Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

• Sa Kasalukuyan, isang malaking hamon ang pananatili

ng kaayusan at kapayapaan. nakakalungkot ang mga


pangyayaring maraming kabataan na ang napahamak
dahil sa kawalan ng kakayahang sumunod at
gumalang. Maraming suliranin and maaring malunasan
kung ang pagsunod at paggalang ay maisabuhay.

• Sapat na ba ang pagtugon ng “Po at Opo” Upang


maipakita mo ang paggalang sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad?

• SMILES add value to our FACE.

• LOVE add value to our HEART.

• RESPECT add value to our BEHAVIOR.

• And FRIENDS & FAMILY add value to our LIFE…!!!


• PAGGALANG
-ay nagmula sa salitang na “respectus” na ang ibig
sabihin ay “paglingon o pagtingin muli” na ang
ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang
tao o bagay.

Hiwaga ng Pamilya
(ni Gabriel Marcel tinukoy ni Dy, 2007)

• Ang Pamilya Bilang Halaga


• Sa mga bahay na iyong napuntahan, napansin mo ba ang mga
nakadisplay na larawan ng pamilya, mga medalya, mga diploma,
mga tropeo at mga patunay ng pagpakilala?
• Ang pakiramdam mo ang iyong pamilya at isang karangalan ang
maging bahagi nito ang madalas na nagingibabaw na damdamin,
hindi ba?
• Ang nararamdamang KARANGALAN (PRIDE)
At hindi KAYABANGAN (VANITY), ay isang tugon na bahagi ng
iyong pag-iral. Kasalungat naman ang iyong maramdaman kung mga
bagay na hindi ikinararangal ang naiuugnay sa iyong pamilya.

• Maipapakita rin ang paggalang sa pamamagitan ng nararapat at naaayon na uri at


antas ng komunikasyon sa kapwa.

• Maging ang mga isyu ng pananakit at pag-aagrabyado ng kapwa gawin mo, bilang
pagsunod sa GINTONG ARAL o “GOLDEN RULE” Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa
ay ginagawa mo rin sa iyong sarili.
• Ang pagkilala sa halaga ng Pamilya at mga kasapi nito ay naipapakita sa
pagsusumikap na gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama.

• Ang karangalang tinataglay ng pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad


na dapat kilalanin ng bawat kasapi nito.

• Ang Hamon sa Pamilya

• Maraming suliraninang naidulot ng pagkawala o unti-unting paghina ng


nakagisang gawi o ritwal na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay, paglipat
ng tirahan o paghahanapbuhay ng magulang sa malayong lugar, at epekto
ng teknolohiya at industriyalisasyon.

• Kung ang pansariling interes ng mga tao ang patuloy na


mangingibabaw, magdudulot ito ng kaguluhan. Dahil ditto, tungkulin ng
lipunan na mapangalagagaan ang kapayapaan, displina at kapakan ng
mga taong nasasakupan, alang-alang sa kabutihang panlahat. Sa
pamamagitan ng mga batas na ipinatutupad, maiingatan at mapaglaban
ang dignidad at karapatan ng mga tao at mapagbubuklod sila tungo sa
pagkamit ng layuning maging ganap.

• Unti-unti na ring dumadami ang insidenteng krahasan at pang-aabuso sa


mismong kasapi ng pamilya.

• Ang Pamilya Bilang Presensya


• Bilang presensya, ang pamilya ang nagsisilbing proteksiyon sa mga kasapi,
duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng
mga karanasan, kalakasan, kahinaan, damdamin at halaga. Itinuturing ang
pamilya na isang tahanang nag-iingat at nagsanggalang laban sa
panganib, karahasan at masamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at
labas ng pamilya.

• Nagpapatibay ang presensya ng pamilya ng mga nakasanayang gawi o


ritwal, at pagkakaroon ng disiplina.

• Kung ano ang nakasanayan at palaging nakikita na ginagawa ng mga


kasapi ng pamilya, lalo na ng mga magulang at nakakatanda ay
makakasanayan ng mga anak.

Ang Paggalang at Pagsunod sa may Awtoridad at ang Kahalagahan ng Pagsangguni


Natutuhan ba ang paggalang at pagsunod?
Kailan dapat ito ituro?

Isaac, 2001; nabanggit sa Kurikulum ng Edukasyong Aekundarya sa Pagtuturo ng Edukasyonb sa


Pagpapahalaga, 2010; Sheen, 2009.

• Natutuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa


pamamagitan ng:

• Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng pamilya

• Pakikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang

• Disiplina at pagwawasto nang pagmamahal at pagmamalasakit

• “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakarin, at kapag tumanda man siya ay hindi
niya hihiwalayan.”

• Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa


mga magulang?

• Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon

• Paggalang sa kanilang mga kagamitan


• Pagtupad sa itinakadng oras

• Pagiging maalalahanin

• Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

• Paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa mga nakakatatanda?

• Ang pagpapakita ng paggalang sa nakakatanda at isang magandang


bahagi ng kultura ng mga Pilipino.Ang mga bata ay tinuturuang
gumamit ng “Po at Opo” sa kanilang pakikipag-usap at pagmamano
sa mga nakakatanda

Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda

( ayon sa aklat ng Respect for the Elderly: Implications for Human


Service Providers ni Sling, 2004 ):

Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na


pakikipag-usap. Sa kanilang edad, marami na sa kanila ang lubhang
maramdamin, kung kaya’t maging maingat sa mga gagamiting salita at
kilos.

2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang


dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.

3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa


pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.

4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng


pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga
espesyal na pagdiriwang.

5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na


makabubuti sa kanila. May mga pagkakataong sila ay nagiging makulit at
mapilit sa kanilang nais kainin, inumin o gawin. Maging sensitibo sa
kanilang mga kagustuhan, kakayahan at damdamin. Hindi lahat ng nais
nila ay makabubuti sa kanilang kalusugan at kalagayan. Isaalang-alang lagi
ang kabutihang maidudulot ng mga bagay na kanilang hinihiling.

Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga
taong may awtoridad (ayon kay Wolff, n.d.)

1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa


mga taong may awtoridad. May mga taong pinili ang Diyos upang
pagkalooban ng tungkulin at pagkatiwalaan ng Kaniyang awtoridad.
Malaki ang maitutulong ng kanilang taglay na karunungan at kakayahan
upang magampanan ang tungkuling ipinagkaloob sa kanila sa pagkamit
ng layunin at pagtugon sa kabutihang panlahat.

2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay


pamahalaan. Ang pagkakaroon ng awtoridad ay isang maselang tungkulin
dahil nakasalalay ang kapakanan ng mga nasasakupan sa mga
pagpapasiya na kaakibat ng mga ipinatutupad na batas o patakaran. Sa
pamamagitan ng panalangin, hilingin na pagkalooban ang mga taong may
awtoridad na magkaroon ng sapat na karunungang gagabay sa
makatwirang pagpapasiya, lakas ng loob at malusog na pangangatawan
upang makapagpatuloy sa paggawa at paglilingkod sa kapwa.

3. Maging halimbawa sa kapwa. Kung nais mong makaimpluwensya ng


kapwa upang sila ay maging magalang at masunurin, mas maraming
pakinabang ang maidudulot nang pagsasabuhay ng birtud ng paggalang at
pagsunod. Mas madaling mauunawaan ng iyong kapwa ang kahalagahan
ng paggalang at pagsunod kung nakikita nila ang iyong pagsusumikap na
igalang at sundin ang iyong mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad, at nakikita rin nila ang mabuting naidudulot nito sa kanilang
pagkatao at sa lipunang kanilang kinabibilangan.

4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na


dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay nagkakalapat ang mga pananaw at paniniwala. Subalit,
maipakikita pa rin ang paggalang kahit na magkasalungat ang mga
pananaw at paniniwala. Kailangan lamang ng maayos na diyalogo upang
maisaalang-alang ang kabutihang panlahat.

Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal?

Maipakikita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang,


nakatatanda at may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang halaga.
Dahil dito, kinikilala at pinahahalagahan mo ang kanilang tungkuling
hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong mga magagandang ugali at
mga pagpapahalaga. Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa
pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal, pananagutan at pagkilala
sa kanila bilang biyaya ng Maylalang.

Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal sa pamamagitan ng sumusunod na mungkahi ayon kay
David Isaacs (Character Building, 2001)

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala


sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan.

2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at


magwasto ng kaniyang pagkakamali.

3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na


pagtulong at paglilingkod sa kanila.

4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng


maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.

5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan


ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang
makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang
pangangailangan. Hangga’t maaari makipagtulungan sa mga institusyong
maaaring makatulong sa kanila.

7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya


at ang nararapat ay ang paggalang sa kaniyang dignidad.

8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at


pagbibitiw ng masasakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig at
pag-iwas sa anumang uri ng diskriminasyon.

9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na


may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.

Bilang kabataan, inaasahan na magiging mabuting halimbawa ka sa lahat


ng aspeto ng iyong pamumuhay. Kung ikaw ay kinakikitaan ng iyong
kapwa ng pagiging magalang at masunurin, hindi mahirap para sa iyo ang
makaranas ng paggalang mula sa iyong kapwa.

You might also like