Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

Taon at Antas: Grade 10 Araw ng Pagtuturo: Hulyo 2-5, 2018

I.Layunin:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaaasahang:

a. Nasusuri ang tiyak na bahagi na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal sa


napakinggang parabola.
b. Nabibigyang-puna ang estilo ng mga salita at ekspresyong ginamit sa parabola.
c. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagdadaloy ng
mga pangyayari, pagwawakas).
d. Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang binuong collage.

II. Paksang-aralin:

a. Paksa:
 Panitikan: Ang Tusong Katiwala (Parabula mula sa Syria)
 Gramatika at Retorika: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay (Pagsisimula,
Pagpapadaloy ng Pangyayari, Pagwawakas)
 Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
b. Sanggunian:

Ambat, Vilma C. et,a. (2015). Panitikang Pandaigdig Filipino-Ikasampung Baitang Modyul

para sa Mag-aaral. Vibal Group Inc. pahina 44-55.

c. Kagamitan: Aklat, mga larawan, cartolina, pentel pen

III. Pamamaraan:

a. Paghahanda:
 Pagdarasal
 Pagbati
 Pagtsek sa liban
b. Pagbabalik Tanaw:
 Magkakaroon ng pahapyaw na talakayan ang klase tungkol sa “Ang Alegorya ng Yungib”
na isang sanaysay mula sa Greece at ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag sa konsepto
ng pananaw.
 Bibigyang linaw ng guro ang hindi pa naiintindihan ng mga mag-aaral hinggil sa sanaysay
at mga ekspresiyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw.
c. Pagganyak:
Pagsusuri ng Larawan
 Susuriin ng mga mag-aaral ang mga larawan na ipapakita ng guro at merong mga gabay
na tanong na dapat sagutin sa sagutang papel.
d. Paglalahad:
Unang Araw
Tuklasin
 Magsasagawa ang guro ng talakayan sa mga naging sagot ng mga mag-aaral at
magbibigay ng iba pang sitwasyong ngapapamalas/kakitaan ng kagandahang-asal.
 Sa bahaging ito papangkatin ng guro ang klase sa tatlong grupo na mayroong labing
limang miyembro at babasahin ang akdang “Puasa” Pag-aayunong Islam”. Sa bawat
pangkat ay magtatala sa kasunod na talahanayan ang bahaging naglalahad ng:
Pangkat 1- Katotohanan
Pangkat 2- Kabutihan
Pangkat 3- Kagandahang-asal ng isang tao

Pagkatapos ay magkakaroon ng talakayan sa mga sagot ng bawat pangkat.

 Sa pariho ring pangkat gamit anf story frame, isasalaysay ng bawat pangkat ang
mahahalagang pangyayari sa:
Pangkat 1- Pagsisimula
Pangkat 2- Pagpapadaloy ng Pangyayari
Pangkat 3- Pagwawakas

Ikawalang Araw

Linangin

 Mula sa ginawang story frame, tatawag ang guro ng tatlong kinatawan sa bawat pangkat
upang ibahagi ang kanilang naitala.
 Magbibigay ng input ang guro sa uri ng akdang babasahin-parabula.

You might also like