Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pinagmulan ng Tunay na Pag-ibig

Noong unang panahon,may nilalang na nagngangalang Tassos,isa siyang


mortal na magsasaka..Si Tassos ay isang masipag at mapagmahal na binata,araw-
araw ay nagigising siya ng umaga upang masimulang ang kaniyang pagsasaka.Siya ay
kontento sa simple at matahimik na buhay lamang.Ngunit maging ang simpleng
magsasaka na katulad niya ay umiibig din.Araw-araw ay parati niyang nakakasalubong
ang babaeng nagnagangalang Agatha,isang dalagang maganda at may ginintuang
puso..Magkabilaan lamang ang sakahan at ang paaralan kaya nakaugalian nilang
sumabay sa kanikanilang mga pupuntahan.Noon ang may Karapatan lamang makapag-
aral ay ang mga mararangya.Dahil dito ay lalong umuusbong ang pagmamahal ng
binate sa dalaga.Dumating ang isang araw na di na sila nagkikita-kita,napagtatanto na
lamang ni Tassos na mayroon nang ibang kasami ang dalagang si Agatha.Tunay na
nalungkot at nagtatampo si Tassos.Dumating ang isang araw na pumunta siya sa
templo upang magdasal sa mga diyos at diyosang pwedeng makatulong sa
kanya.”Dumudulog ako sa inyo upang humihiling ako ng tulong sa inyo,ito ang aking
mga handog,ito ang mga pinakamagandang ani sa bukid” Si Zeus,ang diyos ng mga
diyos ay sinaksihan ang lahat ng ito at pinakinggan ang hiling ni Tassos.”Tassos” sabi
niya,”Ako nagdesisyong tulungan ka,ano ba ang iyong hiling?”.Kitang-kita ang
pagmamangha ni Tassos sa himalang pinakinggan siya ng kanyang mga diyos.Nag-isip
siya ng matagal at napiling magkaroon ng katalinuhan sapagkat kanyang naalala na
matalino ang kanyang iniibig na si Agatha.”Hinihiling ko na magkaroon ako ng
katalinuhan at madaming kaalaman.”Kung gayon ay ibibigay ko iyan”Sa pagkakataong
iyon ay bumaba si Athena,ang diyosa ng katalinuhan.”Tassos,ikaw ay bibigyan ko ng
katalinuhan,ngunit ang bagay na ito ay dapat gamitin ng tama,alalahanin mo ang aking
babala” ika ni Athena.Sa sumunod na araw ay Nakita niyang may mga kasama ang
kanyang iniibig.Lumapit siya at nagsimulang makipag-usap sa kanila.Ang dalagang si
Agatha ay natuwa;ngunit nawala ito nang nagsimulang maliitin ni Tassos ang kanyang
mga kasama.”Ahahaha,ang iyong pag-iisip ay tunay na makitid,walang kuwnetang
pagdadahilan,mas mabuting magsaka ka nalang” ika ng Tassos pagkatapos niyang
marinig ang opinion na binigay ng isa sa mga kaibigan ni Agatha.”Mas Mabuti pang
mauna na kami,paalam naTassos”.Nagulat na lamang ang binata sa reaksiyon ng
dalaga,ang akala niya ay mapapabilib niya ang dalaga.Nang maisip ang kanyang
ginawa ay nalungkot at humingi ulit ng tulong kay Zeus.”Zeus ako ay nabigo,ang
katalinuang ito ay di nakatulong sa pagkuha ko sa loob ng aking minamahal.”Si Athena
naman ay sumabat bigla “Binalaan na kita Tassos,hindi mi iningatan ang aking
handog”.”Kung maari ay gusto ko pa sanang makahiling pa,mahal na mahal ko si
Agatha”Dahil sa aw ani Zeus ay tinanong niya uli ang binatang si Tassos.”Sige,bibigyan
pa kita ng isang kahilingan”.”Salamat,haring Zeus,ang hiling ko lamang ay bigyan ako
ng

You might also like