Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pilipinas,

Noon at Ngayon
AUGUST 2, 2015MYVALLADORESLEAVE A COMMENT
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay patuloy na nagbabago sa
paglipas ng panahon. Mas nagiging modernisado at lumago
ng tunay. Tara’t balikan natin ang ekonomiya ng Pilipinas
nang tayo ay nagsisimula pa lamang mamuno. Ang ating
mga ninuno ay nabuhay noon sa pangangalap ng
bungangkahoy, pangangaso, pangisngisda, pagtatanim. Dahil
sa mga gawaing ito, nakasimula sila ng pagbuo ng mga
pamayanan sa kapuluan.

Ang pinakaunang pamayanan ng Pilipinas ay tinawag


na lipunang barangay. Ito ay nanggaling sa
salitang balangay, isang sasakyang pandagat. Binubuo ito ng
30 hanggang 100 katao. Nang dumating ang mga taga
Kanluranin sa Pilipinas, ipinatupad ang sistemang piyudal na
katulad sa Europe. May pagkakasunud-sunod din ang antas
sa lipunan ng ating mga ninuno. Nasa pinakamataas
ang datu, sumunod ang maharlika, at timawa. Ngunit ang
pinakamababa naman sa lahat ay ang alipin. May dalawang
klase ng alipin. Ang aliping namamahay na naglilingkod sa
nakatataas sa lipunan ngunit maaari silang magkaroon ng
sariling tirahan. Ang aliping saguiguilid na naglilingkod sa
panginoong maylupa ngunit walang karapatang magkaroon
ng sariling tirahan. May iba’t ibang tawag sa barangay noon
tulad ng Sa-Ilud (malapit sa bukana ng mga ilog) at Sa-
Ilaya (nasa gawing itaas ng bundok at looban ng ilog o look).
Samantala, sistemang barter naman ang gamit ng ating mga
ninuno sa pakikipagkalakalan.
Noong panahon ng pananakop naman, ating simulan sa
Espanyol. Sistemang reduccion ang umiral kung saan ang
mga nakatira sa magkakalayong barangay ay pinaglapit sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang malaking
pamayanan. Sistemang encomiendanaman ang ginamit sa
nasakop na lupain ng ating mga ninuno. Namumuno dito ay
tinatawag na encomendero. Sapilitan silang pinagtatrabaho
dito kaya naman hindi nila ito nagustuhan. Dahil dito,
pinalitan ito ng sistemang hacienda. Maganda sana ang
gagawin sa sistemang ito, ngunit nabaliktad ito kaya naman
nahirapan pa rin ang atin mga ninuno. Samantala, nagkaroon
ng Kalakalang Galyon ang Maynila at Acapulco sa Mexico.
Sa panahon ng Amerikano, ang Homestead Act ng 1924
ay naging lehitimo ang pagkamkam ng mga Amerikano sa
lupain ng mga Pilipinong katutubo. Ginawa ito para
mapadali ang transaksyon sa pangalan ng mga Espanyol at
maangkin nang tuluyan ang lupain ng mga Pilipinong
katutubo. Tainawag itong Torrens Title. Hindi na naibalik
ang mga lupain. Nagpatupad din ang mga Amerikano
ng Payne-Aldrich Act. Kung saan kailangan tangkilikin ng
mga Pilipino ang mga imported na produkto galing Amerika.
Mayroon pang pinagtibay ang mga Amerikano. Ito
ang parity rights.
Dumako naman tayo sa pananakop mg mga Hapones.
Para sa kanila, may dalawang magkatunggaling pananaw ang
kailangan sundin. Ang una ay ang pinaigting nila ang
pagiging makabayan ng mga Pilipino.
Ang pangalawa naman ay pinagtuunan nila ng pansin ang
paggawa ng armas kaysa pagpapalaki sa produksyon ng
pagkain.
Sa pinakahuli naman at pinakaimportanteng panahon, ang
panahon ng paglaya, nagkaroon ng iba’t ibang sistema ang
Pilipinas na minsan ay hindi nakakatulong sa ating
ekonomiya. Dumanas ang Pilipinas ng mahihirap na
sitwasyon gaya ng pagbalanse ng bayarin. Upang ito ay
matugunan, ang pamahalaan ay nanghiram ng $10 milyon sa
IMF. Ang utang na ito ay isinailalim sa SAP. Mula kay
Manuel Roxas hanggang ngayon, sinisikap nilang maiangat
ang ekonomiya ng Pilipinas at ninais pang gawing
industriyalisado. Nfunit kulang at kapos tayo sa teknolohiya
at pondo kaya ito ay hindi natuloy. Ang kalagayan ng
ekonomiya ay madalas batayan ang namumuno o liderato sa
bansa. Makikita na nabahiran na rin ng politika ang
ekonomiya. Maaari rin masabi na may polisiya namang
pang-ekonomiya na patuloy na nagtataguyod sa bansang
Pilipinas.

You might also like