Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pinanganak siya noong 8 Setyembre 1915 sa Romblon, Philippines, ngunit pinalaki

sa Mansalay, isang probinsiya sa timog ng Oriental Mindoro. Anak siya ng isang guro at
superbisor ng paaralan. Bilang binatilyo, tinulungan niya ang ama niya sa pamamagitan ng
paghahatid ng karne sa mga karatig-bayan. Isa rin siyang musikero; tumugtog siya ng byolin
at nagmay-ari ng apat na gitara. Nakuha niya ang una niyang suweldo sa pamamagitan ng
pagtugtog ng byolin sa libing ng isang Tsino saRomblon. Pumasok si Gonzales sa Mindoro High
School (ngayon ay Jose J. Leido Jr. Memorial National High School) mula 1927 hanggang 1930.
Nag-aral siya ng kolehiyo sa National University (Manila) ngunit hindi niya natapos ang
kanyang undergraduate degree. Habang nasa Manila, nagsulat si Gonzales para sa Philippine
Graphic at naging patnugot para sa Evening News Magazine at Manila Chronicle. Nalathala
ang una niyang sanaysay sa Philippine Graphic at ang una niyang tula sa Poetry noong 1934.
Naging kilala ang pangalan niya sa mga manunulat ng Pilipinas bilang isang miyembro
ng Board of Advisers ng Likhaan: the University of the Philippines Creative Writing Center,
patnugot ng The Diliman Review at unang presidente ng Philippine Writers' Association. Nag-
aral ng malikhaing pagsulat si Gonzales kay Wallace Stegner at Katherine Anne
Porter sa Stanford University. Noong 1950, bumalik si Gonzales sa Philippinas at nagturo
sa University of Santo Tomas, sa Philippine Women's University at sa University of the
Philippines (U.P.). Sa U.P., si Gonzales ang isa sa dalawang propesor na natanggap upang
magturo sa unibersidad bagamat wala siyang hawak na degree. Dahil sa kanyang panitikan at
mga parangal, nagturo si Gonzales sa University of California, Santa Barbara, California State
University, Hayward, sa University of Washington, sa University of California, Los Angeles, at
sa University of California, Berkeley.

Noong 14 Abril 1987, ibinigay ngUniversity of the Philippines kay N.V.M. González
ang degree na Doctor of Humane Letters, honoris causa, at sinabi na ito ay "For his creative
genius in shaping the Philippine short story and novel, and making a new clearing within the
English idiom and tradition on which he established an authentic vocabulary, ...for his
insightful criticism by which he advanced the literary tradition of the Filipino and enriched the
vocation for all writers of the present generation...for his visions and auguries by which he
gave the Filipino sense and sensibility a profound and unmistakable script read and reread
throughout the international community of letters..."
Iprinoklama na National Artist of the Philippines si N.V.M Gonzales noong 1997. Namatay siya
noong 28 Nobyembre 1999 sa Quezon City, Philippines sa edad na 84. Bilang National Artist,
pinarangalan si Gonzales at inilibing sa Libingan ng mga Bayani.
TALAMBUHAY NI NVM GONZALES

BUOD NG LUNSOD, NAYON AT DAGAT- DAGATAN


Mula sa malayo, ang tangi kong natatanaw sa nayon ay ilang punong niyog at ang kampanaryo sa
lumang simbahang bato. Sa gawing kanan ay naroon ang dagat-dagatan na kinasasalaminan ng araw ng
papalubog. Ang murang bughaw na kulay ng tubig ay napalitan ng maningning na pilak; yaon ay
napakarikit sa pangmalas, kaya’t biglang-biglang aking nadamang ako’y hindio handa upang magmasid
sa gayong lalang ang kalikasan. Ako’y laging nasa lunsod at ang aking paniniwala’y doon lamang may
pintig ang buhay at kaipala’y doon lamang mananatili sa mga panahong ito ng digmaan; ngunit kakaiba
ang nakita ko ngayon sa nayon: namumulaklak na mga punong manga sa tabing-daan, matatabang
kalabaw nag nagsisipanginain sa mga bukiring hindi pa inaararo, at mga lalaki at babaing nagsisigawa
sa kanilang mga itikan. Saan man ako tuminginay pulit-pulit iyon: sa mga batang namimingwit, at
lalong malapit sa akin, sa pawisan at payat na kabayong humihila sa karitela. Mandi’y kaayusan, at
ako’y nakaramdam ng pagkahiya dahil sa paniniwala sa isang uri ng buhay na salat sa
katotohanan at kaipala’y lisya.
Sa wakas ay nalalapit na kami sa nayon. Naraanan naming ang isang kiskisan, sumunod ay isang
bahay-paaralan na tinitirahan ng ilang pag-anakang nagsilikas sa pook na iyon; at isang bahay na
nababakurang mabuti ng kaipala’y sa isang manggagamot sapagkat may mga guhit na krus sa pula sa
tabing ng durungawan. Dumating kami sa tulay na kawayan; kami’y nagsibabang lahat. Ang mga
kaangkas ko, anim silang lahat, ay nagdaan sa may bambang at sila’y lumusong sa tubig. Ayokong
magbasa ng paa, kaya sa tawiran ako nagdaan kahit magbayad ng isang pera sa pagtawid. Ilan pang
saglit at naglalakad na ako sa pangunang lansangan nmg nayon: nilampasanko ang isang karihan at
isang butika, at pagkatapos ay isang bahay na yari sa table at kawayan at pinagmumulang ng mga tinig
ng nagsisipaglaro ng mahjong. Naririnig ang isang mainam na awitin buhat sa isang bahay na malapit
ngunit hindi komatiyak kung saan, at tatlo o apat na karitela ang yao’t ditto salansangan,naghahanap ng
pasahero. Sa malayo ay nagtatago sa kabila ng hanay ng mga dampang mga mangingisda ang isang
bahagi ng dagat-dagatan. Ang tubig ay muling nag-iba ng kulay; ngayon ay mangitim-ngitim na ang
dating pinilakan. Takipsilim na noo at sa kabutihang-palad ay hindi ako nahirapan sa paghahanap ng
nais kong patunguhan. Sa simula ay inaakala kong yaon ay ang bahay na nasa dulo ng napasukan kong
isang makipot at mabatong daan na kinaroroonan ng isang poso artesyano; subali,nagkamali ako
sapagkat hindi pa ako nakalalayo ay narinig kong may tumatawag sa aking pangalan, at natalos ko agad
kung sino iyon. Sumugod na sumalubong sa akin si Nena.

BUOD SA SUYUAN SA TUBIGAN NI MACARIO PINIDA


Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si
Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng kasangkapan at pagkain.
Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-
kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila
ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.

Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay
katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang
abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at
nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni
Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang
kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati
at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain,
inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at
maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay
at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore.
Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang
dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang
kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli,
samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni
Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.

Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng
tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas pa muna ang
batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa
mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-
mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at
walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang
hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si
Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig
na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

TALAMBUHAY NI MACARIO PINIDA

Ipinanganak si Macario Pineda noong 10 Abril 1912 sa mag-asawang sina Nicanor Pineda at Felisa de
Guzman sa Bigaa, Bulacan. Nagtapos si Pineda ng mataas na paaralan sa Bulacan Nation High School.
Unang nakilala si Pineda sa mga maiikling kwento sa wikang ingles na nailathala sa
magasing Graphic. Nang sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, sumali si Pineda sa isang
grupo ng mga manunulat laban sa mga Hapon at sa taong 1946 ay kinilala siyang isang ganap na
gerilya.
Sa loob ng labinlimang taon ay nakilala si Pineda sa larangan ng literatura. Taong 1944 napabilang ang
kanyang likhang ‘Ang Suyuan sa Tubigan’ sa dalawampu’t-limang pinakamahuhusay na akda ng
magasing Liwayway.
Maliban sa magasing Liwayway naglathala rin siya ng kanyang mga likhang maikling kwento at nobela
sa Aliwan, Tagumpay, Daigdig, Sinag-tala, Ilang-Ilang, Paru-paro, Bulaklak,
Kislap Malaya at Graphic. Bukod sa mga ito ay naging kontribyutor din siya ng mga kwento sa isang
istasyon ng radyo, ang DZPI.Ilan lamang sa kanyang mga nobela ay ang Ang Ginto sa Makiling,
Kundiman ng Pag-ibig at Isang Milyong Piso, ang huli niyang katha. Sa maikling kwento naman
ay Talambuhay ng Aming Nayon, Buhat-Araw, Lalaging Liwayway, Sinag sa Dakong Silangan at Ina
Ko….

You might also like