pawang masasama ang ugali. Sila ay sina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok. Dahil magkakaibigan, madalas silang nagkikita at nagkakasama sa pamamasyal. Tuwing magkasama naman ang tatlo ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda. Ang mga may kulang sa isip at mangmang ay kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at ipanakukulong. Lubha silang mapang- api, mapangmata at malupit sa mga dukhang mamamayan. Kahit matatanda ay hindi nila iginagalang. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang mga dugong- bughaw. Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang huminto at pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang mga hugis ng katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na para bagang nambabastos. “Kamahalan, huwag po sana ninyo kaming panoorin at pagtawanan.” Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at walang salitang sinampal ang dalagang nakiusap. Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang babae ang namagitan. Palibhasa’y walang iginagalang ang mga prinsipe, basta’t mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda.