Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 65

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino

Romano C. Salazar
Dalubhasang Guro
INTRODUKSYON

Bilang pagtupad sa Republic Act No. 10533 An act enhancing the Philippine Basic
Education System by strengthening its curriculum and increasing the number of years for Basic
Education, ng Kagawara ng Edukasyon ay maingat at masusing ginawa ang librong ito
upang maging tulong at gabay ng mga gurong nagtuturo sa Filipino sa Senior High
School (SHS) at sa mga estudyanteng mag-aaral nito.

Ang pagpapalaganap ng K-12 na Kurikulum ay isang hamon sa lahat ng ahensya ng

Pamahalaan lalong-lalo na ng Kagawaran ng Edukasyon. Bilang mga guro sa Filipino
na katuwang ng Kagarawan ng Edukasyon ay nais naming mapagaan at maging kaaya-
aya ang pagtuturo-pagkatuto ng asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino upang higit na mapaunlad, mapagyaman, at mapahusay ang
kakayahan at kaalaman ng mga guro at mga estudyante kung kaya’t binuo ang librong
ito.

Nawa ang librong ito ay may malaking ambag sa pagpapayaman, pagbabanyuhay, at

pagpapaunlad ng ating Wika, ang Filipino.

May-akda
LAYUNIN:

A. Nailalahad ang batayang kaalaman sa komunikasyon

B. Nabibigyang-kahulugan ang komunikasyon
C. Natutukoy ang iba’t ibang proseso ng komunikasyon

Simulang Gawain:

“Mag-usap Tayo “

Panuto: Kumuha ng kapareha. Sa loob ng 10 minuto kayo’y

magkwentuhan tungkol sa mga bagay na nangyari sa inyo noong
bakasyon. Habang nagkukwentuhan magtala ng mga mahahalagang pangyayari na
naikwento ng kapareha. Gayundin ang gagawin nang isa.

“Ibahagi na”

Pagkatapos ng 10 minuto tatawag ang guro sa mag-aaral upang ibahagi ang kanilang
napag-usapan. Habang ibinabahagi ng magkapareha ang kanilang ginawa, magtatala
naman ang mga nakikinig. Pagkatapos ng pagbabahaginan, ang mga nakinig ay
magbibigay ng kanilang puna sa napakinggan.
BATAYANG KAALAMAN SA KOMUNIKASYON
______________________________________________________________________________

Malimit nating marinig ang salitang komunikasyon, ngunit ano nga ba ito? Ang mga
pahiwatig ng pagsusuot ng damit, pagkindat, pagkaway, pagsasabi ng “mahal kita” ay
maituturing na komunikasyon. Masasabi mo bang nagpapahiwatig ng komunikasyon
ang iba’t ibang poster, billboard, at larawan? Paano ito nagaganap at ano-ano ang mga
salik para makalikha ng komunikasyon?

DEPINISYON NG KOMUNIKASYON
______________________________________________________________________________

nagmula sa salitang Latin na communi atus na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi.”

Kung iuugnay natin ang kahulugan nito sa terminong komunikasyon,
mangangahulugan ito na ibinabahagi ng isang tao ang kanyang ideya, kaalaman,
saloobin, o mga impormasyong alam niya sa iba.

isa ring proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa

pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok gamit ang apat na
makrong kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Proseso ito ng pagpapahiwatig ng mga mensahe na nagpapahayag ng mga

kahulugang nakabalot at nakapaloob sa isang sistema ng signipikasyon. Ayon kay
Saussure ang sistema ng pagpapahiwatig ay binubuo ng senyal (signifier) at ang
kahulugan (signified) nito. Arbitraryo ang ugnayan ng senyal at ang kahulugan
kung kaya’t iba-iba ang mga pahiwatig ng wikang ginagamit sa komunikasyon
sa iba’t ibang panahon, lugar at konteksto. Sa bahaging ito ay mauunawaan natin
kung bakit ang ating suot na damit, hitsura, kulay ng buhok, tindig, gawi, kilos,
at iba pa ay nagpapahayag ng mga mensaheng nababasa at nauunawaan ng mga
tao.

Maaaring intensyonal o di-intensyonal ang pagpapahiwatig na ito. Intensyonal

ito kung ang pagkaway ng isang tao’y direktang nagpapahayag ng pagbati sa
taong dumating o umalis. Hindi intensyonal kung hindi malay o hindi layunin
ng isang tao ang naipahayag na mensahe o nakitang kilos/senyal mula sa kanya.

 Halimbawa nito ang pagngiti ng isang babae dahil naalala niya ang
magandang karanasan sa buhay habang kasabay nito ang biglaang
pagkadulas ng kanyang kaibigan. Maaaring isipin ng kanyang
kaibigan na natuwa siya sa pagkakadulas niya.
Proseso rin ng pagpapahayag ng mensahe ang komunikasyon. Maaaring ang
pokus ng komunikasyon ay ang pinagmulan (sender) o tagatanggap (reciever) ng
mensahe.

o Pinagmulan ng mensahe ang pokus

Halimbawa, sa pagbasa ng isang akda, hindi maiiwasang alamin ang

intensyon, buhay at karanasan ng may-akda (sender) para maunawaan
ang tekstong naisulat niya (mensahe). Isang paraan ito ng pag-unawa sa
akda na nakapokus sa nagsulat

o Tagatanggap ng mensahe ang pokus

Sa kabilang dako, isinasaalang - alang ng manunulat ang partikular na

target na mambabasa sa pagsulat niya ng anumang akda.

Epektibo ang komunikasyon kung nakarating at naunawaan ng tumanggap nito ang

intensyon o mensahe ng nagpahayag sa mensaheng tinanggap. Layunin ng lahat ng
kalahok sa komunikasyon ang pagkakaunawaan. Subalit ang pag-unawa ng mensahe’y
batayang pangangailangan tungo sa mas mataas na antas ng paglalapat ng mensahe sa
buhay at pamumuhay ng mga tao. Ang higit na mataas na anyo ng komunikasyon ay
humahantong sa diskurso. Maaring politikal, akademiko, sosyal, at kultural ang
diskursong ipinahahayag ng mga taong may kani-kanyang pag-unawa, paniniwala at
pananaw na maaaring sumalungat o sumang-ayon sa iba.

GAWAIN 1

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Sagutin nag mga sumusunod:

1. Saan nagmula ang salitang komunikasyon? Ano ang ibig sabihin nito?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag kung paano nagaganap ang proseso ng komunikasyon.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano nagkaiba ang intensyonal at hindi intensyonal na pahiwatig?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Gaano kahalaga ang komunikasyon sa isang tao? Patunayan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
APLIKASYON

A. Sundin ang tuntunin sa pagsasagawa ng pangkatang Gawain.

1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng tig-isang kinatawan ang bawat pangkat
na mangunguna sa pagpasa ng maikling impormasyon na ibibigay ng guro.
2. Pipili ang guro ng lima pang miyembro ng bawat pangkat na makakasama
ng kanilang kinatawan.
3. Ibubulong ng guro sa limang kinatawan ang maikling impormasyon tungkol
sa pagtitiyaga. Ipapasa ng mga kinatawan sa kanilang miyembro ang
impormasyong ito ng walang labis at walang kulang. Kailangan ay eksakto
ang ipapasang impormasyon.
4. Pakikinggan ng guro nang magkahiwalay ang mensaheng nakuha ng
ikalimang miyembro upang malaman kung tama ang pagkakahatid ng
mensahe.
B.
1. Suriin ang detalyeng inilahad ng bawat pangkat.
2. Sino sa limang pangkat ang nakapagbigay ng kumpletong detalye?
3. Bakit may nadagdag at/o nabawas na pahayag?

Bumuo ng konklusyon kaugnay sa paksang komunikasyon.

A. Nailalahad ang elemento ng komunikasyon

B. Naipaliliwanag ang bawat elemento
C. Nagagamit ang bawat elemento sa isang usapan
Simulang Gawain:

Panuto: Pumili ng isang balita na nakukuha sa telebisyon o di kaya’y sa radyo at

iparinig sa mga mag-aaral. Itala ang mga naunawaan tungkol sa balita.

Halimbawa: TV Patrol Martial law: Ano ito at ang iyong mga karapatan sa ilalim nito?

Gabay na tanong:

1. Tungkol saan ang balita?

Naunawaan ba ang paghahatid ng balita? Ipaliwanag.

MGA ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON

___________________________________________________________________________

Ang proseso ng komunikasyon ay umiikot sa makrong kasanayan (pakikinig,

pagsasalita, pagbasa, at pagsulat) sa pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng sumusulat
at bumabasa at ng nagsasalita sa nakikinig. Alamin kung ano ang nangyayari sa sistema
ng komunikasyon.

Makikita sa modelong nasa ibaba ang proseso ng komunikasyon na nangyayari sa

dalawang taong nag-uusap o kaya’y mga komunikasyong nababasa o napakikinggan sa
radyo o napanonood sa telebisyon.

Midyum/Tsanel

Z
Tagapagpadala/ ingay
Tagatanggap
Pinanggalingan

Puna/Reaksyon/Sagot
Sanggunian: Speech Communication ni Saundra Hybels, Richard L. Weaver II. 1974. D. Van Nastrand Company.

Tagapagdala/Pinanggalingan
o tumutukoy ang elementong ito sa taong pinagmulan ng mensahe.

Midyum/Tsanel
o ang midyum/tsanel ang instrumentong ginagamit para maipadala ang mensahe.
Kasama sa bahaging ito ang ipinahahayag na salita, galaw o kilos, ekspresyon ng
mukha, mga isinulat na ideya, balitang panghimpapawid, pelikula at iba pa. Ang
mga makabagong kagamitan na ginagamit ngayon sa pagpapadala ng mensahe
ay cellphone, FAX machine, e-mail, telepono, telegram, at sulat.

Mensahe
o tumutulong ito sa aktwal na komunikasyon na nais ipadala. Ang komunikasyon
na tinutukoy rito ay maaaring verbal at di-verbal. Halimbawa, sa tinig pa lamang
ng tao ay malalaman na agad kung ang mensaheng ipinadala ay masaya,
malungkot, galit o sarkastiko.

Tagatanggap
o tumutukoy ito sa tao o mga taong pinadalhan ng mensahe. Sa ilang kaso, ang
tagatanggap at ang tagapagpadala ng mensahe ay nagkikita gaya ng tagapakinig
sa isang pampublikong komunikasyon. Dito nakikita ng tagapakinig ang
tagapagsalita. May ilang insidente rin na nagkakahiwalay o hindi nagkikita ang
tagapagpadala ng mensahe at ang tagatanggap ng mensahe gaya halimbawa
kung nasa ibang lugar ang nagpadala ng mensahe o kaya naman, napakikinggan
lang sa radyo o napapanood lang sa telebisyon ang nagpapadala ng mensahe.

o sa bahaging ito rin makikilala at mauunawaan ang simbolo, tunog, senyal at iba
pang pagpapahiwatig na lama ng isang teksto sa pamamagitan ng pagabasa o
pakikinig sa isang nagsasalita.

Puna/ Reaksyon
o ang bahaging ito ay may dalawang sistema ng proseso. Ito ay tinatawag na
katugunan o kasagutan na ibinibigay ng tagatanggap sa nagpadala ng mensahe.
Ang tagumpay ng mensahe ay depende sa reaksyon o puna ng tumanggap ng
mensahe.

 nakaikipag-usap ka sa kaibigan pero hindi niya nagustuhan ang iyong

sinabi. Sa ganitong sitwasyon, madali mong mapapalitan ang mensahe o
ang iyong sinabi para magkaroon ng positibong katugunan o interes ang
tagatanggap ng mensahe.

 naimbitahan kang magsalita sa isang malaking grupo ng tao at napansin

mong negatibo ang kanilang reaksyon sa iyong sinasabi. Sa ganitong uri
ng sitwasyon, mahihirapan kang baguhin ang iyong mensahe.

 isa kang reporter na nagbabalita sa himpapawid o sa telebison. Sa

sitwasyong ito, imposible namabago ang mensahe dahil lagging nahuhuli
ang reaksyon o puna ng tao sa sinasabi ng tagapagpadala ng mensahe.

 isa kang prodyuser ng pelikula na umaasang kikita ang iyong pelikula.

Makikita mo ang reaksyon sa pelikulang ipinalabas kapag kumita sa
takilya ang iyong pelikula.

Ingay
o ang ingay ang nagiging sagabal sa pagpapadala ng mensahe. May mga dahilan
kung bakit hindi nakatrarating ang mensahe sa tagatanggap. Ang ingay ay
maaaring pisikal o sikolohikal. Nanggagaling sa mga bagay na teknikal ang
pisikal na ingay samantalang ang sikolohikal na ingay ay nangyayari sa isipan
ng tagatanggap at tagapagpadala ng mensahe. Ang sikolohikal na ingay ay mas
medaling kontrolin kaysa sa pisikal na ingay.

Halimbawa:
 Ang lokasyon o kinaroroonan ng inyong silid-aralan ay malapit sa
kadalasang sentro ng daanan g mga sasakyan. Madfalas ninyong naririnig
ang busina ng mga sasakyan dahil sa trapiko at ang nagiging resulta nito
ay ang di pagkakaunawaan. Makasasasagabal ito sa pag-unawa sa
mensahe na ipinadadala ng guro sa iyo bilang mga estudyante.

Ang mga nabanggit na elemento ay tinuturing na kabuuang proseso ng komunikasyon.

Masasabi nating matagumpay ang komunikasyon kapag ang mensaheng ipinahatid o
ipiniadala ay natanggap at naintindihan ng walang sagabal o gambala.
GAWAIN 2

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

1-A. Kasama ang kapareha. Gumawa ng isang usapan gamit ang mga elemento ng
komunikasyon at ilahad sa klase.

B. Mula sa ginawang usapan. Tukuyin ang mga elemento ng komunikasyon.

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang maibigay ang mga dati nang
natutunan, ang natutunan at dapat tandaan sa paksang tungkol sa elemento at proseso
ng komunikasyon.

1. Dati ko nang natutunan ang tungkol sa…

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Natutunan ko ang mga…

3. Dapat kong tandaan na…

A. Natutukoy ang mga modelo ng komunikasyon

B. Naipaliliwanag ang katangian bawat modelo
C. Napaghahambing ang bawat modelo

Simulang Gawain:

“Ipasa ang mensahe”

Panuto: Papangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Ang bawat pangkat ay magkakaroon
ng lider na siyang bubunot ng mensahe na siyang irerelay sa mga kasama at ang huling
masasabihan ng mensahe ang siyang magbabahagi sa klase.

Gabay na tanong:

1. Nauunawaan at naiparating ba ng tama ang mensaheng ibinahagi?

2. Kung hindi, ano ang mga naging sagabal bakit hindi ito naunawaan at
naiparating ng tama.
IBA’T IBANG MODELO NG KOMUNIKASYON
______________________________________________________________________________

Ang modelo o dayagram ang isang paraan upang mailahad an mga teorya sa
komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapakita rito sa biswal na pamamaraan. Ito’y
ang mga representasyon lamang ng isang pangyayaring inilalarawan. Magagamit ang
modelo upang higit na maipaliwanag at mabigyang-linaw ang proseso ng
komunikasyon, bukod sa literal na pamamaraan. Ilan sa mga kilalang modelo hinggil sa
komunikasyon ay makikita sa ibaba.

Modelo ni Aristotle

Ang klasikong modelo ni Aristotle ay mula sa kanyang aklat na Retorik ay nagpapakita

ng linear na katangian ng komunikasyon. Sa proseso ng pakikipag-usap, inilahad niya
ang mga payak na elemento tulad ng pananalita, mensahe at tagapakinig.

Sa modelong ito makikita nating may direktang ugnayan ang tagapagsalita sa kanyang
kausap. Naihahatid niya kaagad ang mensaheng nais niyang ipaabot o iparating na
kung saan agad namang natatanggap ng kausap. Mapapansin ding ang mahalaga sa
modelo ni Aristotle ay ang maiparating lamang ang mensahe sa kausap hindi na ito na
ngangailan ng pagtugon (puna, raksyon o sagot). Ang argumento ay tumutukoy sa
mensaheng nais iparating. Ang pananalita naman ay tumutukoy sa kung paano
ipinarating ng tagapagsalita ang kanyang mensahe sa tagatanggap. Maaaring ito ay
berbal o di-berbal.

Sa modelo nina Shannon at Weaver, binibigyang-halaga ang panghihimasok ng mga

tinatawag na ingay. Makikita rin sa modelong ito ang higit na marami ang mga
elementong pangkomunikasyon. Batay kina Shannon at Weaver, ang ingay ay
tumutukoy sa mga bagay o pangyayaring nakagagambala sa matagumpay na daloy ng
komunikasyon. Ang kanilang modelo ay nagpapakita ng kaugnayan ng elementong
ingay sa proseso ng komunikasyon. Ang ingay sa modelong ito ay kaakibat ng mga
pinagdaraanan ng signal. Isang halimbawa rito ang ingay sa linya na maririnig habang
nakikipag-usap na gamit ang cellphone billang midyum. Bagamat ang binibigyang-diin
ng modelo nina Shannon at Weaver ay ang ugnayan ng ingay sa pinagdaraanan ng
signal, ipinakikita rin nila na hindi lamang ang daluyan ng signal ang maaaring
maapektuhan ng ingay, kung hindi pati ang iba pang elemento ng ingay tulad ng
pinagmumulan o umuunawa sa mensahe. Isang halimbawa ang nararamdamanng kaba
ng mag-aaral habang nagsasalita sa harapan ng kanyang guro at mga kaklase kapag
siya ay tinawag upang makibahagi sa klase o kung siya ay mag-uulat.

Tagapaghatid Tumatanggap
ng signal

Tsanel
Signa
l Signal Mensahe
Pinagmulan ng Tagaayos Destinasyon
impormasyon

Modelo ni Shannon
Ingay at Weaver
(noise station)
Ang modelo naman ni Wilbur Schramm ay isa sa mga unang nagpakita sa siklong
katangian ng komunikasyon. Dito ipinakikita na ang komunikasyon ay hindi linear
tulad ng mga naunang modelo, sa halip ay isang prosesong paikot at pareho ang
elementong taglay ng tagaunawa (tagahatid) at tagasagisag (tagatanggap). Ipinakita ni
Schramm na ang komunikasyon ay nagtataglay ng katangiang siklosa pamamagitan ng
kanyang paikot na modelo. Dito binibigyang-diin ang kahalagahan ng reaksyon mula
sa magkabilang panig ng komunikasyon. Nagpapalit-palit ang katangiang taglay ng
mga elemento sa modelo batay sa naging reaksyon ng mga tumatanggap at naghahatid
ng mensahe. Ibinabatay sa reaksyong ipinakikita ng tagaunawa ang naging
interpretasyon nito sa mensaheng natanggap.

Mensahe
Tagadala/ Tagatanggap
Tagahatid
Interpreter
Interpreter
Tagadala/
Tagatanggap tagahatid
Mensahe
Sanggunian: The Process and Effects of Mass Communication. Ed. By Wilbur Schramm Copyright © 1965 University of Illinois Press.
May permiso
Isa pang modelo ni Schramm ang komunikasyong may kaugnayan sa kultura at
karanasan ng nagpapadla at tumatanggap ng mensahe o senyas. Dito niya inilalahad
ang kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng naglalahad at
tumatanggap ng senyas at reaksyong ibinibigay. Higit na malaki ang nalilikhang
ugnayan sa karanasan ang dalawang nag-uusap. Sinasabing ang may mas malawak at
maraming karanasan ay higit na may naibabahagi sa kanyang kausap o tagatanggap
kaysa sa walang gaanong karanasan. Sa mga tiyak na pagkakataon higit na maraming
naibabahagi ang may karanasan. Katulad na lamang ng mga nakatatanda na
gumagamit ng kasabihang papunta ka pa lamang ay pabalik na ako. Isa itong patunay sa

Saklaw ng Karanasan Saklaw ng Karanasan

Modelong ito ni Schramm

Ang modelo ni Berlo sa komunikasyon ay nakaabatay sa apat na payak na elemento na

pakikipagtalastasan: ang pinagmulan ng mensahe (source), ang mensahe (message), ang
pinagdaraanan ng mensahe (channel), at nag tumatanggap ng mensahe. Ang pinagmulan ng
mensahe ang unang element sa modelo ni Berlo. Maaaring tumutukoy ito sa isang nagsasalita
sa harapan ng isa o mga nakikinig tulad ng isang estudyante na naglalahad ng kanyang sagot
sa tanong ng guro o isang manunulat sa pahayagan na naglalahad ng balita. Ayon kay Berlo,
may limang salik na iniuugnay sa pinagmulan ng mensahe – ang kasanayang pang komunikasyon,
saloobin; kaalaman sa mga pangyayari, bagay o tao, at lipunang kinabibilangan; at kulturang kinagisnan.

S
(Source)
M
(Message)
C
(Channel)
R
(Reciever)
PINAGMULAN MENSAHE TSANEL TAGATANGGAP

kasanayang kasanayang
paningin
pangkomunikasyon elemento estruktura pangkomunikasyon

saloobin n pandinig saloobin

i
l
kaalaman a padamdam kaalaman
l
pakikitungo
sistema ng lipunan a pang-amoy sistema ng lipunan
m
a
kultura n panlasa kultura
Sanggunian: The Process of Communication: An Introduction to Theory and Practice. By David Berlo. Copyright © 1960 by Holt,
Rinehart and Winston. Inilimbag na may permiso.

Ang kasanayang pangkomunikasyon at saloobin ang pinagmumulan ng mensahe dahil

dito nakabatay ang kanyang kapasidad na ilahad nang malinaw ang mensaheng nais
niyang iparating, habang ang kaalaman sa pangyayari, bagay, tao o bagay ay gagamitin
ng pinagmumulan ng mensahe sa mga komunikasyon g magaganap na may
kaugnayan sa tatlong nabanggit. Ang mga salik sa lipununang kinabibilangan at
kulturang kinagisanan ay nakabatay sa mga panlabas na elementong may tuwirang
impluwensya sa pinagmumulan ng mensahe. Malaki ang epekto ng dalawang salik na
ito dahil sinasaklaw nito ang pananaw at ideolohiya ng misamong pinagmumulan ng
mensahe. Ang ikalawang element ni Berlo, ang mensahe, ay tumutukoy sa mga salita,
tunog, ekspresyon ng mukha, kumpas, galawa ng katawan, at iba pang nagsisilbing
tagapagpadala ng mensahe. Habang ang ikatlong element ng komunikasyon ay ang
pinagdaraanan ng senyas at dito nakikita ang kahalagahan ng isang daluyan upang
maiparating ang mensahe. Ilang halimbawa sa mga ito ang tunog at light waves,
telepono, telebisyon, radyo, telegrama, e-mail, text, cellphone, at iba pa. Tinatanggap
naman ang mensahe sa pamamagitan ng taglay na limang pandama: pang-amoy,
paningin, panlasa, pandinig at pandama. Ang tumatanggap ng mensahe ang ikaapat na
element ng komunikasyon ni Berlo. Sa pamamagitan ng mga salik na taglay ng
pinagmumulan ng mensahe, lubos na nakaiimpluwensya sa paglahok ng tumatanggap
ng mensahe ang proseso ng komunikasyon.

Ang paikot na modelo ni Dance na tila isang bukal ay nagpapakita ng katangian ng

komunikasyon na maging dinamiko. Ipinahihiwatig ni Dance na nag proseso ng
komunikasyon ay isang pangyayaring dinamiko, nangangahulugang patuloy na
nagbabago sa paglipas ng panahon. Nagbabago ang mga modelo dahil sa
komunikatibong sitwasyon.
Modelo ni Dance

Sanggunian: “Toward A Theory of Human Communication,” in human Communication Theory: Original Essays. Ed. By Frank E. X.
Dance. Copyright © 1967. May permiso.

GAWAIN 3

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Kasama ang kapareha gumamit ng isang modelo ng komunikasyon at gumawa ng

isang usapan. Tukuyin ang bawat elemento na nakapaloob sa modelo at ipaliwanag.

Aplikasyon

Panuto: Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat Modelo ng Komunikasyon.

MODELO PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

LAYUNIN:

A. Nailalahad ang mga uri ng komunikasyon

B. Napaghahambing ang berbal sa di-berbal na uri ng komunikasyon
C. Nagagamit ang mga uri sa isang usapan

Simulaing Gawain:

“Ano ako?”

Panuto: Mula sa mga nadalang diyaryo, gumupit ng mga larawan at ilagay sa graphic
organizer na nakahanda

BERBAL DI-BERBAL
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4.
4.

5.

5.

“Suriin natin”

Susuriin ang mga larawan kung akma sa kanilang paglalagyan.

URI NG KOMUNIKASYON: BERBAL AT DI-BERBAL
______________________________________________________________________________

Ang unang uri ng komunikasyon ay tinatawag na berbal na komunikasyon. Ito ay

maaaring nasa paraang pasulat at pasalita. Nagagawa ang paraang pasalita sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaibigan, kakilala, kamag-anak, kasama sa bahay at
pagsasalita sa malaking grupo ng tao gaya ng kumperensya, seminar at iba pang
okasyon samantalang ang anyong pasulat ay mababasa sa pahayagan, magasin,
dyornal, akalat, pamphlet, e-mail, FAX machine at iba pa.

Tinatawag na di-berbal na komunikasyon ang ikalawang uri ng komunikasyon. Hindi

ito gumagamit ng salita bagkus naipakikita ang mensaheng nais iparating sa kausap sa
pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan. Pinag-aralan ni Albert Mehrabian (1971)
ang mga di-berbal na komunikasyon at batay sa resulta ng kanyang pag-aaral, lumabas
na 93 porsyento ng mga mensaheng ipinapahatid ng tao sa kanyang kapwa ay
nagmumula sa di-berbal na komunikasyon. Ipinaliwanag ni Mehrabian na nasasaklaw
ng elemento ng di-berbal na komunikasyon ang lahat ng pakikipagkomunikasyon na
hindi maituturing na pagpapahayag ng salita. Samakatwid, ang kilos at galaw na
ginagawa ng tao na may kaugnayan sa mata, ekspresyon ng mukha, kumpas, tindig,
panahon, oras, tinig at kapaligiran ay may malaking bahagi sa paghahatid ng mensahe
na ipinadadala ng isang tao o grupo ng mga tao.

1. Kinesika (Kinesics)
ito ang katawagang ginagamit sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May
kahulugan ang paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man
tayo nagsasalita sa pamamagitan ng ating kilos ay naipahihiwatig naman natin
ang mensaheng gusto nating iparating sa iba. Narito ang ilang galaw ng katawan
na ginagamit sa di-berbal na komunikasyon.

a. Ekspresyon ng mukha-ipinaliwanag ni Albert Mehrabian (1971) sa

resulta ng kanyang pananaliksik na ang berbal na pagpapahayag
(pasalita) ay nagbibigay lamang ng pitong porsyento ng kahulugan ng
mensahe, 38 porsyento sa palatandaan ng pagsasalita (tunog ng tinig) at
55 porsyento sa ekspresyon ng mukha. Batay sa ibinigay na datos, hindi
natin pwedeng ipagwalang-bahala ang ekspresyon ng mukha sa
paghahatid ng mensaheng di–berbal. Ayon pa sa ilang mananaliksik, ang
ekspresyon ng mukha ay karaniwang nagpapakita ng emosyon gaya ng
pagpapahayag ng tuwa, inis, takot, poot, galit at iba pa. ang pagtungo ng
mukha ay nagpapakita rin ng kaligayahan (pagtawa) o ang kabaligtaran
nito (ang pagtitiim ng bagang at panga) samantalang ang pagsasalubong
ng kilay at pagngungunot ng noo ay nagpapakita ng galit. Maliban dito,
marami pang signal na nagagawa ang mukha ng tao sa paghahatid ng
mensaheng di-berbal.
b. Galaw ng Mata-napakahalaga at makapangyarihan ang galaw ng ating
mga mata. Sinasabing nangungusap ang ating mga mata at sa galaw rin
nito nakikita ang pagtitiwala at katapatan ng isang tao. Ang mensaheng
ipinahahayag ng mga mata ay nag-iiba depende sa tagal, direksyon at
kalidad ng kilos ng mga mata. Halimbawa, sa bawat kultura may
mahigpit na tuntunin bagamat hindi nakasulat ang wastong tagal ng
pakikipag-ugnayan ng mga mata. Sa England at Amerika, ang
katamtamang tagal ng pagtingin ay 2.95 segundo. Sa kabilang dako, ang
pagtitinginan ng dalawang taong may paghanga sa isa’t isa ay may
katamtamang tagal ng 1.18 segundo (Argyle 1988, Argyle at Ingham
1972). Kapag ang pagtingin ng mata ay bumaba sa ibinigay na
katamtamang tagal ng pagtingin, maaari itong mangahulugan na ang
taong kausap ay hindi interesado, nahihiya o kaya’y abala.

c. Kumpas-iba’t ibang anyo ng kumpas sa pagpapahayag ng di-berbal na

komunikasyon. May mga kumpas na masasabing may unibersal na
kahulugan gaya ng pagtataas ng kamay, pagtikom ng kamao at ang
victory sign na ginagawa nang nakabuka ang hintuturo at hinlalato.
Maliban dito, may kahulugan din ito sa kapayapaan. Sa kabilang banda,
natural na sa isang tao ang pagkumpas. Ang anumang sinasabi ng isang
tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa
mabisang paghahatid ng mensahe.

d. Tindig-ang tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng

hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap. Ang
pagpapakita ng magandang tindig ay maaaring mangahulugan na may
sinasabi ang isang tao.

2. Proksemika (Proxemics)
tinatawag na proksemika ang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo,
isang katawagang binuoni Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaring
ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa pampumblikong lugar tulad ng
isang nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang
magkaibigan. Sa disiplina ng Antropolohiya, ang distansya ay nakabatay sa
kulturang taglay ng mga kalahok sa komunikasyon.

Halimbawa:
May panauhin kayong tagapagsalita sa inyong paaralan. Pinadadalo kayo ng
inyong propesor para makinig ng kanyang panayam. Pumili ka ng upuan na
malayo sa tagapagsalita at ang iba mong kamag-aral ay sa unahan nagsiupo
na malapit ang distansya sa tagapagsalita.
Maliban sa distansya, kabahagi rin sa proksemika ang komunikasyong temporal o oras.
May dalawang aspekto ang komunikasyong ito: ang panahon o oras na pangkultura at
sikolohikal. May tatlong uri ng kultural na oras (Bruneau 1985, 1990): teknikal na oras,
promal na oras, at impormal na oras.

a. Ang teknikal o siyentipikong oras ay eksakto. Ginagamit lamang ito sa

laboratory at kaunti lamang ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw nating
pamumuhay.

b. Ang pormal na oras ay tumutukoy kung paano binibigyan ng kahulugan ang

kultura at kung paano ito tinuturo. Halimbawa, sa kultura ng ating oras,
hinahati ito sa segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Sa ibang
kultura naman ginagamit ang pagbabago-bago ng buwan o panahon sa
pagpapaliwanag ng oras.

c. Ang impormal na oras ay medyo maluwag sapagkat hindi ito eksakto. Ang
ilang halimbawa nito ay naipahayag sa pamamagitan ng mga terminong gaya
ng “magpakailanman,” “agad-agad,” “sa madaling panahon,” at “ngayon
din.”

Ang sikolohikal na oras ay tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa

nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ang oryentasyon sa oras ng mga tao ay
nakasalalay sa kanilang kalagayan o katayuang pansosyo-ekonomiko at personal nilang
karanasan. Sang-ayon kina Gonzales at Zimbardo (1985), ang isang bata na may
magulang na propesyonal ay natututong magpahalaga sa hinaharap at napag-aaralan
ang estratehiya para matamo ang tagumpay.

Nagkakaiba-iba rin ang pananaw sa oras na bunga ng pagkakaiba-iba ng kultura na

kung minsa’y nagiging sanhi rin ito ng di-pagkakaunawaan o pagkaputol ng
komunikasyon.

3. Pandama o Paghawak (Haptics)

ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon.
Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga
taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-
loob. Ang pagyakap ay tanda ng pagmamahal o pagkakaunawaan ngunit
kailangan ding mag-ingat sapagkat may mga taong ayaw mayakap, mahaplos, o
makalabit.

4. Paralanguage
tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o
bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, bunting-hininga,
ungol at paghinto.
ang mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita ay tinatawag
ding paralanguange. Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating
ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
Halimbawa nito ay iba ang paraan ng ating pananalita kapag ibig nating
makisimpatya o makisaya sa iba.

5. Katahimikan / Hindi pag-imik

may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang katahimikan. Ang
pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa
tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin.
Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang
mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.

may mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang
kalooban ng iba. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa
kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.

minsan, ang katahimikan ay ginagamit na tugon sa personal na pagkabalisa o

pagkainio, pagkamahiyain o pagkamatampuhin. Nangyayari rin na tumatahimik
ang isang tao kapag hindi niya kilala o hindi pamilyar sa kanyan ang tao.
Nangyayari rin ito kapag walang masabi sa isyu o paksang pinag-uusapan.

6. Kapaligiran
ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya,
seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran. Ang kaayusan ng lugar
ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong,
kumperensya o seminar. Kung ang layunin ng tagapagsalita ay magkaroon ng
interaksyon sa mga tagapakinig o sa mga dadalo, kailanagang makita ito sa ayos
ng silid, silya o upuan, at ayos ng tanghalan. Mahihinuha ang intensiyon ng mga
nagpaplano sa isasagawang pagpupulong, kumperensya, o seminar kapag ang
lugar na pinili ay napakapribado at tahimik. Makikita rin ito na gusto ng
nagplano ang ganap na atensyon at promalidad sa okasyong gagawin.

Batay sa pananaliksik ni Melba Padilla Maggay (2003), ang kaanyuang pisikal na taglay
ng tagapagsalita ay maaaring makatulong sa mensaheng nais niyang iparating. Ang
mga Pilipino ay may sariling pakahulugan sa mga pisikal na kaanyuan ng tagapagsalita
at makikita ito sa pananaliksik nina Covar, Peralta at Racelis, Hernandez at Agcaoili, at
Medina. Narito ang ilang pisikal na kaanyuan:

a. kulot ang buhok–matigas ang ulo

b. malapad ang noo–marunong
c. makitid ang noo–hindi matalino; makitid ang pananaw sa buhay
d. magatla o malinyang noo–maraming suliranin
e. salubong ang kilay–galit; masungit; naiinis; matapang
f. nangungusap na mata–mapaglarawan o mapagpahayag
g. mapungay na mata–inaantok; mapangarapin; may gusto
h. malaking tainga–mahaba ang buhay
i. matangos ang ilong–tisoy
j. nakangangang bibig–nagulat
k. nunal sa labi–madaldal
l. mahabang dila–naglulubid ng balita
m. ngiting aso–taksil o masama ang pakay
n. bumagsak ang mukha–napawi ang tuwa
o. mukhang maamo–mabait

GAWAIN 10

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

1. Ipaliwanag ang dalawang uri ng komunikasyon.

2. Paano mo masasabi na mahalaga ang ekspresyon ng mukha o galaw ng katawan para
maging mabisa ang komunikasyon?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Kasama ang kapareha gumawa ng isang usapan gamit ang di-berbal na uri ng
komunikasyon. Gamitin ang patern sa ibaba.

Paksa ng usapan
Saan naganap ang usapan
Dahilan ng usapan
Suliraning bigbigyang solusyon
Bunga ng usapan

APLIKASYON

Tukuyin kung anong mensahe ang nais ipahiwatig sa bawat bilang.

1. Paghaplos sa buhok
_______________________________________________________________
2. Pagsuntok sa pader matapos hiwalayan ng kasintahan
_______________________________________________________________
3. Panggagaya sa ayos ng buhok ni KC Conception

_______________________________________________________________
4. Pagbibigay ng regalo sa bagong kasal
_______________________________________________________________
5. Pagsimangot habang pinapangaralan ng guro
_______________________________________________________________
6. Pagdabog sa pagsunod s autos ng magulang
_______________________________________________________________
7. Pag-irap sa kaaway
_______________________________________________________________
8. Pangunguyakoy
_______________________________________________________________
9. Pagbibigay ng binata ng tsokolate sa isang dalaga

_______________________________________________________________

Panuto: magbigay ng halimbawa ng Berbal at Di-Berbal

BERBAL

LAYUNIN:

A. Nailalahad ang konsiderasyon sa mabisang komunikasyon

B. Naipaliliwanag ang akronin na SPEAKING ni Dell Hymes
C. Nagagamit ang SPEAKING ni Dell Hymes sa isang usapan

URI NG KOMUNIKASYON

Simulaing Gawain:

“Basahin mo ‘to”

Panuto: Basahin ang akda at sagutin ang mga DI- BERBAL

katanungan.
Kwento ni Mabuti
Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko na siya nakikita ngayon. Nguni sinasabi nilang naroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa
isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa
bawa't hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng
isang estero, naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamanang pang-aklat–at
bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng Buhay. Saan man may kagandahan; sa isang
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya.
Nguni walang ano mang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay….

Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng
pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga
pananagutan sa paaralan, walang masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya.

Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon
ang bukambibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung
minsan, at nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin. Sa isang paraang hindi
malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala niya sa buhay.

"Mabuti," ang sasabihin niya, "…ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
nama't umabot tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahaging ito.
Mabuti…mabuti…!"

Hindi ako kailan man magtatapat sa kanya ng ano man kundi lamang nahuli niya ako
minsang lumuluha: nang hapong iyo'y iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata
ring suliranin.

Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga

nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay
tahimik na. Sa isang tagomg sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking
suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

"Mabuti't may tao pala rito," ang wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig.
"Tila may suliranin ka…mabuti sana kung makakatulong ako."
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kalian man. Sa bata kong isipan
ay ibinilang kong kahihiyan at kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Nguni hindi ako nakakilos sa sinabi
niya pagkatapos. Napatda ako at napaupong bigla sa katapat na luklukan.
"Hindi ko alam na may tao rito… naparito ako upang umiyak din." Hindi ako
nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang
paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa
kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa
pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo'y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa
akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong
napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Nguni siya'y nakinig
nang buong pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang maghihiwalay sa ami'y
natatanaw na nang bigla akong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am kayo? Kayo nga pala?
Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyon na…iniyakan ko?"

Tumawa siya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon: "ang sulok na iyon
na…iniyakan natin… nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang
tinig: "Sana'y masasabi ko sa iyo, nguni… ang suliranin ko'y hindi para sa mga bata
pang gaya mo. Mabuti sana'y hind imaging iyo ang ganoong uri ng suliranin… kalian
man, Ang ibig kong sabihi'y maging higit na mabuti sana sa iyo ang…Buhay."

Si Mabuti'y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita
niya mula sa hapag, nagtatanong, sumasagot, sa pagngiti niya ng mababagal at
mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
mga pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulpok na iyon ng
silid-aklatan. Ang sulok na iyon na… " iniyakan natin" ang sinabi niya nang hapong
iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y
hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa sulok na iyong…aming
dalawa.

At sapagka't natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong

magmasid, maghintay ng mg bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinasabi. Nguni sa
tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno
niya ng maririkit na guniguni an gaming isipan at ng mga kaaya-ayang tunog an
gaming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng Buhay. Bawa't
aralin namin sa Pnitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan. At ako'y humanga.

Wala iyon doon kangina, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa
amin ang kagandahan ng Buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtukalas
na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, ay isa sa

pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig
niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan
lamang sa amin. Iyon marahil ang nagpataginting sa kanyang tinig sa pagbibigay-
kahulugan sa mga bagay n apara sa ami'y walang kabuluhan.

Hindi siya bumanggit ng ano man tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-
aaral namin sa kanya. Nguni bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa
tangi niyang anak… nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kailan man
tungkol sa ama ng batng iyon. Nguni dalawa sa mga kamag-aral nmin ang nakababatid
na siya'y hindi balo.

Walang pag-aalinlangang ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapligid sa

batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang mga katabilan niyon, ang palaki nang
palaking mg a pngarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila
hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba: ang
pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak.
Maliban sa iilan-ilan sa aming pangkat, ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang
anak ay isa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagka't walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawa't pagbanggit na iyo'y nagkaroon ng bagong
kahulugan sapagka't noon pa ma'y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang mga pagsalaysay ay nalamn naming ang tungkol sa kaarawan ng kanyang

anak, ang bagong kasuutan niyong may malaking lasong pula sa baywan, ang mga
kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na
taong gulang na. Sa susunod na tao'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro
naming maging manggagamot ang kanyang anak - at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang ang isa sa mga batng lalaki sa
aking likuran ay bumulong: "Gaya ng kanyang ama!"

Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo
gaya nga ng kanyang ama," ang wika niya. Nguni tumakas ang dugo sa kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon an una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang may-
kaarawan. Natiyak ko noong may isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya
nang ganoon lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa
lamang ang layo sa kanya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang lumapit sa kanya,
tanganana ng kanang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng
silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa
kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Nguni
ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon: ang mga kamag-aaral kong nakikinig nang
walang ano mang malasakit sa kanyang sinabing, "oo, gaya nga ng kanyang ama,"
habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi
ko na mililimutan kalian man. Tiningnan niya akong buong tapang na pinipigil ang
panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti…mabuti! Gaya ng sasabihin
nitong si Fe - iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsisimula tayo sa ating
aralin…."

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na

iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Nguni samantalang
nakatitig siya sa akin nang umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na
iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagka't
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na
kaligayahan….

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa
kanyang mukha, mui niyangipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa
aralin naming sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy
ano man ang kulay ng Buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol
sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging
isang manggagamot din baling araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang
nakallipas. Namatay at naburol ng dalawang araw at dalwang gabi sa isang bahay na
hindi siyang tinitirhan ni Mabuti at ng kanyang anak. At nauunawaan ko ang lahat. Sa
hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyo'y naunawaan ko ang lahat…

Mga gabay na tanong:

1. Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?

2. Sino-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?

3. Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?

4. Paano ang takbo ng usapan?

5. Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?

6. Anong tsanel ang ginamit?

7. Ano ang paksa ng usapan?

8. Ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba, nakikipagtalo o nangangatwiran?

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON

______________________________________________________________________________

Binibigyang-halaga ni Dell Hymes (1972) ang tinatawag na etnograpiya ng komunikasyon

na nagsisilbing batayan para maikategorya at maunawaan ang iba’t ibang sitwasyon at
konteksto ng pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng mga tao (Slembrouck, 2003).
Ang salitang “etnograpiya” ay mula sa larangan ng antropolohiya na
nangangahulugang personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
paglahok, pagmamasid, at pakikipamuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan.

Nararapat kung gayon na sa paglahok sa isang sitwasyong pangkomunikatibo ay

masusing pahalagahan ang sinabi ni Dell Hymes tungkol sa Speaking bilang kahingian
sa isang maayos at mabisang komunikasyon.

Narito ang iba’t ibang halimbawa at sitwasyong pangkomunikatibo: misa sa simbahan,

tsismisan sa kalye, tawaran sa palengke, debate satelebisyon, talumpati ng mga
mambabatas sa Kongreso at marami pang iba. Ang sitwasyong ito ay kumakatawan sa
deskriptibong konteskto ng pag-uusap, na naglalaman pa na mahalagang salik batay sa
paliwanag ni Dell Hymes (1972) tungkol sa akronim na SPEAKING:

S – etting – Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?

P – articipant – Sino-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?
E – nds – Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?
A – ct sequence – Paano ang takbo ng usapan?
K – eys – Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?
I – nstrumentalities – Anong tsanel ang ginamit?
N – orms – Ano ang paksa ng usapan?
G – enre – ano ang diskursong ginamit? Nasasalaysay ba, nakikipagtalo o
nangangatwiran?

Tukuyin natin kung paano ginagamit ang akronim na ito sa sitwastong

pangkomunikatibo.

Halimbawa:

May kumperensyang dinaluhan ang mga peryodistang mag-aaral sa Bulwagang San

Pablo ng Faculty Center Conference Hall sa UP Diliman. Layunin ng kumperensyang
ito na magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pamamahayag at malutas ang mga
usapin sa pahayagang pampaaralan. May programang sinusunod ang kumperensyang
ito para hindi maging magulo ang talakayan.

Pag-aralan ang paglalapat ng akronim sa SPEAKING ni Dell Hymes

Saan ginanap ang

S kumperensya ng mga Faculty Center Conference Hall sa UP Diliman
peryodistang mag-aaral?

Sino-sino ang mga kalahok sa Mga delegadong estudyante na pawang

P
kumperensyang ito? mamamahayag o peryodista na galing sa iba’t
ibang kolehiyo o pamantasan
Magkaroon ng karagdagang kaalaman sa
Ano ang pakay o layunin ng
E pamamahayag batay sa mga karanasan ng mga
kumperensyang ito?
batikang mamamahayag sa bansa
Maayos ang daloy ng talakayan dahil may
A Paano ang takbo ng usapan? sistemang sinusunod at may tagapamagitan sa
bahagi ng talakayan at tanugan
K Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ang talakayan sa kumperensya

Pasalita ba o pasulat ang Pasalita ang ginagamit na instrumento sa

I
tsanel na ginamit? talakayan

Kasalukuyang isyu at usapin sa mga

pahayagang pampaaralan gaya ng karapatan
N Ano ang paksa ng usapan?
ng mga peryodista at mga suliranin ng
pahayagang pangkampus
Ano ang diskursong Gumagamit dito ng pagsasalaysay,
G
ginagamit? pangangatwiran, at pagpapaliwanag

GAWAIN 11

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

1. Ano ang etnograpiya ng komunikasyon?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang etnograpiya sa komunikasyon?

3. Bumuo ng apat na pangkat. Magsagawa ng maikling dula-dulaan ang dalawang
pangkat na ginagamit na paksa ang pagtaas ng singil sa kuryente.
4. Susuriin naman ng dalawang pangkat ang ipinakitang dula-dulaan gamit ang
SPEAKING ni Hymes.

GAWAIN 12

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Ipaliwanag ang akronim na SPEAKING ni Dell Hymes. Magbigay ng iba pang

halimbawa bukod sa halimbawang ibinigay sa teksto.

GAWAIN 7

PANGALAN: ____________________________________
GRADO AT ISTRAND: __________________________
PETSA: _____-_____-_____ ISKOR: ____________

“Hanapin mo ako!”

Panuto: Hanapin ang mga salita sa kahon.

1. Setting 5. keys
2. Participant 6. instrumentalities
3. Ends 7. norms
4. Act sequence 8. Genre

s a b p d e n k o q g r e n r o s

k e c a c t s e q u e n c e r e n

f n t r i h l y m p n o m a r m r

g d a t o m a s r o r r a s a w a

s s r i i a d a o a e a m s w q n

l a d c a n g x m z n p t a y a r

p a s i a d g m e l r a m p g s n

u a d p k a a a l a o r a a a a o

s s a a m m m s c r s a s k n y r

o o y n a i a a b o e w a i d a m

i n s t r u m e n t a l i t i e s

LAYUNIN:
A. Nabibigyang-kahulugan ang Wika
B. Natutukoy ang Teoryang Pinagmulan ng Wika
C. Nailalahad ang Katangian at Tungkulin ng Wika
Simulaing gawain:

Maglaro’t unawain

Panuto: Habang kinakanta ang “Pinoy Ako” ipinapasa ang papel na naglalaman ng
mensahe.
 Pagbabahagi sa klase ng mensahe (bawal ang pasalita at pasulat)

Halimbawa:

Pagod na ako! Hindi pa ako nagpapahinga

Gabay na tanong:

Paano niya maipararating nang mas maayos at mas malinaw ang mensahe?

KAHULUGAN NG WIKA

Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita
at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang kumplikado at simetrikal na
estruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at
kontrolado ng lipunan. (Archibald A. Hill)

Dahil dito, ang tao’y hindi makaiiwas sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa

sapagkat sa lahat ng kanyang gawain, wika ang ginagamit ito man ay berbal o di-
berbal. Sa pagpapahayag ng kanyang damdamin, saloobin, pananaw tungkol sa isang
paksa, pangyayari, sitwasyon at iba pa, wika ang kanyang kasangkapan upang
maipaabot ang ninanais sa kanyang kapwa, kaharap man niya ito o hindi. Sa kanyang
paglalahad, ginagamit ng tao ang aparato sa pagsasalita: a) ang kanyang baga kung
saan nanggagaling ang hangin at lakas; b) ang artikulador o ang kumakatal na bagay; at
c) ang resonador o patunugan.
Ayon naman kay Henry Gleason ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura. Ang bawat wika ay may sariling arbitraryo (set ng salita) na siyang ginagamit
ng mga tao sa iisang lipunan o pangkat. Katulad halimbawa ng mga guro, ang mga
salitang grade sheet, assignment, project, participation, quiz at iba pa ay kanilang arbitraryo.
Gayundin sa iba pang larangan o propesyon.

Ang wikang buhay, saanman at kailanman ito’y umuunlad habang ginagamit.

Nagaganap ito sa prosesong natural sa kusang pag-aangkin ng mga elementong
pangwika at intensyonal sa bisa ng progresibong pagpaplanong pangwika. Ang
nagkakakontak na mga wika at nagkakahiraman sa alin man sa nabanggit na mga
aspeto bagaman higit na ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito’y ibinubunsod ng
partikular o espesyal na pangangailangan ng humihiram na wika. (KWF. 1997:20)

Upang patuloy na maging buhay ang isang wika kailangan itong gamitin at ituro sa iba
sapagkat sa paggamit at pagtuturo sa iba ito ay yumayabong at umuunlad. Hindi rin
maiiwasan ng isang wika ang humiram ng salita sa iba pang mga wika sa bansa o sa iba
pang wika dahil ang panghihiram ay isa sa mga proseso upang ang isang wika ay
patuloy na mabuhay sa isang partikular na lipunan.

Ayon kay Constantino (1996), ang wika ay siyang pangunahing instrumento ng

komunikasyong panlipunan bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang
instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para maisangkot
at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangan
nito. Walang isa man sa atin ang nakikipag-ugnayan o nakikipagkomunikasyon sa ating
kapwa na hindi gumagamit ng wika. Dahil sa paggamit natin ng wika mas madali
nating naipahahayag ang ating nais o gusto sa ating kapwa, mas malinaw nating
naipaaabot ang ating saloobin at kaisipan tungkol sa isang paksa.
Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan
ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na
nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita.

Habang tumatagal ang wika ay napauunlad at napayayabong dahil na rin sa patuloy

itong ginagamit. Sa kanyang pag-unlad ang wika ay hindi na lamang binibigkas, ito ay
naisusulat na rin at naipakikita gamit ang mga simbolo na nakikita natin sa daan,
establisyemento, mga produktong binibili at kumpas, galaw ng ating ating katawan
upang iparating ang ating pagsang-ayon o pagsalungat sa isang bagay.

TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA

1. Teorya ng Tore ng Babel

o ito’y hango sa Bibliya (Magandang Balita para sa Ating Panahon 11:1-9).

2. Teoryang Bow-wow
o ang wika ay natutunan sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga
hayop (tahol ng aso, tilaok ng manok, huni ng ibon).

3. Teoryang Ding-dong
o mula sa mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran (tunog ng
kampana).

4. Teoryang Pooh-Pooh
o ito’y mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin o silakbo ng
damdamin (takot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, pagkabigla).

5. Teoryang Yo-He-Ho
o nagsimula ang wika sa indayog ng awitin ng mga taong sama-samang
nagtatrabaho.

6. Teoryang Yum-yum
o nagmula ang wika sa kumpas ng maestro sa musika at ang bawat kumpas na
kanyang ginagawa’y lumalabas sa kanyang bibig.
7. Jean Jacques Rousseau
o ang mga sinaunang tao ay may kagustuhang makalaya at ang paghahangad
na ito ang nagtulak sa kanya upang lumikha ng wika. Ang unang wika ng
mga tao ay magaspang at primiitbo.

KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay masistemang balangkas

o Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na
balangkas. Ang isang wika ay nagsisimula sa ponema (pinakamaliit na yunit
ng tunog). Ponolohiya naman ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog.
Kapag pinagsama-sama ang mga ponema nakabubuo ng isang morpema
(pinakamaliit na yunit ng salita). Morpolohiya naman ang tawag sa maagham
na pag-aaral ng mga salita. Ang mga morpemang pinagsama-sama ay
makabubuo ng isang pangungusap o sintaks (kahulugan ng isang
pangungusap). Sintaksis naman ang tawag sa maagham na pag-aaral ng mga
pangungusap. Ang sintaks kapag ginamit sa pakikipag-usap o pakikipag-
ugnayan sa kapwa, ito ang tinatawag na diskurso.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog

o Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan. Ang isang tunog ay nagiging wika kapag ito’y tinugunan o
binigyang-kahulugan. Halimbawa, kapag ang isang tao’y nakarinig ng
alulong ng aso sa hatinggabi at hindi niya ito pinansin ang alulong ng aso ay
isang simpleng tunog lamang subalit kapag ang taong nakarinig sa alulong
ay nagtalukbong, ang tunog na kanyang narinig ay naging isang wika sapag
ito’y kanyang binigyang-kahulugan. Isa pang halimbawa nito’y kapag
umiyak ang isang sanggol at narinig ng kanyang ina ngunit hindi niya ito
pinansin ang iyak ng sanggol na kanyang narinig ay hindi wika ngunit kapag
lumapit ang ina at kinapa ang lampin kung basa o hindi o kanya itong
pinadede, ang iyak ng sanggol ay naging isang wika.

Ang wika ay pinipili at isinaayos

o Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating ginagamit. Sa ating
pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, ang mga salitang ating sinasabi,
isinusulat o maging ang reaksyon ng ating mukha, kilos at/o galaw ng ating
katawan ay ating pinipili upang hindi ito maging sagabal sa pag-unawa ng
ating kausap. Magkakaroon tayo nang mabuti at maayos na pakikipag-
ugnayan sa ating kapwa sapagkat pinipili natin ang wikang ating ginagamit
na umaayon sa sitwasyong ating kinasasangkutan at sa lipunang ating
kinabibilangan.

3. Ang wika ay arbitraryo

o Ayon kay Archibald A. Hill, just that the sound of speech and their connections
with entitles of experience are passed in to all members of any community by older
members of that community. Ang bawat wika ay may sariling arbitraryo (set ng
salita) na siyang ginagamit ng bawat miyembro ng isang pangkat/grupo o
lipunan. Halimbawa, ang mga guro ay may sariling arbitraryo katulad ng:
class record, assignment, syllabus, grade sheet, participation, project, at iba pa.
Gayundin ang mga kumukuha ng Hotel and Restaurant Management may sarili
rin silang set ng salita. Ilan samga ito’y sauté, blanch, 1 cup, 1 teaspoon, simmer,
cook. Isa pa rito ay ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang kahulugan ng
isang salita batay sa arbitraryo. Halimbawa, ang love, kapag ang tinutukoy
natin ay pagmamahalan ng dalawang tao ang love ay tumutukoy sa pag-ibig
ngunit kapag ito ay sa larangan ng tennis o badminton ang love ay
tumutukoy sa zero o walang iskor.

4. Ang wika ay ginagamit

o Ang wika ay kasangakapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkaapan. Ang wikang hindi ginagamit ay magiging wikang patay
sapagkat ito’y hindi napaunlad, napayabong at hindi nagamit bilang
instrumento sa paghahatid ng damdamin, saloobin, pananaw at i ba pa. Dahil
sa ang wika ay ginagamit higit itong napauunlad at ang bawat taong nakatira
sa iisang bayan o komunidad ay nagkakaintindihan dahil sa paggamit ng
wika.

5. Ang wika ay nakabatay sa kultura

o Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat ang
wikang ginagamit sa isang kultura o pangkat-etniko ay nakabatay rin sa
kanilang kultura. Katulad halimbawa, sa mga katagalugan katulad sa Nueva
Ecija, ang sinumang mga bata na nakikipag-usap sa nakatatanda’y
kailangang gumamit ng “po” o “opo” sapagkat alam ng mga batang Novo
Ecijano na sa kanilang kultura kailangang igalang ang mga nakatatanda kung
kaya’t ang wikang ginamit nilang “po” o “opo” ay batay sa kanilang kultura.

6. Ang wika ay nagbabago

o Dinamiko ang wika. Sa paglipas ng panahon ang wika’y nagbabago upang
maiangkop at makaagapay nito ang sarili sa pagbabago ng panahon. Kunin
nating halimbawa ang mga salitang taal na Tagalog katulad ng guryon,
salipawpaw at salumpuwet. Sa kasalukuyan, mahirap nang gamitin ang mga ito
sa pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita sapagkat hinihingi ng panahon
na gamitin ang makabagong katawagan sa mga ito. Ang guryon bilang
saranggola, ang salipawpaw bilang eroplano at ang salumpuwet bilang upuan.
Ibig sabihin nito’y hindi pinapalitaan ang mga salitang ito sapagkat kapag
ika’y nasa lugar ng mga katagalugan ginagamit pa rin ang mga salitang
nabanggit subalit kapag ika’y nasa ibang kultura hindi ito maaaring gamitin
mangyaring baka hindi ito maintindihan dahil sa kanilang kultura ang
wikang mga ito’y hindi kilala.

GAWAIN 1

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Gamit ang talahanayan sa ibaba, ibigay ang katangian ng bawat teoryang pinagmulan
ng wika. (7 puntos)

TEORYA KATANGIAN
1.
2.

3.

4.

5.

6.

7.

GAWAIN 2

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: ____________________________________ PETSA: __________

Pumili ng lima mula sa pitong katangian ng wika. Ipaliwanag ang bawat isa ayon sa
sariling pagpapakahulugan ang kasagutan ay na hindi lalampas sa tatlong
pangungusap.

ANTAS NG WIKA

1. Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap, at

ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
o Pambansa – ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambarilala sa lahat ng mga paaralan.
o Pampanitikan – ito ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Mga salitang matatayog,
malalalim, makukulay at masining.

2. Impormal – salitang palasak, pang-araw-araw na gamitin sa pakikipag-usap at

pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
o Lalawigan – ito ang mga bokabularyong diyalektal. Makikilala ito sa
pagkakaroon ng tono o punto.
o Kolokyal – pang-araw-araw na salita na gimagamit sa pagkakataong
impormal may kagaspangan ng kaunti ang pagpapaikli ng isa o higit
pang salita.
o Balbal – ito ang tinatawag sa ingles na slang o sa mga pangkat–pangkat
nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng
sariling kowds.
o Bulgar – ito ang mga salitang magagaspang at masasama.

BARAYTI NG WIKA

Ipinaliliwanag ng teoryang sosyo-linggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging

heterogeneous ng wika.

1. Dalawang Dimensyon ng Wika

o Dimensyong Heograpiko – makakalikha ng diyalekto. Ginagamit ng isang
rehiyon, lalawigan o pook malaki man o maliit. Ang mga diyalek ay
makikilala sa punto o tono at estrUktura ng pangungusap.
o Dimensyong Sosyal – nakabubuo ng sosyolek. Nakabatay ito sa pangkat ng
panlipunan.

2. Diyalekto – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.

Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat.

3. Sosyolek – naman ang tinatawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong

sosyal.
o Kosa, pupuga tayo mamaya.
o Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
o Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day.
o Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon sa
Robinson.
o Pare, punta tayo mamaya sa SM Cauayan. Me jamming dun, e.

4. Jargon – ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng

gawain.

5. Idyolek – ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat
isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika.

Homogenous – iisang wikang ginagamit sa iisang lugar o pangkat-etniko.

Heterogenous – iba’t ibang wikang ginagamit sa iisang lugar, lipunan, o/at pangkat-
etniko.

Linggwistikong Komunidad – mga salitang natatangi sa isang partikular na lugar,

lipunan, o/at pangkat-etniko.

Unang Wika – wikang natututunan sa pagkamulat. Tinatawag din itong inang wika.

Pangalawang Wika at iba pa – wikang natututunan kasunod ng unang wika.

TUNGKULIN NG WIKA

Nagbigay si M. A. K. Halliday sa kanyang Explorations in the Functions of Language

(1973) ng pitong tungkulin ng wika.
TUNGKULIN NG KATANGIAN PASALITA PASULAT
WIKA
INTERAKSYONAL Nakapagpapanatili/ Pormularyong Panlipunan, Liham–
Nakapagpapatatag ng relasyong Pangunuamusta, Pangkaibigan
sosyal Pagpapalitan ng biro

INSTRUMENTAL Tumutugon sa mga Pakikiusap, Liham–

pangangailangan Pag-uutos Pangangalakal
REGULATORI Kumokontrol at gumagabay sa Pagbibigay ng Direksyon, Panuto
kilos/asal ng iba Paalala o Babala

PERSONAL Nakapagpapahayag ng sariling Pormal/Di pormal na Liham sa Patnugot

damdamin o opinion Talakayan

IMAHINATIBO Nakapagpapahayag ng Pagsasalaysay, Akdang

imahinasyon sa malikhaing paraan Paglalarawan Pampanitikan

HEURISTIK Naghahanap ng mga Pagtatanong, Sarbey,

impormasyon/Datos Pakikipanayam Pananaliksik
IMPORMATIB Nagbibigay ng mga Pag-uulat, Pagtuturo Ulat, Pamanahong–
impormasyon/Datos Papel

Ayon kay Emile Durkheim (1985) Ama ng Makabagong Sosyolohiya, ang lipunan ay
nabubuo sa pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang
bawat isa ay may kani-kanyang papel na ginagampanan. Binigyang-diin din niya na
ang kalikasan ng buhay ay nagmumula sa isang maayos na lipunan. Ang tao raw ay
nabubuhay, nakikipagtalastasan, at nakikisama sa lipunang kinabibilangan niya.

Ayon ka Jakobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika.

1. Pagpapahayag ng Damdamin (emotive) – ginagamit ang wika upang palutangin

ang karakter ng nagsasalita.
o Masaya ako sa bayang kinagisnan ko.

2. Panghihikayat (conative) – ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o

magpakilos ng taong kinakausap.
o Magluto ka ng maaga dahil maagang darating ang mga panauhin.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) – ginagamit ang wika bilang

panimula ng usapan o pakiki-ugnayan sa kapwa.
o Kumusta ka?
4. Paggamit bilang sanggunian (referential) – ginagamit ang wikang nagmula sa
aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng
kaalaman.
o Ayon kay Aristotle, sa kanyang aklat na Retorika, kailangang makilala
muna ng isang manunulat ang sarili bago siya magsimulang sumulat.

5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalingual) – ginagamit ang wika sa pamamagitan

ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
o Malinaw na isinasaad sa Batas Komenwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng
Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.

6. Patalinghaga (poetic) – gimagamit ang wika sa masining na paraan ng

pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
o Totoong may mga impresyon tayo kapag nakakikita at nakakikilala tayo ng
bagong mukha. Ang daming lumalabas na alingasngas na kalimitan hindi mo
alam kung saan nagmula na tila singaw sa labi o dila na bigla nalang lumabas at
apektado pati panlasa mo. Parang masamang hangin na nakaiirita sa ilong at
nanunuot ang kasula-sulasok na amoy sa kaibuturan ng iyong kalamnan. Hindi
man lantad subalit ganito ang tao. Mga taong hindi mo mailarawan kung anong
pag-uugali ang taglay kapag kapwa na nila ang pinag-uusapan daig pa nila ang
bagong kasal na sabik na sabik sa isa’t isa at tila bulkang gusto nang
magpakawala ng lava.

Mula sa “Nakakubling Itsura sa Nakalantad na Mukha” ni Ramo

GAWAIN 3

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Paghambingin. (3 puntos bawat bilang)

1. Dimensyong Heograpiko at Dimensyong Sosyal

2. Pormal at Impormal na Wika

GAWAIN 4

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Pagtatapat-Tapat. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.

Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____1. Emotive A. ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at

iba pang babasahin bilang sanggunian o
batayan ng pinagmulan ng kaalaman
_____2. Conative B. gimagamit ang wika sa masining na paraan
ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay at iba pa
_____3. Phatic C. ginagamit ang wika upang palutangin ang
karakter ng nagsasalita
_____4. referential D. ginagamit ang wika sa pakikipagtalastasan
o pakikipag-usap sa kawpa
_____5. metalingual E. ginagamit ang wika sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o
batas
_____6. Poetic F. ginagamit ang wika upang mag-utos,
manghikayat o magpakilos ng taong
kinakausap
G. ginagamit ang wika bilang panimula ng
usapan o pakiki-ugnayan sa kapwa

GAWAIN 5

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod: (2 puntos bawat isa)

1. WIKA
________________________________________________________________________

2. DIYALEKTO

3. IDYOLEK

4. SOSYOLEK

5. LALAWIGANIN

6. BALBAL

7. BULGAR

GAWAIN 6

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Gamit Tungkulin ng Wika ni M.A.K. Halidday, sumulat ng isang tula tungkol sa Wika
na binubuo ng 5 na saknong. Ang bawat saknong ay binubuo ng apat taludtod.
Maaaring ito ay malaya o may sukat at tugma. (20 puntos)

A. Nailalahad ang mga Batas Pangwika
B. Nakikilala ang Kasaysayan sa Paglinang ng Wikang Pambansa
C. Nabibigyang-halaga ang mga Batas Pangwika
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

KONSTITUSYON NG 1935, ARTIKULO XIV, SEKSYON 3

o ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa sa mga
wikang katutubo. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at
Kastila ay magpapatuloy na mga wikang opisyal.

PANGULONG MANUEL L. QUEZON

o nanguna sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa.
o isinulong ang pagkakaroon ng isang tanggapan para sa ganitong layunin.

NOBYEMBRE 13, 1936

o pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184.
o “isang batas na nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng
mga Kapangyarihan at tungkulin nito.”
o magsasagawa ng pag-aaral sa mga diyalekto ng Pilipinas upang malinang at
mapagtibay ang isang wikang pambansa batay sa mga wika ng bansa ginamit
na saligan sa pagpili ay ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo at
literatura at ginagamit ng nakararaming Pilipino.

ENERO 12, 1937

o pinasinayaan ni Pang. Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa.

Mga Kagawad

Jaime C. de Veyra – Tagapangulo (Samar-Leyte)

Cecilio Lopez – Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap (Tagalog)
Felix B. Salas – Kagawad (Hiligaynon)
Santiago A. Fonacier – Kagawad (Ilokano)
Casimiro F. Perfecto – Kagawad (Bikolano)
Filemon Sotto – Kagawad (Cebuano)
Hadji Butu – Kagawad (Muslim)

Filemon Sotto Isidro Abad

o hindi tinanggap ang pagkakahirang dahil sa kapansanan
Hadji Butu sakit (pagpanaw)
Mga Bagong Itinalagang Kagawad:

Lope K. Santos (Tagalog)

Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)

o tumutugon sa halos lahat ng mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184.

o ang konklusyon ay kumakatawan hindi lamang sa paniniwala ng mga Kagawad
ng Surian kundi pati na rin sa mga opinyon ng mga iskolar at makabayang
Pilipino na magkakaiba ang pinanggalingan, edukasyon at mga hilig na buong
pagkakaisang umaayon sa pagpili sa Tagalog dahil sa nakita nito na ginagamit at
tinatanggap ng pinakamaraming mga Pilipino, bukod sa tahasang pahayag ng
mga lokal na mga pahayagan, mga publikasyon at indibidwal na mga
manunulat.

DISYEMBRE 30, 1937

o kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ni Rizal nilagdaan ni Pangulong Quezon
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang
sanligan ng Wikang Pambansa.
o opisyal na ipinahayag ni Pangulong Quezon sa kanyang talumpati sa radyo na
binigkas niya sa Tagalog ang pagkakabisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134.

ABRIL 1, 1940
o sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, pinahintulutan ng Pangulo ng
Pilipinas ang pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng
Wikang Pambansa.

HUNYO 19, 1940

o sinimulang ituro sa mga paaralang publiko at pribado ang wikang pambansa.

HULYO 4, 1946
o ipinahayag ang pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang pambansa sa
pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 570.
o sinimulan ding ituro mula unang baitang ng elementarya hanggang ikaapat na
taon sa sekundarya

AGOSTO 13, 1959

o nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, si Kalihim Jose E. Romero
(Kagawaran ng Edukasyon) na nag-aatas na tawaging Pilipino ang wikang
pambansa.
1963–1969
o isang kaso sibil ang iniharap ni Kongresista Inocencio V. Ferrer sa Hukumang
Unang Dulugan dahil sa maling paggamit ng pondo ng pamahalaan sa
pagpapalaganap ng “puristang Tagalog” sa halip na isang wikang binubuo ng
lahat ng wika sa Pilipinas.

1973 KONSTITUSYON
o ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na pagpapatibay ng panlahat na wikang pambansa na tatawaging
FILIPINO.
o hanggang walang ibang ipinapasya ang batas, ang Ingles at Pilipino ay
magpapatuloy na wikang opisyal.
o ang FILIPINO na batay sa Pilipino na batay naman sa Tagalog ang napili ng mga
delegado ng Kumbensiyong Konstitusyunal. Patuloy na ginamit ang Filipino
bilang wikang pambansa kahit na walang probisyon na nagtatakda ng paglinang
at pagpapaunlad dito.
o nanatiling wikang pambansa at opisyal na wika ang Pilipino hanggang sa
pagtibayin ang Konstitusyon ng 1987 (Art. 14, sek. 6).

1987 KONSTITUSYON (Art. 14, Sek. 6)

o ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika.
o kinilala ng mga delegado ang Pilipino na nukleo ng Filipino. Kinilala nila ito na
may mayamang bokabularyo at literatura at sinasalita ng nakararaming
mamamayang Pilipino. Upang lalong mapaunlad at magamit ang wikang
Filipino, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335

o nag-aatas sa lahat ng kagawaran/ kawanihan/ tanggapan/ ahensiya/
instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para sa layuning
magamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korespondensiya. Ang noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na dating
Surian ng Wikang Pambansa) ang nagpatupad ng kautusang ito.

PANGULONG CORAZON C. AQUINO

o nilikha ang Batas Republika Blg. 7104.
o nalikha ang Komisyon sa Wikang Filipino noong Agosto 14, 1991.
o ito ay may tungkuling magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas.

EBOLUSYON
o Disyembre 30, 1937 - iprinoklamang wikang Tagalog ang magiging batayan ng
Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon
matapos itong mapagtibay.

o 1940 - ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa

lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong
pasanayang pangguro sa buong bansa.

o Hunyo 4, 1946 - nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng

pambansang Asamblea noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang
opisyal.

o 1959 - ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang

Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang wikang Pambansa ay tatawaging
Pilipino upang mailagan ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog.”

o 1987 - Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon

na nagtatadhanang <<ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.>> Ito ay
hindi pinaghalo-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus,
ito’y may nukleus, ang Pilipino o Tagalog.

MGA PROBISYONG PANGWIKA - SALIGANG-BATAS

o Saligang-Batas ng Biyak-na-bato (1896)

 Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

o Saligang-Batas ng 1935
 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tung sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles
at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal.

o Saligang-Batas 1973
 Ang Batasang pambansa as dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
tatawaging Filipino.

o Saligang-Batas 1987
 Seksyon 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

 Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga

wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal
sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng
pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

 Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at

dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

 Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang

pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.

GAWAIN 1

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Sagutan ang mga sumusunod na tanong. (3 puntos bawat isa)

1. Gaano kahalaga ang isang Batas-Pangwika?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang pangalagaan ng mga mamamayan ang isang Batas-Pangwika?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ano ang nilalaman ng Artikulo XIV, seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Sa kasalukuyang panahon, dapat pa bang payabungin at pagyamanin pa ang Wikang

Filipino na siyang isinasaad ng batas?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
GAWAIN 2

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

Gamit ang Story Map, ilahad ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat ebolusyon
ng Wikang Pambansa. (10 puntos bawat ebolusyon)
1896 1935 1973 1987

Mahahalagang Pangyayari

LAYUNIN:
A. Nailalahad ang kasysayan ng wika sa bawat panahon
B. Natutukoy ang mga pagbabago sa bawat panahon
C. Nabibigyang-halaga ang pa-unlad at pagbabanyuhay ng wika

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO

______________________________________________________________________________
PANAHON NG MGA KATUTUBO

Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat

Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na
katinig

ALIBATA

Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung
nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/
nilalagyan ang letra ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/
ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama
ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+)
bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog.
Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang
hudyat ng pagtatapos nito.

PANAHON NG MGA KASTILA

Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng
20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig.
a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng
mga Kastila.
Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.
Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila
sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
a. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa
lahat ang Espanyol.
b. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.
Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong
wika.
Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.
Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng
pananampalataya subalit hindi naman ito nasunod.
Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol.
Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino.
Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila.
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo.
Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II
ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na
batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.
Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-
uutos na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga
pamayanan ng Indio.

PANAHON NG PROPAGANDA

Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang
damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan.
Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar.
Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga
akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa
mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
PANAHON NG MGA AMERIKANO

Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga
Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey.
Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at
pamumuhay na demokratiko.
Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.
William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal Amerikano na
mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang
madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano.
Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin
ay alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino.
a. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino
b. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang
Ingles
Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na
ang Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong local.
N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang
maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang
panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na
nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw
na Gawain.
Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang
mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino.
Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang
bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at
pantulong naman ang wikang rehiyonal

PANAHON NG HAPONES

Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano,

ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan.
Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na
wika ang Tagalog at wikang Hapon.

PANAHON NGA MALASARILING PAMAHALAAN

Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pag-aaral
sa pagpili ng wikang pambansa.
Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184 – opisyal na
paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936
Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na
magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas
Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa
Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 – nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng
wikang pambansa
Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika :
a. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara
sa ibang wika
b. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain
sapagkat sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat
c. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng
kalakalan sa Pilipinas
d. Ang wikang Tagalo ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang
wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio
e. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na magkaroon tayo ng wikang
pagkakakilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 – nagpapahintulot sa
pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa
Wikang Pambansa.
Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pampubliko
at pampribado sa buong bansa
Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay
magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso
26, 1954 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay
magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-
kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23,
1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang.
Quezon (Agosto 19).
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang
Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa
mga paaralan.
Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang
gagamitin.
Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at
tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967.
Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa
mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan.
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika.
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – “Ang Batasang Pambansa
ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas,
ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”
Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel
ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat
ng kurikulum na pandalubhasang antas.
Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25,
1986 at nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino.
Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
a. Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
b. Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles
c. Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at
Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon,
Arabic at Espanyol
d. Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga
wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili

GAWAIN 5

PANGALAN: ______________________________________________ ISKOR: __________

GRADO AT ISTRAND: _____________________________________ PETSA: __________

A. Ilahad ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa bawat panahon.

B. Isalin ang tulang nasa ibaba sa alibata.

KANLUNGAN
Ramo C. Razalas

Sino ka?
Sino ba siya?
Kilala mo siya?
Kilala ka niya?

Ikaw ang laging takbuhan

Kapag ako’y nalulumbay
Kahit na anumang oras
Ika’y laging nakaantabay

Sinong makapagsasabing
Ako’y iyong tatanggapin
Tama bang ako’y mahalin
Mahalin ang katulad kong suwail?

C. Magsaliksik ng mga katutubong paniniwala, pamahiin, at pananampalataya sa
inyong komunidad na hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa pa rin at sumulat ng
isang sanaysay kung ito ay nararapat pa bang panatilihin o dapat nang kalimutan dahil
na rin sa pagbabago ng panahon.

You might also like