Headline Writing

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Uri ng Ulo ng Balita

1. baner (banner headline) - Ulo ng pinakamahalagang balita na nagtataglay ng pinakamalaking titik at


pinakaitim na tipo.
2. bandereta (streamer) - Isang baner na tumatawid sa buong pahina.

3. baynder (binder) - Isang ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina na nasa itaas ng panloob na pahina

4. kubyerta (deck, bank, readout or drophead) - Pangalawang ulo na bahagi pa rin ng baner na
nagtataglay ng lalong maliit na titik at naiibang tipo sa unang ulo.

5. payong (umbrella or skyline) tanging pangalan sa bandereta na nasa itaas ng pangalan ng pahayagan
(name plate) na pumapayong sa lahat.
6. sabhed (subhead) - isang maikling pamagat na ginagamit upang mabigyan ang mahabang istorya ng break o
puting ispasyo (white space) upang hindi pagsawaan ang pagbabasa.
7. taglayn (tagline), tiser (teaser), o kiker (kicker) - binubuo ng isang maikling linya na inilalagay sa
itaas ng pinakaulo sa bandang kaliwa nito o sa sentro. Ito’y nagtataglay ng maliit na tipo at sinalungguhitan.
Ginagamit itong pang-akit sa bumabasa. Maaaring ito’y isang salita o parirala lamang. Kung ang taglayn ay mas
malaki kaysa ulo ng balita ito’y tinatawag na hamer (hammer).
8. nakakahong ulo (boxed head) - ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para maipakjta ang kahalagahan.
9. talon-ulo (jump head) - ulo ng jump story na nasa ibang pahina.

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo (According to Style)

1.Malalaking Titik (All caps)


TORCH NANGUNA SA PALIGSAHAN
2. Malaki-Maliit na Titik (Cap and Lower Case or Clc)
Torch Nanguna sa Paligsahan
3. Pababang Istilo (Down Style)
Torch nanguna sa paligsahan

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Anyo (According to Structure)


1. Pantay-Kaliwa (flush left) - Binubuo ng dalawa o higlt pang linya na pantay ang
pagkahanay sa kaliwang baybayin. Ang kabaligtaran nito ay ang “pantay kanan” (flush
right).

pantay kaliwa (flush left)


Proyekto ng paaralan
isinagawa sa bakasyon

pantay kanan (flush right)


Proyekto ng paaralan
isasagawa sa bakasyon

2. Draplayn (dropline or step form) -binubuo ng dalawa o higit pang linya na


ang unang linya ay pantay kaliwa at ang bawat kasunod na linya ay inuurong
pakanan.

Seminar sa kabutihang asal


gaganapin sa Paaralang Normal

3. Bitin-Pantay (hanging indention) -binubuo ng maraming linya -ang unang


linya ay pantay kaliwa, at ang dalawa o tatlong magkakapantay na linya ay inurong
pakanan
Punong patnugot
nahalal na pinuno
ng NSPCAA

4. Baligtad na piramide o tagilo (inverted pyramid) binubuo ng dalawa o


higit pang linya na paikli nang paikli ang haba, na ang huli at pinakamaikling linya ay
nakasentro.
Nagkamit ng unang gantimpala
sa sabayang bigkas
ang paaralan

5. Kroslayn o Barlayn (crossline or barline) binubuo ng isang linya lamang


na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong kolum.
Torchbearer, nanguna sa NSPC

6. Plaslayn (flushline or full line) - dalawa o higit pang magkasinghabang linya


na umaabot sa kaliwa at kanang mardyin.
Buwan ng Wika, Inilunsad,
Pineda, Punong Tagapagsalita

PAGSASANAY

Isulat sa patlang ang wastong sagot.

1. BUMANDILA ANG PNU SA PALIGSAHAN SA PAG-AWIT


Ang ginamit na istilo ay ang _______

2. Bumandila ang PNU sa Paligsahan ng Pag-awit


Ang ginnmit na istilo ay ang ________

3. Bumandila ang PNU ea paligsahan sa pag-awit


Ang ginamit na istilo ay ang _______

4. Kung ang isang ulo na 36 pts. Caslon, ay inihanay sa isa ring ulo na 36 pts. Caslon,
ang depekto ay tinatawag na ____________

5. Ang tinig na ____________ ay lalong mabisa kaysa tinig na pabalintiyak sa pag-


uulo ng balita.

6. Iwasan ang pagsulat ng ulo ng balita na nagtatapos sa


_____________________ sa dulo ng linya

7. Lagyan ng ______________ ang bawat ulo, lantad man o tago.

8. Ang ___________________ ay isang uri ng ulo ng balita na tumatawid sa


buong pahina na nasa itaas ng panloob na pahina.

9. Ang ulong pinangungunahan ng pandiwa ay tinntawag na __________ sa Ingles.

10. Ang M at W ay may __________ unit count.

II. Bilangin ang yunits ng mga sumusunod na ulo ng balita


1.
Ipinatuturo
kaalaman
sapopulasyon

2.
KarununganatKalinangan
PinaksasaLinggongWika

III. Iwasto ang pagkasulat ng mga sumusunod na ulo ng balita.

1. Nagsalita si Mayor Rey Malonzo


2. Kapitan bumalik
3. 3 pinagbintangan ng krimen
4. Sanayan-gawin ng DECS
5. Kapaskuhan sa PNU
6. Punong guro sa seminar
7. Seminar sa “Values Education” sa Baguio gaganapin
8. TorchbearernangungunasaNSPC

You might also like