Ang Opportunity Cost

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang opportunity cost (halaga ng pagkakataon) ay tumutukoy sa halaga ng bagay o best alternative na

handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ito ay ang halaga na ipinapataw sa isang bagay kapalit
ng isa pang bagay para sa pinagpipilian na hindi magkakaugnay na mga bagay.

Ang trade-off ay ang pagpili/pagsasakripisyo ng isang bagay, kapalit ng ibang bagay.

Ang marginal thinking (rational people think at the margin) ay sinusuri ng isang indibidwal ang
karagdagang halaga o ang gagawing desisyon maging ito man ay gastos o pakinabang. Ito ay ang proseso
ng pag-aanalisa sa kung paanong ang isang desisyon ay mas makakapagbigay ng pinakamalaking
potensyal na balik kaysa sa gastos.

Ang incentives ay mga pakinabang na makukuha o mga karagdagang halaga na maiisip mong
makapagpapataas ng halaga ng isang desisyon. Ito ay nakakapagpabago sa isang desisyon.

Makakatulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga kaalaman sa konsepto ng opportunity cost, trade-
off, marginal thinking, at incentives upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon.

Kahalagahan ng Ekonomiks

Ekonomiks bilang bahagi ng lipunan

Mahalaga ang ekonomiks para sa mabuting pamamahala, pag-unawa sa mga napapanahong isyu, batas
at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ekonomiks bilang kasapi ng pamilya

Mahalaga ang ekonomiks para sa pag-unawa sa mga isyu sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at
pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan tungo sa matalinong pagdedesisyon para sa iyong pamilya.

Ekonomiks bilang mag-aaral

Mahalaga ang ekonomiks dahil hinuhubog nito ang pag-unawa, ugali, at gawi tungo sa matalinong
pagdedesisyon para sa kinabukasan at hanap-buhay sa hinaharap.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahalagahan ng ekonomiks, maaaring pumunta sa link na
ito: brainly.ph/question/582494
Kahulugan ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay mula sa salitang Griyego na "oikonomia". Ang oikos ay may ibig sabihin na bahay at
ang nomos ay pamamahala.

Isa itong sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Mayroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos, pagsisikap ng mga tao, at mga paraan ng paggamit
ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng ekonomiks, maaaring pumunta sa link na ito:
brainly.ph/question/306117

Kaibahan ng Makroekonomiks at Maykroekonomiks

Ang maykroekonomiks ay ang pag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya samantalang ang


makroekonomiks ay nakasentro ang pag-aaral ng ekonomiya sa mas malawak na pananaw o kabuuan.

Angmaykroekonomiks ay pinagtutuunan ng pansin ang demand, suplay, interaksiyon ng demand at


suplay, pamilihan, istruktura, ugnayan ng pamilihan at pamahalaan samantalang ang makroekonomiks
ay ang paikot na daloy ng ekonomiya, pambansang kita, ugnayan ng kita, pag-iimpok, pagkonsumo,
implasyon, patakarang piskal at pananalapi.

You might also like