Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Pamagat: Diary ng Panget

May Akda: Denny R.

Direktor: Andoy Ranay

Uri ng nobela: romantiko komedya

II.

Buod: Makikita sa pelikula si Eya,isang mahirap at ulilang kabataan na maituturing na pangit ang hitsura
dahil sa dami ng tagihawat nito at magaspang na buhok. Mahilig siyang magsulat sa kanyang talaarawan
(diary) ng mga nagaganap sa kanyang buhay, lalo na ng mga pantasya hinggil sa kanyang ideal guy.
Nagtatrabaho siya sa restawran ng kanyang Auntie upang masuportahan ang pag-aaral, kung saan una
niyang nakilala si Chad (Andre Paras) na kanyang naging malapít na kaibigan. Natanggap siya bilang
iskolar sa Willford Academy ngunit magiging miserable ang pananatili niya sa paaralan dahil sa hitsura
nito; subalit doon niya matatagpuan si Lory na kanyang naging matalik na kaibigan. Sa paaralan din niya
unang nakilala si Cross (James Reid), isang guwapo at mayamang kabataan na kinalaunan ay kanyang
magiging amo dahil kinuha at tinanggap si Eya ni Mr. Sandford bilang personal na katulong ni Cross. Sa
pagtakbo ng mga tagpo, magiging pasakit kay Eya ang kanyang pagsisilbi kay Cross, subalit hindi
namamalayan ng dalawa na unti-unti na palang nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa.

III.

Paksa: Takbo ng storya ng pagmamahalan ni Eya at Cross. Sa mga pangyayari ng kanilang pagiibigan ang
naging paksa ng pelikula. Ang Storyang ito ay pelikulang pangkabataan noong 2014 na batay sa
pinakamabiling nobela na may katulad na pamagat, at nilikha't inilathala sa Wattpad ni Denny R., kilala
sa sagisag-panulat nito na HaveYouSeenThisGirL.

IV.

Bisa: Ito ay na rerelate ng mga kabataan tungkol sa kanilang mga natitipuhang tao. Ito din ay
nagpapatunay na kahit ano man ang iyong pisikal na katangian, may taong para sayo at di ka iiwan.
Nakakabigay ito ng kumpyansa sa mga taong di ganoon nagpapakita ng mukha dahil di sila nasisiyahan
dito dahil sa pisikal na anyo na meron sila at dahil na rin sa diskriminasyon. Ang kuwento ay
napapanahon dahil karaniwan na sa ating lipunan ay nambubully ng dahil lang sa kanilang hitsura.
Malinaw na rin sa atin, lalo na tayong mga kabataan ang ibig sabihin ng "THE MORE YOU HATE, THE
MORE YOU LOVE" ganyan ang nangyari sa kuwentong diary ng panget.

V.

Mga tauhan

Mga pangunahing tauhan


Nadine Lustre bilang Rhea "Eya" Rodriguez

James Reid bilang Cross Sandford

Yassi Pressman bilang Lorraine "Lory" Keet

Andre Paras bilang Chad Jimenez

Mga katulong na tauhan

Gabby Concepcion bilang Mr. Sandford

Mitch Valdez bilang Auntie

Candy Pangilinan bilang Mayordoma

Aj Muhlach bilang Ian

Arkin Del Rosario bilang Seven

Coraleen Waddell bilang Riri

Janna Roque bilang Femme

Carissa Quintas bilang Steph

VI.

Tagpuan: Willford Academy

VII.

Sinematograpiya: Makikitang malaki na ang pag-unlad ng pelikulang pilipino, di gaya dati na may
pagkaluma na at hindi gaanong naging maganda ang pagkakakuha. Ang bawat galaw ng artista ay
mahusay na nasundan ng karakter kaya`t tuloy-tuloy at walang putol ang kabuoan ng pelikula.

VIII.

Mensahe:

Ang pelikula ay nagpapaalala satin na ang pagmamahal ay hindi dahil sa kung anong meron ka kundi
dahil sa kung ano ka. Kung mahal mo ang tao, tatanggapin mo lahat ng katangian nya. Nagpapaalala din
ito satin na magpakatotoo tayo dahil dito tayo makakahanap ng totoong tao na may pakialam satin.

IX:

Teoryang ginamit:

You might also like