Professional Documents
Culture Documents
Ang Parokya Ni Santiago Apostol
Ang Parokya Ni Santiago Apostol
Ang Parokya ni Santiago Apostol, sa awa at biyaya ng Diyos, ay patuloy na tumutugon sa pangkasalukuyang
kalalagayan ng makabagong panahon sa pamamagitan ng mga gawaing- Liturhikal at paghubog. Ilan sa mga gawaing ito
na tumugon sa 9 na taong paghahanda ng Inang Simbahan dito sa Pilipinas bilang pagdiriwang ng ika-5 Sentenaryo ng
ating pagiging Kristiyano ay mga sumusunod:
CAMINO DE SANTIAGO DE QUINGUA- Taong 2016 nang ito ay ating pasimulan na ayon na rin sa suhestyon ng
ating Kura Paroko, Fr. Elmer Ignacio, sapagkat aniya hindi naman lahat ng mananampalataya ay makararating sa
Compostela sa bansang Espanya upang isagawa ang Camino, kaya nga minarapat nating magkaroon nito sa ating parokya.
Layon nito ay hindi lang upang mapalakas pa ang debosyon sa ating minamahal na patron, kundi upang iparanas sa lahat
ng sumasama o Peregrinos kung tawagin, na ang Diyos ay matatagpuan rin natin sa mga nakapaligid sa atin, sa kalikasan
at sa mga taong nakakasalamuha o nakakasabay natin sa ating mga pang araw-araw na gawain.
ANNUAL FEEDING PROGRAM, MEDICAL & DENTAL MISSION, LIVELIHOOD PROGRAMS- Mula nuong
taong 2014 ay naging abala ang parokya hindi lamang sa gawaing pangkabanalan, ngunit lalo’t higit sa mga gawaing
makatutulong upang maiangat ang buhay ng mga kapus-palad na parokyano. Sa pamamagitan ng mga programang ito ay
naipaaabot natin sa kanila ang pagmamahal at pagkalinga ng Simbahan sa kanilang kalagayan.
2. Tulad ng nabanggit, ang ating parokya ay patuloy na tumutugon sa pamamagitan ng mga programa nito. Bagamat hindi
natin masasabi na palaging tagumpay ang mga gawain, ngunit ang mahalaga ay nararanasan ng parokya ang pag-ibig,
biyaya at awa ng Diyos sa pamamagitan ng mga programang nabanggit. Ayon narin sa aming mga karanasan, ilang tao na
ang lumapit sa amin upang isalaysay ang kanilang pagbabagong-loob sa pamamagitan ng PREX, o ng YE o ME. Ilang tao
na ang nagpatotoo na malaki ang nabago sa kanila mula nang sila’y dumalo sa mga pag-aaral ukol sa Banal na Kasulatan.
Ngunit ang ng lahat ng ito’y hindi namin maaaring ariing sariling tagumpay, dahil ang lahat ng ito ay sa pamamagitan
lamang ng biyaya ng Diyos. Sa madali’t sabi, naging matagumpay ang lahat ng programa at gawain ng parokya sa hamon
ng 9 na taong paghahanda ng Simbahan para sa taong 2021 sapagkat sa bawat kakulangan namin ay laging naruroon ang
Diyos upang punan ang lahat ng ito.
Inihanda ni