahUKEwjl5qOjgonQAhVLr48KHVevBLoQsAQIFw&dpr=1#tbm=is
ch&q=child+wishing&imgrc=sZkklZ5o_fv3nM%3A

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ba ang kahulugan ng salitang pangarap?


2. Mayroon ba kayong pangarap?
3. Ano-ano ang inyong mga pangarap na nais ninyong makamtan?
4. Ano ang inyong gagawin upang makamit ang inyong pinapangarap sa
buhay?

Gawain 1

Alamin ang mga sumusunod na larawan.

a. Ano ang inyong makikita sa palaruan?

b. Ano ang mayroon sa kagubatan?

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang inyong naramdaman sa ginawang gawain?


b. Madali lang bang tukuyin ang mga larawan? Bakit?

ALAM MO BA NA...

Hindi masama ang mangarap, ito ay libre para sa lahat.


Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga katanungan
pagkatapos ng kuwento.

Ang Pangarap ni Nilo

Si Nilo ay nasa ikalawang baitang ng Paaralang Elementarya ng Sampalukan.


Nais niya na ang lahat ng mga batang Pilipino ay mabigyan ng sapat na pagkain
upang lumaki silang malusog at makatapos ng pag-aaral. Marami siyang nais
matupad sa sarili, maging sa kapwa niya na batang mahihirap.

Nais niyang magkaroon ng palaruan ang bawat barangay upang sila ay


makapaglibang. Nais niya na mapangalagaan ang mga punongkahoy sa kagubatan
upang maiwasan ang pagkakaroon ng baha tulad ng nangyari nang magdaan ang
bagyong Ondoy at Pablo na pumatay at sumira ng ari-arian ng maraming tao. Nais
niya ang isang malinis at tahimik na kapaligiran para maging ligtas ang lahat. Sa
ganoon, magkakaroon ang lahat ng magandang kinabukasan at ang dulot nito’y
maunlad na bansa.
PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong binasa.

1. Sino ang batang nangarap sa kuwento?


2. Ano-ano ang pangarap ni Nilo para sa kanyang sarili at sa ibang mga
batang Pilipino?
3. Bakit nais niyang mapangalagaan ang kapaligiran?
4. Ano ang katangian ni Nilo?
5. Dapat ba siyang tularan? Ipaliwanag ang sagot.

Gawain 4

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong katangian


mayroon ang tauhan sa bawat sitwasyon.

1. Tuwing Sabado at Linggo ay tumutulong si Riza sa kanyang Nanay sa


pagtitinda ng
mga gulay sa palengke.
2. Sinabayan ni Mike si Lolo Nardo sa pagtawid sa daan.
3. Binigyan ni Tessie ng pagkain ang kanyang kaklase na walang baon.
4. Pupunta si Jay sa bahay nina Jake upang dalawin dahil may sakit ito.
5. Kinuha ni Rhea ang mga kalat na nasa paligid ng kanilang silid-aralan at
itinapon ang mga ito sa basurahan.
Gawain 5

Bumuo ng limang pangkat. Ang bawat pangkat ay maghahanda ng isang skit


na nagpapakita ng isang katangian. Pagkatapos ng isang minutong paghahanda,
tatawagin ang bawat pangkat upang Si Editha Qwaider
itanghal ang skit sa klase. Tatawag ang guro ng
isang mag-aaral upang tukuyin kung anong katangian ang ipinamamalas sa skit.
Si Editha
Dapat sa Qwaider
pagsasalita ay isang ordinaryong
at pagtatanghal, gagamittao nang
kayo naging matagumpayna
mga magagalang sa larangan
ng negosyo.
pananalita Siya ay nagmamay-ari ng isang negosyo na rent-a-car sa lungsod ng
Makati.
PAGLALAPAT
Nag-umpisa lamang siya sa dalawang second hand na kotse ngunit napaunlad
niya ang kanyang negosyo. Ngayon ay may isang daang kotse na pawang mga bago
Basahin
na kanyang ninyo ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga katanungan
pag-aari.
pagkatapos ng kuwento.
Bukod dito nakapagpatayo rin siya ng manpower services, na nangangasiwa sa
mga papel ng mga taong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.
“Sipag at tiyaga ang susi. Dapat mapag-aralan mo ang lahat ng pagpapatakbo
sa negosyo,” ang sabi niya. “Kailangan handa ka rin sa mga problemang darating.
Ganyan naman tayong mga Pilipino, ‘di ba, lumalaban sa buhay? Naranasan ko rin ang
malugi at maisangla ang mga alahas ngunit kailangang maging matapang at matibay
ako na harapin ang mga pagsubok ng buhay. Sa ngayon, inaani ko ang bunga ng aking
Sa kabila ng tagumpay niya, nananatili pa rin siyang mapagkumbaba at maka-
Diyos.

Sagutin ang mga tanong na sumusunod batay sa kuwentong inyong binasa.

a. Sino ang inilalarawan?


b. Ano-ano ang katangian niya?
c. Ano ang mga naging susi niya sa tagumpay?
d. Paano siya nagsimula sa kanyang negosyo?
e. Dapat ba siyang tularan?
f. Paano ka magiging tulad niya?

TANDAAN

Ang mga ikinilos at mga pahayag ng mga tauhan sa isang teksto ay


makapagsasabi ng kanilang katangian.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan batay sa kaniyang pahayag o


ginawa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

Maaasahan makulit
mapagbigay
Masayahin masunurin matipid

1. Kapag walang gumagamit, pinapatay nina Rina ang ilaw.


2. Natutuwa si Virgie na magbigay ng tulong sa mga kaklase niyang
nangangailangan.
3. “Tumigil ka nga! Kanina ka pa sinasaway,” ang sabi ng nanay kay Andy.
4. Sinusunod ng dalawang bata ang mga napagkasunduang patakaran sa silid-aralan.
5. Si Myrna ay laging handa sa klase at aktibo sa talakayan.
TAKDANG ARALIN
GAWAIN 6(Kasunduan)

Sumipi ng isang bahagi ng anumang kuwento na nagsasabi ng katangian ng


tauhan sa pamamagitan ng sinasabi o ikinikilos nito.

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 2
Pamantayang Pangnilalaman: a. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
b. Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan
sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa
ng iba’t ibang uri ng panitikan.
Pamantayang Pagganap:
a. Nakasasali sa isang usapan tungkol sa napanood
Kompetensi: o nabasang patalastas.
b. Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling
pangangailangan at sitwasyon.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagpapaliwanang kung paano nakatutulong
ang mga napanood o nabasang patalastas sa
pamayanan.

Saykomotor: Nakagagawa ng isang patalastas na nagbibigay


impormasyon sa lahat.

Apektiv: Nakibabahagi sa usapan tungkol sa napanood o


nabasang patalastas.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pagsali sa isang usapan tungkol sa napanood o


nabasang patalastas.
B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PS-IIIa-g-5.3, F2PL-0a-j-2
C. KAGAMITANG Patalastas (video clip o talahayagan)
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Itanong:
tanong: 1. Sino sa inyo ang mayroong telebisyon?radyo?
talahayagan?magasin?
2. Ano-ano ang inyong napapanood o nababasa
dito?
3. May maganda bang naidudulot sa atin ang mga
Activiti/Gawain ito?

Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Ipabuo ang


mga ginunting na papel/puzzle sa pamamagitan ng
pagdididkit ng mga ito sa pisara. Ipaalam kung anu-
ano ang mga ito.

Itanong :
a. Ano ang inyong nararamdaman habang
ginagawa ninyo ang inyong gawain?
b. Anu-ano ang inyong mga nabubuong larawan?
c. Paano ba ninyo naging pamilyar ang mga
produktong nasa mga larawan?
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Magpakita ng ilang video clips ng mga patalastas.
(Pamamaraan ng
Pagtatalakay) Itanong kung napanood o nabasa na ba nila ito.

Talakayin ng guro kung paano nakakatutulong ang


mga patalastas sa pamayanan.

Itanong:
a. Ano-anong mga impormasyon ang inyong
nakuha sa mga patalastas na inyong napanood o
nabasa? (Isa-isahin ang bawat produkto)
b. Bakit kaya mga artista ang gumaganap sa mga
patalastas na ating napapanood o nababasa?
c. May maganda bang naidudulot sa atin ang mga
patalastas na ating napanood o nababasa? Sa
anong paraan?

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Pangkatin ang klase sa apat. Magpagawa ng isang
Gawain patalastas o puwede ring gayahin ang kanilang
paboritong patalastas na napanoood o nabasa.
Bigyan ng sapat na oras upang makapag ensayo.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Sa parehong pangkat, ipasagot sa mga bata ang
mga katanungan batay sa produktong nasa loob ng
envelop.
E. PAGLALAHAT Tandaan Natin:
Generalisasyon Ang mga napapanood o nababasang patalastas
ay nagbibigay ng importanteng impormasyon sa
pamayanan. Nalalaman ng mga consumer kung
ano, para saan at kung paano nakakatulong at
nakakasama ang produktong bibilhin.
IV. PAGTATAYA Panoorin ang patalastas na ipapakita ng guro sa
screen. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong batay
sa napanood na patalastas.

1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong


napanood na patalastas?
2. Saan ginagamit ang produkto?
3. Paano ginagamit ang produkto?
4. Paano nakakatulong ang produktong inyong
napanood?
5. Kung hindi tayo gagamit ng produktong ito o
kagaya nito, ano ang mangyayari sa atin?

V. TAKDANG ARALIN Manood ng isang patalastas sa telebisyon. Sagutin


ang mga katanungan batay sa produktong
ipinalabas sa patalastas.

1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong


napanood na patalastas?
2. Saan ginagamit ang produkto?
3. Paano ginagamit ang produkto?
4. Paano nakakatulong ang produktong inyong
napanood?

Sesyon: 2

PAKSA: Pagsali sa isang usapan tungkol sa napanood o nabasang patalastas.

TUKLASIN

Bilang isang bata, may maraming bagay na inyong magagawa tuwing


walang pasok o habang kayo ay nasa bahay lamang. Tingnang mabuti
ang mga larawan sa ibaba. Ano-ano ang ginagawa ng mga bata?
Sources:
http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F
%2Fthumbs.dreamstime.com%2Fz%2Fkid-watching-tv-black-white-
9314686.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com%2Froyalty-free-
stock-image-kid-watching-tv-black-white-
image9314686&docid=kiD00TUt3CGO_M&tbnid=LoylfEKZmLFQ2M
%3A&w=1300&h=1080&bih=463&biw=1024&ved=0ahUKEwi3lo7gpYnQAhUMsY8KH
cSABy0QMwgXKAAwAA&iact=mrc&uact=8

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Sino sa inyo ang mayroong telebisyon?radyo?talahayagan?magasin?


2. Anu-ano ang inyong napapanood o nababasa dito?
3. May maganda bang naidudulot sa atin ang mga ito?

Gawain 1

Bumuo ng anim na pangkat. Buuin ang ginunting na papel/puzzle na ibibigay


sa inyo ng inyong guro sa pamamagitan ng pagdidikit-dikit ng mga ito sa pisara.
Sabihin sa klase kung ano-ano ang mga inyong nabuo.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang inyong nararamdaman habang ginagawa ninyo ang inyong


gawain?
b. Anu-ano ang inyong mga nabubuong larawan?
c. Paano ba ninyo naging pamilyar ang mga produktong nasa mga larawan?

ALAM MO BA NA...

Ang mga patalastas ay mapapanood natin sa telebisyon, maririnig sa


radyo, o mababasa sa talahayagan o magasin. Layunin ng mga ito na
ipaalam sa mga manonood, tagapakinig o mambabasa na tulad niyo na
malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa produktong
ipinapalabas.

Panoorin ang mga patalastas na ipapakita sa inyo ng guro.


Sources:
a. https://youtu.be/H34LkxHjnzI c.https://youtu.be/InYWVsPMSkI
b. https://youtu.be/-AbmERB8vVY d. https://youtu.be/mq-k8lNPFRA

PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ninyo ang mga katanungan batay sa napanood na patalastas.

a. Anu-anong mga impormasyon ang inyong nakuha sa mga patalastas na


inyong napanood o nabasa? (Isa-isahin ang bawat produkto)
b. Bakit kaya mga artista ang gumaganap sa mga patalastas na ating
napapanood o nababasa?
c. May maganda bang naidudulot sa atin ang mga patalastas na ating
napanood o nababasa? Sa anong paraan?

Gawain 4

Bumuo ng 5 pangkat. Itatanghal ninyo ang isang patalastas na inyong gusto


sa harap ng klase. Alamin ninyo ang mga mahahalagang impormasyon sa bawat
patalastas na inyong mapapanood.

1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong napanood na patalastas?


2. Saan ginagamit ang produkto?
3. Paano ginagamit ang produkto?
4. Paano nakakatulong ang produktong inyong napanood?
5. Kung hindi tayo gagamit ng produktong ito o kagaya nito, ano ang
mangyayari sa atin?
PAGLALAPAT

Sa parehong pangkat, suriing mabuti ang mga patalastas sa loob ng envelop.


Sagutin ang mga katanungan batay sa nakuhang patalastas. Humanda upang ilahad
sa klase ang mga sagot.

Unang Pangkat
1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong nabasang na
patalastas?
2. Ano ang sisidlan ng produkto?
3. Paano nakakatulong ang produkto?

Source:

http://www.google.com.ph/search?
q=tide+philippines+commercial&biw=1024&bih=420&source=lnms&t
bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjA78zss4nQAhVJVZQKHcBCBWAQ_AUIBi
gB#tbm=isch&q=juice+philippines+commercial&imgrc=7EA_N8Vz5jfx
MM%3A

Ikalawang Pangkat
1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong nabasang na
patalastas?
2. Para saan ginagamit ang produkto?
3. Paano nakakatulong ang produkto?

Source:

http://www.google.com.ph/search?
q=tide+philippines+commercial&biw=1024&bih=420&source=lnms&t
bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjA78zss4nQAhVJVZQKHcBCBWAQ_AUIBi
gB#tbm=isch&q=sunsilk+philippines+commercial&imgrc=ohCFOryMe
znhnM%3A

Ikatlong Pangkat
1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong nabasang na
patalastas?
2. Ano maibibigay ng produktong ito sa atin?
3. Paano nakakatulong ang produkto?

Source:

http://www.google.com.ph/url?
sa=i&rct=j&q=tiger+biscuits+philippines+commercial&source=image
s&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwjmxJblxonQAhXMlxoKHXnDA7
8QjRwIBw&url=https%3A%2F%2Fwww.7th-media.com%2Fportfolio
%2Fweb-design-dev%2Ftiger
%2F&bvm=bv.137132246,d.dGo&psig=AFQjCNECT_2KxeZVpuFnlopTW
-bHHEbVdw&ust=1478158211863554
Ikaapat na Pangkat
1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong nabasang na
patalastas?
2. Ano ang mangyayari kung ang isang tao ay kakain ng
produktong ito?
3. Paano nakakatulong ang produkto?

Source:

http://www.google.com.ph/url?
sa=i&rct=j&q=fiesta+spaghetti+philippines+commercial&source=ima
ges&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwjbpbLKyYnQAhWKMo8KHY1
4BPoQjRwIBw&url=http%3A%2F%2Falteredtapestry.blogspot.com
%2F2012_05_01_archive.html&bvm=bv.137132246,d.dGo&psig=AFQj
CNE6FN73o34n0hH79h0fi_TTnVlmNg&ust=1478158681000381

TANDAAN

Ang mga napapanood o nababasang patalastas ay nagbibigay ng


importanteng impormasyon sa pamayanan. Nalalaman ng mga consumer
kung ano, para saan at kung paano nakakatulong at nakakasama ang
produktong bibilhin.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Panoorin ninyo ang isang patalastas na ipapakita ng guro sa screen.


Pagkatapos, sagutin ang mga tanong batay sa napanood na patalastas.

Source:
https://youtu.be/mq-k8lNPFRA

1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong napanood na patalastas?


2. Saan ginagamit ang produkto?
3. Paano ginagamit ang produkto?
4. Paano nakakatulong ang produktong inyong napanood?
5. Kung hindi tayo gagamit ng produktong ito o kagaya nito, ano ang mangyayari sa
atin?

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Manood ng isang patalastas sa telebisyon. Sagutin ang mga katanungan batay sa


produktong ipinalabas sa patalastas.

1. Anong produkto ang ipinakita sa inyong napanood na patalastas?


2. Saan ginagamit ang produkto?
3. Paano ginagamit ang produkto?
4. Paano nakakatulong ang produktong inyong napanood?

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 3
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan.
Pamantayang Pagganap:
a. Napagyayaman ang talasalitaan sa
Kompetensi: pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagong salita
mula sa salitang-ugat.
b. Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakabubuo ng mga bagong salita mula sa salitang-
ugat.

Saykomotor: Nakapag-uugnay-ugnay ng mga ginunting na


puzzle.

Apektiv: Naisasabalikat ang pananagutan sa pagpapanatili


ng kagandahan ng isang lugar.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pagdagdag, pagbawas o pagpalit ng isang tunog


ng salita upang makabuo ng isang bagong salita
B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PT-IIIa-e-2.2 , F2PB-IIIa-1; TG pp
146-147, Ang Bagong Batang Pinoy LM pp. 292-
294
C. KAGAMITANG Larawan ng Camiguin, Flashcard ng mga letra
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Itanong:
tanong: 1. Nakapunta na ba kayo sa malayong lugar?
Saan?
2. Ano ang inyong masasabi sa lugar na inyong
napuntahan?
3. Anong mga masasayang karanasan ang inyong
hindi malilimutan sa lugar na inyong napasyalan?
Activiti/Gawain

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ipabuo ang


mga ginupit na papel/puzzle sa pamamagitan ng
pagdididkit ng mga ito sa pisara. Ipaalam kung
anu-ano ang mga ito.(pagsasaka, pangingisda,
lansones, Mt. Hibo-hibok, lansones festival)

Itanong :
a. Ano ang inyong nararamdaman habang
ginagawa ninyo ang inyong gawain?
b. Ano-ano ang inyong mga nabubuong larawan?
c. Sa anong lugar kaya sagana at makikita ang
mga ito?
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Basahin ang kuwento na nasa Basahin Natin na
(Pamamaraan ng nasa LM pahina 288-289,Kakaiba ang Camiguin.
Pagtatalakay)
Pasagutan ang mga katanungan sa Sagutin Natin
na nasa LM pahina 289.
Talakayin ang tsart.
Hanay A Hanay B
tao taon
baha bahay
iba kakaiba
Pasagutan ang mga tanong pagkatapos.
(sumangguni sa p.293 LM)
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Dagdagan ang sumusunod na salita ng isang
Gawain tunog upang makabuo ng bagong salita.

1. bili 4. alay
2. upa 5. asa
3. tula
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipagawa ang
kasanayan sa Sanayin Natin pahina 293-294.

Pagkatapos ng nakalaang oras tawagin ang bawat


pangkat upang ilahad ang kanilang ginawa.
E. PAGLALAHAT Tandaan Natin:
Generalisasyon Ang mga salita ay maaring dagdagan, bawasan,
o palitan ng isang tunog sa unahan, gitna, o
hulihan upang makabuo ng bagong salita.
IV. PAGTATAYA Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagbabawas, o pagpapalit ng isang
tunog sa mga salitang nasa ibaba.

1. belo 4. toyo
2. ama 5. tagos
3. bata

V. TAKDANG ARALIN Tukuyin kung ano ang salitang-ugat ang mga


sumusunod na salita.

1. masaya 4. tumawa
2. naglaba 5. sumayaw
3. dalhin
Sesyon: 3

PAKSA: Pagdagdag, pagbawas o pagpalit ng isang tunog ng salita upang makabuo


ng isang bagong salita

TUKLASIN

Bawat isa sa atin ay nangangarap na makapunta sa malalayong lugar


lalo na sa mga lugar na kilala sa kanilang tradisyon, kultura, pagkain at
higit sa lahat sa mga magagandang tanawin na makikita natin sa mga
lugar na iyon.

Sa araling ito, maglalakbay tayo sa isang lugar na isa sa mga ipinagmamalaki


ng ating bansa – ang Camiguin.

Source: https://sites.google.com/site/travelwithcyril/camiguin-island

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Nakapunta na ba kayo sa malayong lugar? Saan?

2. Ano ang inyong masasabi sa lugar na inyong napuntahan?

3. Anong mga masasayang karanasan ang inyong hindi malilimutan sa


lugar na inyong
napasyalan?
Gawain 1

Bumuo ng limang pangkat. Buuin ang mga ginupit na papel/puzzle sa


pamamagitan ng pagdidikit ng mga ito sa pisara. Alamin natin kung ano-ano ang
mga ito. PISTA NG
LANSONES
PAGSASAKA PANGINGISDA LANSONES MT. HIBOK-

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang inyong nararamdaman habang ginagawa ninyo ang inyong


gawain?
b. Ano-ano ang inyong mga nabubuong larawan?
c. Sa anong lugar kaya sagana at makikita ang mga ito?

ALAM MO BA NA...

Ang Pilipinas ay may maraming magagandang pook na kinagigiliwan


hindi lamang ng mga Pilipino kundi lalo na ng mga turista. Isa sa mga
lugar na ipinagmamalaki ng ating bansa ay ang Camiguin.
Ang Camiguin ay isang maliit na
pulong lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Hilagang Mindanao.
Mambajao ang
kapital nito at ito ang ang pangalawang pinakamaliit na lalawigan pareho
sa populasyon at lawak. Batanes lamang ang higit na maliit.
Nasa Dagat Bohol ang pulo ng Camiguin na mga10 kilometro sa
hilagaKakaiba
ng MisamisangOriental.
Camiguin

Basahin ang
Isa sa kuwento
mga sa ibaba
paboritong at sagutin
puntahan ang mga
ng mag-anak katanungan
ni Mang Amado aypagkatapos
ang
ng kuwento.
Camiguin, ang lalawigan kung saan siya ipinanganak.

Ang Camiguin ay isa sa mga magagandang lugar sa Pilipinas. Pagsasaka at


pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito. Ipinagmamalaki nila ang
kanilang lansones, sinasabing pinakamatamis sa buong bansa.

Maraming mga magagandang tanawin sa Camiguin. Isa na dito ang Bundok


Hibok-hibok kung saan tumutubo sa dalisdis nito ang pagkatamis-tamis na lansones.
Dito rin makikita ang Talon ng Katibawasan, Bukal ng Ardent, at Bukal ng Sto. Niño.

Tuwing Oktubre pumupunta ang mga mag-anak dahil ito ang buwan kung
kailan ipinagdiriwang ang Pista ng Lansones. Dinarayo rin ito ng mga turista. Kumpol-
kumpol na lansones ang isinasabit sa mga bintana, pinto, at posteng mga bahay.
Makikita rin sa parada ang napakaraming lansones.

Kakaiba talaga ang Camiguin.


http://1.bp.blogspot.com/Ac5gEeJPhLE/VPWkRr9OrAI/AAAAAAAAAgA/o7AgcXxIqko/s1600/
Camiguin%2Bmap.jpg

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong binasa.

1. Sino ang mag-anak na laging nagbabakasyon?


2. Saan sila nagbabakasyon?
3. Ano-anong magagandang lugar ang makikita sa Camiguin?
4. Magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa lugar ng Camiguin.

PAGSASANAY
Gawain 3

Suriing mabuti ang tsart sa ibaba. Ano ang pagkakaiba ng mga salita
sa hanay A sa hanay B?

Hanay A Hanay B
tao taon
baha bahay
iba kakaiba

a. Ibigay ang mga salita sa Hanay A.


b. Anong pagbabago ang napansin ninyo sa mga salita sa Hanay B?
c. Anong nangyari sa salitang tao sa Hanay B?
d. Anong nangyari sa salitang baha sa Hanay B?
e. Anong nangyari sa salitang iba sa Hanay B?
f. Paano nabago ang mga salita?

Gawain 4

Basahin natin ang mga salita sa ibaba. Dagdagan ang mga sumusunod na
salita ng isang tunog upang makabuo ng bagong salita. (Mga posibleng sagot)

1. bili (bilin) 2. upa (tupa) 3. tula (tulay) 4. alay (palay) 5. asa


(tasa)

PAGLALAPAT

Sanayin Natin: Pangkatang gawain. Bumuo ng bagong salita ayon sa panuto.

a. Unang Pangkat – Dagdagan ng isang tunog ang mga salita upang makabuo ng
bagong salita.
a. ____ama d. ____uka
b. ____ulo e. ____ata
c. ____aya

b. Ikalawang Pangkat – Bawasan ng isang tunog ang mga salita upang makabuo
ng bagong salita.

a. talaba d. halika
b. sama e. tapa
c. sulat

c. Ikatlong Pangkat – Palitan ang isang tunog ng bawat salita upang makabuo ng
bagong salita.
a. wala d. baso
b. bola e. sanga
c. gawa

TANDAAN

Ang mga salita ay maaring dagdagan, bawasan, o palitan ng isang


tunog sa unahan, gitna, o hulihan upang makabuo ng bagong salita.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagdaragdag,


pagbabawas, o pagpapalit ng isang tunog sa mga salitang nasa ibaba.

1. belo 4. toyo
2. ama 5. tagos
3. bata

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Tukuyin kung ano ang salitang-ugat ng mga sumusunod na salita.

1. masaya 4. tumawa
2. naglaba 5. sumayaw
3. dalhin
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 4
Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa
wasto at maayos na pagsulat.
Pamantayang Pagganap:
Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may
Kompetensi: tamang laki at layo sa isa’t isa.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Napapanatili ang wastong laki at layo sa
pagsulat ng pakabit-kabit na paraan

Saykomotor: Nakasisipi ng wasto sa pagsulat sa kabit-kabit na


paraan

Apektiv: Nakapagsisikap nang higit sa pagsulat sa kabit-


kabit na paraan na may tamang laki at layo sa
isa’t isa.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pagsulat sa kabit-kabit na paraan

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PU-IIIa-3.1 ; Ang Bagong Batang


Pinoy LM p. 302
C. KAGAMITANG Larawan ng mga magagandang tanawin sa
PAMPAGTUTURO Pilipinas, papel, ballpen
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Itanong:
tanong: 1. Ano-anong mga magagandang tanawin ang
makikita sa Pilipinas?
2. Ano-anong mga katangian meron ang mga ito
na naging dahilan kung bakit may maraming
mga turista ang pumupunta dito?(isa-isahin ang
bawat larawan)
3. Paano ba ninyo mapapanatili ang kagandahan
ng mga lugar na ito?
Activiti/Gawain

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ipaayos ang


mga titik na nasa loob ng envelop upang mabuo
ang mga pangalan ng mga magagandang
tanawin sa Pilipinas. Ipadikit ang mga ito sa
pisara.

Itanong :
a. Ano ang inyong nararamdaman habang
ginagawa ninyo ang inyong gawain?
b. Ano-ano ang inyong mga nabubuong
parirala?
c. Paano ba isinulat ang mga titik sa mga
pariralang inyong nabuo?

B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Ngayon, tatawag ako ng ilang mag-aaral upang
(Pamamaraan ng isulat ang mga pariralang nakadikit sa pisara
Pagtatalakay) nang pakabit-kabit.

Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipuna ang


pagsulat nang pakabit-kabit ng kanilang kamag-
aral nang naayon sa tamang laki at layo sa isa’t
isa.

Iwasto ang mga pagkakamali.


C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Idikit ang mga karagdagang larawan at pangalan
Gawain ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas at
ipasulat ang mga ito sa papel nang pakabit-kabit
na may tamang laki at layo sa isa’t isa.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Magpakita ang guro ng mga pangalan ng
magagandang tanawin sa Pilipinas at mag-
uunahan ang mga bata sa pagsulat sa kanilang
papel. Dapat isaalang-alang ang tamang
pagkasulat na dapat magiging batayan sa pagpili
ng panalo.

E. PAGLALAHAT Tandaan Natin:


Generalisasyon
Mahalagang habang kayo ay nagsasanay pang
sumulat nang kabit-kabit, masasanay na kayong
sumulat na may tamang laki at layo sa isa’t isa.

IV. PAGTATAYA Isulat ang mga sumusunod nang kabit-kabit.

1. Tambobo Bay 4. Balanan


Lake
2. Mount Talinis 5. Apo Island
3. Balinsasayaw Lake

V. TAKDANG ARALIN Isulat ang mga sumusunod nang kabit-kabit.

1. Magellan’s Cross 4. Sumilon


Island
2. Sto. Niño Shrine 5. Mactan
Bridge
3. Simala Shrine

Sesyon: 4

PAKSA: Pagsulat sa kabit-kabit na paraan

TUKLASIN

Ang Pilipinas ay biniyayaan ng Panginoong Diyos ng mga


magagandang tanawin na maari nating maipagmamalaki sa buong
mundo. Ang mga lugar na ito ay madalas dinarayo ng mga turista lalo
na ang mga taga-ibang bansa. Sa Araling ito ay malalakbay natin ang iba’t ibang
magagandang tanawin ng Pilipinas.
sources:
http://faq.ph/wp-content/uploads/2016/01/top-tourist-destinations-Philippines.jpg
http://www.tourism.gov.ph/PublishingImages/Campaign_Guidelines.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-anong mga magagandang tanawin ang makikita sa Pilipinas?


2. Ano-anong mga katangian meron ang mga ito na naging dahilan kung
bakit may maraming mga turista ang pumupunta dito?(isa-isahin ang
bawat larawan)
3. Paano ba ninyo mapapanatili ang kagandahan ng mga lugar na
ito?

Gawain 1

Bumuo ng limang pangkat. Isaayos ang mga titik sa loob ng envelop upang
inyong mabuo ang pangalan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas. Idikit ito sa
cartolina.
Banaue Rice Terraces
http://philippineslifestyle.com/wp-content/uploads/bottom-village.jpg

Chocolate Hills
http://1.bp.blogspot.com/-
_tMEF1l4KpM/UgTtbgQnnkI/AAAAAAAANaY/VCvPmS3HOz4/w1200-h630-p-
nu/chocolate_hills_bohol_philippines2.jpg

Boracay Beach

http://packages.asiatravel.com/packageImage/Tour/AddtlImages/2346/Upload_Boraca
y3.jpg

Mt. Mayon
http://ffemagazine.com/wp-content/uploads/2014/01/mt_-mayon.jpg
Maria Christina Falls
https://angbalaysugidanun.files.wordpress.com/2014/08/maria-christina-falls-
e1408798596910.jpg

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang inyong nararamdaman habang ginagawa ninyo ang inyong


gawain?
b. Ano-ano ang inyong mga nabubuong parirala?
c. Paano ba isinulat ang mga titik sa mga pariralang inyong nabuo?

ALAM MO BA NA...

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7, 100 na mga pulo na nabiyayaan ng


maraming magagandang tanawin. At maipagmamalaki natin na isa sa
ating mga magagandang tanawin ay tinaguriang "Ikawalong
Kahangahangang Pook sa Mundo o Eigth Wonder of the World", ito ay ang
Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue.

Basahin ang mga sumusunod na parirala na mga pangalan ng mga


magagandang tanawin sa Pilipinas. Sikapin ninyong isulat ang mga pangalan ng mga
magagandang tanawin nang pakabit-kabit.

Banaue Rice Terraces Banaue Rice Terraces


http://philippineslifestyle.com/wp-content/uploads/bottom-village.jpg

Chocolate Hills Chocolate Hills


http://1.bp.blogspot.com/-_tMEF1l4KpM/UgTtbgQnnkI/AAAAAAAANaY/VCvPmS3HOz4/w1200-h630-p-nu/chocolate_hills_bohol_philippines2.jpg

Boracay Beach Boracay Beach


http://packages.asiatravel.com/packageImage/Tour/AddtlImages/2346/Upload_Bor
acay3.jpg
Mt. Mayon Mt. Mayon
http://ffemagazine.com/wp-content/uploads/2014/01/mt_-mayon.jpg

Maria Christina Falls Maria Christina Falls


https://angbalaysugidanun.files.wordpress.com/2014/08/maria-christina-falls-e1408798596910.jpg

Tingnan natin kung tama ba ang pagkasulat ng inyong mga kaklase.

PAGSASANAY
Gawain 3

Tingnan ang mga larawan na nakapaskil sa pisara. Alam nyo ba kung


ano-ano ang mga ito?
Subukan ninyong isulat ang mga pangalan ng mga sumusunod na
magagandang tanawin sa kabit-kabit na paraan.

Hundred Islands
https://halikanasapinas.files.wordpress.com/2015/01/palau2-640x480.jpg

Lawa ng Lanao
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/84/Lake_Bled_from_the_Mountain.
jpg

Palawan Underground River


http://i2.wp.com/www.donnaamisdavis.com/wp-
content/uploads/2013/09/Underground-River-Entrance-small.jpg

PAGLALAPAT

Subukan ninyong isulat sa kabit-kabit na paraan ang mga sumusunod na


pangalan ng mga magagandang tanawin. Dapat maisulat ninyo ang mga ito na may
tamang laki at layo sa isa’t isa.

1. Banaue Rice Terraces 5. Chocolate Hills


2. Palawan Underground River 6. Boracay Island
3. Lawa ng Lanao 7. Mt. Mayon
4. Hundred Islands 8. Maria Christina Falls

TANDAAN

Mahalagang habang kayo ay nagsasanay pa lamang sumulat nang


kabit-kabit, masanay na kayong sumulat na may tamang laki at layo sa isa’t
isa.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat ang mga sumusunod nang kabit-kabit.

1. Tambobo Bay -
http://2.bp.blogspot.com/-ZsisEn-
jLbs/UR45tYgit_I/AAAAAAAAF8g/zDcgIHKn3Jw/s640/28.jpg
2. Mount Talinis -
http://explorenegros.com/wp-content/uploads/2016/07/mt-talinis-1.jpg

3. Balinsasayayaw Lake -
http://static.panoramio.com/photos/large/96282608.jpg

4. Balanan Lake –
http://static.thousandwonders.net/Balanan.Lake.original.6984.jpg

5. Apo Island –
http://tropicalvacationspotsblog.com/wp-
content/uploads/2014/01/Apo_Island_rocks.jpg

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4(Kasunduan)

Isulat ang mga sumusunod nang kabit-kabit.

1. Magellan’s Cross 4. Sumilon Island


2. Sto. Niño Shrine 5. Mactan Bridge
3. Simala Shrine
Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: week 2 Sesyon 1
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa


napakinggang tugma

1.Layunin
Kaalaman: Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang tugma

Saykomotor: Nakalilikha at nakabibigkas nang may


wastong tono, bilis,diin ang mga tugmang
bayan

Apektiv: Napapahalagahan ang mga tugmang bayan

II. Paksang Aralin

A. PAKSA Mga Tugmang Bayan

B. SANGGUNIAN internet

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Larawan, tsart

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na Tanong
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Ano ang yaman?
Aktiviti/ Gawain 2. Paano kayo matatawag na mayaman?
3. Ano ang pinakamahalagang yaman dito sa
mundo?

Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong
pangkat. Bigyan sila ng mga envelope na may
lamang mga titik at ipaayos upang maka buo
ng salita.

B. PAGLALAHAD Babasahin ng guro ang tugmang bayan.


Abstraksyon Magtanong tungkol dito.Itatalakay kung ano
(Pamamaraan ng Pagtalakay) ang tugmang bayan.
C. PAGSASANAY Makinig nang mabuti sa dalawang tugmang
Mga Paglilinang na Gawain bayan at ipasagot ang mga inihandang
tanong tungkol dito.
D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain:
Aplikasyon Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo.
Papagawain ng tugma ang bawat pangkat
batay sa salitang kayamanang na inihanda at
itoy ipabigkas sa klase ng sabay-sabay.
Unang Pangkat- Kabutihan
Ikalawang Pangkat- kalusugan
Ikatlong Pangkat- lupa
E. PAGLALAHAT Ano ang tugma ?
Generalisasyon Ano ang kaibahan ng tugma at tula?

IV. PAGTATAYA Basahing mabuti ang tugma at sagutin ang


mga tanong tungkol dito.

V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng isang tugma tungkol sa pamilya


at isasaulo.
Sesyon: 5

PAKSA: Mga Tugmang Bayan

TUKLASIN

Ang Pilipinas ay puno ng kayamanan gaya ng mga tugmang bayan.


Aalamin natin ngayon kung ano ang tugmang bayan

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Ano ang yaman?

2. Paano kayo matatawag na mayaman?

3. Ano ang pinakamahalagang yaman dito sa mundo?

GAWAIN 1

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Bigyan sila ng mga


envelope na may lamang mga titk at ipaayos upang maka buo ng salita.

Pangkat Una -
kabutihan pera

Pangkat Dalawa pamilya bahay -

Pangkat Tatlo -
kalusugan lupa

ALAM MO BA NA …………

Ang yaman, kayamanan, o kasaganaan, at kung minsan ay ginhawa dahil


sa pagkakaroon ng mga ari-arian, ay ang kasagsagan o abundansiya ng
mahahalagang mga napagkukunan o mga pag-aaring materyal. Ang indibiduwal,
pamayanan, rehiyon o bansa na nagmamay-ari o mayroong kasaganahan ng
ganiyang mga pag-aari o mga napagkukunan ay tinatawag na mayaman o
masagana.

Ang diwa ng yaman ay mahalaga sa lahat ng mga pook ng ekonomiya, at


maliwanag na para sa ekonomika ng paglaki at ekonomika ng kaunlaran, gayun pa
man ang kahulugan ng yaman ay nakabatay sa diwa.
Mga bata makinig nang mabuti sa aking babasahin. Ito ay isang tugma bayan.

Ibig ko ng perang gagastahin


Sa mga kailangang dapat na unahin
Ayoko ng pera kung ako'y hihilahin
Sa gawaing lisya't pagsisinungaling.

Sagutin:

1. Saan niya ibig gastahin ang pera?


2. Ano-ano ang mga bagay na dapat unahin o mapunta ang pera?
3. Ano-ano ang mga gawaing lisya’t pagsisinungaling? Magbigay ng
halimbawa.

Ang tugma ay ang pagkakapareho-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit


pang taludtod sa isang saknong ng tula. Ganap ang tugma kapag nagkakapareho ang
tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod. Di- ganap ang tugma kapag
magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod, ngunit
magkakaiba ang titik.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Makinig nang mabuti sa tugmang bayan at ipasagot ang mga


inihandang tanong tungkol dito.

Ibig ko ng talino kung sa kabutihan


Sa paglikha ng bagay para sa sandaigdigan
Ayoko ng talino kung magwawasak naman
Ng mabuting aral mula sa Maykapal.

1. Saan niya gustong gamitin ang kanyang talino?


2. Ano-ano ang mga likhang bagay na nagdudulot ng kabutihan
sa sandaigdigan?
3. Sang-ayon kaba sa gustong ipahatid ng tugma o mensahe?

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Papagawain ng tugma ang bawat


pangkat batay sa salitang kayamanang inihanda at itoy ipabigkas sa klase ng sabay-
sabay.

Unang Pangkat- Kabutihan


Ikalawang Pangkat- kalusugan

Ikatlong Pangkat- lupa

TANDAAN

Ang tugma ay ang pagkakapareho-pareho ng dulong tunog ng dalawa o


higit pang taludtod sa isang saknong ng tula. Ganap ang tugma kapag
nagkakapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod. Di- ganap ang
tugma kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod,
ngunit magkakaiba ang titik.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahing mabuti ang tugma at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Ibig ko ng kaibigan kung siya'y maunawain


Sa aking pagkukulang sa salita't gawain
Ayoko ng kaibigan na tila balimbing
Dalawa ang mukha; mapanira't taksil
Sagutin:
1. Ano ang gusto niyang maging kaibigan?
2. Bakit gusto niyang magkaroon ng kaibigang maunawain?
3. Ano ang ayaw niya sa isang kaibagan?
4. Ganun din ba kayo?
5. Ano ang ibig sabihin ng balimbing na kaibigan batay sa ating tugma?

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Gumawa ng isang tugma tungkol sa pamilya at isasaulo.


Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 6
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya,kaisipan,karanasan at
damdamin

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: F2PS-III-8.2
Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang lokasyon

1.Layunin
Kaalaman: Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang lokasyon

Saykomotor: Nakatutunton ng isang lugar gamit ang lokasyon sa


pagsunod ng panuto

Apektiv: Napapahalagahan ang pagsunod sa panutong ibinbigay

II. Paksang Aralin

A. PAKSA Paggamit ng Direksiyon o lokasyon sa pagbigay ng


panuto
B. SANGGUNIAN Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 pahina 83-87

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart ng kwento, larawan ng mini train,roller coaster

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Pagpapakita ng larawan ng ferris wheel, carousel at roller
Pangmotibesyunal na tanong: coaster.
Ipatukoy kung ano ang mga larawan.
1. Nakapunta na ba kayo sa isang parke o pasyalan na
may mga ganitong sakayan?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.
Aktiviti/ Gawain Gawain
Ipagawa ang sumusunod
- Itaas ang kanang kamay. – Humarap sa kanan.
- Itaas ang kaliwang kamay. - Humarap sa kaliwa
- Ipadyak ang kanang paa.
- Ipadyak ang kaliwang paa
Nagawa mo ba ang mga panuto? Bakit? Bakit hindi?
B. PAGLALAHAD Basahin ang kwentong “Higanteng Ferris Wheel” sa LM
Abstraksyon pahina 83. Magtanong tungkol ditto pagkatapos.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Ano-anong direksyon ang sinabi ng tagapagbantay sa
tatay na nagtatanong?
Linangin ang salitang diretso, kanan at kaliwa.
Ipakita ang mapa ng parke. (Gawin ito sa isang tsart,
sundin ang mga direksyon na makikita sa kuwento).
Tukuyin ang direksyon sa pagpunta sa iba pang sakayan
sa parke.
Hayaang magbigay ang mga bata ng direksyon gamit
ang mga natutunang salita upang mapahulaan sa mga
kaklase ang sakayan na nais niyang masakyan.
Paano ka magbigay ng direksyon o panuto?
C. PAGSASANAY Sagutin ang “Gawin Natin” sa LM pahina 86.
Mga Paglilinang na Gawain
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Gamit ang mapa
Aplikasyon na makikita sa LM pahina 86, magbigay ng maikling
panuto sa pagbibigay ng direksiyon. Iulat sa klase
Unang Pangkat – mula bahay patungong paaralan
Ikalawang Pangkat – mula palengke patungong munisipyo
Ikatlong Pangkat – mula bahay patungong palengke
Ikaapat na Pangkat – mula paaralan papuntang parke
E. PAGLALAHAT Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto?
Generalisasyon
IV. PAGTATAYA Gumawa ng maikling panuto kung papaano ka
makakarating sa iyong silid-aralan. Isulat ito sa sagutang
papel.
V. TAKDANG ARALIN Sabihin kung Palagi mong nagagawa ang pahayag,
Minsan kung bihira, at Hindi kung hindi pa.
1. Nasasabi ko nang malinaw ang ibinigay kong panuto.
2. Masaya ako kapag nasusunod nila ang ibinigay kong
panuto. 3. Inuulit ko ang panuto kapag hindi nila ito
nasundan.
4. Nasasabi ko nang may katamtamang lakas ng boses
ang mga panuto.
5. Nasasabi ko nang may tiwala sa sarili ang mga panuto.
Sesyon: 6

PAKSA: Paggamit ng Direksiyon o lokasyon sa pagbigay ng panuto

TUKLASIN

Ang pamamasyal kasama ang pamilya ay isa sa mga hindi


malilimutang karanasan. Sa mga magulang, ito ang pagkakataong maka-
bonding nila ang kanilang mga anak, pagkatapos ng linggo ng
pagtatrabaho. Kumbaga, ito ay isang mabisang paraan para matanggal
ang stress, gayundin para magkaroon ng update mula sa mga anak.

MOTEBISYUNAL NA TANONG

Pagpapakita ng larawan ng ferris wheel, carousel at roller coaster.


Ipatukoy kung ano ang mga larawan.

1. Nakapunta na ba kayo sa isang parke o pasyalan na may mga ganitong


sakayan?

Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.

GAWAIN 1

Ipagawa ang sumusunod

- Itaas ang kanang kamay. –Humarap sa kanan.

- Itaas ang kaliwang kamay. -Humarap sa kaliwa

- Ipadyak ang kanang paa.

- Ipadyak ang kaliwang paa

Nagawa mo ba ang mga panuto? Bakit? Bakit hindi?

ALAM MO BA NA …………

Ang Ferris Wheel o ruweda ay isang hindi-gusaling kayarian na binubuo ng isang


patayong malaking gulong na may mga gondola o upuang pampamasahero na nakabitin sa
mga rim ng bawat isa. Isa itong uri ng gulong at sasakyang panlibangan na natatagpuan sa
mga liwasang sa lungsod at mga pook na pampubliko. Karaniwang nasasakyan ang isang
ruweda o ferris wheel ng mga 50 hanggang 100 katao.

Higanteng Ferris Wheel

“Wow!” Ang una kong nasabi nang pumasok kami sa tarangkahan ng parke.
Ito ang unang beses na pumasyal kami rito. Kasama ko sina Nanay,
Tatay, at ang bunso kong kapatid na si Lani. Kaagad kong niyaya si Tatay na
sumakay sa higanteng ferris wheel. Gustong-gusto namin ni Lani na sumakay roon.
Lumapit si Tatay sa tagapagbantay para itanong kung nasaan ang ferris wheel.
“Lumakad nang diretso. Pagdating sa roller coaster, lumiko sa kanan. Lakad uli nang
diretso hanggang sa carousel. Lumiko sa kaliwa at naroon ang higanteng ferris
wheel,” sabi ng tagapagbantay. Nagpasalamat si Tatay. Kapit ang mga kamay namin
ni Lani, pinuntahan na namin nina Nanay at Tatay ang ferris wheel. “Wow! Ang ganda
at ang laki ng ferris wheel,” sabay naming sinabi ni Lani. Bumili si Tatay ng mga tiket
para sa aming apat. Nang umikot na ang ferris wheel, kitang-kita ko ang buong parke
mula sa itaas. Mas malakas na “Wow!” ang aming nasambit.

Sagutin ang sumusunod na tanong ukol sa binasa.

1. Saan pumasyal ang mag-anak?

2. Ano ang gustong-gusto nilang sakyan?


3. Paano nila narating ang Ferris wheel?

4. Ano-anong salita ang binilugan sa kuwento?

Ano-anong direksyon ang sinabi ng tagapagbantay sa tatay na nagtatanong?


Linangin ang salitang diretso, kanan at kaliwa.
Ipakita ang mapa ng parke. (Gawin ito sa isang tsart, sundin ang mga
direksyon na makikita sa kuwento).
Tukuyin ang direksyon sa pagpunta sa iba pang sakayan sa parke.
Hayaang magbigay ang mga bata ng direksyon gamit ang mga natutunang
salita upang mapahulaan sa mga kaklase ang sakayan na nais niyang masakyan.

Paano ka magbigay ng direksyon o panuto?

Sa pagbibigay ng maikling panuto, kailangang maging maayos at malinaw


ang paglalahad.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Tulungan si Tetet na makarating sa paaralan. Gamitin ang mga salitang


kanan, kaliwa, at diretso batay sa larawan.

(Makikita ang larawan sa LM “ Gawin Natin” pahina 86.)

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Gamit ang mapa na makikita sa LM


pahina 86, magbigay ng maikling panuto sa pagbibigay ng direksiyon. Iulat sa klase

Unang Pangkat – mula bahay patungong paaralan

Ikalawang Pangkat – mula palengke patungong munisipyo

Ikatlong Pangkat – mula bahay patungong palengke

Ikaapat na Pangkat – mula paaralan papuntang parke

TANDAAN

Sa pagbibigay ng maikling panuto, kailangang maging maayos at malinaw


ang paglalahad.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Gumawa ng maikling panuto kung papaano ka makakarating sa


iyong silid-aralan. Isulat ito sa sagutang papel.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)
Sabihin kung Palagi mong nagagawa ang pahayag, Minsan kung bihira, at Hindi
kung hindi pa.

Palagi Minsan Hindi


1. Nasasabi ko nang malinaw ang ibinigay kong
panuto.

2. Masaya ako kapag nasusunod nila ang ibinigay


kong panuto.

3. Inuulit ko ang panuto kapag hindi nila ito


nasundan.

4. Nasasabi ko nang may katamtamang lakas ng


boses ang mga panuto.
5. Nasasabi ko nang may tiwala sa sarili ang mga
panuto.

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG MARKAHAN


Petsa: Sesyon: 7
Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at
maayos na pagsulat
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o


apat na pantig

1.Layunin
Kaalaman: Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o
apat na pantig

Saykomotor: Naisusulat nang may wastong baybay ang mga salitang


may tatlo o apat na pantig

Apektiv: Napapahalagahan ang pamilya

II. Paksang Aralin

A. PAKSA “Ang Pamilya Kung Saan Ako Masaya”

B. SANGGUNIAN “Ang Bagong Batang Pinoy” Filipino 2 pahina 246-247,


256- 258
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO
Tsart , larawan
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na Tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Ilang miyembro ang iyong pamilya? Masaya ba kayo?
Aktiviti/ Gawain 2. Mayroon ba kayong mahal sa buhay na malayo sa
inyu? Ano ang nararamdaman mo dito at ilang beses
kayo makadadalaw sa kanila?
3. Paano tayo magkakaroon ng higit na pagkakasundo sa
ating tahanan?

Gawain/Activiti
Pagpapkita ng larawan
1. Ilarawan ang larawan
2. Ganito rin ba ang iyong pamilya?
3. Gaano sila kahalaga? At Bakit?
B. PAGLALAHAD Basahin ang kwentong “ Ang Pamilya Kung Saan Ako
Abstraksyon Masaya”
(Pamamaraan ng Pagtalakay) at magtanong tungkol dito.
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang may salungguhit
sa binasang kuwento.
Tama ba ang pagkakabaybay ng mga ito?
Kung mali paano ito itatama? Pantigin ang mga salita.

C. PAGSASANAY A.Sagutin ang “Sanayin Natin” LM pahina 256.


Mga Paglilinang na Gawain B. Bumuo ng ibang salita na may 3 o apat na pantig.
Isulat ang wstong baybay nito.

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Ipagawa ang


Aplikasyon sumusunod sa bawat pangkat.
Unang Pnagkat - .Ayusin ang mga pantig ayon sa
wastong baybay nito upang mabuo nang wasto ang
ngalan ng mga larawan.
Ikalawang Pangkat- Isulat, bigkasin at sabihin ilang pantig
mayroon ang bawat salita.
Ikatlong Pangkat- Pangkatin ang mga salita Ayon sa
bilang ng pantig

E. PAGLALAHAT Paano babaybayin ang mga salitang msy tatlo o apat na


Generalisasyon pantig?

IV. PAGTATAYA Tingnan ang larawan. Isulat sa iyong sagutang papel ang
pangalan ng bawat isa nang may wastong baybay.

V. TAKDANG ARALIN Isulat sa kwaderno at basahin.


Sesyon: 7

PAKSA: “Ang Pamilya Kung Saan Ako Masaya”

TUKLASIN

Ang isang magulang, asawa, kapatid—maging ang maliliit na bata


ay maraming gagawin. Ang pagsisikap na inilalagay natin sa
pagpapatatag ng ating pamilya ang pinakamahirap at pinakamahalagang
gawaing magagawa ng sinuman sa atin sa lupa. Ang pagpapanatiling payapa ng
tahanan at pag-uuna ng mga pangangailangan ng iba ay may magandang epekto sa
atin, at hindi nagkataon lamang na napakahirap gawin ang mga bagay na ito kung
minsan. Nais ng Diyos na subukan tayo para tayo ay umunlad at magkaroon ng mga
kasanayang hindi natin matututuhan sa iba pang paraan—mga kasanayang tulad ng
pagpapasensya at di-pagiging makasarili na makakatulong sa atin na maging higit na
katulad ng Diyos at maghahanda sa atin na makapiling ang ating pamilya sa buong
kawalang-hanggan.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Ilang miyembro ang iyong pamilya? Masaya ba kayo?


2. Mayroon ba kayong mahal sa buhay na malayo sa inyu? Ano
ang nararamdaman mo dito
at ilang beses kayo makadadalaw sa kanila?
3. Paano tayo magkakaroon ng higit na pagkakasundo sa ating tahanan?

GAWAIN 1
Tingnan ang larawan.

1. Ilarawan ang larawan

2. Ganito rin ba ang iyong pamilya?

3. Gaano sila kahalaga? At Bakit?

ALAM MO BA NA …………

Ang pamilya ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi sa lipunan. Ito ang


pinanggagalingan ng emosyonal, pisikal,espiritwal at pinansyal na suporta ng lipunan.
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-
sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas
dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar.
Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang
pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak
na Pilipino.

Ngayon ating babasahin ang kwentong tungkol sa pamilya ni Mang Berto.

Ang Pamilya Kung Saan Ako Masaya

Isang matulunging mag-anak ang pamilya ni Mang Berto. Naikuwento niya sa


mga anak niya ang pagiging matulungin sa kapwa ng kanilang lolo at lola. Minsan, sa
kaniyang pag-uwi galing sa talyer na pag-aari ng pribadong kompanyang
pinapasukan, masaya niyang sinabi na siya ay nabigyan ng isang linggong bakasyon
at nais niyang gugulin ito sa probinsiya ng Quezon upang madalaw ang kanilang mga
lolo at lola. Nais ni Mang Berto na masaksihan ng kaniyang mga anak ang pagiging
matulungin sa kapwa ng kanilang lolo at lola. “Talaga, Tatay? Dadalaw tayo doon kina
Lolo at Lola?” masayang tanong ng bunsong anak na si Lory na sinundan din ng
dalawa pang kapatid. “Siyempre, mga anak, doon ay malawak ang bukirin at
makakakain tayo ng mga tanim na prutas at gulay ng inyong lolo,” sabi ng ama.
“Mabuti naman at kahit sandali ay makaiiwas tayo sa maruming hangin dito,” sabi ni
Aling Precy. Masaya ang preparasyong ginawa ng maganak upang maaga silang
makapagbiyahe.

Sagutin:

1. Anong uri ng pamilya mayroon si Mang Berto?

2. Masaya nga bang Makita ang mga mahal sa buhay na matagal nang hindi Makita?

3. Bilang isang anak, ano ang masasabi mo kay Mang Berto? Gayundin kaya ang
kaniyang mga anak sa kaniya?

Tingnan at basahin ang mga salitang may salungguhit sa kwento.

Tama ba ang pagkakabaybay ng mga ito?

Kung mali paano ito itatama?

Pantigin ang salita.

Ang mga salita ay binubuo ng mga pantig


me-sa = mesa pa-pel = papel
u-pu-an = upuan kra-yo-la = krayola
May mga pantig na binubuo ng dalawang titik.
pa sa gi po me hu
May mga pantig na binubuo ng tatlong titik
Tak yan kra tig nga pru
May mga pantig na binubuo ng apat na titik
Wang nang sang lang hong
May mga salita nga binubuo ng tatlo o apat na pantig
Ma-ba-it = mabait la-ra-wan = larawan tu-wang-tu-wa = tuwang-
tuwa

Lahat ng salita, ilan man ang bilang ng pantig ay dapat baybayin


nang tama.
PAGSUSURI
GAWAIN 2

Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan at isulat ang mga ito nang
may tamang baybay.

__________________ ___________________ _________________

PAGSASANAY
GAWAIN 3
Bumuo ng ibang salita na may 3 o apat na pantig. Isulat ang wastong
baybay nito.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Ipagawa ang sumusunod sa bawat pangkat.

Unang Pangkat - .Ayusin ang mga pantig ayon sa wastong baybay nito upang mabuo
nang wasto ang ngalan ng mga larawan. Iguhit ang larawan.

pa lan ra a _____ pa an la ru
_____

Ikalawang Pangkat- Isulat, bigkasin at sabihin ilang pantig mayroon ang bawat salita.

sapatos bumubigat malakas tubigan


tumumataas salamat

nanggagaling nagpunta singkamas tuwang-tuwa upuan higaan

Ikatlong Pangkat- Pangkatin ang mga salita ayon sa bilang ng pantig

gumuhit larawan bumagsak umawit


nakatutuwa

sabay-sabay ganoon magulang kalabasa palikuran

TANDAAN

Lahat ng salita, ilan man ang bilang ng pantig ay dapat baybayin


nang tama.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Tingnan ang larawan. Isulat sa iyong sagutang papel ang pangalan


ng bawat isa nang may wastong baybay.

1. 2.
3.
________________________ _______________________ __________________

4. 5.

________________ ______________________

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)

Isulat sa kwaderno at basahin

pabo dapo bapor


dadapa dapa lababo

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWA


Petsa: Sesyon: 8
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nasisipi nang wasto at malinaw ang isang talata

1.Layunin
Kaalaman: Nakakikilala ng isang talata na wasto at malinaw ang
pagkayari
Saykomotor: Nakasisipi nang wasto at malinaw sa isang talata

Apektiv: Napapahalagahan ang pagsali sa pangkatang gawain

II. Paksang Aralin


A. PAKSA “Pagsisipi ng Talata”

B. SANGGUNIAN “Ang Bagong Batang Pinoy” Filipino 2 LM pahina 493-


494
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart, larawan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na Tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: Ipabigkas ang “Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng
Aktiviti/ Gawain Pilipinas.”
Ano ang sinasabi sa panunumpa?
Sino-sino ang dapat nating mahalin?

Activiti / Gawain
Papaguhitin ang mga bata ng larawang nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan, magulang at ibang tao.
Paano mo ipinakikita ang pagmamahal at paggalang sa
iyong mga magulang at sa ibang tao?
B. PAGLALAHAD Basahin ang “Basahin Natin” sa LM, pahina 493.
Abstraksyon Sagutan ang “Sagutin Natin”sa LM , pahina 494 .
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Tatalakayin ang pagsipi ng isang talata.
C. PAGSASANAY Mula sa binasa sa ‘Basahin Natin “, pumili ng isang talata
Mga Paglilinang na Gawain dito na sisipin.
D. PAGLALAPAT Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral. Basahin ang
Aplikasyon talatang pinamagatang “Ang Batang Matulungin at
Masunurin”. Gawin ang sumusunod ng bawat pangkat.
E. PAGLALAHAT Bakit kailangang maging wasto at malinaw ang pagsipi
Generalisasyon ng isang talata?
IV. PAGTATAYA Sipiin nang maayos at malinaw ang talata at
salungguhitan ang panimulang talata nito.

V. TAKDANG ARALIN Sipiing maayos at malinaw ang talata.

Sesyon: 8

PAKSA: Pagsisipi ng Talata

TUKLASIN
Mahalin natin ang tinubuang lupa. Kung mahal mo ang bansa mo, dapat mong
gawin ang lahat kahit ialay mo pa ang buhay mo para mailigtas ito

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Ipabigkas ang “Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.”

1. Ano ang sinasabi sa panunumpa?

2. Sino-sino ang dapat nating mahalin?

GAWAIN 1

Gumihit ng larawang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan, magulang at ibang tao.

1. Paano mo ipinakikita ang pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang at


sa ibang tao?

2. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang gawain?

Maraming simpleng paraan ang pwedeng gawin ng bawa't isa sa atin upang
maikita ang pagmamahal sa bayan. Sa simpleng pagtangkilik sa sariling gawang
produkto at serbisyo ay isang paraan na upang maipakita natin ang pagmamahal sa
bayan.
ALAM MO BA NA Ipagmalaki
………… natin ang gawang atin at wag ito ikahiya. Alagaan natin ang ating
kapaligiran at tulungan ang mga kapwa Pilipinong nangangailangan. Maaaring maliit o
simple lamang ang mga hakbang na ito ngunit sapat na ito kung ito'y ginagawa mo ng
bukal sa iyong puso.
Ano man ang estado ng ating bansa ngayon ay di dapat tayo mahiya. Dapat
nga ay matuwa tayo at ipagmalaki ang mga bagay na nakagaganda ng ating bansa.
Huwag natin masyadong pagtuunan ng pansin ang mga bagay na di maganda sa ating
bansa kundi ang mga magagandang bagay na ating maipagmamalaki. Ang mga bagay
na di-maganda ay dapat baguhin upang mas lumitaw pa ang kagandahan ng inang
bayan.
Panay basura ang laman ng bag ni Romeo. Nagalit ang
kaniyang tatay kaya itinapon niya ang mga basura sa
kalye.

Tuwing araw ng Lunes, maagang pumapasok ang mga


bata upang itaas ang bandila ng Pilipinas na sagisag ng
ating bansa.

Bilang tanda ng paggalang at pagmamahal sa magulang,


laging sinusunod ni Bryan ang kaniyang nanay.

Sagutin:
 Ano ang mensahe ng bawat larawan?
 Magkaugnay ba ang mga pangungusap at ang larawan sa tapat nito?
 Katulad ka rin ba ng mga bata sa bawat larawan? Paano mo nasabi?
 Sino ang dapat tularan? Hindi dapat tularan?

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng pangungusap na


naglalahad ng isang
bahagi ng pagkukuro, palagay, o paksang diwa. Ang bawat pangungusap ay
kailangang magkaka-ugnay tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng talata.
Malimit ang nasa unahan o hulihan ang paksang pangungusap. Ito ang naglalaman
ng diwa ng talata.
Ang pagsipi ng talata ay dapat malinaw at wasto.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Mula sa binasa sa ‘Basahin Natin “, pumili ng isang talata dito na


sisipiin.

PAGLALAPAT

Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral. Basahin ang talatang pinamagatang


“Ang Batang Matulungin at Masunurin”. Gawin ang sumusunod ng bawat pangkat

Ang Batang Matulungin at Masunurin

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi.


Paggagalitan siya ng ina kapag mahuli sa pag-uwi.

Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa


paaralan. Sa unang tingin palang niya , kitang- kita na masama ang pakiramdam
ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng sasakyan,
maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni Paul.

Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan


ng bata. Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa papagalitan siya ng ina kapag
nahuli sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata.

Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay agad, kaya ipina-


ubaya nalang niya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata.
Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na masaya dahil nakatulong siya
sa kapwa kahit sa munting paraan lang.

Unang Pangkat – Sipiin ang una at ikalawang talata sa talata tungkol sa


pagmamadaling pag-uwi ng bata at iguhit ang sitwasyong ito.

Ikalawang Pangkat – Sipiin ang ikatlong talata sa talata. Iguhit ito.


Ikatlong Pangkat – Sipiin ang huling talata sa isang talata at iguhit ito.

TANDAAN

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng pangungusap na


naglalahad ng isang bahagi ng pagkukuro, palagay, o paksang diwa. Ang
bawat pangungusap ay kailangang magkaka-ugnay tungkol sa pangunahing
kaisipan o paksa ng talata. Malimit ang nasa unahan o hulihan ang paksang
pangungusap. Ito ang naglalaman ng diwa ng talata.
Ang pagsipi ng talata ay dapat malinaw at wasto.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sipiin nang maayos at malinaw ang talata at salungguhitan ang panimulang


talata nito.

Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman sa


iba ang nilikha sa daigdig, walang pag-aalinlangang masasabi na ang tao ang
nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas na antas ng pag-
iisip ng tao.
Bunga nito, at ng iba pang tanging kakayahang ibinigay ng Diyos sa
tao may mga
tungkuling inilaan ang Diyos sa balikat ng bawat tao.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Sipiing maayos at malinaw ang talata.

Si Inay

Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan. Siya


ang nag-aaruga at nag-aalaga sa atin mula sa pagsilang
hanggang sa ating paglaki. Malaki ang nagging kaugnayan
niya sa atin. Siya ang humuhubog sa ating pagkatao upang
lumaking isang mabuting bata. Sinisikap ibigay ang lahat n
gating pangangailangan. Pinag-aral nita tayo upang maging
maganda an gang ating kinabukasan. Bilang ganti naman
dapat nating suklian ng kabutihan at pagmamahal,
pagsunod sa kanyang utos, maging mabuting anak sa ating
paglaki para siya ay maging masaya. Sa kanyang pagtanda
tato naman sana ay maging gabay na kalinga sa kanya
Sabjek: FILIPINO Baitang: Ikalawang Baitang
Petsa: Sesyon: 9
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya,kaisipan,karanasan at damdamin

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: F2PN-IIIb-c-3.1.1
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang tula
F2PS-IIc-1
Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin
o reaksyon tungkol sa napakinggang tula
1.Layunin
Kaalaman: Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang tula

Saykomotor: Nakapagtutula nang may wastong


tono,diin,bilis,tatas at intonasyon tungkol sa
napangkinggang tula

Nakalilikha ng sariling ideya/ damdamin o


Apektiv: reaksyon tungol sa napakinggang tula

II. Paksang Aralin


A. PAKSA “Nagtampo ang Kalikasan”

B. SANGGUNIAN LM d. 348-349

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart ng tulang “ Nagtatampo ang


Kalikasan”
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong:
1. Pangmotibesyunal na
tanong 1. Mahalaga ba ang pagtatanong?
Bakit?
2. Ano-ano ang mga salitang
2. Aktiviti/ Gawain ginagamit sa pagtatanong?
3. Sino-sino na sa inyo ang sanay na
sumagot sa mga tanong ng guro
batay sa napakinggan at binasa?

Gawain/Aktiviti:
Magpakita ng isang larawan
Tanungin ang mga bata batay sa larawang
ipinapakita ng guro.
1. Ano ang masasabi niyo sa larawan?
2. Ano ang mga nakikita ninyu sa ating
paligid ngayon?
3. Ano ang mga kalikasang binigay sa
atin ng ating Maykapal?
4. Malinis ba ang hanging nalalanghap
ninyu ngayon? Bakit?

B. PAGLALAHAD Babasahin ng guro ang tulang pinamagatang


Abstraksyon “Nagtampo ang Kalikasan”. na makikita sa
(Pamamaraan ng Pagtalakay) batayang aklat d.348-349. Magtanong
tungkol dito.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-ano ang dahilan kung bakit
nasira ang kalikasan?
3. Ano ang inyung nararamdaman
habang binabasa ko ang tula?
4. Paano natin pangangalagaan ang
ating kalikasan?
Habang nagbabasa ang guro, dapat
makinig at unawaing mabuti ang
pinakinggan upang makasagot sa mga
katanungan ukol sa napakinggan.
Mabisa ang pagsasalita o pagbasa kung
wasto at maliwanag ang bigkas. Magagawa
ito kung katamtaman ang bilis ng pagsasalta
o pagbasa. Hindi yaong nagmamadali upang
mabigkas nang mabuti. Nagagawa rin ito
kung malinaw na bibigkasin ang bawat
pantig ng salita.
C. PAGSASANAY Sagutin ang mga sumusunod na tanong
Mga Paglilinang na Gawain batay sa tulang napakinggan.

D. PAGLALAPAT Pangkatin sa apat na grupo ang mga mag-


Aplikasyon aaral. Bawat grupo ay magtutula tungkol sa
napakinggan na may tamang kilos at
damdamin.
E. PAGLALAHAT Ano-ano ang mga dapat gawin upang
Generalisasyon masagot ang mga tanong sa binasa o
napakinggan?
IV. PAGTATAYA Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga
tanong tungkol dito.
“Napakasarap ng pakiramdam kapag
nakatutulong tayo sa kapwa,” ito ang
masayang sabi ni Aling Nilda.
“Tama ka riyan, mayroon nga tayong
kasabihan na mas mabuti ang nagbibigay
kaysa tumatanggap,” ang masuyong sagot
ng asawang si Mang Dan.“Sana, Itay, Inay,
lahat ng tao gayundin ang gagawin,” wika ni
Tessa sabay yakap sa mga magulang.
1) Ano ang pinag-uusapan ng pamilya?
2) Ano ang damdamin ng mga tauhan sa
kuwento?
3) Ano ang pinagkakaisahan nila?
V. TAKDANG ARALIN Isaulo ang tulang napakinggan “ Nagtampo
ang Kalikasan”

Sesyon: 9

PAKSA: Nagtampo ang Kalikasan

TUKLASIN

Ang salitang kapaligiran o paligid ay ginagamit upang mapag-usapan


ang maraming mga bagay. Ang mga taong nasa ibat ibang larangan ng
kaalaman, katulad ng kasaysayan, heograpiya, o biyolohiya, ay
ginagamit ang salita sa ibat ibang kaparaanan.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Mahalaga ba ang pagtatanong? Bakit?


2. Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong?
3. Sino-sino na sa inyo ang sanay na sumagot sa mga tanong ng
guro batay sa napakinggan at binasa?

GAWAIN 1

Magpakita ng isang larawan

Tanungin ang mga bata batay sa


larawang ipinapakita ng guro.

1. Ano ang masasabi niyo sa


larawan?
2. Ano ang mga nakikita ninyo sa
ating paligid ngayon?
3. Ano ang mga kalikasang
binigay sa atin ng ating Maykapal?
4. Malinis ba ang hanging
nalalanghap ninyo ngayon? Bakit?
Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito lahat
ALAM MO BAnanggagaling
NA ………… lahat ng bagay na ating ikinabubuhay. Ito ay maganda at
kapakipakinabang. Mayaman tayo sa kalikasan. Ang ilan sa mga ito ay hindi pa
natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulaksan.
Ang kakulangan natin sa kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong
paggamit nito at walang disiplina at limitasyon, pagpapatayo ng mga inprastraktura,
maling paraan ng pagtatapon ng basura, maling paraan ng pangingisda ang naging
dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon
tayong nakaranas ng Matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng
klima. Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay ditto sa mundo ang
naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong ito.
Mga bata, makinig nang mabuti sa kwentong aking babasahin upang
makasagot sa mga tanong pagkatapos.

Nagtampo ang Kalikasan

Noong unang panahon, kay ganda ng mundo


Malinis na hangin malalanghap mo
Malinaw na batis, bundok na di kalbo
Iyan ang mundong tirahan ng tao.
Lumipas ang panahon, maraming natuklasan
Imbensyon ng tao’y kaliwa’t kanan
Dulot nito’y pinsalang nararanasan.
Nalungkot ang mundo, nagtampo ang kalikasan

Polusyon ay kumalat, mapanganib sa kalusugan


Baha sa tag-ulan di na rin mapigilan.
Ano na ang gagawin sa problema ng lipunan?
Kalikasa’y nagtampo na nang tuluyan!
Sumisigaw ang mundo,
Ako ay inyong pangalagaan!
Magtanim ng maraming puno sa kagubatan
Itapon ang mga kalat ninyo sa basurahan
Maging masunurin sa batas at patakaran.

Sagutin
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-ano ang dahilan kung bakit nasira ang kalikasan?
3. Ano ang inyong nararamdaman habang binabasa ko ang tula?
4. Paano natin pangangalagaan ang ating kalikasan?

Habang nagbabasa ang guro, dapat makinig at unawaing mabuti ang


pinakinggan upang makasagot sa mga katanungan ukol sa napakinggan.

Mabisa ang pagsasalita o pagbasa kung wasto at maliwanag ang bigkas.


Magagawa ito kung katamtaman ang bilis ng pagsasalita o pagbasa. Hindi yaong
nagmamadali upang mabigkas nang mabuti. Nagagawa rin ito kung malinaw na
bibigkasin ang bawat pantig ng salita.
PAGSUSURI
GAWAIN 2
Makinig sa tulang babasahin ng guro.

Mayamang Kalikasan

O,kaygandang kalikasan
Sa bayan ko makikita;
Mahigit pitong libo
Ang bilang ng mga isla.

Sa pusod ng karagatan,
Kayamana’y makukuha;
May harding mabulaklak,
Mga koral na kaiba.
Mayamang mga lupain,
Iba’t iba ang pananim;
Nagbibigay ng pagkain,
Ng tahana’t gamit natin.

O, kaygandang kalikasan,
Tunay na kahanga-hanga;
Sa taoy inilaan,
Ang Maykapal ang lumikha.

A. Sagutin ang mga tanong ayon sa narinig sa tula.


1. Ilan ang mga pulo o isla sa ating bayan?
2. Ano-ano ang makikita sa ating karagatan?
3. Ano-ano ang nakukuha natin sa mga pananim?
4. Sino ang lumikha ng kalikasan?

PAGLALAPAT

Pangkatin sa apat na grupo ang mga mag-aaral. Bawat grupo ay


magtutula tungkol sa napakinggang tula “Nagtampo ang Kalikasan” nang may
wastong tono, diin, bilis, tatas at intonasyon.

TANDAAN

Dapat makinig at unawaing mabuti ang pinakinggan upang makasagot sa


mga katanungan ukol sa napakinggan.
Mabisa ang pagsasalita o pagbasa kung wasto at maliwanag ang bigkas.
Magagawa ito kung katamtaman ang bilis ng pagsasalita o pagbasa. Hindi yaong
nagmamadali upang mabigkas nang mabuti. Nagagawa rin ito kung malinaw na
bibigkasin ang bawat pantig ng salita.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

“Napakasarap sa pakiramdam kapag nakatutulong tayo sa kapwa,” ito ang masayang


sabi ni Aling Nilda.
“Tama ka riyan, mayroon nga tayong kasabihan na mas mabuti ang nagbibigay kaysa
tumatanggap,” ang masuyong sagot ng asawang si Mang Dan.“Sana, Itay, Inay, lahat
ng tao gayundin ang gagawin,” wika ni Tessa sabay yakap sa mga magulang.

1) Ano ang pinag-uusapan ng pamilya?


2) Ano ang damdamin ng mga tauhan sa kuwento?
3) Ano ang pinagkakaisahan nila?

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Isaulo ang tulang napakinggan “Nagtampo ang Kalikasan”.

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG


Petsa: Sesyon: 10
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog

Pamantayan sa Pagganap:
Kompetensi: Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

1.Layunin Natutukoy ang mga salitang magkatugma mula sa tula o


Kaalaman: tugmang narinig

Saykomotor: Nasusuri ang mga salitang magkatugma

Apektiv: Nakalalahok nang masigla sa aktiviti o pangakatang


gawain
II. Paksang Aralin
A. PAKSA Salitang Magkatugma
B. SANGGUNIAN Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 pahina 7-10
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Laptap, tsart, larawan ng batang babaeng pilay
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Magpakita ng larawan ng isang batang pilay.
Pangmotibesyunal na tanong: Hayaang pag-usapan ito ng mga bata.
1. Bakit kaya siya pilay?
2. Hadlang ba ito sa kaniyang araw-araw na
pamumuhay?
Aktiviti/ Gawain 3. Ano kaya ang nagyari sa kanya?

B. PAGLALAHAD Basahin ang tulang tungkol sa batang pilay na makikita


Abstraksyon sa LM 2 pahina 7-8 gamit ang DRTA na paraan.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Talakayin kung paano natutukoy ang mga salitang
magkatugma.
C. PAGSASANAY Basahin ang mga salita sa Hanay A at piliin ang
Mga Paglilinang na Gawain kasintugma nito sa Hanay B. Bilugan ang tamang sagot
Hanay A Hanay B
1. bata ( baso, beke, tuta)
2. abogado ( abaka,
abokado,doctor)
3. kalaro ( baro, kalapati, tupa)
4. palaka ( manok, talangka,
dahon)
5. Nanay ( tubero, nars, tinapay)
D. PAGLALAPAT Bigyan ang bawat mag-aaral ng flashcard na may salita.
Aplikasyon Papalikhain ng malaking bilog ang mga mag-aaral at
papakinggin ng musika habang hawak ang kanilang
flashcard. Kapag titigil ang tugtog ng musika, hahanapin
ng mga bata ang kapareha nila sa pamamagitan ng
pagtukoy ng salitang kasintugma ng hawak na salita.
Kapag nakita na ang kapareha, pumalakpak.
E. PAGLALAHAT Paano natin matutukoy kung ang salita ay magkatugma?
Generalisasyon Tandaan!
Salitang magkatugma ang tawag sa mga salitang
magkaparehoang tunog sa hulihan ng mga salita.
IV. PAGTATAYA Lagyan ng tsek ( ∕) ang sagutang papel kung ang mga
salita ay magkakatugma at ekis (x) naman kung hindi.
1.tindera-kusinera 2.kapitbahay-kaibigan
3.katulong-talong 4.nainis-malinis 5.sabay-
sabaw
V. TAKDANG ARALIN Sumulat ng limang magkasintugma na mga salita. Ilagay
sa inyung kwaderno.

Sesyon: 10

PAKSA: Salitang Magkatugma

Tuklasin

Ang isang taong may kapansanan ay isang mamamayan na may


pisikal na kapinsalaan o kasiraan sa anumang bahagi ng kaniyang
katawan. Ito ang nagiging sanhi ng pagiging kaiba niya sa ibang mga tao.
May mga likas na kapansanan at mga kapansanang dahil din sa mga karanasang
katulad ng mga sakuna. Halimbawa na nito ang mga pagkabulag o pagkawala ng
isang paa o kamay.
MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Ano ang masasabi ninyu sa larawan?


2. Hadlang ba ito sa kaliyang pang araw-araw na pamumuhay?
3. Sino-sino ang mga Pilipinong may kapansanan na naging
matagumpay?
4. Paano mo maipakikita na hindi hadlang ang kapansanan para
lumigaya?

ALAM MO BA NA …………

Ang kapansanan ay hindi hadlang sa pagkamit sa ating minimithi


o pinapangarap.Kilala nyo ba kung sinong Pinoy boxer na may
kapansanan sa paa ang kabilang sa listahan ng mga itinuturing na
pinakamahusay na boksingero sa Pilipinas matapos sungkitin ang
dalawang kampeonato sa magkaibang debisyon? Dahil sa polio, naging
maiksi ang isang paa ni Dodie Boy Peñalosa. Ngunit ang kanyang
kapansanan ay hindi naging hadlang upang makamit ang titulo bilang
kampeon sa IBF Light Flyweight at WBA Flyweight divisions.

Ngayon, ating babasahin ang tula tungkol sa isang batang pila

Lubhang kakaiba si Sonya


Parang diksiyonaryo ang isip niya

Nasasabi ang mga kahulugan


Tamang salita gamit ng aking kaibigan
Sa isip mabilis na hinuhugot

Kailanman di siya nakababagot

Palaging dala-dala ay saklay


Paika-ikang lumakad dahil siya’y pilay
Batang masayahin, laging nagdarasal
Kapupulutan siya ng magandang asal
Laging nakatawa, tuwina’y masaya
Ang palakaibigang si Sonya.

1. Sino ang tinutukoy sa tula?


2. Bakit hindi siya nakababagot?
3. Ano-anong katangian ang taglay niya?
4. Naging sagabal ba ang kaniyang kapansanan sa kaniyang buhay? Bakit?

Mga bata tingnan ninyo ang mga salitang nasa dulo ng bawat linya ng
tula. Mapapansin natin na ito ay magkasintunog o magkatugma. Malalaman
natin na magkatugma ang pares ng salita kung magkapareho ang huling
tunog nito.

Halimbawa:

Sonya - niya saklay – pilay


kahulugan – kaibigan nagdarasal- magandang asal
hinuhugot – nakababagot masaya- Sonya

GAWAIN 1

Basahin ang mga salita sa Hanay A at piliin ang kasintugma nito sa Hanay B.
Bilugan ang tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. bata ( baso,beke,tuta )
2. abogado
( abaka,abokado,doctor )
3. kalaro ( baro, kalapati, tupa )
4. palaka ( manok, talangka, dahon
)
5. nanay ( tubero, nars, tinapay )

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Pagsamahin ang mga salitang magkakasintunog. Isulat ang sagot sa isang


papel.

aliw baging bahay buhay dibdib


ibon

kabayo kalabaw kalesa lago lata


lawa

luya mababa maginoo malayo mani


marikit

masakit mata mataba patani noo


pugo
PAGLALAPAT

Bigyan ang bawat mag-aaral ng flashcard na may salita.Papalikhain ng


malaking bilog ang mga bata at papakinggin ng musika habang hawak ang kanilang
flashcard. Kapag titigil ang tugtog ng musika, hahanapin ng mga bata ang kapareha
nila sa pamamagitan ng pagtukoy ng salitang kasintugma ng hawak na salita. Kapag
nakita na ang kapareha,pumalakpak.

TANDAAN
Salitang magkatugma ang tawag sa mga salitang magkapareho ang tunog sa
hulihan ng salita o matutukoy ang mga salitang magkakasintunog kung magkapareho
ang huling tunog.
Halimbawa:
lola-bola suso- paso
atis-batis talangka-palaka

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Lagyan ng tsek ( / ) kung ang mga salita ay magkakatugma at ekis (x)


naman kun hindi.

1. tindera – kusinera 4. nainis-malinis


2. katulong-talong 5. sabay-sabaw
3. kapitbahay- kaibigan
4.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Sumulat ng limang magkasintugma na mga salita. Ilagay sa inyung


kwaderno.

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG


Petsa: Sesyon: 11
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nakasusunod sa nakasulat na panutong gamit ang


lokasyon

1.Layunin
Kaalaman: Natatamo ang pagsunod sa nakasulat na panuto
Saykomotor: Naisasagawa ang pagsunod nang wasto sa nakasulat na
panuto

Apektiv: Nakasusunod nang wasto sa nakasulat na panuto

II. Paksang Aralin

A. PAKSA Pagsunod sa nakasulat na panuto

B. SANGGUNIAN TG. P.99 , LM pahina 118-119

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart


III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Naranasan mo bang mautusan ng iyong mga
Aktiviti/ Gawain magulang?
2. Nasusunod mo ba ito nang maayos?
3. Sa anong paraan nila ito inuutos? Sa pamamagitan ng
pagsulat o pasalita?
Gawain
Ipagawa ang sumusunod:
Tumayo nang tuwid. Itaas ang dalawang kamay.
Pumalakpak ng tatlong beses.
Ipatong ang kaliwang kamay sa ulo.
Ilagay ang kanang kamay sa baywang.
Umikot at umupo na.
B. PAGLALAHAD Naisagawa ba ninyu nang maayos ang mga panutong
Abstraksyon sinabi ko?
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Ngayon, maisasagawa rin kaya ninyo ang mga panuto
kung ang mga ito ay nakasulat?
Ipaskil sa pisara ang mga panutong babasahin ng mga
bata.
1. Gumuhit ng malaking bilog sa gitna ng papel.
2. Kulayan ito ng berde.
3. Gumuhit ng isang tatsulok sa kanan ng bola. Isulat
sa loob nito ang pangalan mo.
4. Kung tapos na pumalakpak. Itago ang papel.
Ipakita
Sa klase ang natapos na trabaho. Nakasunod ka
ba sa mga panuto? Paano mo nasabi?
Kailan ginagamit sng panuto?
Bakit kailangang sundin ang ibinigay na panuto?
Maikli ba at malinaw ang pagkakasulat ng mga panuto?
C. PAGSASANAY Basahin ang mga panutong nakasulat sa pisara.
Mga Paglilinang na Gawain Kumuha ng malinis na papel. Isagawa ang isinasaad sa
mga panuto.
1. Isulat ang Filipino 2 sa itaas na bahagi ng iyong papel.
2. Sa susunod na guhit ay isulat an iyong buong
pangalan.
3. Isulat ang mga pamilang na 1-5 pababa o sa bawat
guhit ang isang pamilang.
4. Isulat ang ngalan ng ina mo sa bilang 1, ngalan ng
ama mo sa bilang 2.
5. Sa bilang 3 ay gumuhit ka ng isang bulaklak,sa bilang
4 gumuhit ka ng isang puso, sa bilang 5 ay isulat ang “
Mahal Ko Kayo”.
D. PAGLALAPAT Pangkatin sa apat ang mga bata. Ipagawa sa bawat
Aplikasyon pangkat ang “Sanayin Natin” sa LM pahina 118.

E. PAGLALAHAT Ano-ano ang dapat isaalan-alang sa pagsunod sa mga


Generalisasyon nakasulat na panuto?

IV. PAGTATAYA Sagutin ang” Linangin Natin “ sa LM pahina 119

V. TAKDANG ARALIN Kumupya ng ilang babala na nakapaskil sa inyung


paaralan. Sabihin kung paano mo sinusunod ang baway
isa.

Sesyon: 11
PAKSA: Mga Tugmang Bayan

TUKLASIN

Ang pagsunod sa iyong mga magulang ay hindi lamang


magsasanggalang sa iyong “buhay ngayon”. Magbibigay rin ito sa iyo ng
tinatawag na “tunay na buhay”, ang buhay na “darating”. Ang tunay na
buhay na inaasahan ng karamihan sa atin ay walang- hanggang buhay sa lupa sa
bagong sanlibutang ipinangako ng Diyos sa mga tapat na sumusunod sa kaniyang
mga utos. Magiging maligaya ka kung susundin mo ang iyong mga magulang.
Magiging matiwasay ang iyong kinabukasan, at mapapabilang ka sa mga tatanggap
ng buhay na walang hanggan sa paraisong lupa.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Naranasan mo bang mautusan ng iyong mga magulang?

2. Nasusunod mo ba ito nang maayos?

3. Sa anong paraan nila ito inuutos? Sa pamamagitan ng pagsulat o


pasalita?

GAWAIN 1

Ipagawa ang sumusunod:

Tumayo nang tuwid. Itaas ang dalawang kamay.

Pumalakpak ng tatlong beses.

Ipatong ang kaliwang kamay sa ulo.

Ilagay ang kanang kamay sa baywang.

Umikot at umupo na.

ALAM MO BA NA …………

Sa pag-uutos, kasabay na sinasabi ang panuto kung paano gagawin ang


utos. Sinusunod natin ang mga napakinggang panuto upang magawa ang mga
Gawain nang wasto at maayos.
Naisagawa ba ninyu nang maayos ang mga panutong sinabi ko?

Ngayon, maisasagawa rin kaya ninyo ang mga panuto kung ang mga ito ay
nakasulat?

Ipaskil sa pisara ang mga panutong babasahin ng mga bata.

1. Gumuhit ng malaking bilog sa gitna ng papel.


2. Kulayan ito ng berde.
3. Gumuhit ng isang tatsulok sa kanan ng bola. Isulat sa loob nito ang
pangalan mo.
4. Kung tapos nang pumalakpak. Itago ang papel. Ipakita sa klase ang
natapos na trabaho. Nakasunod ka ba sa mga panuto? Paano mo nasabi?

Kailan ginagamit ang panuto?


Bakit kailangang sundin ang ibinigay na panuto?
Maikli ba at malinaw ang pagkakasulat ng mga panuto?
Ang panuto ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.
Maaaring pabigkas 0 nakasuat ang mga panuto. Makatutulong sa maayos, mabilis, at
wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto.

PAGSUSURI
GAWAIN 2
Basahin ang mga panutong nakasulat sa pisara.

Kumuha ng malinis na papel. Isagawa ang isinasaad sa mga


panuto.

1. Isulat ang Filipino 2 sa itaas na bahagi ng iyong papel.

2. Sa susunod na guhit ay isulat ang iyong buong pangalan.

3. Isulat ang mga pamilang na 1-5 pababa o sa bawat guhit ang isang
pamilang.

4. Isulat ang ngalan ng ina mo sa bilang 1, ngalan ng ama mo sa bilang


2.

5. Sa bilang 3 ay gumuhit ka ng isang bulaklak,sa bilang 4 gumuhit ka


ng isang puso, sa bilang 5 ay isulat ang “ Mahal Ko Kayo”.

PAGLALAPAT

Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Gawin ng bawat grupo o


pangkat ang ipapagawa ng guro.

Unang Pangkat – Gumuhit ng isang malaking araw. Sa bawat dulo ng sinag


ng araw, isulat ang pangalan ng bawat miyembro ng pangkat.

Ikalawang Pangkat – Gumuhit ng pitong malalaking linyang pakurba.


Kulayan ito ng pula, kahel, dilaw, berde, asul, indigo, at lila upang makabuo ng
bahaghari. Lagyan ng ulap ang magkabilang dulo ng bahaghari.

Ikatlong Pangkat – Gumawa ng isang tuwid na pila mula sa pinakamaliit na


miyembro hanggang sa pinakamalaki. Ipatong ang kamay sa balikat ng kaklaseng
nauuna iyo.
Ikaapat na Pangkat – Maghawak-kamay at bumuo ng pabilog na posisyon.
Awitin ang “Bahay Kubo” sa saliw ng palakpak.

TANDAAN

Ang panuto ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.


Maaaring pabigkas o nakasuat ang mga panuto. Makatutulong sa maayos, mabilis,
at wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin at sundin ang isinasaad sa panuto.

1. Gumuhit ng isang puno. Isulat sa mga dahon ng puno ang pangalan ng


bawat miyembro

ng iyong pamilya.

2. Isulat ang buong pangalan sa loob ng kahon. Bilangin ang mga letra
at isulat ang bilang sa

ibaba ng kahon.

3. Gumuhit ng dalawang bundok. Sa pagitan ng dalawang bundok ay


gumuhit ng araw.

4. Iguhit ang paborito mong prutas. Kulayan ito.

5. Isulat ang pangalan ng iyong guro. Gumuhit ng bituin sa kanan at sa


kaliwa ng kaniyang

pangalan.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Kumupya ng ilang babala na nakapaskils sa inyung paaralan. Sabihin kung


paano mo

sinusunod ang baway isa.


Sabjek: Baitang: Ikalawang Baitang
Petsa: Sesyon: 12
Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng pagpapaunlad na kasanayan
sa wasto at maayos na pagsulat
Pamantayan sa Pagganap:
Kompetensi: F2KM-IIIbce-3.2
Nakasusulat ng talatang may wastong
baybay,bantas at gamit ng maliit at malaking
letra

1.Layunin
Kaalaman: Nakapagsusulat ng talatang may wastong
baybay,bantas at gamit ng maliit at malaking
letra

Saykomotor: Nakagagawa ng talatang may wastong


baybay,bantas at gamit ng maliit at malaking
letra

Apektiv: Napapanatili ang maayos na pagsulat ng


talata
II. Paksang Aralin

A. PAKSA Pagsulat ng Talata na may wastong baybay at


bantas
B. SANGGUNIAN

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Flashcard


III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Sino sa inyu ang mahusay sumulat?
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa
pagsulat?
3. Kailan ba nating gamitin ang maliit at
malaking titik?
Aktiviti/ Gawain Tingnan ang ilalim ng inyung upuan kung may
nakadikit na papel at itoy babasahin at ipaskil
sa pisara.
Hal. May kilala ka bang Doktor?
Naku! may sunog.
Magbigay ng mga katanungan ukol dito.
B. PAGLALAHAD Pagpapakita ng mga halimbawa ng mga
Abstraksyon bantas, mga salitang nagsisimula sa maliit at
(Pamamaraan ng Pagtalakay) malaking titik at mga salitang may tamang
baybay.
Hal. 1.) ? ! . ,
Ano-ano ang mga bantas na ito?
Kailan ito gagamitin?
2.) bulaklak, kalabasa ,kawayan,
sumbreru, palikoran,
Tama ba ang pagkabaybay ng mga salitang
binasa?
3.) Ang mga mag-aaral sa Ikalawang
Baitang ay mga mababait.
Ano ang napapansin ninyo sa unang titik ng
unang salita?
Ano ang bantas na ginagamit? Tama ba?
Bakit?
Ilahad at ipabasa ang talatang
pinamagatang “Tuwing Sabado ng Gabi “sa
LM pahna 236. Magtanong tungkol dito
pagkatos.
C. PAGSASANAY A. Sipiin nang maayos ang talata o
Mga Paglilinang na Gawain pangungusap nang may wastong bantas,
baybay at gamit ng maliit at malaking titik.
1. kilala ko po si Kapitan jose torres.
Siya ang puno ng aming barrangay.
Tumutulong siya sa paglilinis
ng mga daan namin.
2. Si Bb. Lana Acierto ang aming guro
sa filipino. Isa siya sa mga paborito
kong goro

B. Gamitin at isulat ang wastong bantas ng


mga sumusunod na pangungusap.
1. Nagpunta ka na ba sa bahay nina
Aling Nena___
2. Marami siyang tanim na mga
halamang namumulaklak.
3. Ito ay rosas__ kamya__ sampagita___
at gumamela.
4. Wow__ ang ganda pala ng bahay
niya____
5. Kailan kayo babalik doon___
6. Ang sabi niya ay puede tayong
pumunta anumang oras____
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong
Aplikasyon grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng paksang
gagawan ng talata. Ilagay sa manila paper
ang nabuong talata at basahin ng bawat
grupo sa harap ng klase.
Unang Pangkat – Ang ginagawa mo
para pangalagaan ang paligid mo.
Ikalawang Pangkat - Ang ginagawa ng
mga tao sa inyong lugar na nauukol sa
paglilinis ng paligid
Ikatlong Pangkat – Ang nakikita mo sa
daan pagpasok sa paaralan.
E. PAGLALAHAT Mga bata, dapat nating tandaan sa pagsulat
Generalisasyon ng talata ay ang pagsulat nito nang may
wastong baybay, bantas at ang gamit ng
maliit at malaking titik.
IV. PAGTATAYA 1. Basahin ang grupo ng salita. Tukuyin
sa pamamagitan ng pag salungguhit
ng salitang may tamang baybay
a) Linggo lenggo Linggu
b) magkapated magkapatid
makapatid
c) paligid paleged paliged
2. Sabihin kung Mali o Tama ang
pagkakasulat.Isulat ng wasto kung
mali ang pagkakasulat nito.
1. Maria Dela Rosa
2. Pusa
3. sta. Clara
4. Naku? gumuho ang lupa!
5. Aray! Kinagat ako ng lamo
3. Sumulat ng maikling talata tungkol sa
iyong sarili.
V. Takdang Aralin Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong
kapatid. Isaalan-alang ang mga dapat
tandaan sa pagsulat ng talata.

Sesyon: 12

PAKSA: Pagsulat ng Talata na may wastong baybay at bantas

TUKLASIN

Mahalaga ang sistema ng pagsusulat sa isang lipunan dahil ito ang


nagdidikta kung paano sila maalala ng hinaharap. Ang mga sinaunang
sibilisasyong tulad ng Mesopotamians ay mayroong Sistema ng
pagsusulat. Dahil, dito nahinuha ng mga historians’ ang kanilang kasaysayan base sa
mga records na naiwan nila. Maaring ito ay sa mga bagay na tulad ng mga paso, mga
tala ng imbentorya, mga sinaunang mitolohiya.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Sino sa inyo ang mahusay sumulat?


2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat?
3. Kailan ba nating gamitin ang maliit at malaking titik?

GAWAIN 1
Tingnan ang ilalim ng inyong upuan kong may nakadikit na papel at itoy
babasahin at ipaskil sa pisara.

Hal. 1. May kilala ka bang Doktor?

2. Naku! may sunog.

1. Ano ang napapansin ninyo sa unang halimbawa?

2. Anong bantas ang ginamit? Angkop o tama ba ang bantas na ginamit?

3. Ano ang unang salita sa unang halimbawa? Nagsisimula sa anong titik?


Malaki o maliit? Bakit?

ALAM MO BA NA …………

Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na


tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga
tanda o sagisag (kilala bilang Sistema ng pagsusulat).Ito ay maaaring
nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika
ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang
pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon,
pagpapanatili ng mga kwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga

Tatalakayin ang mga halimbawa ng mga bantas, mga salitang nagsisimula sa


maliit at malaking titik at mga salitang may tamang baybay.

1. Hal. 1.) ? ! .

Ano-ano ang mga bantas na ito?

Kailan ito gagamitin?

2. bulaklak, kalabasa ,kawayan, sumbreru, palikoran,

Tama ba ang pagkabaybay ng mga salitang binasa?

3. Ang mga mag-aaral sa Ikalawang Baitang ay mga mababait.

Ano ang napapansin ninyo sa unang titik ng unang salita?

Ano ang bantas na ginagamit? Tama ba? Bakit?

Mga bata tingnan ninyo ang talatang nakapaskil sa pisara at ating babasahin.

Tuwing Sabado ng Gabi


Tuwing Sabado ng gabi, dumaraan ang isang trak sa harap ng teatro. Sakay
ng trak ang isang tropa ng musikero. Marami sa kanila ang may hawak na trumpeta
ngunit kagabi, kaunti lamang sila dahil marami sa kanila ay dinapuan ng trangkaso.

1. Tungkol saan ang talata?

2. Ano ang naobserbahan ng nagsasalita sa talata?

3. Saan kaya pumupunta ang mga musikero?

4. Ano ang napansin niya isang gabi?

5. Bakit kaya nagkatrangkaso ang ibang musikero?

6. Pansinin ang mga bantas na ginamit at ang titik ng nga unang salita aa
pangungusap.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sipiin nang maayos ang talata o pangungusap nang may wastong bantas,
baybay at gamit ng maliit at malaking titik.

1. kilala ko po si Kapitan jose torres. Siya ang puno ng aming barrangay.


Tumutulong siya sa paglilinis ng mga daan namin.

2. Si Bb. Lana Acierto ang aming guro sa filipino. Isa siya sa mga paborito
kong goro

PAGSASANAY
GAWAIN 3

Gamitin at isulat ang wastong bantas ng mga sumusunod na


pangungusap.

1. Nagpunta ka na ba sa bahay nina Aling Nena___


2. Marami siyang tanim na mga halamang namumulaklak.
3. Ito ay rosas__ kamya__ sampagita___ at gumamela.
4. Wow__ ang ganda pala ng bahay niya____
5. Kailan kayo babalik doon___
6. Ang sabi niya ay puede tayong pumunta anumang oras____

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng


paksang gagawan ng talata. Ilagay sa manila paper ang nabuong talata at basahin
ng bawat grupo sa harap ng klase.

Unang Pangkat – Ang ginagawa mo parac pangalagaan ang paligid mo.


Ikalawang Pangkat - Ang ginagawa ng mga tao sa inyong lugar na nauukol sa
paglilinis ng paligid

Ikatlong Pangkat – Ang nakikita mo sa daan pagpasok sa paaralan.

TANDAAN

Dapat nating tandaan sa pagsulat ng talata ay ang pagsulat nito nang may
wastong baybay, bantas at ang gamit ng maliit at malaking titik.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

A. Basahin ang grupo ng salita. Tukuyin sa pamamagitan ng pag


salungguhit ng salitang may tamang baybay
1. Linggo lenggo Linggu
2. magkapated magkapatid makapatid
3. paligid paleged paliged
B. Sabihin kung Mali o Tama ang pagkakasulat.Isulat ng wasto kung mali
ang pagkakasulat
nito.
1. Maria Dela Rosa
2. Pusa
3. sta. Clara
4. Naku? gumuho ang lupa!
5. Aray! Kinagat ako ng lamok.
C. Sumulat ng maikling talata na may tatlong pangungusap lamang
tungkol sa iyong sarili.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)

Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong kapatid. Isaalang-alang ang


mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 13
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: Nakasusunod sa napakinggang panuto (1-2


hakbang)
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nasusunod nang tama ang 1-2 hakbang na
panuto.

Saykomotor: Naisasakatuparan ang mga panutong


napakinggan.

Apektiv: Nakatatamo ng kasiyahan sa pasunod sa


panutong napakinggan.

II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pagsunod sa 1-2 hakbang na panutong


napakinggan
B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PN-III-1.2
Kuwento: Sa Pamilihan, Isinulat ni Ciara Jane A.
Santos

C. KAGAMITANG Mga ginunting na gulay at prutas


PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Itanong:
tanong: 1. Naranasan nyo na bang sumama kay Nanay sa
pamimili sa palengke?
2. Ano ang inyong naramdaman?
3. Bakit kayo nasiyahan o nalulungkot habang
namimili kayo ng iyong Nanay sa palengke ?
4. Nabili nyo ba ang lahat ng nais ipabili ni
Nanay?
5. Ano ang iyong ginawa upang mabili ang lahat
ng ipapabili ni Nanay?
Activiti/Gawain

Sabihin:
Ipasok ang lahat ng inyong kagamitan sa loob
ng bag at umupo nang maayos.(Titingnan ng
guro kung sino ang hindi sumunod)

Itanong :
a. Bakit kaya hiningi ko kayong ipasok ang
inyong mga kagamitan sa loob ng inyong bag at
umupo nang maayos?
b. Ano ang mangyari kung hindi ninyo sinunud
ang aking sinabi?
c. Tama ba ang hindi pagsunod sa sinabing
panuto o direksyon? Bakit?

B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Babasahin ng guro ang isang maikling kuwento
(Pamamaraan ng tungkol sa isang bata na matagumpay na
Pagtatalakay) nasunod ang isang panuto.”Sa Pamilihan”

Itanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Saan sila nagpunta?
3. Ano ang ginawa nila doon?
4. Ano-ano ang mga nais ipabili ni Nanay sa
kanyang anak?
5. Paano kaya nabili ng batang babae ang
lahat ng nasa listahan?
6. Mahalaga bang sundin nang tama ang mga
panuto? Bakit?
7. Ano ang mangyayari kung hindi natin
susundin nang tama ang mga panuto?
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Hanapin sa loob ng silid-aralan ang mga prutas at
Gawain gulay na nais ipabili ni Nanay kay Rita. Kung
mahanap ninyo, idikit sa loob ng basket na
nandito sa pisara.

Tingnan kung nasunod bang mga bata ang


panutong narinig at kung tama ba ang lahat ng
mga prutas at gulay na nakadikit sa loob ng
basket.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pass the Message/Message Relay

Pangkatang Gawain: 4 na pangkat. Ang mga


mag-aaral na nasa pinakaunahan ng hanay ay
lalapit sa guro upang pakinggan ang panuto.
Tapos, i-relay niya ito hanggang makarating sa
pinakadulong mag-aaral na siyang gagawa ng
panutong napakinggan.(unang pangkat na
makatama ng 3 ang siyang panalo)

E. PAGLALAHAT Tandaan Natin:


Generalisasyon
Bakit mahalagang makinig at sundin nang
maayos ang mga panuto?
IV. PAGTATAYA Babasahin ng guro ang mga sumusunod na
panuto.

1. Gumuhit ng isang basketbol. Sa loob nito isulat


ang pangalan ng tatay mo.
2. Gumuhit ng isang bulaklak. Sa loob nito isulat
ang pangalan ng iyong nanay.
3. Isulat sa pinaka-ilalim na bahagi ng inyong
papel ang buong pangalan ng inyong guro.
Kulayan ito ng dilaw.

V. TAKDANG ARALIN Basahin at sundin ang panuto.

Gumupit ng isang larawan na nagpapakita


ng isang batang matulungin at idikit ito sa isang
long bond paper. Sumulat ng isang pangugusap
tungkol dito sa ilalim na bahagi ng larawan.
Sesyon: 13

PAKSA: Pagsunod sa 1-2 hakbang na panutong napakinggan

TUKLASIN
Kay sarap mamalengke kasama si Nanay, lalo na kung ikaw ang uutusang
pumili ng mga bibilhin. Ang gawaing ito ay isa sa mga paraan na nagpapatibay sa
relasyon ng ina at ng kanyang anak.

Tingnan ang larawan sa ibaba.

Source: http://a5.mzstatic.com/us/r30/Purple6/v4/9e/e4/e6/9ee4e65a-794d-33ef-6f45-
e412a96ca44a/screen480x480.jpeg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Naranasan nyo na bang sumama kay Nanay sa pamimili sa palengke?


2. Ano ang inyong naramdaman?
3. Bakit kayo nasiyahan o nalulungkot habang namimili kayo ng iyong
Nanay sa palengke ?
4. Nabili nyo ba ang lahat ng nais ipabili ni Nanay?
5. Ano ang iyong ginawa upang mabili ang lahat ng ipapabili ni Nanay?

Gawain 1

Ngayon, sundin ninyo ang sasabihin ng inyong guro. Makinig nang mabuti.

Ipasok ang lahat ng inyong kagamitan sa loob ng bag at umupo nang maayos.
(Titingnan ng guro kung sino ang hindi sumunod)

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:


a. Bakit kaya hiningi ko kayong ipasok ang inyong mga kagamitan sa loob ng
inyong bag at umupo nang maayos?
b. Ano ang mangyari kung hindi ninyo sinunod ang aking sinabi?
c. Tama ba ang hindi pagsunod sa sinabing panuto o direksyon? Bakit?

ALAM MO BA NA...

Hindi masama ang mangarap, ito ay libre para sa lahat.


Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga katanungan
pagkatapos ng kuwento.

Sa Pamilihan

Isinulat ni: Ciara Jane A. Santos

Araw ng Linggo, matapos magsimba nina Nanay Lucing at Rita,


nagpunta sila sa palengke upang mamili ng mga gulay at prutas.

Pagdating na pagdating nila sa pamilihan, kinuha agad ni Nanay


Lucing ang isang listahan ng mga bibilhin nila. Marami ang kanilang
bibilhin kung kaya’t napag-isipan ni Nanay Lucing na utosan si Rita na
bilhin ang iba habang siya naman ang bibili sa iba upang hindi sila
matagalan.

“Rita, anak, puwede bang ikaw ang bumili ng iba nating bilihin
upang hindi tayo masyadong matagalan dito?”, ang wika ni Nanay Lucing
kay Rita.

“Okay po Inay,” ang masiglang sagot ni Rita.

“Sige, ikaw na ang bumili ng mga mansanas, saging, dalandan,


ubas at melon sa tindahan ni Aling Martha. Pagkatapos, pumunta ka sa
gulayan ni Mang Berto upang bumili ng repolyo, talong, upo at ampalaya.
Anak, huwag mong kalimutang piliin ang mga preskong gulay at prutas,
ha.” Ang pakiusap ni Nanay Lucing sa anak.

“Opo inay, kayo ko po ang lahat ng iyon. Sige po, bibilhin ko na po


ang mga ito,” ang pamama-alam ni Rita sa kanyang ina.

Makalipas ang ilang minuto ay masayang umuwi ang mag-ina sa


kanilang bahay dala ang lahat ng mga pinamili nila.

PAGSASANAY
Gawain 3
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong binasa.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Saan sila nagpunta?
3. Ano ang ginawa nila doon?
4. Ano-ano ang mga nais ipabili ni Nanay sa kanyang anak?
5. Paano kaya nabili ng batang babae ang lahat ng nasa listahan?
6. Mahalaga bang sundin nang tama ang mga panuto? Bakit?
7. Ano ang mangyayari kung hindi natin susundin nang tama ang mga
panuto?

Gawain 4

Hanapin sa loob ng silid-aralan ang mga prutas at gulay na nais ipabili ni


Nanay kay Rita. Kung mahanap ninyo, idikit sa loob ng basket na nandito sa pisara.

Tingnan natin kung nasunod ba ninyong mabuti ang panutong narinig at kung
tama ba ang lahat ng mga prutas at gulay na dinikit ninyo sa loob ng basket.

PAGLALAPAT

Pass the message/Message Relay

Bumuo ng apat na pangkat. Ang mga mag-aaral na nasa pinakaunahan ng


hanay ay lalapit sa guro upang pakinggan ang panuto. Tapos, i-relay niya ito
hanggang makarating sa pinakadulong mag-aaral na siyang gagawa ng panutong
napakinggan. (Ang unang pangkat na makatama ng 3 ang siyang panalo)

1. Pununta sa labas ng silid-aralan. Kumuha ng isang tanim na nasa plorera at


dalhin sa harap ng klase.
2. Kumuha ng isang aklat sa Mathematics. Buksan ito sa pahina 158 at
sumigaw ng “Yes! Yo!”.
3. Pumunta sa pisara at isulat sa kabit-kabit na paraan ang pangalan ng iyong
katabi sa upuan.
4. Kumuha ng isang dahong kulay dilaw at idikit ito sa pisara.
5. Isulat sa isang papel ang mga salitang “Maligayang Pasko” at ibigay ito sa
iyong pinakamatalik na kaibigan.

TANDAAN

Upang matagumpay na masunod ang mga panuto, makinig nang


mabuti at tandaan ang mga mahahalagang detalye nito.

PAGSUBOK NG KAALAMAN
Makinig nang mabuti sa mga panutong babasahin ng guro. Pagkatapos ay gawin ang
mga ito nang tama.

1. Gumuhit ng isang basketbol. Sa loob nito isulat ang pangalan ng tatay mo.
2. Gumuhit ng isang bulaklak. Sa loob nito isulat ang pangalan ng iyong nanay.
3. Isulat sa pinaka-ilalim na bahagi ng inyong papel ang buong pangalan ng inyong
guro. Kulayan ito ng dilaw.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Basahin at sundin ang panuto.

Gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng isang batang matulungin at idikit


ito sa isang long bond paper. Sumulat ng isang pangugusap tungkol dito sa ilalim na
bahagi ng larawan.
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 14
Pamantayang Pangnilalaman: a. Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
b. Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng
mga tunog.
c. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan.
Pamantayang Pagganap:
a. Nagagamit ang magalang na pananalita sa
Kompetensi: angkop na sitwasyon-pagtanggap ng panauhin.
b. Nakapagbibigay ng mga salitang
magkatugma.
c. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
nabasang tugma/tula.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nasisipi ang mga salitang magkatugma sa tulang
nabasa.
Nakagaganap ng mga sitwasyon sa pagtanggap
Saykomotor: ng bisita gamit ang magalang na pananalita .
Nakatatamo ng kasiyahan sa paggamit ng
Apektiv: magalang na pananalita sa pagtanggap ng
bisita.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Tula: “Maligayang Pagdating!”

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2WG-IIIa-g-1, F2KP-IIId-9, F2PB-


IIId-3.1.11
“Maligayang Paggdating!””-isinulat ni Ciara Jane
A. Santos
C. KAGAMITANG Tsart ng tula, larawan ng pagtanggap ng bisita,
PAMPAGTUTURO mahahabang piraso ng cartolina
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Itanong:
Pangmotibesyunal na 1. Naranasan nyo na bang tumanggap ng bisita
tanong: sa bahay?
2. Ano ang inyong ginawa?
3. Paano ninyo sila pinatuloy o tinaggap?
4 Ano ang inyong nararamdaman sa tuwing may
bisitang darating sa inyong bahay?

Sabihin:
Activiti/Gawain Tingnan ang larawan.
Itanong :
a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
b. Ano ang ginawa ng pamilya sa bagong
dating?
c. Dapat ba natin silang tularan? Bakit?
B. PAGLALAHAD Ilahad ang tsart sa pamamagitan ng pagpaskil
Abstrakyon ng nito sa pisara.
(Pamamaraan ng Itanong:
Pagtatalakay)
1. Sino ang bisita o panauhin sa kuwento?
2. Saan nanggaling ang panauhin ng pamilya?
3. Ano ang naramdaman ng pamilya nang
dumating ang kanilang bisita?
4. Paano nila tinanggap ang kanilang bisita?
5. Ano-anong mga salita sa tula na ating
binasa ang magkatugma?
(Basahin ang mga pares ng mga salitang
magkatugma)
C. PAGSASANAY Ipabasa ang mga salita na nasa unang hanay.
Mga Paglilinang na Ipahanap nila sa ikalawang hanay ang mga
Gawain salitang tugma sa unang hanay.
Hal. A B
Bisita suklay
Mahal baha
Tuwa lata
Lakbay dasal
Mukha awa
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Bawat pangkat ay magpresenta ng isang


maikling dula-dulaan na nagpapakita ng
kasiyahan at maayos na pagtanggap ng bisita.
Dapat gagamit sila ng magalang na pananalita.
Bigyan ng 3 minuto upang makapaghanda at tig-
iisang minuto para sa presentasyon ng bawat
pangkat.

E. PAGLALAHAT Paano ba natin tatanggapin ang sinumang


Generalisasyon bisita sa ating bahay?

IV. PAGTATAYA Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng tula ng leksiyong ito?


a. Tuloy Po Kayo!
b. Maligayang Araw Po!
c. Maligayang Pagdating!

2. Tungkol saan ang tula?


a. tungkol sa pagmamahal sa pamilya
b. tungkol sa pagtanggap ng bisita
c. tungkol sa pagbabakasyon

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


maayos at magalang na pagtanggap ng bisita?
a. pagmamano at pagbibigay ng makakain
b. hahayaang maghintay sa labas ng
bahay
c. hindi kakausapin ang bisita
4. Alin sa mga salita sa ibaba ang magkatugma
sa salitang kamay?
a. alis b. silya c. bahay

5. Alin ang tamang pares ng mga salita na


magkatugma?
a. puno-pako
b. kahoy-amoy
c. lakas-lakad
V. TAKDANG ARALIN Sumulat ng 3 pares ng mga salitang
magkatugma. Isulat sa assignment notbuk.

Sesyon: 14

PAKSA: Tula: “Maligayang Pagdating!”

TUKLASIN

Kay sarap sa pakiramdam na may darating na bisita sa ating tahanan,


lalo na’t siya ay matagal nang hindi natin nakita o naka-usap man lang.
Paano ba ninyo maipapakita ang malugod na pagtanggap sa inyong bisita?

Source: https://s-media-cache-
ak0.pinimg.com/236x/92/31/e1/9231e171ecd0c355904ae711ba52ee61.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Naranasan nyo na bang tumanggap ng bisita sa bahay?


2. Ano ang inyong ginawa?
3. Paano ninyo sila pinatuloy o tinaggap?
4 Ano ang inyong nararamdaman sa tuwing may bisitang darating sa
inyong bahay?

Gawain 1

Tingnan ang mga sumusunod na larawan.

http://www.clipartkid.com/images/175/grandma- http://img10.deviantart.net/2ab6/i/
https://www.christart.com/IMAGES-art9ab https://thumbs. dreamstime.com/x/
and-granddaughter-clip-art-cmwRFb-clipart.jpg 2006/240/7/4/pagmamano_by_mallowz18.jpg
/clipart/2630/sitting-on-grandmas-lap.png grandmother -little-red-riding-hood
11507966.jpg

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ninyo ang mga sumusunod na mga katanungan batay sa mga


larawan sa itaas.

a. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


b. Ano ang ginawa ng pamilya sa bagong dating?
c. Dapat ba natin silang tularan? Bakit?

ALAM MO BA NA...

Ang pagbabakasyon ay isang paraan upang makapagpahinga at


mapawi ang pagod na dala ng trabaho o upang makasama ang mga
kamag-anak na nasa malayo. Kaya mabuting tanggapin natin nang
maayos ang sinuman mang bibisita sa ating tahanan.
Sa tulang nasa ibaba, malalaman natin kung paano tinanggap
nang maayos ng isang pamilya ang kanilang bisita.

Maligayang Pagdating!
Isinulat ni Ciara Jane A. Santos

Masayang-masaya ang aming pamilya,


Dumating na ang Lola naming galing Maynila,
Walang pagsidlan ang aming tuwa,
Lalo na nang masilayan namin ang kanyang mukha.

Pagmamano’t paghalik sa kamay,


Paghandog ng masasarap na pagkaing luto ni Nanay,
At pagsasaayos ng kanyang matutulugan,
Ay ilan lamang sa ginawa namin upang siya ay pagsilbihan.

Napawi lahat ang kanyang pagod sa paglalakbay,


Dahil sa pag-aasikaso namin na walang humpay.
Sana sa pag-uwi niya ay hindi niya malilimutan
Ang aming pagmamahal sa kanya, na walang hanggan.

PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong binasa.

1. Sino ang bisita o panauhin sa kuwento?


2. Saan naggaling ang panauhin ng pamilya?
3. Ano ang naramdaman ng pamilya nang dumating ang kanilang bisita?
4. Paano nila tinanggap ang kanilang bisita?
5. Ano-anong mga salita sa tula na ating binasa ang magkatugma?

Basahing mabuti ang mga salitang magkatugma. Isa-isahin ang mga tunog ng
mga salitang magkatugma.

Gawain 4

Basahin ang mga salita na nasa unang hanay. Hanapin mo sa ikalawang


hanay ang mga salitang tugma sa unang hanay.

A B

Bisita suklay
Mahal baha
Tuwa lata
Lakbay dasal
Mukha awa

PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain:

Ang bawat pangkat ay magpresenta ng isang maikling dula-dulaan na


nagpapakita ng kasiyahan at maayos na pagtanggap ng bisita. Dapat kayong
gagamit ng magalang na pananalita. Bibigyan kayo ng 3 minuto upang
makapaghanda at tig-iisang minuto para sa presentasyon ng bawat pangkat.

Tapos na ang inyong oras, ngayon tatawagin ko nang paisa-isa ang bawat
pangkat upang magtanghal sa harap ng klase.

TANDAAN

Nararapat lamang na tanggapin natin nang maayos ang sinumang


bibisita sa ating tahanan. Dapat patutuluyin natin sila, aalokan ng pagkain
o inumin, at kung ang bisita ay magtatagal, dapat siguraduhin nating
malinis at maaliwalas ang silid-tulugan nito upang siya ay magiging
komportable.
Dapat din tayong gumamit ng magagalang na salita sa pakikipag-
usap sa mga bisita.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng tula ng leksiyong ito?


a. Tuloy Po Kayo!
b. Maligayang Araw Po!
c. Maligayang Pagdating!

2. Tungkol saan ang tula?


a. tungkol sa pagmamahal sa pamilya
b. tungkol sa pagtanggap ng bisita
c. tungkol sa pagbabakasyon

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos at magalang na pagtanggap


ng bisita?
a. pagmamano at pagbibigay ng makakain
b. hahayaang maghintay sa labas ng bahay
c. hindi kakausapin ang bisita

4. Alin sa mga salita sa ibaba ang magkatugma sa salitang kamay?


a. alis b. silya c. bahay

5. Alin ang tamang pares ng mga salita na magkatugma?


a. puno-pako
b. kahoy-amoy
c. lakas-lakad
TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Sumulat ng 3 pares ng mga salitang magkatugma. Isulat sa assignment


notbuk.

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 15
Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng pagpapaunlad ng kasanayan sa
wasto at maayos na pagsulat.
Pamantayang Pagganap:
Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may
Kompetensi: tamang laki at layo sa isa’t isa.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Naisaalang-alang ang kahalagahan sa pagsulat
sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at
layo sa isa’t isa.

Saykomotor: Nakasisipi ng isang saknong sa tulang nabasa sa


kabit-kabit na paraan.

Apektiv: Nasusunod nang maayos ang tamang paraan ng


pagsulat sa kabit-kabit na paraan.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pagsulat sa kabit-kabit na paraan.

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PU-IIIa-3.3


“Maligayang Pagdating!”-isinulat ni Ciara Jane A.
Santos
C. KAGAMITANG Tsart ng tula, malinis na papel, lapis/bolpen,
PAMPAGTUTURO flashcards
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Balikan natin ang tulang inyong nabasa kahapon.
tanong:
(Pagbalik-aral) Itanong:
1. Ano ang pamagat ng tula na inyong nabasa
kahapon?
2. Tungkol saan ba iyon?
3. Paano ninyo tatanggapin ang inyong bisita?
4. Anong kaugalian ang ipinakita ninyo sa
pagtanggap ng bisita?
Activiti/Gawain

Bigyan ang mga mag-aaral ng mga flashcards.


Ipagpares-pares ang mga salitang isinulat ang
mga titik nang paisa-isa sa mga salitang isinulat
pakabit-kabit.
Hal. Lola-Lola Maynila-Maynila

Itanong :
a. Ano ang inyong nararamdaman habang
ginagawa ninyo ang aktiviti?
b. Nahirapan ba kayo sa pagpapares-pares ng
mga salita? Bakit?
c. Ano ang dapat gawin ng bawat miyembro ng
pangkat upang maisagawa nang maayos ang
nakatakdang gawain?
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Ilahad ang tsart sa pamamagitan ng pagpaskil
(Pamamaraan ng ng nito sa pisara.
Pagtatalakay) Ipabasa muli ang tula na may tamang bilis at
hinto.

Itanong:

1. Paano ba isinulat ang tula na pinamagatang


“Maligayang Pagdating!”?
2. Madali lang bang basahin ang tula? Bakit?
3. Paano ba natin isulat ang tula upang ito
magiging kaakit-akit tingnan?
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Tumawag ng mga mag-aaral upang isulat sa
Gawain pisara sa kabit-kabit na paraan ang bawat salita
sa unang saknong ng tula.

D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain:


Aplikasyon
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng strip ng
cartolina upang isulat sa kabit-kabit na paraan
ang ikalawang saknong::
Pangkat 1 – unang taludtod
Pangkat 2 – ikalawang taludtod
Pangkat 3 – ikatlong taludtod
Pangkat 4 – ika-apat na taludtod
E. PAGLALAHAT Tandaan Natin:
Generalisasyon
Sa pagsusulat sa kabit-kabit na paraan,
dapat ang mga titik ay nasa tamang laki at layo
sa isa’t isa upang madai itong basahin at
maintindihan.

IV. PAGTATAYA Isulat sa kabit-kabit na paraan ang pamagat ng


tula at ang ikatlong saknong nito.

Maligayang Pagdating!

Napawi lahat ang kanyang pagod sa


paglalakbay,
Dahil sa pag-aasikaso namin na walang humpay.
Sana sa pag-uwi niya ay hindi niya malilimutan
Ang aming pagmamahal sa kanya, na walang
hanggan.

V. TAKDANG ARALIN Sipiin sa isang malinis na papel ang saknong


na ito sa kantang “Bahay Kubo”

Bahay Kubo, kahit munti


Ang halaman doon, ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.

Sesyon: 15

PAKSA: Pagsulat sa Kabit-kabit na Paraan

TUKLASIN
“Maligayang pagdating!”
“Tuloy po kayo.”
“Ano po ang gusto ninyong kainin o inumin?”

Ito ay ilan lamang sa mga madalas nating masasabi sa tuwing


may darating na bisita. Ang mga katagang ito ay nagpapakita ng isa
sa mabuting kaugalian ng mga Pilipino – ang pagiging magiliw sa pagtanggap ng
panauhin o bisita.
Source: https://s3.amazonaws.com/lowres.cartoonstock.com/miscellaneous-visitors-
guest-hint-hints-subtle_hints-pjun792_low.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Ano ang pamagat ng tula na inyong nabasa kahapon?


2. Tungkol saan ba iyon?
3. Paano ninyo tatanggapin ang inyong bisita?
4. Anong kaugalian ang ipinakita ninyo sa pagtanggap ng bisita?

Gawain 1

Bibigyan ko kayo ng mga flashcards. Hanapin ninyo ang inyong kapareha


.
Lola - Lola Maynila - Maynila
mukha – mukha pagmano – pagmano
paghalik – paghalik Nanay – Nanay
PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang inyong nararamdaman habang ginagawa ninyo ang aktiviti?


b. Nahirapan ba kayo sa pagpapares-pares ng mga salita? Bakit?
c. Ano ang dapat gawin ng bawat miyembro ng pangkat upang maisagawa
nang maayos ang nakatakdang gawain?

ALAM MO BA NA...
Masarap sa pakiramdam na may nadagdag sa pamilya – at siya ay ang
inyong bisita. Sa pagbalik nila kung saan man ang kanilang lugar, ay
hindi nila malilimutan na may mga taong naging mabait sa kanila at
kayo na rin ay magiging parte na ng kanilang masasayang alaala.

Basahin natin muli ang tula na inyong binasa kahapon.

Maligayang Pagdating!
Isinulat ni Ciara Jane A. Santos

Masayang-masaya ang aming pamilya,


Dumating na ang Lola naming galing Maynila,
Walang pagsidlan ang aming tuwa,
Lalo na nang masilayan namin ang kanyang mukha.

Pagmamano’t paghalik sa kamay,


Paghandog ng masasarap na pagkaing luto ni Nanay,
At pagsasaayos ng kanyang matutulugan,
Ay ilan lamang sa ginawa namin upang siya ay pagsilbihan.

Napawi lahat ang kanyang pagod sa paglalakbay,


Dahil sa pag-aasikaso namin na walang humpay.
Sana sa pag-uwi niya ay hindi niya malilimutan
Ang aming pagmamahal sa kanya, na walang hanggan.

PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa tulang binasa.

1. Paano ba isinulat ang tula na pinamagatang “Maligayang Pagdating!”?


2. Madali lang bang basahin ang tula? Bakit?
3. Paano ba natin isulat ang tula upang ito ay magiging kaakit-akit tignan?

Gawain 4

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral upang isulat sa pisara sa kabit-kabit na


paraan ang bawat salita sa unang saknong ng tula.

Matapos ang gawain, ipupuna ng buong klase ang pagkasulat ng unang


saknong batay sa layo at laki ng pagkasulat nito.

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng strip ng cartolina upang isulat sa kabit-


kabit na paraan ang ikalawang saknong:
Pangkat 1 – unang taludtod
Pangkat 2 – ikalawang taludtod
Pangkat 3 – ikatlong taludtod
Pangkat 4 – ika-apat na taludtod

Pagkatos ng nakatakdang oras, ang bawat pangkat ay maglalahad ng kanilang


ginawa sa harap ng klase upang ito ay mapuna at maiwasto.

TANDAAN

Sa pagsusulat sa kabit-kabit na paraan, dapat ang mga titik ay nasa


tamang laki at layo sa isa’t isa upang madali itong basahin at maintindihan.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat sa kabit-kabit na paraan ang pamagat ng tula at ang ikatlong


saknong nito. Siguraduhing maisulat mo ito na may tamang laki at layo
sa isa’t isa.

Maligayang Pagdating!

Napawi lahat ang kanyang pagod sa paglalakbay,


Dahil sa pag-aasikaso namin na walang humpay.
Sana sa pag-uwi niya ay hindi niya malilimutan
Ang aming pagmamahal sa kanya, na walang hanggan.
TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Sipiin sa isang malinis na papel ang saknong na ito sa kantang “Bahay Kubo” sa
kabit-kabit na paraan.

Bahay Kubo, kahit munti,


Ang halaman doon, ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 16
Pamantayang Pangnilalaman: a. Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng
pagsulat.
b. Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan
sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa
ng iba’t ibang uri ng panitikan.
Pamantayang Pagganap:
a. Napagsunod-sunod ang mga salita batay sa
Kompetensi: alpabeto unang dalawang letra ng salita.
b. Naipapamalas ang paggalang sa ideya,
damdamin at kultura ng may akda ng tekstong
napakinggan o nabasa.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagsasaayos ng mga salita batay sa
alpabeto-una at ikalawang letra ng salita.

Saykomotor: Nakapagbabago ng pagkakasunod-sunod sa mga


salita batay sa alpabeto.

Apektiv: Nakapagmamalas ng paggalang sa ideya,


damdamin at kultura ng may akda ng tulang
nabasa.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pagsasaayos ng mga Salita Batay sa Alpabeto

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2EP-IIIe-1.1, F2PL-Oa-j-3


“Maligayang Paggdating!”-isinulat ni Ciara Jane A.
Santos
C. KAGAMITANG Tsart ng tula, mga larawan na kaugnay sa tula,
PAMPAGTUTURO flashcards
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Balikan natin ang tulang inyong nabasa noong
tanong: nakaraang araw.
(Pagbalik-aral)
Itanong:
1. Ano ang pamagat ng tula na inyong nabasa
kahapon?
2. Ano ang inyong naramdaman nang mabasa
ninyo ang tula?
3. Nagustuhan ba ninyo ang tula? Bakit?
4. Bakit kaya nakasulat ng ganitong tula ang may-
akda nito?

Dapat nating igalang ang ideya, damdamin at


kultura ng may akda sa kahit na anong teksto na
Activiti/Gawain inyong mababasa o mapakinggan na tulad ng tula
na ito.

Ipakita ang mga larawan.


Hal. Maligaya, Pamilya, Lola, Nanay

Itanong : (Isa-isahin ang bawat larawan)


a. Ano ang inyong nakikita sa larawang ito?
b. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?

B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Ipabasa sa mga mag-aaral ang salita sa bawat
(Pamamaraan ng larawan.
Pagtatalakay)
Itanong:
a. Anong titik nagsimula ang salitang maligaya?
pamilya?Lola?Nanay?
b. Alin sa mga titik dito ang nauuna sa alpabeto?
ikalawa?ikatlo?ikaapat?
c. Kaya nyo bang ayusin ang mga salitang ito
batay sa alpabeto?

(Tumawag ng 4 na mag-aaral upang isaayos ang


mga salita batay sa alpabeto.)

Magbigay pa mga karagdagang salita at ipaayos


ang mga ito sa tamang pagkakasunod-sunod.

Hal. A. Tuwa, dumating, humpay amin


B. Mukha, mano, misa, mura
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Ipakuha sa ilalim ng kani-kanilang mga upuan ang
Gawain mga flashcards na may nakasulat na salita.
Ipasaayos ang mga ito batay sa alpabeto.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Sa loob ng 10 segundo, ang mga mag-aaral sa


bawat pangkat ay maghahanay ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod batay sa alpabeto ng
kanilang mga pangalan.

E. PAGLALAHAT Tandaan Natin:


Generalisasyon Dapat sa pagsunod-sunod ng mga salita,
iaayos natin ang mga ito batay sa alpabeto. Kung
ang dalawa o higit pang salita ay parehong
nagsisimula sa parehong alpabeto, ang
pagbabasehan ay ang ikalawang titik ng salita.

IV. PAGTATAYA
Isaayos ang mga sumusunod na pangkat ng mga
salita batay sa alpabeto.

1. lapis, bag, notbuk, krayola


2. kurtina, globo, silya, bintana
3. dukha, dilaw, dahon, doble
4. Bobby, Buboy, Bert, Basty
5. Siaton, Tayasan, Mabinay, Zamboanguita

V. TAKDANG ARALIN Isulat nang wastong pagkakasunod-sunod


batay sa alpabeto ang mga pangalan ng lahat ng
nakatira sa inyong tahanan.
Sesyon: 16

PAKSA: Pagsunod sa 1-2 hakbang na panutong napakinggan

TUKLASIN

Sa lahat ng pagkakataon dapat lamang na tayo ay susunod nang tama


upang hindi magkakaroon ng kaguluhan. Paano kaya pinasunod-sunod ng
guro sa larawan ang mga mag-aaral?

Pero bago ninyo sagutin ang tanong na iyan, balikan muna natin
ang nakaraang tula na inyong nabasa noong nagdaang araw.

Source: http://www.clipartkid.com/images/755/1069991-clipart-female-teacher-and-a-
line-of-diverse-stick-students-cnviIG-clipart.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Ano ang pamagat ng tula na inyong nabasa noong nagdaang araw?


2. Ano ang inyong naramdaman nang mabasa ninyo ang tula?
3. Nagustuhan ba ninyo ang tula? Bakit?
4. Bakit kaya nakasulat ng ganitong tula ang may-akda nito?
Dapat nating igalang ang ideya, damdamin at kultura ng may akda sa kahit
na anong teksto na inyong mababasa o mapakinggan na tulad ng tula na ito.
Gawain 1

Alamin ang mga sumusunod na larawan.

(Maligaya)
http://t2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQMHoDmWppBzAKU9-
oEyIfHueZhYNeitOkgd0Z8ggtbCHDsktX-

(Pamilya)
http://previews.123rf.com/images/tigatelu/tigatelu1501/tigatelu150100088/35858753
-Happy-family-cartoon-Stock-Vector.jpg

(Lola)
http://www.stockmaxx.com/image-previews/cartoon-grandma-sitting-in-armchair-
1795059.jpg

(Nanay)
http://nutritionpotli.com/wp-content/uploads/2016/06/mom.jpg
PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan: (Iisa-isahin ng guro


ang bawat larawan)

a. Ano ang inyong nakikita sa larawang ito?


b. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?

ALAM MO BA NA...

Ang pagsasaayos ng mga salita nang paalpabeto ay isang paraan upang ang
lahat ay maging maayos. Sa pagtawag ng inyong guro, kayo ay tinatawag ayon sa
paalpabetong pagkasunod-sunod ng inyong mga apelyido, upang hindi magiging
magulo ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa bawat mag-aaral.

Basahin ang mga salitang ito.

masaya Lola
pamilya Nanay

a. Anong titik nagsimula ang salitang maligaya?pamilya?Lola?Nanay?


b. Alin sa mga titik dito ang nauuna sa alpabeto?ikalawa?ikatlo?ikaapat?
c. Kaya nyo bang ayusin ang mga salitang ito batay sa alpabeto?

Tatawag ang guro ng apat na mag-aaral upang isaayos ang mga salita batay sa
alpabeto. Pagkatapos, ibahagi sa klase kung paano ninyo napagsunod-sunod ang mga
salita.

PAGSASANAY
Gawain 3

Basahin ang mga sumusunod na mga pangkat ng salita at ayusin ang


mga ito sa tamang pagkakasunod-sunod batay sa alpabeto.

A. Tuwa, dumating, humpay, amin


B. Mukha, mano, misa, mura

Gawain 4

Kunin mo sa ilalim ng iyong upuan ang mga flashcards na may nakasulat na


salita.
Isaayos ang mga ito batay sa alpabeto.

(Ang mga salita ay batay sa kagustuhan ng guro. Ang mga salita ay dapat
nagsisimula sa parehong titik magkaiba ang mga pangalawang titik)

Alamin kung tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga salita.

PAGLALAPAT

Ayusin Natin(Pangkatang Gawain)

Sa loob ng sampung bilang, ang bawat hanay ng mga mag-aaral ay tatayo at


mag-titipon-tipon.
Bibilang ang guro ng sampu upang isaayos ng bawat miyembro ng pangkat ang
kanilang mga sarili batay sa alpabeto ng kanilang mga pangalan.

TANDAAN

Dapat sa pagsunod-sunod ng mga salita, iaayos natin ang mga ito


batay sa alpabeto. Kung ang dalawa o higit pang salita ay parehong
nagsisimula sa parehong alpabeto, ang pagbabasehan ay ang ikalawang titik
ng salita.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isaayos ang mga sumusunod na pangkat ng mga salita batay sa alpabeto.

1. lapis, bag, notbuk, krayola


2. kurtina, globo, silya, bintana
3. dukha, dilaw, dahon, doble
4. Bobby, Buboy, Bert, Basty
5. Siaton, Tayasan, Mabinay, Zamboanguita
TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Isulat sa wastong pagkakasunod-sunod batay sa alpabeto ang mga


pangalan ng lahat ng nakatira sa inyong tahanan.
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 17
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: Naiuulat nang pasalita ang mga napanood sa


telebisyon.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakagugunita sa mahahalagang pangyayari sa
mga napanood sa telebisyon.

Saykomotor: Nakapag-uulat nang pasalita tungkol sa


napanood sa telebisyon.

Apektiv: Nakapagmamalas ng paggalang sa mga taong


may kapansanan.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Balita: Batang May Balikong Binti, Pursigido Pa


Ring Makapag-aral
B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PS-IIe-3.2
24Oras: Batang May Balikong Binti, Pursigido Pa
Ring Makapag-aral
C. KAGAMITANG Computer, projector
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Itanong:
Pangmotibesyunal na 1. Nakapanood naba kayo ng balita?
tanong: 2. Ano-anong klase ng mga balita ang inyong
napanood?
3. Mahalaga ba ang panonood ng balita? Bakit?

Magpakita ng isang larawan ng babae na may


mga balikong na paa.

Activiti/Gawain Itanong :
a. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
b. Ano ang inyong nararamdaman nang makita
ang larawan?
c. Kung kayo ang nasa kalagayan niya, ano-ano
ang inyong gustong gawin?
d. Kung may kakilala o makikita kayong tao na
may ganitong kapansanan, ano ang inyong
gagawin?
B. PAGLALAHAD Ipakita ang video ng balita sa 24 Oras.
Abstrakyon
(Pamamaraan ng Itanong:
Pagtatalakay)
a. Sino ang nasa balita?
b. Tungkol saan ba ang inyong napanood na
balita?
c. Ano ang gustong-gusto na magawa ng tauhan
sa balita?
d. Sa tingin niyo ba makapagtapos siya ng pag-
aaral? Bakit?

Ipakita muli ang video.

Tumawag ng ilang mag-aaral upang kumpletuhin


ang chart sa ibaba.

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Tumawag ng ilang mag-aaral upang maiulat ang
Gawain napanood na balita.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Sa loob ng 1 minuto, paghandain ang mga


mag-aaral ng kanilang ulat sa napanood na
balita. Pagkatapos, tawagin ang bawat pangkat
upang makapag-ulat sa harap ng klase.

E. PAGLALAHAT
Generalisasyon Ano ang ating gagawin upang maiulat natin
nang maayos ang mga balitang napanood natin
sa telebisyon?

IV. PAGTATAYA
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang bata sa balitang inyong napanood?


a. Gina b. Jean c. Jairah
2. Saan nakatira ang batang babae sa balita?
a. Laguna b. Cavite c.
Batangas
3. Ano ang naging problema ng batang babae sa
balita?
a. may kapansanan siya
b. hindi siya makapag-aral
c. wala siyang mga magulang
4. Bakit gustong maoperahan ng batang babae
sa balita?
a. para makapunta sa ibang bansa
b. para maging mas maganda
c. para maging madali sa kanya ang pag-aaral
5. Kung kayo ay may kakayahan na tulungan siya
para maoperahan, ano ang inyong gagawin?
a. tutulungan ko siya sa abot ng aking
makakaya
b. tutulungan ko siya kung sasabihin ng guro
c. tutulungan ko siya upang maging sikat ako

V. TAKDANG ARALIN Manood ng balita ngayong gabi. Ihanda ang


iyong sarili sa pag-ulat sa harap ng klase ng
iyong napanood na balita.

Sesyon: 17

PAKSA: Balita: Batang May Balikong Binti, Pursigido Pa Ring Makapag-aral

TUKLASIN

Ang sarap mananalagi sa loob ng ating bahay, lalo na’t mayroong


telebisyon na makakapanood tayo ng iba’t ibang bagay. Sa panonood
ng telebisyon, hindi natin maikakaila na may mabuti at di mabuting naidudulot sa
mga manonood ang mga ipinapalabas dito.

Kaya, mga bata, dapat kayong maging mapanuri sa lahat ng mga pinanonood
ninyo sa telebisyon.
Source: http://image.shutterstock.com/z/stock-vector-family-watching-news-on-tv-
vector-illustration-big-family-sitting-on-the-couch-in-the-room-and-400532746.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Nakapanood naba kayo ng balita?


2. Ano-anong klase ng mga balita ang inyong napanood?
3. Mahalaga ba ang panonood ng balita? Bakit?

Gawain 1

Ipakita ang larawan ng isang batang babaeng may mga balikong paa.
Source: http://i3.ytimg.com/vi/1mScAPsRIq8/0.jpg

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Itanong ang mga sumusunod na mga katanungan:


a. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
b. Ano ang inyong nararamdaman nang makita ang larawan?
c. Kung kayo ang nasa kalagayan niya, ano-ano ang inyong gustong
gawin?
d. Kung may kakilala o makikita kayong tao na may ganitong
kapansanan, ano ang inyong
gagawin?

ALAM MO BA NA...

May maraming bagay na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos, isa na


ditto ang buhay na hiram lamang natin sa kanya. Hindi man siguro tayo
perpekto, ngunit, dapat nating malaman na may maraming tao na
pinapangarap ang buhay na ating tinatamasa mgayon.

Tunghayan natin ang isang kuwento ng isang batang hindi nawawalan ng pag-
asa sa buhay sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan nito.

Panoorin ang balita.

Source:
http://www.gmanetwork.com/news/video/214448/24oras/batang-may-balikong-binti-pursigido-pa-ri
ng-mag-aral-sa-kabila-ng-kalagayan
https://youtu.be/1mScAPsRIq8 https://youtu.be/1mScAPsRIq8
PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa balitang napanood.

a. Sino ang nasa balita?


b. Tungkol saan ba ang inyong napanood na balita?
c. Ano ang gustong-gusto na magawa ng tauhan sa balita?
d. Sa tingin nyo ba makapagtapos siya ng pag-aaral? Bakit?

Gawain 4

Panoorin muli ninyo ang balita.

Kumpletuhin ang tsart sa ibaba batay sa balitang inyong napanood.

Pamagat

Tauhan: Tagpuan:

Gawain 5

Ngayon, subukan ninyong iulat ang inyong napanood na balita. Huwag


ninyong kalilimutan ang mga mahahalagang detalye nito na nasa tsart.

PAGLALAPAT

Iulat Mo!

Bumuo ng pangkat. Pumili ng isang balitang inyong napanood sa telebisyon.


Sikaping maiulat ito muli sa harap ng inyong mga kaklase.
TANDAAN

Kung manonood ng balita sa telebisyon, dapat na tatandaan ang mga


mahahalagan impormasyon o detalye nito upang maiulat muli nang maayos.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang bata sa balitang inyong napanood?


a. Gina b. Jean c. Jairah

2. Saan nakatira ang batang babae sa balita?


a. Laguna b. Cavite c. Batangas

3. Ano ang naging problema ng batang babae sa balita?


a. may kapansanan siya
b. hindi siya makapag-aral
c. wala siyang mga magulang

4. Bakit gustong maoperahan ng batang babae sa balita?


a. para makapunta sa ibang bansa
b. para maging mas maganda
c. para maging madali sa kanya ang pag-aaral

5. Kung kayo ay may kakayahan na tulungan siya para maoperahan, ano ang inyong
gagawin?
a. tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya
b. tutulungan ko siya kung sasabihin ng guro
c. tutulungan ko siya upang maging sikat ako

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 6 (Kasunduan)

Manood ng balita ngayong gabi. Ihanda ang iyong sarili sa pag-ulat sa


harap ng klase ng iyong napanood na balita.

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 18
Pamantayang Pangnilalaman: a. Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi
ng aklat at kung paano ang ugnayan ng simbolo
at wika.
b. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan
upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at
di-pamilyar na salita.
Pamantayang Pagganap:
Kompetensi: a. Natutukoy kung paano nagsisimula at
nagtatapos ang isang pangungusap.
b. Nababasa ang batayang talasalitaan.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos
ang isang pangungusap.

Saykomotor: Nakababasa nang wasto ng mga salita na hindi


gaanong pamilyar.

Apektiv: Pagkakaroon ng malasakit sa mga taong may


kapansanan.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Balita: Batang May Balikong Binti, Pursigido Pa


Ring Makapag-aral
B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2AL-IIIe-j-12, F2PP-IIIe-2.1
24Oras: Batang May Balikong Binti, Pursigido Pa
Ring Makapag-aral
C. KAGAMITANG Computer, projector
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na
tanong: Itanong:
1. Naranasan nyo na bang magkaroon ng
kaibigang may kapansanan?
2. Paano ninyo sila tinatrato?
3. Ano ang inyong nararamdaman at gagawin
dahil sa kayo ay walang kapansanan?

Activiti/Gawain
Ipakita muli ang video ng balita na napanood
noong nakaraang araw.

Itanong :
a. Ano ang inyong realisasyon pagkatapos
mapanood ang balita?
b. Paano ninyo matutulungan si Jairah?

B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Ilahad ang ilan sa mga pangugusap na kaugnay
(Pamamaraan ng ng balitang napanood.
Pagtatalakay) Ipabasa ang mga pangungusap.

1. Si Jairah ay isang batang may kapansanan.


2. Nakatira siya sa probinsya ng Batangas.
3. Gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral
kahit na may kapansanan siya.
4. Nanghihingi siya ng tulong upang siya ay
maoperahan.
5. Umaasa si Jairah na makakalakad uli siya nang
maayos.
Talakayin kung paano nagsisimula at nagtatapos
ang bawat pangungusap.

Ipabasa ang mga sumusunod na salita na


ginamit sa mga pangungusap.

Kapansanan nakatira
probinsiya Pag-aaral
tulong Maoperahan
umaasa makakalakad

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng


depenisyon ng bawat salitang nasa itaas.

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Ipabasa muli ang mga pangungusap. Tiyaking
Gawain mababasa ng mga mag-aaral nang maayos ang
mga salita.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Bibigyan ng strip board ang bawat pangkat.


Ipasusulat sa mga mag-aaral ang mga
pangungusap na ididikta ng guro.

1. Si Jairah ay maganda.
2. Mahaba ang kanyang buhok.
3. Mahal siya ng kanyang Nanay.
4. Gusto niyang maoperahan.
5. Mabait na bata si Jairah.

E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon Dapat sa pagsulat ng isang pangungusap,
ito ay magsisimula sa malaking titik at
magtatapos ng tuldok.

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang bilang
kung ang pangungusap ay wasto ang pagkasulat
at ekis (x) naman kung hindi.

______ 1. Nag-aaral nang mabuti si Jairah.


______ 2. mahal din ni Jairah ang kanyang Nanay.
______ 3. Nais ni Jairah na makapagtapos ng pag-
aaral.
______ 4. Maraming tao ang tutulong kay Jairah
______ 5. Sana ay matupad niya ang kanyang
pangarap.
V. TAKDANG ARALIN Isulat ang sumusunod na pangungusap nang
maayos sa kabit-kabit na paraan.

1. tulungan natin ang mga taong may


kapansanan
2. huwag tayong mawalan ng pag-asa

Sesyon: 18

PAKSA: Balita: Batang May Balikong Binti, Pursigido Pa Ring Makapag-aral


TUKLASIN

“Narito ako, kaibigan ko.” Sa halip na pagtawanan ay ito ang mga katagang
dapat nating sasabihin sa mga taong may mga kapansanan.

Source:
http://previews.123rf.com/images/carlacastagno/carlacastagno1209/carlacastagno12
0900017/15300877-Jolie-fille-blonde-sur-le-fauteuil-roulant-la-cour-de-r-cr-ation-avec-
des-amis-Banque-d'images.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Naranasan nyo na bang magkaroon ng kaibigang may kapansanan?


2. Paano ninyo sila tinatrato?
3. Ano ang inyong nararamdaman at gagawin dahil sa kayo ay walang
kapansanan?

Gawain 1

Panoorin muli ang balitang inyong napanood kahapon. Tungkol saan ang
balitang inyong napanood?
Source: http://www.gmanetwork.com/news/video/214448/24oras/batang-may-
balikong-binti-pursigido-pa-ring-mag-aral-sa-kabila-ng-kalagayanhttps

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang inyong realisasyon pagkatapos mapanood ang balita?


b. Paano ninyo matutulungan si Jairah?

ALAM MO BA NA...

May maraming paraan na maari nating maitulong sa mga batang may


kapansanan. Ang pagtulong sa iba ay nagpapakita ng pagiging mabait
at maalalahanin. Ang pagiging isang kaibigan ay napakalaking tulong na
sa mga batang katulad ni Jairah na may kapansanan.

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na kaugnay sa balitang


inyong napanood.

1. Si Jairah ay isang batang may kapansanan.


2. Nakatira siya sa probinsya ng Batangas.
3. Gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral kahit na may kapansanan siya.
4. Nanghihingi siya ng tulong upang siya ay maoperahan.
5. Umaasa si Jairah na makakalakad uli siya nang maayos.
PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano nagsisimula ang bawat pangungusap?


2. Paano naman nagtatapos ang bawat pangungusap?
3. Paano naman isinusulat ang mga ngalan ng tao at lugar na nasa
pangungusap?

Gawain 4

Basahin ang mga sumusunod na salita. Gamitin ang mga salita sa


pangungusap.

Kapansanan nakatira probinsiya


Pag-aaral tulong
Maoperahan umaasa makakalakad

Gawain 5

Basahing muli ang mga pangungusap. Tiyaking mabasa ninyo ang mga ito
nang maayos.

1. Si Jairah ay isang batang may kapansanan.


2. Nakatira siya sa probinsya ng Batangas.
3. Gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral kahit na may kapansanan siya.
4. Nanghihingi siya ng tulong upang siya ay maoperahan.
5. Umaasa si Jairah na makakalakad uli siya nang maayos.

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Sa strip board na hawak ninyo, isulat ang mga pangungusap na ididikta ng


inyong guro. Tiyaking maisulat ninyo nang maayos ang bawat pangungusap.

1. Si Jairah ay maganda.
2. Mahaba ang kanyang buhok.
3. Mahal siya ng kanyang Nanay.
4. Gusto niyang maoperahan.
5. Mabait na bata si Jairah.

TANDAAN
Dapat sa pagsulat ng isang pangungusap, ito ay magsisimula sa
malaking titik at magtatapos ng tuldok.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang bilang kung ang pangungusap
ay wasto ang pagkasulat at ekis (x) naman kung hindi.

______ 1. Nag-aaral nang mabuti si Jairah.


______ 2. mahal din ni Jaira ang kanyang Nanay.
______ 3. Nais ni Jairah na makapagtapos ng pag-aaral.
______ 4. Maraming tao ang tutulong kay Jairah
______ 5. Sana ay matupad niya ang kanyang pangarap.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 6 (Kasunduan)

Isulat ang sumusunod na pangungusap nang maayos sa kabit-kabit na


paraan.

1. tulungan natin ang mga taong may kapansanan


2. huwag tayong mawalan ng pag-asa
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 19
Pamantayang Pangnilalaman: a. Nagkakaroon ng pagpapaunlad na kasanayan
sa wasto at maayos na pagsulat.
b. Naipapamalas ang pagpapahalaga at
kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng
panitikan.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: a. Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may


tamang laki at layo sa isa’t isa malaki at maliit
na letra mga salita.
b. Nakasusulat ng sariling talatang may wastong
baybay, bantas at gamit ng maliit at malaking
letra.
c. Naunawaan ang kahalagahan ng mga
nilalaman ng panitikan/teksto.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapag-uugnay sa wastong laki at maliit na
letra na ginagamit sa salita.

Saykomotor: Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may


tamang laki at layo sa isa’t isa-malaki at maliit
na letra ng mga salita.

Apektiv: Napapanatili ang wastong pagsulat ng malaki at


maliit na titik.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pagsulat sa kabit-kabit na paraan na may


tamang laki at layo sa isa’t isa-malaki at maliit
na letra sa mga salita.
B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PU-Ie-g-3.1, F2KM-IIIbce-3.2,
F2PL-Oa-j-5
Ang Bagong Batang Pinoy LM p. 334
C. KAGAMITANG Larawan ng pasko, concept map, flashcards
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na
tanong: Itanong:
1. Anong okasyon sa buong taon ang paborito
ninyo?
2. Kailan ba kayo nakakatanggap ng regalo?
3. Bakit masaya sa bawat tahanan tuwing Pasko?

Activiti/Gawain Magpakita ng ilang larawan na nagpapakita ng


pagdiriwang ng pasko.

Sa pamamagitan ng concept map, ipatukoy sa


mga bata ang mga ideya kaugnay sa Pasko.
Talakayin ito.

B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Babasahin ng guro ang kuwento na
(Pamamaraan ng pinamagatang “Ang Pamimili ni Aling Sonia”, LM
Pagtatalakay) p 334.

Itanong: (Isulat sa pisara ang mga sagot)

1. Sino ang abala sa pamimili?


2. Saan namili si Aling Sonia?
3. Ano ang okasyon at siya ay namili ng mga
pang-regalo?

Ipabasa ang mga sagot na nakasulat sa pisara.

Tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat ang


mga sagot sa kabit-kabit na paraan.

Aling Sonia Divisoria


Pasko
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Tumawag ng ilang mag-aaral upang
Gawain makapagbigay ng pangungusap na ginagamitan
ng mga salitang nasa itaas. Pag-isaisahin ang
mga pangungusap upang makabuo ng isang
talata.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:
Sa isang malinis na papel, isulat mula ang
nabuong talata sa kabit-kabit na paraan.
E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon Dapat pagbutihin ang pagsulat ng mga
salita, parirala at maging talata.

IV. PAGTATAYA
Isulat muli ang talata sa ibaba. Dapat isaalang-
alang ang wastong pagkasulat ng malaki at
maliit na titik.
Ako ay si Mary. Nakatira ako sa Burgos
Street, Siaton, Negros Oriental. Ang mga
magulang ko ay sina G. John Reyes at Gng. Maria
Reyes.

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng isang talata sa kabit-kabit na
paraan na binubuo ng 2-3 pangungusap tungkol
sa iyong pamilya.

Sesyon: 19

PAKSA: Pagsulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t isa-
malaki at maliit na letra sa mga salita.

TUKLASIN

Pasko, ito ay ang araw ng kapanganakan ni Jesus. Ito ay sumusimbolo


ng pagbibigayan at pagmamahalan ng lahat ng sangkatauhan. Paano
mo ba ipinadiriwang ang Pasko?
Source: http://pictures.4ever.eu/data/download/holidays/christmas/christmas-tree,-
cartoon-children,-snow-136761.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Anong okasyon sa buong taon ang paborito ninyo?


2. Kailan ba kayo nakakatanggap ng regalo?
3. Bakit masaya sa bawat tahanan tuwing Pasko?

Gawain 1

Alamin ang mga sumusunod na larawan.

a. Maga baatang nagpalitan ng mga regalo.


http://previews.123rf.com/images/lenm/lenm1012/lenm101200328/8427201-
Illustration-of-a-Boy-and-Girl-Exchanging-Gifts-Stock-Illustration-cartoon-
christmas-kids.jpg

b. Ang pamilya ay nagsalo-salo tuwing Pasko.


http://www.clipartkid.com/images/98/christmas-dinner-big-happy-family-
together-hand-drawing-illustration-rDLNkV-clipart.jpg

c. Ang mga bata ay namamasko sa mga


kabahayan.
http://image.shutterstock.com/z/stock-vector-happy-family-singing-carols-in-
front-of-christmas-tree-at-home-323732177.jpg

d. Nagpupunta ang pamilya sa simbahan para sa


simbang-gabi.
http://imageenvision.com/450/33512-christmas-clipart-of-a-man-and-woman-
singing-otuside-a-church-while-an-angel-topps-a-christmas-tree-with-a- star-by-maria-
bell.jpg

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Ano-ano ang mga salitang mai-uugnay ninyo sa salitang PASKO? Isulat


sa mga talulot ang inyong mga sagot.(concept map)
PASKO

ALAM MO BA NA...

Dapat hindi lamang tuwing Pasko tayo nagbibigayan at


nagmamahalan, kundi maari ay gawin nating araw-araw ay Pasko.

Basahing mabuti ang kuwento at pagkatapos ay sagutin ang mga


katanungan.

Ang Pamimili ni Aling Sonia

Malapit na araw ng Pasko. Abala si Aling Sonia sa pag-aayos ng


kanyang listahan ng mga bibilhin para sa mga anak. Kasama niya si
Bing nang pumunta sa Divisoria. Bumili siya ng dalawang t-shirt at
dalawang pantalon para sa mga anak na lalaki. Isang bestida naman
para sa anak na babae at limang pares ng sapatos.

Pinagkakasya niyang mabuti ang kanyang dalang pera. Pinipili


niya ang mga gawa sa ating bansa dahil naniniwala siya na magaganda
at matitibay ang mga ito.

Masayang umuwi si Aling Sonia. Nabili niyang lahat ang nasa


listahan.
PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong


binasa.
1. Sino ang abala sa pamimili?
2. Saan namili si Aling Sonia?
3. Ano ang okasyon at siya ay namili ng mga pang-regalo?

Gawain 4

Basahin muli ang mga sagot na nakasulat sa pisara. Kaya mo bang isulat ang
mga salita sa ibaba nang kabi-kabit.

Aling Sonia Divisoria Pasko

Gawain 5

Bumuo ng tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang


pangungusap na gamit ang mga salitang nasa ibaba.
Aling Sonia Divisoria Pasko
Pagdugtong-dugtungin ninyo ang mga pangungusap na binuo ng bawat
pangkat upang makabuo ng isang talata.

PAGLALAPAT

Kumuha ng papel at isulat sa kabit-kabit na paraan ang nabuong talata.

TANDAAN

Dapat pagbutihin ang pagsulat ng mga salita, parirala at maging


talata.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat muli ang talata sa ibaba sa kabit-kabit na paraan. Dapat


isaalang-alang ang wastong pagkasulat ng malaki at maliit na titik.

Ako ay si Mary. Nakatira ako sa Burgos Street, Siaton, Negros


Oriental. Ang mga magulang ko ay sina G. John Reyes at Gng. Maria Reyes.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 6 (Kasunduan)

Sumulat ng isang talata sa kabit-kabit na paraan na binubuo ng 2-3


pangungusap tungkol sa iyong pamilya.
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 20
Pamantayang a. Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
Pangnilalaman: pag-unawa sa napakinggan.
b. Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
Pamantayang
Pagganap:

Kompetensi: a. Naibibigay ang paksa o kaisipan ng tugma/tulang


napakinggan.
b. Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang paksang
napakinggan.
I. LAYUNIN
Naibibigay ang paksa o kaisipan ng tugma/tulang
Kaalaman: napakinggan.

Naipahahayag ang paksa o kaisipan ng tugma/tulang


Saykomotor: napakinggan.

Napapanatili ang pagkakaroon ng malusog na


Apektiv: pangangatawan.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Tula: “Ang Batang Malusog”

B. CG Filipino 2: F2PN-IIIf-7, F2PS-IIIa-g-5.3


SANGGUNIAN
C. Larawan ng isang batang malusog at payat at mga
KAGAMITANG masustansiyang pagkain na natukoy sa tula, tsart ng tula
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A.
PAGHAHANDA Ipakita ang mga larawan ng mga masustansiyang pagkain.

Pangmotibesyunal na Itanong:
tanong: 1. Ano-ano ang mga nasa larawan?
2. Nakakain o nakainom naba kayo ng mga ito?
3. Nakakatulong ba sa inyo ang mga pagkain at inumin na
nasa mga larawan? Paano?
4. Kung kakain at iinom kayo palagi ng mga tulad ng mga ito,
ano ang mangyayari sa inyo? Bakit?

Ipakita ang larawan ng batang malusog, payat o sakitin at


mataba.

Itanong:
Activiti/Gawain
1. Alin sa tatlong batang ito ang ilalagay natin sa gitna ng
mga larawan ng masustansiyang pagkain at inumin?
2. Bakit ang batang ito ang inyong napili?
3. Bakit hindi ninyo pinili ang dalawang iba pang larawan?
B.
PAGLALAHAD Babasahin ng guro ang tula na pinamagatang “Ang Batang
Abstrakyon Malusog” at ang mga bata ay makikinig habang binabasa ng
guro ang tula na nasa tsart.
(Pamamaraan ng
Pagtatalakay) Itanong:

1. Tungkol saan ang tula?


2. Ano-ano ang mga dapat kainin ng isang bata upang siya ay
maging malusog?
3. Kayo din ba ay kumakain ng mga masustansiyang pagkain?
Bakit?

Babasahin muli ng guro ang tula nang pasaknong.

Itanong:

1. Ano ba ang paksa sa unang saknong? Ikalawa? Ikatlo?


2. Bakit nyo nasabing ang mga ito ang paksa ng bawat
saknong?
3. Paano ninyo natukoy ang paksa ng bawat saknong?

C.
PAGSASANAY Basahin nang paisa-isa ang bawat tig-dalawang taludtod at
Mga tumawag ng mga mag-aaral upang makapagtukoy ng paksa.
Paglilinang na
Gawain

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Basahin ang bawat saknong. Isulat kung ano ang paksa ng
bawat saknong.

1. _____________________

2. _____________________

3. _____________________
E. PAGLALAHAT Itanong:

Generalisasyon Paano ba natin matutukoy ang paksa ng isang


tugma/tula?

IV. PAGTATAYA
Basahin ang bawat saknong. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot. Isulat lamang ang titik.

a. Dapat panatilihing malinis an gating katawan upang


hindi magkasakit dulot ng bacteria.

b. Ikinararangal ng kanyang pamilya at bansa ang isang


batang malusog.

c. Masayahin ang isang batang malusog, hindi lamang


ang katawan kundi pati ang kanyang isipan.

1.

2.

3.

V. TAKDANG ARALIN
Ano ang paksa ng tulang ito?
Sesyon: 20

PAKSA: Tula: “Ang Batang Malusog”

TUKLASIN
Ikaw ba ay isang batang malusog? Patunayan ang iyong sagot.
Hindi tama ang kaisipan na ang mga prutas at gulay ay para lamang sa
mga nakatatanda. Dahil ikaw ay bata pa, mas nangangailangan ang
iyong katawan ng sapat na sustansiya galing sa mga prutas at gulay.

Ika nga “Ang pag-iwas sa sakit ay mas mabuti kaysa sa paglunas”. Kaya,
kumain ng gulay upang maiwasang magkasakit at maging malnourished.

Source: http://www.clipartkid.com/images/63/displaying-19-images-for-healthy-food-
funny-cartoon-gewPNB-clipart.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:
1. Ano-ano ang mga nasa larawan?
2. Nakakain o nakainom nab a kayo ng mga ito?
3. Nakakatulong ba sa inyo ang mga pagkain at inumin na nasa mga larawan?
Paano?
4. Kung kakain at iinom kayo palagi ng mga tulad ng mga ito, ano ang
mangyayari sa inyo?
Bakit?

Gawain 1

Suriin ang mga sumusunod na mga larawan.

Source: http://www.clipartkid.com/images/5/vegetable-clipart-gir
http://image.shutterstock.com/z/stock-vector-cartoon-vector-illustration-of-
skinny-
l-eating-salad-831-classroom-clipart-fFM8tE-clipart.jpg hungry-poor-african-
child-and-happy-overweight-wealthy-123332800.jpg

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Alin sa tatlong batang ito ang ilalagay natin sa gitna ng mga larawan ng
masustansiyang pagkain at inumin?
2. Bakit ang batang ito ang inyong napili?
3. Bakit hindi ninyo pinili ang dalawang iba pang larawan?

ALAM MO BA NA...

Maraming paraan upang magkaroon tayo ng malusog na katawan. Isa


sa pinaka-mainam na paraan ay ang pakain ng mga masusutansiyang
pagkain tulad ng mga prutas at gulay at ang pag-inom ng
masustansiyang inumin kagaya ng gatas at juice na mula sa sariwang
prutas at gulay.
Basahin mo ang tula sa ibaba.

PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa tulang binasa.

1. Tungkol saan ang tula?


2. Ano-ano ang mga dapat kainin ng isang bata upang siya ay maging malusog?
3. Kayo din ba ay kumakain ng mga masustansiyang pagkain? Bakit?
Babasahin muli ng iyong guro ang tula nang pasaknong. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong batay sa tulang binasa.

1. Ano ba ang paksa sa unang saknong? Ikalawa? Ikatlo?


2. Bakit niyo nasabing ang mga ito ang paksa ng bawat saknong?
3. Paano ninyo natukoy ang paksa ng bawat saknong?

Gawain 4

Alamin mo kung ano-ano ang mga paksa sa bawat tigda-dalawang taludtod sa


tulang “Ang Batang Malusog”.

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain

Basahin ang bawat saknong. Isulat kung ano ang paksa ng bawat saknong.

1. _____________________
2. _____________________

3. _____________________

TANDAAN

Matutukoy natin ang paksa ng isang tula sa


pamamagiutan ng pagbasa nang maayos at pag-intindi sa
nais nitong maipa-alam sa lahat ng mga tao.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin ang bawat saknong. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.
Isulat lamang ang titik.

a. Dapat panatilihing malinis ang ating katawan upang hindi magkasakit dulot ng bacteria.

b. Ikinararangal ng kanyang pamilya at bansa ang isang batang malusog.

c. Masayahin ang isang batang malusog, hindi lamang ang katawan kundi pati ang kanyang
isipan.

1.
2.

3.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Ano ang paksa ng tulang ito?

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 21
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman


ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit
ng mga palatandaang nagbibigay ng
kahulugan(sitwasyong pinaggamitan ng salita)
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagbibigay ng kahulugan sa mga salita
gamit ang mga pahiwatig na nasa sitwasyong
pinaggamitan ng salita.

Saykomotor: Nakapag-uugnay-ugnay ng mga salitang


magkasing-kahulugan sa pamamagitan ng
pahiwatig na ginamit sa sitwasyon.

Apektiv: Nakapamamalas ng paggalang sa lahat ng tao


anuman ang kanilang kasarian, kulay at edad.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Kuwento: “Titser Gosoy”

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PT-IIIf-1.8


Ang Bagong Batang Pinoy, LM pp. 390-392
C. KAGAMITANG Larawan ng isang guro at mga batang nag-uusap
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ipakita ang mga larawan ng isang guro na may
tanong: mga batang nag-uusap.

Itanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
2. Tungkol saan kaya ang pinag-uusapan ng mga
mag-aaral?
3. Bakit kaya napag-uusapan nila ang kanilang
Activiti/Gawain guro?

Gamit ang concept map, ipasulat sa palibot ng


salitang TITSER ang mga salitang kanilang mai-
uugnay dito.
Basahin ang mga salita.
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Pagbabasa ng kuwentong pinamagatang “Titser
(Pamamaraan ng Gosoy”.
Pagtatalakay)
Pasagutan sa mga bata ang mga katanungan na
nasa Sagutin Natin LM, p. 392.

Ipabasa ang mga pangungusap sa ibaba.


Tanungin ang mga bata kung ano ang
kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit.

1. Nakakatawag pansin ang paika-ikang


paglalakad ni Titser Gosoy dahil siya ay lumpo.
2. Hindi niya pinapansin ang mga pangungutya
sa kanya kahit ang mga ito ay masasakit na biro
na.
3. Si Titser Gosoy ay tinatawag na baluga dahil
siya ay may maitim na balat.
4. Dapat matutuhan ng mga bata ang
magagandang asal na dapat taglayin dahil ang
mga ito ay magagandang ugali.
5. Lahat ng tao ay likha ng Diyos, ginawa Niya
tayo mula sa kanyang sariling dugo at laman.
C. PAGSASANAY Magpakita ng mga larawan na nagpapakita sa
Mga Paglilinang na bawat pangungusap na tinalakay.
Gawain Ang mga bata ang mag-uugnay sa mga larawan
at sa mga salitang magkasingkahulugan.

D. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain:


Aplikasyon Gamit ang mga larawan at mga salita, ang
mga bata ay bubuo ng isang pangungusap na
ginagamitan ng mga bagong natutuhan na mga
salita.
E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon Ang mga kahulugan ng mga salita na hindi
natin pamilyar ay puwede nating makikita sa mga
salitang ginamit sa sitwasyon.
IV. PAGTATAYA Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa
inyong papel ang salita na kasingkahulugan ng
sinalungguhitan na salita.

1. Dapat matutuhan ng mga bata ang


magagandang asal na dapat taglayin dahil ang
mga ito ay magagandang ugali.
2. Hindi niya pinapansin ang mga pangungutya
sa kanya kahit ang mga ito ay masasakit na biro
na.
3. Lahat ng tao ay likha ng Diyos, ginawa Niya
tayo mula sa kanyang sariling dugo at laman.
4. Nakakatawag pansin ang paika-ikang
paglalakad ni Titser Gosoy dahil siya ay lumpo.
5. Si Titser Gosoy ay tinatawag na baluga dahil
siya ay may maitim na balat.

V. TAKDANG ARALIN Anong salita ang ginamit sa bawat


pangungusap ang kasingkahulugan ng
sinalungguhitang salita?

1. Tangkilikin natin ang sariling atin, kaya’t


gagamit lang tayo ng mga bagay na gawa sa
Pilipinas.
2. Sagana sa bunga ang aming punong mangga,
kaya marami kaming naibenta sa palengke.
Sesyon: 1

PAKSA: Kuwento: “Titser Gosoy”

TUKLASIN

Lahat ng tao ay nangangailangan ng respeto – hindi alintana ang


estado ng buhay, pisikal na anyo o maging kahit na anong relihiyon.
Kaya, kahit na ang isang tao ay may kakulangan sa kanyang pisikal na anyo,
ay nararapat din nating irespeto.
Source: http://png.clipart.me/graphics/previews/103/male-teacher-with-
students_103125914.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?


2. Tungkol saan kaya ang pinag-uusapan ng mga mag-aaral?
3. Bakit kaya napag-uusapan nila ang kanilang guro?

Gawain 1

Gamit ang concept map, isulat sa palibot ng salitang TITSER ang mga salitang
iyong mai-uugnay dito.

TITSER
PAGSUSURI
GAWAIN 2

Basahin mo ang mga salitang mai-uugnay mo sa salitang TITSER.


Basahin itong mabuti.

ALAM MO BA NA...

Ang kagandahan ay hindi makikita sa panlabas na anyo ng isang tao.


Ang kagandahan ay nasa mga taong may kagandahan din ng loob.

Tunghayan mo ang isang kuwento tungkol sa isang batang napagtanto


na hindi mabuting asal ang mangungutya sa kapwa lalo na at wala itong ginawang
masama.

Basahing mabuti ang kuwento.


Titser Gosoy

Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang Elementarya ng Barangay Labo.


Nakatawag ng pansin ang kaniyang galing sa pagtuturo, kakaibang kulay, at paika-
ikang paglalakad.
Hindi niya pinapansin ang pangungutya sa kaniya. Tuloy lamang siya sa
pagtuturo, pagtulong sa kapwa, at pamimigay ng gamit at laruan sa mga bata.
Isang araw, may ilang mag-aaral ang nagkuwentuhan tungkol kay Titser Gosoy.
“Alam n’yo ba, si Titser Gosoy, napakagaling magturo! Mabait pa,”ang wika ni
Noel.
“Tama ka, at nabasa ko sa diyaryo, iniligtas niya ang mahigit 400 katao sa
Marikina noong nanalanta ang bagyong Ondoy,”ang sabi ni Janet.
“Wow! Ang galing! Pero baluga pa rin siya,” pangungutya ni Yulo.
“Huwag kang ganyan, Yulo! Maputi ka lang,” pasinghal na wika ni Janet na
halos tusukin ng hintuturo sa ilong si Yulo.
“Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin,” pabulong na wika ni Noel.
“Magandang umaga po, Sir Gosoy,” sabay-sabay na bati ng mga bata.
“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May problema ba?” tanong ni Titser
Gosoy sa mga bata.
“Wa––wala po,Sir...” wika ni Janet.
“Narinig ko ang pinag-usapan ninyo,” mahinahong wika ni Titser Gosoy.
Nagkatinginan ang mga bata saka ibinaling ang kanilang tingin kay Yulo.
“Kahit bata kayo, dapat matutuhan ninyo ang magagandang asal na dapat
taglayin ng isang bata,” paliwanag ni Titser Gosoy.
Gawain“Huwag
3 kayong mangutya ng kapwa, anuman ang kasarian, kulay, kalagayan, o
kapansanan. Isipin ninyo, tao silang marunong masaktan,”seryosong sabi ni Titser
Gosoy.
“Lahat ng tao ay likha ng Diyos, kaya dapat igalang,” paliwanag pa niya .
PAGSASANAY
Niyakap ni Yulo si Titser3 Gosoy. Ginantihan naman ito ng guro ng isang mahigpit na yakap.
Gawain

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong


binasa.

 Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwento.


 Sino ang dapat mong tularan sa mga bata?Ang hindi dapat tularan?
Ipaliwanag ang sagot.
 Ano ang naramdaman mo habang binabasa at matapos basahin ang kuwento?
 Anong bahagi ng kuwento ang nakatawag ng iyong pansin?Bakit?
 Paano nagsimula ang kuwento?
 Paano ito nagwakas?

Gawain 4

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga


salitang may salungguhit.

1. Nakakatawag pansin ang paika-ikang paglalakad ni Titser Gosoy dahil siya ay


lumpo.
2. Hindi niya pinapansin ang mga pangungutya sa kanya kahit ang mga ito ay
masasakit na biro na.
3. Si Titser Gosoy ay tinatawag na baluga dahil siya ay may maitim na balat.
4. Dapat matutuhan ng mga bata ang magagandang asal na dapat taglayin dahil ang
mga ito ay magagandang ugali.
5. Lahat ng tao ay likha ng Diyos, ginawa Niya tayo mula sa kanyang sariling dugo at
laman.

Gawain 5

Paglapat-lapatin. Tukuyin ang mga larawan sa pamamagitan ng paglalapat


nito sa mga salita na nasa kabilang hanay.

A B

a. Asal

b. baluga

c. likha
d. paika-ika

e. pangungutya

PAGLALAPAT

Gamitin ang mga sumusunod na mga salita sa pangungusap.

1. paika-ika 4. Asal
2. pangungutya 5. Likha
3. baluga

TANDAAN

Ang mga kahulugan ng mga salita na hindi natin pamilyar ay


puwede nating makikita sa mga salitang ginamit sa sitwasyon.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa inyong papel ang salita na


kasingkahulugan ng sinalungguhitan na salita.
1. Dapat matutuhan ng mga bata ang magagandang asal na dapat taglayin dahil ang
mga ito ay magagandang ugali.
2. Hindi niya pinapansin ang mga pangungutya sa kanya kahit ang mga ito ay
masasakit na biro na.
3. Lahat ng tao ay likha ng Diyos, ginawa Niya tayo mula sa kanyang sariling dugo at
laman.
4. Nakakatawag pansin ang paika-ikang paglalakad ni Titser Gosoy dahil siya ay
lumpo.
5. Si Titser Gosoy ay tinatawag na baluga dahil siya ay may maitim na balat.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 6 (Kasunduan)

Anong salita ang ginamit sa bawat pangungusap ang kasingkahulugan


ng sinalungguhitang salita?

1. Tangkilikin natin ang sariling atin, kaya’t gagamit lang tayo ng mga bagay na
gawa sa
Pilipinas.
2. Sagana sa bunga ang aming punong manga, kaya marami kaming naibenta sa
palengke.
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 22
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: Natutukoy ang suliranin sa nabasang teksto o


napanood.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakatutukoy sa suliranin ng nabasang teksto o
kuwento.

Saykomotor: Naisasadula ang suliranin ng nabasang teksto o


kuwento.

Apektiv: Nakapamamalas ng paggalang sa lahat ng tao


anuman ang kanilang kasarian, kulay at edad.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Kuwento: “Titser Gosoy”

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PB-IIIf-7


Ang Bagong Batang Pinoy, LM pp. 390-392
C. KAGAMITANG Mga larawan ng mga taong may kapansanan,
PAMPAGTUTURO activity cards
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ipaskil sa pisara ang pamagat ng kuwentong
tanong: nabasa noong nakaraang araw.
(Pagbalik-aral)
Itanong:
1. Sino ang guro sa kuwentong inyong nabasa
kahapon?
2. Ilarawan si Titser Gosoy.
3. Ano ang ginawa ng mga mag-aaral kay Titser
Gosoy? Bakit?
Activiti/Gawain
Ipakita ang mga larawan ng mga taong may
kapansanan.

1. Paano kayo makikipagsalimuha sa mga taong


katulad nila?
2. Nararapat bang tratuhin natin sila nang
mabuti? Bakit?
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Basahin muli ang kuwento.
(Pamamaraan ng
Pagtatalakay) Itanong:

1. Ano ba ang ginawa ng mga bata habang


naghihintay sa kanilang guro?
2. Sino ang kanilang pinag-uusapan?
3. Ano ang sinabi ni Yulo na nakakasakit ng
damdamin kay Titser Gusoy?
4. Dapat ba nating tularan si Yulo? Bakit?
5. Kung kayo ang mga kaibigan ni Yulo at sa inyo
sinabi ni Yulo ang mga pangungutya niya kay
Titser Gusoy, ano ang gagawin mo?

Ano ba ang naging suliranin o problema sa


nabasa nating kuwento?

Talakayin kung paano matutukoy ang suliranin sa


isang tekstong nabasa o napanood.

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Makinig sa mga sitwasyon na babasahin ng guro.
Gawain Tukuyin ang suliranin sa bawat sitwasyon.

1. Umiyak nang umiyak si Stephanie dahil nasira


ang kanyang maynika. Nang umuwi si Nanay,
pinasalubungan siya ng isang bagong maynika.
Naging masaya na ulit si Stephanie.

2. Naglalaro ang magkaibigang Tessie, Carlo at


Fiona sa kalye. Biglang may dumaan na sasakyan
na mabilis ang takbo. Natamaan sa kaliwang
braso si Carlo na ikinadapa nito. Umiyak siya
nang umiyak hanggang madala siya sa ospital.

3. Tumakbo nang mabilis si Dino dahil huling-huli


na siya sa klase. Nasa pinakadulo pa ang
kanyang silid-aralan. Nang makapasok siya ay
nagsisimula na ang talakayan ng kanyang mga
kaklase at guro.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Bibigyan ang bawat pangkat ng activity card.


Isasadula ng bawat pangkat ang sitwasyon at
tatawag ng isang pangkat upang tukuyin ang
suliranin ng isinadulang sitwasyon.

E. PAGLALAHAT Itanong:
Generalisasyon
Paano ba natin matutukoy ang suliranin ng
mga tekstong ating nababasa o napapanood?
IV. PAGTATAYA
Sagutin ang tanong.

Sa kuwentong “Titser Gusoy”, ano ang


naging suliranin sa kuwento?

V. TAKDANG ARALIN
Pumili ng isang kuwento. Isulat ang pamagat
nito. Sa ibaba ng pamagat ay isulat ang naging
suliranin ng kuwento.
Sesyon: 22

PAKSA: Kuwento: “Titser Gosoy”

TUKLASIN

Hindi dapat ikahihiya kung anumang diperensiya mayroon tayo. Ang


mahalaga ay mabuti ang ating kalooban at pursigido tayong maabot ang
lahat ng ating hinahangad sa buhay.

Source:
https://t3.ftcdn.net/jpg/00/90/47/12/500_F_90471257_azkkaJ8Lwzxuysmo17j8PmPEld
Z6gTv7.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Sino ang guro sa kuwentong inyong nabasa kahapon?


2. Ilarawan si Titser Gosoy.
3. Ano ang ginawa ng mga mag-aaral kay Titser Gosoy? Bakit?

Gawain 1

Alamin ang mga sumusunod na larawan.


http://cliparts.co/cliparts/Bca/ryq/BcaryqL7i.gif http://comps.canstockphoto.com/can-stock-
http://www.clipartkid.com/images/793/sign-language
http://cdn1.lessonzone.com/Resources/102634
photo_csp19901707.jpg -interpreter-clipart-
language-clipart-OSwaoL-clipart.gif /102634Z01_Boy_with_crutches_401.jpg

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Paano ka makikipagsalimuha sa mga taong katulad nila?


2. Nararapat bang tratuhin mo sila nang mabuti? Bakit?

ALAM MO BA NA...

Nararapat lamang na magpasalamat tayo sa Panginoon dahil kahit na


hindi man perpekto ang buhay natin, tayo ay binuhay Niya at ibinigay
Niya sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan.

Basahin mo muli ang kuwento na nasa ibaba.

Titser Gosoy

Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang Elementarya ng Barangay Labo.


Nakatawagng pansin ang kaniyang galing sa pagtuturo, kakaibang kulay, at paika-
ikang paglalakad.
Hindi niya pinapansin ang pangungutya sa kaniya. Tuloy lamang siya sa
pagtuturo, pagtulong sa kapwa, at pamimigay ng gamit at laruan sa mga bata.
Isang araw, may ilang mag-aaral ang nagkuwentuhan tungkol kay Titser
Gosoy.
“Alam n’yo ba, si Titser Gosoy, napakagaling magturo! Mabait pa,”ang wika
ni Noel.
“Tama ka, at nabasa ko sa diyaryo, iniligtas niya ang mahigit 400 katao sa
Marikina noong nanalanta ang bagyong Ondoy,”ang sabi ni Janet.
“Wow! Ang galing! Pero baluga pa rin siya,” pangungutya ni Yulo.
“Huwag kang ganyan, Yulo! Maputi ka lang,” pasinghal na wika ni Janet na
halos tusukin ng hintuturo sa ilong si Yulo.
“Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin,” pabulong na wika ni Noel.
“Magandang umaga po, Sir Gosoy,” sabay-sabay na bati ng mga bata.
“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May problema ba?” tanong ni Titser
Gosoy sa mga bata.
“Wa––wala po,Sir...” wika ni Janet.
“Narinig ko ang pinag-usapan ninyo,” mahinahong wika ni Titser Gosoy.
Nagkatinginan ang mga bata saka ibinaling ang kanilang tingin kay Yulo.
“Kahit bata kayo, dapat matutuhan ninyo ang magagandang asal na dapat
taglayin ng isang bata,” paliwanag ni Titser Gosoy.
“Huwag kayong mangutya ng kapwa, anuman ang kasarian, kulay,
kalagayan, o kapansanan. Isipin ninyo, tao silang marunong masaktan,”seryosong
sabi ni Titser Gosoy.
“Lahat ng tao ay likha ng Diyos, kaya dapat igalang,” paliwanag pa niya.
Niyakap ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihan naman ito ng guro ng isang mahigpit na
yakap.
PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong


binasa.

1. Ano ba ang ginawa ng mga bata habang naghihintay sa kanilang guro?


2. Sino ang kanilang pinag-uusapan?
3. Ano ang sinabi ni Yulo na nakakasakit ng damdamin kay Titser Gosoy?
4. Dapat ba nating tularan si Yulo? Bakit?
5. Kung kayo ang mga kaibigan ni Yulo at sa inyo sinabi ni Yulo ang mga
pangungutya niya kay Titser Gosoy, ano ang gagawin mo?

Gawain 4

 Ano ba ang naging suliranin o problema sa nabasa nating kuwento?


 Paano mo ba natukoy ang suliranin o problema sa kuwento?
 Nasulusyonan ba ang suliranin ng kuwento?
 Ano ang naging solusyon sa suliranin?

Gawain 5

Makinig sa mga sitwasyon na babasahin ng guro. Tukuyin ang suliranin sa


bawat sitwasyon.

1. Umiyak nang umiyak si Stephanie dahil nasira ang kanyang maynika. Nang umuwi
si Nanay, pinasalubungan siya ng isang bagong maynika. Naging masaya na ulit si
Stephanie.

2. Naglalaro ang magkaibigang Tessie, Carlo at Fiona sa kalye. Biglang may dumaan
na sasakyan na mabilis ang takbo. Natamaan sa kaliwang braso si Carlo na ikinadapa
nito. Umiyak siya nang umiyak hanggang madala siya sa ospital.

3. Tumakbo nang mabilis si Dino dahil huling-huli na siya sa klase. Nasa pinakadulo
pa ang kanyang silid-aralan. Nang makapasok siya ay nagsisimula na ang talakayan
ng kanyang mga kaklase at guro.

PAGLALAPAT

Artista Kana!

Bumuo ng apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasadula ng isang


sitwasyon ayon sa activity card na nakalaan sa bawat pangkat. Humanda sa
presentasyon pagkatapos ng 10 minuto.
Pangkat 1 - Isang batang babae na nawalan ng baong pera at umiiyak dahil wala
na siyang pambili ng snacks.

Pangkat 2 - Naglalaro ang mga bata ngunit may isang batang nasa gilid lamang at
nononood sa naglalaro dahil isa siyang batang kalye.

Pangkat 3 - Iyak nang iyak ang isang bata dahil gustong uminom ng gatas ngunit
walang pambili ang kanyang mga magulang.

Pangkat 4 - Napunit ang palda ni Nena dahil nasagi ito sa isang nakalabas na pako.
TANDAAN

Matutukoy natin ang suliranin ng mga tekstong ating


nababasa o napapanood sa pamamagitan ng pagbasa nang maigi
at pagintindi sa binabasa upang mas lalong maintindihan.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sagutin ang tanong.

Sa kuwentong “Titser Gosoy”, ano ang naging suliranin?

______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 6(Kasunduan)

Pumili ng isang kuwento. Isulat ang pamagat nito. Sa ibaba ng pamagat


ay isulat ang naging suliranin ng kuwento.
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 23
Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng pagpapaunlad na kasanayan sa
wasto at maayos na pagsulat.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: Nababaybay nang wasto ang mga salitang may


tatlo o apat na pantig (batayan ng talasalitaang
pampaningin natutuhang salita mula sa mga
aralin).

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakababaybay nang wasto ng mga salitang may
tatlo o apat na pantig.

Saykomotor: Nakasusulat nang wastong baybay ang mga


salitang may tatlo o apat na pantig.

Apektiv: Nakapagsisikap nang higit sa pagsulat nang


wastong baybay sa mga salitang may tatlo o apat
na pantig.

II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Kuwento: “Titser Gosoy”

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PY-IIIb-j-2.2


Ang Bagong Batang Pinoy, LM pp. 390-392
C. KAGAMITANG Flashcards ng mga salitang may tatlo o apat na
PAMPAGTUTURO pantig, larawan ng mga salita

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ipaskil sa pisara ang larawan ni Titser Gusoy.
tanong:
(Pagbalik-aral) Itanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ni Titser Gusoy?
2. Ang mga ito ba ay naglalarawan ng isang
mahusay na guro? Bakit?
3. Paano nakitungo si Titser Gusoy sa mga taong
nangungutya sa kanya?

Activiti/Gawain
Bigyan ang bawat pangkat ng isang envelop na
naglalaman ng mga ginunting na letra. Ipabuo
ang mga ito sa loob lamang ng 30 segundo.
(Puwedeng lagyan ng larawan upang mas maging
mapadali ang pagbuo ng mga salita)

Hal. Pagtuturo paglalakad


Pangungutya laruan
Baluga kapansanan

B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Ipabasa ang mga salitang nabuo.
(Pamamaraan ng
Pagtatalakay) Magkaroon ng talakayan tungkol sa pagpapantig
ng mga salita at pagtukoy sa mga salitang may
tatlo o apat na pantig.

Kunin o takpan ang mga salita at ipabaybay ang


mga salita.
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Sa isang minuto, ipasulat sa mga mag-aaral ang
Gawain mga salitang may tatlo o apat na pantig na
nakasulat sa una at ikalawang talata sa
kuwentong “Titser Gusoy”.

Babasahin ng mga mag-aaral ang mga salita


nasipi.
D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:
Batay sa ikatatlo hanggang ikapito na talata
ng kuwento, isulat sa tsart ang mga salitang may
tatlo o apat na pantig.

MGA SALITANG MAY MGA SALITANG MAY


TATLONG PANTIG APAT NA PANTIG

E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon
Matutukoy natin ang pantig ng mga salita sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga ito.

IV. PAGTATAYA
Basahin nang mabuti ang talata. Isulat ang mga
salitang may tatlo o apat na baybay.

“Si Titser Gosoy! Nasa likuran


natin,”pabulong na wika ni Noel.
“Magandang umaga po, Sir Gosoy,”sabay-
sabay na bati ng mga bata.
“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May
problema ba?”tanong ni Titser Gosoy sa mga
bata.
“Wa – wala po, Sir...” wika ni Janet.
“Narinig ko ang pinag-uusapan
ninyo,”mahinahong wika ni Titser Gosoy.Niyakap
ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihan naman ito ng
guro ng isang mahigpit na yakap.

V. TAKDANG ARALIN
Salungguhitan ang mga salita na may tatlong
baybay at ikahon ang mga salitang may apat na
baybay.

Katangian sinabi nakatawag


kuwento tauhan
Sesyon: 23

PAKSA: Kuwento: “Titser Gosoy”

TUKLASIN

“Huwag mong gawin sa kapuwa mo, ang ayaw mong gawin sa iyo.” Ito
gintong aral na dapat mong tandaan saan ka man mapunta. Huwag
maging mapanglait ng kapuwa dahil kung sinuman ang nilalait ay siyang
bibiyayaan ng Diyos.
Source: http://www.albawaba.com/sites/default/files/im/team-hero1.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:

1. Ano-ano ang mga katangian ni Titser Gusoy?


2. Ang mga ito ba ay naglalarawan ng isang mahusay na guro? Bakit?
3. Paano nakitungo si Titser Gusoy sa mga taong nangungutya sa kanya?

Gawain 1

Pangkatang Gawain:

Bibigyan kayo ng isang envelop sa bawat pangkat na naglalaman ng mga


ginunting na letra. Buuin ang mga ito sa loob lamang ng 30 segundo.

1. TUROTUPAG 2. 3. LUGABA
NGUTYAPANGU

http://www.clipartkid.com/images/143/teache http://educarparacrescer.abril.com.br/imagens/
http://image.shutterstock.com/z/stock-vector-little-dark-skinned-
r-cartoon-images-yPzH4l-clipart.jpeg comportamento/bullying-CAPA.jpg
girl-on-roller-skates-teen-rides-on-roller-skates-and-enjoy-the-speed-
and-270992735.jpg
4. 5. RUANLA 6.
LAKADPAGLA SAPANKANAN

http://www.clipartkid.com/images/848/ https://thumb9.shutterstock.com/display
http://previews.123rf.com/images/kenbenner/
two-girls-walking-clipart-i-ve-been-doing- _pic_with_logo/279085/284806706/stock
more-walking-bbPsME-clipart.gif -vector-baby-toys-design-over-white-
background-vector-illustration-284806706.jpg

ALAM MO BA NA...

Higit mong maiiintindihan ang isang kuwento kung bago mo basahin ay


alamin mo muna ang depinisyon ng mga salitang hindi masyadong
pamilyar.

Mga Salitang May Tatlong Baybay

a. ba-lu-ga b. la-ru-an

Mga Salitang May Apat na Baybay

a. pag-tu-tu-ro b. Pa-ngu-ngut-ya c. pag-la-la-kad d. ka-pan-sa-nan

Baybayin ninyo ang salitang inyong napag-aralan

PAGSASANAY
Gawain 2
Sa isang minuto, isulat sa malinis na apel ang mga salitang may tatlo o apat
na pantig na nakasulat sa una at ikalawang talata sa kuwentong “Titser Gusoy”.

Matapos ang nakalaang oras, tatawagin na kayo ng guro upang ilahad sa mga
kaklase ang inyong mga nailistang mga salita na may tatlo hanggang sa apat na
pantig.
.

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Batay sa ikatatlo hanggang ikapito na talata ng kuwento, isulat sa tsart ang


mga salitang may tatlo o apat na pantig.

MGA SALITANG MAY TATLONG MGA SALITANG MAY APAT NA


PANTIG PANTIG

TANDAAN

Matutukoy natin ang pantig ng mga salita sa


pamamagitan ng pagbabasa ng mga ito.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin nang mabuti ang talata. Isulat ang mga salitang may tatlo o
apat na baybay.

“Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin,”pabulong na wika ni Noel.


“Magandang umaga po, Sir Gosoy,”sabay-sabay na bati ng mga bata.
“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May problema ba?”tanong ni Titser
Gosoy sa mga bata.
“Wa – wala po, Sir...” wika ni Janet.
“Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo,”mahinahong wika ni Titser Gosoy.Niyakap
ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihan naman ito ng guro ng isang mahigpit na yakap.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3(Kasunduan)
Salungguhitan ang mga salita na may tatlong baybay at ikahon ang mga
salitang may apat na baybay.

Katangian sinabi nakatawag kuwento tauhan

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 24
Pamantayang Pangnilalaman: a. Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng
pagsulat.
b. Naipapamalas ang pagpapahalaga at
kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyon at pagbasa ng iba’tibang uri ng
panitikan.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: a. Nagagamit nang wasto ang talaan ng


nilalaman.
b. Naipakikita ang hilig sa pagbasa.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Naisaalang-alang at nagagamit nang wasto ang
talaan ng nilalaman.

Saykomotor: Naisakatuparan ang paggamit ng talaan ng


nilalaman.

Apektiv: Naipagpapatuloy ang kawilihan sa paggamit ng


talaan ng nilalaman.

II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Paggamit nang wasto sa talaan ng nilalaman.

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2EP-IIIh-2.1, F2PL-Oa-j-6


Ang Bagong Batang Pinoy, LM at iba pang aklat
C. KAGAMITANG Tsart,aklat, activity cards
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ipakita ang aklat sa Filipino.
tanong:
Itanong:
1. Ano ang pamagat ng aklat na ito?
2. Sa anong sabjek ginagamit ang aklat na ito?
3. Paano nakatutulong ang aklat na ito sa inyo?

Hikayatin ang mga mag-aaral na pag-aaralan


Activiti/Gawain ang aklat (bahagi).

Gamit ang iyong aklat, hanapin kung sa anong


pahina matatagpuan ang sumusunod na aralin:

a. Ang Halamanan ni Eden


b. Panghalip na Panao na Paari
c. Payak na Pangungusap Gamit ang
Salitang Kilos sa Tula
d. Pang-uring Pamilang

Madali mo bang natunton ang mga


pahina sa mga sinasabing aralin?
Paano kaya mapapadali ang paghanap ng
mga aralin na nasa aklat?
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Pabuksan ang kanilang aklat sa may talaan ng
(Pamamaraan ng nilalaman.
Pagtatalakay)
Ano-ano ang inyong nakikita o nababasa sa
talaan ng nilalaman?

Talakayin ang mga bahagi o nilalaman ng talaan


ng nilalaman.

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Gawain
1. Ilang Yunit mayroon ang aklat?
2. Ilang Aralin mayroon ang Yunit 1? 2? 3? 4?
3. Ano ang pamagat ng Yunit 4?
5. Sa anong pahina makikita ang Aralin 8 sa Yunit
2?

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Magbigay ng mga gawain batay sa talaan ng


nilalaman ng aklat sa Filipino. Bawat pangkat ay
nakalaan ang isang Yunit.

E. PAGLALAHAT Itanong:
Generalisasyon
Paano nakakatulong ang Talaan ng
Nilalaman sa mga mambabasa katulad ninyo?

IV. PAGTATAYA
Gamit ang inyong aklat sa Filipino, sagutan ang
mga sumusunod na tanong .

1. Anong leksiyon ang nasa pahina 222?


2. Ano ang pahina ng leksiyon na tungkol sa
Pangngalang Pambalana at Pantangi, Sorpresa
kay Nanay?
3. Ilan lahat ang mga pahina ng aklat sa Filipino
mula Yunit 1 hanggang pang-siyam na aralin sa
Yunit 4?
4. Anong Yunit ang may pamagat na
Pagmamahal sa Bansa?
5. Anong kuwento ang mababasa sa pahina 307?

V. TAKDANG ARALIN
Isulat ang mga aralin na mababasa sa mga
pahinang nasa sumusunod:

1. p. 22 2. P. 483 3. P. 276 4. p. 111


5. p. 68

Sesyon: 24

PAKSA: Paggamit nang wasto sa talaan ng nilalaman.

TUKLASIN

Kahit na kayo ay namulat sa mga panibagong teknolohiya, mainam pa


rin at marami pa rin tayong makukuhang impormasyon sa pagbabasa ng
mga libro o aklat. Sabi nga nila, kung ang isang tao ay mahilig magbasa, siya ay
mahusay din sa pakikipagtalastasan. Kung gayon, halina’t suriin nating mabuti ang
mga nilalaman ng ating aklat.

Source:
http://previews.123rf.com/images/yeletkeshet/yeletkeshet1206/yeletkeshet12060000
1/14226215-two-kids-reading-books-Stock-Vector-cartoon-kids.jpg
MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Kunin ang iyong aklat sa Filipino at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang pamagat ng aklat na ito?


2. Sa anong sabjek ginagamit ang aklat na ito?
3. Paano nakatutulong ang aklat na ito sa inyo?

Gawain 1

Pag-aralan ang mga bahagi ng iyong aklat sa Filipino.

a. Ano-ano ang mga nilalaman dito?


b. Ano ang kundisyon ng iyong aklat, ito ba ay bago o luma?
c. Ano ang kulay ng pabalat nito?

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Gamit ang iyong aklat, hanapin kung sa anong pahina matatagpuan


ang sumusunod na aralin:

a. Ang Halamanan ni Eden


b. Panghalip na Panao na Paari
c. Payak na Pangungusap Gamit ang Salitang Kilos sa Tula
d. Pang-uring Pamilang

Madali mo bang natunton ang mga pahina sa mga sinasabing aralin?


Paano kaya mapapadali ang paghanap ng mga aralin na nasa aklat?

ALAM MO BA NA...

Madaling makikita o matunton ang mga leksiyon ng isang aklat sa


tulong ng Talaan ng Nilalaman. Makikita dito ang lahat ng aralin na
napapaloob sa aklat, mga yunit at maging ang mga pahina nito kung saan
makikita o nakasulat ang mga aralin.

Ito ay halimbawa ng Talaan ng Nilalaman. Buksan ang iyong aklat sa bahagi


ng may Talaan ng Nilalaman.
PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ilang Yunit mayroon ang aklat?


2. Ilang Aralin mayroon ang Yunit 1? 2? 3? 4?
3. Ano ang pamagat ng Yunit 4?
5. Sa anong pahina makikita ang Aralin 8 sa Yunit 2?

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Gamit ang inyong aklat sa Filipino, tukuyin ang sumusunod na impormasyon:

Pangkat 1 – Yunit 1 Pangkat 3 – Yunit 3


Pangkat 2 – Yunit 2 Pangkat 4 – Yunit 4

a. Ano ang pamagat ng Yunit?


b. Isulat ang bilang ng mga aralin at ang mga pamagat ng mga ito.
c. Sa anong mga pahina nagsisimula at nagtatapos ang Yunit?

TANDAAN
Ang Talaan ng Nilalaman ay nakatutulong upang mapadali
ang paghahanap ng mga aralin na napapaloob sa isang aklat.
Nakatala ang mga Yunit at mga Aralin na napapaloob sa aklat na
may nakasulat na mga pamagat at ang mga pahina kung saan ito
matatagpuan.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Gamit ang inyong aklat sa Filipino, sagutin ang mga sumusunod na


tanong .

1. Anong leksiyon ang nasa pahina 222?


2. Ano ang pahina ng leksiyon na tungkol sa Pangngalang Pambalana at
Pantangi,
Sorpresa kay Nanay?
3. Ilan lahat ang mga pahina ng aklat sa Filipino mula Yunit 1 hanggang pang-
siyam na
aralin sa Yunit 4?
4. Anong Yunit ang may pamagat na Pagmamahal sa Bansa?
5. Anong kuwento ang mababasa sa pahina 307?

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4(Kasunduan)

Batay sa iyong aklat na Ang Bagong Batang Pinoy, isulat ang mga
aralin na mababasa sa mga pahinang nasa sumusunod:

1. p. 22 2. P. 483 3. P. 276 4. p. 111 5. p. 68


Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 25
Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
Pangnilalaman: unawa sa napakinggan.
Pamantayang
Pagganap:

Kompetensi: Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang


tugma/tula.

I. LAYUNIN
Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang
Kaalaman: tugma/tula.

Naisasagawa ang hula na susunod na mangyayari sa


Saykomotor: napakinggang tugma/tula.

Naisasabalikat ang pananagutan sa pangangalaga sa ating


Apektiv: likas na yaman.

II. PAKSANG -
ARALIN
A. PAKSA Tula: “Nagtampo ang Kalikasan”

B.SANGGUNIAN CG Filipino 2: Fw2PN-IIIg-9


Ang Bagong Batang Pinoy, LM pp. 348-349
C. Larawan ng kalikasan, puzzle ng sirang kalikasan
KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Ipakita ang larawan ng kalikasan.
Pangmotibesyunal
na tanong: Itanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
2. Tingnan ang inyong paligid, katulad ba ito ng nasa larawan?
3. Bakit kaya hindi na katulad ng nasa larawan ang ating
paligid ngayon?

Bibigyan ang bawat pangkat ng mga puzzles upang buuin.


(mga puzzles ng mga dahilan ng pagkasira ng kalikasan)
Activiti/Gawain
Itanong:

1. Ano-ano ang inyong nakikita sa mga larawan?


2. May mga larawan ba dito na inyo nang nagawa? Alin?
3. Ano kaya ang susunod na mangyayari?

B.
PAGLALAHAD Pagbasa sa tulang pinamagatang “ Nagtampo ang Kalikasan”,
Abstrakyon pp.348-349.

(Pamamaraan ng Pasagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin p.349, LM.


Pagtatalakay)
Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng kanilang
hinuha sa susunod na mangyayari.

C.
PAGSASANAY Kung patuloy ang mga tao sa pagsira ng ating kalikasan, ano
Mga ang mangyayari sa lahat ng tao? Hayop? Halaman?
Paglilinang na
Gawain Tumawag ng ilang mag-aaral upang sumagot.

D.
PAGLALAPAT Pangkatang Gawain:
Aplikasyon
Ang bawat pangkat ay gagawin ang mga sumusunod na
gawain na nagbibigay ng hinuha sa susunod na mangyayari.
(base sa tula)

Pangkat 1 – sa pamamagitan ng paggawa ng jingle


Pangkat 2 – sa pamamagitan ng interpretative dance

Pangkat 3 – sa pamamagitan ng isang kanta


Pangkat 4 – sa pamamagitan ng pagguhit
Pangkat 5 – sa pamamagitan ng isang maikling skit
E. Tandaan:
PAGLALAHAT
Unawain ang mga detalye ng isang pangyayari upang
Generalisasyon makapagbibigay ng wasto at angkop na susunod na
pangyayari.

IV. PAGTATAYA
Ano ang susunod na mangyayari?

1. Ang mga tao ay patuloy na nagtatapon ng basura sa ilog.


2.Ang mga bata ay tumutulong sa paglilinis ng pamayanan.
3. Sinusunog ni Mang Ben ang mga goma.
4. Pinutol ang tatlong ektarya ng mga punongkahoy sa
kagubatan.
5. Patuloy ang pagtagos ng mga langis mula sa mga pagawaan
o pabrika.

V. TAKDANG ARALIN
Ano ang susunod na mangyayari?

Ang grupo ng mga batang mag-aaral ay sama-samang


namasyal sa plasa. Pumitas sila ng magagandang bulaklak.
Tinapakan nila ang mga damo. Nagtapon sila ng basura kung
saan-saan. Isang tanod ng plasa ang lumapit sa kanila.

__________________________________________________________

Sesyon: 25

PAKSA: Tula: “Nagtampo ang Kalikasan”

TUKLASIN

Kay sarap tumira sa ganitong lugar. May simpleng pamumuhay at


malayo sa ingay at polusyon. Araw-araw ay malalanghap mo ang
preskong hangin, makakasama mo ang mga hayop na malayang nakapag-lilibot sa
kagubatan at siyempre nasa paligid lamang lahat ng kakailanganin.

Meron pa ba kayang lugar na ganito? Iyong lugar na matatawag nating


PARAISO?
Source: http://cdn.paper4pc.com/images/mountains-landscapes-nature-forests-
wallpaper-1.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:
1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
2. Tingnan ang inyong paligid, katulad ba ito ng nasa larawan?
3. Bakit kaya hindi na katulad ng nasa larawan ang ating paligid ngayon?

Gawain 1

Pangkatang Gawain:

Buuin ang mga ginupit na larawan na nasa loob ng envelop sa pamamagitan


ng pagdidikit ng mga ito sa illustration board. Tukuyin kung ano ito.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa inyong mga


nabuong mga larawan.

1. Ano-ano ang inyong nakikita sa mga larawan?


2. May mga larawan ba dito na inyo nang nagawa? Alin?
3. Ano kaya ang susunod na mangyayari?

ALAM MO BA NA...
Sa kalikasan tayo kumukuha ng ilan sa mga pangunahing
pangangailangan natin – pagkain, bahay at maging ang mga kagamitan
na kalimitan nating ginagamit sa ara-araw.

Paano na kaya tayo kung sakaling tuluyan nang masira ang kalikasan?

Basahin ang tula sa ibaba.

Nagtampo ang Kalikasan

Noong unang panahon, kay ganda ng mundo


Malinis na hangin malalanghap mo
Malinaw na batis, bundok na di kalbo
Iyan ang mundong tirahan ng tao.
Lumipas ang panahon, maraming natuklasan
Imbensyon ng tao’y kaliwa’t kanan
Dulot nito’y pinsalang nararanasan.
Nalungkot ang mundo, nagtampo ang kalikasan

Polusyon ay kumalat, mapanganib sa kalusugan


Baha sa tag-ulan di na rin mapigilan.
Ano na ang gagawin sa problema ng lipunan?
Kalikasa’y nagtampo na nang tuluyan!
Sumisigaw ang mundo,
Ako ay inyong pangalagaan!
Magtanim ng maraming puno sa kagubatan
Itapon ang mga kalat ninyo sa basurahan
Maging masunurin sa batas at patakaran.

PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong


binasa.

 Tungkol saan ang tula?


 Paghambingin ang kalikasan noon at ngayon.
 Ano-ano ang dahilan kung bakit nasira ang kalikasan?
 Ano ang mangyayari sa ating kalikasan kung patuloy na magpapabaya ang
mga tao?
Gawain 4

Sagutin ang mga tanong:

 Kung patuloy ang mga tao sa pagsira ng ating kalikasan, ano ang mangyayari
sa lahat ng tao?
 Kung patuloy ang mga tao sa pagsira ng ating kalikasan, ano ang mangyayari
sa lahat ng hayop?
 Kung patuloy ang mga tao sa pagsira ng ating kalikasan, ano ang mangyayari
sa lahat ng halaman?
PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Ang bawat pangkat ay gagawin ang mga sumusunod na gawain na nagbibigay


ng hinuha sa susunod na mangyayari base sa tulang “Nagtampo ang Kalikasan”.

Pangkat 1 – sa pamamagitan ng paggawa ng jingle


Pangkat 2 – sa pamamagitan ng interpretative dance
Pangkat 3 – sa pamamagitan ng isang kanta
Pangkat 4 – sa pamamagitan ng pagguhit
Pangkat 5 – sa pamamagitan ng isang maikling skit

TANDAAN

Unawain ang mga detalye ng isang pangyayari upang


makapagbibigay ng wasto at angkop na susunod na
pangyayari.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Ano ang susunod na mangyayari?

1. Ang mga tao ay patuloy na nagtatapon ng basura sa ilog.


2.Ang mga bata ay tumutulong sa paglilinis ng pamayanan.
3. Sinusunog ni Mang Ben ang mga goma.
4. Pinutol ang tatlong ektarya ng mga punongkahoy sa kagubatan.
5. Patuloy ang pagtagos ng mga langis mula sa mga pagawaan o
pabrika.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Ano ang susunod na mangyayari?

Ang grupo ng mga batang mag-aaral ay sama-samang namasyal sa plasa.


Pumitas sila ng magagandang bulaklak. Tinapakan nila ang mga damo. Nagtapon sila
ng basura kung saan-saan. Isang tanod ng plasa ang lumapit sa kanila.
______________________________________________________________________________
__________
Sabjek: Filipino Baitang: II
Petsa: Sesyon: 26
Pamantayang Pangnilalaman: a. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
b. Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan
sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng
iba’t ibang uri ng panitikan.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: a. Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang


napakinggang kuwento.
b. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon (paghingi ng paumanhin).
c. Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang
makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa ng
panitikan.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagpapahayag ng mga kaisipan ng mabisa
tungkol sa kuwentong binasa.

Saykomotor: Nakagagamit ng mga magagalang na pananalita sa


paghingi ng paumanhin.

Apektiv: Makapagbahagi ng karanasan sa pagbasa upang


makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa ng
panitikan.

II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Kuwento: “Ang Mangingisda"

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PS-IIIa-g-5.3, F2WG-IIIa-g-1, F2PL-Oa-


j-7
Ang Bagong Batang Pinoy, LM pp. 351-352
C. KAGAMITANG Larawan ng isang mangingisda, larawan ng dinamita
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ipakita ang larawan ng mangingisda.
tanong:
Itanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
2. Saan natin makikita ang mga mangingisda?
3. Bakit sila pumupunta sa dagat upang manghuli ng
isda?
4. Ang mga mangingisda ba ay nakakatulong sa atin?
5. Sa paanong paraan nakakatulong ang mga
mangingisda?

Activiti/Gawain
Ipaskil ang larawan ng isang dinamita. Gamit ang
concept map, tumawag ng ilang mag-aaral upang
makibahagi ng kanilang ideya o alam tungkol sa
dinamita.

B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Pagbasa sa kuwentong pinamagatang “ Ang
(Pamamaraan ng Mangingisda”, pp.351-352.
Pagtatalakay)
Pasagutan ang mga tanong sa Sagutin Natin p.351,
LM.

Tumawag ng ilang mag-aaral upang ikuwento o


ibahagi sa klase ang kanilang ideya o kaisipan tungkol
sa kuwentong binasa.
C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain Ipakita ang mga larawan ng mga sirang likas na
yaman.

Tumawag ng mga mag-aaral upang makapagbahagi


sa klase tungkol sa bawat larawan.

Paaalahanan ang mga bata na kung gusto nilang


magbahagi ng kanilang ideya ay dapat hindi sasagot
ng diretsahan kundi manghingi ng paumanhin gamit
ang magagalang na salita.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Ang bawat pangkat ay ibabahagi ang mga paksang


sumusunod:

Pangkat 1 – baha
Pangkat 2 – pagkasira ng mga corals
Pangkat 3 – landslide
Pangkat 4 – global warming

E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon
Dapat ay pahahalagahan natin ang mga aklat at
iba pang babasahin dahil ang mga ito’y
nakakapagbibigay sa atin ng mga mahahalagang
impormasyon na magagamit natin sa pang-araw-araw
na buhay.

Ang pagbabasa ay isang gawaing kawili-wili dahil


dito natin maipabuti ang ating talasalitaan.
IV. PAGTATAYA
Babasahing muli ng guro ang kuwento. Pasagutan ang
mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang hanapbuhay ni Mang Juan?


a. carpintero b. magsasaka c.
mangingisda

2. Paano siya nanghuhuli ng isda sa dagat?


a. gamit ang dinamita
b. gamit ang lambat
c. gamit ang bingwit

3. Tama ba ang ginagawa niyang paraan ng


pangingisda? Bakit?
a. Hindi po, dahil ito ay nakakasira ng mga bahay
ng mga taga-roon.
b. Hindi po, dahil nasisira ang mga yamang-dagat.
c. Opo, upang marami ang kanilang makukuhang
isda.

4. Bakit kaya may sumabog?


a. sumabog ang mga dinamitang gagamitin sana
sa pangingisda
b. may isang kasiyahang nagaganap at
nagpaputok siya
c. sumabog ang isang bulkan na nasa dagat

5. Ano kaya ang gagawin ng iba pang mangingisda sa


lugar nila pagkatapos ng trahedya?
a. sa malayo na lang na bahagi ng dagat
gagamitin ang dinamita
b. bibili pa sila ng mas maraming dinamita
c. ititigil na nila ang paggamit ng dinamita sa
pangingisda
V. TAKDANG-ARALIN
Ano ang pinakagusto mong bahagi sa kuwento?
Iguhit ito sa isang bond paper at ihanda ang sarili sa
pagbahagi sa klase ng inyong takdang-aralin.
Sesyon: 26

PAKSA: Kuwento: “Ang Mangingisda"

TUKLASIN
Ang ating bansa ay sagana sa likas na yamang-dagat. Kung kaya’t isa sa
pangunahing hanapbuhay sa ating bansa ay ang pangingisda.

Source: https://1920332912.rsc.cdn77.org/thumbs_big/epcas0145.jpg

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin:
1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
2. Saan natin makikita ang mga mangingisda?
3. Bakit sila pumupunta sa dagat upang manghuli ng isda?
4. Ang mga mangingisda ba ay nakakatulong sa atin?
5. Sa paanong paraan nakakatulong ang mga mangingisda?

Gawain 1

Isulat sa loob ng mga kahon na nakapalibot sa dinamita ang mga salita na mai-
uugnay mo dito.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Ano ang inyong naramdaman sa ginawang gawain?


b. Ano ang iyong magiging reaksiyon kung may makikita kang totoong dinamita?
Bakit?

ALAM MO BA NA...

Noong unang panahon, sagana pa ang mga karagatan natin sa iba’t ibang
yamang dagat. Halos ara-araw ay marami ang nahuhuling isda ng mga
mangingisda gamit ang bingwit o angkop na lambat.

Ngunit ngayon, dahil sa kapabayaan ng mga tao, halos wala nang


nahuhuling mga isda sa dagat. Ang mga mangingisda ay naging gahaman at
gumamit sila ng mga iligal na
pamamaraan sa pangingisda – isa na rito ang paggamit ng dinamita.

Gaano kaya kasaklap ang epekto ng paggamit ng dinamita sa pangingisda?

Basahing mabuti ang kuwento sa ibaba.

Ang Mangingisda

Sa mga bayang malapit sa dagat,


ang pangunahing hanapbuhay ay ang panghuhuli ng
isda. Dahil sa gusto ng ibang mga mangingisda na
makahuli ng maraming isda, sila ay gumagamit ng
dinamita. Isa na rito si Mang Juan. Marami siyang nahuhuling isda. Kahit na ang maliliit na
isda ay kasamang nahuhuli. Tuwang-tuwa siya kung maraming huli.

Isang gabi, bigla na lamang nakarinig ang taong- bayan ng malakas na


pagsabog sa dagat. May sumabog palang isang bangka dahil sa dinamita.

PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong binasa.

 Ano ang hanapbuhay ni Mang Juan?


 Paano siya nanghuhuli ng isda sa dagat?
 Tama ba ang ginagawa niyang paraan ng pangingisda? Ipaliwanag.
 Ano kaya ang nangyari kay Mang Juan?

Gawain 4

Ibahagi sa iyong mga kaklase ang iyong kaisipan, nararamdaman o reaksiyon


pagkatapos mong basahin ang kuwentong “Ang Mangingisda”.

Gawain 5

Ano ang iyong nararamdaman sa bawat larawan na nasa ibaba? Ibahagi ito sa klase
sa pamamagitan ng paggamit ng mga magagalang na salita.

http://images.natureworldnews.com/data/images/full/4449/
https://i.ytimg.com/vi/5cpa_bti48o/maxresdefault.jpg http://listaka.com/wp-
content/uploads/2015/07/fen-river-
recent-narco-trafficking-deforestation-in-a-protected-area-of-eastern-honduras.jpg
pollution_155_600x450.jpg

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Ibahagi ang mga paksang sumusunod sa pamamagitan ng pagsulat ng inyong mga


ideya o kaisipan sa manila paper.

Pangkat 1 – baha
Pangkat 2 – pagkasira ng mga corals
Pangkat 3 – landslide
Pangkat 4 – global warming

TANDAAN

Dapat ay pahahalagahan natin ang mga aklat at iba pang


babasahin dahil ang mga ito’y nakakapagbibigay sa atin ng mga
mahahalagang impormasyon na magagamit natin sa pang-araw-
araw na buhay.

Ang pagbabasa ay isang gawaing kawili-wili dahil dito natin


maipabuti ang ating talasalitaan.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Babasahing muli ng guro ang kuwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang hanapbuhay ni Mang Juan?


a. carpintero b. magsasaka c. mangingisda

2. Paano siya nanghuhuli ng isda sa dagat?


a. gamit ang dinamita
b. gamit ang lambat
c. gamit ang bingwit

3. Tama ba ang ginagawa niyang paraan ng pangingisda? Bakit?


a. Hindi po, dahil ito ay nakakasira ng mga bahay ng mga taga-roon.
b. Hindi po, dahil nasisira ang mga yamang-dagat.
c. Opo, upang marami ang kanilang makukuhang isda.

4. Bakit kaya may sumabog?


a. sumabog ang mga dinamitang gagamitin sana sa pangingisda
b. may isang kasiyahang nagaganap at nagpaputok siya
c. sumabog ang isang bulkan na nasa dagat

5. Ano kaya ang gagawin ng iba pang mangingisda sa lugar nila pagkatapos ng trahedya?
a. sa malayo na lang na bahagi ng dagat gagamitin ang dinamita
b. bibili pa sila ng mas maraming dinamita
c. ititigil na nila ang paggamit ng dinamita sa pangingisda
TAKDANG ARALIN
GAWAIN 6 (Kasunduan)

Ano ang pinakagusto mong bahagi sa kuwento?

Iguhit ito sa isang bond paper at ihanda ang sarili sa pagbahagi sa klase ng inyong
takdang-aralin.

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 27
Pamantayang Pangnilalaman: a. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan.
b. Nagkakaroon ng pagpapaunlad na kasanayan sa
wasto at maayos na pagsulat.
Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: a. Nakapag-uuri-uri ng mga salita ayon sa


ipinahihiwatig na kaisipan/konseptwal.
b. Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may
tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga salita.

I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapag-uuri ng mga salita.

Saykomotor: Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang


laki at layo sa isa’t isa ang mga salita.

Apektiv: Napangangalagaan ang yamang-dagat sa


pamamagitan ng wastong paraan ng pangingisda.

II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Kuwento: “Ang Mangingisda"

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PT-IIIc-g-5, F2PU-IIIe-g-3.2


Ang Bagong Batang Pinoy, LM pp. 351-352
C. KAGAMITANG Video clip ng isang magingisda na gumagamit ng
PAMPAGTUTURO dinamita, flashcards ng mga salita na may larawan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ipakita ang dalawang video clip.
tanong:
(Pagbabalik-aral) Itanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa video clip?
2. Paano nanghuhuli ng isda ang mga mangingisda sa
video?
3. Bakit kaya sila gumagamit ng dinamita sa
panghuhuli ng isda?
4. Ano ang masamang dulot ng paggamit ng dinamita
sa tao at sa yamang-dagat?

Activiti/Gawain Ipakuha ang mga flashcards na nasa ilalim ng silya ng


mga bata.

Sabihin:

Hanapin ang inyong mga kapangkat batay sa


flashcard na inyong nakuha sa ilalim ng inyong upuan.

Hal. Bangka barko submarine


Isda pating alimango
Kabibe bato buhangin
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Ipalahad sa mga mag-aaral kung paano nila
(Pamamaraan ng pinapangkat-pangkat ang kanilang nga sarili.
Pagtatalakay)
Talakayin ang leksyon sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga halimbawa.

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Gawain Tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat sa kabi-
kabit na paraan ang mga salita.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Ang bawat pangkat ay dapat makapag-uuri-uri sa mga


salita at ipasulat ang mga ito sa kabit-kabit na paraan.
(Bigyan ng activity card ang bawat pangkat)

Hal. Unang Pangkat

Babae Lalake
a. Sheryl a. Ron
b.Leah b. Bob
c. Gina c. Zandro
Tawagin ang bawat pangkat upang makapagbahagi ng
kanilang ginawang gawain.

E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon
Madali nating mauri ang mga salita sa
pamamagitan ng pagtukoy ng bawat salita.

Madali ring mabasa ang isinulat na mga salita sa


kabit-kabit na paraan kung ang mga ito ay nasa
tamang layo at laki.

IV. PAGTATAYA
Uriin ang mga salitang nasa ibaba. Isulat ang mga ito
sa kabit-kabit na paraan.

1. kangkong, mangga, kalabasa, atis, nangka, pechay


2. bag, unan, kumot, lapis, banig, papel
3. adobo, narra, sinigang, akasya, mahogany, menudo
4. doctor, guro, tren, dyip, abogado, traysikel
5. rosas, palengke, orkidyas, parke, simbahan,
gumamela
V. TAKDANG-ARALIN
Uriin ang mga salitang nasa ibaba. Isulat ito sa kabit-
kabit na paraan.

Baka, pabo, paru-paro, agila, kabayo, tipaklong,


kalabaw, manok

Sesyon: 27

PAKSA: Kuwento: “Ang Mangingisda"

TUKLASIN

Halos wala nang nahuhuling isda ang mga mangingisda dahil sa pang-aabuso
ng mga ito sa kalikasan. Ang iba, upang makakuha ng napakaraming isda, ay
gumagamit ng dinamita na siyang dahilan ng pagkasira ng mga yamang-dagat.
Source: http://www.kizi3online.org/img/super-dynamite-fishing.gif

Panoorin ang video clip na nagpapakita kung paano isinasagawa ang paggamit ng
dinamita sa pangingisda at ang mga epekto nito sa kalikasan.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang inyong nakikita sa video clip?


2. Paano nanghuhuli ng isda ang mga mangingisda sa video?
3. Bakit kaya sila gumagamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda?
4. Ano ang masamang dulot ng paggamit ng dinamita sa tao at sa yamang-
dagat?
sa buhay?

Gawain 1

Kunin ang mga flashcards na nasa ilalim ng inyong mga upuan. Hanapin ang inyong
mga kapangkat batay sa flashcard na inyong nakuha.

isda barko pating bato submarine

alimango buhangin bangka kabibe

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

a. Paano ninyo napapangkat ang mga salita sa flashcards?


b. Madali bang pangkatin ang mga salita? Bakit?

ALAM MO BA NA...
Hindi lamang ang mga hayop at halaman na nasa dagat ang naapektuhan ng
paggamit ng dinamita sa pangingisda, kundi pati na rin ang mga tao na tanging
sa pangingisda lamang nabubuhay.

Ang pinakamasaklap, maari din itong maging dahilan ng kamatayan.

Ito ang mga salita na inyong napangkat.

Sasakyang Pandagat:

Bangka barko submarine

Nasa Dalampasigan:

Kabibe bato buhangin

Hayop:

Isda pating alimango

PAGSASANAY
Gawain 3

Uriin ang mga sumusunod na mga hayop kung saan sila makikita – lupa, tubig o
hangin.

Dagat Lupa Hangin


Gawain 4

Sikaping pangalanan ang mga hayop na nasa larawan.

Dagat Lupa Hangin

1. isda 1. Kabayo 1. Agila


2. seahorse 2. Baka 2. Ibon
3. pawikan 3. Tupa 3. Kuwago
4. dikya 4. Elepante 4. Kalapati

Gawain 5

Isulat ang mga pangalan ng mga hayop sa kabit-kabit na paraan.

Pangkat 1 – Mga hayop na matatagpuan sa dagat.


Pangkat 2 - Mga hayop na matatagpuan sa lupa.
Pangkat 3 - Mga hayop na matatagpuan sa hangin.

PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain:

Bibigyan ang bawat pangkat ng activity card at dapat ma-i-uuri-uri ang mga salita
nasa loob nito at ipasulat ang mga ito sa kabit-kabit na paraan. Meron kayong 5 minuto
upang gawin ito at humanda sa pagbabahagi ng inyong gawain.

Unang Pangkat
Ron Rhea Roselle Raegan Raymart Rose Rex Ricky

Ikalawang Pangkat
bag payong kapote lapis bota notbuk dyaket papel

Ikatlong Pangkat
Soccer Cebu baseball Manila Davao volleyball Leyte basketball
TANDAAN

Madali nating mauri ang mga salita sa pamamagitan ng


pagtukoy ng bawat salita at higit na makakatulong ang mga
larawan.

Madali ring mabasa ang isinulat na mga salita sa kabit-kabit


na paraan kung ang mga ito ay nasa tamang layo at laki.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Uriin ang mga salitang nasa ibaba. Isulat ang mga ito sa kabit-kabit na paraan.

1. kangkong, mangga, kalabasa, atis, nangka, pechay


2. bag, unan, kumot, lapis, banig, papel
3. adobo, narra, sinigang, akasya, mahogany, menudo
4. doctor, guro, tren, dyip, abogado, traysikel
5. rosas, palengke, orkidyas, parke, simbahan, gumamela

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5(Kasunduan)

Uriin ang mga salitang nasa ibaba. Isulat ito sa kabit-kabit na paraan.

Baka, pabo, paru-paro, agila, kabayo, tipaklong, kalabaw, manok

Sabjek: Filipino Baitang: II


Petsa: Sesyon: 28
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan.

Pamantayang Pagganap:

Kompetensi: Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa


binasang teksto.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapag-uugnay sa sanhi at bunga ng mga pangyayari
sa binasang kuwento.

Saykomotor: Nakagagawa ng isang skit na nagpapakita ng sanhi at


bunga.

Apektiv: Nakalalahok ng masigla sa mga gawain para sa ika-


uunlad ng pag-aaral.
II. PAKSANG - ARALIN

A. PAKSA Pag-uugnay sa sanhi at bunga.

B. SANGGUNIAN CG Filipino 2: F2PB-IIIg-6


Ang Bagong Batang Pinoy, LM pp. 351-352
C. KAGAMITANG tsart
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibesyunal na Ipakita ang video clip.
tanong:
(Pagbabalik-aral) Itanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa video clip?
2. Paano nanghuhuli ng isda ang mga mangingisda sa
video?
3. Bakit kaya sila gumagamit ng dinamita sa panghuhuli
ng isda?
4. Ano ang masamang dulot ng paggamit ng dinamita sa
tao at sa yamang-dagat?

Activiti/Gawain Alin sa mga larawan sa ibaba ang angkop na gagamitin


sa pangingisda na hindi nakadudulot ng pinsala sa ating
yamang-dagat? Bakit?
B. PAGLALAHAD
Abstrakyon Talakayan: (Isulat sa pisara ang mga sagot)
(Pamamaraan ng
Pagtatalakay) 1. Bakit pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Juan?
2. Bakit gumamit sila ng dinamita sa panghuhuli ng isda?
3. Bakit tuwang-tuwa si Mang Juan?
4. Bakit sumabog ang isang bangka habang nasa dagat?
5. Bakit nasisira ang mga yamang-dagat?

Talakayin ang mga kasagutan bilang mga sanhi at ang


mga nasa tanong ang mga bunga.

Bunga
Sanhi
Hal. Pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Juan dahil siya
ay nakatira sa malapit sa dagat.

C. PAGSASANAY
Mga Paglilinang na Kumpletuhin ang mga pariralang sumusunod:
Gawain
a. Masaya ako dahil
________________________________________.

b. Nasira ang laruan ni Roy


____________________________________.

D. PAGLALAPAT
Aplikasyon Pangkatang Gawain:

Ang bawat pangkat ay maghahanda ng isang maikling


skit na nagpapakita ng sanhi at bunga.

E. PAGLALAHAT Tandaan:
Generalisasyon
Ang sanhi ay ang rason o dahilan ng pangyayari.

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan ng


panggyayari.

IV. PAGTATAYA
Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa tsart ang
angkop na mga sagot.

1. Gumamit ng dinamita ang mga tao sa pangigisda kaya


sumabog ang bangka.
2. Nasira ang mga yamang-dagat dahil pinapababayaan
lamang ang mga ito ng mga tao.
3. Pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Juan dahil siya
ay nakatira malapit sa dagat.
4. Tuwang-tuwa si Mang Juan dahil marami siyang nahuli
na isda.
5. Gusto ng mga mangingisda na makahuli ng marami
kaya gumamit sila ng dinamita sa pangingisda.

V. TAKDANG-ARALIN
Itanong sa inyong ina kung bakit ang mga tao ay
nagpapaputok tuwing Bagong Taon. Salunguhitan ang
sanhi at ikahon ang bunga.
Sesyon: 28

PAKSA: Pag-uugnay sa Sanhi at Bunga.

TUKLASIN

Noon, hindi pa medyo kamahalan ang pagbili ng isda, ito ay dahil sagana pa
ang karagatan sa mga isda maging ang iba pang pagkaing-dagat.

Pero ngayon, dahil sa kapabayaan ng tao, hindi na gaano karami ang nahuhuling isda
ng mga mangingisda dalil halos maubos na ang mga ito sapagkat wala nang halos sila
matitirahan at makakain.

Makikita sa mga larawan sa ibaba ang kaibahan ng dami ng mga nahuling isda noon
kumpara sa ngayon.

Noon...
Ngayon...

Source: http://www.crappie.com/crappie/attachments/georgia/86160d1332562799-lake-
blackshear-crappie-com-evening-rusty-jpg

Gawain 1

Panoorin muli ang video na inyong napanood kahapon.


Source: https://youtu.be/XpNzbgmMRHY
Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan batay sa video na inyong napanood.

1. Ano ang inyong nakikita sa video clip?


2. Paano nanghuhuli ng isda ang mga mangingisda sa video?
3. Bakit kaya sila gumagamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda?
4. Ano ang masamang dulot ng paggamit ng dinamita sa tao at sa yamang-dagat?

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Alin sa mga larawan sa ibaba ang angkop na gagamitin sa pangingisda na


hindi nakadudulot ng pinsala sa ating yamang-dagat? Bakit?

http://clipart-finder.com/data/mini/1320586057.png
http://cdn.c.photoshelter.com/img-get/I0000eFz58zTwmn
http://www.fishingproductsbychaser.com/wp-
w/s/750/600/cambodia09jeffrey-1128002.jpg
content/uploads/2016/06/Fishing-Rod-1.jpg

ALAM MO BA NA...

Disiplina lamang ang kailangan upang mapanatili ang likas na yaman. Kung
magagawa natin ito, maaring masisilayan pa ang ganda nito ng mga susunod pa
na henerasyon.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Juan?


2. Bakit gumamit sila ng dinamita sa panghuhuli ng isda?
3. Bakit tuwang-tuwa si Mang Juan?
4. Bakit sumabog ang isang Bangka habang nasa dagat?
5. Bakit nasisira ang mga yamang-dagat?

Ating Alamin:

1. Pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Juan dahil siya ay nakatira malapit sa dagat.
Bunga Sanhi

2. Gumamit sila ng dinamita sa panghuhuli ng isda upang maging madali at marami ang nahuhuli.
Bunga Sanhi

3. Tuwang-tuwa si Mang Juan dahil marami siyang nahuhuling isda.


Bunga Sanhi

4. Sumabog ang isang bangka habang nasa dagat sapagkat hindi kaagad naitapon ni Mang Juan ang
dinamita sa dagat. Bunga Sanhi

5. Nasisira ang mga yamang-dagat dahil sa paggamit ng dinamita sa pangingisda.


Bunga Sanhi

Gawain 3

Kumpletuhin ang mga pariralang sumusunod:

a. Masaya ako dahil _______________________________________________________________.

b. Nasira ang laruan ni Roy ___________________________________________________________.

PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain:

Magtatanghal ang bawat pangkat sa harap ng klase ng isang skit na nagpapakita ng


sanhi at bunga.

TANDAAN

Ang sanhi ay ang rason o dahilan ng pangyayari.

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan ng


panggyayari.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa tsart ang angkop na mga sagot.

1. Gumamit ng dinamita ang mga tao sa pangigisda kaya sumabog ang Bangka.
2. Nasira ang mga yamang-dagat dahil pina-babayaan lamang ang mga ito ng mga tao.
3. Pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Juan dahil siya ay nakatira malapit sa dagat.
4. Tuwang-tuwa si Mang Juan dahil marami siyang nahuli na isda.
5. Gusto ng mga mangingisda na makahuli ng marami kaya gumamit sila ng dinamita sa
pangingisda.

BUNGA SANHI

1.

2.

3.

4.

5.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4(Kasunduan)

Itanong sa inyong ina kung bakit ang mga tao ay nagpapaputok tuwing
Bagong Taon. Salunguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga.
Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 29
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pag-unawa sa napakinggan
Pamantayan sa Pagganap:
Kompetensi: Napagsusunod ang mga pangyayari ng kwentong
napakinggan
1.Layunin Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kwentong
Kaalaman : napakinggan
Nagagamit ang mga pang-ugnay na salita tulad ng
Saykomotor: una,pangalawa at iba pa upang mailahad nang may
wastong pagkasunod-sunod ang napakinggang kwento

Apektiv: Nakalalahok nang masigla sa pangkatang gawain


II. Paksang Aralin
A. PAKSA “Dakilang Tagapag-ingat “
B. SANGGUNIAN Batayang Aklat sa Filipino2 dahon 451-453
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motebisyual na tanong
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Ilang araw sa isang Linggo?
2. Ilang araw kayo pumupunta sa paaralan? Ano –
anong mga araw ito?
Aktiviti/ Gawain 3. Ano- ano ang limang pangyayari na inyong
ginawa simula sa inyong paggising hanggang makapasok
sa paaralan.

Gawain
Iguhit mo.
1. Limang pangyayari na iyong ginawa simula sa
iyong paggising hanggang makapasok sa paaralan.
2. Isusulat at iguhit ng mga pangyayari sa papel
at ipasayos ito sa mga bata ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod.
3. Bigyan ng angkop na pamagat ang pinagsunod-
sunod na pangyayari.

B. PAGLALAHAD Basahin ang kwentong pinamagatang “Dakilang Tagapag-


Abstraksyon ingat” na makikita sa batayang aklat Filipino 2 dahon
(Pamamaraan ng Pagtalakay) 451-452. Magtanong tungkol ditto pagkatapos.
Talakayin kung paano makapagbigay ng wastong
pagkakasunod sa mga pangyayari sa kwentong
napakinggan.
C. PAGSASANAY A.Isulat ang bilang ng bawat pangungusap ayon sa
Mga Paglilinang na Gawain tamang pagkakasunod-sunod nito sa pangyayari.
__ Natatanaw sa bintana ang paparating na mag-
asawang Ruben
at Milay.
__ Masayang nakadungaw sa bintana si Sophie.
__ Nagdasal kay Apo ang magkapatid.
__ Biglang nalungkot si Sophie.
__ Yumakap ang magkapatid sa mga magualng.
__ Yumakap ang mga magkapatid sa mga magulang.
D. PAGLALAPAT Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Isasadula ng
Aplikasyon bawat pangkat ang pagkakasunod-sunod na mga
pangyayari sa kwentong napakinggan gamit ang mga
pang-ugnay na salita tulad ng una, ikalawa, ikatlo
hanggang sa huling pangyayari.
E. PAGLALAHAT Ano ang ibig sabihin kapag napagsunod-sunod natin
Generalisasyon nang tama ang mga pangyayari sa kwentong binasa?
Tandaan natin na dapat unawaing mabuti ang kwentong
pinakikinggan upang mapagsunod-sunod nang tama ang
mga pangyayari sa kwentong binasa.

IV. PAGTATAYA Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kwento?
lahad gamit ang mga larawan sa ibaba. Gamitin ang una,
ikalawa, ikatlo hanggang sa huling pangyayari. Ilagay sa
ilalim ng larawan ang pagkakasunod.
V. TAKDANG ARALIN Ano-ano ang mga balak mong gawin sa iyong kaarawan?
Iguhit sa isang coupon bond ang iyong balak at lagyan ng
bilang ang guhit ayon sa pagkakasunod nito.

IKATLONG MARKAHAN

Sesyon: 29

PAKSA: “Dakilang Tagapag-ingat “

TUKLASIN

Nilikha ng ating panginoon ang sanlibutan ng isang linggo at ang batas


pangkalikasan. Ating pahalagahan at hindi sayangin ang bawat araw na
kanyang ibinigay sa atin.

MOTEBISYUAL NA TANONG:

1. Ilang araw mayroon sa isang Linggo?


2. Ilang araw kayo pumupunta sa paaralan? Ano –anong mga araw ito?
3. Ano- ano ang limang pangyayari na inyong ginawa simula sa inyong paggising
hanggang
makapasok sa paaralan.

Gawain 1
Iguhit mo.

1. Limang pangyayari na iyong ginawa simula sa iyong paggising hanggang


makapasok sa paaralan.
2. Isusulat at iguhit ng mga pangyayari sa papel at ipasayos ito sa mga bata ayon sa
tamang pagkakasunod-sunod.
3. Bigyan ng angkop na pamagat ang pinagsunod-sunod na pangyayari.

ALAM MO BA NA …………

Ang panginoon ay isang titulo o pamagat ng paggalang sa isang taong may dugong
maharlika. Ginagamit itong pantawag sa Diyos, mga hari, may-ari ng manor, baron, anak
ng duke o hukom ng Britanya. Kaugnay ng antas ng tao, nangingibabaw, naghahari, mas
may kapangyarihan o may dominasyon sa ibabaw ng karaniwang tao ang isang
panginoon.Kapag ginagamit patungkol sa Diyos, ito ang pagpapakitang may kapangyarihan
ang Diyos sa ibabaw ng lahat ng mga bagay.Tinatawag ding panginoon si Hesus ng
kanyang mga tagasunod, katulad ng kanyang unang mga alagad, upang ipakahulugang si
Hesus ang may kapangyarihan sa lahat ng mga bagay.

Dakilang Tagapag-ingat

Nakaupo si Sophie sa balkonahe ng kanilang bahay at napapangiti siya na parang


nag-iisip. Napansin siya ng nakatatandang kapatid na si Kule.
“Sophie, ang ganda naman ng ngiti mo! Bakit ka masaya?” tanong ni Kule.
“Kuya Kule, naaalala ko lang sina Inay at Itay. Pauwi na sila ngayon. Pagkagaling sa
palengke, susunduin ni Itay si Inay sa opisina...at magkahawak kamay silang maglalakad,”
paliwanag ni Sophie sa kapatid.
“O, e, ano naman? Bakit ka nangingiti riyan?” tanong ni Kule.
“Nakatutuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni Inay ang mga pinamili ni Itay– ang
malalaking hipon, mabeberdeng gulay, mapupulang mansanas, manggang hilaw– hay!!!
Kaya lang––,” biglang nalungkot na wika ni Sophie.
“Bakit bigla kang nalungkot? Hindi ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo na
naman ang paborito mong manggang hilaw?” wika ni Kule.
“Kasi naman kuya, sabi ni Tatay maraming masasamang tao ngayon sa lansangan at
sa palengke. May mga jologs na magnanakaw, taong
epal, at mga buraot. Nalulungkot ako, ayokong mapahamak sina Inay at Itay sa kanilang
pag-uwi,” matamlay na sabi ni Sophie.
“Sophie, nakalimutan mo ba ang sabi ni Itay
at ni Inay? Magtiwala tayo palagi kay Apo. Si Apo
ang mag-iingat sa kanila,” paalala ni Kule.
“Salamat Kuya, at ipinaalala mo sa akin.
Halika humiling tayo kay Apo na ingatan sina Inay at
Itay,” masayang wika ni Sophie.
Umusal ng dasal ang magkapatid kay Apo na
dakilang tagapagligtas. Pagkatapos nito ay
masayang naghintay ang magkapatid sa kanilang
mga magulang.
Pagkalipas ng ilang sandali lamang ay
paparating na ang mag-asawang Ruben at Milay,
dala-dala ang mga pinamalengke at iba pang
pasalubong sa magkapatid.
Mula sa bintana ng bahay ay natanaw ng
magkapatid ang paparating na mga magulang. Dahil ligtas na nakauwi ang mga ito,
nagpasalamat muna ang magkapatid kay Apo bago tuluyang bumaba ng bahay para
salubungin ang ama’t ina.
 Bakit masaya si Sophie?
 Bakit bigla siyang nalungkot?
 Ano ang ipinaalala ng kaniyang Kuya Kule?
 Ano-ano ang laging dalang pasalubong nina Itay at Inay? Sino si Apo?
 Tama ba ang ginawa ng kaniyang kuya na ipaalala ang pagtitiwala sa Apo?
 Ano ang mga damdamin na nasa kuwento?
 Paano ipinakita ang mga damdamin na ito?

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Isulat ang bilang ng bawat pangungusap ayon sa tamang pagkakasunod-


sunod nito sa pangyayari.

__ Natatanaw sa bintana ang paparating na mag-asawang Ruben at Milay.


__ Masayang nakadungaw sa bintana si Sophie.
__ Nagdasal kay Apo ang magkapatid.
__ Biglang nalungkot si Sophie.
__ Yumakap ang magkapatid sa mga magualng.
__ Yumakap ang mga magkapatid sa mga magulang.

PAGSASANAY
Gawain 3

Basahin sa mga bata. Lagyan ng bilang 1 – 5 ang mga pangungusap


ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isang araw maagang nagising si
Nora.Inayos niya ang kaniyang higaan.Pumunta siya sa kusina upang
maghilamos.Nagsepilyo din siya ng ngipin.Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglinis ng
bahay.

Nagsepilyo din siya ng ngipin.


Isang araw maagang nagising si Nora.
Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglinis ng bahay.
Pumunta siya sa kusina upang maghilamos. Inayos niya ang kanyang higaan

PAGLALAPAT

Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Isasadula ng bawat pangkat ang


pagkakasunod-sunod na mga pangyayari sa kwentong napakinggan gamit ang mga pang-
ugnay na salita tulad ng una, ikalawa, ikatlo hanggang sa huling pangyayari.

TANDAAN

Dapat unawaing mabuti ang kwentong pinakikinggan upang mapagsunod-


sunod nang tama ang mga pangyayari sa kwentong binasa.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?


Ilahad gamit ang mga larawan sa ibaba. Gamitin ang una, ikalawa, ikatlo
hanggang sa huling pangyayari. Ilagay sa ilalim ng larawan ang pagkakasunod

A B C

D E

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)

Ano-ano ang mga balak mong gawin sa iyong kaarawan? Iguhit sa isang coupon
bond ang iyong balak at lagyan ng bilang ang guhit ayon sa pagkakasunod nito.
Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 30
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol ni/nina,


kay/kina, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay/kina

1.Layunin
Kaalaman: Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol ni/nina,
kay/kina, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay/kina

Saykomotor: Naisasagawa ang pagtukoy sa wastong gamit ng mga


pang-ukol

Apektiv: Pagpapakita ng halaga sa kapaligiran

II. Paksang Aralin

A. PAKSA “Ecosavers para sa Kalikasan”


B. SANGGUNIAN LM pahina 443-446, pahina 407-408, pahina 400-401

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Larawan, tsart

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Pagpapakita ng larawan ng kapaligiran noon at ngayon
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Ano ang pakiramdam mo kung malinis/marumi
Aktiviti/ Gawain ang iyong paligid?
2. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating
kapaligiran?
3. Ano ang tinatawag na global warming?
Aktiviti:
Ikumpara ang kapaligiran noon at ngayon sa
pamamagitan ng Venn Diagram

1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang


aktiviti?
B. PAGLALAHAD A. Basahin ang “Eco-savers para sa Kalikasan” pahina
Abstraksyon 443-444.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Magtanong tungkol dito.
Ipabasa sa mga bata ang mga pariralang may
salungguhit sa kwento at itoy talakayin.
Halimbawa: para sa kapaligiran, para sa ikagaganda ng
paligid,

B. Basahin

Gawing Gabay
Ayon sa Kawikaan 22:6 -“Turuan mo ang
bata sa daan na kaniyang dapat lakaran upang kung
tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.”
Ayon sa Gintong Aral - “Huwag mong gawin
sa iyong kapwa, ang bagay na ayaw mong gawin sa
iyo.”
Ayon kay Dr. Jose P. Rizal - “Ang kabataan ay
pag-asa ng bayan.”

Tanong:
1. Pansinin ang mga may salungguhit na salita.
2. Paano ito ginamit?
3. Kailan ginamit ang bawat isa?
C.Ipabasa ang mga pangungusap na may kay at kina.
1. Narinig ko kina Ma’am Sol at Sir Daniel, may
karapatan daw po ang bawat bata.
2. Inay! Ayon naman kay Titser Marissa, kalakip daw
ng karapatan ang responsibilidad at paggalang sa
karapatan ng kapwa.

Tanong:
1. Kailan ginagamit ang kay?
2. Ang kina?
D. Ipabasa sa mga bata ang sumusunod na
pangungusap.

Tinulungan ni Elsa ang matanda sa pagtawid sa


kalsada.
Kasama nina Inay at Itay si Kuya Rommel sa
paglilinis ng baradong kanal.
Ayokong pagtakpan ang pagsisinungaling ni Belle.
Ang pananalig ni Kristo ay tinularan nina San Pablo,
San Juan, San Marcos, at San Mateo.
Ang pag-iibigan nina Mel at Joey ay hinangaan ni
Kim.

Tanong:
1. Kailan ginagamit ang ni?
2. Ang nina?
3. Paano mo ipakikita ang paggalang sa ibang tao?

C. PAGSASANAY A. Punan ng tamang pang-ukol na ni at nina ang mga


Mga Paglilinang na Gawain pangungusap.
1. Hiningi ______ Tita Lorna ang aming mga lumang
laruan.
2. Pagsunod sa utos ng mga magulang ang
ipinangangaral _____ Titser Ivy at Titser Boyet.
3. “Maging makakalikasan tayo,” ang sabi _____
Padre Burgos.

B. Punan ng wastong pang-ukol na kay at kina ang


pangungusap.
1. Ibinigay ko ___ nanay ang mga sariwang gulay.
AngCelsa
2. Binili ni Tita para ang
sa aypulang
ginagamit kapag para
payong tumutukoy
___
sa sa isang
Susan at Nerie. kilos o bagay ng hindi tiyak na
3. Nalaman pangngalan.
ko ___ Nonoy na walang pasok bukas.
Ang para kay ay ginagamit sa isang tiyak na
ngalan ng tao.
Ang para kina ay ginagamit sa dalawa o
higit pang ngalan ng tao.
C. Bilugan ang angkop na parirala upang mabuo ang
diwa ng
pangungusap.
1. (Ayon sa, Ayon kay) matatanda, ang Panginoon ay
tinatawag din nilang Bathala.
2. (Ayon sa, Ayon kay) Apo Lakay, hindi dapat
ipagwalang bahala ang sakit na nararamdaman.
3. (Ayon sa, Ayon kay) pag-aaral, ang mga Pilipino ay
lahing maka-Diyos.

D. Tukuyin ang angkop na pang-ukol sa pangungusap.


Piliin ang sagot sa loob ng panaklong.
1. Bumili ako ng bulaklak (para kay, para sa) mga
yumao naming kamag-anak.
2. Nagdala si Itay ng isang kilong mangga (para sa,
para kay) buong pamilya.
3. (Para sa, Para kay) Roy, Justin, at May ang mga
regalong ito.
D. PAGLALAPAT Pangkatin sa apat ang mag-aaral. Ipagawa ang
Aplikasyon sumusunod sa bawat pangkat.
Unang Pangkat – Sumulat ng tatlong pangungusap na
ginagamitan ng pang-ukol na ayon sa at dalawa na
ayon kay.

Ikalawang Pangkat – Punan ng tamang pang-ukol na para


sa o
para kay o para kina ang mga patlang sa loob ng
talata.
Kayamanan ng Magulang
Ang mabubuting bata ay kayamanan 1. _____
kanilang mga magulang. Ipinagmamalaki sila ng kanilang
mga nanay at tatay dahil nakalilikha sila ng mabubuting
halimbawa 2.____ kapwa at 3._____bayan.Dapat ibigay
ang tamang disiplina 4.____ kabataan na magiging pag-
asa ng bayan. 5.____mga magulang, huwag kayong
magsasawang gabayan ang inyong mga anak at dalhin
ang mga ito sa tamang landas.

Ikatlong Pangkat - Gamit ang kay at kina, bumuo ng isang


simpleng kuwento
tungkol sa mga larawan.
A. B.
Ikaapat na Pangkat – Gamitin ang ni at nina sa sariling
pangungusap. Dalawang pangungusap gamit
ang ni at
tatlong pangungusap gamit ang nina.

E. PAGLALAHAT Tandaan
Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa isang tao.
Generalisasyon
Samantalang ang nina ay ginagamit kung ang isang
bagay o kilos ay ginawa o para sa dalawa o mahigit pang
tiyak na tao.

Ang pang-ukol na kay ay ginagamit kapag ang


isang kilos o bagay ay tungkol sa iisang tiyak na tao
lamang.
Samantala, ang pang-ukol na kina ay
ginagamit kung ang bagay o kilos ay tungkol sa dalawa
o mahigit pang tiyak na tao.

Ang pang-ukol na para


Ang ayon sasa ay
ay ginagamit
ginagamit kapag
kapag tumutukoy sa sa
ang siniping pahayag o impormasyon ay mula sa isang
isang kilos o bagay ng hindi tiyak na pangngalan.
tiyak na aklat, pahayagan, at ibakay
Ang para pa. ay ginagamit sa isang tiyak na
Samantala,ngalan
ang ayon kay ay ginagamit kung ang
ng tao.
IV. PAGTATAYA Isulat ang tama kapag
pinagkuhanan wasto
ng pahayag
Ang ang pagkagamit
o impormasiyon
para kina ngsa
ay isang
ay ginagamit pang-
dalawa o higit
ukoltiyak
at mali naman
na tao. kapag hindi. Isulat
pang ngalan ng tao. ang sagot bago
ang bilang.
_____1. Niyaya nina Mnag Kanor sina Mang Abel at Mang
Caloy na dumalo sa pagpupulong ng barangay.
_____2. Ibinigay ko kina nana yang mga sariwang gulay.
_____3. Ayon sa matatanda, ang Panginoon ay tinatawag
din
nilang Bathala.
_____4. Ayon kay Apo Lakay, hindi dapat ipagwalang
bahala
ang sakit na nararamdaman.
_____5. Bumili ako ng bulaklak para sa mga yumao
naming
kamag-anak.

V. TAKDANG ARALIN Sagutin


1. Ano ang dapat gawin upang tama o wasto ang
pagkagamit ng mga pang-ukol?
IKATLONG MARKAHAN

Sesyon: 30

PAKSA: “Ecosavers para sa Kalikasan”

TUKLASIN

Ang kapaligiran o paligid, katulad ng likas na kapaligiran, ay ang lahat ng


panlabas na mga puwersa, mga kaganapan, at mga bagay na gumagalaw sa
ibabaw ng isang bagay ng lahat ng mga bagay na nakapaligid sa kanya, kasama na ang
bahay, mga gusali, mga tao, mga lupa, temperatura, tubig, liwanag, at iba pang mga buhay
at walang buhay na mga bagay. Ang mga bagay na My buhay ay hindi lamang umiiral sa
kanilang kapaligiran. May madalas na interaksiyon ang mga ito sa kanilan g
kapaligiran.Nagbabago ang mga organismo bilang pagtugon sa mga kalagayan o kundisyon
na nasa kanilang kapaligiran. Ang salitang kapaligiran ay ginagamit upang mapag-usapan
ang maraming mga bagay.
Tingnan ang larawan ng
kapaligiran noon at ngayon

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Ano ang pakiramdam mo kong malinis/marumi ang iyong


paligid?
2. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating kapaligiran?
3. Ano ang tinatawag na global warming?

GAWAIN 1

Ikumpara ang kapaligiran noon at ngayon sa pamamagitan ng Veen Diagram

Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang avtiviti?

ALAM MO BA NA …………

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling


lahat ng bagay na ating ikinabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa
pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman
dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan
n gating kaalaman. Dpat natin itong gamitin ng maayos at bigyang halaga o importansiya.
Ecosavers para sa Kalikasan

Ang Ecosavers ay isang programang inilunsad ng


Kagawaran ng Edukasyon para sa kapaligiran. Ginawa ito upang
turuan ang mga bata na magmalasakit sa kalikasan para sa
ikagaganda ng paligid, at para sa kaligtasan ng mga
mamamayan.
Bahagi ng programang ito ang paglimita sa paggamit ng
plastik, pagre-recycle ng mga bagay-bagay, at pagtatanim ng
mga halaman at puno sa paligid at paaralan.
Ilan lamang ito sa mga ginagawa sa programang
Ecosavers para sa pagpapabuti ng ating kalikasan upang
mabuhay tayo nang masigla at matiwasay. Para sa Kagawaran,
isa itong dakilang gawain. Para sa mga bata, isa itong
nakatutuwang gawain. Para sa mga magulang, isa itong paraan
upang magturo sa pamamagitan ng halimbawa. Para sa mga Pilipino, ito ay isang
pagkakawanggawa para sa kalikasan.

 Bakit inilunsad ang Ecosavers?


 Ano-ano ang gawain sa ilalim ng programang ito?
 Ano ang layunin ng programang ito?
 Paano ka makatutugon sa Ecosavers?
 Ano ang bunga nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan?

A. Ano – ano ang mga pariralang may salungguhit sa kwento?

Ang mga ito ay ang sumusunod at ipapabasa sa mga bata.

para sa kapaligiran, para sa ikagaganda ng paligid, para sa kaligtasan ng mga


mamamayan
para sa mga bata para sa mga magulang para sa pagpapabuti ng ating
kalikasan
para sa mga Pilipino para sa kalikasan

Ginagamit ang para sa kapag tumutukoy sa isang kilos o bagay na hindi tiyak na
pangngalan.

B, Basahin

Gawing Gabay
Ayon sa Kawikaan 22:6 -“Turuan mo ang bata sa daan na kaniyang dapat lakaran upang
kung tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.”
Ayon sa Gintong Aral - “Huwag mong gawin sa iyong kapwa, ang bagay na ayaw mong
gawin sa iyo.”
Ayon kay Dr. Jose P. Rizal - “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.”
Tanong:

4. Pansinin ang mga may salungguhit na salita.


5. Paano ito ginamit?
6. Kailan ginamit ang bawat isa?

Ginagamit ng pang-ukol na ayon sa kapag ang siniping pahayag o impormasyon ay


mula sa isang tiyak na aklat, pahayagan, at iba pa.
Samantala, ang ayon kay ay ginagamit kung ang pinagkuhanan ng pahayag o
impormasiyon ay isang tiyak na tao.

C.Ipabasa ang mga pangungusap na may kay at kina.

1. Narinig ko kina Ma’am Sol at Sir Daniel, may karapatan daw po ang bawat bata.
2. Inay! Ayon naman kay Titser Marissa, kalakip daw ng karapatan ang responsibilidad at
paggalang sa karapatan ng kapwa.

Tanong:

1. Kailan ginagamit ang kay?


2. Ang kina?

Ang pang-ukol na kay ay ginagamit kapag ang isang kilos o bagay ay tungkol sa
iisang tiyak na tao lamang.
Samantala, ang pang-ukol na kina ay ginagamit kung ang bagay o kilos ay tungkol
sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao.

D. Ipabasa sa mga bata ang sumusunod na pangungusap.

Tinulungan ni Elsa ang matanda sa pagtawid sa kalsada.


Kasama nina Inay at Itay si Kuya Rommel sa paglilinis ng baradong kanal.
Ayokong pagtakpan ang pagsisinungaling ni Belle.
Ang pananalig ni Kristo ay tinularan nina San Pablo, San Juan, San Marcos, at San Mateo.
Ang pag-iibigan nina Mel at Joey ay hinangaan ni Kim.

Tanong:

4. Kailan ginagamit ang ni?


5. Ang nina?
6. Paano mo ipakikita ang paggalang sa ibang tao?
Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa isang tao. Samantalang ang nina ay
ginagamit kung ang isang bagay o kilos ay ginawa o para sa dalawa o mahigit pang tiyak na
tao.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

A. Punan ng tamang pang-ukol na ni at nina ang mga pangungusap.

1. Hiningi ______ Tita Lorna ang aming mga lumang laruan.


2. Pagsunod sa utos ng mga magulang ang ipinangangaral _____ Titser Ivy at Titser
Boyet.
3. “Maging makakalikasan tayo,” ang sabi _____ Padre Burgos.

B. Punan ng wastong pang-ukol na kay at kina ang pangungusap.

1. Ibinigay ko ___ nanay ang mga sariwang gulay.


2. Binili ni Tita Celsa ang pulang payong para ___ Susan at Nerie.
3. Nalaman ko ___ Nonoy na walang pasok bukas.

C. Bilugan ang angkop na parirala upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. (Ayon sa, Ayon kay) matatanda, ang Panginoon ay tinatawag din nilang Bathala.
2. (Ayon sa, Ayon kay) Apo Lakay,hindi dapat ipagwalang bahala ang sakit na
nararamdaman.
3. (Ayon sa, Ayon kay) pag-aaral, ang mga Pilipino ay lahing maka-Diyos.

D. Tukuyin ang angkop na pang-ukol sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng


panaklong.

1. Bumili ako ng bulaklak (para kay, para sa) mga yumao naming kamag-anak.

2. Nagdala si Itay ng isang kilong mangga (para sa, para kay) buong pamilya.

3. (Para sa, Para kay) Roy, Justin, at May ang mga regalong ito

PAGLALAPAT

Pangkatin sa apat ang mag-aaral. Ipagawa ang sumusunod sa bawat pangkat.

Unang Pangkat – Sumulat ng tatlong pangungusap na ginagamitan ng pang-ukol na


ayon sa at dalawa na ayon kay.

Ikalawang Pangkat – Punan ng tamang pang-ukol na para sa o para kay o para kina
ang mga patlang sa loob ng talata.

Kayamanan ng Magulang

Ang mabubuting bata ay kayamanan 1. _____ kanilang mga magulang. Ipinagmamalaki


sila ng kanilang mga nanay at tatay dahil nakalilikha sila ng mabubuting halimbawa 2.____
kapwa at 3._____bayan.Dapat ibigay ang tamang disiplina 4.____ kabataan na magiging pag-
asa ng bayan. 5.____mga magulang, huwag kayong magsasawang gabayan ang inyong mga
anak at dalhin ang mga ito sa tamang landas.

Ikatlong Pangkat - Gamit ang kay at kina, bumuo ng isang simpleng kuwento
tungkol sa mga

larawan.

A. B.

Ikaapat na Pangkat – Gamitin ang ni at nina sa sariling pangungusap. Dalawang


pangungusap gamit ang ni at tatlong pangungusap gamit ang nina.

TANDAAN
Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa isang tao. Samantalang ang nina ay
ginagamit kung ang isang bagay o kilos ay ginawa o para sa dalawa o mahigit pang
tiyak na tao.

Ang pang-ukol na kay ay ginagamit kapag ang isang kilos o bagay ay tungkol
sa iisang tiyak na tao lamang.
Samantala, ang pang-ukol na kina ay ginagamit kung ang bagay o kilos ay
tungkol sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao.

Ang pang-ukol na ayon sa ay ginagamit kapag ang siniping pahayag o


impormasyon ay mula sa isang tiyak na aklat, pahayagan, at iba pa.
Samantala, ang ayon kay ay ginagamit kung ang pinagkuhanan ng pahayag o
impormasiyon ay isang tiyak na tao.

Ang para sa ay ginagamit kapag tumutukoy sa sa isang kilos o bagay ng hindi


tiyak na pangngalan.
Ang para kay ay ginagamit sa isang tiyak na ngalan ng tao.
Ang para kina ay ginagamit sa dalawa o higit pang ngalan ng tao.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat ang tama kapag wasto ang pagkagamit ng pang-ukol at mali naman kapag hindi.
Isulat ang sagot bago ang bilang.

_____1. Niyaya nina Mang Kanor sina Mang Abel at Mang

Caloy na dumalo sa pagpupulong ng barangay.

_____2. Ibinigay ko kina nanay ang mga sariwang gulay.


_____3. Ayon sa matatanda, ang Panginoon ay tinatawag din

nilang Bathala.

_____4. Ayon kay Apo Lakay, hindi dapat ipagwalang bahala

ang sakit na nararamdaman.

_____5. Bumili ako ng bulaklak para sa mga yumao naming

kamag-anak.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Sagutin

Ano ang dapat gawin upang tama o wasto ang pagkagamit ng mga pang-ukol?

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG


Petsa: Sesyon: 31
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at
kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nabibigkas nang wasto ang mga diptonggo (aw,iw,ay,oy)

1.Layunin
Kaalaman: Nakakikilala sa mga salitang may diptonggo
Saykomotor: Nakagagawa nang maayos sa pangkatang gawain
tungkol sa mga diptonggo
Apektiv: Naipagpatuloy ang kawilihan sa pagsali ng pangkatang
Gawain

II. Paksang Aralin


A. PAKSA “Pagsalubong sa Bisita”

B. SANGGUNIAN LM pahina 337-338

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Laptap, Projector

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng bisita?
2. Nakatanggap naba kayo ng bisita sa bahay o
paarlan\\\\?
Aktiviti/ Gawain 3. Paano natin dapat ipakita ang maluwag na
pagtanggap sa ating panauhin o bisita?
Gawain
Magpakita ng mga larawan.Ipabigay at ipabigkas sa mga
bata ang mga pangalan nito.
1.larawan ng kalabaw
2.larawan bahay
3.larawan ng apoy
4-5. ……………

B. PAGLALAHAD Basahin ang kwentong “Pagsalubong sa Bisita” sa LM


Abstraksyon pahina 337-338 gamit ang DRTA na paraan.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Talakayin ang mga salitang may diptonggo sa
pamamagitan ng mga nakahilig na mga salita sa kwento.
- sisigaw
- sayaw
- aliw
Tanungin ang mga bata kung ano ang napapansin nila sa
mga salitang ito.
Magpabasa ng talaan ng mga salita.Ipabigkas sa mga
bata nang malinaw ang huling pantig.
1. aliw 6. sisiw
2. bawas 7. tatay
3. kahoy 8. suklay
4. ilaw 9. araw
5. walis 10. uhaw

C. PAGSASANAY Bigkasin ang ngalan ng larawan. Punan ng aw,iw, ay, at


Mga Paglilinang na Gawain oy ang patlang upang mabuo ang salita.
1. sit ____
2. ap ____
3. bab____
4. tul _____
5. gul____

D. PAGLALAPAT Hatiin sa 3 pangkat ang klase.


Aplikasyon Unang Pangkat – Iguhit ang mga salita.
1. araw 4. langaw
2. Sisiw 5. unggoy
3. Ilaw
Pangalawang Pangkat – Gamitin ang mga salita sa
pangungusap.
1. bumitiw 4. umayaw
2. humiyaw 5. aliw
3. sumayaw
Ikatlong Pangkat- Magbigay ng sampung halinabawa ng
mga salitang may diptonggong- aw at iw
E. PAGLALAHAT Ano ang mga diptonggong Filipino?
Generalisasyon Ano ang nakapaloob ditto?
IV. PAGTATAYA Salungguhitan ang salitang diptonggo o nagtatapos sa
ay, oy, aw, at iw.
1. Masarap ang bataw.
2. Ito ay gingulay.
3. Marami ng agiw ang kisame.
4. Nakatira sa puno ang unggoy.
5. Ang halaman ay may buhay.
V.TAKDANG ARALIN Gumawa ng talaan ng mga salitang nagtatapos sa mga
pantig na ay, oy, aw, at iw.

IKATLONG MARKAHAN

Sesyon: 31
PAKSA: “Pagsalubong sa Bisita”

TUKLASIN

Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap, ibig nilang


masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. Nagsisilbi sila ng
pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para
sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang
mga panauhin.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Ano ba ang bisita?


2. Nakatanggap na ba kayo ng bisita sa bahay o paaralan?
3. Paano natin ipakita ang maluwag na pagtanggap sa ating panauhin o
bisita?

Gawain 1

Tingnan ang mga larawang nakapaskil sa pisara. Ibigay at bigkasin ang mga
pangalan nito ng sabay-sabay.

1.

https://www.bing.com/images/search?
q=picture+of+a+carabao&view=detailv2&&id=15334CC799BFECC5CFC331D979504B79A0
1F6A85&selectedIndex=27&ccid=Igvi28qS&simid=607996714112779053&thid=OIP.M220b
e2dbca920bb4d23e59e779fe36d1o0

2.

https://www.bing.com/images/search?
q=picture+of+a+native+house&view=detailv2&&id=3B2A806D1259CC85B8AAB1752BC15
56BD23FF6AB&selectedIndex=1&ccid=PcbMgUHq&simid=608040758996108237&thid=OIP.
M3dc6cc8141ea63cba6b7107b6a1c7f27o0
3.

https://www.bing.com/images/search?
q=picture+of+a+flame&view=detailv2&&id=C467B918BA542B341FEE77869893E949F007
DAAB&selectedIndex=35&ccid=ARc4y0dn&simid=608040256483953813&thid=OIP.M01173
8cb4767a569cd6f64ac7baec38ao0&ajaxhist=0
4.

https://www.bing.com/images/search?
q=picture+of+a+sun&view=detailv2&&id=D5C9E36B3501EA8EC47414A06A88C4A84B98A
164&selectedIndex=57&ccid=LhkTPQNQ&simid=608006223157987524&thid=OIP.M2e1913
3d0350c6db088d0d1cbe33fcaaH0&ajaxhist=0

5.

https://www.bing.com/images/search?q=picture+of+log&FORM=HDRSC2

ALAM MO BA NA…..

Tayong mga Pilipino ay may ugaling hindi maitatanggi. Subukan mong bumisita
sa bahay ng Pilipino at matitikman mo ang pag-aasikasong hindi mo mararanasan sa
ibang bahay na ang namamalagi ay ibang lahi. Kahit ang mga pagkaing minsan lamang
inihahanda at kinakain ng pamilya ay walang pag-aalinlangang inihahanda at ipinapakain
sa mga bisita. Maging ang bagong higaan na hindi pa nagagamit sa loob ng bahay ay
ipinapagamit sa bisita maging komportable lamang. Hindi sa pagyayabang. Iyan talaga
ang mga Pilipino.
Pagsalubong sa Bisita

Ang mga bata sa Ikalawang Baitang, Pangkat Atis ng Paaralang Elementarya ng


Zambales ay naghahanda para sa pagdating ng mga bisitang sina Dr. Wainer at Gng. Smith,
mga Amerikanong guro. Isang bata ang nasa malapit sa bintana. Mula rito ay matatanaw
niya ang pagdating ng mga bisita. Sisigaw siya kapag padating na ang mga bisita.
Samantala, naghahanda naman ang kaniyang mga kamag-aral para sa katutubong
sayaw na itinuro nina Gng. Roces at Bb. Luna. Ito ay inihanda nila upang maipakikita ang
kultura ng mga Pilipino.Sinisiguro nila na makapagbibigay sila ng aliw sa mga bisita at
maipapakita ang magagandang ugali ng Pilipino sa pagtanggap ng mga bisita.
Naging matagumpay ang kanilang paghahanda nang dumating at nagpasalamat
ang kanilang mga bisita.

 Bakit naghahanda ang mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Zambales?


 Sino-sino ang darating nilang bisita?
 Ano ang inihanda nila para sa mga bisita?
 Ano ang mga salitang may salungguhit?
Ang mga salitang may salungguhit at nakahilig ay sisigaw,sayaw at aliw
 Ano ang napapansin ninyu sa mga salitang ito

Maraming salita sa ating wika ang nagtatapos sa aw,iw,ay,ey,oy, at uy.


Ang pinagsamang patinig a,e,i,o,u at katinig na w at y sa isang pantig ay tinatawag na
diptonggo.

Halimbawa: ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo ay ang tunog na
/iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na liw. Ang salitang sampay (sam-pay) ay may
diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay.Walang diptonggo sa mga
salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag nahihi-walay ang dalawang titik sa
pagpapantig.

Halimbawa: ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/dahil ang
titik i at w ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las). Angsalitang sampayan ay
walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y aynahihiwalay sa pagpapantig ng
salita (sam-pa-yan).

Basahin ang talaan ng mga salita. Bigkasing malinaw ang huling pantig.

Diptonggo Salitang may


Diptonggo
ay bahay
ew beywang
iw aliw
oy kahoy
uy kasuy
aw kalabaw

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Bigkasin ang ngalan ng larawan. Punan ng aw,iw,ay,at oy ang patlang upang


mabuo ang salita.

1. sit ______ 4. tul ______

2. ap ______ 5. pil ______

3. bab ______

PAGLALAPAT
Hatiin sa (3) tatlong pangkat ang klase.
Unang Pangkat – Iguhit ang mga salita.
1. araw 4. langaw
2. sisiw 5. unggoy
3. Ilaw
Ikalawang Pangkat – Gamitin ang mga salita sa pangungusap.
1. bumitiw 4. umayaw
2. humiyaw 5. aliw
3. sumayaw

Ikatlong Pangkat - Magbigay ng tig lilimang halimbawa ng mga salitang may diptonggong –
aw,iw,ay at oy

TANDAAN

Ang mga diptonggong Filipino ay aw,iw,ow, ay,ey,oy,at uy.


Ito ay binubuo ng patinig a,e,i,o at u na sinusundan ng w at y.
Nakapaloob ang diptonggo sa isang pantig lamang.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Salungguhitan ang salitang diptonggo o nagtatapos sa ay,oy,aw at iw.


1. Masarap ang bataw.
2. Ito ay ginugulay.
3. Marami ng agiw sa kisame.
4. Nakatira sa puno ang unggoy.
5. Ang halaman ay may buhay.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)

Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga
salita sa ibaba.
Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.

1. sukl _ _ pang-ayos ng buhok


2. bugh _ _ isa sa mga kulay
3. ar _ _ sumisikat tuwing umaga
4. bal_ _ sira ulo
5. bah _ _ tirahan
Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 32
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at
kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: F2AL-III-e-j-12
Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang
isang talata

1.Layunin
Kaalaman: Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang
isang talata

Saykomotor: Nakagagawa ng maikling talata

Apektiv: Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan

II. Paksang Aralin

A. PAKSA “Si Bathala”

B. SANGGUNIAN LM pahina 441-442

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Larawan ng iba’t-ibang pook sambahan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyonal na tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Ano-anong relihiyon ang alam ninyo? Magbigay ng
Aktiviti/ Gawain halimbawa
2. Anong relihiyon mo?
3. Ano ba ang naidudulot sa isang tao kapag may
kinikilalang Diyos?
Ilarawan ang iyong relihiyon sa pamamagitan ng
paniniwala mo nito.
1. Ano ba ang nagagawa ng Diyos sa tao?
2. Sino ang iyong kinikilalang Diyos? Bakit?
B. PAGLALAHAD Babasahin ang tulang pinamagatang “Si Bathala” sa LM
Abstraksyon pahina 441. Magtanong tungkol dito pagkatapos.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Tatalakayin kun paano nagsisimula at nagtatapos ang
isang talata.
Pansinin ang mga pangungusap sa tekstong binasa?
Paano ito nagsimula? Nagtapos?
Paano mo pasasalamatan ang May Likha?

C. PAGSASANAY Isulat nang wasto ang talata at iwasto ang hindi tamang
Mga Paglilinang na Gawain paggamit ng bantas.

D. PAGLALAPAT Sumulat ng isang talata na may tatlong pangungusap


Aplikasyon tungkol sa iyong sarili o mga karanasang hindi mo
makakalimutan.
Isulat ito nang wasto at lagyan ng angkop na bantas.
E. PAGLALAHAT Paano nagsisimula ang isang pangungusap? Paano ito
Generalisasyon nagtatapos?
Ang mga pangungusap ay nagsisimula sa malaking letra
at nagtatapos sa angkop na bantas.
IV. PAGTATAYA Basahin ang talata at tukuyin sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga mali sa pangungusap. Isaalang-alang
ang paggamit ng maliit at malaking letra at angkop na
bantas.
Huwarang Magkapatid
ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga
bata. May oras sila sa Paglalaro, pag-aaral, at sa
pagtulong sa mga magulang. tumutulong muna sila sa
mga gawaing bahay bago maglaro. sa gabi naman ay
nag-aaral muna sila bago manood ng telebisyon. dahil
dito, ang kanilang mga Magulang ay natutuwa sa kanila.

V. TAKDANG ARALIN Sumulat ng 1 talata na nagsasabi tungkol sa iyong


pananampalataya sa dakilang may likha.
IKATLONG MARKAHAN

Sesyon: 32

PAKSA: “Si Bathala”

TUKLASIN

Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga


sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan sa
espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.Ang maraming mga relihiyon ay may
mga mitolohiya, mga simbolo,mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na
magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob.
Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya.
Gayunpaman, ayon kay EMILE DURKHEIM, ang relihiyon ay iba sa pananampalataya o
paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang paniniwala na natatanging
pang panlipunan.

MOTIBESYONAL NA TANONG:

1. Ano-anong relihiyon ang alam ninyo? Magbigay ng halimbawa?


2. Anong relihiyon mo?
3. Ano ba ang naidudulot sa isang tao kapag may kinikilalang Diyos?

GAWAIN 1

Ilarawan ang iyong relihiyon sa pamamagitan ng paniniwala mo nito.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

1. Ano ba ang nagagawa ng Diyos sa tao?


2. Sino ang iyong kinikilalang Diyos? Bakit

3. Nagpapasalamat ba kayo sa lahat ng biyayang natatanggap ninyo sa


Poong Maykapal?

ALAM MO BA NA …………

Ang pananampalataya ay isang paniniwala sa isang Diyos o mga Diyos o sa mga


doktrina o mga katuruan ng isang relihiyon.
Ang tunay na Diyos ang may lalang ng lahat. Wala siyang pasimula at hindi siya
magkakaroon ng wakas( Awit 90:2) Sa kanya galing ang magagandang balita na
mababasa sa Billiya.( 1 Timoteo 1:11) Dahil ang Diyos ang nagbigay sa atin ng buhay,
siya lamang ang sambahin. (Apocalipsis). Walang sinumang tao ang nakakita sa Diyos
dahil isa siyang Espiritu, isang anyo ng buhay na nakahigit sa mga pisikal na nilalang sa
lupa. ( Juan 1:18;4:24) Pero makikita natin ang katangian ng Diyos sa sari-saring prutas at
bulaklak na ginawa niya. At ang napakalawak na uniberso ay nagpapatunay na
makapangyarihan siya.

Si Bathala

Si Bathala ay ang Poong Lumikha.


Lahat ng mga bagay na makikita natin
sa ating kapaligiran ay Kaniyang regalo sa atin.
Siya rin ang nagbigay sa atin ng buhay.
Sa pagtitiwala sa Kaniya, tayong mga tao ay pinagpapala

 Sino si Bathala?
 Ano-ano ang regalo Niya sa atin?
 Paano natin masusuklian ang Kaniyang kabutihan sa atin?

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na


naglalahad ng isang bahagi ng pagkukuro, palagay o paksang diwa. Ang uri ng tatala ay
panimulang talata kung saan makikita sacunahan ng talata. Dito nakasaad ang paksang
nais, talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipapaliwanag, isasalaysay,
inilalarawan o binibigyang- katwiran.

Sa pagsulat ng talata,dapat isulat natin ito nang wasto at malinaw na may tamang
gamit ng bants

Paano mo pasasalamatan ang May Likha?


PAGSASANAY
Gawain 3

Isulat nang wasto ang talata at iwasto ang hindi tamang paggamit ng bantas.

Pagtitiwala sa Panginoon

isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa


kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. naniniwala silang may isang
Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. batid din nilang tumutulong Siya sa
mga taong tumutulong sa kanilang sarili,

PAGLALAPAT

Sumulat ng isang talata na may tatlong pangungusap tungkol sa iyong sarili o mga
karanasang hindi mo makakalimutan. Isulat ito nang wasto at lagyan ng angkop na bantas.

TANDAAN

Ang mga pangungusap ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa


angkop na bantas.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Basahin ang talata at tukuyin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mali


sa pangungusap. Isaalang-alang ang paggamit ng maliit at malaking letra at
angkop na bantas.

Huwarang Magkapatid

ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga bata. May oras sila sa Paglalaro,
pag-aaral, at sa pagtulong sa mga magulang. tumutulong muna sila sa mga gawaing bahay
bago maglaro. sa gabi naman ay nag-aaral muna sila bago manood ng telebisyon. dahil dito,
ang kanilang mga Magulang ay natutuwa sa kanila.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)

Sumulat ng 2 pangungusap na nagsasabi tungkol "Pasasalamat sa Panginoon sa lahat


ng bagay at biyayang natatanggap mo sa araw-araw. "
Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 33
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto ayon sa


pananaw ng isa sa mga tauhan

1.Layunin Naisasalaysay muli ang tekstong napakinggan sa


Kaalaman: pamamagitan ng timeline

Naisasagawa ang pagsasalaysay muli sa tekstong


Saykomotor: napakinggan

Napapahalagahan ang itinuro ng guro


Apektiv:

II. Paksang Aralin

A. PAKSA “ Sorpresa kay Nanay”

B. SANGGUNIAN LM sa Filipino2 pahina 68-69

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart,larawan


III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Sino ang ilaw ng tahanan?
2. Gaano ka importante ang isang ilaw ng tahanan?
3. Nabigyan mo ba sila ng sorpresa sa pinaka
importanting araw nila?
Aktiviti/ Gawain Aktiviti/Gawain
Magpakita ng isang larawan ukol sa isang Ina na Mahal
na Mahal ng kanyang mga anak at asawa.
1. Ano ang masasabi ninyu sa larawan?
2. Masaya ba ang kanilang pamilya?
3. Pinapahalagahan ba nila ang kanilang ina?
4. Ano ang nararamdaman mo habang tinitingnan
ang larawan o habang sumasagot sa mga tanong
ukol sa larawan?
B. PAGLALAHAD Babasahin ang kwentong pinamagatang “Sorpresa Kay
Abstraksyon Nanay sa LM pahina 68-69.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Magbigay ng mga katanungan ukol sa kwentong
napakinggan.
Itatalakay ang mga dapat tandaan upang madaling
maulit o maisalaysay ang napakinggang kwento o teksto.
C. PAGSASANAY Basahin ito ng guro.
Mga Paglilinang na Gawain Mga Gawain ni Jason
Masinop na bata si Jason. Nais niyang gawin ang
kaniyang mga gawain sa takdang panahon. Maaga pa
lamang ay naghahanda na siya sa pagpasok sa paaralan.
Pagkatapos ng kaniyang klase ay umuuwi kaagad siya
upang pakainin ang kaniyang mga alagang baka.Sa
hapon ay pumupunta siya sa palengke upang tulungan
ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng gulay. Pag-uwi sa
bahay ay tumutulong din siya sa paghahanda ng
pagkain.
Gumawa ng isang timeline tungkol sa mga gawain ni
Jason sa buong araw.
Mga Gawain ni Jason

______________

______________

______________

______________

D. PAGLALAPAT Basahin ang tekstong ito at ipaparinig ng mabuti sa mga


Aplikasyon bata.

Nagsisimula ang buhay ng isang mayabong na puno sa isang


maliit na buto. Sa tulong ng lupa, tubig, at sikat ng araw, ang
buto ay magkakaugat. Sa paglipas ng ilang araw, susulpot
ang maliliit na dahon. Ilang araw, linggo, at buwan ang
lumipas, ang maliit na buto ay ganap nang naging mayabong
na puno.
Hatiin sa 4 na pangkat ang klase. Iguhit ang
pagbabagong nagaganap sa isang maliit na buto
hanggang sa maging isang puno sa paraang timeline.
Isalaysay sa klase ang nabuong timeline.Gawin ito ng
bawat grupo.

→ → →

E. PAGLALAHAT Paano natin maisasalaysay muli ang napakinggan o


Generalisasyon nabasang kuwento?

IV. PAGTATAYA Isulat ang mga paghahanda na ginawa ng pamilya ni


Nanay para sa kanyang kaarawan batay sa kwentong
napakinggan “ Sorpresa kay Nanay”. Muling ikuwento
gamit ang timeline.
Mga Paghahanda sa Kaarawan ni Nanay

________→ ________→________→________→________→

V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng isang timeline ng mga ginawa sa bahay nang


nagdaang araw.

IKATLONG MARKAHAN

Sesyon: 33

PAKSA: “ Sorpresa kay Nanay”

TUKLASIN

Ang anak ay hindi mabubuhay na wala ang ina. Siyam na buwan sa


sinapupunan, magkasama lagi simula pa noong nasa tiyan. Kahit ano ay
gagawin ng ina para sa kanyang anak, kapag ito ay may sakit hindi mapakali
ang ina tila siya rin ay nahihirapan. Kapag ito ay nasasaktan ay kirot sa puso ang nadarama
ng ina. Sabi nga nila, walang nakakatiis na magulang sa anak lalo na ang ina. Lahat ng
paraan ay gagawin ng ina para sa kanyang anak, ang gabi ay gagawing araw upang may
maitustos lang sa anak.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Sino ang ilaw ng tahanan?


2. Gaano ka importante ang isang ilaw ng tahanan?
3. Nabigyan mo ba sila ng sorpresa sa pinaka importanting araw nila?

GAWAIN 1

1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?


2. Masaya ba ang kanilang pamilya?
3. Pinapahalagahan ba nila ang kanilang ina?
4. Ano ang nararamdaman mo habang tinitingnan ang larawan o habang
sumasagot sa mga
tanong ukol sa larawan?

ALAM MO BA NA …………
Ang tunay na masayang pamilya ay samahan na ang nagtataguyod ay ang ina at
ama na tinatawag na magulang. Ang ina ay tinatawag na “ilaw ng tahanan” na ang
ginagawa ng ina ay inaalagaan ang mga anak at ang kanyang asawa. Ang ama naman o
tinatawag na “haligi ng tahanan” ay siyang nagtataguyod ng kanyang pamilya at siya
ang responsible sa paghahanapbuhay para sa kanyang pamilya, ang ama ang nagbibigay
benepisyo sa kanyang mga anak at asawa. Ang malaking pamilya ay masaya na may
halong hirap at maraming pagsubok na dapat nating harapin. Madaling harapin ang mga
pagsubok na ito kapag ang buong pamilya ay sama-sama at tulong-tulong para sa
ikauunlad ng bawat isa.
Mayroon akong babasahing kwento tungkol sa isang Ina na may kaarawan. Makinig
nang
mabuti sa kwento upang masagot ang mga katanungan at maisasalaysay ito pagkatapos.

Sorpresa kay Nanay

Sabado ng umaga, naisipan ni Tatay na ipasundo si Nanay kay Tiya Maring. Ginawa
niya iyon upang makapaglinis kami ng bahay at makapagluto. Walang kamalay-malay si
Nanay na mangyayari ang isang sorpresa sa kaniyang kaarawan.

Habang wala si Nanay, gumawa si Kuya ng imbitasyon. Ako naman ang inutusan
niyang mamigay nito. Samantala, sina Ate at Tatay ang nagluto. Tanghali na ay wala pa rin
sila sapagkat nais naming makauwi siya ng hapon upang pagdating niya ay handa na ang
lahat. Sumapit ang hapon at isa-isa nang nagdatingan ang mga panauhin. Dumating na rin
si Nanay at Tiya Maring. Laking gulat ni Nanay nang makita niya ang mga pagkain at mga
panauhin. Napaiyak si Nanay sa tuwa at sa sorpresa naming inihanda sabay sabing,
“Maraming salamat sa inyong lahat.”

Sagutin:

1. Sino ang may kaarawan?

2. Bakit naisipan ng tatay na ipasundo ang nanay?


3. Paano nila inihanda ang sorpresang kaarawan ng ina?
4. Ano ang naramdaman ng nanay nang malaman ang sorpresa?
5. Kung ikaw ang anak sa kuwento, tutulong ka rin ba sa paghahanda? Bakit? Bakit
hindi?
6. Ano-anong paghahanda ang ginawa ng mag-aama para sa kaarawan ng ina

Ngayon, ating babalikan ang mga pangyayari sa kwentong napakinggan sa


pamamagitan ng pagsasalaysay nitong muli gamit ang timeline.

1. Ilang tagpo mayroon ang ating kuwento? (Lagyan ng bilog ang timeline na
magpapakita ng bawat tagpo)

2. Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?


Panglima? (Isulat ang mga ito sa bawat bilog sa timeline)

Tumawag ng mag-aaral na muling magsasalaysay ng kuwento gamit ang timeline

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Basahin ito ng guro.

Mga Gawain ni Jason

Masinop na bata si Jason. Nais niyang gawin ang kaniyang mga gawain sa takdang
panahon. Maaga pa lamang ay naghahanda na siya sa pagpasok sa paaralan. Pagkatapos ng
kaniyang klase ay umuuwi kaagad siya upang pakainin ang kaniyang mga alagang baka.Sa
hapon ay pumupunta siya sa palengke upang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng
gulay. Pag-uwi sa bahay ay tumutulong din siya sa paghahanda ng pagkain.

Gumawa ng isang timeline tungkol sa mga gawain ni Jason sa buong araw.

Mga Gawain ni Jason


______________

______________

______________

______________

PAGLALAPAT

Basahin ang tekstong ito at ipaparinig ng mabuti sa mga bata.

Nagsisimula ang buhay ng isang mayabong na puno sa isang maliit na


buto. Sa tulong ng lupa, tubig, at sikat ng araw, ang buto ay magkakaugat. Sa
paglipas ng ilang araw, susulpot ang maliliit na dahon. Ilang araw, linggo, at
buwan ang lumipas, ang maliit na buto ay ganap nang naging mayabong na
puno.

Hatiin sa 4 na pangkat ang klase. Iguhit ang pagbabagong nagaganap sa isang maliit
na buto hanggang sa maging isang puno sa paraang timeline. Isalaysay sa klase ang
nabuong timeline.
Gawin ito ng bawat grupo.

→ → →

TANDAAN

Dapat itala ang mahahalagang detalye para madaling maulit ang mga ito.
Maaaring gumamit ng mga organizer tulad ng timeline para hindi malimutan ang
mahahalagang datos.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat ang mga paghahanda na ginawa ng pamilya ni Nanay para sa kanyang


kaarawan batay sa kwentong napakinggan “ Sorpresa kay Nanay”. Muling ikuwento gamit
ang timeline.
Mga Paghahanda sa Kaarawan ni Nanay

________→ ________→________→________→________→

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Gumawa ng isang timeline ng mga ginawa sa bahay nang nagdaang araw.

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG


Petsa: Sesyon: 34
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa


pangunahing kaisipan ng tekstong binasa

1.Layunin
Kaalaman: Nakapagbibigay ng mga sumusuportang kaisipan sa
pangunahing kaisipan o diwa sa binasang kwento o
teksto

Naisasagawa nang wasto ang pagbigay ng mga


Saykomotor: sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan sa
tekstong binasa
Humahanga sa mga may mabuting loob
Apektiv:

II. Paksang Aralin

A. PAKSA Si Ginoong John de la Cruz

B. SANGGUNIAN LM pahina 305-309

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart, larawan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Naranasan mo na bang pinuri ka sa mabuti mong
Aktiviti/ Gawain nagawa?
2. Ano ang ginagawa mo kapag pinupuri ka ng ibang
tao dahil sa katangian mo o sa nagawa mo?
3. Ano –ano ang mga ugaling kapuri-puri?

Gawain
Gumuhit ng larawang nagpapakita ng katangiang kapuri-
puri.
Lagyan ng pamagat ang guhit at sumulat ng maikling
talata tungkol sa larawang ginuhit.

B. PAGLALAHAD Basahin ang teksto o kwentong pinamagatang “Si


Abstraksyon Ginoong John de la Cruz” at magtanong tungkol ditto
(Pamamaraan ng Pagtalakay) pagkatapos.
Talakayin kung paano makapagbigay ng mga
sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan o diwa
sa binasang kwento o teksto.

C. PAGSASANAY Basahin ang isang teksto tungkol sa Wastong Paggamit


Mga Paglilinang na Gawain ng Likas na Katangian”. Ibigay ninyu ang pangunahing
kaisipan o diwa at ang mga sumusuportang kaisipan nito.
Isulat sa isang buong papel.
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bigyan ang bawat
Aplikasyon grupo ng manila paper at pentel pen.Bawat grupo ay
gagawa ng balangkas na nakapaloob ang pangunahing
kaispan o diwa at mga sumusuportang detalye o kaisipan
sa teksto. Iulat sa klase pagkatapos.
E. PAGLALAHAT Ano ang dapat gawin upang makapagbigay ng tama o
Generalisasyon wastong kaisipan o diwa sa tekstong binasa?

IV. PAGTATAYA Ibigay ang pangunahing diwa at ang mga kaisipang


sumusuporta nito.
1. Lumipas ang isang buwan, laking gulat nila nang
makita nila si G. de la Cruz na nagtutulak ng
kariton na may mga kasamang batang kalye.
Sinundan nila ito at nakita pa ang maraming bata.

V. TAKDANG ARALIN Sagutin ang “Linangin Natin” LM pahina 312.


IKATLONG MARKAHAN

Sesyon: 34

PAKSA: Si Ginoong John de la Cruz

TUKLASIN

Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na


ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong Sistema ng kaugaliang
Pilipino ay may katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya, moralidad,
kabutihang asal, wastong kagawian, at kahalagahang personal at kultural na itinatakda ng
lipunan.Katulad ng lahat ng lipunan, ang mga pinapahalagahan ng isang indibidwal ay
naaapektuhan ng mga salik katulad ng relihiyon,antas ng kabuhayan, at iba pa.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Naranasan mo na bang pinuri ka sa mabuti mong nagawa?


2. Ano ang ginagawa mo kapag pinupuri ka ng ibang tao dahil sa
katangian mo o sa nagawa mo?
3. Ano –ano ang mga ugaling kapuri-puri?

GAWAIN 1

Gumuhit ng larawang nagpapakita ng katangiang kapuri-puri.Lagyan ng pamagat


ang guhit at sumulat ng maikling talata tungkol sa larawang ginuhit.

ALAM MO BA NA …………

Batay sa mga pananaliksik,pag-aaral, pagsisiyasat, opinion, at iba pang


literaturang gawa ng mga eksperto, na nakaugnay sa mga panlipunan o pangunahing
kaugalian, kasama na rin ang pagkatao, identidad, at katangian ng mga Pilipino,
natagpuan na ang mga Kaugaliang Pilipino ay may likas na elemento. Kabilang dito ang
positibong pagtingin sa hinaharap, negatibong pagtingin sa kasalukuyang pangyayari,
pagmamalasakit sa ibang tao, kabaitan, magiliw na pagtanggap sa mg bisita at iba pa.
Si Ginoong John de la
Cruz

Tunay na bayani kung maituturing si G. de la Cruz


dahil sa kaniyang kahusayan sa pagtuturo. Siya ay isang
larawan ng tunay na maipagmamalaking guro kung
kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga mag-aaral
at kapwa niya guro
Isang araw, nagtaka ang lahat nang bigla itong magpaalam. Marami ang nalungkot at
nanghinayang. “Kailan kaya tayo magkakaroon ulit ng gurong katulad niya?” wika ng isang
mag-aaral.
Lumipas ang isang buwan, laking gulat nila nang makita nila si G. de la Cruz na
nagtutulak ng kariton na may mga kasamang batang kalye. Sinundan nila ito at namangha
nang makita nila ang maraming bata.
“Wow! Isa pala itong silid-aralan! Nagtuturo pala si G. de la Cruz ng mga batang
kalye,” wika ng mga bata.
Biglang napalingon si G. de la Cruz sa kanila at sila ay tinawag. Tinanong ng mga
bata ang kanilang guro, “Sir, bakit po tinuturuan ninyo ang mga batang kalye?”
“Nang makita ko sila, naawa ako. Wala silang matututunan kung nasa kalye lamang
sila. Kaya nandito ako ngayon para sila’y turuan,” tugon ni G. de la Cruz.
“Pero bakit kailangan ninyo pa po sila sunduin?” tanong nila.
“Ipinapakita ko kasi na interesado ako sa kanila, pero yung maliit lang ang sinusundo
ko. Iyong mga malalaki ay kusa nang pumupunta rito,” paliwanag niya.
“Bayani ka talaga, Sir!” wika ng mga bata. Napangiti siya at sinabi, “Kahit sino, puwedeng
maging bayani. O, sige, mga bata may gagawin pa ako,” paalam niya.

“Ang galing talaga ni G. John de la Cruz, maipagmamalaki ko talaga siyang guro,”


wika ng isang bata.

1. Tungkol saan ang kuwento?


2. Ano ang turing ng mga bata kay G. John De la Cruz?
3. Ano-ano ang magagandang katangian niya?
4. Sino sa inyong mga guro ang tulad ni G. John de la Cruz na maipagmamalaki ng ating
bansa?
5. Paano mo ipakikita ang paggalang sa iyong guro?
6. Sa inyung nabasang kwento, ano ang ideya o kaisipan na ipinaparating nito?
7. Ano-ano ang mga mahahalagang detalye o kaisipan ang sumusuporta sa
pangunahing ideya o kaisipan nito?

Sa pagbibigay nito, gagawa kayo ng balangkas. Pag-aralan itong mabuti.


I. Pagiging Bayaning Guro ni Ginoong John De la Cruz ( Pangunahing diwa o
kaisipan)
A. Mahusay magturo ( Mg
Sumusu-
B. Mahal na mahal ang mag-aaral at kapwa guro
portang kaisi-
C. May malasakit sa mga batang kalye sa pamamagitan ng pagturo nito pan o
detalye )

Sa pagbabasa, kinakailangan ang buong atensyon ay nasa binabasa uapng


maunawaang mabuti ang isang teksto o kwento at higit sa lahat itala ang mahahalagang
detalye o impormasyonng nakapaloob nito.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Basahin ang isang teksto tungkol sa” Wastong Paggamit ng Likas na Katangian”.
Ibigay ninyu ang pangunahing kaisipan o diwa at ang mga sumusuportang kaisipan nito.
Isulat sa isang buong papel.

“Wastong Paggamit ng Likas na Katangian”

Magalang ang mga Pilipino. Ito’y likas na katangian ng lahi. Ipinagmamalaki at


hinahangaan ang pagiging magalng ng mga Pilipino. Ipinakikita sa ibat ibang paraan ang
pagiging magalang nating mga Pilipino.
Sa ating pagsasalita, gumagamit tayo ng magagalang na salita tulad ng po, opo, ho
at oho. May mga pantawag din tayo sa mga matatanda tulad ng lolo, lola, apo, impo, inang,
at tatang. Ang mga nakakatandang kapatid ay tinatawag natin ng kuya, ate, diko, ditse,
sanko o sanse.
Isa ring kaugalian at tanda ng paggalang ang pagbati ng “Magandang Umaga Po” o
“Magandang gabi po “sa tuwing makakasalubong ang isang nakatatandang kakilala o taong
nakatataas.
Ang mga nakababatang kasapi ng mag-anak ay nagmamano sa matatanda tuwing
orasyon, pagdating sa bahay, o kapag galing sa pagsisimba.
Magiliw din kung makitungo tayong mga Pilipino sa mga bisita. Ipinaghahanda ng
anumang makakain ang sinumang panauhin na dumarating sa tahanan maging kababayan
man o mga dayuhan.
Kapansin-pansin din sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso, pagtanaw ng
utang na loob sa ibang tao, katapatan, at kababang loob.
Ang likas na katangiang ito ay makabubuti kung nagagamit natin sa wastong paraan.
Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng pagkakaisa at kaunlaran sa bansa. Ngunit kung labis at
hindi wasto ang paggamit ng mga katangiang ito, nagiging dahilan din ito ng pagkakaroon
ng pagkakawatak-watak at paghahamangan na sumisira sa pag-unlad ng bansa.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bigyan ang bawat grupo ng manila paper at
pentel pen.Bawat grupo ay gagawa ng balangkas na nakapaloob ang pangunahing kaispan o
diwa at mga sumusuportang detalye o kaisipan tungkol sa tekstong “Tubig sa Metro Manila,
Ligtas”. Iulat sa klase pagkatapos.

Tubig sa Metro Manila, Ligtas


Walang dapat ipangamba ang mga taga-Metro Manila sa kaligtasan ng tubig na
ipinamamahagi ng dalawang pribadong kompanya, ang Maynilad Water Services, Inc. at
Manila Water Company, Inc. Sa pinakahuling pagsusuri sa mga sampol ng tubig na kinuha sa
may isang libong lugar na pinagdadalhan ng tubig. Ipinakikita na nakasunod ang mga ito sa
bacteriological requirements ng Philippine National Standard for Drinking Water.Quality
Monitoring Committee (MMDWQMC) na nagsasagawa ng buwanang pagsusuri ng tubig sa
Kamaynilaan.

TANDAAN

Sa pagbabasa, kinakailangan ang buong atensyon ay nasa binabasa uapng


maunawaang mabuti ang isang teksto o kwento at higit sa lahat itala ang
mahahalagang detalye o impormasyonng nakapaloob nito.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

1. Ibigay ang pangunahing diwa at ang mga kaisipang sumusuporta nito. Limang puntos
para dito.
2. Lumipas ang isang buwan, laking gulat nila nang makita nila si G. de la Cruz na
nagtutulak
ng kariton na may mga kasamang batang kalye. Sinundan nila ito at nakita pa
ang
maraming bata.

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Sagutin ang “Linangin Natin” LM pahina 312


Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 35
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig
at pag-uawa sa napakinggan
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi:
Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang
teksto
1.Layunin
Kaalaman: Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang
teksto o kwento

Saykomotor: Nakabubuo ng sariling hinuha ng isang teksto o kwento

Apektiv: Napapanatili ang katahimikan sa pagsasagawa ng


pangkatang Gawain
II. Paksang Aralin

A. PAKSA Maalagang Ina

B. SANGGUNIAN Batayang Aklat sa Filipino2 pahina 18-22

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart, larawan


III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya?
May nagkasakit na ba sa kanila?
Tumulong ka ba sa pag-aalaga sa kanila?
Ano ang ginawa mo?
Aktiviti/ Gawain Aktiviti:
Ilarawan ang sariling ina

B. PAGLALAHAD Babasahin ang kwentong pinamagatang “Maalagang Ina”


Abstraksyon sa LM pahina gamit ang DRTA na paraan.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Italakay kung paano makapagbigay ng hinuha sa
napakinggang kwento.
C. PAGSASANAY Sagutin ang sumusunod
Mga Paglilinang na Gawain 1. Ano kaya ang nangyari kung hindi sinabi ni Fe na
may sinat ang kapatid?
2. Paano kung sa kabila ng lagnat ni Rey ay tumuloy
pa sila sa kanilang lakad?
3. Ano kaya ang nangyari matapos gumaling si Rey?
4. Ano ang gusto mong katapusan ng kuwento?
5. Paano mo ipakikita ang pagmamalasakit sa kasapi
ng iyong pamilya?
D. PAGLALAPAT Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ang bawat
Aplikasyon pangkat ng activity sheet na may lamang gagawin ng
pangkat. Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 21.
Pag-uulat ng bawat pangkat pagkatapos
E. PAGLALAHAT Ano ang natutunan mo sa aralin?
Generalisasyon Ano ang paghihinuha?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”pahina 22 ng LM
IV. PAGTATAYA Piliin ang angkop na hinuha sa bawat sitwasyon.
1. Malalim na ang gabi. Maya-maya ay nagtahulan
ang mga aso sa tapat ng aming bahay. May
narinig kaming sumigaw.
a. may bisita c. may magnanakaw
b. may maniningil
2. Mag-uumaga na nang magkagulo sa kabilang
kalye. Inilalabas nila ang kanilang mga gamit.
a. may sunog c. may dumating na trak ng
basura
b. may nag-aaway
3. May makapal at maitim na ulap sa
kalangitan.Maya-maya, lumakas ang hangin.
a. Araw c. uulan
b. Kulimlim
V. TAKDANG ARALIN Bigyan ng hinuha ang sitwasyon
1. Tahimik na nag-aaral c Ruben. Mayamaya ay
napasigaw ang mga kasama niya sa bahay dahil
sa dilim.
Sesyon: 35

PAKSA: Maalagang Ina

TUKLASIN

Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay
doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak,
pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang
katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang
kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.
MOTIBESYUNAL NA TANONG

1. Sino-sino ang kasapi ng isang pamilya?


2. May nagkasakit na ba sa kanila?
3. Tumulong ka ba sa pag-aalaga sa kanila?
4. Ano ang ginawa mo?

Gawain 1

Ilarawan ang iyong pamilya

PAGSUSURI
GAWAIN 2

1. Masaya ba ang iyong pamilya?


2. Paano mo sila pinapahalagahn?
3. Ano ang nararamdaman mo habang inilalarawan ang iyong pamilya?

ALAM MO BA NA…….

Sa ating mundo ipinapanganak tayo na walang kamuwang-muwang ngunit may


mga taong handa tayong mahalin, alagaan at ibigay ang lahat kung anong meron sila,
handang magsakripisyo upang tayo’y lumaki ng maayos at may takot sa Diyos.
Ipinapakita kung gaano sila kasaya noong dumating tayo sa buhay nila at ipinadama nila
kung ano ang kahulugan
Mayroon akongng pag-ibig at babasahin
kuwentong pamilya. tungkol sa isang Ina na maalaga.

“Maalagang Ina”

Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon. Dadalo sila sa


pagtitipon nina Lolo at Lola. Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang buong
pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang mga anak. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis
na kami ng Tatay ninyo.” “Nanay, may sinat po si Rey. Isasama pa po ba ninyo
kami?” tanong ni Fe. Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo
ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may sinat ito. Lumabas siya at nang ito’y bumalik,
nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang palangganang may tubig, botelya
ng gamot, at yelo
Tanong
1. Saan pupunta ang mag-anak ni Aling Carmen?
2. Sino ang nagkaroon ng sakit?
3. Mahalaga ba ang kanilang pupuntahan? Bakit?
4. Ano ang ipinasiyang gawin ni Aling Carmen nang malamang may sakit si Rey?
5. Ano ang masasabi mo kay Aling Carmen?

Itatalakay kung paano makapagbibigay ng wastong hinuha batay sa


kuwentong
napakinggan.

PAGSASANAY
Gawain 3

Sagutin ang sumusunod:

1. Ano kaya ang nangyari kung hindi sinabi ni Fe na may sinat ang kapatid?
2. Paano kung sa kabila ng lagnat ni Rey ay tumuloy pa sila sa kanilang lakad?
3. Ano kaya ang nangyari matapos gumaling si Rey?
4. Ano ang gusto mong katapusan ng kuwento?
5. Paano mo ipakikita ang pagmamalasakit sa kasapi ng iyong pamilya?

Gawain 4
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng activity sheet na
may lamang gagawin ng pangkat. Iulat pagkatapos.
Ibigay ang inyong hinuha sa bawat situwasyon.
Unang Pangkat – Darating mula sa isang malayong probinsya ang Lolo at Lola nina May at
Milyo. Kailangan daw dalhin sa
pagamutan si Lolo. Walang titingin sa kaniya kundi si Lola.
Ikalawang Pangkat – Malapit na ang pasukan sa eskuwela. Papasok na ang bunsong si
Bong. Hindi pasiya marunong umuwi ng bahay nang mag-isa.
Ikatlong Pangkat – May proyekto si Neneng sa paaralan. Hindi pa sumusuweldo si Tatay.
Kukulangin ang pera ni Nanay sa pamamalengke.
Ikaapat na Pangkat – Maraming nagkalat na basura sa tabing-ilog. Malapit dito ang
tirahan ng mag-anak na Reyes.

TANDAAN

Ang hinuha ay pagbibigay ng kasalukuyang nadarama, iniisip, katangian, o


nangyayari batay sa paglalarawan ng mga detalye sa isang sitwasyon.
Maaaring itong positibo o negatibo.

Pagsubok ng Kaalaman

Piliin ang angkop na hinuha sa bawat sitwasyon.

1. Malalim na ang gabi. Mayamaya ay nagtahulan ang mga aso sa tapat ng aming bahay.
May narinig kaming sumigaw.
a. may bisita b. may maniningil c. may
magnanakaw
2. Mag-uumaga na nang magkagulo sa kabilang kalye. Inilalabas nila ang kanilang mga
gamit.
a. may sunog b. may nag-aaway c. may dumating
na trak ng basura
3. May makapal at maitim na ulap sa kalangitan. Mayamaya, lumakas ang hangin.
a. araw b. kukulimlim c. uulan
TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5 (Kasunduan)

Bigyan ng hinuha ang sitwasyon.


Tahimik na nag-aaral si Jessa . Mayamaya ay napasigaw ang mga kasama niya
sa bahay dahil sa dilim.

https://www.bing.com/images/search?

q=children+screaming+in+a+dark+house&view=detailv2&id=C204A93E2573221482F23E
499F340539EFCDE4BC&selectedindex=28&ccid=FBxko8rZ&simid=608056092028700151&t
hid=OIP.M141c64a3cad974198fa52e72f36a537do0&mode=overlay&first=1

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG


Petsa: Sesyon: 36
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nakapagbibigay ng maikling panuto ng may 2-3 hakbang


gamit ang pangunahing direksiyon
1.Layunin
Kaalaman: Nakapagbibigay ng maikling panuto ng may 2-3 hakbang
gamit ang pangunahing direksiyon

Nagagamit ang mga pangunahing direksiyon sa


Saykomotor: pagbibigay ng maikling panuto

Apektiv: Napapahalagahan ang pagsunod sa mga panutong


ibinbigay
II. Paksang Aralin

A. PAKSA Paggamit ng pangunahing direksiyon sa pagbigay ng


panuto ng may 2-3 hakbang
B. SANGGUNIAN LM pahina 157-158
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart ng mga panuto
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na Tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: Patayuin ang mga bata.
Aktiviti/ Gawain Ipataas ang kanang kamay.
Paharapin sa likod.
Ipataas ang kaliwang kamay.
Ano-anong bagay ang makikita sa kaliwa at kanang
bahagi ng silid-aralan?
Gawain
Ipalaro ang “Ang Utos ni Simon.” Ipagawa sa mga bata
ang lahat ng sasabihin ng “it” na si “Simon.” Ang hindi
makasusunod ang siyang magiging “it.” Gamit ang
semantic web, alamin kung saan ano ang kaalaman ng
mga bata sa salitang nasa loob ng kahon.

B. PAGLALAHAD Basahin ang kwentong “Masaya ang Tumulong sa Kapwa”


Abstraksyon sa LM pahina 157-158 atDireksiyon
magbigay ng mga katanungan
(Pamamaraan ng Pagtalakay) tungkol ditto.
Tatalakayin ang apat na pangunahing direksiyon sa
pamamagitan ng pagtukoy sa iba’t –ibang bahagi ng
silid-aralan kung nasaan ang hilaga, timog, silangan at
kanluran.
Patayuin ang mga bata at ipaturo ang apat na
pangunahing direksiyon.
1. Anong direksiyon ang nasa kaliwa at kanan?
2. Saang direksiyon kumakatawan ang itaas at
ibabang bahgi ng silid-aralan.
C. PAGSASANAY Sagutin ang “Sanayin Natin” sa LM pahina 159-160
Mga Paglilinang na Gawain
D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay
Aplikasyon magbibigay ng maikling panuto gamit ang pangunahing
direksiyon para sa mga sumusunod na sitwasyon. Ilahad
sa klase pagkatapos gawin.
Unang Pangkat - Pagtawid ng Maayos sa Kalsada
Ikalawang Pangkat - Sa loob ng simbahan
Tatlong Pangkat – Pagbabasa sa loob ng Silid-Aklatan.
E. PAGLALAHAT Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto?
Generalisasyon

IV. PAGTATAYA Gamit ang mga direksiyon, ipakita ang sumusunod na


lugar sa pamayanan at magbigay ng dalawang panuto na
may 2-3 hakbang ukol sa iyong gawa.
1. simbahan – hilaga
2. kabahayan – kanluran
3. palengke - timog
4. paaralan - silangan
V. TAKDANG ARALIN Gumuhit ng bahay. Ilagay sa loob nito ang sumusunod
na bahagi gamit ang mga direksyon na ibinigay.
1. silid-kainan (hilaga)
2. kusina (gitna)
3. silid-tulugan (silangan)
4. Palikuran (timog)
5. silid-tanggapan (kanluran)

Sesyon: 36

PAKSA: Paggamit ng pangunahing direksiyon sa pagbigay ng panuto ng may 2-3


hakbang.

TUKLASIN

Sa ating pang araw-araw na buhay ay hindi natin maiiwasan na magbigay ng panuto gamit
ang pangunahing direksiyon o makakarinig ng panuto sa paggawa ng mga bagay-bagay. Mayroon ring
mga taong nagtatanong ng direksiyon kapag hindi nila makita ang pook na hinahanap at dapat gamitin mo
ang mga angkop na pananalita sa pagbibigay ng direksiyon.
MOTIBESYUNAL NA TANONG:

Patayuin ang mga bata.


Ipataas ang kanang kamay.
Paharapin sa likod.
Ipataas ang kaliwang kamay.

Ano-anong bagay ang makikita sa kaliwa at kanang bahagi ng silid-aralan?

GAWAIN 1
Ipalaro ang “Ang Utos ni Simon.” Ipagawa sa mga bata ang lahat ng sasabihin ng “it” na si
“Simon.” Ang hindi makasusunod ang siyang magiging “it.” Gamit ang semantic web, alamin kung ano
ang kaalaman ng mga bata sa salitang nasa loob ng kahon.

Direksiyon

1. Ano ang direksiyon?


2. Ano ang mga pangunahing direksiyon?
3. Nasaan ang hilaga? Timog ? Silangan? Kanluran ?

ALAM MO BA NA...

Kapag tumutulong ka sa iba, natutulungan mo ang iyong sarili. Kapag


gumgawa ka ng mabubuting bagay para sa iba , lalo kang nagkakaroon ng
paggalang sa sarili at nakadarama ng kasiyahan dahil sa pagbibigay.

Basahin

Masayang Tumulong sa Kapwa


Masaya ang Tumulong sa Kapwa Araw ng Sabado, masiglang naglalaro si Roy sa
kanilang bakuran na nasa Kalye Marilag sa kanluran. May nakita siyang isang matandang babae na
parang may hinahanap. Lumapit si Roy at tinanong ang matandang babae. Nagpakilala ang babae na
siya ay si Gng. Martinez na mula sa Lungsod ng Bacolod. Hinahanap niya ang bahay ng kaniyang kamag-
anak na malapit sa Pamahalaang Bayan ng Sta. Fe. Tumigil si Roy sa paglalaro at tinulungan ang
matanda. Mula sa bahay nina Roy ay dumiretso sila pasilangan at pagdating sa pangalawang kanto ay
lumiko sila sa kaliwa sa Kalye Aliw at kumanan sa Kalye Maligaya. Mula sa kanto, ay may apat na bahay
ang layo ng Pamahalaang Bayan ng Sta. Fe. Katapat nito ay ang bahay na hinahanap nila.Tuwang-tuwa
na nagpasalamat si Gng. Martinez kay Roy. Masayang umuwi si Roy dahil nakatulong siya sa kapwa.

Sagutin:
Sino ang naglalaro?
Ano ang suliranin ni Gng. Martinez?
Paano siya tinulungan ni Roy?
Ano ang katangian ng batang si Roy?
Saan matatagpuan ang bahay nina Roy?
Saan makikita ang paaralan ng Sta. Fe?
Saang direksiyon matatagpuan ang Pamahalaang Bayan ng Sta. Fe?
Saan matatagpuan ang bahay ng kamag- anak ni Gng. Martinez?

Tatalakayin ang apat na pangunahing direksiyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa iba’t –ibang bahagi ng
silid-aralan kung nasaan ang hilaga, timog, silangan at kanluran.
Ang direksiyon ang magsasabi kung saan naroon ang lugar na nais puntahan o hanapin. Ang apat
na pangunahing direksiyon ay hilaga, timog, silangan, at kanluran.
Ang hilaga ay matatagpuan sa gawing itaas at ang timog ay nasa may ibaba. Ang kanan ay
silangan at ang kaliwa ay kanluran.
Patayuin ang mga bata at ipaturo ang apat na pangunahing direksiyon.
1. Anong direksiyon ang nasa kaliwa at kanan?
2. Saang direksiyon kumakatawan ang itaas at ibabang bahagi ng silid-aralan.

PAGSASANAY
Gawain 2

Tumayo ang lahat at makinig sa ibibigay na panuto. Hintayin ang hudyat ng guro sa
paggawa. Magdala ng papel at lapis upang dito isulat ang sagot sa itatanong ng guro.

1. Pumunta sa kaliwa ng iyong katabi. Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?


2. Pumunta sa likuran. Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?
3. Pumunta sa kanan ng iyong kaibigan. Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?
4. Pumunta sa harapan. Anong direksiyon ang iyong kinaroroonan?
5. Pumunta sa labas at sabihin ang nasa kaliwang bahagi mo.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay magbibigay ng maikling panuto gamit
ang pangunahing direksiyon para sa mga sumusunod na sitwasyon. Ilahad sa klase pagkatapos gawin.
Unang Pangkat - Pagtawid ng Maayos sa Kalsada
Ikalawang Pangkat - Sa loob ng simbahan
Ikatlong Pangkat – Pagbabasa sa loob ng Silid-Aklatan.
TANDAAN
Ang direksiyon ang magsasabi kung saan naroon ang lugar na
nais puntahan o hanapin. Ang apat na pangunahing direksiyon ay hilaga,
timog, silangan, at kanluran. Ang hilaga ay matatagpuan sa gawing
itaas at ang timog ay nasa may ibaba. Ang kanan ay silangan at ang
kaliwa ay kanluran.

Sa pagbibigay ng panuto, gumamit ng mga salitang tiyak at hindi


paligoy- ligoy. Sapagkat ito ay nagdudulot ng pagkalito. Hangga’t maaari
ay gawing maikli lamang ang hakbang sa paggawa o panuto. Pagsunod-
sunurin ito ayon sa sistematikong paraan ang mga hakbang na
isasagawa. Kung ang gagawing pagbibigay panuto ay pasalita, sikaping
bigkasin ito ng wasto at may tamang lakas upang maging malinaw sa
mga nakikinig.
PAGSUBOK NG KAALAMAN

Gamit ang mga direksiyon, ipakita ang sumusunod na lugar sa pamayanan at magbigay
ng dalawang panuto na may 2-3 hakbang ukol sa iyong gawa.
1. simbahan – hilaga
2. kabahayan – kanluran
3. palengke - timog
4. paaralan – silangan

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3(Kasunduan)

Gumuhit ng bahay. Ilagay sa loob nito ang sumusunod na bahagi gamit ang mga
direksyon na ibinigay.

1. silid-kainan (hilaga)
2. kusina (gitna)
3. silid-tulugan (silangan)
4. Palikuran (timog)
5. silid-tanggapan (kanluran)
Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 37
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ang mga tunog


upang makabuo ng bagong salita

1.Layunin Nadadagdagan, nababawasan o napapalitan ang isang


Kaalaman: tunog ng salita upang makabuo ng isang bagong salita

Nakapagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng


Saykomotor: pagdagdag,pagbawas,pagpapalit ng tunog sa isang salita

Napapahalagahan ang pagsuri nang mabuti salita upang


Apektiv: Makita ang pagkakaiba-iba nito
II. Paksang Aralin

A. PAKSA Pagbuo ng mga Bagong Salita

B. SANGGUNIAN LM pahina 292-294


C. KAGAMITANG PAMPAGTURO flashcard ng mga letra
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Ilan lahat ang letra o titik ng ating Alphabetong
Aktiviti/ Gawain Filipino?
2. Alam ba ninyung awitin ang Alphabetong Filipino?
Ipawit ang Alpabetong Filipino
Magpakita ng flashcard ng mga letra. Ipabigkas at
ipatunog sa mga mag-aaral ang bawat letra.
B. PAGLALAHAD Basahin ang tekstong pinamagatang “Kakaiba ang
Abstraksyon Camiguin” pahina 288-289.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Ipabasa ang mga sumusunod na salitang galing sa
tekstong binasa.
taon buong saan tao rito
nila bukal talon tuwing pinto
poste bahay kaya para
tanawin
Talakayin kung paano dagdagan, bawasan o palitan ang
isang tunog sa bawat salita upang makabuo ng bagong
salita.
Halimbawa:
Hanay A Hanay B
Tao Taon
Bahay Baha
Nila sila
Tanong:
1. Anong pagbabago ang napansin ninyo sa mga
salita sa Hanay B?
2. Ano ang nangyari sa salitang tao sa Hanay B?
3. Ano ang nangyari sa salitang bahay? nila sa
Hanay B?
4. Paano nabago ang mga salita?
Ano ang magagawa mo para mapanatiling malinis at
maganda ang isang tanawin sa bansa?

C. PAGSASANAY Sagutin ang sumusunod


Mga Paglilinang na Gawain 1. Anong salita ang mabubuo mo kung papalitan mo
ang unang tunog sa salitang bola?
2. Kapag tinanggal mo ang unang tunog sa salitang
bibig?
3. Kapag nilagyan ng (s) ang hulihan ng salitang
bata?
D. PAGLALAPAT Hatiin sa tatlo ang mga mag-aaral. Bumuo ng bagong
Aplikasyon salita ayon sa panuto.
Unang Pangkat – Dagdagan ng isang tunog ang mga
salita upang makabuo ng bagong salita.
1. ___ama 4. ___uka
2. ___ulo 5. ___ata
3. ___aya

Ikalawang Pangkat – Bawasan ng isang tunog ang mga


salita upang makabuo ng bagong salita.
1. talaba 3. sulat 5. tapa
2. sama 4. Halika
3.
Ikatlong Pangkat – Palitan ang isang tunog ng bawat
salita upang makabuo ng bagong salita.
1.wala 4. baso
2.bola 5. sanga
3.gawa
E. PAGLALAHAT Paano nakabubuo ng mga bagong salita?
Generalisasyon Basahin ang Tandaan Natin LM pahina 293.

IV. PAGTATAYA Bumuo ng tig dalawang bagong salita sa pamamagitan


ng pagdaragdag, pagbabawas, o pagpapalit ng isang
tunog sa mga salitang nasa ibaba.
1. belo 4. toyo
2. ama 5. tagos
3. bata
V. TAKDANG ARALIN Baguhin ang sumusunod na salita sa pamamagitan ng
pagdagdag, pagbabawas o pagpapalit ng isang tunog sa
unahan,gitna o hulihan nito.
1. yaya 4. bao
2. bansa 5.hiya
3. Bangka

Sesyon: 37

PAKSA: Pagbuo ng mga Bagong Salita

TUKLASIN
Ang Alphabetog Filipino ay dapat matutunan o malalaman ng mga mag-aaral at mga
tunog nito dahil itoy daan upang matutung magbasa ang bata. Sa pagbabasa,

marami tayong matutunan at masasagap na kaalaman tungkol sa mga bagay bagay na


sadyang kailangan natin sa pang araw-araw na pamumuhay.

MOTEBISYUNAL NA TANONG:

1. Ilan lahat ang letra o titik ng ating Alphabetong Filipino?


2. Bakit kailangang matutuhan ang Alphabetong Filipino?
3. Alam ba ninyong awitin ang Alphabetong Filipino?
4.

GAWAIN 1

Ipaawit ang Alphabetong Filipino


Magpakita ng flashcard ng mga letra.
Ipabigkas at ipatunog sa mga mag-aaral ang bawat letra.

ALAM MO BA NA …………

Likas na maganda ang Pilipinas. Maraming magagandang tanwin sa ating bansa.


Ang mga pook- pasyalan ay makikita rin sa iba’t ibang lugar. Maraming turista ang
pumupunta rito dahil nais nilang makita ang magagandang tanawin natin.

Kakaiba ang
Camiguin

Isa sa paboritong puntahan ng mag-anak ni Mang Amado ay ang Camiguin, ang


lalawigan kung saan siya ipinanganak.
Ang Camiguin ay isa sa magagandang lugar sa Pilipinas. Pagsasaka at pangingisda
ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito. Ipinagmamalaki nila ang kanilang lansones,
sinasabing pinakamatamis sa buong bansa. Maraming magagandang tanawin sa Camiguin.
Isa na rito ang Mt. Hibok-hibok kung saan tumutubo sa dalisdis nito ang pagkatamis-tamis
na lansones. Dito rin makikita ang Talon ng Katibawasan, Bukal ng Ardent, at Bukal ng Sto.
Niňo.
Tuwing Oktubre pumupunta ang mag-anak dahil ito ang buwan kung kailan
ipinagdiriwang ang Pista ng Lansones.
Dinarayo rin ito ng mga turista. Kumpol-kumpol na lansones ang isinasabit sa mga
bintana, pinto, at poste ng mga bahay. Makikita rin sa parada ang napakaraming lansones.

Kakaiba talaga ang Camiguin.


Tanong:
 Sino ang mag-anak na laging nagbabakasyon?
 Saan sila nagbabakasyon?
 Ano-anong magagandang lugar ang makikita sa Camiguin?

Basahin ang mga sumusunod na salitang galing sa tekstong binasa.

taon buong saan tao rito

nila bukal talon tuwing pinto

poste bahay kaya para tanawin

Ang mga salitang binasa ninyo ay maaring dagdagan, bawasan o palitan ng isang
tunog sa unahan, gitna, o hulihan ng salita upang makabuo ng bagong salita.

Halimbawa:
Hanay A Hanay B
Tao taon
Bahay baha
Nila sila

5. Anong pagbabago ang napansin ninyo sa mga salita sa Hanay B?


6. Ano ang nangyari sa salitang tao sa Hanay B?
7. Ano ang nangyari sa salitang bahay? nila sa Hanay B?
8. Paano nabago ang mga salita?
Mga bata ano ang magagawa mo para mapanatiling malinis at maganda ang isang
tanawin sa bansa?

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Sagutin ang sumusunod

1. Anong salita ang mabubuo mo kung papalitan mo ang unang tunog sa salitang
bola?
2. Kapag tinanggal mo ang unang tunog sa salitang bibig?
3. Kapag nilagyan ng (s) ang hulihan ng salitang bata?

PAGSASANAY
Gawain 3

Dagdagan ang sumusunod na salita ng isang tunog upang makabuo ng bagong


salita.

1. ipon
2. suka
3. upa
4. asa
5. tula

PAGLALAPAT
Hatiin sa tatlo ang mga mag-aaral. Bumuo ng bagong salita ayon sa panuto.
Unang Pangkat – Dagdagan ng isang tunog ang mga salita upang makabuo ng bagong
salita.
4. ___ama 4. ___uka
5. ___ulo 5. ___ata
6. ___aya

Ikalawang Pangkat – Bawasan ng isang tunog ang mga salita upang makabuo ng bagong
salita.
4. talaba 3. sulat 5. tapa
5. sama 4. Halika
6.
Ikatlong Pangkat – Palitan ang isang tunog ng bawat salita upang makabuo ng bagong salita.
4.wala 4. baso
5.bola 5. sanga
3.gawa

TANDAAN

Ang mga salita ay maaaring dagdagan, bawasan, o palitan ng isang


tunog sa unahan, gitna, o hulihan upang makabuo ng bagong salita.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Bumuo ng tig dalawang bagong salita sa pamamagitan ng


pagdaragdag, pagbabawas, o pagpapalit ng isang tunog sa mga
salitang nasa ibaba.

1. belo 4. toyo
2. ama 5. tagos
3. bata

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)

Baguhin ang sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagdagdag,


pagbabawas o pagpapalit ng isang tunog sa unahan,gitna o hulihan nito.

1. yaya 4. bao
2. bansa 5.hiy
3. Bangka

Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG


Petsa: Sesyon: 38
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at
kung paano ang ugnayan ng simbolo at wika
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang


isang pangugusap

1.Layunin
Kaalaman: Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang
isang pangugusap

Saykomotor: Nakakagawa at nababasa ang mga pangungusap na may


tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon

Apektiv: Nakalalahok ng aktibo sa pangkatang gawain

II. Paksang Aralin

A. PAKSA Ang Magkakaibigan

B. SANGGUNIAN Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 pahina 162-163,


165-166
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart, larawan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Mayroon ka bang kaibigan? Ilarawan ang iyong
Aktiviti/ Gawain kaibigan
2. Kayo ba ay nagtutulungan? Sa anong paraan?

Gawain
Papabuuin ang mga mag-aaral ng pangkat na may
limang miyembro. Bawat pangkat gagawa ng usapan
tungkol sa konseptong “kaibigan” at itoy isasadula.

B. PAGLALAHAD Babasahin ang talatang pinamagatang Ang


Abstraksyon Magkakaibigan” LM pahina 162-163. Magtanong tungkol
(Pamamaraan ng Pagtalakay) dito. Tatalakayin kung paano magsisimula at magtatapos
ang isang pangungusap.
C. PAGSASANAY Tukuyin kung wasto ba ang pagkakasulat ng mga
Mga Paglilinang na Gawain pangungusap at lagyan ng angkop na bantas.Itama kung
mali.
1. aha diyan ka pala nagtatago
2. Hay, aalis na naman si Tatay
3. bakit ngayon ka lang dumating
4. sino po ang hinahanap ninyu
5. maari bang umupo sa tabi mo

D. PAGLALAPAT Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa mga


Aplikasyon kabutihang maidulot ng pagkakaroon ng kaibigan.

E. PAGLALAHAT Paano nagsisimula at nagtatapos ang pangungusap?


Generalisasyon

IV. PAGTATAYA Isulat nang wasto ang mga pangungusap.

V. TAKDANG ARALIN Sumulat ng limang pangngusap tunkol sa mga ginagawa


mob ago ka pumasok ng paaralan.
Sesyon: 38

PAKSA: Ang Magkakaibigan

TUKLASIN

Walang tao sa mundo na walang kaibigan dahil sa may kasabihang “


No Man is an Island”. Ito ang kadalasang nating naririnig sa sinuman. Ang
kasabihang ito ay may katotohanan dahil lahat tayo ay nangangailangan ng kasama sa
buhay. Sa dahilang gusto nating may masasabihan ng problema at karamay sa buhay.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Mayroon ka bang kaibigan? Ilarawan ang iyong kaibigan


2. Kayo ba ay nagtutulungan? Sa anong paraan?

GAWAIN 1

Papabuuin ang mga mag-aaral ng pangkat na may limang miyembro. Bawat pangkat
gagawa ng usapan tungkol sa konseptong “kaibigan” at itoy isasadula.

ALAM MO BA NA …………

Ang kaibigan ay kadalasang higit pa sa kaibigan kung maituturing, para mo na


ring kapatid na siyang nakakaalam ng mga sikreto na hindi mo masabi sa iyong mga
magulang. Pero sa pagdating ng panahon na nagkakalaboan, isinasabi mo na “ Best
Friends is the best enemy”

Ngayon ating babasahin mga bata ang talata tungkol sa Magkaibang Nagttutulungan.

Ang Magkakaibigan

Ako at si Abet ay laging magkasama. Kami ay magkaibigan. Nagtutulungan kami sa


lahat ng bagay. Sina Romel, Rodel, at Randel ay kaibigan ko rin. Sila ay kasama ko sa
paglilinis ng aming barangay. Sama-sama kami sa pagwawalis, pagtatanim, at pamumulot
ng mga kalat. Pagkatapos naming maglinis, sinasabi ko sa kanila, “Tayo nang kumain.” at
sabay-sabay kaming kakain ng inihandang pagkain ni Nanay.

Sagutin:

1. Sino-sino ang magkakaibigan?


2. Ano ang ginagawa ng magkakaibigan?
3. Ano ang sinasabi ni Abet pagkatapos nilang maglinis?
Basahin ang mga pangungusap na nasa kahon.

Si Abet at ako ay laging magkasama


May kaibigan ba kayong katulad ni Abet?

Tayo ng kumain
1. Paano babasahin ang pangungusap
na nasa unang kahon? Ikalawang kahon? Ikatlong kahon?
2. Paano isinulat ang mga pangungusap?

Ang mga pangungusap ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa angkop


na bantas. Sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap, bigkasin ang mga ito nang malinaw
at nang may tamang bilis, diin, ekspresyon, at intonasyon.

PAGSUSURI
GAWAIN 2

Tukuyin kung wasto ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap at lagyan ng


angkop na bantas.Itama kung mali.

1. aha diyan ka pala nagtatago


2. Hay, aalis na naman si Tatay
3. bakit ngayon ka lang dumating
4. sino po ang hinahanap ninyu
5. maari bang umupo sa tabi mo

PAGLALAPAT

Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa mga kabutihang maidulot ng


pagkakaroon ng kaibigan.

TANDAAN

Ang mga pangungusap ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa


angkop na bantas. Sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap, bigkasin ang mga ito
nang malinaw at nang may tamang bilis, diin, ekspresyon, at intonasyon.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Isulat nang wasto ang mga pangungusap.

1. namasyal sila sa bukid


2. nakarating ka na ba sa Boracay
3. malungkot ang kaibigan ko
4. nanalo ako sa lotto
5. mamamangka ba kayo
TAKDANG ARALIN
GAWAIN 3 (Kasunduan)

Sumulat ng limang pangngusap tunkol sa mga ginagawa mob ago ka pumasok


ng paaralan.
Sabjek: FILIPINO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 39
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat

Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: Nagagamit nang wasto at ayos ang silid-aklatan


Mga dapat ikilos sa silid- aklatan

1.Layunin Nakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-


Kaalaman: aklatan

Saykomotor: Naisasadula ang tamang paggamit at mga dapat ikilos sa


silid-aklatan

Apektiv: Napahahalagahan ang mga tuntunin sa silid-aklatan

II. Paksang Aralin

A. PAKSA Paggamit ng Silid-Aklatan

B. SANGGUNIAN LM pahina 447-449

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Larawan ng isang silid-aklatan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong:
Pangmotibesyunal na tanong: 1. Itaas ang kamay sa mga mahilig magbasa.
Aktiviti/ Gawain 2. Alam ba ninyu kung ano ang silid-aklatan?
3. Ano ang makikita dito?
4. Sino-sino na sa inyo ang nakagamit na ng
aklatan?
Magpakita ng larawan
1. Saan ang mga bata nagbabasa ng aklat?
2. Ano ang masasabi o napapansin ninyu sa
larawan?
3. Ano sa palagay ninyu ang pakay ng mga batang
pumupunta sa silid-aklatan?
B. PAGLALAHAD Magpakita ng larawan tungkol sa pangyayari sa loob ng
Abstraksyon silid –aklatan.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Papaobserbahin ang mga bata kung paano gumamit ng
mga gamit at kung ano-ano ang gawi ng mga bata sa
loob ng silid-aklatan. Talakayin ang mga naobserbahang
gawi at asal ng mga bata sa loob ng silid-aklatan.
Ipabasa ang” Mga tuntunin sa paggamit ng Silid-
Aklatan”sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 447.
C. PAGSASANAY A. Sagutin ang sumusunod na tanong:
Mga Paglilinang na Gawain 1. Ano-ano ang mga dapat gawin bago pumunta sa
silid-aklatan?
2. Habang nasa silid-aklatan?
3. Paano manghihiram ng aklat?
B. 1. Magbigay ng tatlong (3) tuntunin na dapat sundin
nga mga bata kapag nasa loob ng aklatan.
2. Paano nakakatulong ang silid-aklatan sa mga guro
at mga mag-aaral?
D. PAGLALAPAT Pangkatin sa 3 ang mga mag-aaral. Isasadula ang
Aplikasyon tamang paggamit at paano manghiram ng aklat sa silid-
aklatan. Gagawin ito ng bawat grupo. Bigyan ng 10
puntos ang may pinakamagan dang pagsasadula.
E. PAGLALAHAT Ano ba ang silid-aklatan?
Generalisasyon Pag-usapan ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 448.

IV. PAGTATAYA Sagutin. Dalawang puntos sa bawat bilang.


1. Ano ang silid-aklatan?
2. Bakit kailangang maging tahimik sa loob ng silid-
aklatan?
3. Ano ang kahalagahan ng katahimikan sa silid-
aklatan?

V. TAKDANG ARALIN Bumuo ng dalawang payak na pangungusap batay sa


larawan.
Sesyon: 39

PAKSA: Paggamit ng Silid-Aklatan

TUKLASIN

Isa sa magandang gawain ang pagbabasa, sapagkat hinggil sa inyong hilig at


interes dito maraming magagandang bagay itong naidudulot.
Nakakapagpalawak ito ng ating imahinasyon. Naipapaisip sa atin ng ating
nababasa ang mga bagay na imposible nating makita o maranasan.Nakukuha nating
maglakbay sa pagbabasa. Higit sa lahat,marami tayong napupulot na kaalaman at aral.
Nadagdagan ang ating nalalaman. Kung wala kayong aklat o pambili ng aklat, may isang
silid o gusaling may koleksiyon ng mga aklat na pwede ninyong puntahan o hiraman ng
aklat upang makapagbasa.

MOTIBESYUNAL NA TANONG:

1. Itaas ang kamay sa mga mahilig magbasa.


2. Alam ba ninyu kung ano ang silid-aklatan?
3. Ano ang makikita dito?
4. Sino-sino na sa inyo ang nakagamit na ng aklatan?

GAWAIN 1

Tingnan nang mabuti ang larawan .

4. Ano ang masasabi o napapansin ninyu sa larawan?


5. Saan ang mga bata nagbabasa ng aklat?
6. Ano sa palagay ninyo ang pakay ng mga batang pumupunta sa silid-aklatan?
ALAM MO BA NA …………

Ang aklatan o library ay isang silid o gusaling may koleksiyon ng mga


aklat. Madalas itong puntahan ng mga taong ninanais na huwag bumili o di
kaya ay walang pamabili ng aklat. Karaniwan ay may mga kolesiyon din ng
pahayagan o magazine sa mga aklatan.

Ang koleksiyon ng aklatan ay maaari rin naming kapalooban ng mga


produkto ng makabagong teknolohiya gaya ng mga CD, DVD, audio tapes,
video tapes at iba pang multimedia. Sa makabagong panahon, ang mga
modernong mga aklatan ay nakapaghahandog narin ng serbisyo ng internet
sa kanilang
Mga bata tingnangmga kliyente.
mabuti ang larawan. Ito ay isang silid aklatan kun saan mayroong
mga batang masayang nagbabasa ng aklat.

Sagutin ang sumusunod na tanong ukol sa larawan.


1. Ano-ano ang gawi ng mga bata sa loob ng silid-aklatan.?
2. Paano gumamit ang mga bata ng mga gamit sa silid aklatan?

May mga tuntunin sa paggamit ng Silid-Aklatan na dapat malaman at masunod ng


mga bata o mga taong pupunta sa silid-aklatan

Mga Tuntunin sa Paggamit ng Silid-Aklatan

1. Ihanda ang iyong ID, kuwaderno, at panulat.


2. Humingi ng papel mula sa tagapamahala ng silid-aklatan at isulat ang eksaktong
pamagat ng aklat na nais hiramin at ang may-akda nito.
3. Ibalik ang papel na sinulatan sa tagapamahala at hintayin ang aklat na hinihiram.
4. Tanggapin ang aklat at magpasalamat.
5. Humanap ng lugar na mapagbabasahan.
6. Buhatin nang tahimik ang upuan upang hindi makalikha ng ingay at makaabala sa
ibang nag-aaral.
7. Huwag pupunitin o susulatan ang aklat na hiniram.
8. Mag-aral nang tahimik

PAGSUSURI
GAWAIN 2
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga dapat gawin bago pumunta sa silid-aklatan?


2. Habang nasa silid-aklatan?
3. Paano manghihiram ng aklat?

PAGSASANAY
Gawain 3

1. Magbigay lang ng tatlong (3) tuntunin na dapat sundin nga mga bata kapag nasa
loob ng aklatan.

2. Paano nakakatulong ang silid-aklatan sa mga guro at mga mag-aaral?

PAGLALAPAT

Pangkatin sa 3 ang mga mag-aaral. Isasadula ang tamang paggamit at paano


manghiram ng aklat sa silid-aklatan. Gagawin ito ng bawat grupo. Bigyan ng 10 puntos ang
may pinakamagan dang pagsasadula.

TANDAAN
Ang silid-aklatan ay isa sa mahahalagang silid sa paaralan. Dito makikita
ang iba’t ibang uri ng babasahin na makatutulong sa ating pag-aaral.
Kailangang sundin natin ang mga tuntunin sa paggamit nito upang
mapangalagaan ang mga babasahing narito at mapakinabangan pa ng mas maraming
bata.

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Sagutin. Dalawang puntos sa bawat bilang.

1. Ano ang silid-aklatan?


2. Bakit kailangang maging tahimik sa loob ng silid-aklatan?

3. Ano ang kahalagahan ng katahimikan sa silid-aklatan?

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)
Bumuo ng dalawang payak na pangungusap batay sa larawan.
Sabjek: FILIPNIO Baitang: IKALAWANG BAITANG
Petsa: Sesyon: 40
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa
paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t
ibang uri ng panitikan.
Pamantayan sa Pagganap:

Kompetensi: F2PL-Oa-j-2
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling
pangangailangan at sitwasyon
1.Layunin
Kaalaman: Nauunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng
pormalidad

Saykomotor: Naisasadula ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas


ng pormalidad

Apektiv: Napapahalagahan ang sariling wika

II. Paksang Aralin

A. PAKSA Iba’t Ibang Antas ng Wika

B. SANGGUNIAN Ang Bagong Batang Pinoy 2 pahina 456-458

C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Tsart, larawan

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Motibesyunal na tanong
Pangmotibesyunal na tanong: Magpakita ng larawan ng mag-asawa na malambing sa
Aktiviti/ Gawain isa’t isa at larawan ng magkapatid na masaya.
1. Ganito rin ba ang iyong mga magulang? Bakit?
2. May kapatid ka ba?
3. Ganito rin ba kayo kasaya? Bakit?
Aktiviti
Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bawat grupo ay
magtatala ng mga salitang jejemon/ balbal o salitang
hiram at gamitin ito sa kanilang usapan.
B. PAGLALAHAD Muling babasahin ang akdang “Dakilang Tagapag-ingat.”
Abstraksyon Pasagutan ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 456.
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Tukuyin ang mga pormal at hindi pormal na salita sa
akda. Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita na
tinukoy bilang pormal at dipormal na salita. Kailan
ginagamit ang pormal at di-pormal na mga salita?
Ipaliwanag ang antas ng pormalidad ng wika na
nakapokus lamang sa pampanitikan, karaniwan,
panlalawigan, at balbal.

C. PAGSASANAY Ibigay ang katumbas ng mga pormal na salita sa balbal


Mga Paglilinang na Gawain nitong anyo.
Pormal Balbal
Pera
Asawa
Dalaga
Bahay
Pulis

D. PAGLALAPAT Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa. Isasadula ng ng


Aplikasyon bawat pangkat ang sumusunod na sitwasyon:
Unang pangkat – Magpakita ng isang usapan na may
gamit na mga salitang balbal.
Ikalawang pangkat – Magpakita ng isang dula-dulaan na
nagpapakita ng paggamit ng pormal na
pananalita.

E. PAGLALAHAT Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipabasa ang Tandaan


Generalisasyon natin na makikita sa LM pahina 457.

IV. PAGTATAYA Isulat ang P kung ang salita ay pambansa at BL kung ito
ay balbal.
____ 1. haligi ng tahanan _____ 11. ina
____ 2. datung _____ 12. Apo
_____ 3. tsakarote _____ 13. sasakyan
_____ 4. bana _____ 14. kubyertos
_____ 5. dalasang _____ 15. karaniwan
_____ 6. tsikot _____ 16. jologs
_____ 7. pulis _____ 17. panulat
_____ 8. bolpen _____ 18. kuwarta
_____ 9. silid _____ 19. jejemon
_____ 10. bulad _____ 20. daing

V. TAKDANG ARALIN Magtala ng tig-limang(5) salita na balbal at pambansa.


Sesyon: 40

PAKSA: Mga Tugmang Bayan

TUKLASIN

Kasama sa pagiging Pinoy ang pagsasalita ng wikang Filipino. Ika nga, hindi ka
daw totoong Pilipino kung hindi ka marunong magsalita ng Filipino. Ito ang tatak
ng pagka- Pinoy natin. Kung ang mga Amerikano ay nagsalita ng Ingles at ang
mga Koreno ay nagsalita ng Hanggul, tayo naman ay wikang Filipino. Pero ang tanong,
gaano ka karunong sa pagsasalita ng Filipino? Dumudugo na ba ang ilong mo sa sarili nating
wika?
Sa paglipas ng panahon, ang dami ng sumulpot na mga salitang bago kaya
nalilimutan na natin ang ibang salita sa Tagalog na diksyunaryo. Tayo pa mismo ang nanu-
nosebleed sa sariling wika at mas pamilyar pa tayo sa mga spelling words natin sa English
subject.

MOTIBESYUNAL NA TANONG :

Tingnan ang larawan ng mag-asawang


malambing sa isa’t isa at ng magkapatid na
masaya.

1. Ganito rin ba ang iyong mga magulang? Bakit?


2. May kapatid ka ba?
3. Ganito rin ba kayo kasaya? Bakit?

GAWAIN 1

Hayaang magbahagi ang mga bata ng karanasan nila na masaya ang kanilang buong
pamilya.
PAGSUSURI
GAWAIN 2

Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bawat grupo ay magtatala ng mga


salitang jejemon/ balbal o salitang hiram at gamitin ito sa kanilang usapan. Ipalahad sa klase

ALAM MO BA NA …………

Sa dami ng salitang balbal dito sa Pilipinas, ang daming nagiging


jejemon sa paligid. Makikita mo na nga iyong pagiging jejemon nila sa paraan
ng pananamit, tapos pag nagsalita dudugo pa ilong mo sa inimbinto nila.
Ikaw pa ang mapapahiya dahil sa hindi mo alam iyong sinasambit nila. Pero
dapat nga bang gamitin ang mga balbal? Hindi naman bawal o masamang
gumamit ng salitang balbal dahil ang mga salitang ito ay hindi mo na maaalis
sa bokabularyo ng Pinoy. Ang wika ay pabago-bago, tulad ng panahon.
Naidagdag na ito sa kultura ng bagong henerasyon. Imposible na. Siguro ay
dapat nalang maging balance ang mga salitang ginagamit natin, upang hindi
malimutan ang mga salitang Filipino at hindi mawala ang impotansya ng mga
salitang ito. Ika nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay mas masahol pa sa bulok at malansang isda. “ Kaya patuloy
nating pagyamanin ang wikang Filipino.

Muling babasahin ang akdang “Dakilang Tagapag-ingat.”

Nakaupo si Sophie sa balkonahe ng kanilang bahay at napapangiti siya na


parang nag-iisip. Napansin siya ng nakatatandang kapatid na si Kule.
“Sophie, ang ganda naman ng ngiti mo! Bakit ka masaya?” tanong ni Kule.
“Kuya Kule, naaalala ko lang sina Inay at Itay. Pauwi na sila ngayon. Pagkagaling sa
palengke, susunduin ni Itay si Inay sa opisina...at magkahawak kamay silang maglalakad,”
paliwanag ni Sophie sa kapatid.
“O, e, ano naman? Bakit ka nangingiti riyan?” tanong ni Kule.
“Nakatutuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni Inay ang mga pinamili ni Itay– ang
malalaking hipon, mabeberdeng gulay, mapupulang mansanas, manggang hilaw– hay!!!
Kaya lang––,” biglang nalungkot na wika ni Sophie.
“Bakit bigla kang nalungkot? Hindi ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo na
naman ang paborito mong manggang hilaw?” wika ni Kule.
“Kasi naman kuya, sabi ni Tatay maraming masasamang tao ngayon sa lansangan at
sa palengke. May mga jologs na magnanakaw, taong epal at mga
buraot.
Nalulungkot ako, ayokong mapahamak sina Inay at Itay sa kanilang pag-uwi,”
matamlay na sabi ni Sophie.
“Sophie, nakalimutan mo ba ang sabi ni Itay
at ni Inay? Magtiwala tayo palagi kay Apo. Si Apo
ang mag-iingat sa kanila,” paalala ni Kule.
“Salamat Kuya, at ipinaalala mo sa akin.
Halika humiling tayo kay Apo na ingatan sina Inay at
Itay,” masayang wika ni Sophie.
Umusal ng dasal ang magkapatid kay Apo na
dakilang tagapagligtas. Pagkatapos nito ay
masayang naghintay ang magkapatid sa kanilang
mga magulang.
Pagkalipas ng ilang sandali lamang ay paparating na ang mag-asawang Ruben at
Milay, dala-dala ang mga pinamalengke at iba pang pasalubong sa magkapatid.
Mula sa bintana ng bahay ay natanaw ng magkapatid ang paparating na mga
magulang. Dahil ligtas na nakauwi ang mga ito, nagpasalamat muna ang magkapatid kay
Apo bago tuluyang bumaba ng bahay para salubungin ang ama’t ina.

 Ilarawan ang mag-asawang Ruben at Milay.


 Ilarawan ang magkapatid na Kule at Sophie.
 Ano ang ibig sabihin ng mga salitang nabilugan?
 Kailan ito ginagamit?
 Sino ang gumagamit nito?
 Kung gagamitin ang pormal na salita para sa mga ito, ano ang magiging bagong
pangungusap natin?

Ang wika ay may iba’t ibang antas ng paggamit. Kailangang pillin natin ang wasto at
angkop na salita na gagamitin para sa iba’t ibang pagkakataon at lugar.
Mga Antas ng Wika:
1. Balbal o islang - ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika
ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang
kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan.
Halimbawa:
iskapo ( takas ) epal ( mapapel )
juding ( binabae ) parak, lespu ( pilus )
3. Lalawiganin – ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o
panlalawigang salita.
Ang mga Cebuano, Ilokano, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-
kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent at
ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.
Halimbawa:
ditse (ate) ambot ( Bisaya,ewan)
sangko ( kuya ) balay ( Bicolano, bahay )
4. Pambansa – Ang kasaysayan ng wikang ito sa Pilipinas ay lubhang makulay at
kontrobersyal.
Gayunpaman, sa likod ng mayamang kasaysayan at kawalan ng matibay na pagliliwanag sa
saligang batas, naitala ang Wikang Pambansa bilang Filipino. Ang Flipino ay hango sa
humigit kumulang na 90 diyalekto sa bansa. Gayunpaman, ang Tagalog ang siyang
sinasabing nagluwal nito. Ang Tagalog, sa panahon ng mga pagtatakda ng wikang pambansa
ay ang siayng napili at ang pinakamabilis na maintindihan ng halos buong Pilipinas.
Halimbawa :
asawa( pambansa) / waswit ( balbal) / asawa/bana ( lalawiganin)
5. Pampanitikan – Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa’y ginagamit ang mga salita
sa iba pang
kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at
ibat ibang tono, tema at punto.
Halimbawa:
kasambahay( pampanitikan) / tsimay ( balbal) / katulong ( pambansa)

PAGSASANAY
Gawain 3

Ibigay ang katumbas ng mga pormal na salita sa balbal nitong anyo.


PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa. Isasadula ng ng bawat pangkat ang


sumusunod na sitwasyon:
Unang pangkat – Magpakita ng isang usapan na may gamit na mga salitang balbal.
Ikalawang pangkat – Magpakita ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng paggamit ng
pormal na pananalita.

TANDAAN

Ang wika ay may iba’t ibang antas ng paggamit. Kailangang pillin natin ang
wasto at angkop na salita na gagamitin para sa iba’t ibang pagkakataon at lugar.
Ang mga antas ng wika ay ang mga balbal, lalawiganin, pambansa,
pampanitikan
Pormal Balbal
pera
asawa
dalaga
bahay PAGSUBOK NG
pulis KAALAMAN
tatay
Isulat ang P kung ang salita ay pambansa at
BL kung ito ay balbal.
____ 1. haligi ng tahanan _____ 11. ina
____ 2. datung _____ 12. Apo
_____ 3. tsakarote _____ 13. sasakyan
_____ 4. bana _____ 14. kubyertos
_____ 5. dalasang _____ 15. karaniwan
_____ 6. tsikot _____ 16. jologs
_____ 7. pulis _____ 17. panulat
_____ 8. bolpen _____ 18. kuwarta
_____ 9. silid _____ 19. jejemon
_____ 10. bulad _____ 20. daing

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 4 (Kasunduan)

Magtala ng tig-limang (5) salita na balbal at pambansa.

You might also like