Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Panuto: Basahin ang tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa
pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Titigil sa pag-aaral
b. Babawasan ang kinakain
c. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan
d. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera
2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa isang
palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo?
a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan
b. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral
c. Maghahanap ng damit na maaaring magamit
d.Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan
3. Madalas kang.sumali sa •mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam mong
higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kaniyang
kakayahan. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa klase na Siya ang papalit sa iyo
b. Ipakilala Siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon
c. Sabihin sa tapagsanay na wala Siyang disiplina sa mga pagsasanay
d. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral
4.Binigyan ka ng tatay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati ka nang
nakapunta sa museo na iyon pero interesado ka pang pumunta uli. Nais ng mga kaibigan mo
na pumunta pero apat kayo at tatlo lang ang tiket ninyo. Ano ang gagawin mo?
a. Bibili ng isa pang tiket
b. Magmumungkahi ng bunutan
c. Iiwan ang isa ninyong kaibigan
d. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta
5. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan,
Ngayong taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang
dumalo. Isa ka sa napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano
pinamamahalaan ng mga opisyal ng bayan ang sesyon, pero hindi Siya kasama sa pinayagang
dumalo. Ano ang gagawin mo?
a. Hikayatin ang guro na isama Siya sa mga dadalo
b. Magkunwaring hindi naririnig ang paggigiit ng kamag-aral
c. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamag-aral
d. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari
6. Ipinatawag ka ng tagapayo ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas ang
kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito nang iyak nang makita ka. Natatakot Siya na
mapagalitan ng inyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo na
nagkasakit. Ano ang gagawin mo?
a. Tatawagan ang magulang at ipaaalam ang nangyari
b. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid
c. Paalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat Siya nang husto
d. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kaniyang 100b at
gagaling din Siya kaagad

7. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang


a. panlahat
b. pangmarami
c. para sa mga Iider
d. para sa hindi miyembro ng pangkat
8. Naipakikita ang pakikipagtulungan sa
a. hindi paggawa sa napagkasunduan
b.pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
c. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng 100b sa ibang
miyembro ng pangkat
d. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kaniyang isip kahit hindi sang-ayon ang
iba pang miyembro
9. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat _____.
a.sinusunod ang sariling kagustuhan
b.ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
c. hinahayaan ang ibang mga miyembro na magpasiya para sa lahat
d. nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasiya
10. Tumutukoy sa ______ ang mapanuring pag-iisip.
a. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
b. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
c. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya

11. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong ____


a magkaroon ng patunay
b.ipilit ang iyong opinyon
c. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
d. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na suporta sa iyong personal na
pananaw
12. Nabasa sa internet ni May Ann na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga lalahok ay
kailangan na mag-deposito ng isang libong piso sa nakalagay na bank account sa internet. Ano
ang dapat gawin ni May Ann?
A. Mag-deposito kaagad ng pera para makasali.
B. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.
C. Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.
D. Manghingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan gagastusin ang pera.

13. May sakit na leukemia ang iyong anak na babae. Ikaw ay naawa na sa kanya sapagkat
nakikita mo siyang naghihirap sa kanyang dinaramdam na sakit. Isang araw, may nabasa ka sa
internet na makagagaling sa leukemia. May kaibigan kang gumamit din ng ganoong gamot.
Hinikayat ka na ipainom din ito sa iyong anak para ito ay gumaling. Bilang isang ina, ano ang
dapat mong gawin?
A. Mangonsulta muna sa doctor kung ito ay mabisa o hindi.
B. Ipa-inom kaagad ito para matapos na ang paghihirap ng iyong anak.
C. Magsawalang kibo lamang sa nabasang impormasyon.
D. Ipapa-sa diyos na lamang ang sitwasyon ng iyong anak.

14. May patalastas sa telebisyon tungkol sa isang produkto na pangpapakinis ng kutis. Gustong-
gusto mo rin na kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit alam mo na nagkaka-allergy ka
sa balat tuwing ikaw ay gagamit ng pangpapakinis. Gagamit ka din ba sa produktong ito?

A. Oo, dahil ito na ang sagot mo sa iyong mithiin na maging makinis na ang iyong balat.
B. Hindi, ipapa-check mo muna ito sa iyong doctor kung mabisa ang produkto na ito sa
iyong balat at kung wala itong
masamang epekto.
C. Oo, dahil makatotohanan ang napanood mong patalastas.
D. Oo, dahil murang mura lang ang produkto.

15. Nanonood kayong mag-anak ng isang pelikula. Ang napili ng inyong asawa ay isang pelikula
na may mga malaswa na eksena. Bilang isang ama,ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan lamang ang asawa sa nais nitong pelikula na panonoorin.
B. Magsawalang kibo lamang.
C. Palitan ang pinapanood na pelikula na angkop sa iyong mga anak.
D. Palalabasin sa bahay ang mga anak at pabayaang maglaro na lamang.

16. Nabalitaan mo sa radio na sangkot ang inyong Alkalde sa illegal na druga sa inyong bayan.
May kaklase ka na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag-aaral, paano mo pakikitunguhan
ang nasabing kaklase?
A. Pagtawanan siya.
B. Hindi mo ito kikibuan at layuan dahil hindi siya mabuting kaibigan.
C. Bigyan mo siya ng lakas ng loob at hindi kaagad manghusga tungkol sa kanyang ama.
D. Ipamalita sa kaklase ang nabalitaan at lalayuan ninyo siya.
17. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga
paligsahan sa inyong paaralan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man madalas mong
naririnig na may pumipintas sa iyo.
A. iirapan sila
B. pagsasalitaan na wala silang pakialam
C. tatanggapin ang mga sinasabi at lalo pang pagbubutihin
D. hindi na sasali sa anumang paligsahan

18.Namamasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa mall. Bigla ninyong naramdaman na


yumanig?
A.Tatakbo palabas ng mall
B. IIyak na malakas
C. Duck Cover and Hold
D. lalapit sa information area

18.Pinakisuyo mo na hawakan ng iyong kaklase ang iyong bag subalit ibinagsak niya ito.
A. magagalit
B. isusumbong sa guro
C. kukunin ang bag at magpapasensya
D. ibabagsak din ang bag ng kaklase.

19. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng iyong kaklase ang iyong
lapis.
A. sisigawan ang kaklase
B. iiyak ng malakas
C. sasabihin sa kuya
D. ipahihiram na lang ang lapis

20.Pinakiusapan ka ng nanay na ang bunso mong kapatid na lang ang bibigyan ng baon.
A. magtatampo sa nanay
B. uunawain si nanay
C.magagalit sa kapatid
D. magpapakabusog na lang bago pumasok

You might also like