Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa araw-araw na gawain ng tao hinding hindi mawawala ang pakikipagpalitan ng mga

salita sa ibang tao. Paggising pa lamang sa umaga nakikipagkomunika na tayo sa mga taong

kasama natin sa ating tahanan. Ang simpleng pagpapahinto sa umaandar sa jeep sa pamamagitan

ng pagtaas ng iyong braso at pagkaway gamit ang iyong kamay upang makasakay ditto ay

maituturing na isang halimbawa ng pakikipagkomunika kahit walang mga salitang ginamit

sapagkat sa simpleng mga aksyon na iyong nagawa naintindihan ng nagmamaneho ng jeep na

ibig mong sumakay sa kanyang minamanehong sasakyan. Ang tawag sa ganitong uri ng

pakikipagkomunika ay isang hindi berbal na komunikasyon sapagkat walang paggamit ng mga

salita ang nangyari. Ang isang uri ng komunikasyon ay ang berbal na komunikasyon na kung

saan gumagamit naman ng salita ang dalawang magkausap upang magkaintindihan at matawag

na berbal na komunikasyon ang kanilang isinasagawa.

Para masabing komunikasyon ang nangyayari sa pagitan ng dalawang nagpapalitan ng

ideya mapa berbal man ito o hindi. Sa araw na araw na nagtuturo ang ating mga magigiting na

guro nakasalalay sa kanila ang pagkatuto ng isang mag-aaral kung kaya’t kinakailangang

naiintindihan ng mga mag-aaral ng lubos ang mga sinasabi at tinuturo ng guro. Ang araw-araw

na pagtuturo ng guro sa tuwing kaharap ang kanyang mga estudyante ay isang halimbawa ng

komunikasyon. Ang guro at ang mga estudyante ay dalawa sa mga elementong kasama sa

komunikasyon, sa sitwasyon na kung saan ang guro ay nagtuturo sa kanyang mga estudyante,

ang guro ay ang tagahatid ng mensahe at ang mga estudyante ang tagatanggap nito. Ang ideya na

nais ituro ng guro ay isa ding elemento ng komunikasyon. Ngunit hindi ito maipapahayag ng

mabuti kung hindi maisasalin sa paraang maiintindihan ng mga estudyante. Kung kaya’t

kailangan nya i-encode ang mga ideyang ito sa paraan na sa tingin nya’y maipapahayag niya ng

maigi ang ideya ng kanyang nais ituro. Sumunod ay ang tsanel o kung ano ang paraang napili ng
guro upang maipahayag niya ang kanya ideya o mensahe, mapa-salita man o pasulat. Matapos

maihatid ang mensahe sa tagatanggap, kailangan ito i-decode o i-proseso ng mga estudyante

upang lubos na maintindihan nito ang ideya ng mensahe ng guro. Minsan tumutugon ang mga

estudyante ng mga tanong kung mayroon man silang hindi maintindihan sa ideyang ibinahagi ng

kanilang guro. Ang tawag ditto ay ang tugon o feedback ng tagatanggap sa mensahe ng tagahatid

ng mensahe.

You might also like