Professional Documents
Culture Documents
Aralin 2
Aralin 2
III. PAMAMARAAN:
Panimulang Gawain: Pagdarasal at Pagtsek ng atendans.
Panimula/Pagganyak:
Panitikan- “Picture Analysis” Magpapakita ang guro ng isang larawan na may kaugnayan sa
tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos. Magbibigay ang mga mag-aaral ng interpretasyon
tungkol sa larawan na maari nilang maihambing o maihalintulad sa buhay at sa mga bagay
bagay.
Isang hapong magtatakipsilim na halos, si Tandang Felimon at ang kaniyang asawang si Bausis
ay nakaupo sa kanilang pintuan. Maligayang tinatanaw nila ang magandang paglubog ng araw.
Nakatapos na silang maghapunan at magpapalipas na lamang ng ilang mga oras upang sila ay
makapagpahinga na. Napag-usapan nila ang kanilang halamanan, ang kanilang mga baka, ang
kanilang mga alagang mga pukyutan, at ang kanilang ubas na tanim, na noon ay nakagapang sa
bakuran at may mga bunga na nagsisimula nang mamula.
-“Ang Mapaghimalang Pitsel”
Panitikan- Basahin ang tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos. Magbibigay ng aral na nakuha
sa tula pagkatapos itong mabasa. Saka tatalakayin ang mga URI NG TALUDTOD.
Gabay na mga tanong:
1. Paano mo ihahalintulad ang guryon sa kasalukuyang mga laruan na kinahihiligan
ng mga bata?
2. Ipaliwanag ang ginawang paghahalintulad ng guryon sa buhay na makikita sa
pinakahuling saknong.
3. Basahin ang saknong at sagutin ang kasunod na tanong (5.1).
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ang iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling sin a mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit.
5.1 Suriin ang saknong ayon sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Pantigin ang
bawat taludtod at ilagay sa dulo kung ilan ang bilang ng pantig ng bawat taludtod.
Gramatika- Ponemang Suprasegmental (Diin)
Retorika- Pagbasa at Pagpapahalaga sa tulang “Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon De Jesus.
Paglalapat:
Panitikan-
Panuto:
A. Sa pamamagitan ng Word Association, magbigay ng mga salita, bagay o pahayag na
maiuugnay sa salitang guryon.
Guryon
B. Basahin ang tulang “Isang Punong kahoy” ni Jose Corazon De Jesus. Suriin ang bawat taludtod
at saguting ang sumusunod.
PAGSUSURI:
Uri ng Taludturan: _________________________________________________________
May sukat o wala? Kung mayroon, ilan? _________________________
Salungguhitan ang mga dulong salita na may tugma sa bawat saknong
Gramatika- Isulat sa kahon ang tsek (/) na wastong kahulugan o katumbas ng salitang Ingles
ayon sa diin ng sinalungguhitang pantig.
1. ‘alive’ buhay buhay
2. ‘seven’ pito pito
3. ‘we’ tayo tayo
4. ‘sit’ upo upo
5. ‘read’ basa basa
6. ‘income’ kita kita
7. ‘wood’ kayo kayo
8. ‘red’ pula pula
9. ‘child’ bata bata
10. ‘as if’ baka baka
Paglalahat:
Gabay na mga tanong:
1. Bakit mahalagang malaman ang uri ng taludturan ng isang tula?
2. Paano malalaman ang uri ng taludturan gamit sa isang tula?
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng ng mga ponemang suprasegmental tulad ng diin lalo na sa
pagbigkas ng mga tula?
4. Paghambingin ang iba’t-ibang uri ng taludturan.
5. Paano binibigkas ang mga salitang sinalungguhitan? Isa lamang ba ang paraan ng pagbigkas ng
bawat salita?
PANITIKAN
Natutuhan ko na _________________________________________________________________-
_____________________________________________________________________________
GRAMATIKA
Nalaman ko na
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
RETORIKA
Naging malinaw sakin na
________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Pagtataya:
PANITIKAN- Suriin ang mga salita ng bawat saknong sa tulang “Ang Guryon.” Bigkasin ang mga ito at tingnan
kung magkakatulad ang paraan ng pagbigkas. Isulat sa maliit na kahon ang tsek (/) kung magkakatulad ang
paraan ng pagbigkas, at ikahon naman ang salita na naiiba ang bigkas.
4. ikaw 5. madaig
asahan mapatid
tandaan masabit
marangal magkamit