Asawa Kabit

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Virgin Labfest 5 – ASAWA.

KABIT – George de Jesus III

ASAWA/KABIT
Dulang may isang yugto ni George de Jesus III

MGA TAUHAN:
VIA 45 anyos
VANESSA 45 anyos
LALAKE late 20’s, early 30’s

May dalawang maliit na sofa couch sa entablado. Sa pagitan nito ay isang center table.
Hindi tiyak ang lugar. Maaring sa lobby ng hotel o hospital o sa isang restaurant o sa
isang bahay. Nakaupo sa isang couch si VIA, higit sa 45 anyos, posturyosa. Sa kabilang
couch naman nakaupo si VANESSA, halos kaedad ni Via, posturyosa din.

VANESSA
Hindi ka naman pala gano’n kaganda. You must be good for something.

VIA
I’m good in bed. Alam ko, ikaw hindi.

VANESSA
Did Miguel tell you that?

VIA
Well…

Hindi kikibo si Vanessa.

VIA (cont’d)
Ang alam ko lang, hindi ka niya maiwan.

VANESSA
Did he tell you why?

VIA
Hindi ko tinanong. Pakialam ko. Siguro dahil sanay na siya sa iyo? Alam mo I’ve tried to
imagine so many times kung ano ang hitsura mo. At ngayong nakita na kita sa wakas,
wala akong makitang dahilan kung bakit hindi ka niya maiwan. Kung ano’ng ba’ng meron
sa hitsura mo. May mata ka, ilong, bibig, pisngi. Walang namang kakaiba. May ganda,
sige. Pero hindi naman ’yung tipong matatandaan ko kung sakaling makasalubong ko sa
daan. Karaniwan lang. At siguro, kung hindi dahil sa mga retoke, mas mababa pa sa
karaniwan.

VANESSA
Really? Don’t blame me if I can afford to do what you can’t.

VIA
Hindi ko kailangan. Kumportable ako sa hitsura ko.

VANESSA
And I guess that’s the way Miguel feels about you as well. Maybe he’s comfortable with
you because you provide him with something that he can’t find in me... Sa tinagal-tagal
ng panahon, hindi ka din niya maiwan.

Page 1 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

VIA
Maybe.

VANESSA
Looking at you. Hindi ko alam kung bakit.

VIA
Hindi ka kasi si Miguel.

VANESSA
But I know him well enough to know the things that he wants.

VIA
Kaya ka ba nagparetoke, para sa kaniya? Because that’s what he wants? Para baka
sakaling pag gumaling na ang mga tahi at inalis na ang mga benda, may nabago sa
hitsura mo na magugustuhan niya. Hindi gano’n kababaw si Miguel.

VANESSA
I know. Hindi ako nagparetoke for him. I did it for me.

VIA
Kung ’yan ang gusto mong paniwalaan.

VANESSA
It’s the truth.

VIA
Talaga? Pero kung hindi para kay Miguel ang mga pinaggagagawa mo sa katawan mo at
para lang kamo sa sarili mo, why stay with him? Ba’t di mo siya iwan?

VANESSA
Why don’t you?

VIA
Hindi ako obligadong magpaliwanag sa ’yo.

VANESSA
Then why the hell are we here if not to answer the questions that’s been hounding us for
years? Why did Miguel have somebody else? Bakit dalawa tayo sa buhay niya? Simple
lang naman ang problema natin really. May isang lalake. Dalawa tayong babae niya. Ang
difference lang... Hindi ka ganoon kaganda.

VIA
Sige, ulit-ulitin mo pa ’yan. Baka may sabihin akong hindi mo magustuhan.

VANESSA
What? What can you possibly say that would bother me? Nothing. Now that I’ve put a
face to a name that I’ve hated for years, wala kang pwedeng sabihin that would even
change the way I feel about you. In fact, I actually feel better finally meeting you. Na-
realize ko na sa kahit sino’ng makakita sa ating dalawa... Ako ang mas maganda.

Page 2 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

VIA
Insecure ka ano? Sige. Sasabihin ko sa ’yo ang lagi niyang sinasabi sa akin. Ang laging
sabi sa akin ni Miguel mula pa noong umpisa, wala daw katulad ang mga mata ko kasi
may lalim, nangungusap, bukas, hindi nagtatago. Hindi gaya mo. Gustong gusto niyang
halikan ang ilong ko, siguro kasi hindi siya natatakot na baka bigla na lang matanggal
ang pagkakakabit. At ang labi ko, gustong gusto niyang halikan kasi malambot pa rin at
hindi lasang lipstick. At ang pisngi ko -

Biglang maglalabas ng lubid si Vanessa. Sisigaw ito’t ilalagay ang lubid sa leeg ni Via,
bibigtihin.

VANESSA
Maganda ako! Maganda ako!

Magdidilim.

Sa pagliliwanag, naroon pa rin sa dating posisyon sina Via at Vanessa. Walang nangyari.
Ang pagbigti ay nasa isip lang ni Vanessa.

VANESSA
Did you go to college?

VIA
Yes.

VANESSA
What course?

VIA
Mass Com.

VANESSA
Where? UP? Ateneo?

VIA
Sa Normal.

VANESSA
I see.

VIA
Mayabang ka. Sa Ateneo ka siguro graduate.

VANESSA
Oo. I have a doctorate in Economics.

VIA
Hindi ko alam na kasama pala sa pagkakaroon ng doctorate ang pagiging mayabang.

VANESSA
How would you know? Sa Normal ka graduate.

VIA

Page 3 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

Hindi ko ’yun kinahihiya.

VANESSA
Why should you? Kung mas maraming bagay ang dapa’t mong ikahiya.

VIA
That’s what you think. Hindi kita masisisi. Alam kong nararamdaman mo. Gusto mo
akong maliitin kasi galit ka sa akin.

VANESSA
At least perceptive ka pala.

VIA
Galit din naman ako sa ’yo.

VANESSA
Fair enough...You know what makes me really angry? That I knew Miguel has someone
else and I chose to ignore it all these years. Hindi ko naisip na makakaharap kita.

VIA
Ako din. Ng malaman ko nga kung sino ka, gusto kitang -

VANESSA
What? Sampalin? Murahin? Just like in TV soaps or the movies when two women fight
over a man? Hysterically screaming at each other: Inagaw mo si Miguel! Akin siya!
Akin!... Ang cheap.

VIA
No. Dati siguro. Nu’ng nalaman ko ang tungkol sa ’yo. Gusto kita noong patayin. Burahin
sa buhay namin ni Miguel. Pero ano’ng magagawa nu’n? Ngayon, gusto kitang kilalanin
at alamin kung bakit hindi mo siya hiniwalayan.

VANESSA
Bakit ikaw? Why didn’t you leave him?

VIA
Hindi ko alam. Dati, madalas ka namin pagtalunan, pero nauuwi lagi sa desisyon namin
na ’wag kaming maghiwalay.

VANESSA
Desisyon niyo or was it his decision alone? How can you decide together? I doubt that
you can even comprehend the way he thinks. What do you really know about him? Did
you know that he loves to read The Economist? Have you talked about the impact of the
global recession on your antique shop? Oo, I know all about your antique shop. I even
know na nagbebenta ka sa antique shop mo ng lumang Mills & Boon and God knows
what else. Do you even know what antique means?

VIA
Oo. Ikaw.

VANESSA
Do you even talk? Kayo ni Miguel? Kami kasi, from the very beginning, our conversations
were endless. We talk about everything. Economics. Politics. Philosophy. Music. Film. Art.

Page 4 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

Did you know that he absolutely loves the Post-Impressionist artists. Specially Gauguin.
We both love French Art Songs. And the songs of Edith Piaf. Pareho kami ng pakiramdam
when we hear her voice. It’s as if we’re suddenly in a totally different time and place.
Just the two of us. No one else. Did you ever talk that way? The first time you met, what
did you talk about?

VIA
Hindi kami nag-usap.

VANESSA
I suppose so.

VIA
Nag-sex lang kami. Magdamag. Five times in a row.

VANESSA
Well, I can believe that. Ano pa nga ba’ng ibubuka mo kung walang intelihenteng bagay
ang lalabas kapag bibig mo ang ibubuka?

VIA
Hindi mo ako kayang maliitin. Hindi ako insecure sa kung ano ang natapos ko o kung ano
ang alam ko.

VANESSA
Good for you.

VIA
Bakit alam mo ang tungkol sa antique shop ko? Pinag-usapan niyo ako ni Miguel?

VANESSA
Yes. Once lang.

VIA
Talaga? Sige na. Sabihin mo nga.

VANESSA
You really want to know?

VIA
Oo.

VANESSA
He told me once that he can’t leave you. That you don’t have anybody else but him. That
he is comfortable being with you even if you don’t talk much. I assumed it was because
of the sex... Sabi din niya, more often than not, siya lang ang nagsasalita. At para lang
mag-explain sa ’yo ng mga bagay na di mo alam. Para kahit papaano may matutunan ka.
Although, he can never be sure kung may natutunan ka nga. Tinanong ko siya nu’n. If
you don’t want to leave her, why not leave me? He told me he doesn’t want to because I
complete him more than you. He told me that there’s no one else he can really talk to
about anything under the sun. There’s no one else he can talk to about the beauty of La
Vie En Rose while eating caviar and drinking champagne. Sabi niya, you don’t eat caviar
because... Ano nga ba ‘yung sinabi mo daw? Ang lasa mo daw sa caviar parang bagoong

Page 5 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

na hindi ginisa. That made me laugh. Then he said there’s no woman who can really
understand the way he thinks other than me. Ikaw daw, it’s just the sex -

Biglang bubunot ng baril si Via at pagbabarilin si Vanessa.

VIA
Hindi ako bobo! Hindi ako bobo!

Magdidilim.

Magliliwanag at makikitang nandoon pa rin sina Vanessa at Via. Walang nangyari. Sa isip
lang ni Via ang pagbaril.

VIA
Hindi ka niya maiwan at hindi rin niya ako mahiwalayan.

VANESSA
Obviously.

VIA
Pero hanggang ngayon naghihintay pa rin tayo.

VANESSA
What do you mean?

VIA
Naghihintay tayo na magdesisyon siya. Na pumili kung sino talaga sa ating dalawa. Dati,
lagi kong iniisip na baka sakali... Na baka darating ang araw na ako ang pipiliin niya.
Kaya inalis ko sa utak ko na mayroon siyang iba. Pag magkasama kami, iniisip ko na
kami lang. Noong una, mahirap. Hindi ka mawala sa isip ko. Na may kahati ako sa
lalakeng mahal ko. Pero, nakakagulat din ang kakayanan natin na masanay sa mga
bagay na akala mo di mo magagawa. Kaya heto tayo, twenty years later, kausap ang
aninong pilit nating iniisip na wala doon. Ang aninong alam nating nariyan pero laging
isinasantabi. At para saan? Para sa pagbabakasakali na balang araw... Ako ang pipiliin.
Na ako lang pala talaga ang mahal.

VANESSA
Do you think he really loves you?

VIA
’Yun ang sabi niya sa akin.

VANESSA
I’m not asking what he said. Mahal ka ba niya?

VIA
Of course.

VANESSA
How can you tell?

VIA

Page 6 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

Nararamdaman ko. Ikaw?

VANESSA
Yes of course. More often than not.

VIA
Ibig sabihin?

VANESSA
Sa situation natin, do you honestly believe that he loves you all the time?

VIA
Gusto kong paniwalaan.

VANESSA
But you can’t. You can only hope. Right?

VIA
Oo.

VANESSA
Do you really love him?

VIA
Oo.

VANESSA
How much do you love him?

VIA
Hindi ko sinusukat.

VANESSA
Do you love him that you can’t let him go or do you love him enough that you’re willing
to set him free?

VIA
Ano’ng klaseng tanong ’yan?

VANESSA
Why? Hindi mo masagot?

VIA
Hindi. Hindi ko maintindihan ang tanong mo. Ulitin mo nga.

VANESSA
Mahal mo ba si Miguel kaya hindi mo siya mahiwalayan o mahal mo siya at kaya mo
siyang pakawalan?

VIA
Bakit di kaya ikaw muna ang sumagot?

VANESSA

Page 7 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

I love him that I can’t let him go. Unless...

VIA
Unless ano?

VANESSA
Unless he asks me to. If he does, I love him enough to do what he wants.

VIA
Hindi mo kayang magdesisyong mag-isa?

VANESSA
Not when it comes to Miguel... Bakit? Isn’t it the same thing you’re doing? Naghihintay.
Lagi na lang
naghihintay. Para kay Miguel. Every time. Every decision. It’s the same way with you, I
suppose. In anything, you wait for his decision.

VIA
Kilala mo siya.

VANESSA
See?

VIA
Oo. Ganu’n naman talaga di ba? Kailangang maghintay sa karelasyon mo kasi...

VANESSA
Kasi ano? Tell me. I’ve always asked myself, why am I waiting? What am I waiting for?
Why should I wait? Just because I have a relationship with him, I’m supposed to wait?
Porke nakatali ang buhay ko sa buhay niya dapa’t ba na wala na akong buhay that’s
mine alone? I can never seem to find the answers to these questions. I always feel guilty
na if I make my own decisions, masasaktan ko ang ego niya. Ang laki ng ego niya, di ba?
Kailangan lagi mong hinihimas. I always have to formulate the way I’m going to say
things or else he’ll think pinangungunahan ko siya o inaaway ko siya.

VIA
Akala ko ba sabi mo isa sa mga nagustuhan niya sa ’yo ay walang ibang babae na
papantay sa utak niya bukod sa ’yo. Bakit kailangan mong ibaba ang nalalaman mo para
lang sa kaniya?

VANESSA
Because I’m not like you na kayang gawin ’yun kahit walang effort.

VIA
Ang tingin mo ba talaga sa akin napakatanga ko?

VANESSA
You want me to answer that?

VIA
’Wag na... Kunsabagay, alam mo dati, lalo na kapag kausap ko si Miguel, tingin ko sa
sarili ko tanga ako.

Page 8 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

Matalino kasi. Ang daming alam. Pero isa ’yun sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Madami
akong natututunan. Alam ko ’yung mga sinabi mo. Lalo na tungkol sa mga Post-
Impressionist paintings na hilig niya. Inaral ko ’yun mula nu’ng sabihin niya sa ’kin ’yung
quote galing kay Gaugin. Ano nga ’yun?..."Life is merely a fraction of a second. An
infinitely small amount of time to fulfill our desires, our dreams, our passions." E, ano
ngayon kung tanga ako pag dating sa kaniya. Madami naman akong natututunan. Sa
kaniya ako natutong maghintay, ang huwag umasa, ang namnamin na lang ang bawa’t
sandaling kapiling ko siya.

VANESSA
Tanga ka nga.

VIA
At ikaw hindi?

VANESSA
I can leave him anytime I’d want to.

VIA
Kaso?

VANESSA
I told you. I don’t want to, unless-

VIA
Sa puntong ito, sa tingin mo maiiwan mo pa siya?

VANESSA
I... I suppose so.

VIA
Akala ko tanga na ako. Mas tanga ka pa kaysa sa akin. At least ako, alam ko kung bakit
ako naghihintay. Kasi mahal ko si Miguel at hindi ko siya kayang pakawalan kahit pa
magdesisyon siya na iwan ako. Hindi ako nagpapanggap na pwede akong kumalas sa
kaniya kung gustuhin ko. Kaya kong aminin na ayoko siyang bitawan. Kaya kong sabihin
na walang saysay ang buhay ko kung mawawala siya. E, ikaw? Hindi mo maamin na
hindi mo rin siya kayang bitawan. Na natatakot ka na ikaw ang iwan niya. Na hindi mo
kayang mawala siya sa buhay mo.

VANESSA
Because that’s not true.

VIA
Really?

VANESSA
Really. Like I said, I choose not to leave him dahil mahal ko siya and I can’t let him go.
Pangalawa, there’s you. I won’t give him up to the likes of you.

VIA
Ano’ng gusto mo? Magpatayan tayo? Matirang matibay?

Page 9 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

VANESSA
Over Miguel?

VIA
Gagawin ko kung kailangan.

VANESSA
Are you serious?

VIA
Oo. Ano? Ngayon na?

VANESSA
My God! This is the thing I don’t want. A scene straight out of an awful telenovela. Ang
cheap. Walang class. Excuse me. May breeding ako.

VIA
Oo nga pala. Ang mga may breeding, hindi nagpapakita ng kahit na ano’ng emosyon.
Itatago lang lahat. Kaya nga ’yung mga may breeding lang ang madalas na nagpapa-
botox.

VANESSA
Excuse me, hindi ako nagpapa-botox. I have had touch-ups pero hindi ako nagpapa-
botox. I still want to have expressions on my face.

VIA
Nasa’n?

VANESSA
Putangina mo.

VIA
Wala akong nakikitang expression.

VANESSA
Putangina mo!

VIA
Akala ko ayaw mong gayahin ang napapanood mo sa TV o sine? Ano’ng ginagawa mo?

VANESSA
Putangina ka! Putangina ka!

VIA
Ganiyan ang gusto mo, ha! O, sige. Fuck you!

VANESSA VIA
Akin si Miguel! Akin si Miguel!

Magsasakalan ang dalawa.

Magdidilim.

Page 10 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

Magliliwanag. Nasa dating puwesto na sina Via at Vanessa. Parang walang nangyari.
Matagal silang magtititigan. Nananantiya.

VANESSA
You really love him, don’t you?

VIA
Mas madali ba para sa ‘yo na isiping hindi?

VANESSA
Yes. It is so much easier to simply hate you.

VIA
’Wag kang mag-alala. Pareho lang tayo ng nararamdaman. Dapa’t lang naman, di ba?
Nakakasuklam talaga ang taong nagmamahal sa lalakeng mahal mo.

VANESSA
But the thing I keep asking myself, what’s the point of even hating you?

VIA
Dahil mahal mo rin talaga siya.

VANESSA
That’s a given. It doesn’t make all this right.

VIA
Sino ba ang nagsabing tama ‘tong kinalalagyan natin ngayon?

VANESSA
I’m just trying to understand.

VIA
Sabi mo nga simple lang naman ang problema natin. May isang lalake. Dalawa tayong
babae niya. Sino ang tama at sino ang mali? ’Yung asawa o ’yung kabit? Sino ang bida at
sino ang kontrabida? Hindi ko gustong husgahan kung ano’ng meron sa pagitan ninyong
dalawa. Ang alam ko lang ’yung mga nangyayari sa pagitan namin ni Miguel.

VANESSA
Like what?

VIA
Sa sex. Gustong gusto niya kapag dinidilaan ko ang buong katawan niya, mula ulo
hanggang paa. Napapaungol mo ba siya kapag hinahalikan mo ang dibdib niya pababa
hanggang sa singit niya at pagkatapos sa kaniyang -

VANESSA
Stop it.

VIA
Kung madalas kayong mag-usap, kami madalas maglaro. Ang dami na nga naming
videos. Bago pa kay Hayden, may sex videos na kami. Gusto niyang kinukunan ang
pagsesex namin pagkatapos papanoorin namin at magsesex kami ulit. Nasubukan mo na

Page 11 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

ba’ng mag-role play? Gustong gusto niya kapag kunyari isa akong Tahitian woman na
gaya ng nasa paintings ni Gaugin. May bulaklak sa buhok ko at tapis lang ang suot. Litaw
ang dibdib ko. Minsan nasa kusina ako na gano’n ang ayos ko. Bigla na lang siyang
dumating at sinunggaban ang dibdib ko. Madiin. Hiniga niya ako sa dining table,
binuhusan ng maple syrup at dinilaan niya ang -

VANESSA
Stop. Please. We talked about doing that fantasy once. I refused.

VIA
Bakit? You should try it! Try mo ‘yung maple syrup na -

VANESSA
Why should I? When I can pleasure him in a different way.

VIA
Paano?

VANESSA
You wouldn’t understand.

VIA
Ano ba? Umabot na tayo sa ganitong usapan, ‘wag ka na ngang magpaka-demure.

VANESSA
Did he ever talk to you while having sex? I guess not. Kami kasi, we talk a lot. I don’t
need to flaunt my breasts or play a role. We just talk about our fantasies while
having sex. I can make him come without even moving. Just by simply whispering to
him... Miguel…

Titigil si Vanessa. Umuungol habang bumubulong. Mapapapikit parang naaalala ang


pagtatalik nila ni Miguel.

VIA
So? Sa tingin mo? This is just a simple problem? Na napapadali kung alam mo kung sino
ang tama at kung sino ang mali? Kung sino ang kakampihan?

VANESSA
Well, it’s so much easier to oversimplify a situation like ours. Categorize things in black
and white. But yes, it’s never as simple as that.

VIA
Bakit ka ba ingles ng ingles? Para kang taga-call center! Basta para sa ’yo ako ang mali.
Para sa akin, ikaw. Pareho lang tayong tama.

VANESSA
And Miguel?

VIA
Para kay Miguel, walang tama. Walang mali. Ginagawa lang niya ang gusto niyang
gawin.

VANESSA

Page 12 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

Mahal niya tayo pareho. Hindi siya makapili.

VIA
Magagawa mo ba’ng magmahal ng iba?

VANESSA
I don’t know. Maybe. You?

VIA
Siguro. Tinanong ko din sa kaniya ’yan minsan. Hindi siya nagsinungaling. Sabi niya, oo.

VANESSA
Because life is merely a fraction of a second.

VIA
Sa sobrang ikli daw ng buhay, napakaikli ng panahon para gawin lahat ng gusto mong
gawin. Ang gawing totoo lahat ng pangarap mo. Ang magmahal ng lahat ng napamahal
sa ’yo.

VANESSA
Well, we can’t blame him for not being honest.

VIA
Totoo. I’m sure marami pang iba si Miguel through the years. Pero sa atin siya tumagal.
Pinili niya tayo the same way na pinili natin si Miguel

VANESSA
How about you? Can you love somebody else?

VIA
Habang nandiyan pa si Miguel?

VANESSA
Oo.

VIA
Muntik na nga dati. Kaso na-guilty lang ako. Parang mali.

VANESSA
See? Why can’t Miguel feel the same way? To at least be guilty in having the two of us.
That this is so wrong.

VIA
Dahil hindi nga niya nakikita na may mali.

VANESSA
How about you? Don’t you ever feel that staying with him is wrong knowing that there’s
someone else?

VIA
Alam mo ang sagot. Pareho lang naman tayo ng nararamdaman. Palagay mo natutuwa
ako na alam kong may nasasaktan akong iba? Sa tingin ko naman hindi ka ganoon
kasama para matuwa na nasaktan mo din ako.

Page 13 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

VANESSA
Then leave him.

VIA
Ha?

VANESSA
Please.

VIA
Kung ako ikaw, sa tingin mo papayag ka kapag hiningi ko sa ’yo na iwan mo si Miguel?

VANESSA
No.

VIA
’Yun naman pala, e.

VANESSA
Via, please.

VIA
Huwag kang magmakaawa. Hindi bagay sa ’yo.

VANESSA
Hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin para kay Miguel.

VIA
Ano’ng hindi? Alam ko. Dahil kung ano man ang pwede mong gawin para sa kaniya, kaya
ko ding gawin. Higit pa! Ipaglalaban ko siya kahit habambuhay!

VANESSA
Via, parang awa mo na! Akin na lang si Miguel!

VIA
Huwag kang magmakaawa sa akin! Ikaw ang humiwalay sa kaniya! Parang awa mo na!

VANESSA VIA
Via, please! Please, Vanessa!

Mag-iiyakan ang dalawa halos hysterical. Parehong maglalabas ng kutsilyo at


magsasaksakan.

Magdidilim.

Sa pagliliwanag nasa dating puwesto pa rin ang dalawa. Sa isip lang nila ang iyakan.

VANESSA
What more do you want from him? Hindi pa ba enough ’yung panahon na naghati tayo
sa kaniya?

Page 14 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

VIA
Hindi. Hindi ako naghintay ng ganito katagal para lang sumuko at bumitiw.

VANESSA
Aren’t you tired?

VIA
Of?

VANESSA
Of all this. Of waiting. Of being angry. Of hating. Of hoping. And for what? For the
possibility that Miguel will finally choose.

VIA
Pinapili mo siya?

VANESSA
Once. I asked him, if he loves me, why does he need someone else? Sabi ko, I can’t go
on having a relationship with him knowing there is someone else. He has to choose.

VIA
Tapos umiyak siya. Sabi niya hindi naman daw nabawasan o nagbago ang pagmamahal
niya porke may iba.

Hindi kikibo si Vanessa.

VIA
Sabi niya hindi niya makakayang mawala ka sa buhay niya. Na kung wala ka, mabuti
pang mamatay.

VANESSA
If you knew all this, why do you still wait? Why do you continue to wait?

VIA
Noong una, hindi ko rin alam. Ilang beses ko ding tinangka na tapusin na ang lahat sa
pagitan namin. Na hiwalayan siya. Kaso, lumipas ang mga araw, ang mga buwan, mga
taon, mas madalas keysa sa hindi na naiisip ko ako lang naman para sa kaniya. Na ako
lang, walang iba. Wala akong kahati. Tapos kapag bigla kong naiisip na nandiyan ka nga,
na hindi ka naman nawala, gusto kong sabihin sa kaniya na ayoko na. Kaso, kapag
nandiyan na siya, kapag katabi ko na, kapag hinalikan na niya ako, kapag naalala ko
kung gaano ko siya kamahal... Wala na... Bigla na lang, ang tagal na pala ng panahon na
lumipas. 25 years. Ngayon pa ba ako bibitiw?

VANESSA
Because you love him and admit it or not, you want him to be happy.

VIA
’Yun nga ang problema, e. Palagay mo ba naging malungkot siya sa buong panahon na
kasama ka niya at kasama niya ako? Di ba hindi?

VANESSA
That’s true.

Page 15 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

VIA
Palagay mo ba mas magiging masaya siya kung bibitawan niya ako o ikaw?

VANESSA
No.

VIA
Napaka-unfair, alam ko. Pero ganu’n kasi e. Ano’ng magagawa natin? At least hindi niya
tayo hiniwalayan. Siguro kung napunta sa isang babae ang kung anumang meron ako at
kung anong meron ka, hindi na siya hahanap ng iba.

VANESSA
But are you happy? Kuntento ka na with this?

VIA
Ikaw?

VANESSA
No. I don’t know.

VIA
Pareho lang tayo.

VANESSA
You really love him?

VIA
Oo.

VANESSA
Ako din.

VIA
Ano’ng sasabihin mo sa kaniya? Pagkatapos ng...

VANESSA
Pagkatapos nito? What’s left for me to say?

VIA
Walang mababago? Tuloy lang?

VANESSA
Is that even possible?

VIA
Hanggang kailan?

VANESSA
As long as it takes.

VIA
Kaya mo pa?

Page 16 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

VANESSA
Kakayanin.

VIA
Kung gano’n...

VANESSA
We wait.

VIA
Pa’no kung...

VANESSA
Don’t.

VIA
Siguro kung nagka-anak kami...

VANESSA
O kami...It would be more difficult. Mas maraming masasaktan. It would be harder to
explain. hindi nila maiintindihan.

VIA
Para namang naiintindihan natin.

VANESSA
I’m afraid.

VIA
Saan?

VANESSA
That I will lose him.

VIA
Alam ko.

VANESSA
But what if...

VIA
Sana dati pa ako humiwalay sa kaniya.

VANESSA
I should have given him up long ago.

VIA
Kaso hindi natin ginawa. Pareho tayong tanga. Pareho tayong umaasa.

VANESSA
All our lives... For Miguel.

VIA

Page 17 of 18
Virgin Labfest 5 – ASAWA. KABIT – George de Jesus III

Natatakot din ako.

VANESSA
I know.

VIA
Pero ano’ng magagawa natin kung sakaling...

VANESSA
Via, don’t. I don’t even want to think -

VIA
Maghintay pa rin... Maghintay...

Matatahimik silang dalawa. Matagal. Naghihintay. May darating na lalake. Isang doktor.

LALAKE
Mrs. Dosantos?

Hindi kikibo sina Via at Vanessa. Magtitinginan ng matagal. Maaalangan ang lalake, hindi
alam kung sino sa dalawa ang asawa. Sa wakas, tatayo si Via.

VIA
Ano’ng...?

LALAKE
I’m sorry. We did everything.

Aalis ang lalake. Maiiwan sina Via at Vanessa. Mananatiling nakatayo si Via. Tahimik na
hahagulgol si Vanessa. Titingnan siya ni Via.

Matagal na katahimikan.

VIA
Tapos na. Ano pa’ng hihintayin natin?

VANESSA
Miguel.

VIA
Miguel.

Unti-unting magdidilim.

Page 18 of 18

You might also like