Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

SARAP O HIRAP SA PAGKONSUMO: ANG ESTADO NG MGA MAG-AARAL SA

SENIOR HIGH SCHOOL SA PAGKAHUMALING SA MILKTEA


Dalmacio, EJ D.1
Dincol, Vanessa2
Negado, Erika B.3
Nicart, Leonilo Jr. M.4
Torrero, Erika Mae C.5

College of Education, Filipino Department, dalmacioej@gmail.com1


College of Education, Filipino Department, Vanessadincol@gmail.com2
College of Education, Filipino Department erikabriolnegado@gmail.com3
College of Education, Filipino Department, jayrnicartttttt@gmail.com4
College of Education, Filipino Department, akirelaura3@gmail.com5

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kung ano ang mas matimbang, hirap o sarap base sa
estado ng mga estudyante ng Senior High sa pagkonsumo sa kinahuhumalingan nilang milk tea.
Hinangad sa pag-aaral na ito na malaman kung nakakaapekto ba ang pagkonsumo sa milk tea sa
mga estudyante. Tunay nga bang sarap ang kanilang natatamo sa tuwing napupunan ang kanilang
kagustuhan na bumili ng milk tea, o hirap sapagkat hindi nila namamalayan na nakakaapekto na
ito sa pang araw-araw nilang gastusin. Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na
nahihilig sa milk tea. Nalimita ang pag-aaral sa mga mag-aaral sa Senior High School.
Ang paraan na ginamit sa pananaliksik ay sa pamamaraan ng pagmamasid, pagtatanong-
tanong, at pakikisangkot. Lumabas sa pag-aaral na ang pagkonsumo ng mga Senior High School
sa pag kahumaling sa milk tea ay tinatangkilik nila ito dahil sa kakaibang lasa at sarap na lamang
sa milk tea at hindi hadlang ang taas ng presyo dahil sulit ang paggastos dito at nakasanayan na
rin nila na sa tuwing may sobra silang pera ay ibibili nila ito ng milk tea. Ang madalas na
nakakaimpluwensya sa mga estudyante na bumili o sumubok ng milk tea ay ang kapwa rin nilang
mga estudyante at minsan ay gawa narin na uso ito sa social media at tinatangkilik narin ng
nakararami kaya ang iba ay bumibili abot narin ng kanilang kuryosidad.
Malaki ang ambag ng mga negosyante ng milk tea sa ating bansa dahil sa bawat milk tea
shop ay nagbabayad ito ng mga karampatang buwis na nakatutulong narin sa mga estudyante.
Tunay ngang sarap ang tinatamasa ng mga estudyante sa SHS sa pagkunsomo sa milk tea at hindi
ito nakaka apekto sa kanilang estado sa buhay sapagkat nakokontrol nila ang pagkunsumo dito at
higit pa doon ay nakatutulong din ito sa kanilang kalusugan.

Susing Salita: milk tea, pagkonsumo, estudyante, estado, sarap


Bio ng mga Awtor

Ang pangunahing awtor ay si EJ Dalmacio, 18 taong gulang na naninirahan sa Binangonan,


Rizal. Ang ikalawang awtor ay si Dincol Vanessa Marie C. na isinilang noong ika-23 ng
Disyembre, 2000, 18 taong gulang. Ang pangatlong awtor ay nagmula pa sa Antipolo City na si
Erika B. Negado. Siya ay ipinanganak noong ika-24 ng Agosto, 2000 na ngayon ay may edad na
19. Habang ang pang-apat na awtor naman na si Nicart, Leonilo Jr. M. na isinilang noong ika-26
ng Hulyo na ngayo'y 18 taong gulang na. Ang panglimang awtor ng pananaliksik na ito ay nagmula
din sa Antipolo at ang kanyang ngalan ay Erika Mae C. Torrero.
PANIMULA

Ang bubble tea o tsaang may bula ang tawag kalimitan sa pearl milk tea at iba pang

kaparehong uri ng mga tsaa at inuming mula sa prutas. Ang sangkap nito ay maaring magkaiba-

iba ngunit, ang tanging hindi nagbabago ay ang paghahalo dito ng tsaa na sinamahan ng sirup ng

prutas o ng gatas. Mayroon din itong bersyon na hinaluan ng yelo, tulad ng slushies, at may iba’t

ibang uri din ng pampalasa mula sa prutas. Marahil ang pinakasikat na uri ng bubble tea ay ang

pearl milk tea o “tsaang sinalinan ng gatas at perlas”. Kung sa America, minsan ay tawag din ito

bilang boba milk tea. Naglalaman ito ng maliliit na bilog na bolang gawa sa tapioca starch. Ang

mga perlas na ito, o pearls sa Tsina, ay masarap nguya-nguyain kasabay ng pag-inom ng tsaa. Ang

tapioca pearls ay matatagpuan din sa maraming lugar.

Kaugnay ng “National Milk Tea Day” noong ika-30 ng Abril 2019 na ang mga Pilipino ay

ikalawa sa mga lahi ng tao na mahilig uminom ng milktea o bubble tea.

(News.definetelyFilipino.net). Ayon sa bilang ng GrabFood sa mga bubble tea drinkers na higit sa

paglago ng 12,000 porsyento sa Pilipinas noong 2018, malinaw na ang pag-inom ng inuming ito

ay nagsisimula pa lamang (Ichimura, 2019).

Isang nakababaliw na inumin ang matagal nang tumama sa Pilipinas simula 2008 na

tinawag nilang "Milk tea" na nagmula sa Taiwan (Yummy.Ph. 2019). Halos iba't ibang milk tea

places na nga ang nagsulputan sa kabi-kabilang dako ng bansa. Pati na rin ang mga tinatayong

negosyo nito ay naging kapakipakinabang na sa industriya. Itinuturing na itong kape sa ating bansa

na kung saan baliw na baliw ang mga tao sa lasa nito pati na rin sa pagiging parte nito sa sistema

ng ating buhay. Ilan sa mga kilalang Milktea Spots sa Maynila ay ang Coco fresh Tea and Juice,

Gong Cha, Tiger Sugar, Happy Lemon, Serenitea at Macao Imperial, Ilan pa lang yan sa nagkalat

na bilihan ng milk tea sa Pilipinas. (Spot.ph, 2019).


Sa penomenong pagkahilig ng mga Pinoy sa Milk Tea maaring hindi maiwasan na mag

karoon ng isyu tungkol sa inumin na ito tulad na lamang nang nangyari noong taong 2013 isang

tindahan ng Dakasi Milk Tea sa Ilo-ilo ang nagbenta ng kontaminado ng e.coli at salmonella

bacteria na sanhi ng pagkakasakit nang tiyan ng 50 costumer at pag kamatay ng isang costumer at

ng taong 2015 dalawang katao ang nasawi at isa pa ang naospital matapos na malason umano sa

ininom na milk tea sa isang tindahan sa Maynila. Kabilang sa nasawi ang may-ari mismo ng

tindahan. Kaagad daw napansin ng babae na may kakaibang lasa ang Milk Tea na kanyang iniinom

at tinikman din ito nang kanyang kasintahan at agad na ibinalik sa may ari at tinikman din ito.

Ayon sa imbestigasyon hindi dahil sa sangkap ng milk tea ang ikinamatay ng mga nasawi kung

hindi dahil sa kontaminadong basong pinaglagyan ng kemikal na pinag gamitan sa pag hahanda

nito. (Yummy.ph 2019). Dahil sa isyu na ito unti unting nabawasan ang mga tumatangkilik sa Milk

Tea at unting-unti nang nawawala sa merkado at sa taong 2017 ay biglang nagbalik sa merkado at

mas lalong tinangkilik ng mga pinoy at karamihan dito ay mga mag-aaral ng Senior High School.

Ang pagtangkilik ng mga mag-aaral ng Senior High School sa milk tea ay isa na ngang

penomenong pangyayari sa ating bansa ngunit hindi nalalaman ng iilan kung nakakaapekto ba ito

sa kanilang estado sa buhay, tunay nga bang sarap ang dinadanas nila dahil sa nakakatikim sila ng

mamahaling inumin na ito o hirap dahil naaapektuhan ang pang araw-araw nilang gastusin upang

makabili lamang at mapunan ang kanilang kagustuhan at maipakita sa iba na nakakasabay sila sa

uso.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Nabuo ang pag aaral na ito mula sa pagtungtong sa pamamaraan ng pagmamasid, kapag

pinagmamasdan mo ang kapaligiran, marami kang mapapansin na dati ay hindi mo alam

(wordpress.com,2014). Sa pamamagitan ng pagmamasid, may mga taong nilalamon ng kanilang


kuryosidad kaya’t gusto nilang malaman kung tungkol saan ba ito. Ang pagtatanong-tanong naman

ay binibigyang pakahulugan na informal interview of improvisation (Kim, Yang & Hwang, 2006).

Ito ay ang pagtatanong ng bawat isa sa isa’t isa na walang paghahanda base sa layunin nitong

makakalap ng impormasyon. Panghuli ang pakikisangkot na kung saan binigyang pakahulugan ng

Wikipedia na an act of joining others na maaari na ring makigaya sa nangyayaring penominong

ito. Limitado sa 15 mag aaral na tagatugon mula sa Senior High school. Sa pagmamasid ng mga

mananaliksik sa mga mag-aaral na kumukonsumo ng Milk tea, kapansin pansin na halos lahat ng

mga ito ay puro mag-aaral ng Senior High. Nagpunta ang mga mananaliksik sa isang tindahan ng

Milktea, Chatime sa isang mall sa Taytay. Hindi nila alintana ang haba ng pila para lamang

makabili ng Milktea, at sa oras na nabili na nila ito, mababakas ang ngiti sa kanilang mga labi at

ang galak sa kanilang mga mata na malalasap nilang muli ang matamis nitong lasa. Nakisangkot

at nag tanong tanong ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral nagkwekwentuhan sa paligid ng

tindahan ng Milk tea bilang proseso sa pag kalap ng datos.

RESULTA AT PAGTALAKAY

Ang Kasaysayan ng Milk Tea

Ang milk tea at ang bubble teas, ay kalat na sa ibang lugar sa mundo sa loob ng maraming

dekada sa iba't ibang uri. Ang pinakasikat na istilo ng milk tea ay nagmula sa Taiwan noong 1980s

ito ay ginawa sa pamamagitan nang isang simpleng timpla ng itim na tsaa, creamer at asukal.

Simula noon, ang isang simpleng inuming ito ay naging isang rebolusyonaryo inumin, at

nagkaroon ng kalayaan ang mga mahilig sa tsaa na ipares ang kanilang mga paboritong teas sa

maraming flavors at sweeteners depende sa kanilang nanaisin. Ngunit hindi lang iyon ang
pinakamagandang bahagi sapagkat ito ay naging sobrang popular dahilan kaya lumaki ang kita ng

mga nagtitinda ng tea. (Quiful Life, 2015)

Ang lasa ng tea ay nagiging napaka espesyal kapag nilaglagyan ito ng gatas dahil ito’y mas

lalong sumasarap. “Pinahahalagahan namin ang katalinuhan ng aming mga ninuno na unang

lumikha ng isang napakagandang lasa para sa amin". Sa ngayon, may iba't ibang uri ng milk tea

sa buong mundo. Mayroong milk tea na mula sa India, Hong Kong, pati na rin ang Taiwan, at ang

bawat isa sa kanila ay may sariling natatanging bersyon. Gayunpaman, ang pinaka-kapana-panabik

na bagay tungkol sa milk tea ay ito’y naging isang unibersal na inumin na nagsimula ng kumalat

sa buong mundo. (Quiful Life, 2015)

Walang sapat na katibayan upang ipakita ang tunay na pinagmulan ng milk tea.

Gayunpaman, kung kailan at kung paano nagsimula ang milk tea at kumalit sa ibang lugar sa

mundo ay may ilang matibay na ebidensya. Ang kwento ay nagsisimula sa ilang hindi kanais-nais

na kolonisasyon, na nag-umpisa 400 taon na ang nakakaraan. Mula noong panahon ng ika-16 siglo,

ang England at Holland ay unang nagtatag ng isang East Indian Company, na siyang pagpapatuloy

ng pagsalakay sa Kanluran sa Asya. Nang maglaon, ang Pransya ay kasangkot din sa negosyo.

Dahil sa East Indian Company, ang magkakaibang kultura ng Asya kasama ang pagkain nito ay

ipinakilala sa labas ng mundo. (Ethnic Seattle.com, 2015). Ang milk tea ay isang ganap na bahagi

ng mga ito.

Nang dinala ng British at Dutch ang Indian Milk Tea sa Tsina, ang parehong bansa ng

British at Dutch ay hindi kinaya ang matapang ng flavor ng milk tea. Kaya, pinalitan nila ang mga

pampalasa na ginamit ng India at hinaluan nila ito ng iba't ibang uri ng tsaa at idinagdag sa tsaa

ang asukal ng maple. Ang mga ito at ang asukal sa maple ay naging pangunahing formula ng milk
tea. Batay sa pormula na ito, idinagdag na ng mga Dutch ang gatas sa tsaa upang maiwasan ang

kapaitan ng tsaa. Mabilis na tinanggap ng mga bansang Europa ang ganito (Ethnic shuttle 2015)

Noong Hulyo 1604, kolonisado ng Holland ang Taiwan, ang Taiwan ay hindi bumalik sa

China hanggang Pebrero 1662 mula sa taon ng 1636, sinimulan ng mga negosyanteng Dutch na

gamitin ang Taiwan bilang lokasyon upang dalhin ang kanilang mga tsaa sa Iran, India, at

Indonesia. Kasabay nito, ang gatas ay na-import din sa Taiwan. Sa panahon ng pagsalakay ng

Hapon sa China, nagsimula ang Taiwan na magtanim ng itim na tsaa ng Hapon. Ang merkado ng

Tea sa Taiwan ay lumago din habang ang mga pamamaraan ng pagtatanim ay bumuti. Ang Taiwan

ay naging isang kanlungan ng iba't ibang uri ng tsaa.

Ang Taiwan ay sikat sa Bubble Milk Tea, na kilala rin bilang Boba Milk Tea, o Pearl Milk

Tea. Mayroong ilang mga iba't ibang mga bersyon ng kung paano unang naimbento ang Bubble

Milk Tea. Gayunpaman, ang pinaka-tinanggap na bersyon ng pag-imbento nito ay sa taon ng 1984.

Ang pagsilang ng Bubble Milk Tea ay nasa isang inuming tindahan na tinatawag na Chunshui

Tang na pinamamahalaan ni Xiuhui Liu. Nagdagdag siya ng isang lokal na gawa ng pulutong na

bigas na bola sa tsaa ng gatas at inanunsyo ito sa mga kliyente. Ang glutinous rice ball ay may

mga 7 mm bilang diameter nito pagkatapos iluto. Ang mini rice ball ay naimbento din kinalaunan.

Gayunpaman, ang pinakapopular at tunay na tsaa ng bubble milk ay karaniwang gumagamit ng

7mm glutinous rice ball bilang mga sangkap nito.

Ayon kay Xiuhui Liu, isang perlas o isang bula ang naging inspirasyon sa pangalan para

sa tsaa ng gatas na ito. Ang hugis ng bola ng bigas sa tsaa ng gatas ay mukhang katulad ng perlas.

Noong unang bahagi ng 1990, lumitaw ang Bubble Milk Tea sa menu ng tinakdang oras sa para

sa mga lokal na tindahan ng inumin. Una itong nagsilbi sa mga tindahan ng kape, kung saan pinag-

uusapan ng mga tao ang tungkol sa negosyo at ang mga mag-aaral ay may mga pagtitipon sa mga
kaibigan. Sinimulan ng mga tao na ibenta ang Bubble Milk Tea malapit sa mga paaralan, mga

sentro ng pagsasanay, o sa merkado ng gabi. Maaari mong laging makita ang mga mag-aaral at

batang mag-asawa na umiinom sa kalye, o habang gumagawa ng ilang window-shopping. Unti-

unti, naging popular ang gatas kasama ang magandang pangalan nito sa daan-daang libong mga

tao.

Nang maglaon ng 1990s, may isang taong nagpakilala ng isang awtomatikong makina ng

sealing machine para sa tsaa ng gatas, na nag-udyok sa maraming mga tindahan ng kadena na

magsimulang gamitin ang ganitong uri ng makina. Dahil sa pakikilahok ng mga tindahan ng tren

sa paghahatid ng tsaa ng gatas, ang negosyo ng tsaa ng gatas ay pinalawak sa buong mundo.

Habang lumalaki ang negosyo, nagkaroon ng iba't ibang lasa ng tsaa ng gatas. Gustung-gusto din

ng mga tao na magdagdag ng "damo jelly", puding, o kape batay sa kanilang mga lasa. Noong

1996, ang Bubble Milk Tea ay pumutok sa merkado ng Hong Kong at pagkatapos ay ipinakilala

sa Mainland China. Marami ring kadena ng mga tindahan ng Milk Tea na binuksan sa iba pang

mga bansa kabilang ang Canada at Japan pagkatapos ng 1990. Ngayon, sa ika-20 Siglo, popular

pa rin ang Bubble Milk Tea sa buong mundo. (Quiful Life, 2015)

Ang Pagkonsumo ng mga Senior High School sa Milktea

Bilang bahagi ng henerasyon ngayon, kitang-kita sa mga estudyante ang pagkahumaling

sa Milktea sa kabila ng mahal na presyo, mahigpit na iskedyul sa pag-aaral at mahabang pila sa

milktea shop. Sapagkat uso ay gusto nilang alamin kung bakit nga ba ito binabalik-balikan ng iba.

Marahil nauso na nga ito noon pa, bigla muli itong umusbong at niyakap muli ng mga tao, lalo na

ng mga estudyante. Karamihan sa mga estudyante ay pagtapos ng kanilang klase bumibili ng milk

tea na hindi alintana ang mga gawaing takdang aralin na dapat gawin. Nagsisilbi ito sakanilang

pampawala ng 'stress' sa pag-aaral pati na rin ang kapagudan sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Sa pamamagitan ng milk tea, nagkakaroon ng koneksyon sa Authentic Happiness Theory

na naglalayong ipahayag ang positibong emosyon sa pinakamadaling maunawaan ng iba.

(Seligman et.al 2003). Halimbawa, kung ikaw ay bibili ng ice cream, alam mong makakaginhawa

ito sa pakiramdam mo dahil ito ay matamis, malamig at masarap. Katulad na lamang ng pagbili ng

nila ng milktea. Maaaring may maidulot itong saya sa kanilang pakiramdam. (Sarap)

Para po kasi sa akin, siyempre po sa sobrang busy nga po namin sa

school kapag may mga na-accomplish ako doon, bumibili ako ng milk tea

na parang ginagawa ko siyang reward sa sarili ko. Nakakarelieve din siya

ng stress ko kasi after ko uminom nun, masaya na ulit ako.

Friends din nag-encourage saken na bumili ng milk tea. And then dun

na start. Nung una hindi ko naman siya gusto pero galing kasi ako sa family na

more on herbs lahat ng medicine namin na ginagawang tea so mabilis ko narin

siya naaccept and maganda naman yung effect saken. Feeling ko kasi may time

na stress ako for school and samahan pa ng sobrang init. Kaya feeling ko

narerefresh utak ko kapag umiinom ako ng milk tea and at the same time feeling

ko ang healthy lang kase instead of softdrinks.

Gayunpaman, mahal man ang benta nito sa merkado ay hindi naman nalilimitahan ang

kanilang mga baon o kanilang mga pera sa pagbili nito dahil ayon sa kanila ay minsan ay pinag-

iipunan naman daw nila ito na nagreresulta na kapag talaga gusto nila isang bagay ay kaya naman

nilang makuha sa pamamagitan ng pag-iipon. (Sarap)

Ang Pagkonsumo ng mga Senior High School sa Milk Tea na Naaayon sa kanilang Estado
Sa pagbili ng milk tea ay hindi lahat ng uri ng estudyante ay kayang bumili nito. Marahil

marami ring ginagastos ang mga estudyante sa paaralan, minsan ay hindi ito sapat upang makabili

sila ng milk tea (Hirap). Nakikita natin dito ang isang kulturang Pilipino na kung saan kapag

nakakabili ka ng mga mahal na bagay ay mayaman ka na agad. Ngunit sa obserbasyon na aming

isinagawa ay hindi lamang mayaman ang kayang bumili nito. Maaari din bumili ang mga may

kaya basta't may pera sila. hindi hadlang ang kahirapan para bumili ka ng gusto mong inumin

basta't alam mong yung perang gagamitin mo ay galing sa tama.

Nakakaapekto talaga ang milk tea sa budget natin sa araw-araw.

Since milk tea is "medyo" expensive and not all people who buy that have

enough or extra allowance to buy that so tingen ko, na shoshort sila ng

budget. Pero hindi siya pang mayaman lang. Anyone can buy milk tea

naman pero para araw arawin or 3 times a week, di na yon tama lalo

kung average lang naman yung status ninyo sa buhay. Siguro mas

maganda yung hinay hinay lang at siguro kapag gusto nila talagang

bumili, mag-ipon sila talaga. Kasi yung ibang mga kaibigan ko, nag-

iipon talaga if gusto nila bumili non.

Kahit man mahal ito, pwede namang gumawa ng paraan para makabili nito. Pwede kang

mag-ipon ng pera. Lumabas din sa pag-aaral na ito na ang mga estudyante ay wais na sa paggasta

nila. Kung titignan natin, gumagawa talaga sila ng paraan upang makabili ng milk tea pag gusto

talaga nila. Ibig sabihin sa pagbili pa lamang nito natututo na sila maging madiskarte dahil hindi

naman sa lahat ng pagkakataon ay may pera sila (Sarap).

Hilig ko ang milk tea pero madalang lang ako bumili dahil

nakakabili lang ako nito sa tuwing may extrang pera lang ako. dahil sa
taas ng presyo nito nililimitahan ko lang ang pag bili nito kasi iniisip ko

rin ang gagastusin ko. Kapag alam ko na may pagagastusan ako na iba

na mas mahalaga, di muna ako bibili.

Ang Pagkonsumo ng mga Negosyante ng Milk Tea Shop sa mga Senior High School

Parami na ng parami ang mga Milk tea shop sa bawat sulok ng Pilipinas, Isang indikasyón

na yumayabong na ang industriya ng Milk tea sa ating bansa. Sa dami ng mga estudyante sa ating

bansa, di maikakailang ang mga estudyante ang nagdadala ng malaking pera sa bulsa ng mga

negosyante ng Milk tea shop.

Sa unang tingin iisipin mong lamang ang mga negosyante dahil karamihan sa kanilang

mamimili ay estudyante, ngunit kung iisipin mong mabuti mas lamang ang mga estudyante. Sa

pag konsumo nila sa Milk tea, kanilang binabayaran ang prudukto kasabay ng kaukolang buwis.

Sa kabilang banda karamihan ng mga milktea shop ay nangungupahan ng pwesto at nag babayad

din buwis, ang buwis na iyon ay ginagamit sa mga proyekto ng pamahalaan, isang halimbawa nito

ang free tuition sa mga state universities na siyang kapakinabangan ng mga estudyante sa Senior

high at college. Kung susuriin natin, malaki ang lamang ng estudyante sa mga negosyante. (Sarap)

Ang Pagkahilig ng mga Senior High School sa Milk Tea

Sa makabagong panlasa ng mga istudyante hindi nalalayong mahumaling sila sa Milk tea,

dahil sa iba't iba nitong lasa, karamihan sa kanila ay may panlasang binabalikbalikan, halimbawa

na lamang nito ay winter melon, matcha milk tea, okinawa milk tea at marami pang iba. dala narin

ng kasikatan ng Milk tea at sa makabagong panlasang dala nito, binalik balikbalikan at unti unting

nahilig ang mga estudyante sa inuming ito.


Sa tuwing umiinom kami ng milk tea parang bonding moment narin

namin siya, at minsan naiisip din namin na mabuti ang milk tea sa aming

kalusagan kasi nga tea siya pero pag sumobra naman masama kasi may

sugar siya.

For me kasi kapag gusto ko bumili ng milk tea it’s either parang nag

ce-crave lang ako to try something new flavor. isa na rin yun sa mga factors

na premyo mo siya (milk tea) sa sarili ko dahil sa busying schedule minsan

nalang ako malakapag ano..makakapag bigay ng time ganun..ineenjoy ko

yung moment kapag may pera ako binibili ko ng ganun, (milk tea) kagaya

ng sinabi nila craving ganon.

KONKLUSYON

Sa pag-aaral na ito, naging lamang ang Sarap sa mga estudyante marahil hindi naman talaga

nakakaapekto ang pagkahumaling nila sa milk tea sa estado nila sa buhay dahil hindi naman nila

pinipilit bilhin ito kung wala silang pera. Sa pagbili din nila ng milk tea ay mas nakatulong din sa

buhay nila dahil ito din ay nakakatulong sa kalusugan nila basta’t may limitasyon, natututo din

silang maging madiskarte sa kanilang buhay dahil kaya nilang badyetin ang kanilang baon.

Nakakapagpasaya din sakanila ito at nakakapagpatanggal ng pagod. Gaya nga ng sabi ng

isa naming nakakwentuhan ay hindi naman ito babalikan kung hindi masarap. Kaya’t nangibabaw

talaga ang sarap, hindi ang hirap.


SANGGUNIAN

https://www.yummy.ph/news-trends/milk-tea-trend-history-philippines-a00261-20190307-lfrm2

https://www.spot.ph/eatdrink/the-latest-eat-drink/77482/10-most-popular-drinks-from-milk-tea-

shops-in-manila-a1044-20190408

https://www.authentichappiness.sas.upenn.edu/newsletters/authentichappiness/happiness

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fethnicseattle.com%2F2015%2F05%2F10%2

Fhistory-of-milk-tea-taiwan-to-across-the-

globe%2F%3Ffbclid%3DIwAR3VbCXIG9i1sGyDjVqRUFr8l9AcC4oqHMVo2iKnvxL3DZDJ-

HGlPkdv5bk&h=AT0irtR9Qe-2jxU4u-VnnRVgdtWF3ChHAu2O5AC5wYjprDe-

OXaVSWUaAPmiIHDEtFtttUCNgG4jXAN1q3_WbUf_ZQtl_cUuHbzGNPr-

7nu2lOT6s_DAZQdDIsNHukF486mHJw

http://fnbreport.ph/news/filipinos-rank-second-highest-bubble-tea-drinkers-in-southeast-asia-

anrii-20190502/

https://kaluonggilas.wordpress.com/about/

https://prezi.com/lvkq9ifrk1uw/pagtatanong-tanong/

https://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_psychology

You might also like