Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mas Matalino ang Tubig

Ni Rio Alma

Mas matalino ang tubig


Bumababa ito nang tahimik
Mulang bukal sa bundok
Para di magising ang mga hayop.

Lumilihis ito sa marahas na bato


Para agnasin nang marahan at sekreto;
Nagtatago ito kapag galit ang araw
Para bumalik na masayang ulan.

Marunong din itong matakot sa talon,


Magtiwala sa lilim ng kahoy,
Magsuspetsa sa talampakang maputik,
At mamahinga kapag nag-iisip.

Ang tubig na matalino’y


Dumadaloy nang yuko ang ulo
Ngunit nag-iiwan ng mayamang bakas
Bago sumanib sa dagat.

You might also like