Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ano ang Political Dynasty ?

 Kung inaakala ng marami na sa China lang nagsimula at nagkaroon ng mga dynasty noon, tulad ng Ming Dynasty, o
kaya’y sa North Korea na isang komunistang bansa pero may Kim Dynasty rin, sa Pilipinas na isang demokratikong nasyon ay tadtad
ng political dynasty. Isipin ninyo: Ang puwesto ng amang pulitiko ay isasalin sa anak pagkatapos ng kanyang termino o kaya’y sa
kanyang ginang sa pamamagitan...
 Sa katatapos lamang na pambansang halalan sa ating bansa, ilan na naman kaya ang nagwagi mula sa pamilyar nang mga
naghaharing mga pamilya? Ilang miyembro ng mga mga maimpluwensiyang pamilya na naman kaya ang magkakaroon ng tatlong taon
upang mamuno sa kanilang itinuturing na teritoryong pulitikal?Ayon sa isang pag-aaral, tinatayang aabot sa bilang na apat na daan ang
political families sa bansa. Ito ang mga pamilyang inangkin na ang responsibilidad na paglingkuran ang kanilang bayan kaya’t tuwing
halalan ay sinisugurado nilang ang kanilang asawa, anak, kapatid, o kahit sinong kamag-anak nila ang susunod na mamumuno bilang
lider.Noong nakaraang taon, tinatayang 85% ng lahat ng gobernador sa Pilipinas ay kabilang sa political families. 84% naman ng mga
Mayor ay galing din sa maimpluwensiyang pamilya. Sa Kongreso naman, 74% ng mga miyembro nito ay kabilang din sa maituturing na
parte ng isang political dynasty.Malinaw ang nakasaad sa ating Saligang Batas: Article II, Section 26, “The State shall guarantee equal
access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.” “Dapat seguruhin ng Estado ang
pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa maaaring
ipagkahulugan ng batas.”Ngunit dahil wala pang batas na malinaw na nagtatakda kung ano ang pakahulugan sa terminong “political
dynasty”, patuloy na namamayagpag ang mga maiimpluwensiya at makapangyarihang mga pamilya sa ating bansa. Mula sa ating mga
barangay hanggang sa pinakamatataas na posisyong sa ating bansa ay pinaliligiran tayo ng mga pamilyar nang mga lider dahil kung
hindi sila anak ni Kapitan ay kapatid sila ni Mayor, o asawa ni Governor, o hindi kaya ay maaaring pamangkin sila ni Congressman o
apo ni Senator. Hindi ba’t ganito ang kalagayan ng pulitika sa ating bansa? Nasaan ang pagrespeto sa malinaw na isinasaad ng ating
Saligang Batas?Sa katatapos lamang na halalan ay nagkaroon ng mga independent observers mula sa iba’t-ibang bansa kung saan ay
matiyaga nilang binantayan at pinag-aralan kung anong eleksiyon meron tayo sa Pilipinas. At bago nila tuluyang tinapos ang kanilang
responsibilidad upang bantayan ang eleksiyon dito sa ating bansa, nag-iwan sila ng mensahe sa ating mga Pilipino. Ayon sa grupong
ito, nakakabahala ang estado ng pulitika sa bansa dahil halos lahat ng mga posisyon sa pamahalaan ay pinagpapasahan lamang ng
mga magkakapamilya at magkakamag-anak. Madiin ang kanilang panukala na kailangan nang buwagin ang ganitong uri ng pulitika sa
Pilipinas.Samakatuwid, ngayong nalalapit na pagbubukas ng bagong Kongreso sa ating bansa, ito ang hamon sa ating mga Pilipino.
Tuldukan na natin ang political dynasty. Hikayatin na natin ang ating mga mambabatas na sundin ang malinaw na isinasaad sa ating
Saligang Batas at iyan ang pagbabawal sa political dynasties.

 Introduksyon sa Pananaliksik
 Noong sekondarya ay napag-aralan na ang kasaysayan ng buong mundo. Ayon sa librong World History ni Josefa L.

Quirante Radford ay noong unang panahon pa lamang ay nauso o naging kaugalian na ang political dynasty, hindi
lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Ayon din kay Radford ang mga bansang Tsina, Hapon, Inglatera at
Espanya ay ang ilan sa mga bansang nagsimula ng ideya ng isang political dynasty. Bagamat hindi direktang political

dynasty ang tawag dito kundi monarkiya ang ideya nila ay halos pareho. Sa isang monarkiya, pamilya ang nagpapatkbo
ng isang lugar, pinagpapasapasahan lamang nila ang mga posisyon sa kanilang kaharian at sa isang political dynasty
naman pinaghaharian ng isang pamilya ang isang lugar sa pamamagitan ng pagpapasapasahan ng magkakapamilya ang
posisyon at mga kadugo din nila ang iluluklok nila sa iba pang posisyon sa gobyerno. Magkaiba man sa katawagan ang
dalawang konseptong ito ay may pagkakatulad sa ideya.
 Ayon sa mga napanuod na dokumentaryo tulad ng “Ina, Asawa, Anak ng Probe Team at ang “The Correspondent’s
Takes on Local Political Dynasties,” ang ganitong uri ng pamamahala ay laganap na. Unti – unting sinasakop ng mga
dominanteng pamilya ang bawat lugar upang pagharian. Ang isang patunay dito ay ang political dynasty na naitayo ng
mga Amopatuan sa Maguindanao. Ang kanilang dinastiyang pampolitika ay naibunyag sa media noong nangyari ang
Ampatuan Massacre. Ang massacre na ito ang napakalawak na politicl dynasty na meron ang mga Ampatuan. Ang
pangyayaring ito rin ay ang nakapagbigay ideya sa mga mananaliksik na gawing paksa ang political dynasty. Sa isyung
ito ay nabahala ang mga mananaliksik sa epekto ng political dynasty sa ekonomiya ng bansa.

 Kahalagahan ng Pananaliksik
 Napansin ng mga mananaliksik na sa tuwing dadating na ang eleksiyon ay nagsisilitawan ang mga politiko at kanilang
mga angkan upang magpabango ng pangalan sa mga tao. Sa mga panahong ito nagiging kapansinpansin ang mga
political dynasties sa dahilang lahat sila ay nangangampanya upang magustuhan at iboto ng mga tao. Ang pananaliksik

na ito ay para sa mga sa mga mamayan ng bansa lalong – lalo na sa mga kabataan upang magkaroon sila ng kaalaman
ukol sa isang political dynasty at sa epekto nito sa ekonomiya. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga
kabataang ito na pumili ng kanilang sususportahan.

 Layunin ng Pananaliksik
 Ayon sa librong “World History” ni Josefa L. Quirante Radford ang political dynasty ay nagmula pa sa konsepto o
ideya ng naunag sibilisasyon, ang imperyo. At ang konseptong ito ay naipasa na hanggang sa panahon ngayon. Ayon

sa librong “The Philippine Economy” nila Arsenio M. Balisacan at Hal Hill ang ganitong klaseng sistema ay laganap
na sa Pilipinas, matagal na itong namamayani ngunit hanggang sa panahon ngayon ay wala paring solusyon para sa
isyung ito. Kaya ang pananaliksik na ito ay may layuning maihayag ang mga epekto ng political dynasty sa ekonomiya

ng bansa. Sa pamamagitan ng paghahayag nito ay nalaman ay malalaman ng mga mamayan lalong – lalo na ang
kabataan ang kung nararapat ban a suportahan o tutulan ang mga pamilyang ito. Ang mga impormasyong makakalap
ng mga mananaliksik ay makatutulong ng malaki sa mga mamayan at kabataang Pilipino.

 Saklaw at Limitasyon
 Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa dinastiyang pampolitika sa Pilipinas at hindi na sakop nito ang iba pang
lugar. Ang layunin nito ay malaman kung ano ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa at mga dahilan kung bakit

patuloy pa rin silang ibinubuto at sinusuportahan ang magkakapamilyang ito.


 Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay nangangailangan ng malawak na kaalaman at mga pagkukunan ng
impormasyonukol sa isyung ito at alam ng mga mananaliksik na kinakalilangan ng eksperto upang maisagawa ito. Ang

mga ito ay isa sa mga naging limitasyon ng pananaliksik sapagkat nagkaroon ng problema ang pagkuha ng
impormasyon mula sa mga dalubhasa sapagkat mahirap gumawa ng appointment/meeting sa mga taong ito. Kaya’t
iilan lamang ang nakapanayam ng mga mananaliksik.

 Sa pagpunta ng mga mananaliksik sa lugar ng San Juan ay bukas palad ang pagtanggap ng mgat tao doon. Ngunit kahit
na maganda ang kanilang pagtanggap ay hindi nakuha ng mananaliksik ang kopya ng kanilang “Income
Rate/Economic Rate” ay hindi nila naibigay tanging mga “statement” lang ng mga empleyado ang pinagbasihan ng
“economic rate” ng lugar. Ito ay naging limitasyon dahil walang sapat na dokumento ang susuportat sa kanilang
statement.
 Ang isa pang naging limitasyon ay ang pagsabay ng “election period” sapagkat mas maighpit sila sa paglalabas ng mga

dokumento na maaring ukol sa kanilang income, proyekto ng bawat munisipalidad.

 Daloy ng Pag-aaral
 Political Dynasty --------> lugar sa Pilipinas na pinamamayanihan ngPolitical Dynasty -------> Epekto sa ekonomiya ng
lugar na pinamayanihan ng political dynasty.

 I. Introduksyon sa Paksa
 Ayon sa librong “The Philippine History” ni Maria Christine N. Halili ay noong sinaunang panahon naging kaugalian
na ng mga ninuno na ibigay ang kapangyarihan sa iisang pamilya lamang. Naging tradisyon na nila na ang trono o ang
pagkapinuno at ang mga posisyon sa inyong kaharian ay maisasalin mo lamang sa iyong mga kadugo. Ang mga
pamilya ng mga datu at ng mga sultan ay ilan lamang sa mga pamilyang namuno at nagtayo ng kanilang sariling

dinastiyang pampolitika noon isang magandang halimbawa ay ang angkan ni Lapu - lapu. Sa mga nagdaang panahon
ay nadala na nila ang tradisyong ito; tradisyong ipinagbabawal na ng batas natin ngayon. Ang 1987 Constitution ng
Republika ng Pilipinas: Artikulo 2 – Declaration of Principle and State Policies, Section 26 ay nagsasaad na:

 “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be
defined by law.”
 Ang probisyong ito ay malinaw na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng isang dinastiyang pampolitika sa bansa, upang
mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino sa pampublikong serbisyo at lumahok o bumoto para sa isang
posisyon sa gobyerno. Ngunit kahit nakasaad ito sa konstitusyon, laganap ang “political dynasty” sa bansa ayon sa mga
balita at mga dokumentaryo. Ayon sa isang kongresista, Francis Escudero, kaya raw ganito ay sapagkat kahit na may
probisyon tungkol dito ay kailangan nito ng isang batas na susuporta dito, ngunit wala pang batas na naaaprobahan
tungkol sa isyu na ito dahil sa pagtatalo kung ano ba talaga ang isang political dynasty at dahil sa marami sa mga
gumagawa ng batas ay kasapi rin nito.
 Madalas napapansin ang mga angkan na ito kapag malapit na ang eleksyon; mga angkan na sanay na sanay na sa ilaw
na dala ng politika; at mga politikong nagpapabango ng pangalan tuwing paparating ang araw ng eleksyon. Kapansin-
pansin na dumarami ang karahasan at krimen sa mundong pampolitika; karahasang dala ng sobrang pag-aagawan sa
kapangyarihan at kayamanan. Malimit na nasasangkot sa mga ganitong eskandalo ay ang mga pamilya mula sa alta
sosyedad at pamilya na halos lahat ng miyembro nila ay may pinanghahawakang posisyon sa gobyerno. Kadalasan ang
ama ang gobernador ang mga anak ang mga mayor at ang iba pang kasapi ay konsehal o may iba pang pwesto sa
gobyerno. Ang halimbawa nito ay ang angkan ng mga Ampatuan kung saan si Datu Andal Ampatuan Sr. ang dating
gobernador ng bayan, si Datu Andal Ampatuan Jr. ang alkalde ng Datu Unsay, si Dati Akmad Ampatuan ang alkalde
ng Msmasapamo, si Zaldy Ampatuan ang gobernador ng ARMM, at si Anwar Ampatuan ang alkalde ng Shariff
Aguak. Kamakailan lamang ay naganap ang itinuturing na isa sa pinaka marahas na pamangyayari sa ating bansa;

pangyayaring nagbigay ng titulo sa Pilipinas bilang “pinaka mapanganib bansa para sa mga media,” ang Ampatuan
Massacre. Sa pangyayaring ito ay nabunyag na ang mga Ampatuan pala ay nagtatayo na ng kanilang dinastiya sa
Maguindanao. Ang pamilyang ito ay isa lamang sa napakarami pang mga pamilya na nagdodomina sa politika ng ating

bansa.
 Maraming naging epekto ang sinasabing political dynasty sa ating bansa ayon sa The Philippine Economy ni Arsenio
M. Balisacan at Hal HilL at sa artikulong “The Correspondents' takes on local political dynasties.” Laganap ang

korupsyon sa isang lugar kung saan isang pamilya lamang ang namumuno sapagkat wala ng naguusisa kung may
kamalian sa mga proyekto na ginagawa nila. Kaya ang nagiging resulta ay napagtatakpan ang mga kamalian at mga
anumalya na ginagawa nila. Sa ganitong klaseng sistema walang nangyayaring pagbabago sa isang lugar sapagkat

kung ano lamang ang tingin nilang tama at nararapat, iyon nalamang ang masusunod, hindi ito bukas sa ibang ideya. At
ang resulta ay ang pagkakaroon ng mga proyekto o mga gawain na kulang sa kahusayan sapagkat ang political dynasty
ay isa ring nepotismo. Iniluluklok nila ang kanilang kapamilya sa isang posisyon kahit na kulang ito sa kaalaman,

kahusayan at eksperyensya. Kahit na madalas na napag-uusapan, hindi parin mabigyang solusyon ang isyung ito; ang
isyung kumitil na ng maraming buhay; ang isyung nagtatanggal ng pantay na karapatan sa mga mamayan natin. Ngunit
kahit na halos lahat ay tumututol sa isang political dynasty ay sa hindi malamang dahilan ay marami paring
sumusuporta at nagtatakip sa mga anumalya na ginagawa ng mag-kakapamilyang ito at ang iba sa kanila ay ang mga
tao ring tumututol sa dinastiyang pampolitika.
 Maraming naging epekto ang political dynasty sa ating bansa marahil mabuti o masama kaya’t ang grupo namin ay

nagpasyang manaliksik tungkol sa isyu na ito. Kung paano ito nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

 II. Data
 Napagalaman ng mga mananaliksik na ang ilan sa dinastiyang pampolitika ay malaki ang kaugnayan nito sa kahirapan

sa bansa dahil sa tinatawag na “imperfect competition.” Ang “imperfect competition” ay ang isang kompetisyon kung
saan may isang namumuhunan lamang ang nagdodomina sa lugar at nakikipag-kompitensya lamang sila sa kakaunting
mga namumuhunan kaya’t ang presyo ng produkto ay maari nilang taasan sapagkat wala silang kalaban sa presyo at sa

produkto. Dahil sa ganitong klase ng kompetisyon ay mas nahihirapan ang mga tao na pagkasyahin ang pera na meron
sila dahil sa mas mahal na produkto na bunga nito. At ang isa pang resulta nito ay ang mas kakaunting trabaho
sapagkat mas kakaunti ang papasok na “investors” sa lugar at mas kakaunti ang trabaho para sa mamayan at ang bunga
noon ay kahirapan. May mga maganda rin namang naging epekto ang isang political dynasty. Ang magandang epekto
naman ay ang pagkakaroon ng magandang takbo sa lugar dahil sa magandang hangarin ng angkan na may hawak dito
dahil ipinagpapatuloy na nila ang mga magagandang proyekto sa lugar na hawak nila at dahil dito ay maganda ang

nagiging pasok ng mga “investors” sa kanilang lugar sa kadahilanang maganda ang lagay ng kanilang bayan. Kapag
ganitong klase ang dinastiya mas madami ang patrabaho mas mura ang bilihin at mas makakatipid ang mga
mamamayan lalong-lao na ang mga mamayan na naghihirap.

 Sa kasalukuyan may kalkulasyong 150 na pamilya ang prominente sa politika ayon sa website
na www.juanachange.com. Sa pagkalap ng mga mananaliksik ng impormasyon para sa pananaliksik na ito, isang tala
ng ilang angkan ang nahanap ng mga mananaliksik na sa wikipilipinas. Narito ang ilan sa mga prominenteng angkan sa

politika.
 Angkan ng mga Ampatuan
 Unang – una at ang isa sa maitatalang pinakamasamang epektong political Dynasty ay ang nangyari na marahas na

pagpatay sa Maguindanao. Sino bang makakalimot sa katako-takot na bangkay ang nakuha dito. Sino nga ba ang nasa
likod nito? Ayon sa abs-cbnnews.com at gmanews.com, ang angkan ng Ampatuan ay isa sa pinakamaimpluwensyang
angkan sa Mindanao, lalo na sa bayan ng maguindanao. Ang angkan nila ay nag-ugat sa makapangyarihang angkan ng

Moro na siyang lumaban sa Espanyol at Hapon noong ikalawang pandaigdigan. Kilala ang pamilya nila pagiging
mayaman sa armas para sa proteksyon at simbolo sa lipunan. Ilan sa mga kilalang personalidad sa angkan nila ay sina
Dati Andal, Sr, ang una na nagpakilala sa lipunan. Pormal na pumasok si Andal Sr. sa politika noong People Power
Revolution noong 1986 nang siya ay inuluklok para maging tagapangasiwa sa Shariff Aguak sa administrayong
Aquino. Sumunod ay si Datu Andal Ampatuan Jr., anak ni Andal Sr., na siyang alkalde ng Datu Unsay, Maguindanao
at marami pang iba na puo mga Ampatuan din.

 Angkan ng mga Aquino


 Ang anhkan ng mga Aquino ay isa sa mga makapangyarihan na angkan sa bansa. Mula sa probinsya ng Tarlac, marami
ng naging kongresista, gobernador, president at iba pang pwesto sa politika ang napanghawakan na ng angkang ito.

Nagsimula it okay Servillano Aquino, ang siyang naluklok sa Kongreso ng Malolos noong 1898. Ang kanyang anak, si
Benigno Aquino, ay ipinagpatuloy ang yapak ng kanyang ama. Si Corazon Aquino ang asaw ni Ninoy ay naging
president ng bansa at marami pa mula sa angkan nila ang may hawak na pwesto sa gobyerno.

 Angkan ng Recto
 Ang angkang ito ay nagsimula sa Batangas. Ang ugat sa pagpasok sa politika ng angkang ito ay mula kay Claro M.
Recto na pinagsilbihan ang bansa sa halos buong buhay niya. Ang pangulo ng Philippine Nacionalista na kinatawan
ang kanyang probinsiya sa Kongreso at Senado. Ang kanyang landas ay sinundan ng kanyang anak na si Rafale na
nagsilbing kinatawan ng Batangas sa Batasang Pambansa kasama ng kanyang mga apo na si Ralph at Richard bukod
dito ay marami pa mula sa angkan nila ang namumuno sa Btangas at sa bansa.

 Ang mga mananaliksik ay nagpunta ng San Juan. Sa pagpuntang ito ay nakakalap ng impormasyon ang mga
mananaliksik ukol sa kanilang lugar at sa mga political dynasty dito. Nakalap ng mga mananaliksik ang listahan ng
mga naging mayor ng kanilang bayan:
  Hon. Engracio Santos (1946-48; 1949-55) RIP
  Hon. Daniel Santigao (1938-40; 1945-46) RIP
  Acting Mayor N.G. Salaysay (Appointed March 15 to June 20, 1954 and April 11 to December 31, 1955) RIP
  Hon. Nicanor C. Ibuna (January 1956 to December 31, 1967) RIP
  Hon. Braulio Sto. Domingo (January 1, 1968 – Augut 4, 1969) RIP
  Hon. Joseph E. Estrada (August 5, 1969 – April 13, 1986) RIP
  Hon. Baby San Pascual (Appointed March 17, 1968 – December 1, 1987)
  Hon. Adolfo Sto. Domingo (January 18, 1988 – June 1992)
  Hon. Jinggoy E. Estrada (July 2, 1992 – June )
  Hon. Joseph Victor Gomez Ejercito (June 30, 2001 - present)
 Ito ang ang mga naging mayor ng San Juan mapapansin na ang mga Ejercito ang humahawak sa lugar na ito. Sa pag-
uusisa ng mga mananaliksik ay napagalaman ang ilan sa mga naging proyekto ng mga Ejercito na ito at kung paano
nila pinalakad ang lungsod.

MAYOR ILAN SA MGA NAGAWA

 JOSEPH E. ESTRADA  Itinaguyod ang epektibong relasyong pangkomunidad


 Pagtanggap ng ulat at pagbibigay tulong sa mga mamamayan sa
panahon ng kalamidad.
 Itinaguyod ang “Green Revolution” Project
 Pagtayo ng mga pampublikong paaralan para sa mga kabataan.
 Paginspeksyon at pangasiwa ng local na proyektong
pangistraktura.
 Pagpapalinis ng kalsada at gusali.
 Pagpapalagnap ng moralidad at pagpapanatili ng mabuting
relasyon sa mga empleyado.
 Pagdinig at pagtanggap ng mga reklamo galing sa mga mamayan at
dalubhasa ang mga ito.
 Pagpapasemento ng lahat ng kalsada sa San Juan.
 JINGGOY ESTRADA  Pagpapabuti ng mga drainage sa lugar.
 Pagsasaayos ng barangay hall at municipal hall.
 Pagsasaayos ng mga pampublikong eskwelahan.
 Pagsasagwa ng mga sidewalks
 Pagsasagawa ng Basketball court at fire station.
 JV EJERCITO  Implementasyon ng mga health care system at distribusyon ng mga
health card sa San Juan
 Pagoobserba at pagbibigay attention at tulong sa mga pagamutan.
 Pagtatayo ng mga botika.
 Regular na pagtatanim ng mga puno.
 Pagbibigay gantimpala sa pinakamalinis na baranggay.
 Pagpapaayos ng mga silid aralan at pagayos ng mga palikuran.
 Pagtatayo ng imbakan ng basura.
 Regular na pagiinspeksyon sa mga palengke at katayan.
 Pagsusulong Oplan Angat Timbang.
 Pagkakaroon ng buwanang Medical Mission.

 Ilan lamang iyan sa mga naisagawa nila. Ayon kay Engr. Raul Lucedo, Zoning Inspector, at Ms. Alicia E. Cruz

Barazon, City Accountant of San Juan, ay mas umuunlad daw ang San Juan sa pamamahala nng mga Ejercito. Ayon sa
kanila sa pamamahala ng mga Ejercito nagsimulang umunlad ang Lungsod ng San Juan. Upang patunay ay kumuha
ang mga mananaliksik ng kopya ng kinkita ng San Juan:

Actual Income Actual Income


1998 1999 Estimated Income
Beginning Balance PHP 23,433,400.00
Revenue from Taxation
Real Property Taxes PHP 70,537,978.81 PHP 81,401,069.66 PHP 82,000,000.00
Transfer Taxes PHP 9,174,184.30 PHP 12,616,875.87 PHP 6,500,000.00
Business Taxes and
Licenses PHP147,063,238.80 PHP144,901,629.39 PHP 120,000,000.00
BIR Allotment PHP 38,536,852.50 PHP 53,871,315.00 PHP 65,438,524.00
Other Taxes PHP 7,717,048.28 PHP 7,988,883.11 PHP 7,952,500.00
Total PHP273,029,302.69 PHP300,779,773.03 PHP 281,891,024.00

Non - Tax Revenue


Operating and Service
Income PHP 55,072,567.66 PHP 49,306,177.58 PHP 41,387,900.00
Grants and Aids PHP 25,000.00 PHP 13,500.00
Sale of Scrap materials
Total PHP 55,097,567.66 PHP 49,319,677.58 PHP 41,387,900.00

Grand Total PHP328,126,870.35 PHP350,099,450.61 PHP 346,712,324.00


CERTIFIED STATEMENT OF INCOME


CY 2008
Budget Year
Particulars Past Year Actual Past Year Actual Current Year
Estimate
CY 2007 CY 2008 CY 2009 CY 2010
BEGINNING BALANCE
Current Surplus P 108,300,088.00 P 130,650,000.0

TAX REVENUE
Business Taxes and License P 345,761,040.70P374,168,869.00P335,000,000.00P 320,000,000.0
Amusement Tax 6,527,482.49 5,288,523.42 4,700,000.00 3,760,000.00
Immigration Tax 8,880.00 9,840.00 25,000.00
Professional Tax 622,641.00 661,500.00 650,000.00 650,000.00
Property Trasfer Tax 13,817,657.60 23,474,927.41 12,000,000.00 12,000,000.00
Real Property Tax
RPT - Current Year 88,130,420.12 99,327,299.65 115,000,000.00 120,000,000.0
RPT - Previous Year 5,957,268.87 12,838,459.38 10,000,000.00 10,000,000.00
Community Tax 6,341,790.83 7,554,141.76 8,000,000.00 8,000,000.00
Fines & Penalties-Tax Revenue
Property Transfer Tax 832,428.55 2,323,368.83 900,000.00 700,000.00
Taxes on Goods & Services 2,084,196.58 2,858,261.27 1,900,000.00 1,900,000.00
Real Property Tax 3,317,818.92 5,202,838.09 3,500,000.00 3,500,000.00
Other Local Taxes 130,014.12 153,084.69 150,000.00 105,000.00
TOTAL TAX REVENUE P 473,531,639.78P533,861,113.50P491,825,000.00P 480,615,000.0

INTERNAL REVENUE
P 90,860,975.00 P186,605,442.00P186,605,442.00P 231,955,996.0
ALLOTMENT

NON TAX REVENUE


Regulatory Fees
Registration Fees
Marriage Fees 247,520.00 201,200.00 210,000.00 210,000.00
Correction of Entry Fees-LCR 399,800.00 456,800.00 300,000.00 350,000.00
Marriage Solemnized by
900.00 2,550.00 2,500.00 3,000.00
Judge/Mayor
Marriage Application 245,700.00 201,200.00 210,000.00 210,000.00
Marriage Contract/Annulment 20,830.00 15,940.00 20,000.00 25,000.00
Birth/Death Certificate 67,740.00 4,900.00 20,000.00 20,000.00
Late Registration 32,060.00 31,720.00 30,300.00 30,500.00
Miscellaneous 273,835.00 22,145.00 20,800.00 21,000.00
Inspection Fees
Electrical Inspection Fees 588,500.00 612,400.00 600,000.00 600,000.00
Building Inspection Fees 294,300.00 306,700.00 300,000.00 300,000.00
Plumbing Inspection Fees 147,125.00 153,100.00 160,000.00 160,000.00
Clearance Fees & Certification Fees
Police Clearances 465,440.00 481,760.00 400,000.00 400,000.00
Certificate/Clearances 1,937,446.50 975,781.00 635,000.00 635,000.00
Permit Fees
Signboard Fees 286,931.00 302,700.00 300,000.00 300,000.00
Building Permit Fees 4,542,382.80 4,149,767.81 4,600,000.00 2,600,000.00
Zoning Permit Fees 6,985,492.55 7,352,779.43 9,000,000.00 7,000,000.00
Mechanical Permit Fees 634,702.00 1,473,700.36 1,000,000.00 650,000.00
Sanitary Permit Fees 551,526.44 578,316.00 570,000.00 600,000.00
Burial Permit Fees 184,729.26 178,320.00 140,000.00 140,000.00
Mayor's Permit Fees 5753749.26 6,397,597.90 6,360,000.00 6,300,000.00
Electrical Permit Fees 1,907,711.20 3,372,492.93 2,200,000.00 2,200,000.00
Plumbing Permit Fees 306,970.12 574,185.12 350,000.00 350,000.00
Excavation Fees 88,908.38 89,141.00 70,000.00 150,000.00
Sticker - Tricycle 255,470.00 162,452.50 200,000.00 200,000.00
Sticker - BRP 325,005.00 1,884,965.00 1,720,000.00 1,720,000.00
Fees on Weights & Measures 19,415.00 15,525.00 40,000.00 40,000.00
Occupation Fees (Non Board & Bar Exams) - 925,500.00 900,000.00 900,000.00
Other Fees - - 141,000.00 150,000.00
Fines & Penalties
Fees, Permits Non Tax Revenue 10,183.75 283,807.88 268,000.00 280,000.00
Business & Service
Income
Rent Lease Income
Pharmacy 42,000.00 42,000.00 42,000.00 42,000.00
Canteen 94,720.00 89,275.00 102,000.00 102,000.00
Parking Plaza/Stall Rental 497,767.58 389,737.46 377,000.00 380,000.00
Medical Dental & Laboratory Fees 63,072.18 29,350.00 35,000.00 35,000.00
Garbage Fees 4,474,559.85 4,734,575.00 4,440,000.00 4,600,000.00
Economic Enterprises
Income from Economic Enterprises
Receipts from Hospital 21,094,307.58 22,039,219.36 25,000,000.00 25,000,000.00
Receipts from Cemetery 254,330.00 251,050.00 180,000.00 180,000.00
Receipts from Market 1,910,714.29 4,465,551.73 2,000,000.00 2,000,000.00
Receipts from Slaughterhouse 240,000.00 220,000.00 240,000.00 300,000.00
Ante Mortem 70,192.11 36,100.00 480,000.00
Receipts from Arena 5,934,241.09 8,443,860.38 8,000,000.00 11,400,000.00
Parking Fees (Arena) 101,230.00 240,000.00 500,000.00
Commercial Bldg (ICAD) 3,360,000.00 3,430,000.00 3,500,000.00 3,500,000.00
Interest Income 9,757,761.61 10,724,260.51 6,500,000.00 9,500,000.00
Fines & Penalties
Garbage
16,482.61 138,386.63 220,000.00 220,000.00
Fees
Other Income
Share from EVAT 2,592,681.00 - - -
Share from PAGCOR & PCSO 620,508.26 - 1,200,000.00 1,200,000.00
Miracle Program 4,309,163.34 - -
Other Income
Other Income Violation of Laws 2,600,512.50 1,971,300.00 2,356,000.00 2,600,000.00
Others 17,830.00 13,950.00 100,000.00 100,000.00
Sales of Fixed Assets 25,000.00
TOTAL NON-TAX REVENUE P 80,170,861.81 P92,670,548.45 P85,335,700.00 P 88,683,500.00

TOTAL INCOME P 644,563,476.59P813,137,103.95P763,766,142.00P 801,254,496.0

BARROWING - DOMESTIC P130,000,000.00

TOTAL AVAILABLE FOR APPROPRIATION P 752,863,564.59P813,137,103.95P893,766,142.00P 931,904,496.0


 Sa pagpunta ng mga mananliksik sa San Juan ay nagsagawa sila ng isang survey sa mga mamayan nila. Ang survey
tungkol sa mga naging mayor nila tinanong ditto kung sino para sa kanila ang naging mayor ng San Juan ang may
pinaka-epektibong mayor ng lugar. Ito ang nasabing survey:

Tagal ng Sinong sa mga naging Mayor Naging progresibo ba ang San


Pangalan paninirahan ng San Juan ang naging Juan sa pamumuno ng Ejercito?
sa San Juan pinaka-epektibo
25 Halos lahat ng Ejercito, mula Oo kasi sunud-sunod na
Ian Acero (Manager ng Jollibee) kay Erap, Jinggoy at JV napaunlad ang San Juan
24 Joseph Estrado dahil siya ang Oo dahil maraming naitulong sa
Liezel Viola (Street Vendor) dahilan kung bakit sumibol mga iskwater tulad ng mga
ang san Juan. pabahay.
1 JV kasi siya lang ang Opo, madali makapaghanap ng
Paul Bustillos (Jollibee Crew) naabutan ko. trabaho
46 Joseph. Mga mahirap ay Oo, pinasimento lahat ng kalsada
Bernabe Teodoro (Jeepney Driver) pinapahalagahan niya at
talagang tinutulungan nila
kapag pasko.
37 JV. Maraming natulungan at Oo, maganda ang pamamalakad at
Mario Ecleo (Janitor) siya ang naabutan kong mayor maraming napagawa at napaayos.
31 JV. Nagging siyudad ang Oo naman, kasi nabawasan ang
Francis Cruz (Police) bayan ng San Juan. Naging krimen.
malaki ang sweldo at nagamit
na pera sa pagpapaunlad nito
35 JV. Mas advance at kakaiba Oo, dila ang nagbigay ng trabaho
Eugene Espano(Empleyado ng CH) ang mga ginagawa at samin kahit hindi nakapagtapos ng
mahihirap ang serbisyo kolehiyo.
23 JV. Mejo angat ang San Pwede, pero hindi gaano
Terry Flores (Tricycle Driver) Juanat nagging siyudad ito napaganda ang San Juan
43 Joseph. Sa kanya lahat Okay lang naman. May mga
Jerry Bernardo (Takatak boy) nagsimula nagawa pero hindi masyado
maasenso
16 JV at Erap. Tinulungan ang Oo maganda ang pamamalakad.
Rosanna Del Rosario (Tambay) mga mahihirap kapag Lahat pinaganda tulad ng mini
nangangailangan park at iba pa.
47 Erap. Napaganda niya angSan Okay naman. Matulungin sila
Jun Bautista (Nagbebenta ng Dyaryo) Juan
11 JV. Mga naririnig ko sa mjga Okay naman, may pagbabago sa
Josephine Reyes (Teacher) empleyado ay maganda mga pasilidad ng eskwelahan,
naman ang pamamalakad niya palengke at nagging siyudan
angSan Juan kahit ito’y maliit.
54 Erap. Nagpasemento ng mga Hindi. Hindi nakaapekto sa
Juan Jose Infante (Lessor) kalye. pamilya niya.
3 JV. Sila lang ang namamahala Oo kasi maayos ang pamamahala
Vivian Narag (Housewife) dito nila tulad ng palengke
1 JV. Sila lang ang may hawak Oo pero sa iba lang
Ariel Elluran (Security Guard) nito eh.
47 Erap. Sa kanya nagsimula ang Oo dahil tumataas ang income at
Joselito Solomon (Sanitation Inspector) lahat sweldo

 I. Analysis
 Ayon sa mga nakuhang data, kapag sinabing ang “Political Dynasty” marumi kaagad ang kaakibat na imahe nito dahil
kadalasn sa mga angkang ito ay sinasagad ang kapangyarihan st ma masama, kanila itong inaabuso. Sa pagkalap ng
mga impormasyon ay natuklasan na talamak ang political dynasty sa Pilipinas. Ang mga angkan na ito ay mga

prominente, kilala ng mga mamamayan ng bansa ngunit kahit ganito ay patuloy parin silang inusuportahan kagaya na
lamang ni Benigno “Noynoy” Aquino Jr. ay mula sa angkan na nagtayo ng Political Dynasty sa Tarlac.
 Ang political dynasty sa lungsod ng San Juan ay suportado ng mga mamamayan nila. Ayon sa mga datos ay marami sa
mga mamamayan nila ang tumitingin sa kanila bilang nagpa-unlad sa lungsod na ito at ito rin ang tingin ni Alicia
Barazon , ang kanilang city accountant. Sa pagkuha ng mga mananaliksik ay income ng lungsod ay napakita na
tumataas ang kinikita nila bawat taon na naging patunay ng pag-unlad ng kanilang lungsod. Ang resulta ng survey ang

isa pa sa mga nagpatunay ng pamamayagpag ng mga Ejercito sa kanilang lugar. Puro mga Ejercito ang isinasagot ng
mga mamayan nila sa katanungan kung sino naging pinaka –epektibong mayor ng San Juan. Ang mga ito ay
nagpapatunay lamang ng mga magandang nagawa ng mga angkan nila sa lungsod ng San Juan.

 I. Konklusyon
 Kung pagbabasihan lamang ang mga naunang data na masama kaagad ang ideya na pumpasok sa isip ng mga
mamamayan kapag narinig ang “political dynasty.” Ito ay sa kadihilanang marami sa mga angkan na ito ay naeexpose

lamang sa tuwing nakagawa sila ng masama o mga karumaldumal na krimen.


 Sa sinagawang pag-aaral ng mananaliksik sa lungsod ng San Juan ay nakita ng mga mananaliksik ang magandang
epekto nito sa kanilang ekonomiya. Sa pagtataya ay hindi lageng masama ang epekto ng isang political dynasty may
maganda rin namang itong naibubunga. Depende lamang ang bunga ng kanilang pamumuno sa layunin ng kanilang
angkan. Kung may maganda silang layunin ay maganda rin ang nagiging epekto ng kanilang pamumuno sa bayan kung
ang layunin lang nila ay ang payamanin ang saril at magkaroon ng kapangyarihan dito nagkakaroon ng mga negatibong

epekto sa kanilang pamumuno.

 II. Rekomendasyon
 Habang wala pang batas na sumusuporta sa pagtutol sa isang “political dynasty” ay hindi ito maaring maihinto kahit

marami pa ang tumututol dito. Hindi lahat ng political dynasty ay masama ang naibubunga may ilan din namang
maganda ang naibubunga para sa lugar na nasasakupan. Ang pagsuporta dito ay dapat ibase sa kanilang layunin para sa
lugar at sa mga nagawa ng angkan na iyon para sa lugar na nasasakupan. Dapat tignan kung ipinagpapatuloy ng

magkakapamilya ang maganda nilang nasimulan o ginagawa nalamang nila iyon para sa kayamanan, kapangyarihan at
posisyon. Dapat pag-aralan ng mabuti ng mga botante lalo na ng mga kabataan ang mga angkan at mga politikong ito
sapagkat ito ang magpapasya sa magiging pag-unlad ng bansa.

You might also like