Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isa sa mga nagpasimuno sa pananakop ng Pilipinas si Miguel López de Legazpi

(Miguel Lopez de Legazpi colonized Philippines)

Si Miguel Lopez de Legazpi ay ipinanganak nong 1510 sa Zumarraga, Spain. Ngunit


hindi sa Espanya siya namatay kundi sa Maynila noong Agosto 20, 1572.

Ang Espanyol o Kastilang eksplorer na nagtatag ng pamayanang Espanyol sa Pilipinas


ay naging makapangyarihan sa sinakop na bansa at tumagal hanggang sa Digmaang
Espanyol - Amerikano ang kapangyarihang ito noong 1898.

Si Miguel Lopez de Legazpi ay nagpunta noon sa New Spain o Mexico na ngayon kung
tawagin noong 1545 at naghain siya ng oras bilang klerk sa lokal na pamahalaan nito.
Ipinagpatuloy niya natuklasan na ni Ferdinand Magellan ang arkipelago ng Pilipinas
noong sirkumnabigasyon niya noong taong 1521. Ang viceroy ng New Spain na si Luis
de Velasco ay ipinadala si Miguel Lopez de Legazpi sa arkipelago para magtatag ng
kolonya sa Pilipinas noong 1564.

Iniwan ni Miguel Lopez de Legazpi ang Acapulco na may dalang limang barko at ang
paglalayag na ito ay umabot sa Cebu kung saan una niyang itinatag ang pamayanang
Espanyol. Isa sa mga timog na isla ng arkipelago ang Cebu at noong Abril 1565,
natupad ang hiling ng Espanya na ang pagtatatag ng unang Espanyol sa Cebu City ay
susundan ng pagtatatag ng pamayanang Espanyol sa Maynila. Noong taong 1570 ay
nagpadala si Miguel Lopez de Legazpi ng ekspedisyon sa may hilagang isla ng Luzon.
Matapos niyang masira’t was akin ang isang lokal na pinuno ng mga Muslim noong
taong 1571 ay itinatag naman niya ang pangalawang pamayanan ng Espanyol sa
lungsod ng Maynila. Naging kabisera ng bagong kolonya ng Espanya ang Kamaynilaan
at naging pangunahing sentro ng kalakalan ng Espanya sa East Asia.

Madaling mapabagsak ni Miguel Lopez de Legazpi ang di maayos at ‘di organisadong


paglaban ng mga Pilipino. Ang mga Muslim naman sa katimugan ng isla ay
nakipaglaban din sa Espanyol hanggang sa ika-19 na siglo pero ang Islām ay mahina
sa bahaging Luzon at maging pati sa hilagang bansa. Kaya si Legazpi, kasama ang
kanyang mga tauhan at isa na rito ay si Andrés de Urdaneta ay nakapagtatag ng
pundasyon para magoyo ang mga Tagalog at magpabinyag sa dala dalang relihiyon,
ang Kristiyanismo. At hanggang ngayon, ito pa rin ang patunay ng legasiya ni Miguel
Lopez de Legazpi.

Naglingkod at namuno si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang gobernador ng


Pilipinas mula taong 1565 hanggang taong 1572, taon ng kanyang kamatayan.

You might also like