kinahuhumalingan ng mga bata. Wikang Korean na ang ibig- sabihin ay magandang hapon. Hindi na nakakapagtataka sa panahon ngayon ang marinig ang wikang nabanggit. Hindi nga ba’t pati mga awiting Korean ay atin nang naririnig, hindi lamang sa mga radio at telebisyon, sa mga bata, dalaga o binata man, ito’y bukambigbig. Ating babalikang tanaw ang mga nagdaang taon, dati nag-aalala tayong ang wikang Englis ang tuluyang hahalili sa wikang Filipino. Sa paglipas ng panahon, marami ang pagbabago. Hindi lamang sa teknolohiya kundi pati na ang pakikipagkapwa-tao. Mga pagbabagong ni minsan hindi pumasok sa ating mga isipan. Ngayon hindi lamang pala Englis ang magiging banta sa wikang Filipino na ating inaalala. Maaari palang ibang lengwahe ang siyang mamamayani. Nakakabahala! Hindi po ba? Datapuwat kung pag-iisipan nating mabuti at pansinin ang paligid at mga pangyayari. Mukhang hindi naman humahantung sa tuluyang pagbitiw ng bawat Pilipino sa wikang Filipino. Bakit kamo? Ipapaliwanag ko sa inyo. Ang layunin natin sa paggamit ng Wika ay upang makipagtalastasan, na kung saan ito’y bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay at karanasan. Ang wika ay nagsisilbing tulay ng ating pag-uunawaan at pagtutulungan. Kaya’t tayo ay nakakabuo ng wastong hinuha ayon sa pangyayari, sitwasyon, o usapan man. Noong mga anak ko’y mumunting supling pa lamang Filipino ang wikang kanilang kinagisnan. Bakit kailangan ba? Madalas tinatanong ng iba. Sagot ko ay “Oo” upang lolo at lola nilang Ilokano ay nakakausap at naiintindihan sila. Minsan na ring nagawi sa Hongkong, wikang Englis na pinaniniwalaang global ang dating mula pa noon, “this”, “that”, “yes”, “no” at “okay” lang naman ay pwede nang gamitin doon. Ang “use complete sentence” ay wala namang dating sa bansang wika ay “mandarin”. Hindi rin patatalo mga musikang obra ng mga Pilipino. Kantang Filipino ay namayagpag din sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Sa katunayan ang kantang “Ikaw” ni Yeng Constantino ay kinakanta at isinalin na rin sa wikang Hangul ng mga Karean. At kung inaakala ninyo na tuluyan nang naglaho ang salawikain, nagkakamali po kayo! Hindi po to naglaho, kundi nag-ibang anyo. Ngayon ito’y kilala sa tawag na “hugot” sa mga makabago. Kung saan nasasabi ang idyomatikong pagpapahayag at palaisipan. Minsan ito’y nangangaral, at minsan ay nagpapahayag ng damdamin, mga bukambibig itong naaangkop sa iba’t ibang pagkakataon at pangyayari. At dahil dito, ay nagkakaroon din tayo ng pagkakataong matagpuan ang kahit munting bahagi ng ating sarili. At higit sa lahat masasabi nating ang mga Pilipino, kahit noon unang panahon ay may-angkin na likas na wikang maipagmamalaki. Bagama’t ito’y isang katotohanang nasa likod ng ating mga takot at pag-aalinlangan. Kung kaya’t kailangan nating gisingin ang ating kaisipan. Maging matapat sa sariling kakayahan at katangian. Tayo ay Pilipinong may uri ng paturuang nagbubuklod sa biyaya ng magandang katubusan. May sambandila’t, isang awit, isang wikang hindi hiram na namumukod-tangi kahit sa makabagong kaayusan. At kahit na ilang daang taon pa ang lilipas, wikang Filipino pa rin ang siyang ibibigkas. Totoong ang buhay sa mundo, tulad ng panahon ay nagbabagu-bago, liwanag at dilim ay isang senaryo. Kaya Pilipino magpakatatag ka sa pagharap dito. Ang sariling wika ay ating pagyamanin. Ating idambana at laging gamitin. Wikang Filipino’y kay timyas bigkasin. Kaiga-igaya sa tibok ng damdamin. Ating idambana at laging gamitin, linangi, itampok at palaganapin. Ang wika ay kaluluwang pamana sa atin ng ating bansa. At ang bansang may taglay na wika na iisa ang himig, ay lahi at bansa na ang paninindigan ay mahirap malupig.