Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

July 30, 2019

Daniel R. Aguinaldo National High School


Matina, Davao City
Leo B. Asilo, Ph.D.
Principal III

Sir,
Magandang araw po Ginoong Asilo, ako po si Alexander Vaugn T. Villasis galling
po sa 10-Pearl. Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang kanal po na makikita sa harapan
nang building po nang Prefect of Discipline at sa likod po nang Orange Canteen ay
punong-puno po nang mga basura at mga maduduming bagay ang kanal. Isa po itong
health hazard para sa mga estudyante, tindera, at lalo na po sa mga guro na malapit
lamang po sa kanal na ito. Pwede po itong dapuan nang mga lamok at pangitlogan na
siyang makakadulot nang mga malubhang sakit kagaya nang dengue. Dahil rin po ito ay
malapit lamang sa canteen, kapag gabi po ang mga daga at mga ipis ay pwedeng
dumapo sa mga pagkain sa canteen na siya rin pong makakadulot sa mga malubhang
sakit. Dahil sa mga nakaimbak po na mga basura dito nakakadulot po ito nang
masangsang na amoy na makakasira sa gana nang mga dumadaan ditto. Nais ko po
sanang bigyan niyo po nang aksyon ang problemang ito sapagkat ang kanal na ito ay
makakadulot nang mga maraming health hazards upang maiwasan ang mga masamang
dulot nang kanal na ito.

Labis na Gumagalang,
Alexander Vaugn T. Villasis

You might also like